One Hundred Days (Completed)

De EJCenita

300K 2.1K 532

Life is a matter of choice. Monday, a 17 year old provincial girl who chose to study in Manila for a brighter... Mais

Foreword
Acknowledgment
Introduction
Chapter 1: New Grounds (Johan's POV)
Chapter 1.2: Crush at First Sight
Chapter 1.3: Agreements
Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort
Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)
Chapter 1.6: The Ingredients of Love
Chapter 1.7: Box Full of Memories
Chapter 1.8: Unexpected - Information
Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up
Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort
Chapter 1.11: Unexpected (part 4) - Lost Hope
Chapter 1.12: Unexpected (part 5) - Home Sweet Home
Chapter 1.13: Days with Shana
Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)
Chapter 2: Unang Araw ng Pagkakataon
Chapter 3: Tamang Hinala (TH)
Chapter 3.2: Ang Palasyo ni Rica
Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik
Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita
Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap
Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin
Special Chapter: Ang Nakaraan ni Monday - Pakiramdam (Halloween Special)
Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka
Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap
Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit
Chapter 3.10: Ang Nakaraan ni Monday (part 8) - Paghihintay
Chapter 4: Overnight sa Palasyo
Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Chapter 6: Botanical Garden
Chapter 7: Katok
Special Chapter: Pagmamahal (Valentines Special)
Chapter 8: Richards Family
Chapter 9: Kabado
Chapter 10: Flashback
Chapter 11: Hula ni Rica
Chapter 12: Finals Week
Chapter 13: Byaheng Tarlac
Chapter 14: Katotohanan
Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip
Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan
Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Chapter 18: Lovelock
Chapter 19: Pag-uusap
Chapter 20: Pauwi ng Maynila
Chapter 21: Panaginip at Pageselos
Chapter 22: Muling Pagkikita
Chapter 23: Alaala
Chapter 24: Ilong
Chapter 25: Unang Pagkikita
Chapter 26: First
Chapter 27: Charlotte
Chapter 28: Piano
Chapter 29: Biglang Bonding
Chapter 30: Waiting for Forever
Chapter 31: Lihim ni Lotty
Chapter 32: Kundi..
Chapter 34: He's Proud
Chapter 35: Mr. Campus
Chapter 36: Surpresa
Chapter 37: Resulta
Chapter 38: Bagong Mr. Campus
Chapter 39: Pagpunta
Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)
Chapter 40: Tingin
Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta
Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)
Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon
Chapter 41: Pagkagulo
Chapter 42: Paliwanag
Chapter 43: Abot Langit
Chapter 44: Rosas (Valentines Special)
Chapter 45: Pangako
Chapter 46: Santan
Chapter 47: Kwintas
Chapter 48: Buong Akala
Chapter 49: 300th Day
Chapter 50: Pagtatagpo
Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari
Chapter 52: Pahiwatig
Chapter 53: Dahilan
Chapter 54: Dasal
Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock
Chapter 56: Pakiusap
Chapter 57: Litrato
Chapter 58: Pagbabalik
Chapter 59: Paalam
Chapter 60: Tawag
Chapter 61: Mag-isa
Chapter 62: Pagpatak ng Luha
Chapter 63: Bracelet
Chapter 64: Earphones
Chapter 65: Basket
Chapter 66: Kape
Chapter 67: Text
Chapter 68: Malay
Chapter 69: Sulat
Chapter 70: Dedbat
Chapter 71: Kumpleto
Chapter 72: Papel
Chapter 73: Panyo
Chapter 74: Balisong
Chapter 75: Tsinelas
Chapter 76: Plano
Chapter 77: Tiwala
Chapter 78: Kakampi
Chapter 79: Bala
Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

Chapter 33: Sunday

2.1K 8 0
De EJCenita

Chapter 33: Sunday


Pagkatapos ng pangyayaring 'yun, nagkaroon na kami ng pagitan ni Lotty. Oo, mahirap. Kasi naging kaibigan ko na rin siya eh. Araw-araw na akong umiiwas. Umiiwas na makausap sila pareho, umiiwas ng tingin tuwing magkasama sila. Umiiwas masaktan. Although nakakausap ko naman sila pareho kapag tungkol sa school pero kapag hindi dahil don, tahimik lang ako.


