Nothing's Better Than This (M...

By astrophilexx

1M 8.1K 1.3K

"If two past lovers can remain friends, it's either they're still in love, or... they never were." More

nothing's better than this (mika reyes-ara galang fanfic)
Chapter 1
Chapter 2 - what was i thinking?
Chapter 3 - Mika
Chapter 4 - how painful can it get?
Chapter 5 - bad things happen to good people
Chapter 6 - Part I
Chapter 6 - Part II, Iloilo <3
Chapter 7 - spill it out
Chapter 8 - Day 1
Chapter 9 - let's call it a day
Chapter 10 - reality
Chapter 11 - dinner
Chapter 12 - finally made peace with THE past
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16 - Cienne's POV
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - irony
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 - a Third Party's Perspective
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 - The Ending
Epilogue

Chapter 15

19.4K 145 27
By astrophilexx

Author's POV

Lumipas ang ilang araw at same routines lang sina Mika at Ara, training buong araw at pagod na pag uwi sa gabi. Masasabi nating nawawalan na sila ng time para kina Ria at Clyde pero naiintindihan naman ito ng dalawa. Ganun pa rin si Ria kay Ara, understanding, aalagaan si Ara pag dating galing training. Same thing goes with Mika and Clyde. Napapadalas din ang paglabas nina Ria at Clyde dahil nga tinu-tour siya nito sa Manila, bagay na hindi magagawa ni Mika. Naging close na sila sa isa't isa at compatible naman sila sa maraming bagay. Pareho daw kasi sila ng sitwasyon. Sina Mika at Ara naman ay ganun pa rin, sweet, clingy, malakas magharutan. Tinutukso nga sila na baka daw mag exchange partners na lang sila, bagay na tinututulan naman nilang dalawa. Kahit pa kasi ganun silang dalawa umakto eh alam naman daw nila ang limits nila at pareho na nilang tanggap na hindi na sila sosobra pa sa pagiging bestfriends.

Kadarating lang nina Mika, Ara, at Kim sa Blue Eagle Gym kasi inilipat na dito ang venue ng trainings nila. Hinanap nila kung nasaan ang iba pa nilang teammates kasi mukhang walang tao sa gym.

Rachel: "Guys, over here! Bilis!" napatingin naman sila sa bandang likuran kung saan nagmula ang boses ng team captain nilang si Rachel Ann Daquis.

Agad naman silang pumunta doon na at nagsidatingan na din ang iba pa nilang teammates.

Aby: "Hi DaughterF! Missed you.. Hi Yeye, Kimmy!" binati sila ni Aby at ni hug sila isa isa.

Ara: "Anong meron dito?"

Alyssa Valdez: "Wala naman. Hinihintay lang natin si Coach. May announcement daw."

Kim: "Ano? Bagong teammate na naman? Baka ex na naman ng isa satin!! Hahahaha!"

Mika: "Gaga! Ikaw ba Kim may sama ng loob sakin?!"

Kim: "Hahaha. Bakit? May ni mention ba akong pangalan? Wala naman ah!"

Mika: "Che!"

Ara: "Affected ka pa, Daks? Hahaha. Lika nga dito!" kiniliti si Mika at naghabulan sila na parang mga bata.

Dindin Santiago: "Hoy! Baka magkatotoong mag eexchange partners na kayo ha?"

Natigilan naman silang dalawa at bumalik na sa bench kung saan sila nakaupo habang nagtatawanan pa rin.

Ara: "Di kaya! Mahal ko girlfriend ko noh."

Si Mika naman natahimik na lang. Sa kanila kasi, si Vic lang ang naging consistent na talaga sa feelings niya. Si Mika naman ay nasasaktan pa rin pero pinipilit na lang mag go with flow. Mahal naman niya si Clyde pero iba pa rin ang nararamdaman niya para kay Ara. Hindi na lang niya isinasatinig ito kasi mukhang tuluyan na talagang naka move on si Ara at sobrang into Ria na. Hindi naman siya naging cold kay Clyde or something, parang ganun pa rin tulad ng dati. Unlike Ara na bumalik na sa pagiging bestfriend niya na lang.

