I am Your Lady Butler [Revise...

By helpless15

156K 3.4K 975

Love can be the brightest flame. You can be a player or a toy. It's a playful game, I Yarumi Ashley Kang ente... More

I am Your Lady Butler
[1] - T h e S h o e s
[2] - E v i l P r i n c e
[3] - M e m o r i e s o f r a i n
[4] - F o r S a l e
[5] - T h e P a s t
[6] - D e f e n s e o f t h e A n c i e n t
[7] - B i t c h e s
[8] - D a t e
[9] - F i g h t
[10] - S o r r y
[11] - P r e t e n d
[12] - A y e s h a M i n
[13] - H a t r e d
[14] B e h i n d T h e S c e n e
[15] U n t i t l e d
[16] L o v e - H a t e
[17] I n f i n i t e BROTHERS
[18] U n e x p e c t e d
[19] S i d e S t o r y
[20] - W e i r d
[21] - U n s a i d
[22] - I'll w a i t
[23] - H o w
[24] - F i n d i n g H e r
Chapter 26 (A Night And Day With Mr. Stranger)
Chapter 27 (Its Over Time To Let Go)
Chapter 28 (Untold Story)
Chapter 29 (DRAY)
Chapter 30 (The Beginning Of Everything)
Chapter 31 (Back off, Bella is Mine)
Chapter 32 (Damoves ni Dray)
Chapter 33 (Hi, Alfonso Nickanor Stefanny)
Chapter 34 (Christmas Is Coming)
Chapter 35 (December 23)
Chapter 36 (Yes! Christmas soon, But)
Chapter 37 (Chirstmas--New Year)
Chapter 38 (She's Back)
Chapter 39 (Lost Feeling)
[40] -B l i n d n e s s
[41] - A r t o f l e t t i n g g o
Importanteng anunsyo mula sa dyosa ;)
[42] T h e R e t u r n
[43] - U n c o v e r i n g
[44] - F a c e O f f
[45] - A c c i d e n t
[46] - O v e r Y o u
[47] - L a s t D a t e?
[48] - B a t t l e O f P r i d e
IMPORTANT ANNOUCEMENT!
[49]- Revelation

[25] - B e l i e v e

2.4K 58 3
By helpless15

Dray's


Niyaya ko na lang mag cutting si Yarumi dahil ang boring sa school ngayon, they were all talking about Kangsan Group dahil naging parte na ng Misaki University ang malaking companya na yun.

"Saan tayo pupunta?" di ko naisip kung saan. Hmm.. san nga kaya?

"Pag-iisipan ko pa. Hahahaha." sagot ko sa kanya na agad na ikinagulat niya.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko wala ka talagang matinong plano kahit kailan! Ako na lang bahala kung saan tayo pupunta. Okay?" dahil wala din akong maisip kung saan hahayaan ko na lang siya.

"Okay." nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot. Natalon talon pa ang bakekang habang naglalakad. Ang bilis din talaga mawala ng galit ng isang 'to. Ang tagal ko siyang pinag-intay nung isang gabi. Urgent naman kasi talaga dahil umuwi ang parents ko. Si Ayesha naman sa condo na niya natuloy, wala pa ulit akong balita. The reason why kung bakit umuwi ang parents ko ay gusto na naman nila akong iset-up sa blind date. Tss.

"Hoy ano young master walang balak sumakay?!"

"Oo na nandyan na!" tumakbo ako papunta sa kotse. Siya na ang nasa drivers seat tutal siya naman ang may alam kung saan kami pupunta. Habang nag d-drive siya hindi ko maiwasan hindi mapatingin. Before she said she likes me, ganun padin ba kaya ngayon? Kasi unti-unti na akong nahuhulog.

"Na mesmerized ka na ba sakin?" agad naman akong nag-iwas ng tingin nang mapansin niya ako. Nakakahiya yun ah.

"Paano kung oo?" sa ngayon ako naman ay napangiti at siya naman ang nag-iwas. Namumula na naman ang bakekang na 'to. Mukhang kamatis, hahahaha.

"N-nandito na tayo." dali-dali naman siyang bumaba habang nakahawak ang kanyang mga palad sa namumula niyang pisngi. Bumaba na lang din ako at namangha ako sa nakita ko. Fresh air at hindi masyadong mainit yung tayo ng lugar. Biking place siya at may pasyalan din sa tabi tabi.

"Nice place, my butler." ngumiti siya sakin na para bang proud na proud.

