Reyna ng Kamalasan: Zylie (Co...

By forgottenglimmer

47.5M 802K 134K

[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in... More

Chapter One- Zylie (July 29, 2011)
Chapter Two- Bosom Buddies (July 29, 2011)
Chapter Three- Earshot (July 30, 2011)
Chapter Four- Metaphors (July 30, 2011)
Chapter Five- Ménage (July 31, 2011)
Chapter Six- Surprise Pancakes (August 02, 2011)
Chapter Seven- Pronoia (August 07, 2011)
Chapter Eight- Bygone Times (August 08, 2011)
Chapter Nine- Restitution
Chapter Ten- Reel
Chapter Eleven- Push and Pull
Chapter Twelve- Pheromones
Chapter Thirteen- Malevolence
Chapter Fourteen- In Spite Of
Chapter Fifteen- Despite Of
Chapter Sixteen- Shanghaied
Chapter Seventeen- Espoused?
Chapter Eighteen- To the Carnival
Chapter Nineteen- The Venting Place
Chapter Twenty- Wrong Person
Chapter Twenty One- Buknoy's Ode
Chapter Twenty Two- Nightmare
Chapter Twenty Three- Let's Go Out
Chapter Twenty Four- My Organ
Chapter Twenty Five- Ice Creamed
Chapter Twenty Six- Sweet Face
Chapter Twenty Seven- Friendzoned?
Chapter Twenty Eight- Her Secret
Chapter Twenty Nine- The Ice Cream Man
Chapter Thirty- Catgirl, my heroine
Chapter Thirty One- Misunderstanding
Chapter Thirty Two- One Pancake Apology
Chapter Thirty Three- Those Three Parts
Chapter Thirty Four- Basorexia
Chapter Thirty Five- Be Careful for What You Wish for
Chapter Thirty Six- Dreams and Nightmares
Chapter Thirty Seven- Friends and Lovers
Chapter Thirty Eight- Psychology,Chemistry and all the Double Meanings
Chapter Thirty Nine- Confessions
Chapter Forty- Crystal Ball
Chapter Forty One- Oranges
Chapter Forty Two- Ex Wars
Chapter Forty Three- Rage
Chapter Forty Four- Magic Words
Chapter Forty Five- Blown
Chapter Forty Six- The Obvious
Chapter Forty Seven- Misreckoning
Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags
Chapter Forty Nine- Rebound
Chapter Fifty- Mistletoe
Chapter Fifty One- Eros
Chapter Fifty Two- Last Night
Chapter Fifty Three- Lies
Chapter Fifty Four- Evidence
Chapter Fifty Five- Balloons
Chapter Fifty Six- Love and Hate
Chapter Fifty Seven- Debts
Chapter Fifty Eight- Raining Inside
Chapter Fifty Nine- Accusations
Chapter Sixty- A Night Together
Chapter Sixty One- Kisses
Chapter Sixty Two- Shifts
Chapter Sixty Three- More Lies
Chapter Sixty Four- Mad Fall Guy
Chapter Sixty Five- Fall for You
Chapter Sixty Six- Fight for Us
Chapter Sixty Seven- Pain
Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy
Chapter Sixty Nine- Big C
Chapter Seventy One- Calm before the Storm
Chapter Seventy Two- Friends and Plans
Chapter Seventy Three- The Promise
Chapter Seventy Four- 2536
Chapter Seventy Five- Reaction Formation
Chapter Seventy Six- Silver
Chapter Seventy Seven- The Last Fight
Chapter Seventy Eight- Outset
Epilogue- Queen

Chapter Seventy- Square One

413K 7.6K 1.5K
By forgottenglimmer

:iamprincessria"Kung si Zylie, external part lang body nagkamalas-malas, sugat, bruises, pilay etc, si Cleo naman sa internal, puro Cancer. Gosh. Parehong malas ang nagustuhan ni Silver! Hahaha!"

SILVER's POV

“You can’t mess up with two girls. You can’t play with them. Kung gagawa ka ng kalokohan, wag ka ng mandamay ng mga babae. One moment you introduce a stranger to us. Some schoolmate whom we've never heard of!"

