Falling Inlove With My Roomma...

By dark19

279K 6.1K 283

ang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawa... More

Falling Inlove With My Roommate
>>ANDY
>>ANDY part2
>>Russell
>>Russel part2
>> the Side Effect of Kiss
saving pride versus truth behind feelings
Categorizing the two feelings
Who Play with Dominique?
Being with Andy
I'm sorry , I love you roommate!
Andy's Love Disorder
Russell's Past
Start of Being Her Girlfriend
The Tense
Russell's Father decission
The one who is given a chance
twist
Dominique's Crisis
This day.....
Her Mother
The offer
The vocalist
Between the choice

The fall down

8.8K 205 9
By dark19

Chapter 24

Russell's POV

lahat ng sinabi ng nanay ni Andy natupad...nasa alanganin na yung hacienda, lahat ng investors ng  

korporasyon ng hacienda isa isa ng umuurong at sinabing may magandang offer sa kanila ang  

Santillian,dahil dito lutang ang pag iisip ko at sobrang sakit sa loob ko na makita na nadadamay yung  

mga pamilyang umaasa sa hacienda ng dahil sa pagmamatigas kong huwag bitawan si Andy,pero si  

Papa,alam kong sya yung pinakaproblemado dito pero hindi nya pinaparamdam sa akin na ako yung  

dahilan ng pagbagsak ng hacienda, si Shawn ang tahimik lang nya at waring may iniisip.

''Pa, I'm sorry....it's my entire fault...'' umiiyak na sabi ko sa kanya,

''nagmahal ka lang anak...masaya akong naranasan mo yun...wala ng sasaya pa sa pakiramdam ng isang  

magulang na makita yung anak nya nagmahal ng tunay....'' nakangiting sabi nya,ayaw nyang mag alala  

ako, alam kong hindi okay ang lahat eh, mayamaya ay dumating si Ronby at may dala syang isang brown  

envelope,

''Tito,inayos ko na po yung mga papeles nyo papuntang New York ni Shawn,sundin nyo lang po yung  

napag usapan natin last week...pupunta kayo ng New York na para bang nagbabakasyon lang at wag  

nyong aalalahanin tong hacienda....si Shawn ipagpapatuloy nya yung pag aaral nya dun at ako na pong  

bahala...mababawi natin lahat ng nalugi dito...kailangan nating maghintay ng tamang panahon para  

maisagawa natin yung plano...'' pahayag ni Ronby.

Pagkatapos ng pag uusap namin na yun ay sumama ako kay Ronby pabalik ng maynila para makita si  

Andy,habang binabagtas namin yung daan papauwi,

''Her name is Sabrina Monterial...she want Andy...to take away from you,'' sabi ni Ronby habang focus  

yung paningin nya sa daan habang nagdadrive. Napalunok ako at sumikip yung dibdib ko sa narinig  

ko,she wants my Andy at yung mommy nya gusto yung Sabrina na yun para kay Andy.

''Ronby....bakit mo ako tinutulungan? Mabigat yung problema ko,ng pamilya ko...'' sabi ko at pilit kong  

iniiba yung topic namin about sa Sabrina na yun.

''kailangan bang sagutin yan? I lost you for almost 8years...and i promise to myself na soon na makabalik  

sa akin yung bestfriend ko...di ko hahayaan na masaktan ulit sya ng ibang tao...sinaktan mo na ako  

noong nireject mo tong puso ko parang utang na loob naman,this time...tanggapin mo 'tong tulong ko  

ng di na ko masaktan.as soon na maayos ko 'tong problema mo sa hacienda....pagsisilbihan ko naman  

yung bagong prinsesa ko...'' nakangiti nyang sabi.

''Ronby....salamat...'' di ko na napigilang mapaiyak sa kanya,di ko alam basta this past days si Ronby yung  

naging matibay na sandigan ko kase ayokong umiyak sa harap ni Andy dahil panghihinaan sya ng loob  

kapag nakita nya ko ng ganun.

