Falling Inlove With My Roomma...

By dark19

279K 6.1K 283

ang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawa... More

Falling Inlove With My Roommate
>>ANDY
>>ANDY part2
>>Russell
>>Russel part2
>> the Side Effect of Kiss
saving pride versus truth behind feelings
Categorizing the two feelings
Who Play with Dominique?
Being with Andy
I'm sorry , I love you roommate!
Andy's Love Disorder
Russell's Past
Start of Being Her Girlfriend
The Tense
Russell's Father decission
The one who is given a chance
twist
Dominique's Crisis
This day.....
Her Mother
The offer
The vocalist
The fall down

Between the choice

13.5K 355 90
By dark19

Chapter 25

Russell's POV

Ano yung pinakamasakit sa lahat na pangyayare sa buhay ng isang tao? Ito yung makita mo yung taong

sobrang mahal na mahal mo na masaktan ng dahil sayo....sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko ng

dumating si Andy, sobrang naging masaya ako at sa tuwing tinititigan nya ako ito yung nagsisilbing  

dahilan ko para di ako mainsecure sa ibang tao dahil ako lang yung maganda sa mga mata nya, na  

kontento sya na ako yung kasama nya at higit sa lahat kahit hindi bigkasin ng mga labi nya yung salitang  

mahal ay pinapadama nya sa pamamagitan ng titig nya kung gaano nya ko kamahal.....sa bawat araw na  

nagdadaan na tumututol yung mommy nya sa amin lalo akong nahihirapan para sa amin at lalo na para

kay Andy.....

"wala kayong patutunguhang dalawa!" ito yung parating bumabalik sa isip ko...ito yung pinakamasakit  

na salitang natanggap ko sa mommy nya...na masisira yung buhay ni Andy sa akin dahil walang wala na  

ako...

"Anong wala tayong patutunguhan? .....may pangarap tayo na tutuparin....may gusto tayong mangyare

sa future at iyon ay magkasama parin tayo hanggang huli! Kaya nga umaasa tayo na maaayos natin tong

problema......" umiiyak na sabi nya sa akin, yung luha ko dirediretso ng naglandas sa pisngi ko at pinigilan

kong wag kumawala yung paghikbi ko, nasa loob kami ng kwarto ko sa bahay ni Ate Chase na nasa  

Baguio ngayon para sa Seminar.

Natahimik sya pero yung luha nya patuloy parin na kumakawala sa mga mata nya,nakaupo ako sa edge

ng kama habang katulad nya ay tahimik na umiiyak....gustung gusto kong lumaban para sa kanya pero

sobrang durog yung puso ko na makitang mawala ang lahat sa kanya ng dahil sa akin, na kinakalaban nya

yung nanay nya ng dahil sa akin....kung wala siguro ako maayos yung relasyon nya sa pamilya nya.

Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan yung dalawang kamay ko

"R-Russell.....ako na lang ba yung umaasa?" umiiyak na tanong nya sa akin

"Idinadalangin ko naman na maayos lahat....na di ko kakayanin kapag nawala ka sa akin pero  

Andy....sobrang sakit sa akin na makitang nasasaktan ka sa nangyayare sa pamilya mo at ng dahil sa  

akin....paano ko ba kakayanin kapag nahihirapan ka na?" umiiyak na sabi ko sa kanya

Pinagdikit nya yung mga noo namin at pilit nya hinohold yung pag iyak nya

"Ano bang sabi ko sayo? Ipikit mo lang yang mga mata mo....ngayon lang ako naging masaya at iyon ng  

nakasama kita at pinagkatiwala mo yang puso mo sakin....na mahal mo ako....Russell wag mo kong iwan  

please...." Umiiyak na pagmamakaawa nya kaya mas lalo akong napaiyak

"Sobrang mahal na mahal kita....." bulong ko

"Kaya nga lumaban ka para sa akin... pasensya na kase di ko lang talaga na kaya na wala ka sa buhay  

ko...." Nanghihinang sabi nya. Doon ko naramdaman yung pagdampi ng labi nya sa labi ko....nang  

magsimulang kumislot yung mga labi nya doon na ako tumugon....namalayan ko na lang na nasa gitna

na kami ng kama at nakapatong na sya sa akin. Yung kamay nya naglilikot na sa buo kong katawan at

hinahayaan ko lang sya ....mahal ko sya at hindi ako mag aalinlangang ibigay lahat sa kanya yung lahat sa

akin dahil mahal nya ko at sobrang dami na nyang ginawa para patunayan iyon sa akin.

