A Wife's Cry

By barbsgalicia

48.7M 494K 123K

Twenty-four-year-old hotel heiress, Vanessa Rio Perez was never loved by her husband, Allen Travis Fajardo, c... More

Author's Note: Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 31
Chapter 32 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 46 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 5

1.3M 15.4K 5.1K
By barbsgalicia

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

IT'S BEEN THREE days since I met with Zian. At simula noon, hindi na naging maganda ang pakiramdam ko.

Nilalagnat ako hanggang ngayon. Halo-halo na kasi ang takot na nararamdaman ko. Una, dahil hindi pa rin alam ni Allen na nagbalik si Zian at nagkita pa kami. Pangalawa, dahil sa sinabi sa 'kin ni Zian na wala siyang balak lubayan ako.

Hindi ko na alam ang gagawin, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

Heto nga't tumataas na lalo ang lagnat ko. Buong araw lang akong nakahiga rito sa kama. Kahapon medyo kaya ko pang kumilos, pero ngayon, hinang-hina na talaga ako. My eyes are heavy and I'm shivering. Balewala nga na nakabalot na ako ng comforter ngayon at patay na ang aircon. Nilalamig pa rin ako.

Ilang sandali pa ay narinig ko nang dumating ang sasakyan ni Allen. Maaga yata siyang nakauwi ngayon. Ala-sais pa lang.

Gusto ko sana siyang salubungin at pagbuksan ng gate, pero ang bigat talaga ng katawan ko. Hinintay ko na lang siya na makaakyat dito.

Maya-maya pa, napansin ko na siyang pumasok dito sa kwarto namin at padabog pang sinara ang pinto.

"Ba't walang pagkain sa baba?" sermon niya agad sa 'kin. "Hindi ka nagluto?"

Hindi ko siya sinagot. Inayos ko lang ang pagkakakumot ko.

Naramdaman ko naman na siyang lumapit sa 'kin at walang-habas na hinila 'tong nakabalot sa 'king comforter. "Puta ano bang ginagawa mo? Pagod na pagod ako sa trabaho tapos pag-uwi ko, wala pang pagkain? Sana nagsabi ka para kumain na lang ako sa labas."

Hindi pa rin ako umimik. Tinalikuran ko siya at sinubsob ang mukha ko sa isang unan.

Wala talaga akong lakas na magpaliwanag. Alam kong magagalit siya kapag nakita niyang walang nakahaing hapunan sa mesa, pero anong magagawa ko? Hindi kaya ng katawan ko. At isa pa, hindi ko naman alam na dito siya maghahapunan ngayon. Ilang araw na kasi siyang umuuwi nang madaling-araw.

Sumunod ko na lang na naramdaman ay ang pag-upo niya sa gilid nitong kama. Bigla niya akong inikot paharap. Mahina lang naman ang pagkakahila niya sa balikat ko, pero pakiramdam ko nabugbog ako.

"Tumingin ka nga sa 'kin kapag kinakausap kita."

Pinilit kong idilat nang maayos ang mga mata ko. "Sorry, hindi ako nakapagluto. Masama kasi ang pakiramdam ko."

Bigla siyang natawa na parang nang-aasar. "Ano na namang drama mo ngayon ha, Vanessa?"

"Hindi ako nagda-drama. Masama talaga ang pakiramdam ko." Hinila ko ulit ang comforter para ibalot sa katawan ko. Kulang na lang ay yakapin ko na ang mga tuhod ko para lang maibsan ang lamig.

Wala naman na akong narinig mula sa kanya. Natigilan na lang ako nang bigla niyang ilapat ang kamay niya sa noo ko, tapos sa leeg ko. Sinisiguro niya yata kung nilalagnat talaga ako.

Pagkatapos no'n, tumayo na siya mula sa kama at lumabas ng kwarto.

Sinundan ko siya ng tingin. Saan naman kaya 'yon pupunta? Himala, hindi niya ako pinilit ngayon na ipaghanda siya ng pagkain.

Pagkabalik niya, may dala-dala na siyang maliit na palanggana. Pinatong niya iyon sa bedside table at muli siyang umupo sa tabi ko.

Natulala ako sa kanya. Totoo ba 'to? Parang gusto kong kusutin ang mga mata ko para masigurong totoo nga talaga ang ikinilos niya.

Pinanood ko siya habang nilulublob ang puting bimpo sa tubig bago iyon piniga. Tapos inalalayan niya ako para humiga nang maayos, tsaka niya nilagay ang basang bimpo sa noo ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Naguguluhan ako. I looked straight to his eyes despite my blurry vision. His face is serious, but I could sense care.