Sinabi yan ni dad pagkatapos ng insidente sa fire sprinkler system. Dahil sa mga nangyari, nakita niya si Zylie, alam din niyang escort ako ni Bettina sa Christmas ball, at nakita niya ang dalawa na sabay na nasa bahay nung insidente ng di umano’y sunog.

“Babae ang mommy mo.  Babae ang mga kapatid mo. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari kahapon. Pero ayoko ng nagpapaiyak ka ng babae. Ayoko ng may napapagbintangan. At ayoko na may nasasaktan. Lalo na’t nandito kayo sa pamamahay ko.”

“Yes, dad.”

 

 “Kung babalikan mo si Cleo, balikan mo na. Hindi yung naglalaro ka pa ng damdamin ng iba.”

 “DAD!!!!” Nagulat ako nung sinabi yun ni Daddy. Alam kong hindi yun random. Hindi niya lang yun sinabi kahit ang pinaguusapan namin eh sina Bettina at Zylie. Kung maririnig ng iba, malamang masama na ang iisipin nila sa’kin? Ilang taon lang ba ako? Middle school? Tapos tatlo-tatlo yung babaeng kadikit ng pangalan ko?

Pero… Ang tagal na bago nung huli naming napagusapan si Cleo Reese.

“Kausapin mo ang mommy mo… pero pagkatapos na ng detainment mo.”

After that, hindi na ako muna nagkaroon ng chance para makausap si mommy. Limang araw ako sa fire station para sa detainment. Pagkauwi ko, naabutan ko si Bettina accusing me things I allegedly sent her. Dumeretso agad ako kay Zylie kasi I know for a fact na nasa kanya ang phone ko. I left it nung natulog ako sa kanila. I immediately went there only to find her kasama si Buknoy kaya iniwan ko din siya. Isang malaking pagkakamali dahil dahil kasi doon, napahamak siya.

Napahamak si Zylie na hindi ko pa malalaman kung hindi niya kinonfront si Bettina nung time na pupuntahan sana namin si Cleo sa ospital…

I finally got the chance to talk to mommy bago yung araw na yun at sinabihan niya akong pumunta sa opisina. Para kausapin si Cleo.

Nang itanong ko kay mom what that is all about. Kung bakit kailangan ko pang pumunta sa ospital at kausapin si Cleo…

“No anak, you have to talk to her.” Mom insisted. At alam kong hindi yun basta statement. It’s an imperative. It’s not often that mom commands me around with things, kaya alam kong importante ito.
 

“Why can’t  you just tell me mom? Tungkol saan ba yun?” giit ko. Ayoko kasi lahat eh yung pakiramdam na ganito. Nabibitin. Alam naman ni mommy pero ayaw niya pang sabihin.

“Hippocratic oath and secrecy.” Dun palang kinabahan na ako.

Hindi ko alam ang gagawin nung mga oras na yun. I just can’t drag Zylie into it. Ni hindi nga niya kilala si Cleo. I know she’s heard of her, at nakita pa niya mismo yung isa sa mga video namin, thanks to Orange. Pero hindi sila magkakilala. And who’s in the right mind to drag his girlfriend to meet an ex? Who does that? Lalo pa nung panahong yun na magulo kami ni Zy.

Kaya ang una kong naisip eh si Bettina.

I asked her to accompany me para samahan ako sa ospital sa kabila ng lahat ng nangyari. Siya lang din naman ang napapagkwentuhan ko ng tungkol kay Cleo. Too bad she assumed a lot kaya nasaktan ko siya. Nasaktan namin siya ni Zylie. Kaya I can’t believe na sasamahan niya pa rin ako. After all these things.

“Well, I think I have a right to get to know this Cleo” yun lang ang sagot niya. We braved the path papuntang ospital. Pero nagbago ang isip ko bago kami pumasok. So many inhibitions. Bakit pa kailang gamitin ni mommy ang oath of secrecy para magdahilan? Kinabahan ako. Natakot din ako. Kaya umatras ako sa huling sandali. Masyadong magulo na ang lahat para makarinig pa ako ng lalong makakapagpagulo ng utak ko.

