Vengeance (COMPLETED)

By 10yearslater

232K 3.5K 283

Atty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successf... More

Disclaimer
Acknowledgement
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
EPILOGUE
Special Thanks
Note for the Closure Chapter
Closure

Chapter Eighteen

3.8K 77 10
By 10yearslater

Vengeance Chapter 18

Announcement

---

NATANGGAP ako sa trabahong inapplyan ko sa tulong na rin ni Jace. Kaso lang nasa Finance Department sya kaya bihira kaming magkasama. Sa HR Department ako at mabait naman ang manager namin. May mga nakilala rin akong mga bagong katrabaho.

Minsan kapag lunch break, nakakasabay ko si Jace sa cafeteria at nililibre nya ako. Minsan naman, nagkikita kami sa Department nila kapag nagpo-photo copy ako o kaya kapag nauubusan ng type writing.

"Hi, Winter. Coffee?" Napatingin ako sa lalaking may matangos ang ilong at naka-undercut. Nakalong sleeves sya na nakatupi hanggang siko.

I smiled at sumulyap sandali sa pino-photo copy ko.

"Thanks, King." I grab the coffee he's offering me. "Last na 'to okay?"

"Akala ko ba mahilig ka sa kape?" He asked.

"Oo dahil inaantok ako. Pero... kaya ko namang bumili ng sarili kong kape.", I shut down the xerox machine at kinuha lahat ng na-photo copy ko.

"Teka. Iiwan mo na naman ako!"

I start walking when he protested behind me.

"Marami pa akong trabaho, King."

Pero patuloy pa rin sya sa pagsunod sa akin. Hindi ko sya maintindihan. Unang linggo ko pa lang dito sa Cornelia, sinusundan na nya ako. Ka-department nya si Jace at alam ni Jace ang mga kabulastugan ng lalaking 'to.

Mag-iisang buwan na ako dito... at ganyan pa rin sya. Hindi naman nya dine-declare na nililigawan nya ako... sadyang malandi lang sya.

Cornelia H ang pangalan ng company  na 'to. Don't know why. Basta marami rin silang produkto. Ito ang main building at pwera pa yung ware house na hindi rin naman malayo dito. Nasa 20th floor ang office of the President (iyon ang nakalagay) dahil doon naka-stay yung may-ari. Yung finance ay nasa 15th floor. Kaming mga HR, nasa 19th floor.

I pressed the botton nung nasa harap na ako nang elevator. Si King, nakasunod pa rin sakin. I took a gulp on the coffee nang nagbukas yung pinto. Natuwa pa ako dahil matatakasan ko na ang ka-anuhan ng lalaking iyon. Bawal kasi sila sa ibang floor kapag hindi importante ang sadya. Nawala kaagad ang ngiti ko nang hahakbang na ako papasok.

I am in shock when I looked at his eyes. Nakatitig din sya sakin na parang matutunaw ako.

Isang buwan ko na sya'ng hindi nakikita 'ni nakaka-usap. Medyo malaki ang pinagbago nya sa loob nang isang buwan na yun.

At bakit sya nandito?

I faced my fears. Pumasok ako sa loob at pinindot ang 19. Kaming dalawa lang ni LG sa loob. Dahil makintab yung wall nang buong elevator, I can see our reflection on it. Minsan ay nagkakatinginan kami kaya pinipigilan ko yung sarili kong tumingin sa kanya.

Maya't maya ang buntong hininga ko dahil feeling ko ang hirap huminga kasama sya.

"Dito ka na pala nagtatrabaho." I heard him said.

"Ah. Oo." I replied. Sakto namang bumukas na yung elevator sa floor ko. Hindi ako nagpaalam sa kanya dahil hindi ko rin alam. Nahihiya pa rin ako sa nangyari at wala manlang closure sa relasyon namin.

Pagbalik ko sa table ko, chineck ko ang mga napa-photo copy ko at inayos.

"Winter. May meeting daw after 30 minutes. May big announcement daw si Sir Greg." Sabi nang manager namin at inabot ko sa kanya yung ilang papel.

Tumayo ako at dumiretso nang CR para mag-retouch ng make up. Simula nung pagkabalik ko dito sa office, hindi maalis sa isip ko si LG. He's a lawyer, anong kinalaman nya sa Cornelia?

Paglabas ko ay nakasabay ko ang manager naming si Ma'am Kim. Nasa mid 30s na sya pero batang-bata pa rin ang itsura.

"Ano po ba ang pagme-meetingan ma'am?" I asked. Bakit kasama pa kaming mga empleyado lang? Kadalasan naman yung mga manager lang at yung mga matataas lang ang posisyon ang pinapatawag.

"Ipapakilala yata ni Sir Greg yung bagong magmamana nang kumpanya nya. You know. He's getting older, kailangan na nang bagong tagapamalakad.."

"Hmmm. Sino daw po?"