''namiss ko yung bestfriend ko dati na sa akin nakadepende sa lahat ng bagay,Russell...ikaw ang lahat sa  

akin since nung mga bata pa tayo at sobrang thankful ako na after so many years i have you and in  

addition, I have that Brat...I'm starting to smile again because of Dominique'' sabi ni Ronby...sobrang  

saya ko para sa kanya kase sa lahat ng ginawa kong pangrereject sa kanya dati,di parin nya ko tinalikura  

at sobrang saya ko for her she found Dominique...pero

"Ronby...kailangan ko ba talagang gawin yun?" naiiyak kong tanong

"Leaving her is the best way you can do for now.....kapag hindi mo sya iniwan masisira yung buhay nya  

ngayon...pinagstop na sya sa pag aaral nya para hindi na kayo magkita sa school...kinuha na lahat ng  

gamit nya ng Mommy nya....at talagang balak nya na wag nilang palabasin si Andy sa bahay nila hanggat  

hindi kayo naghihiwalay" Sabi ni Ronby. Dahil doon lalong nadarang sa lungkot at bigat sa loob sa mga  

narinig ko...papalusaw na yung hacienda tapos ng dahil din sa akin nasisira na yung future ni Andy

"Wala na bang ibang option?" kase hindi ko talaga kayang iwan si Andy sa kasagsagan na lumalaban  

kami para sa amin at malungkot na umiling si Ronby sa akin...ang sakit na talaga ng mga nangyayare...

Andy's POV

nasa lilim ako ng puno malapit sa open field ng West,dito ko sinabi sa text ko kay Ronby na dalin nya si  

Russell...I Miss her so badly! Parang lalagnatin na ako kapag di ko pa sya nakita ngayon! Tumakas lang  

ako sa amin...kinuha lahat ng nanay ko yung kotse,atm,condo at cellphone ko, nanghiram lang ako ng  

pera kay Dom ng salabungin nya ako sa backgate ng bahay namin, ang sakit nga ng kaliwang paa ko dahil  

inakyat ko yun at mali yung bagsak ko sa ground.sobrang hapdi sa katawan yung lahat ng kamalasang  

inaabot ko recently.di nila ko matitinag sa pagmamahal ko kay Russell...tuloy yung plano ko at lahat sila  

na galit sa mahal ko papabagsakin ko...uunahin ko yung Sabrina Monterial na yan!di ko sya  

mapapatawad sa ginawa nya sa hacienda,alam kong sya yung nasa likod ng pagpapabagsak ng hacienda  

nina Russell.

''Andy ako yung mahalin mo...ako yung piliin mo...'' tinig na nagsusumamo ni Sabrina, pinaglihi ba to sa  

tracking device? Lagi na syang nakabuntot sa akin!

''maawa ka sa sarili mo...'' walang ganang sabi ko sa kanya

''ano bang meron yung babaeng yun at di mo ko magawang mahalin? Ginagawa ko naman yung best ko  

para mapansin mo ko!'' naiiyak na sabi nya

''dahil hindi ikaw si Russell...yung mundo ko'' sabi ko sa malamig na tinig

''di kita magagawang mahalin as soon she left or not!!! Bakit? Masahol ka pa sa kriminal! Nagagawa  

mong manakit ng sobrang daming tao makuha mo lang yung gusto mo!!! Kaya wala ni isa man ang  

gugustuhing mahalin ka!'' bulyaw ko sa kanya at dahil doon sunud sunod nya kong pinagsasampal, di ko  

sya pinigilan...lahat sinapo ko! Ng madagdagan yung dahilan kong kamuhian sya!

"walang wala na rin sya!!! Bakit ganyan ka parin huh!!!" hiyaw nya sa akin habang patuloy ang

pagsamapal at paghampas nya sa akin.

Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ni Sabrina at sobrang lakas syang hinawi kaya  

napabagsak sya sa lupa,  

Russell gave her a cold stare at pati si Ronby tiningnan lang sya.  

''wala kang karapatang saktan sya...hindi ka nya girlfriend,bukod sa pamilya nya... ako lang yung may

karapatan sapakin sya, halikan sya,kurutin sya at yumakap sa kanya and pinapangako ko sayo na hindi  

mo makukuha yung pinaka sya! She's mine...just my bad Girlfriend.'' sabi nya habang sobrang lamig ng  

mga mata nyang nakatitig kay Sabrina.