“I’m so sorry Bettina… Really sorry…” I whispered noong pabalik na kami. Inabala ko pa siya pero hindi rin naman pala kami tutuloy kay Cleo. I feel so indebted to this lady. Dinadamay ko siya palagi sa mga isyu na nangyayari. Yet, naiintindihan niya ako.

“Okay lang Jeremy... Okay lang kung ayaw mo munang harapin.”

“Grabe… No one can be as rational and as unprejudiced as you… No thank yous or sorries can be enough…”

 “Sasabihin mo ba ‘to kay… kay Zylie…”she asked. Alam niyang hindi pa alam ni Zylie ang mga bagay na tungkol kay Cleo.

 “Dunno… Baka hindi… Pero, malalaman niya rin naman, sa pagtagal…”

“Masasaktan siya.”she’s sure. Alam ko rin naman yun.

 “Hintayin mo ako, dadaan lang ako kay mom. Ihahatid na kita.”

Dumaan lang ako noon kay mommy para ipaalam na dadaan na lang ako ulit para kausapin si Cleo. Naintindihan naman niya pero sinigurado niyang bumalik daw ako. Binalikan ko noon si Bettina para ihatid na pauwi ng maabutan ko silang dalawa ni Zylie. Making a goddamned scene.

 

*PAK*

“ZYLA?!?” I saw her slapping Bettina. “ANO NA NAMAN ‘TO?!” that’s why I was so mad. I initially thought she’s being blind and jealous again. As usual kaya I was mad. But when I learned her side. When she cried. When I saw her bruises.

God, suddenly I want to punch somebody’s face. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa kanya. I was too problematic. And depressed.. And depression makes us selfish. It’s very hard to think of other people when all you can think is your own pain. And sobrang nagsisisi ako dahil hindi ko siya naisip. I forgot that everybody’s fighting their own battles.

“When I fight with you, I’m really fighting for us..because If I didn’t care, I wouldn’t bother.” Nawala lahat ng iniisip ko. Napalitan lahat ng nararamdaman ko para kay Zylie.  I decided to tell her everything. Lahat lang ng alam ko. Para siya na mismo ang isasama ko sa pagharap kay Cleo. Alam kong dapat ko pa sinabi sa kanya ito pero wala eh. Things turned out this way.

I told her to meet me in front of Cleo’s room ng ala-una. Pero she didn’t come. Nagbigay ako ng grace period dahil baka hindi lang siya maka-alis sa kwarto niya. Pero when 45 minutes has already passed, pumasok na ako. Pikit matang pumasok ako.

I learned of Cleo’s situation. Unti-unti. She made me understand that she’s not with Lucas. Nagulat ako sa sarili ko ng makapa ko sa puso ko na it didn’t matter anymore. Kung naging sila man o hindi, it doesn’t matter anymore. Pero hindi ko pa rin maiaalis yung katotohanan na si Cleo na yung nasa harap ko. In flesh. Nawala lahat ng pinaghandaan ko kagabi. Lahat ng gusto kong isumbat. Lahat ng gusto kong itanong. Hindi ba ganun naman? Kahit ilang paghahanda pa ang gawin mo, when you’re into that very situation, kung anong mismong nararamdaman mo, yun ang lalabas.

Everything flashed before my eyes like a dream. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami ng nararamdaman ko, o dahil hindi pa ako kumakain, o dahil sa hindi ako nakatulog kagabi.

Then, Zylie came. She’s fighting for me. She left. And I wanted to follow her, until Lucas came in.

Yes, pumasok si Lucas na parang on cue para hindi ko masundan si Zylie. Doon ako parang nagising. Cleo’s saying all this time na hindi naging sila pero bigla na lang siyang papasok kung kelan papasok na ako as if he really chose that moment to enter.

I was mad. I’m dead tired pero nagagalit ako. I hate dark lies. Pero naiba na naman ang nararamdaman ko ng malaman ko ang totoo.

“No… I didn’t know… I didn’t know… Bakit hindi mo sinabi?” he asked again.

“Niyayakap mo ba ako ngayon dahil mahal mo ako? O dahil naawa ka sa’kin?”