"We all don't know. Wala naman sya'ng nababanggit. It's just... bigla-bigla nalang na ia-announce nya kung sino ang bagong tagapagmana." She laugh.

"Ah. Ma'am? Bakit nga ba Cornelia H ang pangalan ng company natin?" I asked.

"Cornelia. The name of Sir Greg's wife. H means Harrington. Yun ang surname nila eh."

Harrington?! Wtf?

"This company is originally owned by Ma'am Cornelia. Nang mamatay ang mga magulang ni Ma'am, nalugi 'to. Then with the help of Sir Greg, nakabawi sila. They got married and changed the company's name into Ma'am Cornelia's name. Dahil may contribution si Sir Greg, ginawa nilang Cornelia H."

"Harrington po ang surname nila?" I asked.

"Oo."

Tumango-tango lang ako hanggang sa makarating kami sa conference room. Umupo ako katabi ni Ma'am Kim. Maya-maya lang dumating sina Jace kasama ang buong department. Tumabi sya sa akin at ngumiti.

"Ginugulo ka na naman ba ni King?" He asked me.

"Hmm. Binigyan nya ako ng kape kanina. Nakita nya akong nagpo-photo copy."

"King ina talaga nang lalaking 'yon."

"Hayaan mo na sya. Mabi-bwisit ka lang."

"Sinabi ko kaya sa kanya na boyfriend mo si Kuya."

Napatingin ako sa kanya nang wala sa oras. Anong sabi nya?!

"Sira ulo ka." I said in a whisper. Ngumisi lang sya hanggang sa tumawa nang tumawa. Ako naman umirap na.

Maya-maya ay pumasok na si Sir Greg sa conference room. Tumayo kaming lahat hanggang sa makarating sya sa pinaka-unahan.

"Good afternoon everyone. I set this meeting to announce my biggest announcement." Ngumiti si Sir.

"Matagal-tagal ko na ring inalagaan ang kumpanyang 'to. Importante 'to sa amin ng asawa ko and I think it's time para ang anak ko naman ang humawak nito. I know he can do better. Alam kong mas tataas ang sales kapag sya na ang mamumuno."

"So ladies and gentlemen. Give a round of applause to my son."

Lahat kami ay tumingin sa may entrance door.

"Mr. Luke Greyson Harrington."

Nagkatingin kami ni Jace. Lahat pumapalakpak at nakangiti... maliban sa akin.

Dahan-dahang lumakad si LG papunta sa harap, sa tabi ni Sir Greg. Ngayon ko lang na-realize na magkamukha sila.

Sir Greg tapped the shoulder of his son.

"I'm waiting for this moment to happen and finally, son. You're gonna be the next to me. Or probably better than me." They both laugh. Muling nagpalakpakan ang lahat. Nagkunwari nalang akong masaya at pumalakpak din.

"Then probably we're having a big celebration event for my son. At dahil part na kayo ng Cornelia H, invited kayong lahat. I will officially announce this thing sa event na 'yon. Na ang anak ko na ang magmamana nang Cornelia H. Sa ngayon hindi pa finalized and date. I'll just inform you all."

"Son? May gusto ka bang sabihin?"

"Thanks, dad. Anyway. I just want to say thank you for your warm welcome. I'm excited to work with you guys."

He looked at me. Kinilabutan ako sa titig nya.

He's a lawyer! Anong kinalaman nya sa business industry? Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kasama na naman ba 'to sa laro ng tadhana?

Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa amin, I keep myself busy para hindi ko sya maisip. Nag-focus ako sa pamilya ko. Pero ngayon... paano ko sya makakalimutan?... yung mga nangyari kung sya ang magiging boss ko?

Pagkatapos ng meeting, isa-isa nang nag-alisan ang mga tao sa conference room. Dahil kasama ko si Ma'am Kim, sumunod lang ako sa kanya. Sinabayan ako ni Jace sa elevator.

"Okay ka lang?"

"Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Nagulat din ako."

"Bakit di mo sinabing ito yung company nila LG?"

"Dahil abogado naman sya. Hindi nya hilig ang pagpapatakbo ng negosyo. Malay ko bang papasukin nya 'to. I thought it's just fine when I didn't tell you na company nila 'to."

"Mag-resign na kaya ako."

"Oh, no no! You can't do that. Remember the reasons why you're working. Blood is thicker than water. Unahin mo na ang pamilya mo kaysa magpa-apekto sa naramdaman. Remember the last time na nagpadala ka dyan sa damdamin mong yan? Nasaktan ka lang."

"Ang dami mong alam Jace. Mauna na ako!" Bumukas ang pinto nang elevator sa 19th floor. "Sabay tayong umuwi." I said and walk straight to my table.

Pag-upo ko, napansin ko kaagad yung cup of coffee. WTF? Hindi kaya nerbyosin na ako nang bongga nyan.

Have a nice day.

May nakadikit pang sticky note. Sira ulo talaga yung King na yun. Pupurgahin yata ako kape.

