Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~2~ And They Meet Again
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~16~ Behind His Coldness
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~28~ Back Off, Fan Girls
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~33~ Floral Scent
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~38~ Over You
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~45~ Time And Space
~Epilogue~

~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes

261K 6.5K 1.4K
By marielicious

~6~ Pork Bistek and Fried Potatoes

 

CHLOE’S POV

“Oh, magluto ka na dyan. Isuot mo ‘to para hindi mamantsahan ang damit mo,” tinanggap ko ang inaabot na apron sa akin ni Dustin. Black color… Hindi ko feel. Wala ba siyang pink? -_________-

“Ah, Dustin…” Tawag ko sa kanya. May kailangan akong tanungin. >.>

“Oh?” =__=

Tinali-tali ko muna sa likod ko ang apron. Tsk! Bakit ang hirap nitong itali?

“May wifi ba ‘tong unit mo?”

Tumango naman siya. “Oo, bakit?”

“Makiki-wifi ako. Mehehehe~” >:)) Kailangan kong silipin ang procedures kung paano lutuin ang pork bistek!!! Yung fried potatoes naman with mayo dip, madali lang yun eh. Prito here, prito there and kaboom! Kay dali-dali… Ang problema ko ay yung pork bistek >________<

“Magluto ka muna… Gutom na gutom na ako.” Umupo siya dun sa high stools paharap sa akin. Sosyal ng kitchen ni Dustin, guys. Parang may bar counter eh. Gusto ko rin ng ganito. :3

“Anong uunahin ko?” ^_^

“Yung pritong patatas. Tara nga muna dito,” sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya.

“Bakit?”

“Tsk. Tara…” Kaya ayun, lumapit nalang ako sa kanya. Nabigla ako nang pinatalikod niya ako. “Hindi ka marunong magtali ng apron. Ang simple-simple, hindi pa magawa. Konti nalang, maiisip ko na stupid ka.” =_____=

“Ay, sorry naman ah… Nahiya naman daw ako sayo. Inenglish mo pa… Hindi mo nalang ginawang t*nga.” >.<

“Sorry. Masanay ka na. Ganito talaga ako magsalita.” =____=

Nakaismid akong lumapit dun sa kitchen counter. Nilabas ko na yung patatas mula dun sa plastic bag. Sana naman, may peeler dito. Hindi ako marunong magtalop gamit ang kutsilyo eh. >.>

Nilingon ko si Dustin. “May peeler ka?”

“Tumingin ka kasi dun sa nakasabit na kitchen tools. Kumpleto gamit ko dyan. Mata ang ipanghanap mo. Huwag bibig.”

Napangiwi nalang ako nun sa inis. “Alam mo, Dustin, konti nalang bubulagta ka na dyan sa kinauupuan mo. Kainis ka eh! Napipikon na ako.” ~_~

“Pfft! Yan nga ang gusto ko eh. Ang mapikon ka.” He chuckled emotionlessly. “You look cute when you’re pissed.”

Bakit naman sabi ni Kuya, ang pangit raw ng itsura ko pag napipikon? Bolero rin ‘tong lalaking ito eh noh? As if, maniniwala ako sa kanya. >///////<

“Ang mabuti pa, simulan ko nalang ‘to. Para sa ganun, matapos na ako ng maaga sa pagluluto at nang makauwi na ako. Hindi ko kinakaya personality mo, dre.” Sabay talikod ko sa kanya at hinanap na yung peeler.

Dahil anim na patatas ang binalatan ko, medyo nagtagal ako dun. Buti nalang talaga ay hindi na ako bwinisit ni Dustin kung hindi, talagang masasali siya sa mga binalatan kong patatas. Mababalatan ko siya ng buhay. >:| Busy kasi siya sa pag-lalaptop. Nakita ko nga, naglalaro pa siya ng Tetris eh. XDD

Sa ngayon, nagsaslice na ako ng potatoes… Nasa pangatlong patatas na ako nang biglang…

“OUCH!!” TT___________TT

“What happened?” Nilapitan agad ako ni Dustin. Kaya ayun, itinuro ko sa kanya yung index finger ko na nahiwa ko. Uwaaaaaah! Nagdudugo! May hiwa! Nagdudugo! May sugat! Nagdudugo! Mahapdi! Nagdudugo kaseeee~ Nagdudugo! May blood! Nagdudugo! Bleeding! Nagdudugo! </3

“Shemay… Nagdudugo…” Isusubo ko sana yung daliri ko kaso bigla nalang yun hinawakan ni Dustin.

“Anong gagawin mo? Isusubo mo? Baka maimpeksyon pa yan. Aish… Para kang bata…” Binuksan niya yung faucet at itinapat dun yung finger ko. Pagkatapos nun, iniwan niya muna ako saglit. Pagkabalik niya, nilagyan niya ng band-aide yung sugat ko. Ang cute ng Band-aide! *u*

“Ang cute naman… Doraemon…” :>

“Tss… Hindi sa akin yang band-aide. Binigay lang yan sa akin.” Pagdadahilan niya tapos humarap siya dun sa kitchen counter. “Ako na ang maghihiwa nito… bagal mo…” =___=

 

 

AFTER 5 MINUTES…

“Oh ayan, pinaghiwa na rin kita ng white onions… Ikaw na ang bahala na magluto nyang pork bistek. Ako naman dito sa fried potato.” =__=

Tumango-tango lang ako sa kanya. Nakita kong cinoat niya yung potatoes sa breading mix tapos prinito agad niya sa pan. Bakit ang sexy ni Dustin sa kanyang apron? Hohoho *Q*

“Tinitingin-tingin mo dyan? Umuusok na yang pan mo oh. Iprito mo na yung porkchop. Bilis…” Ang sungit naman nito! >.>

“Fine, fine…” Sabi ni Momsie, kapag nagprito ka raw ng something, kailangan daw dahan-dahan lang yun na ilagay sa frying pan para hindi magsizzle ng bonggang-bongga. Huwag rin daw i-oovercrowd ang pan kasi mag-aagawan daw ng temperature chuchu eklavu yung mga pinafry. So, that’s what I did. Simple as that… Apat na porkchop lang naman yun at malaki naman ang pan kaya pinagsabay-sabay ko na. ;)

Nakafocus lang ako dun sa frying pan, ganun din si Dustin. Kaso siya, multi-tasker ang peg~ Gumagawa na kasi siya ngayon ng mayo dip. He really amuses me. Ang galing eh! Nilagyan ba naman ng lemon juice yung mayo??? Sosyal~ nakikita ko lang yan sa cooking shows eh. :D

“Hey, masusunog na yung porkchop. Baligtarin mo na…” Narinig kong sabi niya habang nagpa-fry siya nung patatas. Kanya kasi, nakadeep fry eh kaya madaling maluto.

“Opo, master!” and then, I flipped the porkchops. 8D

Natapos ko rin naman yung pagpiprito kaya naman, sinimulan ko nang gawing bistek ang porkchop. Sana huwag akong magkamali! TT___TT

Naglagay muna ako ng cooking oil, tapos ginisa ko dun yung white onions.

Pero dahil ako si Chloe, may entertainment dapat! ^_______^

“First, we’re gonna sautee’ the white onions…” :))

“Tss… Para kang sira-ulo.” =___=

“And after that, we’re gonna put soy sauce in it.” Nagbuhos naman ako ng soy sauce. Bwahaha! Nag-eenjoy na ako dito sa ginagawa ko ah. Lels ^^ “Let it simmer for 2 minutes… Dahil, malakas ang apoy natin, mabilis siyang nagsimmer. So, let’s put some vinegar. Kapag nilagay natin ang vinegar, let it simmer again. Wag na wag mong hahaluin kasi aasim yung suka… Hindi kasi maluluto yung vinegar kapag hinalo mo ito kaya ang tendency umaasim siya lalo. Pero bago ko ito takpan, lagyan muna natin ito ng salt and pepper and a little bit of sugar to taste. Nag-eenjoy ba kayo dyan???” :DDD

“Pfft!!” =____=

Pagkalagay ko ng suka ay tinakpan ko yung pan. Tinignan ko naman si Dustin sa tabi ko. Pailing-iling lang siya pero kita ko sa mga mata niya na naamuse siya sa akin. Yieeeee! ^___________^

“Ang daldal mo noh?” Biglang sabi niya.

“Ang boring mo kasing kausap kaya kinakausap ko nalang ang sarili ko.” Nagcross arms pa ako. “Mas masaya pang kausapin ang sarili ko kesa sayo.”

“I’m trying my best not to bore you… Pero, nabaligtad yata. Ako ang naaaliw sayo.” =__=

Nginitian ko naman siya ng nakakaloko. “Wushu~! Amuse ka na nyan? Eh bakit hindi ka ngumingiti? Yung totoo, may bell’s palsy ka ba?”

He eyed me emotionelessly, “What the fck? Bell’s palsy? Mukha bang paralyzed ang mukha ko?”

