All I Wanted (Bachelorette Se...

By ailyween

708K 13.7K 475

Book Three of Bachelorette Series ✔️ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 17

28.8K 559 23
By ailyween

Chapter Seventeen

"Ianna. Why are you such in a hurry?"

Nilingon niya ang iilan sa mga kaibigan niyang nandito sa Belladona. "May dinner date kami ng asawa ko." Tipid niyang sagot.

"Kaya naman pala eh!" Kantyaw ni Key.

"You've been married for two months now. Hindi ka parin ba nagsasawa sa kanya?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lj.

Inirapan niya ang mga ito. "Mga bitter lang kayo kasi wala kayong lovelife!"

"So yung meron kayo ni Blake, you consider it lovelife?" One ot the triplets asked.

"I thought it was just marriage with benefits not marriage with love?" The other one asked.

"Kayong triplets, wag niyo akong simulan ha." Banta niya. Mukhang ha-high blood-in siya sa mga kasama. Nakakairita sila.

"Umiiwas." Pang-aasar ni Erin.

She rolled her eyes in the air. "Mga papansin kayo! Ako pa talaga ang iho-hotseat niyo? Sige na I really have to go."

"Inuman tayo minsan!" Pag-aaya ni Key.

"Oo na. Agahan niyo lang ang pagsiset ng date." She waved her goodbye. Hindi na niya nilingon ang mga ito baka may maisip nanamang kalokohan. Matarayan niya pa ang mga ito ng di oras.

Dadaan na lang muna siya ng villa niya dito sa Belladona para makapagbihis tutal ay didiretso na siya sa napag-usapan nilang restaurant ni Blake. Kinalkal niya ang kanyang closet para mamili ng isusuot. Napangisi siya ng makita ang isang fuchsia dress. It shows a little bit of the abdomen part that's covered with lace. Atleast flowy ang skirt nito kaya hindi magaalburuto si Blake. Ayaw na ayaw kasi nito ng nagsusuot siya ng tight fitting dress. Nakabusangot ito kapag ganoon.

She took a quick shower and settled with the fuchsia dress paired with a peach pouch and heels. She let her hair down and did a light make up and her signature red lips. [Ianna's outfit-->]

At exactly seven thirty pm ay ready na siya. Eight ang usapan nila ni Blake kaya halos paliparin na niya ang kanyang kotse. Excited na rin siyang makita ang asawa, maaga itong umalis kanina kaya hindi na niya ito nakita dahil tulog pa siya. Nitong mga nakaraang linggo pakiramdam niya ay masyado na siyang nagiging clingy kay Blake. Gusto niya itong makita palagi. Kapag may commitments siya abroad halos magmadali siya palagi para lang makauwi.

"A reservation under Blake Arcega." Saad niya sa staff ng restaurant na sumalubong sa kanya.

"This way ma'am..."

Tahimik niya itong sinundan. Medyo hindi ganoon karami ang tao, sakto lang sa ambiance ng restaurant. Inilahad ng staff ang mesa na nasa gilid ng floor to ceiling window kung saan overlooking ang view ng city lights. It's very appealing in the eyes.

"Do you want anything ma'am?"

Nilingon niya ang staff. "No thanks. I'm fine, I'll just wait for him." She smiled a little.

Tumango ito at nagpaalam.

She checked her phone hoping for some text from Blake pero wala. She shrugged. Maybe he is driving. Inabala na muna niya ang sarili sa pagcheck ng kanyang instagram account. This is the only social media account which she operates on her own. Iyong sa iba kasi ay puro fanpage na minamanage ng admins. Napangiti siya ng tinignan niya ang kanyang profile. Meron iyong nagsiselfie siya at ang background ay si Blake na seryosong nagluluto sa kitchen nila. Merong picture ng paa nila habang nakaupo sa kanilang living room at nagmomovie marathon. Meron din iyong nakaupo siya sa office chair ni Blake, ito ang kumuha ng picture na iyon nang minsang nangulit siya sa office nito.

Lumapad ang kanyang ngiti nang makita ang last post niya. It's their selfie together and this time Blake is looking at the camera. Nakahiga sila at nakaakbay sa kanya si Blake habang sabay na nakangiti sa camera. Medyo nahirapan din siyang makuha ang shot na iyon. Pag kasi inaaya niya itong magselfie hindi man lang ito tumitingin sa camera laging pa-stolen ang trip nito. Merong napapatingin niya ito sa camera pero ayaw namang ipapost sa instagram. Kapag nagpapout na siya ay dinadaan lang nito sa kiss kaya nawawala na sa isip niya.

