Ms. Innocent Meets Mr. F*cker...

By gabweeel

3.6M 73.2K 4.2K

She's just an ordinary student. She's just a nobody. She's just a girl who dreams for a better life. She's pu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
About Book 2
Special Chapter

Chapter 51

54.3K 1.1K 192
By gabweeel

Catherine Faith's POV

Nandito pa rin ako sa bahay at mag-isa ulit ako.

Hapon na kasi at hinihintay ko ang tawag ni Jiyong.

Naloka ako kanina kasi muntik na kaming mabuko ni Harin.

Flashback

"Ate!"

Halos malaglag ang puso ko sa narinig ko.

Jusko! Si Harin!

May naririnig din akong pagkatok.

"Patay." sabi ko at napaharap kay Jiyong.

Kinuha ko ang damit pantaas at pambaba na malapit sakin at isinuot ko iyon.

"Bakit?" pasigaw kong tanong dahil hindi kami masyadong magkarinigan dahil sa soundproof ang mga kwarto dito.

Nang makita ko si Jiyong, tawa siya ng tawa ng mahina.

Ako lang ang namomoblema oh. -____-

"Baba na tayo! Anong oras na oh!" narinig kong sabi niya.

Binuksan ko ng konti yung pinto at hinarap ko siya.

"Ate?" nagtataka niyang tanong.

"B-bakit?" tanong ko.

Medyo kinakabahan ako.

"Kailan ka pa nagkaroon ng ganyang damit?" tanong niya.

Tinignan ko ang damit ko.

Polo ni Jiyong ang nasuot ko!

Shaaaaaaat! Ano sasabihin ko?

Isip. Isip. Isip.

"Ah-eh. Ka-kakabili ko lang k-kahapon. Oo! Kakabili ko lang!" sabi ko.

She gave me the "talaga-lang-ha" look.

"Okay. Baba na ako, Ate. Papasok pa ako." sabi niya at tuluyang bumaba.

Pagkasabi niya noon ay sinabi ko agad kay Jiyong na mamaya na siya bumaba kapag wala na si Harin at pumayag naman siya.

End of Flashback

*BZZT BZZT*

Nabalik ako sa ulirat ng may nagbuzzer.

Binuksan ko 'yong pinto.

Nagtaka ako dahil walang tao ang sumalubong sa pagbukas ko ng pinto.

Napagtanto ko rin na may isang box ang nakalagay doon sa may doormat.

Kanino 'tong box?

Kinuha ko iyon at binuksan.

Ngee?

Dress? Para sakin?

Napukaw ang atensyon ko sa may note na nasama doon.

Binasa ko 'yon.

"Wear this. I'll pick you at 5 pm, my princess."

Napangiti at kinilig ako.

May pa-surprise na naman si Jiyong.

Eto na ba 'yong sinasabi niyang mahalaga naming pupuntahan?

Gusto ko sana siyang tawagan pero narealize ko na anong oras na pala at mag-aayos pa ako.

Agad akong nagtungo sa banyo at naligo.

Natapos naman ako after 20 minutes. Sinuot ko 'yong dress na padala ni Jiyong.

Bagay naman pala sa akin yung dress.

Naglagay ako ng konting eyeliner sa mata ko at naglagay ng konting pulbo.

Mabilis akong natapos at sakto naman ang pag-vibrate ng cellphone. Tinignan ko 'yon.

Jiyong Pogi calling...

Sinagot ko 'yon.

[I'm at the lobby. Go downstairs.]

"Okay."

Call Ended

Bago ko ilagay sa bag ko ang cellphone ko, nagtext muna ako kay Harin na wala ako mamayang gabi.

Tuluyan na akong umalis sa unit at nagtungo sa lobby kung nasaan si Jiyong.

At nakita ko siyang nandoon nga, naka-formal attire siya.

Saan ba kami pupunta?

Nilapitan ko siya.

"Let's go." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Saan ba tayo pupunta?" pabulong kong tanong sa kanya.

"My dad is already here in the Philippines. I would like you to meet him."

Biglang kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit.

Parang gusto kong mag-back out.