“Pfft!” I giggled, “Oo… Hindi kasi gumagalaw ang mukha mo. Nakapoker face ka palagi. Dapat smile.” ^____________^

“Ganito?” =u=

“Ay, ang pangit. Hindi bagay. Hindi ngumingiti ang mata. Kunte lang~” 8D  

Nagshrug naman siya. “There’s no reason to smile.”

“Weh? Ikaw lang yata ang taong nakilala ko na hindi nag-i-smile. Ang weird mo talaga…”

Sumandal din siya sa kitchen counter tapos tinignan ako. “Maiba tayo, Chloe. Ilang taon ka na ba?”

“I’m 17… Ikaw?” ^^

“18… Saan ka nakatira?” Tanong naman niya na agad nagpakunot sa noo ko. Mukha namang nagtaka siya sa expression ko. “What’s wrong?”

“Bakit mo naman tinatanong?” ~_~

“Wala lang. Curious lang. Masama ba?”

Iniling ko nalang ang ulo ko. “Hindi naman. Ayoko lang sabihin.” Saka ko siya binelatan.

Binalikan ko ulit ang niluluto ko. Mukhang nagsimmer naman siya ng mabuti kaya nilagay ko na yung porkchop tapos pinakulo ko ulit ito para maabsorb ng porkchop yung flavor ng sauce. Oha! Oha! Parang professional lang oh ^3^

“May boyfriend ka na?”

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. “Wala. Bawal pa kasi.”

“Bakit naman?”

Ngumisi ako sa kanya. “We have a certain rule and it’s called 7B’s.” (~~,)

“What the heck does that mean?” =__=

“Wala ka na dun. Eh ikaw, may girlfriend ka na?” I asked him back.

“Nah, I’m single.” Sagot niya tapos pinatay niya na yung stove. Mukhang tapos na siya magluto.

“Eh sino yung girl sa photo frame?” Chismosa ako, I know :3

Natahimik naman siya bigla na para bang may tinamaan akong sensitive part sa kanya. He then shook his head. “She’s a friend who got away.”

 

Aba, Katy perry ang peg ni Dustin! XDD

 

Napansin ko na nagsimmer na yung bistek ko kaya tinanggal ko yung takip. “Kainan time naaaaaa~ Pero bago yun, lagyan muna natin ng garnish. Let’s put some parsley~ Ping! Ping! Ping!” ^^

“Ayoko ng lasa ng parsley. Tigilan mo nga yan. Bistek yan, hindi yan pasta.” =_____=

“Hmp! KJ!” :-P

 

***

“Masarap ba???” *u*

Sumubo siya ulit. Then, ngumuya-nguya, at yun nagkibit-balikat pa. Nakakadismaya naman. >3<

“It’s a bit salty. Naparami mo yung toyo. Pero ayos lang, mapagtitiyagaan naman ng taong gutom.” =___=

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. “Sorry naman… First time kong magluto eh.” (_ _”) Sabay subo ko ng pagkain. Oo nga, maalat.

“Is that so? You’re good for a first timer.” =___=

“Please lang, Dustin… Smile naman ng konti dyan. Ang weird mo talaga eh…” -___-

Uminom muna siya ng orange juice niya. “You’ve made me smile earlier. Nakalimutan mo na?”

“Kailan?”

“Dun sa kotse…” =___=

“Ewan ko sayo… Kakastress yang mukha mo.” +___+

“Nakakastress din yang boses mo. Ang tining eh…. Biritera ka ba?” =__=

Inirapan ko lang siya. “At least sa akin, kahit hindi ako magsalita, ayos lang. Hindi na nakakastress. Eh ikaw? Makita lang mukha mo, stressed na agad yung tao, diba?”

“Tss… Childish… Kahit emotionless ako, gwapo pa rin naman ako. Marami na nagsabi nyan. Ikaw pa lang ang kumokontra.” =__=

Sabi ko nga. Siya na gwapo. Tahimik nalang, Chloe. Hindi ka mananalo sa Mr. Cold na yan. (“_ _”)

Nakarami din siya ng nakain. Halata ngang nagutom siya. Kawawa naman. Baka mangayayat, mawala pa yung biceps niya. Hihihi! Opo, may biceps siya. Kanina ko pa nga gustong sundutin eh, kaso baka sabihan ako na nangchachansing ako. Alangan namang sabihin ko na: Oist, pasundot nga ng biceps mo? Pafeel lang.  >.>

“Uwi na ako, Dustin. Salamat sa pagluluto ko sa kitchen mo ha?” I said to him sarcastically as I headed to the door.

“Hatid na kita sa baba,” sabi niya saka niya binuksan yung pinto. Sa elevator, hindi na ako umimik. Inaantok na ako. Kapagod pa lang magluto. -__-

“Ano pa lang tunay mong pangalan?” He suddenly asked.

“Chloe Chanelle Mendez… Ikaw?”

“Dustin,” he cleared his throat. “Lloyd Jimenez.”

Napatingin ako sa kanya nun. Pulam-pula yung mukha niya. Anyare dito?

“Bakit ka namumula dyan?” Tanong ko sa kanya.

“Wala, ang pangit kasi ng pangalan ko.” Bumukas na yung elevator. Nasa lobby na pala kami kaya agad-agad kaming lumabas. “Lloyd fits for a baby and I’m not a baby anymore. Korny ng tatay ko magpangalan eh.” =____=

“Okay naman ah… Buti pa pangalan ko, pangsosyal. Pang-maganda…” :””>

Nag-tss na naman siya nung palabas na kami ng building. “Maganda nga ang pangalan pero ang tanong, bagay ba sayo?”

Ay anak ni spongebob nga naman! Pasalamat siya, babae ako. Kundi, pinatulan ko na siya. Naks, tapang ko lang eh (~~,)

“Bakit, hindi ba ako maganda?” =.=

Napa-face palm naman siya habang palapit kami sa kotse ko. Ang galing din nitong mang-asar! Effective eh. Napipikon kasi ako >.>

“Oo na, pangit na ako. Ikaw na gwapo… Huwag lalaki ang ulo ha? Kasing laki ng eyebags mo. Tulog-tulog din ‘pag may time ha?” Sabi ko nalang tapos binuksan ko ang pinto ng kotse ko. May eyebags kasi siya, ngayon ko lang napansin. “See you when I see you, Dustin Lloyd Jimenez. I hope ‘di na tayo magkita ulit. Kaimbyerna ka eh… Pati ako, nagiging prangka na rin.”

He smiled coldly to me. “Hmm, can I get your number, then? Friends do exchange contact numbers, don’t they?”

Nag-sigh ako. “Yeah, yeah.” Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya, signaling him to give his phone to me para i-save ang kanyang number.

“Number ko nalang ang ibibigay ko sayo. Text mo ako kapag nakauwi ka na.” Then, may binigay siya sa akin na piece of paper. Wow, hindi siya ready ah. “Nandyan na yung number ko. Don’t forget to text me when you reach home.”

Nginitian ko lang siya ng tipid bago ako sumakay na sa driver’s seat. In fairness, sweet niya ah. He wants to know if I safely arrive home.

Pagkaturn-on ko ng car’s engine, bigla namang kumatok si Dustin sa window. Syempre, pinagbuksan ko siya ng window. He then bended slightly para lumevel ang mukha niya sa mukha ko at talagang nawindang ako sa sinabi niya….

Emergesh…

“Don’t get offended… Hindi ko naman sinabi na pangit ka. In fact, you’re pretty… You’re prettier than your name itself. Bye, take care…”

Grabe… Ichichika ko ‘to sa mudra ko >//////////<

 

***

Nakangiti lang ako on the way home. Don’t ask why!! Alam na XDD Eeeeeh! Bakit ang lakas magpakilig nung lalaking yun. Ang ganda ko raw?? Oha! Syempre, marami na nagkapagsabi sa akin nun before hindi naman sa pagmamayabang. Pero bakit nung si Dustin mismo ang nagsabi, parang nagwawala yung puso ko sa kaba nun???? Uwaaaah! Bumabutterfly pa ang sikmura ko. Emerghed~~ Malala na ‘to. :”””>

“I’m hoooooooome~” Energetic na sabi ko nang makauwi na ako sa bahay. Agad namang lumabas si Momsie mula sa kitchen. Syempre, nag-mano ako sa kanya. Hindi kasi uso sa bahay yung beso-beso chuchu.

“Bakit ngayon ka lang, Cha-Cha?”

And yeah, kahit na ayaw na ayaw kong magpatawag ng Cha-Cha dahil nga pangbata lang na nickname yun, si Mama naman ang exceptional. She loves to call me that way~ >.<

“Eh Momsie, may dinaanan lang po kasi ako.” Wow, dinaanan for almost 3 hours? Ehehehe =))

“Ang alam ko pa naman, 1PM nandito ka na. 4:30 na kaya. Nakakahiya tuloy kina Warren at Sheen. Kanina ka pa nila hinihintay dito eh.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Momsie. “Ano raw sadya niya, Momsie?”

“Ewan ko… Mukhang may gusto ‘yang si Warren sayo, anak. Kanina pa sinasabi sa akin na gumanda ka raw ngayong nagdalaga ka na. Sumisilay eh.” Sabay tawa naman niya.