"Russell.....mahal kita...." Bulong nya noong maglandas yung mga labi nya galing leeg ko papunta sa  

tenga ko at marahang kinagat nya iyon kaya parang napaigtad ako. Muli nya akong ginawaran ng halik sa  

mga labi ko at yung dila nya was erotically entered in my mouth and it like searching for something

inside my mouth, ginaya ko kung ano yung ginagawa ng dila nya....ito yung mundo namin...yung apat na  

sulok ng kwartong to....kahit saglit lang, gusto kong mapasaya si Andy, ito lang kase yung mundo na hindi  

sila kasali dahil ito yung mundo na binuo namin.....sa bawat halik at sa bawat paghaplos ng mga palad  

nya sa buong katawan ko... at bawat pagsambit nya ng pangalan ko habang pilit naming pinupuntahan  

yung kasukdulan ng paraiso na gusto naming marating kahit ngayon lang.... ay mas lalo akong natakot  

kung kakayanin ko bang wala sya sa akin....Andy? bakit kase ayaw nila para sa atin? Bakit para sa kanila  

mali na magkasama tayo?

Tama lang 'to! Walang mali kung ipaubaya ko yung buong sarili ko sa kanya....sinunod ko naman, na

ibagay ko yung sarili ko sa taong mahal ko. At kay Andy yun!

Andy's POV

Pinagkaloob nya yung sarili nya sa akin! Pakiramdam ko nabuo yung buong pagkatao ko ng mangyare sa

amin 'to ni Russell....yung saya sa puso ko ang hirap kontrolin! Mas lalo ko syang minahal at mas lalong  

nagkaroon ako ng dahilan na wag syang hayaang mawala sa akin.....madaling araw na pero heto ko  

gising na gising habang yakap yakap si Russell habang nakasiksik sa akin at tanging kumot lang yung  

nakatakip sa kahubaran nya. Ang sarap ng tulog nya marahil sa pagod sa ginawa namin. Mayamaya ay  

kumislot sya at tumingala sa akin

"Tulog na Andy ko...." Sambit nya habang pupungaspungas kaya napangiti ako at tumango bago ko

ipinikit yung mga mata ko ay ginawaran ko sya halik sa noo nya

"I love you...." Bulong ko

"I love you too at di na kita mamahalin kapag pinuyat mo ko ng wagas!" sabi nya grabe napakabipolar

talaga. Kaya ang ginawa ko ay dinaganan ko ulit sya at akmang hahalikan ko sya sa labi nya ng hawakan  

nya yung magkabilang pisngi ko para pigilan ako sa gagawin ko at nakakatawa kase yung mga mata nya  

babagsak na sa antok

"Andy....utang na loob tumigil ka na ang sakit na ng buong katawan ko....antok na ako, maawa ka ang  

lulusog na ng mga eye bags ko...." Pagmamakaawa nya at napipikit na talaga sya

"Isang kiss na lang please..." natatawang sabi ko

PAKKKK!

Shit! Sinampal lang naman nya ko!

"Lumubay na sabi eh! Sasakalin na talaga kita kapag di ka pa natulog...." Masungit na sabi nya

"Kiss lang ang damot mo!" mahinang reklamo ko, dumako yung kamay nya sa batok ko at hinalikan nya

ako bago nya ko tinulak paalis sa ibabaw nya kaya yinakap ko na sya bago ako tuluyang dinapuan ng  

antok.

******** *********

Ronby's POV

Hinahabol ko ngayon si Dom sa may garden ng school at tinutumbok nyang puntahan yung parking lot...

"Dom please! Makinig ka muna sa akin...." Pagmamakaawa ko habang lakad-takbo na yung ginagawa ko  

maabutan ko lang sya....I'm holding my tears not to fall, bakit sobrang sakit sa loob ko na galit sya sa  

akin! Buwiset kase yung France na yan! Makagawa ng eskandalo wagas!

Naabutan ko sya sa tapat ng kotse nya kase sobrang blur yung mga mata nya dahil sa mga luha nya at  

hindi nya makita yung susi sa bag nya.