Humarap sya sa akin at hinaplos yung mukha ko  

''okay ka lang?'' nag aalalang tanong nya sa akin kaya tumango ako.  

''umalis na tayo dito...'' yaya ni Ronby kaya nilayasan namin si Sabrina habang umiiyak doon,kulang pa

yun sa ginawa nya kay Russell. Maraming pamilya ang umaasa sa haciendang pinabagsak nya. Nang  

marating namin yung pinagparadahan ng kotse ni Ronby...woah! MayBach na color violet!  

"Chicks ka na Ronby?" natatawang tanong ko sa kanya habang akbay ko si Russell...na nangingiti din  

"apakan ko mukha mo eh! Maganda pa ko sayo!" inis na sabi ni Ronby  

"Si Dom ba may sabi na maganda ka?" natatawang tanong ko kala nya di ko alam na pinopormahan  

nya yung pinsan ko ah!

"OO noh!" proud nyang sagot

"kahit di kayo magkatuluyan balang araw?" at dahil dun sabay kaming natawa ni Russell

"napakabuwiset mo!!!" sabi ni Ronby saka sya sumakay sa driver's seat...kami naman ni Russell ay  

magkatabi sa passenger's seat sa likod.

Habang nasa biyahe kami papunta sa hide out ng banda ni Ronby kung saan sila nagrerehearsal at  

nagrerecording ng mga kanta nila.....ang tahimik ni Russell, kaya ang ginawa ko niyakap ko sya mula sa  

likod nya at pinatong ko yung baba ko sa balikat nya at saka ako tumingin sa labas ng bintana na

tinitingnan nya din/  

"I'm sorry kung nahihirapan ka dahil sa akin...." Bulong ko,hinawakan nya yung ibabaw ng kamay ko na

nakayakap sa tyan nya.

"mahal kita kaya dapat kayanin ko lahat...." Sabi nya

"Kapag nalagpasan natin to...isa isa nating tuparin yung pangarap natin...." Masayang sabi ko...inihilig  

nya yung ulo nya sa leeg ko.

"Andy....sinisira ko na yung future mo...." Umiiyak na sabi nya...kaya hinigpitan ko yung pagkakayakap ko

sa kanya,nararamdaman ko kase parang napanghihinaan na sya ng loob eh!

"Kaya nga pananagutan mo na ko eh!...Russell...kapag nakayanan natin lahat to...magpapalipad ulit tayo  

ng saranggola sa tabing dagat...gagawa ng sandcastle....manunuod ng firework display at maglilibot ulit  

sa Botanical Garden...uulitin natin lahat yun...." Di ko napigilan yung pamimiyok ng boses ko sa pagpipigil  

ko ng iyak ko...di ko kase kaya na baka iwanan nya ko...kaya ginagawa ko naman yung lahat para sa  

kanya...

Pinangako kong walang mawawala kahit ni isa sa kanya dahil minahal nya ko kaya tutuparin ko.

"lahat ng tauhan nyo sa hacienda...pinasalo ko kay Kuya na bigyan muna sila ng mapagkakakitaan....kaya

lahat ng masasaksihan mo na gawa ni Mommy ipangako mong ipipikit mo yang mga mata mo huh?  

Kakayanin natin lahat to..." sabi ko at tumango sya.

Nang makarating kami doon...sakto walang tao kami kami lang...kaagad kaming pumasok sa loob...ganda

ng studio nya.may maliit na salas doon na nagsisilbing waiting area ng studio nya.

"Bibili lang ako ng makakain natin...habang wala ako wag kayong gagawa ng kahalayan sa studio ko...kaw  

Andy huh? Ayusin mo!" natatawang sabi ni Ronby

Kaya naningkit yung mga mata kong tiningnan sya ng masama

"sino ba sa atin yung nagtetake advantage sa laseng dito? Gawain mo wag kang makapasa!" inis na sabi

ko kay Ronby na natatawa lang.