“Hahaha! Momsie naman~ Imposible. Kaibigan ko yang si Warren eh. Nasaan po ba sila?”

Tumuro siya sa likod niya. “Nagsuswimming… Puntahan mo muna dun ang mga kaibigan mo, Cha.”

***

Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan nila Sheen at Warren. Wala lang, nagkamustahan lang. Ganun pa rin sila, mga makukulit at maiingay. But honestly, medyo naiilang na ako sa kanila. Eh kasi naman! Mga binata’t dalaga na kami. Diba, nag-iiba talaga yung samahan kapag lumalaki na? Tsaka, 4 years ago pa nung umalis kami sa Sitio Maligaya. Once in a while nalang akong bumibisita dun kaya naman hindi na kami gaanong nagkikita. Oh well, sana mabalik yung closeness ko sa kanila ngayong dito na sila nag-aaral sa Maynila. Nasanay na rin kasi ako kina Gail at Kaye Anne na puro babae eh.

“Oh, daming friend requests.” Sabi ko sa sarili ko habang inaaccept ang friend requests sa FACEBOOK. Ganito naman ako usually sa gabi, browsing the internet. :>

Sa dami ng friend request na kinonfirm ko, isa lang ang pumukaw sa aking atensyon at iyon ay kay…

“Ay, ang gwapoooooo ni Dustin~~” ^//////////////^

Inaccept ko kaagad ang FR niya tapos tinignan ko yung wall ni Dustin. Ang gwapo niya sa pictures. Bakit ganun? Nakapoker face pa siya pero ang gwapo pa rin hihihi! :”””>

“Ang ganda naman ng smile niya pero bakit ayaw niya ngumiti?” Nakita ko nga siyang ngumiti ng warm kanina sa kotse pero ‘di na naulit yun. Ano kayang problema niya? :3

Nasa gitna ako ng pang-i-stalk nang biglang may mag-pop sa chatbox ko. Pagkatingin ko, si Dustin palaaaaaaa~ >//////////<

---

DUSTIN: Hey, nakauwi ka na?

ME: Oo. Paano mo nalaman FB ko? stalker ka noh? >:|

DUSTIN: Stupid. Sinearch ko FB mo via fullname mo. Bat di mo ako tinext? -__-

---

Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. Sorry nemen. Nalibang ako kina Sheen at Warren kanina eh (_ _”)

---

ME: Churi… Nakalimutan ko…

DUSTIN: Tsk. Penge nalang number mo.

ME: Bakit ba?

DUSTIN: Kailangan may dahilan?

ME: Eh bat ang sungit mo? :3

DUSTIN: Edi, pahingi po ng number mo po… :)

ME: Pfft! Sana nakangiti ka talaga in real. Out na ako. Text nalang kita.

DUSTIN: Ge. Bye.

---

Pinatay ko kaagad ang laptop ko at kinuha ang phone ko sa loob ng bag ko pati na rin yung piece of paper kung saan nakasulat ang number niya. I slumped myself on the bed and composed a message for Dustin. Naaaaaaks, bakit ba kailangan kong sabihin sa kanya na nakauwi na ako? Ano siya, boyfriend ko~? Pfft! Wag ganern >/////////>

Nagtext lang ako kay Dustin nang simple yet non-sense message like this: Mr. Cold :-P It’s me, Chloe.

Ilang saglit lang, nagreply na agad siya. Naexcite naman daw ako sa reply niya! Hihihihi :””>

---

From: Dustin_Weird

Ms. Hot-headed, thanks sa pagluto ng lunch. Goodnight. See you tomorrow.

---

“Kyaaaaaaaahhhh!!!” Paimpit akong tumili sa unan ko. Eh bakit ako kinikilig? Wala naman siyang sinabing something na kakilig-kilig… OMO! Weirdo na rin ba ako? Contagious ba ang pagiging weirdo?

Pero teka…

“Ano raw? See you tomorrow? Linggo kaya bukas… Walang pasok.” -________-

~

A/N: Guys, slow update muna talaga 'to. Tatapusin ko na muna yung OSG ha? :) Salamat sa mga nagbabasa.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 94.4K 52
This all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves
124K 536 2
Nakilala mo. Kinilala mo. Kinaibigan. Minahal. Iniwan ka. Maghihintay ka ba?
3.4M 76.1K 52
If you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz
1.2M 19.4K 32
It's been two years since Tonsi went missing. Torrence patiently waited for him, 'til she decided to move on. Cliff got her back since day one and to...