"Dominique please makinig ka muna sa akin....." di na natuloy yung sasabihin ko ng sampalin nya ko

"How dare you Ronby!!! Pinaghihintay mo ko even you have a girlfriend on the other side! Paano mong  

nagawa sa akin 'to na paasahin mo ko na gusto mo ko tapos may France....." nanghihinang sabi nya at  

napaupo na sya sa gilid ng kotse nya.lumapit ako sa kanya at naupo rin ako sa tapat nya

"MAKINIG KA....HINDI KO SYA GIRLFRIEND AT WALA AKONG GIRLFRIEND...MAGKAKAGIRLFRIEND LANG

AKO KAPAG PUMAYAG KA NA! KASE MAHAL KITA DOMINIQUE AT PWEDE BA KAPAG MAY GANITONG  

PROBLEMA WAG KANG TATAKBONG PAPALAYO SA AKIN KASE ANG HIRAP HUMINGA AT HAYAAN MO  

LANG AKONG MAGPALIWANAG KASE WALA AKONG ILILIHIM SAYO....YUNG GABING MAY NANGYARE SA  

ATIN MANIWALA KA O SA HINDI THAT WAS MY FIRST TIME TOO! KAYA SOBRANG IMPORTANTE SA AKIN

YUN.....MINAHAL KITA HINDI DAHIL SA NANGYARE SA ATIN KUNDI DAHIL YUN ANG DINIKTA NG  

PAGKAKATAON....NAKAKAINIS NAGISING AKO ISANG UMAGA NA NAKANGITI AT IKAW YUNG DAHILAN  

NUN KASE MAHAL NA NGA KITA...KAYA UTANG NA LOOB BATI NA TAYO! " galit na hiyaw na  

pagmamakaawa ko sa kanya at yung luha ko naglandas na pala habang isa isa kong pinupulot yung gamit  

nyang nalaglag habang hinahanap nya yung susi nya kanina kung hindi ko pa sya sigawan hindi sya  

makikinig sa akin at ng matapos ay ibibigay ko na sana sa kanya iyon

"O bakit tulala ka dyan?" tanong ko

"Mahal mo ko?" di nya makapaniwalang tanong

"Sa dami ng sinabi ko yan lang yung naabsorb mo?" tanong ko grabe! Nakakaiyak talagang maglambing  

sa taong to!

"Mahal mo ko! At bakit may mga babae ka pa rin na nilalandi!!! Buwiset ka!" at pinaghahampas nya ko  

at pilit kong hinuhuli yung pulso nya para pigilan...gosh! Ang sakit kaya!

"Wala akong nilalandi! Ikaw lang kahit ang sungit mo! Ano ba Dominique ang sakit!" sabi ko grabe  

mukha kaming tangang nag aaway dito sa parking lot at ng huminto sya....

"Ronby nakakainis ka.....yakapin mo ko...." Nakapout na sabi nya.....^o^ bati na kami! Ang saya kaya  

inalalayan ko syang tumayo at saka ko sya yinakap. And she hug me back! nakakaaddict talaga 'tong  

babaeng to!

"Hintayin mo lang kase ako at magtiwala ka lang sa akin.....di naman kita ipagpapalit sa iba eh...." Bulong  

ko at tumango sya.

pagkahatid ko kay Dom sa bahay nya ay agad akong pumara ng taxi para makauwi na sa bahay ko,  

habang bumibyahe ako ay tinawagan ko si Daddy,

''hello Dad....''

''hello anak? Wrong number ka ah! Di ito isa sa mga number ng mga babae mo...'' sabi nya sabay tawa  

sa kabilang linya.haist! Ang kulit!

''mabait na ko ngayon noh! Wahhhh! Dad may mahal na ko kaya sadyang sa iisang tao na lang  

nagniningning 'tong mga mata ko!'' hahaha

''sus! Anak dati sabi mo may kumanta sayong isang babae ang sabi mo crush mo...ng minsan may  

nagsayaw sa harap mo ang sabi mo girl of your dream mo....nang minsan pa! Huh! Hinalikan ka sa harap  

ng maraming tao...anong sabi mo? Future girlfriend mo kamo! Baka pag may naghubo na sa harap  

mo...sabihin mo mapapangasawa mo na huh! Kakaltukan kita sa ulo Ronby ayusin mo!'' natatawang  

kwento at paalala nya

''Gosh! Dad...ang daming alam! Mahal ko nga 'to wag ngang makulit!...di kita tinawagan para alaskahin  

ako...at saka kapag nakita mo yung taong mahal ko baka ikaw pa mismo mag ayos ng papeles para  

maikasal kami!'' hahaha wag na kayong magtataka kung saan ako nagmana ng kakulitan.

''hahahah yan! Dyan ka mahusay anak!....baka mabalita balitaan ko bokya ka dyan sa babae na  

yan....ano nga pala kailangan ng baby ko?'' tanong ni Dad na halatang nagpipigil ng tawa...husay ng  

instinct nitong si Dad na nahihirapan ako ngayon kay Dom eh!