Isang araw, naglalakad kami palabas ng school ni Rica.


"Sissy." sabi nito..


"Oh sissy?" sagot ko habang sumisipsip ng binili naming milk tea..


"Masaya ka ba sa ginagawa mo?"


"Saan? Dito? Oo naman! Favorite ko 'to eh!"


"Ano ba 'yan, pilosopo nito eh."


"Eh saan ba?"


"Sa pag-iwas mo, kina Lotty at Marion."


"Ah, 'yun ba."


"Oo 'yun nga. Masaya ka ba?"


"Siguro, ewan." sabay upo ko sa isang bench..


"Alam mo sissy, na-realize ko na.."


"Sa bawat pag-iwas ko, sa kanila, mas nararamdaman kong wala na talaga si Marion sa puso ko. Kasi alam ko, masaya na siya ngayon at hindi na ako guguluhin pa. Wala na yung nagsabing babalikan ako dahil nakahanap na siya ng para talaga sa kanya. Masaya ako, at masaya ako para sa kanila." patuloy ko sabay ngiti..


"Eh masaya ka naman pala na eh, eh bakit naiwas ka pa rin?"


"Kasi alam mo sissy, meron pa rin sa pagkatao ko na nasasaktan kapag nakikita ko siyang masaya. Kahit pinipigilan ko man, wala pa rin eh. Kahit masaya na ako sa tabi ni Johan, hindi ko pa ring maiwasang balikan ang dati. Kasi naman, bumalik pa siya."


"Sissy. Hindi ba parang unfair kay Johan 'yan?"


"Ang alin, sissy?"


"Yung ginagawa mo ngayon."


"Paano naman naging unfair 'yon? Eh hindi ko naman mahal si Marion. Si Johan lang nakatatak sa puso ko 'noh."


"Okay. Sige, sabi mo 'yan eh. Tara uwi na tayo."


"Oh.. Tara, sissy!"


Lumipas ang mga araw, unti-unti ko ng natatanggap na masaya na silang dalawa. Hindi na ako gaanong umiiwas dahil mas pinaparamdam sa akin ni Johan na mahal na mahal niya ako. Hindi siya nagkukulang sa pagpapakilig sa akin kaya ganun, nagging okay na lahat.


Araw ng Linggo. Napag-usapan namin ni Johan na-attend ako sa simbahan nila. Eh diba katoliko ako at Born Again siya kaya naiilang akong sumama sa kanya. Pero wala eh, napilit niya ako at gusto ko ring subukan. Wala namang mawawala diba?


Umaga na noon, bandang 8:00am. Pumunta na si Johan dito samin para sunduin ako.


"You look.. gorgeous!" sabi ni Johan..


"Nako baby, bola nanaman!" sagot ko..


"Hahaha. I'm not. ready ka na ba, baby?"


"Medyo."


"Then, let's go!"


Nagpaalam na kami kay Tita at sumakay sa kotse nito. Habang nagbibyahe kami papunta sa church nila.


"Baby, what's wrong?" tanong nito..


"Wala.. Kinakabahan lang ako."


"Why? I'm with you, don't worry." sabay ngiti..


"Eh kasi.."


"Oo na." sabay hawak ko sa kamay nito..


Pagka-part ng kotse, dumiretso na kami sa church nila. Una kong tingin, para siyang mall dahil malaking building siya at pagkapasok namin, sumalubong samin ang mga tao. Napakaraming tao na disente tingnan. Feel ko mas marami pang uma-attend dito kaysa sa misa namin eh. Habang naglalakad kami papasok, hawak-hawak lang ni Johan ang kamay ko. Hanggang sa.


"Uy pre!" sabi ng isang lalake..


"Uy!' bati ni Johan..


Napatingin ito sa akin, at.


"Aba. Girl friend mo?"


"Yes. I'm proud of being his man."