"sus! Sabihin mo tuod ka lang!" nang aasar na sabi nya,babatuhin ko sana sya ng isang magazine kaso

kumaripas sya ng takbo papalabas ng studio.Paano bang napagtyatyagaan ni Dom yung buwiset na  

bubuyog na Ronby na yun!

Magkatabi kaming naupo ni Russell sa sofa.

"Andy...inaantok ako..." sabi nya kaya niyaya ko syang mahiga doon sa mahabang sofa, yinakap ko sya ng  

mahigpit para di sya malaglag.nakadantay naman yung braso nya sa tagliran ko...

Naramdam kong nakatulog na sya...ako? Heto problemado! Lintek na Ronby yan....ei! sabi na! Kaya  

ayokong makinig sa mga pinagsasabi ng taong yun kung kaya kung anu ano tong pumapasok sa isip ko  

eh! Behave Andy!!!! Tulog yung girlfriend mo wagas kang makapantasya sa kanya!!! Behave! Di sukatan  

ng pagiging tuod kung hanggang ngayon walang nangyayare sa inyo! Bakit? Sadyang mahal mo sya kaya  

sobrang taas ng respeto mo sa kanya! Hayyy!!! Bakit ang hirap naman kase! Lalo na't yakap ko sya  

ngayon...sarap nyang yakapin...tapos ang bango pa nya....buwiset ka Andy!!!!

Abot ang palobo ko sa pisngi ko! Hayyy! Mas lalong torture ng yumakap sya sa akin ng mahigpit at isiksik  

nya yung mukha nya sa leeg ko.

"Andy.....anong problema mo...." Nakakunot yung noo nya na tanong nya sa akin at umiling lang ako!

"wala? Eh! Bakit panay ang buntong hininga mo?" sabi ni Russell  

Tumingala sya sa akin at sinalubong ko yung tingin nya....kaya ngumiti ako sa kanya at halik sa noo nya  

"I love you...." Bulong nya  

"Mas mahal kita....." sabi ko,  

Hinalikan ko sya sa mga labi nya at tumugon sya....  

Russell's POV  

Namalayan ko na lang nasa ibabaw ko na si Andy habang nagkikiss kami....pero mayamaya ay pinutol nya

yung kiss namin sabay kiss sa noo ko/  

"Behave Andy...." Rinig kong bulong nya...kaya napangiti ako, nagpipigil sya!  

Nang magsalubong yung mga mata namin ay tinaasan ko sya ng kilay....  

"Gagawin natin yun soon na maayos na yung lahat..." sabi nya  

"Bakit kase matindi yung pananalig mo kay Ronby kaya kung anu anong kahalayan yang nag eevolved sa

utak mo....." natatawang sabi ko sa kanya  

"kakainis kase tinawag nya kong tuod...." Reklamo nya kaya naningkit yung mga mata ko sa narinig ko

mula sa kanya

"so iniidulo mo si Ronby?" natatawang tanong ko sa kanya  

"Hindi ah! Di ko iniidulo yung mga taong bokya kay Dom noh!" sabi nya na natatawa.....yabang talaga

nito!  

Marahan ko syang sinampal sa mukha

"Yabang mo noh!" sabi ko

Bumangon sya sa pagkakadagan sa akin at nag indian seat kami sa carpet at magkaharapan kami.

Pinapikit nya yung mga mata ko binigyan nya ko ng smack sa labi,didilat sana ako kaso pinigilan nya ko at  

ilang saglit pa ay pinadilat na nya ko at may bracelet na nakalantad sa harap ko/  

At isinuot nya sa akin yun....  

"Be my Russell...the reason why I breathe....the reason why I'm still believing in the word forever....even

if my world turn apart I don't care as far I have you...." Nakangiting sabi nya sa akin yun  

Napaiyak na ako kase sobrang ako yung nahihirapang tingnan sya na nahihirapan...hanggang kailan ko

ba kakayanin na ipikit tong mga mata ko para iignore yung hirap at sakit na nararamdaman ni Andy  

habang pinagtatagol yung mga bagay na meron kami? Hindi ko kayang iwan sya kung minu-minuto na

magkasama kami ay parati nyang sinasabi na ako yung lakas nya para makayanan yung lahat ng

problemang dumadaan sa relasyon namin.....at paano ko nga ba sya iiwan kung sya na lang yung  

mayroon ako? Sya na lang kase yung dahilan ko para di sumuko sa buhay ko....pero paano nga ba kung  

ako yung dahilan mismo kung bakit gumuguho ngayon yung mundo nya?