Agad akong tumakbo dun sa mga bike at sumakay dun sa isang bike na pwedeng angkasan. Kinawayan ko naman si Yarumi as a sign na lumapit siya sakin.

"Oh? Tinatangla mo sumakay ka dito sa likuran ko! Dali ang bagal bagal naman."

"Saglit lang ha. Excited much?" inirapan ko na lang ang bakekang na 'to. Baka pag humaba pa ang usapan mag-away na naman kami. Walang katapusan away.

Sumakay na siya sa likod ko at ang bakekang di man lang kumakapit sa likod ko. "Ano magpapakahulog ka? Kumapit ka sa likod ko."

Unti-unti niyang iniangat ang kamay niya ang iniyapos sa baywang ko. "What's with the long face?" unsag ko sa kanya. Kahit di ko siya nakikita alam kong naka long face na naman ang babaeng ito.

"Paki mo ba?"

"Kinikilig ka ba? Okay lang naman kiligin. Sige ka, baka maging utot pa yan. Hahahaha." nakaramdam ako ng hampas sa likod ko.

"ARAY! Gusto mo bang matumba tayo?" di na naman siya umimik at sinimulan ko na ang pagpidal. Hindi ko matago sa labi ko ang mga ngiti. It's too cliche na napangiti niya ako, iba siya sa mga taong nagkakagusto sakin. I find her special.

"WOOOO! BILISAN MO PA NGA SA PAGPIDAL!" sigaw niya ng malakas. Agad ko naman binilisan pa ang pagpidal. Maya maya pa ay binagalan ko na. Hindi kami nag-imikan saglit tapos sumandal siya sa likod ko.

"Dray.."

"Hmmm.." parang kinakabahan ako sa kanya.

"Diba noon sinabi ko sayo na gusto kita? NA reject ba ako o tinanggap mo yun? Or baka naman kailangan ko mag-intay ng sagot." nabigla ako sa sinabi niya.

"Yarumi-"

"Ah.. ano.. hindi mo naman kailangan sagutin. Alam ko naman kasing awkward na babae ang kailangan pa mag confess saka in the first place, butler mo lang ako."

Hindi din ako nakasagot sa kanya pero nanatili siyang nakasandal sa likod. It's time for moving on. Mas magiging tanga lang ako kung iiwanan ko ang sarili ko sa nakaraan. Shan Trixy Mae Ferrer, she will never comeback. She's gone forever.

Huminto na ako sa pag ba-bike at hindi padin siya makatingin sakin. Hindi ko din naman siya magawang tingnan. Ugh, ang awkward.

"Do you want to eat?" simpleng tanong ko sa kanya, please pumayag ka bakekang.

"Let's go!!" sigaw niya, sabi na nga ba never siya tumanggi sa pagkain. May isang malaking Cafeteria kasi akong napansin kanina.

Dire-diretso siya sa Cafeteria, bale kami lang yung tao karamihan kasi ng mga tao nasa labas nag p-picnic. Di naman kasi kami prepared mag cutting.

"HELLO MS. THEA!" tapos nakipag beso beso siya sa matandang babae.

Siniko naman niya ako bigla tss. "Hello po." saka ako nag bow dun sa matandang babae.

"Boyfriend mo ba Yumi?" agad naman kaming napaubo at nakita ko siyang namula. Sasagot na sana ako kaso naunahan niya ako.

"Naku Ms. Thea naman! Hindi po, siya po yung nakwento ko sa inyo na amo ko." na flattered naman ako bigla ha, kinukwento niya din pala ako sa ibang tao.

"Ahh, yan ba hija yung sinasabi mong masama ang ugali mong amo? Naku hijo, hindi naman halata sa mukha mo pero kahit amo ka niya dapat maging mabait ka. Mga kabataan nga naman ngayon." agad na nanlaki ang mata ko at si Yarumi nagtago sa likod nung matanda.

Binabawi ko na yung pagka flattered ko walanghiyang babae na 'to. "Ah.."

Na speechless naman ako bigla pero hinila na ako ni Yarumi para maupo. Yung matandang babae naman dumiretso sa kusina.

"Wala kang sweldo ngayon buwan."

"DRAY NAMAN!"

"Just kidding." sinamaan naman niya ako ng tingin tapos biglang nag faker laugh.

"Natawa ako sa joke mo. Super, try mo kaya mag audition sa pagiging joker?" wika niya na may halong pang-aasar.\

"Oh siya mga bata ito na ang pagkain. Kumain kayo ng mabuti ha." inilagay naman nung matanda ang adobo, sinigang, fish fillet, chicken curry tapos watermelon.