Ara: "Daks? Okay ka lang?" tinabihan si Mika.

Mika: "Oo naman.."

Ara: "Natahimik ka?"

Mika: "Wala lang.."

Lumapit sa kanila si Kianna Dy na may dalang pagkain.

Kianna: "Hi mga ate! Gusto niyo? Pizza.." nakita ni Vic na pizza yun galing sa Pizza Parlor niya.

Ara: "Dumaan ka sa Pizza Parlor kanina?"

Kianna: "Ay oo ate. Ang sarap eh. Parang araw araw akong nagccrave ng pizza nyo dun."

Mika: "Uy Tomsy, di mo pa ko nadadala dun ah. Pahingi nga niyan!" kumuha ng isang slice sa box ng Pizza at isinubo agad yun. "Shaaarrraaaaap! Tomshhy dalhin mo ko dun."

Ara: "Daks, hinay hinay lang. May training kaya tayo.." tumawa lang si Kianna at niyaya silang makipag usap kasama ang iba.

Kumakain pa rin si Mika. Pinag uusapan nila ang upcoming games nila sa Singapore, dun kasi ang Seagames this year. Excited naman silang lahat at todo kwentuhan pa rin nang biglang sumingit si Coach Ramil. Dumating na pala ito.

Coach Ramil: "Good morning, girls!"

Bomberinas: "Good morning, Coach!"

Coach Ramil: "Thank God it's Friday!"

Kim: "Weh? Yung totoo, Coach?! Panu kami magpapa thank you eh alam naming kawawa na naman kami sa training?"

Napatawa silang lahat.

Coach Ramil: "Hoy Fajardo, kung maiwan ka kaya dito at mag training habang kami mag rerelax? Okay lang sayo?"

Kim: "Anong meron?"

Coach Ramil: "Yan! Diyan ka magaling pag nakarinig na walang training! Anyhow, girls, since maaga pa naman, bibigyan ko kayo ng chance na umuwi muna at kumuha ng mga gamit. 1pm call time natin mamaya, magkita tayo sa Taft sa harap ng DLSU dahil doon maghihintay ang sasakyan nating coaster. Mag suSubic tayo!"

Rachel: "Wow!! Subic!!"

Nagsi apir ang Bomberinas sa mga katabi nila. Tuwang tuwa sila dahil wala na ngang training eh makakapag relax pa sila.

Ara: "Coach, pwedeng magsama?"

Agad pumasok sa isip ni Ara si Ria dahil chance niya na daw to para makapag bonding naman sila. Si Mika naman, walang ibang inisip kundi ang sana ma solo niya naman si Ara habang nagrerelax lang, hindi yung training lang ang nakakapaglapit sa kanila. Ni hindi man lang niya naisip ang boyfriend niya.

Coach Ramil: "Hindi pwede, Ara. Napansin ko kasi lately na nagkakanya kanya kayo. It's about time na kayo kayo lang na mag teammates ang mag bonding.."

Dindin: "Minsan lang to, Ara! Maiintindihan naman yan ng mga partners niyo."

Binigyan ni Dindin ng mapang asar na ngiti sina Mika at Ara. Si Mika naman ngumiti lang at natuwa dahil hindi pwedeng magsama ng iba.

Coach Ramil: "You are dismissed, girls. Be there by exactly 1pm." Humarap naman kay Rachel. "Rach, sama ka muna sakin sa office. May mga instructions ako."

Bomberinas: "Bye Coach!"

Nagsipag ayos na silang lahat at kani kaniya ng lumabas.

Aby: "Oh, pano? Kita na lang tayo mamaya?"

Ara: "Bye MotherF. See you later."

Tumungo na sina Mika, Kim, at Ara sa parking lot kung saan nakapark ang Hummer ni Ara. Pumanhik na sila sa kotse at umuwi na agad.

Walang tao pagdating nila sa bahay. Nagtataka sila kasi wala pa namang two hours nang umalis sila kanina.