"Hmmm. Coffee from your secret admirer again." Ma'am Kim said behind me.

"Pinagti-trip-an lang ako ni King, Ma'am. Hindi marunong magseryoso ang taong yun."

"Malay mo naman."

"Naku ma'am. Hindi. Sinasabi ko sa inyo... hindi po."

"Ah. Boyfriend mo pala ang Kuya ni Jace? Kaya pala close kayo. Future brother-in-law mo sya."

"Hindi ma'am!"

"Narinig ko kayo ni Jace kanina..."

"Joke lang yun ma'am." I said.

"Jokes are half meant."

Nagpatuloy na sya sa paglalakad at umupo sa table nya. Hindi pa rin mawala sa isip ko si LG. I can't imagine myself working with the same company as him.

Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya bakit nya pinasok ang pagnenegosyo? Sabagay. Dalawa lang silang magkapatid ng Ate nya kaya siguradong sya talaga ang tagapagmana.


SEVEN o'clock ang kadalasang out ko. Dahil si Jace ang kasabay ko umuwi ngayon, kailangan ko pa sya'ng hintayin dahil 7:45 pa ang out nya. Inayos ko ang table ko. Nagtapon ako ng mga papel-papel at ako na mismo ang nagtapon ng mga naipong kalat ko sa ground floor. Wala na naman akong gagawin, natulungan ko pa yung mga nasa maintenance.

Sumakay ako nang elevator. Pagbaba ko sa ground floor sa quarters ng maintenance, narinig ko kaagad ang malalakas nilang tawanan.

I am about to say hi to them... when our eyes met.

"Ma'am Winter! Kayo pala." Salubong sa akin ni Mang Carlos. Agad nya'ng kinuha sa akin yung mga dala kong basura.

Napatingin ako kay LG na naka-upo sa maliit na sofa kaharap yung ibang mga janitors. Lahat sila nakatingin din sa akin.

"Sabi ko naman po sa inyo, kami na ang bahalang mangolekta nito sa hating gabi. Naiistorbo pa po kayo sa pagbaba dito." He said.

I smiled. "Naku. Wala po 'yon. Pa-out na rin po ako. Tapos na po ang trabaho ko, hinihintay ko nalang po mag-time." I said.

"Diba, 7PM lang ang out ng mga HRs? 7:40 na Ms. D'Annunzio. Di ba sobrang late na ang departure mo?" LG spoke. Ngumiti sya at parang gusto ko na lang pumikit.

"Ah. Sir, tsaka may hinihintay pa ako sa Finance." I formally said.

"Sino? Your King?" Tumaas ang isang kilay nya at hindi ko alam kung ano ang gusto nya'ng iparating... nagseselos ba sya?

Gusto kong isipin yun..

"Si Jace po, sir." I corrected him.

"Opo, Sir. Si Sir Jace ang hinihintay nyan lagi pauwi." Sabat ni Mang Carlos.

"Bakit sila ba?" Sarkastikong tanong ni LG.

"Hindi sir. Yung Kuya po ni Sir Jace ang boyfriend ni Ma'am kaya todo bantay si Sir Jace sa kanya." Mang Carlos laughs while I'm still in shock.

Kumakalat na yata sa buong building na boyfriend ko ang kuya ni Jace. Si Ma'am Kim lang ang alam kong may alam... bakit pati si Mang Carlos alam nya?

"Naku. Mang Carlos, hindi ho." Tumawa ako kunwari. "Sige ho, mauna na akong umuwi."

"Sir LG. Mauna na po ako." I adieu.

"Wait! Sabay na tayong umakyat." LG smiles. Bwisit na lalaki 'to!

Sinabayan nya ako sa paglalakad. Sabay din kaming pumasok sa elevator. May nakasabay kaming isang janitress na agad ding bumaba sa 5th floor. Kami nalang ang naiwang dalawa kasama nang basurahan na wala nang laman na hawak ko.

"Dito ka na pala nagta-trabaho huh?" He broke the silence.

"Oo."

"You're avoiding me, aren't you? Kanina ka pa nung nakasabay din kita sa pag-akyat." He asked. Tumingin lang ako sa repleksyon naming dalawa sa pintuan ng elevator.

"Come on, Winter. Don't act like you're not yet moved on. One month is enough. Wala lang sayo yung mga nangyari dati dahil sanay ka na sa mga gawaing ganun."

That's an insult. At mas nakaka-insulto dahil galing mismo sa mga bibig nya.

He changed alot. Hindi ko alam kung nagbago ba sya o ganyan na talaga ang ugali nya dati, hindi nya lang inilalabas.

Continue Reading

You'll Also Like

296K 5K 45
She, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the wor...
84.3K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
61K 3.3K 38
Isang malusog na sperm. Ito lang ang kailangan ni Virgou sa lalaking nakitaan niya ng katangian para maging ama ng kanyang anak. Si Zerriko Gray. E...
6.1K 113 1
The Mauricio "Mawi" Mackelroy Story