“Cleo, I…”

“What is happening?” bago ko pa man maisip o matapos yung sinasabi ko, pumasok si mommy sa kwarto kasama ang isang nurse. “They said they heard people shouting. Didn’t you know that this is a hospital?” she wasn’t actually talking to everybody in the room. I know for a fact na sa akin lang siya nakatingin na parang alam niyang ako ang may kasalanan ng sigawan kanina.

Lumabas si Lucas. I went out, too. But I stayed right outside. When mom finished, sinundan ko siya sa sarili niyang desk.

“Please leave, Marcus.” Sabi niya sa isang apprentice ng pumasok kami.

“Pero doc, I’ve already found the—”

“Leave. Rest. Come back after a few hours.” Walang nagawa ang kanyang junior kundi sumunod.  Umupo si mommy sa likod ng desk at sinunot ang salamin. She knew I’m here pero parang hindi niya pinapansin yung presence ko. But I know alam niyang I would talk to her kaya nga niya pinaalis yung apprentice.

“Why?” I started. I have so many thoughts running in my head right now. Nagbalik yung diwa ko years ago. At yun lang ang lumabas sa bibig ko. Why? Bakit? Bakit mom?

Walang sagot.

“Mom!!”

“Silver, relax.”

“Mommy, relax? With all these things happening, how can I do that?” I demanded.

“With all these things happening, mas importanteng maging kalmado ka anak.” She caught on.

“Why— Why didn’t you tell me?”

“You know I couldn’t tell you. Hippocratic Oath and secre—”

“DAMN THAT OATH!”

“Wag mo akong sinisigawan Silver!” she warned.

“She’s my girlf— she’s my friend. Why couldn’t you at least tell me what’s going on? I’m your son.”

“Before I became your mother, I’m already a doctor, Silver.”

“Wag mo sabihing mas importante pa yan?”

“You don’t talk to me as if I don’t know what I’m doing! I even resigned from my dream hospital for your sake son!” it mattered  “I wanted you to move on. I wanted you to have a life.”

“Who told you to do that?! Sinabi ko bang gawin mo  yun!?”

“Can’t I decide for my own son?”

“I thought you’re not blurring the lines between your profession and maternity?”

*PAK*

She slapped me hard.

“Sobrang bata mo pa Silver para magkaroon ka ng problemang ganyan! Napakabata mo pa anak para isipin ang tungkol sa kung sino ang mahal mo at kung sino ang pipiliin mo.”

“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ka, bagsak ang mga balikat.

“Think. Rest. You’ll get by.”

**

I spent the rest of my days thinking. Alam ko naman, I’ll get by. Sure. Pero paano sila? Walang araw na hindi ko naiisip kung anong ginawa ko sa mga buhay nila? Ako ba talaga ang may kasalanan? Hindi ako naniniwala sa fate. Walang kwentang excuse lang yun ng mga walang plano at patutunguhan sa buhay. Pero bakit ngayon tinatanong ko kung nakatadhana bang mangyari lahat ng yun?

Malapit na rin yung pasko. Yung dating napakabilis na Christmas Vacation, ngayong taon parang naging napakabagal ng lahat. Wala na kasi akong ginawa kundi magbasa ng libro na paulit-ulit ko lang namang sinisimulan dahil mare-realize ko na wala pala akong naintindihan.

Hindi rin ako masyadong lumalabas ng kwarto dahil awkward kami ni mom. Yung phone ko, wala sa tingin ko, na kay Zylie parin, hindi ko na maalala pero, hindi ko yata nakuha sa kanya nung binibigay niya sa park.

Kung tatanungin, parang hindi na nakakausad yung buhay ko kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Maya-maya bigla na lang bumukas yung pinto.

“Kuya oh!!!”

“Kuya siya!”

“Ikaw naman kaya!”

Bigla na lang pumasok sina Orange at Lemon sa kwarto. Ganyan naman sila eh. At ganito din ako, hindi nagla-lock.

“Kuya kinuha ni Orange yung damit ko!” reklamo ni Lemon

“Akin kaya ito! Kuya! Parehas kami ng damit na binili ni mommy, tas pinagbibintangan niya ako na kinuha ko daw dami niya eh akin naman ito!”

“Akin yan, malinis yan eh yung sa’yo parang basahan na!”

“EHHH!”