"Pwede bang 'wag nalang ako sumama?" sabi ko habang bumibitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Why are you nervous? Ipapakilala lang kita kay Papa gaya ng pagpapakilala ko sayo kay Mama." sabi niya.

"Ayoko, Jiyong. Kahit 'wag mo na ako ipakilala." sabi ko.

"Don't be nervous! Kenneth and our clique will also be there!" sabi niya.

Hindi na ako nakatanggi at naisama niya na ako sa kotse niya.

Ewan ko kung bakit nanlalamig ako.

Hinawakan na naman ni Jiyong 'yong kamay ko. Para bang pinapakalma niya ako.

Nag-start na siyang magdrive.

Bakit ba ako kinakabahan? Ipapakilala lang naman ako.

Walang tigil talaga ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

After 1 hour na pagdadrive, nakarating kami sa isang hotel.

Exclusive hotel. Pang-mayayaman lang ang pwede.

Napapikit ako bago alisin ang seatbelt.

Jiyong gave me an assuring smile at inalis na niya ang seatbelt niya.

Inalis ko na rin ang akin. Bumaba na kami sa kotse.

Halos mabulag ako sa mga flash na sumalubong sa amin.

Paparazzi here. Paparazzi there. Paparazzi everywhere.

"Don't answer their question. Keep walking." bulong sakin ni Jiyong.

Kumapit ako sa braso ni Jiyong at sabay kaming ngumiti sa mga camera na nakatutok sa amin.

"Who's with Mr. Jiyong?"

"Ma'am, what's your name?"

"Kaano-ano niyo po si Mr. Kwon?"

Gaya nga ng sabi ni Jiyong, huwag ko daw sagutin ang mga tanong nila at magdire-diretso lang kami sa paglalakad.

Nang makapasok kami sa hotel, andami nang mga tao.

Party.

May mga tao agad na lumapit kay Jiyong pagdating namin. Mga businessman.

Nasa tabi niya lang ako at nakaakbay siya sakin habang may kausap siya.

Alam kong nagtataka na 'tong mga 'to kung sino ako, nginingitian ko nalang sila.

"Still nervous?" tanong niya sakin.

"Oo." sabi ko.

Lumapit naman samin ang Mama ni Jiyong.

Grabe. Napaka-classy ng itsura niya.

"Oh hija! Good thing, you are here!" sabi niya at nakipag-beso sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil kinakain ako ng kaba ko.

"It's been a while. I missed you!" sabi niya sakin.

"Namiss ko din po kayo." I gave her my warmest smile.

"Oh anak, buti naman sinama mo si Faith. Ipakilala mo siya sa Papa mo ah." sabi niya.

"Of course, Ma. Asan nga pala si Papa?" tanong niya.

"Nasa room niya pa. Nag-aayos." sabi ni Tita Mina.

"Oh okay." sabi ni Jiyong.

"Sige anak. Kausapin ko lang 'yong ibang guests ha?" paalam ni Tita Mina.

"Sure!" sagot ni Jiyong at umalis na nga si Tita Mina.

Pagkaalis ni Tita, biglang dumating naman sila Kenneth--- kasama si Taeyang, err.

Mga naka-formal attire din sila ngayon.

"Oy pare!" sabay sabay nilang bulyaw nang makita ni kami.

"Oh bakit kayo nandito?" medyo pabirong tanong ni Jiyong sa kanila.

"Pare naman eh! Parang hindi naman namin tropa si Sir Henry eh! I mean Papa Henry!" natatawang sabi ni Kenneth.

"Kung hindi lang naman namin business partner 'yong mga magulang niyo, baka wala kayo dito eh. Tch" pambabara naman ni Jiyong.

"Pare naman! 'Wag ka namang manlaglag, nandito si Faith!" sabi ni Alexander at nabaling ang atensyon nila samin.

"Hi Faith!" masayang bati ni Tristan sakin.

"Hello!" bati ko din sa kanila.

"Bring your own date pala dito. Hindi kami na-inform." nanghihinayang sabi ni Kenneth.

"Bring your own date? Nanghinayang ka? Wala ka namang pwede idate eh. Psh." panlalaglag ni Tristan.