Sa maghapon na iyon na kasama ko sya ay pilit naming wag ispin yung problema...kahit sa loob lang kami  

ng studio ni Ronby ay sinulit namin yung mga oras na magkasama kami kase alam naming pareho na  

matatagalan ulit yung pagkikita namin....nang bandang seven ng gabi na napagpasyahan naming  

umuwi....sinundo sya ni Dominique at si Ronby naman yung maghahatid sa akin

"Di kita mababantayan kaya ingatan mo yang sarili mo....wag manlalake huh? Naku!" Bilin nya sa akin

"paano ako manlalake si Ronby bantay sarado sa akin? Umay na umay na ako...." Naiinis na sabi ko di pa

ba obvious na sya lang yung iniisip ko sa laki ng dark spot sa ilalim ng mga mata ko at sobrang maga na  

nga to kakaiyak ng dahil sa kanya! Asar tamang hinala pa!

"Lubayan mo nga din yang pag iyak! Nakakastress tingnan dyan sa mukha mo" mahinang pagalit pa nya

sa akin...  

"Husay mo noh! Uuwi na nga tayo at di magkikita ng ilang araw, ganyan ka pa! bangasin ko kaya yang  

mukha mo!" sabi ko sabay palo sa braso nya

"teka! Nang aaway ba ko? Nagpapaalala lang naman ako wagas kang makapagreact!" sabi pa nya  

"tamang hinala ka kase eh!" inis na sabi ko  

"Para kayong mga tanga dyan! Maghihiwalay na ngalang kayo at saka pa kayo dinapuan ng toyo sa mga

utak nyo!" inis na awat sa amin ni Dom at si Ronby natatawa lang  

"Ganyan din si Dom eh!!!" sabat ni Ronby  

"O! bakit nadamay ako!?" inis na hiyaw ni Dom kay Ronby  

"Makasigaw ka naman! Talagang magpinsan kayo...magkaugali!" nakakunot noo na sabi Ronby  

"Ano? Magkaiba kami ni Dom!!!! Talagang hindi sweet tong si Russell sa akin!" sabi ni Andy kay Ronby  

"So sinasabi mong manhid ako?" inis na turan ni Dom kay Andy  

"Manhid ka naman talaga eh!" sabat ni Ronby  

"Ako pa talaga yung hindi sweet sayo? Baliw ka rin eh! Kaw dahilan kung bakit maga tong mata ko ah!"

inis na sabi ko kay Andy

"Bakit ka sumasabat sa usapan Ronby! Si Andy yung tinatanong ko!" inis na turan ni Dom  

"di naman ako yung nagsimula eh! Si Ronby!" naiinis na rin na sabi ni Andy sa akin..

"Ako? Hindi ako nagsimula ah! Ako ba nagsabi na 'hindi naman talaga sweet si Russell sa akin'" nang

aasar na sabi ni Ronby

Humarap ako kay Ronby/  

"Uwi na nga tayo!" naiinis na sabi ko, heto na naman kaming apat eh! nakakabuwiset yang Andy na yan!  

"OO nga....magsama silang magpinsan! " sabi ni Ronby  

"o! talaga! Magsama din kayong dalawang magbestfried na may toyo at bipolar!" ganting sagot ni

Andy  

Sa inis ko humarap ako kay Andy at Dom  

"bahala ka nga sa buhay mo! Magmo-mall kami ni Ronby bukas....manlalake talaga ako!" inis na pang

asar ko kay Andy

"O! talaga? Mambabae ako bukas na bukas din!" ganting sagot ni Andy  

"sinungaling wala kang pera at grounded ka paano ka makapangbabae!" kala nya ah!  