Kim: "Oh? Nung umalis tayo, umalis din sila agad?"

Mika: nagkibit balikat lang si Mika. "Ewan, sige, pasok muna ako sa kwarto. Mag aayos lang ako ng gamit. Text ko na lang si Clyde, maiintindihan naman nun." at tinungo na ang kwarto niya.

Ara: "Ang aga naman ng lakad nila. Sana makasabay pa natin silang maglunch."

Kim: "Nagdududa na talaga ako Pare! Yang Clyde na yan. Naku! Mga two weeks na rin akong nagtitimpi sa pagiging antipatiko niya ha?"

Ara: "Ano ka ba, baka marinig ka ni Yeye. Baka kasi may lakad lang at nagpasama kay Ria. Tawagan ko na nga lang muna." naupo muna sila ni Kim sa couch sa sala.

Calling Ria :* ...

Number Busy

Ara: "Ineend ang call ko. Wait. Tawagan ko muna ulit."

Napailing na lang si Kim. Ayaw niya ng gumatong pa.

Calling Ria :* ...

Number Busy

Ara: "Busy talaga eh!" halata sa mukha nito ang inis. "Text ko na lang. Sige Pare, mag aayos na din muna ako. Ilang araw nga ba tayo dun?"

Kim: "Text mo na lang, baka naman may magandang excuse." tumayo na rin, kinuha ang phone magtetext din kay Mela para magpaalam. "Two nights, Pare. Balik na tayo sa Sunday."

Ara: "Saan ba tayo maglulunch? 10 na."

Kim: "Tawag ako sa grill mo, papadeliever na lang tayo.."

Ara: "Sige.."

Pumasok na si Ara sa kwarto niya para mag ayos ng mga dadalhin niyang gamit. Si Kim naman tumawag muna sa grill ni Ara para magpadeliever ng lunch.

Kim's POV

Nakakaramdam na ako ng kakaiba kay Clyde at Ria. Alam kong hindi magagawa ni Ria ito kay Ara, baka kasi wala lang naman talaga sa kanya at ginagawa lang niya to kasi nga busy kami sa training. Pero yung Clyde? Hay nako. Ewan ko lang dun. Mukhang chickboy, no wonder na parang walang gana si Yeye sa kanya. Wala namang nag iba sa pakikitungo ng apat sa isa't isa maliban lang sa pagiging sobrang close nina Ria at Clyde. Bahala nga sila. Ayoko na munang problemahin ang mga yun. Hindi ko na rin muna finifeed ng mga masamang instincts ko si Ara baka kasi mali naman ako, at pag nag away ang mga yun ako pa ang sisihin.

Ayun, nagreply na si Mela na okay lang daw na hindi na matuloy ang dinner date namin mamaya. Uuwi na lang daw muna siya sa probinsya at sa Sunday na lang babalik. Okay naman kami this past few days, nag sorry na ako sa kanya at nag sorry din naman siya sakin. Wag na lang daw namin pag usapan para hindi na kami mag away.

Natapos ko ng ayusin ang mga gamit ko, nakaligo na rin ako. Palabas na ako sa kwarto nang may nagdoorbell. Yung delievery na siguro yon. Ako na lang lalabas, mukhang hindi pa tapos yung dalawa.

Delievery Boy: "Ma'am Kim, eto na po yung mga pinadeliever niyo.."

Kim: "Salamat, Sam. Kamusta ang grill?" parang ako ang may ari ah. Hahaha

Sam: "Ah. Wala naman pong problema. Itatawag na lang namin kay Ma'am Ara kung meron man. Sige po. May delievery pa po ako sa kabilang subdivision."

Kim: "Sige Sam. Salamat.. Mag ingat ka."

Sam: "Opo Ma'am. Salamat po. Kayo rin."

Isinara ko na ang gate at pumasok na sa loob. Nakita kong may hinahanap si Ara. Ako siguro.

Ara: "Oh? Nandiyan ka pala. Tara, kain na tayo. 11 na oh. Teka, asan ba si Mika."