“Orange! Ibalik mo na yan!” suway ko, masyado na silang maingay

“KUYA!” nagreklamo siya pero alam ko namang alam niya. Tuso kasi yung batang yun. Alam kong gusto niya lang makipaglaro kay Lemon na napakailap.

“Kung ayaw mo, sige Lemon ibigay mo na yan, bibiilhan na lang kita ng bago.

“Oo na oo na!! Psh!” binigay ni Orange ang damit kay Lemon at lumabas ng kwarto. Sabi ko na tama ako.

“Nakakainis! Sabi ko na damit ko ‘to eh!” tiniklop ni Lemon ang damit at umupo sa kama ko. Mukhang ayaw niya pa munang bumalik sa kwarto nila ni Orange.

“Hayaan mo na. Baka di mo na naman kasi siya pinapansin.”

“Ang ingay niya kasi kuya! Nag-aaral ako eh!”

Napakamot ako. Christmas vacation nagaaral ang kapatid ko? Mukhang di ko nga masisisi si Orange sa panggu-gulo niya.

“Kakain na po!” maya-maya kumatok si Ate Poty

“Sige bababa na.”

“Tara na Lemon.”

Bumaba kami ni Lemon at nakasabay pa namin si Orange sa staircase at naging awkward ang dalawa. Talaga nga naman ang bata-bata pa pero may mga ganung pangyayari na.

“Poty! Tulungan mo nga ako dito!” sumigaw si mommy mula sa kitchen. Siya pala ang nagluto, palibhasa nandito siya at hindi siya nag-duty sa ospital.

“Wala ‘mmy! Lumabas, baka nagpaload!” sagot ni Orange.

Ako na lang yung tumayo para tulungan si mommy sa kung ano mang ginagawa niya. Imposible namang tumayo si dad na parang hari na nagbabasa lang ng dyaryo sa dining table.

“A-ako na po.”

“Ahh.. Silver” awkward din si mommy sa’kin. Naalala pa rin niya siguro na nasampal niya ako. Hindi naman kasi niya gawain yung manakit ng anak. “Sige anak pahawak nitong casserole”

Tinulungan ko siyang magprepare ng food ng walang imikan. Gusto ko tuloy tanungin si Ate Poty kung bakit niya kami tinawag at sinabing kakain na eh wala pa ngang nakahain. Sabagay, ganun naman, tatawagin kami para bumaba na at sasabihing dinner is ready pero ang totoo, niluluto pa lang.

“Hmm, okay na po ba?” tanong ko ng halos ready na ang pagkain.

“Yes, thank you anak.”

“Dalhin ko na po ‘to” kinuha ko ang isang putahe at pupunta na sana sa dining area para makawala sa awkward air namin ni mommy ng magsalita siya para pigilan ako.

“Pinuntahan mo na ba?”


“Mom, no… I—”

“Sino bang sinasabi ko?”

“Po?”

“Sino bang una mong naisip sa tanong ko?”weird ni mommy, pero napaisip nga ako. Ano ba yung tanong niya? Pinuntahan mo na ba? Wala nga siyang nabanggit kung sino. Wala man lang kahit noun o pronoun. Pero sino nga bang unang pumasok sa isip ko?

“Dalhin mo na yan.” Si mommy na rin mismo ang nag-iba ng usapan.

Tahimik kaming nag-dinner. Nagkakatampuhan yung kambal, kami ni mommy, awkward pa din. Hindi din naman masyadong nagsasalita si dad tuwing kumakain.

Umakyat na rin naman kami agad pagtapos kumain.

“Pwede ba dito muna ako?” paalam ni Lemon na kasunod ko pala sa kwarto ko. Siguro ayaw niya munang pumasok sa kwarto nila ni Orange.

“Sige” pumayag din naman ako “Kung may mahahanap ka diyan na librong maiitindihan mo, yun na lang muna ang gawin mo dito” bahala siya. Hindi naman magulo si Lemon para intindihin pa. Tska ko na lang kakausapin si Orange.

“Hmm kuya ano ‘to??” sabi bigla ni Lemon ng makapwesto na ako sa pagbabasa sa kama.

“Huh?” di ko kasi makita dahil nakayuko siya. Nakalimutan ko na rin kasi yung pagkakaayos ng kwarto ko simula ng ayusin ulit ni Ate Poty nung umulan sa loob ng kwarto at nasira ang mga bagay-bagay.