"I'll eat well, Ms. Thea!" sigaw niya at nagsimula na kumain.

Nagsimula na din naman ako kumain at di na kami nag imikan dahil parehas kaming gutom. Itinira namin yung watermelon para huling kainin.

"Oh, masustansya yang watermelon."

"Ayoko. Ikaw na lang kumain."

"Ang arte ah." saka niya binawi yung watermelon. Tss.

"Akin na nga, kakainin ko." nagtaka naman siya bigla pero nagkibit balikat na lang siya.

Sinimulan kong kainin ang watermelon. Bahala na, hindi talaga ako masyadong kumakain ng watermelon dahil sa tuwing kakain ako nagtatae ako. Bahala na basta para kay Yarumi gagawin ko na lang.

Ang bilis yata ng reaction ng watermelon sakin ngayon ah, nakakaramdam na ako ng sakit ng tiyan.

"Dray? What's with your face?" tanong niya sakin.

"W-wala.." tapos wala na napautot na ako.

"Ugh, ang baho!" sigaw niya at agad akong nagtatakbo sa CR.

Ang sakit ng tiyan ko. Shit!


Yarumi's


"Ano hindi ka padin tapos? 30 minutos ka na dyan sa CR! Hindi ka ba nauubusan ng tae?"

Hindi naman niya sinabi sakin na nagkakaganun siya pag kumakain siya ng watermelon. O baka naman kinain niya yung watermelon para lang sakin? Hmmm.

"Wait lang magtitimpla lang ako ng hydrate baka maubusan ka ng tubig sa katawan." tss naman kasi ang baho pa ng utot jusko.

"BILISAN MO!" aba siya 'tong tanga ang kumain ng watermelon tapos siya pa itong parang galit.

Humingi ako ng bottled water kay Ms. Thea at nilagyan yun ng hydrate at agad agad ko tong inilusot dun sa ilalim ng pinto ng CR.

"Just give me more 25minutes."

Nag-antay ako ng 25minutes. "At last.."

"Oo nga at last lumabas--"

Napahinto akong bigla nang makita ko ang hitsura niya. Pawisan siya tapos medyo gulo yung buhok. Ang gwapo niya.

"Ano pinagnanasaan mo na naman ako?" tangina talagang lalaki na to, agad ako nakahagilap ng kahon ng tissue kaya ibinato ko ito sa kanya.

"HUH! Asa ka. Sa baho ng utot mo? No way!" natahimik naman bigla kaming dalawa at tumawa na lang ng malakas.

"Balik na tayo sa school?" wika ni Dray.

"Ang alam ko sa mga nag c-cutting di na nabalik sa school."

"Edi tayong dalawa yung nag cutting na babalik." saglit akong napaisip at nag nod na lang sa kanya.

"Give me the car key." saglit kong hinanap sa bag ko at ibinigay sa kanya.

"Ikaw mag d-drive? Okay ka na ba?" nag nod lang naman siya saka ngumiti. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya kapag nakikita ko siyang ngumiti. Hindi kagaya noon hindi talaga siya ngumingiti.

Sumakay na ako sa kotse at pagkasakay ko nilagyan niya ako ng seat belt. Ang lapit niya, ang labi niya nakaka- akit ang mga labi niya.

"Ehem." nagkunwari siya umubo at nag-iwas ng tingin ano ba yan naging awkward bigla.

Di na kami nag imikan buong byahe. Pagdating sa school dumeretso muna ulit sa sa CR ako naman biglang hinarang ng Spies Girls kuno. Yung nakaaway ko noong sa CR. (Chapter 7- Bitches)

"Kasama mo na ngayon mag cutting ang future hubby ko! Butler ka lang tandaan mo!" sigaw sakin nung unang babae na lider lideran ng tatlong impakta.

"Yes, I am his butler. At sa lahat ng butler ako ang pinaka maswerte. Tandaan mo yan ha."

"HUMANDA KA SAKIN MANGKUKULAM KA!" nag dire-diretso na lang ako, kapal ng mukha na tawagin akong mangkukulam.

Pagdating ko sa classroom andun din ang tatlong impakta. Bibilis nila nuh? Nag shift din ata ng course yang tatlong babae na yan panao ba naman patay na patay kay Dray yung lider-lideran nila.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Dray na kaagad naman naupo sa tabi ko.