Mika: "Present!" sumulpot galing sa likuran ni Ara at may dalang malaking maleta. "Uyy Ate Kimmy, lunch na ba natin yan? Timing! Gutom na ko!"

Kim: "Hoy Wafs, two nights lang tayo dun! Hindi two months!"

Mika: "Paki mo? Akin na nga yan!"

Inagaw sakin ni Mika ang pagkain at naunang pumunta sa kitchen para ayusin ang mga 'to. Tumawa lang si Ara, iniwan muna ang dalang backpack sa sala at dumiretso na kaming dalawa sa dining area.

Kim: "Oh? Nasaan daw si Ria, bakit daw hindi sumasagot?" kumakain na kami ngayon.

Ara: "Pumunta daw sa office pagkatapos ihatid si Clyde sa Mandaluyong. Hindi na daw makakasama satin maglunch kasi late na.." sumubo muna at nagsalita ulit. "okay lang naman daw sila ni Clyde dito. Wala daw ako dapat ikabahala."

Sabay naming tiningnan si Mika.

Mika: "What?"

Kim: "Anong what? Eh yung Clyde mo nasaan?"

Mika: "Ah.. May ni meet daw na classmate niya nung junior high na umuwi din dito."

Kim: "Really?!" nabigla naman ako sa sarili ko. Sarcastic kasi ang pagkakasabi ko, buti di naman ako pinatulan ni Mika na nag coconcentrate sa pagkain niya.

Ara: "Bilisan niyo na, ma le-late tayo, baka pa tayo maiwan!"

Binilisan na nga naming kumain. Tumawag ako sa guardhouse para magpadala ng taxi dito sa bahay. Ayaw na ni Ara magdala ng kotse papuntang Taft kasi wala naman siyang mapag iiwanan dun.

Dumating kami sa Taft 5 mins after 1pm. Kami na lang yata ang hinihintay kasi nandito na silang lahat. Uy chamba! Wala pa si Coach Ramil, naunahan namin, di kami mapapagalitan!

Rachel: "Ang tagal niyo! Kayo na lang hinihintay! Di kasama si Coach so save that grin Kimmy! Ako daw ang magagalit sayo ngayon kasi alam niyang late na naman kayo.." oops. "Hi Ara, hi Yeye! Tara, mahaba pa ang biyahe.."

Kim: "Bat ako lang pinagalitan? Pareho naman kaming late ah!"

Rachel: "Yun ang bilin ni Coach Ramil. Ikaw lang ang pagagalitan pag na late kayong tatlo."

Pinagtawanan nila ako, napakamot na lang ako ng ulo. Umakyat na kami sa coaster at kanya kanya ng pwesto sa mga upuan.. As usual, magkatabi na naman ang mag bestfriends with benefits! Ako naman, tumabi kay Alyssa sa likod. Medyo malayo ang kinauupuan  namin kina Ara.

Kim: "Pards! Tayo na naman ang magkatabi!"

Alyssa: "Oo nga! Kaya mo lang naman ako katabi kasi no choice ka! Hahaha! Dati naman kayo lagi ni Ara ang magkatabi pag may lakad tayong ganito."

Kim: "Paano ako tatabi dun eh kung pumulupot si Mika dun akala mo naman siya ang girlfriend."

Alyssa: "Hahaha! Oo nga eh. Uy, speaking of...nakita ko pala kanina nag la-lunch si Ria may kasamang lalaki."

What? Sana naman hindi si Clyde yun, baka officemate lang. Kung si Clyde kasi yun, mabuti kasi hindi siya kilala ng iba pa naming teammates, gulo na naman yun pag nagkataon. Ayon kasi sa mga sinabi ng dalawa kanina mukhang hindi naman magkasama sina Clyde at Ria. Hay nako.. wag naman sana. Ayoko ng magka issue pa kaya erase erase na muna kung ano man tong iniisip ko.

Kim: "Baka officemate niya. Wag mo na lang muna banggitin kay Ara, baka hindi yun makapag relax pag nalaman niya.."