Natatawa nalang ako sa kanila. Medyo hindi ko na rin sila masyadong nakikita dahil busy na din sila. Magtatrabaho na din ata sila kagaya ni Jiyong.

"Hoy Jiyong baka lasingin mo si Faith ngayon at baka sa mga susunod na buwan maging mga ninong na kami ah!" pang-aalaska ni Kenneth.

Kung alam niyo lang! Hahahaha!

"Gusto niyo na ba?" sinakyan naman ni Jiyong 'yong pang-aasar nila.

Napatingin ako kay Taeyang, tahimik siya. Infairness, maporma din pala si Taeyang. Actually, lahat sila maporma. Magiging magbabarkada ba sila kung hindi sila maporma diba? (-____-')

"'Wag muna, Jiyong! Wala pa kaming pambibigay!" sabi ni Alexander.

Nagtawanan lang kami. Medyo nawala naman ang kaba ko dahil do'n.

"Punta lang kami doon ah. Enjoy kayo." paalam ni Tristan nung medyo nagtagal na sila.

Sakto naman na may pumuntang tao sa stage. Yung emcee.

"Good evening, ladies and gentlemen! Thank you for coming to this special event tonight! And are you ready for him to rule again the business world? Alam kong madaming naka-miss kay Mr. Henry, kaya masaya ba kayo na nakabalik na siya?"

"Yes!" sagot ng mga tao.

"I would like to call Mr. Henry Kwon to be here on stage for his speech!"

Nagpalakpakan ang mga tao at umakyat si Sir Henry sa stage.

Kinabahan na naman ako.

Nagsalita siya sa stage.

"I would like to thank everyone for being here. Thank you for the warm welcome! Hindi ako nagkamaling bumalik dito. Plano ko sanang sa Japan na mag-stay dahil na-enjoy ko doon. Buti nalang at naisipan kong bumalik dito. Haha!"

Medyo nagtawanan din ang audience.

Kinakabahan na naman ako.

"Salamat sa mga taong nagpamalakad ng mga negosyo ko dito habang wala ako. Sa Vice President ng NSC, maraming salamat sayo. At sa anak kong si Jiyong, na namahala sa kumpanya habang wala ako."

Napunta ang spotlight kay Jiyong at ngumiti lang si Jiyong. Nabalik naman agad ang spotlight sa stage.

"At dalawang event ang ice-celebrate natin ngayon."

Nagtaka ang mga tao sa sinabi ni Sir Henry--- pati si Tita Mina nagtataka din.

Kinakabahan talaga ako. Grabe yung pagpintig ng puso ko.

"Dalawang event. Ang aking pagbabalik at ang engagement party ng anak kong si Kurt Jiyong at ang nobya niyang si Zoey Mizuhara."

Nagpalakpakan ang mga tao at biglang may babaeng umakyat sa stage.

Parang unti-unti akong sinasaksak.

Parang unti-unti akong pinapatay ng mga salitang iyon.

"What the fuck is happening?" natatarantang tanong ni Jiyong.

May nag-assist sa kanya papunta sa stage.

Ang sakit. Kaya siguro ako kinakabahan.

Ang sakit sakit.

"Here's my surprise for you, son! You want to be with Zoey, right? So I am granting your wish."

Dalawa na sila ni Zoey sa stage.

Ang ganda pala ni Zoey. Bagay sila.

"You two will get married as soon as the Christmas break starts."

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko.

Ang sakit sakit talaga.

Napakagandang birthday at christmas gift naman neto sakin.

Alam kong dadating ang araw na ito---- na matatapos ang deal pero hindi ko akalaing ganito kasakit.

Wala sa sarili kong lumabas ako sa hotel at tumakbo palayo.

Hangga't maaari gusto kong takbuhan ang sakit na nararamdaman ko.

-----------

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Continue Reading

You'll Also Like

220K 5.4K 23
(C) Mistakenlylovingyou 2015
203 74 21
She's afraid to fall in love again. Afraid to get hurt again. Pero pinaglaruan ata siya ng tadhana. Na in love siya sa isang estranghero. Estranghero...
1.3M 15.2K 55
About a young married couple who did nothing but to tease each other! (Tagalog) (Under Revision) Contains Childish contents xD
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...