Natigilan ako sa narinig ko. Ang sarap pala sa feeling ng pinagmamalaki ka ng taong mahal mo ano? Ang swerte ko kasi inlove ako sa taong mas inlove sa akin. Grabe, ang sarap pakinggan.


"Naks! Oo nga pala, hinahanap ka ni Shana."


"Where is she?"


"Nasa loob na."


"Okay! We'll go in na."


"Sige, see you around!"


"Sure."


Hinayaan ko silang mag-usap, nagmasid lang ako sa paligid at napansin kong halos lahat ay tinitingnan kami. Mukhang kilala siya sa church nila.


"Baby, let's go na?" tanong nito..


"Okay."


Pumasok na kami sa mismong loob, maraming upuan, napakaganda ng simbahan nila. Sobrang daming ilaw, sobrang masaya ang ambiance doon. Malayong malayo sa nakagisnan ko.

Pagkaupo namin, ilang minuto lang ay nagsimula na ang tugtugan at kantahan. Grabe, sobrang nararamdaman ko ang presensya ni God noong mga sandaling yon. Napakasarap sa pakiramdam. Ibang feeling ng saya yung nararamdaman ko, lalo pat katabi ko ang taong pinagdarasal kong dumating sa buhay ko. Hayy :"">


Pagkatapos ng worship service, nag-start na ang preaching. Nakikinig ako at pinagmamasdan ang lalakeng papakasalan ko habang nagbubuklat ng Bible. Ang swerte ko, bukod sa nasa kanya na ang lahat, relihiyoso pa. Kumpletong kumpleto, wala na akong hihilingin pa.


Lumipas ang tatlong oras, natapos na ang service. 'Yun na siguro ang pinamasayang sandali sa buhay ko dahil naramdaman ko ang presensya ni God habang kasama ang taong pinakamahal ko.


Papalabas na dapat kami kaso biglang tumigil si Johan, so tumigil din ako sa paglalakad. Bigla itong kumaway sa may stage, biglang may tumingin sa amin at nagmamadaling tumakbo papunta samin.


"Johan!!" sigaw nito habang papalapit..


Bigla itong yumakap kay Johan. nung tagpung 'yun, gusto kong umeksena at sabihing teka lang, ako ang girlfriend dito diba? Tinitigan ko lang silang dalawa.


"'Oh, baby. She's Shana." sabay lingon nito sa akin..


"Hi!!" bati nito..


"Monday meet Shana. My best friend!"


"Shana meet Monday. My girl friend."


Nginitian ko lang siya pero medyo may halong kaplastikan. Kasi naman, bakit may yakapan pang naganap diba?


"Oo nga pala, pwede ka ba Johan pumunta sa amin mamaya? Birthday ni Mama eh."


"Oh, Birthday na pala ni Tita?"


"Yes! She's expecting you'll be there."


"O..okay. I'll come, in one condition."


"Ano yun bes?"


"Sasama ko si Monday. Okay lang ba?"


Nagulat ako sa narinig ko. Aba, talagang isasama pa ako ha.


"Sure! No problem. Para naman makilala rin namin siya."


"Okay then! We'll be there at 5:00pm!"


"Okay bes! See you! Take care!"


"Sige! Ingat!"


Pagkaalis nito, tinanong ko agad si Johan.


"Best friend mo?"


"Yes. Later baby ha? Papakilala kita kina Tita."


"Ah. Okay."


"Galit ka ba?"


"Sus. Hindi 'noh."


"You are." mahinang sabi nito..


"HINDI NGA EH."


Continue lendo

Você também vai gostar

Lovers in Fake World De Agape

Ficção Adolescente

2.8K 973 29
Si Maxene ay naghahanap lang naman ng ibang mapaglilibangan dahil sa nagkaroon sila ng kanyang mga kaibigan ng di-pagkakaunawaan. That's why she ent...
19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
55.9K 2.6K 50
Ang kwentong ito ay tungkol sa kademonyitahan ni Demetria Orteza at buhay niya kasama ang mga paminta. Kung sa tingin mo ay mabait ka nang lubos, lum...
1.1K 146 48
When I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare