My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 25

215K 4.3K 219
By Aljane_Rose

Sorry talaga sa sobrang late ng karugtong ng story na to. Sobrang busy lang talaga. Muntik na akong maiyak sa mga bumati noong birthday ko. I love you my beloved readers!! Naappreciate ko yung pagcomment niyo. Natouch talaga ako sa inyo. T_T. Comment ulit :).As I promised, I dedicate this chapter to this list of my readers;

Ariesjean1985
maxidudz
lovingjess13
mjd0616
lobsey01
BernardRebaya
2ATAYLOR4
WyndhamArchers
cyrusmay17
yummymontenegro
sagittarius143
pinkishblue08
ZilistarcLlona
lhekxie
Sw8_angel18
pressettia
boobybird27
JennylenDivino

Salamat sa pagbati ulit hanggang sa next update. :)

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Nang imulat ko ito ay umaga na. Napahaba yata ang tulog ko. Napansin ko ang kwarto ko na iba ang disensyo. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong may nakadagan sa bewang ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita na mahimbing na natutulog si Clyde. Inalis ko ang buhok na nakatakip sa mata niya at nasilayan ko ang maamo niyang mukha. Gusto ko siyang titigan buong araw.

Ang mga mata niya na kapag tumitingin sa akin na parang ako lang ang nakikita niya, ang ilong niyang matangos at ang mapupula niyang labi. Hinaplos ko ito at nagulat ako ng marahan niyang kinagat ang daliri ko. Kanina pa ba siya gising?

Minulat na niya ang mga mata niya. Nagising ko yata siya,"Good morning,baby"hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

"Good morning" bati ko.

"Bakit gising ka na? Matulog ka pa."pumikit ulit siya.

"Natatamaan kasi ng sinag ng araw ang mata ko kaya hindi ko na magawang matulog" naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at lumipat ako sa kabilang side ng kama niya. Nagkapalit kami ng pwesto.

"Hindi ka na masisinagan ng araw kaya tulog pa tayo. Gusto kong katabi ka buong araw." Hindi na ako inaantok.

Hinawakan ko ang pisngi niya, "Hindi pwedeng nakahiga lang  tayo buong araw,baby. Hindi na rin mauulit ito."

"Bakit hindi na mauulit? Ayaw mo na ba akong katabi sa kama?" Namula ako sa sinabi niya. Hindi kasi maganda na sa iisang kama kami natutulog. Boyfriend ko siya pero hindi asawa.

"Mali na natulog tayo sa iisang kwarto. Kapag nalaman ito ng iba ay mag-iisip sila ng masama kung ano ang ginawa natin."

"Huwag mo silang isipin dahil wala silang pakialam kung anuman ang gawin natin. Kung gusto kitang halikan ngayon ay gagawin ko" hinalikan niya nga ako. Nagtagal rin ito at nang mahiwalay kami ay nakangiti siya.

"See...Hindi ko na kailangang magpigil kapag gusto kitang halikan at yakapin kapag magkasama tayo. Walang silang karapatang alamin ang mga ginagawa natin. Ang mahalaga ay ikaw at ako."

Pumikit ulit siya pero gusto ko na talagang tumayo.

"Clyde, bumangon na tayo. Umaga na at may mga trabaho pa tayo."

"Wala tayong trabaho ngayon."

"Ano?"Ano ba ang sinasabi niya.

"Tinawagan ko si Sarah na hindi ako tatanggap ng kahit anong appointment ngayon at pinasabi ko na rin na hindi ka papasok para masabihan ang head niyo."

"Bakit mo ginawa yun?"

"Kailangan ba may dahilan kapag gusto mong makasama ang taong mahal mo. Kung pwede nga sana dito ka na lang tumira para wala na akong problema." Tinanggal na niya ang braso niya sa bewang ko at bumangon na. Anong nangyari sa kanya?

Bumangon na rin ako,"Kung gusto mong maligo ay gamitin mo na lang ulit yung damit ko" Lumabas na siya ng kwarto. May nasabi ba akong ikinagalit niya? Maganda naman ang gising niya pero bakit bigla na lang siyang hindi namamansin?

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako para hanapin siya. Nakita ko siyang nasa kusina,"Anong gusto mong kainin at ipagluluto kita."

Alam kong narinig niya ako pero hindi man siya lumingon. Hindi ba niya ako titingnan?

"Ikaw na bahala,Sandra." Balik na naman sa Sandra ang tawag niya. Akala ko ba 'baby' ang tawagan namin.

Nagtungo na ako sa ref. niya para maghanap na pwedeng lutuin. Kumuha ako ng bacon, hotdog at itog para iprito. Minsan ay tumitingin ako sa gawi niya pero hindi pa rin siya nakatingin sakin. May nagawa ba akong ikinagalit niya?

Natapos na akong magluto at nilagay ito sa lamesa. Nagtimpla na rin ako ng kape at orange juice dahil hindi ko alam kung ano ang iniinom niya sa umaga. Ayaw naman niya akong pansinin baka hindi rin niya ako sagutin kung magtatanong ako.

Nagsimula na kaming kumain pero wala akong gana. Hangga't hindi ko alam kung anong problema namin.

"Clyde-"

"Baby, pwedeng dito ka na lang tumira?" Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko hindi siya seryoso sa sinabi niya kanina.

"Clyde, alam mong hindi pwede ang gusto mo."

"Bakit hindi pwede,Sandra? Akin ka naman di ba? Bakit hindi ko pwedeng angkinin ka at tumira dito kasama ko?" Nakakunot na ang noo niya. Hindi niya ba makita ang problema.

"Boyfriend lang kita, Clyde. At hindi ko kayang ibigay ang gusto mo." Natahimik siya at hindi na muling tumingin sakin.

Kahit mahal ko siya ay hindi ko kayang makipagleave-in sa kanya,"I have a better idea how we are going to solve this  problem, Sandra."

"What is it?"

"Let me change your name with mine. In that case, there are no restrictions or limitations when we are together and you will be officially mine." Nabitawan ko ang hawak kong kutsara. Nagpopropose ba siya?

"What do you think, baby?"

Napatayo ako sa upuan ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya,"Nagpopropose ka ba, Clyde?"

Tumayo rin ito at lumapit sakin,"Yes. Kapag tinanggap mo ang proposal ko ay magiging akin ka na talaga. You can't run away from me and you will stuck with me,baby"

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko akalain na ganito siya kaseryoso sa relasyon namin. Mahal namin ang isa't isa pero hindi pa ako handa."I c-can't."

Hinawakan niya ang pisngi ko para tumingin sa kanya, "I thought so. I know that you are not ready to face another stage of our relationship but remember this, your future is to be my wife and to be the mother of my child, baby"Then he kissed me. This man will be my partner someday and I know that I can't love anyone else but him.

Humiwalay ako sa kanya,"Bakit ayaw mo akong pansinin kanina?"

"Sa tingin mo ba kaya pa kitang tingnan pagkatapos mong maligo at suot mo pa ang damit ko. Hindi mo lang alam kung gaano ko kinokontrol ang sarili ko na pigilan itong nararamdaman ko."

Nagtaka ako sa sinagot niya, "Ano ba ang nararamdaman mo?"

"Its a guy thing. Only man can understand what I've been through when a girl went out of the shower wearing their clothes" Ano yun? Itanong ko kaya kay Brix para malaman ko naman kung ano ang pinagdadaanan niya.

Tumunog ang cellphone ni Clyde. Tinitingnan ko lang siya habang kinakausap niya yung tumawag sa kanya.

"Is he okay?" Hindi kaya si Lance yung pinag-uusapan nila.

"Huwag niyong hayaan na umalis siya sa hospital. Pupunta na ko."binaba niya ang cellphone niya at humarap sakin.

"Baby, I need to go. Do whatever you want to do. I need to speak to someone."

"Si Lance ba yung pinag-uusapan niyo kanina?"

Napabuntong hininga ito, "Yes. Nagpupumilit siyang lumabas na ng hospital at kailangan kong pumunta doon"

"Pwede bang sumama? Please gusto ko lang malaman kung okay siya"pumayag si Clyde. Sana ay maging maayos ang pagkikita ulit namin.

***********

Bumaba na kami ng kotse niya at dumeretso sa receptionist.

"What room Lancen Mercado is?"

"He is in room 308, sir" hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo kami sa room ni Lance.

Nang makita na namin ang room ay binuksan na agad ni Clyde ang pinto at nakita kong nagbabasa ng magazine ito.

"Sa wakas dumating ka na kuya. Bakit ayaw mo akong lumabas sa hospital?"

"Hindi ka pa magaling kaya dumito ka lang." Nakita ako ni Lance.

"Nagkita ulit tayo, Cassandra. Binibisita mo ba ako." Ngumiti ito pero hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

"Huwag mong kausapin si Cassandra. Nandito lang kami para alamin kung okay ka lang." Ang cold ng magkakasabi ni Clyde kay Lance.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya at nakainom lang ako kagabi kaya nagawa ko yun. Hindi ka pa ba sanay sakin kuya."

Bakit kanina pa niya tinatawag na kuya si Clyde? Anong relasyon ng dalawa.

"Kaya ko pang pagbigyan ang mga prank mo kung hindi mo dinamay si Cassandra. Hindi mo dapat ginagawang biro ang paghalik sa girlfriend ko."

"Dati ko pa naman ginagawa ito sa mga kasama mong babae. Ano ba pinagkaiba ni Cassandra sa kanila?"

"Wala akong pakiaalam kung halikan mo ang lahat pero huwag ang pagmamay-ari ko. Sa akin lang si Cassandra. Kaya kahit pinsan kita ay hindi ko hahayaan na gawin mo sa kanya ang ginagawa mo sa iba."

Ibinaba ni Lance ang magazine na binabasa niya, "Ganyan ka ba kaseryoso sa kanya, Clyde?" Nag-iba na ang tawag ni Lance. Kinakabahan ako sa takbo ng usapan nila.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo, Lance. Hindi ka  pwedeng umalis dito hangga't hindi pa magaling ang mga pasa mo. Mag-aalala si tita sayo."

"Ikaw kaya ang may gawa nito kaya nagiguilty ka lang kapag nakita ni mommy ito."

"Kasalanan mo yan. Bago ko makalimutan, say sorry to my girlfriend!" Tumingin sakin si Lance at nagsorry.

"O-Okay lang, Lance." Tumingin sakin ng masama si Clyde.

"Hindi okay sakin ang ginawa niya kaya huwag mong sabihin na okay lang sayo, Cassandra. Baka ulitin niya ang paghalik sayo at babalik rin siya sa hospital." Napaubo si Lance. Napakapossessive niya kahit sa pinsan niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Tumingin ito sa amin at pumunta siya sa gilid ng kama.

"Sir, icheck ko lang po yung kondisyon niyo" ginawa na nito ang trabaho niya. Nakatingin lang kami ni Clyde kay Lance.

Seryoso pa rin ang expression niya kaya hinawakan ko ang pisngi niya para tumingin  siya sa akin.

"Huwag ka ng magalit sa kanya. Hindi na naman niya uulitin kaya ngumiti ka na, baby"

"May bayad ang ngiti ko, bab-" hinalikan ko siya sa labi. Smack lang dahil may ibang tao sa room ni Lance at makikita kami.

"Ayan binigay ko na ang bayad ko sayo kaya ngumiti ka na"

"Bakit ang bilis naman ng bayad mo. Hindi ko man lang naramdaman. Ulitin mo ulit para ibigay ko ang sukli mo." Anong sukli ang sinasabi niya?

Hinalikan ko ulit siya pero pinigilan niya akong makalayo sa kanya. Tumagal rin ng isang minuto. I finally saw his smile.

Nakarinig kami ng ingay at nang tingnan namin ay nakatingin na sa amin yung nurse at si Lance.

Nahiya ako kaya tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Clyde, "Kuya, sa kwarto mo dapat ginagawa yan at hindi sa hospital. Mas may privacy kayo dun. Huwag mo naman akong inggitin at baka hatakin ko na lang ang nurse sa tabi ko at gayahin kayo."

"Sir-" Sumilip ako kung ano ang ginawa ni Lance. Hinawakan niya ang kamay ng nurse.

"Gusto mong gayahin natin ang ginawa nila,miss nurse" hinatak ng nurse ang kamay niya at lumabas.

"Ang sungit naman ng nurse na yun." Hinawakan niya kaya ang kamay nung nurse at gusto halikan tapos magtatanong siya kung bakit siya nilayasan!

Tumunog ang cellphone ni Clyde. Nakatingin ako sa kanya habang binabasa ito, "I will take this call,baby. Lalabas muna ako."

Tumingin si Clyde sa gawi ni Lance, "Iiwan ko lang sandali si Cassandra dito. Binabalaan kita na huwag mong hahawakan ang girlfriend ko."

"Ano naman ang gagawin ko Kuya. Nakaconfine ako dito tapos gagawa pa ako ng kalokohan sa girlfriend mo."

Lumabas na si Clyde at naiwan kaming dalawa, "Gaano na katagal ang relasyon niyo ng pinsan ko?"

Nag-iba ang pakikitungo niya. Kung kanina ay nagbibiro siya pero ngayon ay ang seryoso niya, "Dalawang buwan na."

"Ngayon ko lang nakita siyang sobrang possessive sa isang tao. Ano ba ang ginawa mo bakit ganyan ka na lang niya ipagdamot sa ibang tao?"

"W-Wala akong ginawa para g-gawin ni Clyde yun."

He stared at me then he smirked, "I am not interested to know what you did to make him noticed you but I am more interested to know what might happen to him."

"What are you talking about?"

"Nakita ko na rin ang kahinaan niya at ikaw yun, Cassandra. Ano kayang mangyayari sa kanya kung kukunin ko ang pinahahalagahang babae sa buhay niya ngayon."

Continue Reading

You'll Also Like

448K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.6M 62.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.3M 30.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...