Napaangat siya ng tingin at saktong papalapit na sa mesang kinaroroonan niya si Blake. He smiled a little kaya napangiti din siya. He looks way too handsome. Parang ilegal na yung kagwapuhan nito.

"Kanina ka pa?" Tanong nito habang humahalik sa lips niya.

Umiling siya. "Not really. Wait..." Kinuha niya ang table napkin na nasa mesa. "May lipstick stain sa lips mo." Saad niya habang pinupunasan iyon.

He grinned while watching her wipe the stain on his lips. Naconcious tuloy siya bigla.

"Done."

Tumango ito at naupo na sa tapat niya. Kaso bigla itong napasimangot. "What are you wearing?"

"A dress."

Kunot na ang noo nito. "A revealing dress." Pagtatama nito.

Napailing siya. "C'mon. It's just a glimpse of my abdomen."

"Still. Di ba napag-usapan na natin ito?"

Umismid siya. "You're so conservative. It's not like I'm showing my naked body to everyone."

Hindi na ito nakapagsalita dahil dumating na ang waiter para kunin ang order nila. Nangalumbaba na lang siya sa mesa at itinuon ang pansin sa city lights, hinayaan na niya itong mag-order. Nakakainis na rin kasi minsan ang pagiging conservative nito. Imbes na aasarin lang sana niya ito mukhang nagka-tension pa sa kanila.

"Is that all sir?"

"Yes." Mariin nitong saad kaya napatingin siya dito. "That's all."

Sumulyap iyong lalaking waiter sa kanya bago umalis.

"That's exactly what I'm talking about."

"What?" Naguguluhan niyang tanong.

"That waiter is oggling your body."

Umirap siya sa kawalan. "Fine. Next time magsusuot na ako ng coat na hanggang tuhod nang balot na balot ako at wala nang makita sa katawan ko." She sarcastically said.

"Ianna..." He said warningly.

She sighed then rolled her eyes again. Nakakainis din ito minsan eh. Nakakairita na. "I'm sorry ha kung ganito ako manamit. I grew up in States so malamang naman I'm a bit liberated. Atleast I'm not wearing tight fitting one. Pasensya na kung hindi ako kagaya ng ex mo na modest kung manamit." She said bitterly. Totoo naman kasi. It's like he want her to dress like Trish.

"Leave Trish out of this conversation." He said in anger.

She smirk. "Did I hit a nerve?"

He take a deep breath.

"Tsss." Naiiling niyang saad habang kinukuha ang phone niya sa mesa. Yung akala niyang matinong dinner mauuwi lang pala sa ganito. What the hell.

Noon niya pa naman napapansin ang comment nito sa pananamit niya. At first akala niya it's just a part of his possessivenes but little did she knew he is turning her to Trish. Iyong fine and modest kung manamit. And she's far from being that one.

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang order. They ate in silence. Hindi siya ang unang magsasalita. Naiirita siya ngayon.

They were interrupted with Blake's phone. Agad nito iyong kinuha sa bulsa. Napakunot pa ang noo nito habang tinitignan ang phone.

"Hello Trish?"

Doon na siya tuluyang  napaangat ng tingin. Kunot noo din niyang tinignan si Blake.

"What's the problem?" Puno ng concern ang boses nito.

She rolled her eyes. Sudden change of mood eh? And wait, Trish is calling him? Are they what? Are they talking again? Or from the very beginning they are still communicating even after everything that happened? Naguguluhan na siya at naiinis na naiirita na ewan. Ewan ba niya at parang bigla siyang nagiging iritable nitong mga nakaraang araw.

"Okay I'm on my way." Mabilis itong tumayo at tumakbo palabas ng restaurant.

"Goodbye to me." She whispered. Nailing siya ng marahan bago pagak na tumawa. Mas lalo lang tuloy siyang naguluhan. Ni hindi man lang nito nagawang magpaalam. Kahit tipid na 'bye' lang wala. It's like the moment Trish called, there's no one else existing anymore. It's just damn Blake and the person he is talking with.

"Wow. This night could not get any better huh?" Malapit na siyang magalit. Konti na lang talaga. Ngayon lang niya binanggit ang tungkol sa ex nito tapos biglang tatawag. What a fucking coincidence! Or maybe because they are still talking, noon pa man. Na hindi naman talaga nawala ang communication nilang dalawa.

"God! I'm such an idiot. Shit." Naglapag siya ng ilang peso bill sa mesa bago lumabas ng restaurant. May iilan na rin kasing customer ng restau ang napapatingin sa kanya. Mabuti na lang pala at may dala siyang kotse. Pag nagkataon ay kaawa-awa nanaman siya.