Di na kami nag-imikan dahil nagsimula na ang klase. After ng ethics namin P.E class ang sunod. Swimming daw.

Pumunta na ako sa locker para magpalit ng damit. Sa kamalas malasan katabi ko ng locker yung lider ng impaktita girls. Si Melody. Tapos yung isa naman ay si Bamba at Curry. Ang sagwa nung pangalan ng dalawa.

"Bitch please, can you please tabi tabi?" sigaw sakin ni Bamba. Bamba the baboy.

"Sure. Di ka na kasi kasya sa daan." saka ko isinara yung locker ko.

Nagpunta na ako sa swimming pool para mag warm-up yung tatlo naman hindi ko na alam kung nasaan. Si Dray natanaw ko nakaupo lang, baka di muna siya sumali dahil sa nangyari kanina. Inilibot ko ang mata ko at nakita ko ang mga tarpaulin ng Kangsan Group. Pero mas napansin ko si Dray at Rain na naghihilahan. Ano na naman drama ng dalawang yun?

"Prrrt..." pito ng teacher namin sa dalawa. Dahil nasa malayo ako tanaw ko lang na naglayo din ang dalawa. Dahil malaki naman ang swimming area ng school. Dalawa ang swimming pool, for girls and boys pero tanaw padin naman ang isa't-isa.

Nagsimula na kaming wag warm up at sa pagpito ng teacher namin sabay sabay na kaming lumangoy.

"YARUMI 1st!" sigaw nung teacher namin. YES!

Nakita ko si Dray na naka thumbs-up sakin kaya ngumiti na lang din naman ako. Ngiti pero sa loob may kasamang kilig. Si Rain naman ang sama ng aura.

Nang matapos ang swimming class namin nag diretso na ako sa locker ko sa at pagpasok ko tila ba nagkakagulo silang lahat. Kahit mga boys nandun din. Nakisiksik akong bigla tapos nakita ko na hinahalwat nila bawat locker. Kaya naman tinanong ko yung katabi ko.

"Anong nangyari?"

"Nanakawan daw si Melody." nanlaki naman bigla ang mata ko. Nanakawan? Ayan nakarma siya.

"Ano daw ang nanakaw? Virginity ba? Eh bakit sa locker hinahanap?"

"Gaga ka tala Yarumi, nanakawan siya ng cellphone at ilang jewelries tapos 35,000php." nanlaki naman bigla ang mata ko.

Kundangan ba naman siyang tanga magdala ng ganun dito school. Aalis na sana ako nang biglang napatahimik ang lahat at tumingin sakin.

"Ms. Yarumi Ashley Kang." sambit nung teacher namin. Napatingin naman ako tapos pinalapit niya ako.

"We found this inside your locker." tapos pinakita sakin nung teacher yung cellphone, jewelries at yung pera. Wow ha!

"Pero.. I didn't do anything. I have no idea kung bakit nandyan po yan sa locker ko." napahawka na lang sa noo yung teacher ko. Napatingin ako kay Melody na kino-comfort ni Bamba pati na yung ibang boys. Shit lang ha, ako magnanakaw? Sawang sawa nga ako makakita ng ganyan sa mansyon ng mga Kang.

"Just follow me, Ms. Yarumi." wala na naman akong magagawa dahil teacher na ang nagsabi saka commoner lang naman ako dito sa school. Pero bakit kinakabahan ako na para bang ay mangyaayring hindi maganda? After ng kaba ko dun sa pagpapahanap ng apo ng Kangsan Group ano 'to aakusahan akong magnanakaw? Woah there.

Pagdating namin sa disciplinary office nakaharap sakin halos lahat ng teacher. Parang nasa detective office ang dating ko ngayon ah.

"Alam mo naman siguro na bawal magnakaw?"

"Hindi basta-bastang tao ang ninakawan mo."

"Wala ka na bang makain hija?"

"Hija, hindi mo kailangan magnakaw."

"Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?"

Naririndi na ako sa mga teacher na 'to ah. Ganun ba ka big deal yang si Melody?

"But, I didn't do anything. Baka may nag frame up lang sakin. At saka po unang-una kahit wala akong makain kaya ko pang maghalwat sa basurahan kaysa magnakaw. Pangalawa, wag niyo po indamay ang magulang ko. Saka po bakit ako lang po ang pinatawag niyo? How about Melody?"