''I'm going back to New York....2 to 3 days from now...hinihintay ko pa kase yung desisyon ni Russell  

eh...pakisabi naman Dad kay Mrs. Rutherfort na ayusin yung condo ko na gagamitin ko....dyan ko na  

ipagpapatuloy yung pag aaral ko....'' sabi ko

''matutuwa si Tita Mariane mo kapag pumayag si Russell na dito na sya mag aaral...handa kaming  

tulungan sya at si Shawn...'' sabi ni Daddy....

Si Shawn at Russell, natanggap na yung nangyare sa mga isyung nangyare sa pamilya namin...si Tito  

Rodolfo...pinili nyang sa California tumuloy para hindi daw komplikado yung lahat para sa amin...wala  

kaming nagawa kundi sumang ayon sa gusto nya, pinagtutulungan na nina Dad,Tita Mariane at Daddy ni  

Andy kung paano mababawi yung hacienda ng hindi namamalayan ng Mommy ni Andy...

Pagkauwi ko sa bahay ay tumawag ako kay Dom,bilin nya kase sa akin na kapag nakauwi na ako ay  

tawagan ko daw sya...hmmmm....sweet naman ng princess ko....

Pagkababa ko ng phone ay saka naman nagregister na caller si Russell...kaya sinagot ko agad

''hello Russell....'' sabi ko at ang naririnig ko lang ay yung paghikbi nya kaya mas lalong gumapang yung  

pag aalala ko sa kanya...

''nasaan ka?'' nag aalalang tanong ko.

''R-Ronby....'' sabi nya habang umiiyak.

''Nasaan ka ba?...tell me please pupuntahan kita...'' sabi ko... At pagkasabi nya kung nasaan sya ay agad  

kong kinuha yung susi ng kotse ko sa may bulsa ng jacket ko...pagkasakay ko ng kotse ko ay mabilis ko  

yun na pinaharurot ng takbo...hinanap ko kaagad sya sa may park na tinutukoy nya...natanaw ko syang  

nakaupo sa isang bench sa lilim ng isang puno at nakayuko.

kaagad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap nya sabay hawi ng buhok nyang nagkukubli sa  

magandang mukha nya,

''Russell....anong nangyare? Bakit ka umiiyak?'' malumanay kong tanong.

Inangat nya yung tingin nya sa akin at doon patuloy parin yung pag iyak nya....di na sya napagod...

''K-kung ikaw siguro yung pinili ko that time...marahil di ako iiyak ng ganito ngayon....'' sabi nya habang  

umiiyak...sumikip yung dibdib ko ng marinig ito sa kanya...maraming taon ko rin syang pinangarap...na ni  

minsan hindi natupad,

''kung ako yung pinili mo...di makikita ng pamilya mo yung bawat ngiti na ginawa mo habang katabi mo  

si Andy...di namin makikita yung saya na rumehistro sa mukha mo na di namin kayang iparanas sayo at  

hindi namin masasaksihan na totoong nagmahal ka ng iisang tao/  

lahat ng iyon dahil kay  

Andy....hanggang dito lang talaga yung kung ano ako sa buhay mo...pero kahit ganun umalis ba ako sa  

tabi mo? Russell....di ko sila hahayaan na ganituhin ka nila....sumama ka sa akin nagmamakaawa ako  

sayo....babalik tayo kapag kaya mo ng lumaban para sa kanya...kase sa ngayon hindi mo pa talaga  

kaya...kaya handa akong tulungan ka'' sabi ko...doon muli syang napaiyak,

''R-Ronby.....sasama na ko sayo...'' nahihirapang tinig nya habang binibigkas nya 'to sa akin kaya yinakap  

ko sya....may tamang oras para sa lahat ng bagay...

Sabrina's POV

agad akong nagpunta sa bahay nila ng ibalita sa akin ng katulong nila na umuwi si Andy na parang wala  

sa sarili nya at basang basa ng ulan, pagkapasok ko sa kwarto nya,agad kong narinig yung lagaslas ng  

tubig sa banyo, pagtapat ko sa banyo ay bukas yung pintuan at nadatnan kong nakaupo sa sahig si Andy  

habang nasa ilalim ng rumaragasang tubig ng shower at nakasandig sa dingding, agad akong lumapit sa  

kanya at naupo sa tapat nya at sinalo ng mga palad ko yung magkabilang pisngi nya,yung mga mata nya  

walang kabuhay buhay at sobrang lamig nyang tumingin at mayamaya pa ay doon na sya nawalan ng  

malay...