"IKAW MAMBABAE KA BUKAS!!!!?" tanong ni Dom na masama yung tingin nya kay Ronby  

"hindi ah! Sasamahan ko lang sya...ano ka ba?...." parang natatakot na tugon ni Ronby kay Dom  

Hinila ko na si Ronby papunta sa kotse nya...bad trip talaga yung Andy na yan! Nakasakay na ako ng

kotse ni Ronby ng bumukas yung pintuan sa gilid ko

"Yung kiss ko?" tanong ni Andy sa akin  

"Bakit ka manghihingi ng kiss sa akin di naman ako sweet sayo di ba?" sarcastic kong sabi

Napataas yung isang kilay nya habang nakayuko sa akin

"Alam mo yung kaya kong gawin as soon na pahirapan mo ko di ba? Kaya kong gawin yun sa harap ni  

Ronby sinasabi ko sayo" natatawang banta nya sa akin kaya....haist! asar naman kase!

"Oo na...." kaya hinila ko na yung kohelyo nya para mapayuko sya sa akin at saka ko sya binigyan ng  

isang smack sa labi

"ingat ka.....I love you" sabi nya na nakangiti  

"Ikaw din....I love you too..." tugon ko

Tatlong araw matapos yung pangyayareng yun di na ulit kami nagkita pa ni Andy.

Andy's POV

Nasa labas na kami ng gate ng bahay....kasama ko ngayon sina Mr.Drew at Sabrina papasakay na kami ng  

sasakyan ng may humintong Van sa tapat namin at mabilis akong sinukluban ng itim na sako sa ulo ko ng  

apat na tao na nakaitim na damit at itim na maskara kaya nakaramdam ako ng takot at pakaladkad nila  

akong sinakay sa sasakyan nila, narinig kong humihiyaw ng tulong si Sabrina pero di ako

nagkakamali...narinig ko si Mr. Drew na kalmanteng pinipigilan si Sabrina....mabilis yung pagpapatakbo  

nila ng sasakyan para makalayo kami....mayamaya ay may pabukakang naupo sa lap ko at humawak sa  

magkabilang balikat ko...inalis ko yung suklob sa ulo ko....nanlalata ako sa taong paharap na nakaupo sa  

lap ko...Si Russell na natatawa...si Dom yung nagdadrive katabi nya si Ronby na wagas yung tawa at yung  

sina Tan nasa likod nakaupo at nagkakaladyaan sa saya sa ginawa nila sa akin

"Surprise?" natatawang sabi ni Russell sa akin sabay kiss sa pisngi ko

Gusto kong himatayin sa kalokohan ng babaeng to eh!

"Anong kalokohan ang pumasok sa isip mo at ginawa mo to?" sa huli natatawa na lang din ako sa mga  

kabaliwan nitong si Russell eh! Talagang nakakamatay sa nerbyos mang surprise....dati yung sa  

waterfalls...ngayon naman...ito...

"Happy first monthsarrrrrry!!!!" masayang sabi nya, "madamot yung Sabrina na yun! Pinagdadamot ka  

nya sa akin eh! Ako naman yung Girlfriend mo....kaya ito! Ito yung naisipan ko..." natatawang sabi nya at  

saka sya yumakap sa akin....kaya yinakap ko din sya

"I LOVE YOU....."bulong ko sa kanya

Nagpunta kami sa Hacienda nila....kahit may nakapaskil na 'no tresspasing' doon ay patay malisyang

hinugot iyon ni Ronby at pinasok sa loob ng Van.

"Balik na lang natin pag uuwi na tayo...." Natatawang sabi ni Ronby, kahit si Dom natatawa na lang sa

kabaliwan nitong si Ronby. Bumaba kami ni Russell sa kanto papunta sa kubo sa gulayan at yung sina  

Dom naman ay nagpunta kina Mang Teban....nandoon parin sila nanay orya..

Habang naglalakad kami ay hinawakan ko yung isang kamay nya at saka sya mas dumikit sa akin

"Maganda yung Sabrina kaysa kay Jasmine...." Sabi nya

"sakto lang....mas maganda talaga yung pang 90 ko sa tingin mo?" nakangiting tanong ko sa kanya

"AH! Bakit hinihingi ko ba opinion mo? Di pa ko tapos.....ligawan ko kaya?" natatawang sabi nya....

Abnormal to ah! Laglag ko to sa bukid eh!

"Shabu pa Russell!!! Hahaha sus! Di ka papatulan ni Jas kase muntik na syang mahospital sa mga irap na  

binato mo sa kanya....si Sabrina naman, patawa ka ba? Galit yun sa mga taong maganda sa paningin ko  

lasunin ka pa nun..." natatawang sagot ko sa kanya

"Ei si Ronby na lang pala liligawan ko....cute yun...." Parang di pa sya sigurado kung cute ba talaga si  

Ronby sa paningin nya, napahinto ako sa paglalakad at iniharap ko sya sa akin...

"Si Ronby? Wala ka na bang ibang choice na ipapalit sa akin?" natatawang tanong ko sa kanya

"Ah! Bakit? Maraming talent si Ronby...magkakasakit ka sa liver kapag sya yung kasama mo sa  

maghapon kakatawa sa mga pinaggagawa nya at saka sweet kaya yun lagi nya ko kinakantahan"

natatawang sagot nya sa akin  

"ako na lang mangmamanyak sayo....totoo...kesa si Ronby.....at saka gusto mong magkamartial law?

Magwawala si Dom kapag si Ronby niligawan mo...." Natatawa talaga ako sa babaeng to at kung anu ano  

yung pinagsasabi ngayon....  

Pinalo nya lang ako sa braso ko....sadista! pagtalo sa diskusyon namin....  

"sadista....." bulong ko habang hinihimas ko yung braso kong pinalo nya  

"ano?" sabi nya na nakataas ang isang kilay nya  

Ngumiti ako, "sexy kako!.  

Halata naman kase na naiinsecure sya kay Sabrina eh! Dami pang pinagsasabi/

Ngayon naman nakapalupot sya sa isang braso ko at humalik pa sa pisngi ko at saka nya ko inayang

maglakad ulit,kaya sobrang baliw akong mahalin tong babaeng 'to napakaunpredictable....  

"I'm sorry kase ganito lang yung first monthsarry natin.....napurnada lahat ng plano ko na gawing special  

'to" sabi ko

"Sinong may sabi na ganito lang natin to ise-celebrate? Syempre para sa Andy ko walang Sabrina yung  

makakasira ng araw na 'to! " nakangiting sabi nya.  

Russell's POV  

Imbis na sa kubo kami tumuloy ay sa may tabing ilog ko kinalakad si Andy..... may pinahanda kase ako

kay Mang Teban na pagkain at dalin iyon sa tabing ilog sa parteng madalas namin tambayan ni Shawn.

Nang makita namin yung pinahanda ko talagang nasatisfied ako dahil sinunod nila lahat yung pinagbilin  

ko, tinakpan nga nila lahat nung nirequest kong pagkain, magkatabi kaming umupo ni Andy sa nakalatag  

na banig, bubuksan sana ni Andy yung isa sa mga lalagyanan ng pagkain ng pigilan ko sya

"Hep!" sabi ko habang hawak ko yung kamay nya na akmang bubuksan iyon  

"Gutom na ko...." Reklamo nya sa akin....hahaha tamang tama!  

"may kondisyon ako bago buksan yan...." Nanghahamong tinig ko sa kanya  

"ano?" tanong nya na parang di makapaniwalang pinaglalaruan ko pa sya sa kasagsagan ng gutom nya/

"Bawat takip na pagkain na yan may price kang kiss sa akin soon na makatatlo o kaya kahit dalawa kang  

nakain dyan...."sabi ko at grabe! Sabi na eh! masamang nasasama kay Ronby tong taong to! Nagliliwanag  

yung mukha kapag nakakarinig ng kiss eh!

"Malulugi ka sa kiss baby....." mayabang nyang sabi  

"ganun? Sige mamili ka ng isa na sisimulan mong kainin....." sabi ko at itinuro nya yung bandang dulo

kaya tumingin ako sa kanya

"Final?" tanong ko na natatawa  

"Go...." Sabi nya  

Pagkabukas ko....hahaha di maipinta yung mukha ng Andy ko  

"Ano ba yan?" curious nyang tanong  

"Adobong palakang bukid....."nagpipigil ako ng tawa grabe! Sobrang cute ng facial expression nya  

"Hindi nga? Papakain mo yan sa akin? Russell monthsarry natin ngayon? Wag mo naman gawin sa akin

'to" parang maiiyak na pagmamakaawa nya....  