Alyssa: "Ganun ba? Okay.. Pero in fairness, ang gwapo nung guy. Baka boyfriend ni Mika yun? Kasi diba sila na lagi magkasama ngayon dahil parati tayong may training?" may tinatagong ka chismosahan din pala tong si Baldo.

Kim: "Excuse me, hindi gwapo ang boyfriend ni Mika! Hahaha. Baka gwapong officemate lang ni Ria yun."

Alyssa: "Baka nga.. Sige, tulog muna ako. Mahaba pa ang biyahe eh." buti di na nagtanong ulit.

Kim: "Ako din.."

Hindi ko na muna inisip ang sinabi ni Aly kasi ayokong mamroblema, baka hindi pa ako makapag relax. Ano yon? Sina Mika at Ara nageenjoy habang ako emo sa kakaisip ng mga lokohan ng mga partners nila? Di yan pwede sakin. Pero seryosong usapan, di naman ako makakapayag na magkasiraan sila, mga kaibigan ko kaya sila. Hay nako.. Tulog na nga muna ako.

Dapit hapon na ng dumating kami sa Whiterock Waterpark and Beach Hotel dito sa Subic Bay. Ang ganda naman dito. Sayang wala si Pango. Naku dadalhin ko yun dito pag di na busy. Tinext ko siya na dumating na kami. Tinago ko na ulit ang phone ko at humabol sa kanila papasok sa resort.

Mika: nakahawak sa kamay ni Ara. "Wow, Tomsy! Ang ganda naman dito!"

Ara: "Oo nga. Dadalhin ko si Ria dito next time."

Nakita kong nag iba bigla ang mood ni Mika sa sinabing yon ni Ara. Bumitaw siya sa pagkakahawak dito at sumabay sakin. Si Ara naman NR lang kasi may katext.

Kim: "Why the face?"

Mika: "Si Tomsy kasi. Ako na nga ang kasama puro Ria pa rin!"

Kim: "Ano ka ba? Siyempre girlfriend niya yun!"

Mika: "Alam ko naman eh.. Di ko lang maiwasang masaktan."

Kim: "Hay nako Mika. Boyfriend mo kaya pagkaabalahan mo. Baka di mo asahan mawala pa yun sayo."

Mika: "Di noh? Mahal kaya ako nun.."

Kim: "Tine-take for granted mo naman. Bahala ka.. Pag yun naghanap ng iba, alalahanin mong pinagsabihan kita ha?"

Mika: "Hmmm.. Di yan. Mahal nga kasi ako nun."

Kim: "Wag masyadong confident."

Sasagot pa sana si Mika pero tumigil muna kami kasi may announcement yata si Captain Rach.

Rachel: "Girls, iisang Villa lang kinuha ni Coach Ramil para sa ating lahat. May apat na rooms ang isang Villa so tatlong tao per room. Kayo na ang bahalang pumili kung sino ang makakasama niyo."

Itatanong niyo pa ba kung sino makakasama ko sa room? Naku. Nakakaumay kasama ang dalawang to, magpapaka clingy na naman tapos ako nganga lang sa tabi. Anyway, pumunta na kami sa Villa at inayos ang mga gamit namin. Lumabas na daw kami agad kasi may nakahanda ng dinner para samin sa restaurant.

Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan kaming mag night swimming. Nandito na ulit kami sa room namin para magpalit ng swimming attire. Nakita kong lumabas si Mika sa banyo na naka two piece lang.

Ara: "Daks wala ka bang pang cover diyan? Masyadong revealing!"

Mika: "Bakit? Di naman malaswa ah!"

Ara: "Kahit na! Magpalit ka na lang ng kahit anong top at magshorts."

Mika: "Ayoko nga!" dali daling tumungo sa pinto para makalabas na.

Ara: "Daaakkkkssss!!!"

Mika: binuksan ulit ni Mika ang pinto, "BLEH!" :p

Napatawa na lang ako. Ang kulit talaga ni Mika. Ako naman nagsuot lang ng board shorts at sando. Ganun din si Ara. Sabay na kaming lumabas at pumunta na sa beach.

Aby: "Ang lamiiiiiig!"

Kim: "Dun kasi tayo sa mas malalim Ate para hindi ka lamigin!"

Naglaro kami ng habulan. Si Ara at Mika naman todo harutan na naman gaya ng dati. Ngayon lang sila nagkasama ulit mag swimming after 8 years kaya hinayaan na lang namin sila.

Nang mapagod na kami ay nag form kami ng circle sa buhanginan at gumawa ng bonfire. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain nga barbecue na pina order ni Ara. Kanina pa kasi nagpupumilit si Mika na gusto niyang kumain ng barbecue.

Gabi na kaya napagdesisyunan naming pumasok na sa villa at magpahinga kasi maaga pa raw kaming pupunta sa Zoobic at sa Ocean Park bukas. Naligo na muna ako at gumawa nga ritual sa banyo.

Pagkatapos kong maligo, humiga na ako sa isa pang bed na katabi lang din ng bed na inooccupy ni Ara at Mika. Agad kong hinanap ang phone ko para makapag goodnight muna kay Mela. Miss ko na ang panget na yun.

Nagulat naman ako na may 11 missedcalls at napakaraming messages akong natanggap galing kay Cienne.

From: Ciennang

OMG bully! May date ako ngayon. Guess who and guess where?

Hoy! Busy kayo masyado ah! Di man lang nagrereply! Sige na sasabihin ko na kung saan. Wag ka na mag guess pero reply ka muna.

Napailing na lang ako at natawa. Ginawa na naman akong diary ni Cienne! Si Ara at Mika busy pa rin sa usapan nila. Di ko naman sila marinig. Binasa ko na lang ulit ang mga natitirang messages galing kay Cienne.

Fine! Busy talaga! Dito kami sa Everyday Valentine! Naku! Di mo alam kung saan to. Exclusive kasi to para sa mga couples lang! Eh cheap ka kaya di mo pa nadala si Mela dito!

Inasar pa ko ni bruha ah! Uubusin ko munang basahin to bago ko siya replyan.

Guess who I'm with!!

Di talaga nagrereply oh!

Sasabihin ko na nga lang! I'm with Gayle Lim! Remember her? Yung nanghingi ng fansign natin kay Ate Wensh dati? Shttttttt!

Hahaha. Sorry, ang kulit ko! KV all over kasi. Ang romantic kse tlaga ng place.  Bawal friends dito! Dapat couples lang. Hahaha.

Wait ha.. Dinner muna kami. Sana makapagreply ka na. Tawagan kita mamaya pag tapos na date ko.

SHIIIIIIIIIIIIT!

Sagutin mo tawag ko!!! Importante!!!!

HOYYYYYY!!!!

Sumagot ka!!!!

Naiinis na ko dito sagutin mo!!!!

Ano kaya yun? Sinubukan kong tawagan si Cienne pero hindi ito sumasagot. Tinext ko na muna si Mela.

Kim: "Tama na muna ang harutan! Tulog na tayo.."

Ara: "Grabe ka naman. Matutulog na din kami. Goodnight, Wafs!"

Mika: "Goodnight, Kimmy!"

Kim: "Hahaha. Goodnight, bullies! Ang hindi magising bukas iiwan ha?"

Tumawa na lang kaming tatlo. Matutulog na sana ako nang mag vibrate ulit ang phone ko.

1 new message

from: Ciennang

Kanina pako nagtitimpi dito!!! Dinaig pa ng landian ni Ria at Clyde ang sweetness namin ni Gayle!!!! Fuck!!!!

Time check: 1:15 am. And may 7am class pa ako bukas! :)))) Vote and Comment please! :))))))

Continue Reading

You'll Also Like

656 55 23
Being already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it eith...
18.1K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
80.1K 3.3K 100
you'll never have to ask for more when you always have someone to lean on, but being with them all your life, what could be more? jisoo x taehyung ♤...
108K 3.4K 82
shortstories || a collection of pieces in random categories