Ilang araw nagkulong sa kwarto nya si Andy at ni isa sa pamilya nya at kaibigan nya ay hindi nya  

kinakausap....masakit para sa akin na sa ganito kong paraan dinaan ang lahat pero ito lang kase ang  

paraan ko para makuha sya...nagiging masama ka kapag nagmamahal ka...sobrang mahal ko lang talaga  

sya... Nabigla kami ng Mommy ni Andy ng dumating sya isang araw sa opisina , yung mga mata nya wala  

ng emosyon pati yung kabuuan ng mukha nya..

''Magtatrabaho na ko dito sa kumpanya mo...pero wag mo ng ipipilit sa akin yung pagpunta ko sa  

Vienna...'' walang buhay nyang sabi.

''kung iyan ang gusto mo...sige'' sang ayon ng Mommy nya. Pagkaalis ng mommy nya ay naiwan kaming  

dalawa sa opisinang iyon, nakaharap sya sa may salaming bintana at nakatingin sa langit,pero walang  

emosyong nakabakas sa mga mata nya pero yung aura nya ay halatang sobrang lungkot nya at walang  

karapatan ang sino man na pwedeng lumapit sa kanya.

''i promised to her the Paradise ..... impossible and possible things that i can offer for her...para di nya ko  

iwan'' sabi nya at pagkatapos ay tinuro ng isang daliri nya yung langit

''If  

i can buy a little space there...siguro matagal ko ng ginawa para sa kanya...she deserve everything  

from me...'' sabi nya pero wala talagang bakas ng emosyon ang boses at buong mukha nya...at  

nakakatakot yung aura nya kahit ganun,

''You? What did you deserve from me?...wait...i remember something...nangako nga pala ako sayo''  

nakangising sabi nya pero walang emosyon parin yung mga mata nya at saka sya lumapit sa akin...

''i promise to you a little space in hell...right? Well ibibigay ko sayo, regalo ko sayo sa pagsira mong ng  

buhay ko...'' at saka sya umalis..naiwan ako doon...at di ko namalayan na tumulo yung luha ko...ipipilit  

ko! Ipipilit kong maangkin yang puso mo Andy!....gagawin ko ang lahat para sa akin mabaling yang  

pagmamahal mo....

BOOK 1 (END)

........................................................................................................................................................................................

~THE NICE GIRL'S BAD GIRLFRIEND~

(Sequel of Falling InLove With My Roommate)

By: Dark19

Prologue

She's mine now but her heart belongs for someone na sobrang tagal na syang iniwan. Kasalanan ko  

naman kase kung bakit sya iniwan ng mahal nya, sa kadesperadahan ko talagang makuha sya kaya  

gumawa ako ng paraan na mapunta sya sa akin. Now, hindi na sya yung dati na palangiti, makulet at  

madaldal, ano sya ngayon? Buhay sya na tipong humihinga lang na para bang masabing buhay pala sya  

dahil yung puso at kaluluwa nya tinangay na ng babaeng mahal na mahal nya. She drinks to death! She  

fight for nonsense things! yung tipong trip lang nyang umuwi ng condo namin na bugbog yung mukha  

nya!wala syang pakialam sa akin ... And lastly that my heart breaks into thousand pieces and that is  

seeing her flirting in random slut girls in front of me. Bakit nya to ginagawa sa akin? Para daw  

maranasan kong mabuhay na wala yung mismong dahilan kung bakit gusto mong mabuhay!

That's her....Russell's Bad Girlfriend! Na sabi nya na never magiging akin...

This is the book 2 of FALLING INLOVE WITH MY ROOMATE......DI TAYO MASYADONG  

MAGKAKAINTINDIHAN KAPAG DI NYO NABASA YUNG BOOK1.

Guys I need your reaction about this kung may karapatan pa ba akong ituloy 'to.....hahahaha

Sa mga nagcomments and nagVotes sa first story ko...gosh! Thank you.....

Lahat ng magulo sa chap na 'to... nilagay ko yung paliwanag sa book two....isang flashback lang yung  

gagawin ko sa two promise....ayoko talaga ng fashback.....hahaha ayokong ma-interrupt kau sa  

pagbabasa ng dahil sa flashbacks....

Well.....guys thanks a lot for supporting FILWMR......wag kaung mahihiyang magsabi ng totoong  

nararamdaman nyo....kung napapangitan kau...i-comment nyo lang....open naman ako sa ganung  

matter...pero wag nyo kong papangaraping makasalubong sa Trinoma at SM North huh! Hahahaha biro  

lang di naman ako warfreak eh...GUYS SA BOOK TWO AASAHAN KO KAYO ^.^V

~Dark19~

Continue Reading