"Alam ko monthsarry natin....di ba nga lulugihin mo ko sa kiss....ano na?" natatawang sabi ko  

"Masarap ba yan?" tanong nya at napapakamot na sya sa gilid ng isang kilay nya hahaha stress na yung

Andy ko....  

"Hindi ko alam....di pa rin ako nakakatikim nito" pag aamin ko hahaha hala hysterical na sya  

"ANO???? Di MO PA NAKAKAIN YAN TAPOS PAPAKAIN MO SA AKIN? " sabi nya kaya sa inis ko,

kinuhelyuhan ko sya

"Aba't sinisigawan mo na ko? Gusto mong paanod na kita sa ilog ng hindi ka na makita ng nanay mo!"

inis na sabi ko

"aissh! Kakainin ko na....." napipilitan nyang sabi  

Natawa ako, "I love you....." pambobola ko sa kanya  

Nagsmirked lang sya sa akin, pikit mata nyang sinubo yung isinubo ko sa kanyang pagkain na yun.....  

"Baby....ready mo na yung lips mo...."sabi nya habang ninanam nam nya yung sinubo ko sa kanya at

halatang nasarapan sya....  

"meron pa....wag kang magdiwang....pili na..." Nakangiting sabi ko at pinili nya yung unang lalagya ng

pagkain kaya ng buksan ko to lalo syang napangiwi

"Ikaw ba'y magalit sakin? Kung anu ano yung pinapakain mo naman sakin!" nanghihinang sabi nya

habang nakatitig sa wala ng balat na penoy at balot hahaha parang may anemic na yung mukha ni Andy

ko....

"dali na kase....mahal kaya kita bakit naman ako magagalit sayo..." natatawang sabi ko habang

naglalagay ako ng balot sa platito na may suka.

"naging mabait naman ako sayo habang hindi tayo nagkikita....di naman ako nambabae o kaya nanlalake  

totoo...nasa kwarto lang ako at nagbabasa ng mga magazine at saka nanunuod lang ng tv...at saka di ko  

tinitingnan si Sabrina kapag pumupunta sya sa bahay at parati kong sinasabi sa kanya na mas

maganda,sobrang sexy at sobrang bait ng Russell ko compare sa kanya....." paawang sabi nya kaya

natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nya

"Andy....baby....di mo talaga ako madadaan sa mga pagganyan ganyan mo....aminado na akong sexy at

maganda ako pero yung mabait ako? Di ba parang napasobra na yang pambobola mo? Hahaha kainin  

mo na kase..." natatawang pamimilit ko sa kanya habang pinipilit kong sinusubuan sya...doon na ko  

natawa ng sobra ng isinubo na iyon ni Andy kase habang nakapikit at pilit nyang nginunguya yung balot  

sa loob ng bibig nya ay may tumulong isang butil ng luha sa left eye nya kaya natatawa akong yinakap

sya...

"hala Andy para kang ewan! Bakit yung isang mata mo lang yung umiiyak?..." sabi ko ng pakawalan ko  

sya sa yakap ko sabay kiniss ko sya sa pisngi nya

"pasalamat ka....mahal kita..." sabi nya pagkatapos nyang lunukin yung pagkain sa bibig nya

Kaya ang ginawa ko mabilis na halik yung ginawad ko sa labi nya

"Andy....mahal na mahal kita tandaan mo yan huh?"nakangiting sabi ko habang salu salo ng dalawang  

palad ko yung magkabilang pisngi nya....sya lang yung lahat saakin kase sa lahat ng kabaliwan ko minahal  

nya at wala syang kinaligtaan.

.......................................................................................................................................................................................

Vote and comment guys???? Hahahaha pagbigyan nyo na ko.....magviolent reaction naman kayo....para  

malaman ko kung natuwa ba kau sa mga pinagsusulat ko.....pagpasensyahan nyo na ko huh?

Thanks for reading...

Continue Reading