Nagbuntong-hininga naman yung P.E teacher namin. "I'll let this one slide, for the sake of Kangsan Group. Kaning umaga nag spread na ang rumor na si Melody ang apo ng Chairman ng Kangsan Group at nag-iisang tagapagmana."

Muntik na ako malaglag sa kinauupuan ko sa narinig ko. Teka nga, impostor na din siya ngayon. Well, hahayaan lang siya ng Kangsan Group pero goodluck na lang sa kanya.

"Pero Ma'am, you must clear with my classmates na hindi ako nagnakaw! I'm just a mere commoner here and in just a blink of an eye sisikat po ako dahil magnanakaw ako? Teachers.."

"You can go now." wala na akong nagawa kundi umalis. So this is the power of money. Then good.

Naglalakad ako sa hallway at nakikita ko ang tinginan ng iba, I can't fight them. Masyado silang madami at lahat sila mayayaman. This is bullshit. Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Dray papunta sa rooftop.

"Speak."

"Ha? Anong sasabihin ko?"

"Just tell me the truth, tell me that you didn't do anything." hinawakan niya ang mukha ko at pilit niyang pinagtatama ang mga mata namin.

"Tell me the truth while looking in my eyes." ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang mukha niya na parang nag-aalala. Ano ba 'to? Praning na naman ba siya? No way...

"I didn't do anything." niyakap niya ako bigla matapos kong sambitin ang mga salitang yun. "Maniniwala ka ba?"

Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti sakin. "I know you. Hindi ka gagawa ng ganun klaseng bagay. I will always believe on you. I told you before, you're the only person that I have now so I will always protect you no matter what. You made me happy and in return I will protect you. Just trust me. Now, I am asking you. Will you trust me, my lady butler?"

I'm fragile alam ko yan sa sarili ko kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Unti utni itong tumagas at kaagad niya akong niyakap. "You can share your tears, with me."


Rain's


Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Yarumi kaagad ko siyang hinanap. Pero dapat hindi na lang pala, nakita kong hinila siya ni Dray papunta sa rooftop kaya sumunod ako pero sana hindi na lang din pala ako sumunod.

"I didn't do anything." kitang kita ng dalawa kong mata kung paano siya yakapin ni Dray. Can't I just hug her for a while? Kahit pinaubaya ko na si Yarumi kay Dray hindi ko magawang mag move on. Buong buhay ko si Yarumi lang ang babaeng minamahal ko. The pain is killing me! "Maniniwala ka ba?"

Napasandal na lang ako sa pader at tumulo ang mga luha ko. Am I too late? Pero kahit na.. hindi ko na siya mababawi. Gio Dray Min is totally in to her. He's falling. O mas tamang sabihin na Gio Dray Min fell inlove with Yarumi Ashley Kang.

Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't-isa at saglit na nagtitigan. "I know you. Hindi ka gagawa ng ganun klaseng bagay. I will always believe on you. I told you before, you're the only person that I have now so I will always protect you no matter what. You made me happy and in return I will protect you. Just trust me. Now, I am asking you. Will you trust me, my lady butler?"

Ayoko ng makinig pero bakit di ko maihakbang ang mga paa ko. Pagod na pagod na ako pero parang gusto ko padin. Masaya maging tanga.

"All this time, pananahimik ang magandandang gawin Rain Yang."

Nagulat ako bigla kung sino ang nakita ko. "Ayesha Min?"

"Mukhang masaya ang kapatid ko kasama siya. Pero ha don't make me wrong galit padin ako kay Yarumi. How come na magpanggap siya na ganyan. Walang maalala. Tss."

"What are you doing here?" tiningnan niya ako saglit saka ngumiti.

"Binibisita ka.." saglit siyang huminto at nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Rain, masakit ba? Yang sakit na yan mas doble ang nararamdaman ko. Bakit? Ginugol ko din ang buhay ko para mahalin ka pero wala akong napapala kundi sakit. Alam ko ang pakiramdam na ayaw mo na pero yung puso mo gusto pa.."

"Ayesha.." wrong timing naman 'tong pag bisita niya. Alam ko naman din na nasasaktan ko na siya ng sobra pero I only want Yarumi.

"But still, I know the feeling. If you want to hold on, just hold on. If the pain is killing you endure it. If you can't stand seeing them together endure it. Pain will make you stronger, that's why I'm still here for you Rain. Because I thought, if I will let myself to suffer in pain I will become stronger. Stronger enough to win you back."

Continue Reading

You'll Also Like

135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
5.1K 132 15
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
3.2K 197 40
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"