Pagkaupong-pagkaupo niya sa driver's seat ay tumunog ang kanyang cellphone. She answered it without looking at the caller id.

"What?" Bungad niya.

Ma'am, update lang po about sa flight niyo to Singapore bukas. Saad ng secretary niya sa kabilang linya.

"Okay. What time is it  again?" Isa pa pala ito. Ngayon sana niya ito sasabihin kay Blake kaso ganito naman ang nangyari.

Six am sharp ma'am.

"Okay, I'll see you in the airport first thing tomorrow. Bye." She ended the call. Itinapon niya sa passenger's seat ang kanyang cellphone. She sighed. Now what?

Pinaharurot niya ang sasakyan pauwi ng Belladona. Hindi siya uuwi sa condo nila ni Blake para lang walang madatnang tao dahil nandoon ito sa ex nito. Sa ex nito na malayong-malayo sa kanya. Sa ex na mahal na mahal nito. Sa ex na napilitan nitong iwan para sa kanya. Sa ex na...

"Fuckt this life! This is such a bullshit." Marahas niyang saad habang halos habulin na niya si kamatayan sa bilis ng pagmananeho niya. Ilang stop signs din ang hindi niya hinintuan halos awayin na siya ng ilang mga dirvers pero wala siyang pakialam. The world could go to hell. Damn Blake Arcega!

Pagkarating sa villa niya ay agad siyang nagbihis at dumiretso sa kwarto niya. Buti pa itong kama, andyan lang naghihintay sa pag-uwi  niya. Hindi nang-iiwan sa kalagitnaan ng dinner sa isang restaurant. Hindi ka pagmumukhaing tanga.

Magco-concentrate na lang siya sa pagtulog. Maaga pa ang flight niya bukas. Mabuti pa itulog na lang niya ang frustrations niya.

Nagising siya sa paulit-ulit na pagriring ng kanyang cellphone. Napatingin siya sa digital clock sa kanyang bedside table.

12:05

Sino nanaman kaya ang tatawag sa kanya ng hating gabi? Inaantok niyang kinapa ang kanyang cellphone sa kama. Saktong pagkahawak niya ay natapos ang tawag. 20 missed call from Blake.

Tumunog ulit ito. "Anong problema mo?" Inaantok niyang bungad.

Where are you?

"Now you remember that you have a wife huh?"

I said where are you? Mariin nitong tanong.

Abat ito pa ang may ganang magsalita ng ganon? "Wala kang pakealam. Matapos mo akong iwanan at pagmukhaing tanga sa restaurant na yun tatawag tawag ka ng dis oras ng gabi? Fuck you Blake Arcega! Magsama kayo niyang ex mo. Bwisit kayo!" Agad niyang inend ang tawag.

"Nakakainis! Ngayon maghahanap-hanap siya. Damn it!" Nangagalaiti niyang saad. Halos mawala na ang antok niya  sa galit. Tumunog ulit ang kanyang phone.  Sa gulat ay nasagot niya ito.

Ianna go home.

"Go home your face!" Bulyaw niya at buong lakas na inihagis ang kanyang phone sa pader. Panigurado kakailanganin niya ng bagong phone sa lakas ng impact.

"There matatahimik kang gago ka. Inabala mo pa ang beauty rest ko, bahala ka sa buhay mo." Galit niyang sabi sa kawalan saka pinilit ulit matulog.

"LOOK at the camera. Yes that's it." Saad ng photograher habang nagpopose siya.

Isang brand ng sikat na jeans ang minomodel niya ngayon. Bahagya niyang hinawi ang kanyang buhok. Medyo nag-iingat siya dahil wala siyang suot na kahit na anong top. Meron lang siyang mahaba at makapal na hair extensions na siyang tumatakip sa dibdib niya. Talagang ang ini-enhance ay iyong skinny jeans na suot niya.

"Turn around, let's try to do some back shots." Saad nung nakaupo sa gilid ng photographer at siyang nachicheck ng mga shots na nakukuha. "Let's do atleast 20 frames of back shot."

Tumango siya at agad tumalikod. Now her back is exposed. She wonder if how will Blake react to this one. Napaismid siya. Well mas lalo nanamang madadagdagan ang bad image niya dito, na mas better di hamak si Trish sa kanya.

"Ianna. You look a bit stiff and pre-occupied. What's bothering you?" Saad ng photographer.

Pati tuloy trabaho niya naapektuhan. "I'm sorry. Can we have a five minutes break? After that I'll finish all the remaining frames."