“Eto oh! Yung parang black ball?” hindi naman pala libro ang tinitignan niya.

Napabangon ako. Nakalimutan ko ng nage-exist ang bagay na yun. Meron nga pala akong ganun. Hindi ko yun pinaniniwalaan dati, at natutuwa lang ako kaya ko kinuha yun at iniuwi.

“Black?” pilit kong inaalala kung anong ibig sabihin nung mga kulay na yun. “Sigurado ka bang black yan Lemon? Hindi ba Violet yan?”

“Huh? Black kuya eh.” Inilabas niya pa ang Mood Ball. Black nga.

“KUYA SAAN KA PUNTA?!?!”

Di ko na namalayan na lumalabas na pala ako. Mabuti may gas pa sa kotse kaya mabilis ko yung napaandar.

Yun ba? Yun lang ba ang magtutulak sa’kin pumunta doon? Nung maalala ko yung mga ibig-sabihin ng mga kulay sa mood ball na kinuha namin dati sa isang katuwaan, parang kinabahan ako. Parang mas gusto ko pa nga yata na maging kulay violet ito kesa black. Ayokong maniwala sa ganun-ganun pero bakit ako kinakabahan ngayon?

Kung maalala, may tig-isang mood ball kami ni Zy. Ang nasa akin ay magpapakita ng nararamdaman niya. Ang nasa kanya naman ay magpapakita ng nararamdaman ko. Yun ang sabi, pero totoo ba yun?

Ilang minuto lang, narating ko na rin yung bahay nila.

Naghanap ako ng pwedeng pagparadahan pero sa di kalayuan pa ako nakakita. Nilakad ko na lang ang papunta sa bahay nila Zylie habang naghahanda ng mga dapat sabihin. Hindi ko alam kung blacklisted na ba ako sa bahay nila o kung alam ba ng mga magulang at kuya niya na naospital siya ng dahil sa’kin. Pero kilala ko si Zy, malamang sa malamang, gumawa siya ng paraan para hindi yun ipaalam. Hindi sa ikinatutuwa ko iyon.

Malapit na ako sa kanila ng maisip ang kulay ng mood ball ni Zy. Black. Hatred. Galit na ba talaga siya sa’kin?

Ilang hakbang na lang papunta sa tapat ng bahay nila Zy ng mapansing may tao doon. May mga tao. Instinctively, nagtago ako sa likod ng mga bush ng mapansin kung sino ang mga iyon. Si Zy at yung kapitbahay naming gurang.

“Salamat.” Sabi ni Zylie habang tumitingin sa likod. “Umuwi ka na baka makita ka pa nila mama.”

Una, natuwa ako ng makitang maayos na siya. Nakalabas na ng ospital at mukhang malakas na. Pero bakit kasama na naman niya ‘tong ex niyang teacher na ‘to? Mukhang baliktad yata ah. Hindi yata mood niya ang nirereflect ng bola, mukhang sa akin.

“Hersheys.” Sagot ni Sanchez at hinawakan pa ang braso ni Zylie. Gusto kong masuka sa tawagan na yun. Si Zy naman tumitingin-tingin pa sa likod na parang isa silang magkasintahang may lihim na relasyon at nagtatago sa magulang.

Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit hindi ako gumagalaw dito?

Maya-maya para akong naupos sa kinatatayuan.

Hinalikan kasi ni Terrence si Zylie. Matagal. Malalim.

At bakit wala man lang akong nakitang pagtanggi kay Zy? Gusto rin ba niya? Nasaan yung Zylie na pumasok sa kwarto ni Cleo para ipaglaban ako? Para ipaglaban kami?

Tangina

*later*

___________________

Vote & Comment if it deserves it.

Konting giling na lang pero marami pang drama :p Haha!

Continue Reading

You'll Also Like

15.8M 195K 61
sa tatlong taong nakalipas, maari nga kayang madaming nagbago? maari kayang makalimutan ang mga dating pinagsamahan? pwede din kayang nagtanim siya n...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
97.3K 4.1K 35
(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago...
15M 193K 86
Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito...