Kuya

By JustPlainlyMe

4.8M 40.5K 8.8K

Puro ka kuya. Lagi ka na lang kuya. More

Kuya
take two (andrew)
take three (andrew)
take four (andrew)
take five (andrew)
take six (juniper)
take seven
take eight
take nine
take ten
take eleven
take twelve (juniper)
take thirteen
take fourteen
take fifteen
take sixteen
take seventeen
take eighteen
take nineteen
take twenty
Take Twenty One
take twenty two
take twenty three
take twenty four
take twenty five
take twenty six
take twenty seven
take twenty eight
take twenty nine
take thirty (last chapter)
extra
A writer's thank you note.
Announcement!
Facebook Group
ANNOUNCEMENT
tekla and tallnut's comeback

take one (andrew)

605K 6.9K 2.9K
By JustPlainlyMe

A cliche story, I swear.

----x

Kuya, pakiabot nga nun.

Kuya aalis muna ako.

Kuya bibili ako ng pagkain.

Kuya, gawa mo naman ako ng assignment.

Napakamot na lang ako sa ulo sa sunud-sunod na pag-uulit ng takteng tawag na yan. Unli ka ba? Makatawag ka naman, wagas pa. Buti sana kung sa pangalan mo ko tinatawag, eh hindi naman.

Kuya. Kuya. Kuya.

Rinding rindi na ako Juniper!

Bakit ba di mo maintindihan na yang tawag mo sakin na yan ang pinaka-kinamumuhian ko sa lahat?

Bakit?

Simple lang, dahil yan ang tawag mo sa'kin.

Takte naman Juniper!

Utang na loob, isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo ah? Ba't kuya ang tawag mo sa'kin? Hindi naman kita kapatid, di nga tayo magkapamilya e.

Bakit sina Jan, Paulo at Dagul? Ba't di mo sila tinatawag na kuya? Dahil ba mas pogi sila? Dahil ba mas may appeal sila? Dahil ba mas type mo sila?

Tangna, ba't ako hindi?

Gwapo naman ako ah, may dating naman ako. Ba't di na lang ako ang maging type mo?

Ba't di mo mapansin? Ba't mukhang ayaw mo sa'kin.

Di nga na-friend zoned . . . na-kuya zoned naman. Mas masaklap yun, alam mo ba hah? Mas masakit yun. Potek, nakakainis na pero ano bang maggagawa ko?

Eh sa gusto kita eh. Tangna, ba't ba ikaw pa?

Kulot buhok mo, mataba ka pa tapos ano, tinatawag mo pa kong kuya?

Hindi naman ako driver ng jeep na pinag-aabutan mo ng pamasahe mo. Di rin ako tindero ng kwek-kwek na binibilhan mo tuwing uwian. At lalong di naman ako yung tabain mong pinsan na sumusundo sa'yo kapag late ka na umuuwi.

Juniper, ako si Andrew. Andrew, hindi KUYA kundi Andrew. Dalawa lang din naman ang syllables nun ah? Di naman mahaba.

Kuya ka ng kuya, mukha ka ng kuya. Tsk.

"Itagay mo na lang yan tol, ano? Inuman tayo?" Alok ng isa kong alcoholic na kaibigan na si Jan. Inirapan ko lang sya, ang adik nya eh.

"Si Juniper na naman iniisip mo no?" Anas ng playboy kong kaibigan na si Paulo. Jusko, bakit ganito mga kaibigan ko?

"Naririndi ka kasi laging kuya tawag sa'yo." Sabat naman ng Psychology Major na si Dagul, hindi sya pandak pero tawag natin sa kanya, Dagul. Mukha kasi syang Dagul, ang hilig sa maliliit.

"Ewan ko sa inyo! Di kayo nakakatulong eh." Sagot ko na lang sa kanila habang binabasa ang mga text mo sakin na puro kuya lang naman ang laman. Huy Juniper, wala ka na bang ibang alam na sabihin?

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila ng tropa sa'kin. Di na ko nakapalag kaya sumunod na lang ako sa kanila. Nakarating kami sa ilalim na puno ng Acacia, dito madalas tumambay ang barkada pag tumotoma. Alam mo yun diba? Kasi minsan ka na ring nakitambay dito?

Patago lang kami kung uminom dito, bakit? Nasa loob ito ng school.

Bihira lang naman kasing dumaan ang mga tao dito sa puno na to kasi medyo liblib na din ang lugar na ito, siguro nga eh kami-kami lang namang tatlo ang madalas dito eh. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang katambak na bote ng beer at kung ano-ano pang bote ng alcohol dito.

Inaantok na ako, nakalimang bote na ako. Tiningnan ko ang mga katagay ko, aba't parang wala lang sa kanila eh. Pumupungas,pungas na nga ako dahil inaantok na ko pero bigla na lang naggising ang diwa ko nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng pito.

PRRRRRRRRRRRRRRTTTT!

Fushang malambot, ba't andito ang Guard na to? Mabilis napadpad ang tingin ko sa mga kasamahan ko, aba't yung dalawa, natutulog na. Kami nalang ni Dagul ang gising pa.

"Dagul!"

"Tol, takbo na!" Pagkasabi nya noon ay agad na akong tumakbo papalayo kahit magkanda-dapa dapa na ako, makalayo lang ako. May sumusunod sa pagtakbo ko. Paglingon ko, tae! Yung guard, nasa likuran ko na. 

Kailangan ko ng mapagtataguan. Palinga-linga ako hanggang makarating ako sa Science and Technology building. Mejo nauna ako sa kanya, kailangan ko lang talagang maligaw si manong Guard. Pinasok ko na ang pinaka-unang pintuan na mapapasukan ko.

Ikinulong ko ang sarili ko sa isang cubicle. Tama ka, nakapasok ako sa isang CR. Agad akong naupo at hinabol ang paghinga ko. Ngayon lang ako tumakbo nang ganon kabilis, pakiramdam ko mas mabilis pa ko sa isang Leopard eh.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mahinang pagbukas ng pintuan. Patay, may tao . . . baka yung huhuli na sakin yun.

"Oh my gad, ang gulo na pala ng buhok ko Juni." Teka, familiar yung boses na yun ah. Si Tekla yun eh, kaibigan mo. WATDAPAK, kung si Tekla ay babae? Edi nasa Girl's CR ako? Sht.

"Dati naman yang magulo, Tekla." Napangiti ako ng marinig ko ang boses mo. Kung pwede lang humagalpak sa kakatawa dahil binara mo na naman si Tekla.

"Ikaw talaga Juni. Eh yung sayo nga eh, parang nest ng ibon." 

"Uso na to ngayon, ano ka ba!"

"Nga pala Juni." 

"Oh?"

"Bakit nga pala Kuya tawag mo kay Papa Andrew?" 

Napalunok ako ng di oras eh. Takteng Tekla yan. Ayokong marinig ang sasabihin mo. Baka di ko matanggap, oo na. Torpe at mahina na ako pero hindi pa ako handa sa sasabihin mo.

Narinig kong pinalo mo si Tekla, sa balikat siguro yun dahil di naman masyado malakas yung lagapak eh.

"Ano kasi." Takte, pasuspense ka pa.

"Ano nga."

"Kasi wala akong Kuya, alam mo na. Puro kami babae sa bahay." Sabog. Yun na nga sinasabi ko eh. Kaya ayaw ko marinig yang sinasabi mo. Napa-face palm na lang ako. 

Kuya lang pala talaga turing mo sakin.

"Yun lang?" Sabat naman ni Tekla. Tanga naman si Tekla, dadagdagan pa ang pagkaheart-broken ko. Seryoso, mapepektusan ko yun pag makalabas lang ako dito. Daming satsat eh.

"Di mo pa kasi ako pinapatapos eh!" Sagot mo naman sa kanya. Sige lang, saktan mo pa ako. Unlimited ang pain resistance ko. Pusha!

"Oh, ano pa?"

"Pinangako ko sarili ko na balang araw, tatawagin kong kuya yung . . . "


Ewan, lalabas na talaga ako. Ayaw ko na dito, bahala ka na kung maiinis ka sakin dahil nakikinig ako sa chismisan nyo. Padabog kong binuksan ang pintuan. Kitang-kita ko ang biglang-biglang mukha ni Tekla, ikaw naman . . . parang nabuhusan nang malamig na tubig. Sus, para narinig ko lang naman chismisan nyo, ganyan na reaction mo? Bahala ka na nga.

"K-kuya?"

"Takte ka Juniper, wag mo kong tawaging kuya. Ayaw kong maging kapatid mo lang."


Ngumiti ka pa, sarap mong pektusan.

"O, anong ngingiti-ngiti mo jan?" 

"Di mo naman kasi hinintay yung sinasabi ko eh, Kuya." Napahilamos na lang ako sa mukha, sige na. Mukha ka na talagang kuya!

"Para saan pa eh kuya lang din naman turing mo sakin diba?" Tumalikod na ko para maglakad palayo, bahala ka na. Pagod na ko sa kaka-kuya mo.

Medyo malayo-layo na rin ang ang naihahakbang ko ng matigilan ako sa sinabi mo.

"Inggit na inggit ako sa mga babaeng may kapatid na lalake kasi may natatawag silang kuya. Wala ako nun eh. Tinawag kitang kuya, hindi dahil gusto kitang maging kapatid. Tinawag kitang ganon kasi tulad ng mga kuya, gusto kong may mag-alaga sakin na hindi humihingi ng kapalit. Tinawag kitang kuya kasi gusto kong may taong palagi lang andyan para suportahan ako. Ang mga kuya, minamahal ng mga bunso nila . . . at sa sitwasyon mo,

minamahal kita."

----X

MAY KASUNOD PA. Pindutin lang ang Kuya <3 (take two) :))

Oh diba? Korni na, cliche pa. HAHAHA. Sa mga nag-abang, pasensya at hindi ito yung ine-expect ninyo :D HAHAHA. Yun lamang :D

Dedicated kay Kuya. Bwahaha. Asa ka kuya, wag mong seryosohin ito kuya. Hindi ito related sayo kuya. Naisip ko lang to nng inis na inis ka sakin kasi tinatawag kitang kuya :D :PP Bleh!

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 1.2K 27
Dahil sa pagpasok ko sa paaralang ito ay marami ang nagbago sa aking buhay. Gusto mo bang malaman kung ano ang nagbago saakin? Halinat basihan ang k...
6.9M 99.3K 92
Former The Gangster's Slave (Highest rank: #2 in Humor. ) Currently Revising Fake relationship in exchange of paying all of your debts and the hospit...
545K 13K 49
Sanggol pa lang si Elise ay binili na siya ng isang mayamang lalaki para pakasalan. Si Cedrick na ubod ng gwapo at walang pakialam sa agwat ng edad n...
862K 29.2K 63
Meet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya, kontento na siya sa atensyon at pagmamah...