Tumango sila at nagpasiyang mag-break. Agad lumapit sa kanya ang kanyang secretary slash PA para abutan siya ng robe.

"Thanks." Saad niya habang tinutungo ang couch malapit sa make up station.

"Nga pala, tumawag ang asawa mo. Bakit daw hindi ka macontact."

Napatingin siya sa assistant niyang si Marie. "Anong sinabi mo?" Taas ang kilay niyang tanong.

"Your phone is broke."

"Tapos?"

"Tinanong niya kung nasaan ka at kung kasama kita. I told him that we are in Singapore for a photoshoot. Hayun binabaan ako."

Napailing siya. "Bayaan mo yun. Pag tumawag ulit sabihin mo, busy tayo sa susunod na limang taon."

Napatawa ito. "LQ?"

She huffed. "Tapos na ang break. Tapusin na natin ito para makapasyal pa tayo." Tumayo na siya kaya napatayo din ito.

"Talaga?" Marie asked hopefully.

"Yes, I want you to reschedule our flight. Mag-stay pa tayo ng isang araw dito. Alam ko namang madami kang ibibilhan ng pasalubong."

"Yes!" She squeled in delight.

Ayaw na muna niyang makita si Blake. She might explode kapag hindi humupa ang galit niya. Natigilan siya ng parang biglang umikot ang mundo niya.

"Ayos ka lang ma'am?" Tanong ni Marie na nakaalalay na sa kanya.

"Medyo nahilo lang ako. Gutom siguro dahil diretso tayo agad dito. Anyway, tapusin na natin ito para makakain na tayo at makapagpahinga."

"MA'AM? MISS IANNA?"

She heard someone calling from her room. Gustuhin man niyang sagutin kung sino man iyon ay hindi na niya nagawa dahil namuo nanaman ang laway sa kanyang bibig at nagsuka nanaman siya.

Bumukas ang pinto ng bathroom.

"Oh my god! Ma'am anong nangyari sa'yo?" Gulat na sabi ni Marie.

Nanghihina niya itong tinignan. "I think I'm dying?" Then she throw up again.

Maagap na lumapit ito sa kanya. And rub some circles at her back.

"Naku ma'am, nasira ata ang tiyan niyo sa mga kinain natin. Ang dami kasi ninyong gustong kainin kahapon eh. Kung anu-ano pa."

Nang sa tingin niya ay wala ng sunod na batch ay tumayo na siya at tinungo ang sink. Naghilamos siya at tinignan ang sarili sa salamin. She looked pale from vomiting. Nang masigurong hindi na siya masusuka ay bumalik siya sa kanyang kama. Inaantok pa talaga siya.

"Nagstresss eating lang ako kahapon." Saad niya kay Marie.

Naupo ito sa paanan ng kama niya. "Stress eating ng mga weird na pagkain kamo."

She chuckled. "Hindi ka lang sanay sa pagkain nila dito. Anyway, magliwaliw ka muna kung saan. Dito na lang muna ako sa hotel, magpapahinga lang ako. Sasamahan kita mamayang hapon." She smiled weakly.

"Hindi naman siguro ako maliligaw. Right?" Alanganin nitong tanong.

"Magdala ka ng mapa." Inilubog niya ang pisngi sa unan habang pinagmamasdan si Marie na kumunot ang ilong.

"You're so ancient. Uso ang google map 'no." Natatawang saad nito.

"Yeah right. Whatever. Sige na go, have fun and enjoy."

"Hindi ako tatanggi. Early christmas gift mula kay boss!" Masayang saad nito habang papunta ng pinto.

"Reward yan kasi natatagalan mo ang pagmamaldita ko sa'yo." Nakangisi niyang saad.

"Immune na ko sa'yo." Papihit na ito ng pinto ng matigilan. "By the way, tumawag ulit ang asawa mo. Nagtatanong kung kelan tayo uuwi. Nagiging messenger tuloy ako. Kelan ka ba kasi bibili ng bago mong phone?"

"Next next next next next... Basta matagal pa, mga isang dekada." She waved her hand dismissively.

Continue Reading

You'll Also Like

689K 14.2K 22
Book One of Bachelorette Series ✔️COMPLETED Sanay ako na ako ang hinahabol ng mga babae, pero bakit pagdating sayo ganito? Hindi ko matanggap na ako...
39.7K 1.5K 39
Until when are you going to fear love?
1.6K 144 35
Coping with the death of her famous painter grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams together with a bizarre man from 1896. *** Is l...