"Don't look at me like that," sabi niya naman habang inaayos ang bimpo sa noo ko. "This is nothing. I'm only doing this because I need my slave back."

Nakakalungkot ang sinabi niya pero binalewala ko na lang. Para kasing iba ang salita niya sa kinikilos niya. Bigla siyang bumait. Kailangan ko pa palang magkasakit para lang maging mahinahon siya sa 'kin.

I gently closed my eyes.

Ninamnam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko at ang paghawi niya ng ilang hibla ng bangs ko mula sa noo ko. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon niya lang ito ginawa sa 'kin. Kung magiging ganito lang siya sa 'kin buong magdamag, sigurado akong bukas magaling na ako.

"I'll be back, Vannie," biglang sabi niya naman. "Just stay still."

Dinilat ko ang mga mata ko. Sinundan ko lang ulit siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto.

Ano na naman kayang gagawin niya ngayon? Nagtataka na ako kung kung bakit ang bait niya. Is it really because I'm sick?

Kung 'yon nga, sana palagi na lang akong may sakit. Para palagi siyang mabait sa 'kin. Pati 'yong paraan ng pagpapaalam niya sa 'kin kanina, ang lambing. Kulang na nga lang e halikan niya ako sa noo. Nakakapanibago. Hindi talaga ako sanay na ganito siya.

Pinikit ko nang madiin ang mga mata ko.

Lalo tuloy akong nagi-guilty at natatakot. Kapag nalaman niya na nandito na ulit si Zian, sigurado akong babalik na naman siya sa pagiging leon niya. Magwawala na naman siya sa galit.

Maya-maya lang naman ay bumalik na rin ulit si Allen.

May dala na siya ngayong tray na may pagkain at baso ng tubig.

Mas lalo akong hindi makapaniwala. Nananaginip na lang yata ako kasi imposibleng dinalhan ako ng asawa ko ng pagkain.

Pero nakakatuwa. Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang sarap naman pala niyang mag-alaga. Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman?

Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya. He's just giving me a bored look. Pinatong niya ang tray sa bedside table, tapos umupo ulit siya sa tabi ko at inabot sa 'kin ang mangkok na puno ng mainit na noodles.

"Eat," utos niya.

Binuhat ko ang sarili ko at sumandal sa headboard. "Ikaw ba ang nagluto nito?" Kinuha ko ang mangkok mula sa kanya.

"Malamang. May iba pa bang tao rito?"

"Sorry."

Dumali na naman ang pagiging masungit niya. Binalewala ko na lang. Ayokong masira ang sandaling ito. Minsan niya lang ako alagaan.

Sumubo na ako nang kaunti para sana tikman muna kung masarap ang luto niya. Pero masyado yata akong nagmadali sa pagsubo at napaso ang dila ko sa init. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong kutsara.

Nabigla siya at agad na binawi sa 'kin ang mangkok. "Ano ka ba! Hindi ka nag-iingat. Hipan mo muna!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa reaksyon niya. Napaso na nga ang dila ko, pinagalitan niya pa ko. Hindi niya talaga alam ang salitang 'kalma'.

Siya na lang tuloy ang nagsalok ng noodles gamit ang kutsara. Hinipan niya 'yon bago tinapat sa bibig ko.

Napaatras naman ako ng mukha at takang-taka na tumingin sa kanya.

Umiwas siya ng tingin, pero hindi niya pa rin binababa ang kutsara sa harapan ko. Kanina pa siya hindi makatingin nang diretso sa 'kin. Parang na-aawkwardan siya sa mga pinag-gagawa niya.

"Ano, kakainin mo ba o hindi?" pagalit na niyang tanong.

Kinabahan ako at agad na lang na sinubo ang binibigay niya.

Pagkatapos no'n, nagtuloy-tuloy na siya sa pagpapakain sa 'kin.

Bakit ganito, may kumukurot sa puso ko sa simpleng pag-aalaga lang niya. Parang sa isang iglap lang, nakalimutan ko na lahat ang mga sampal, sabunot, at iba pang pananakit niya sa 'kin. Ang bilis kong bumigay.

Pinagmamasdan ko nga lang siya ngayon habang sinusubuan niya ako. Tahimik lang kami. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtama ng kutsara sa babasaging mangkong sa tuwing nagsasalok siya ng sabaw. Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ko.

Sa susunod na pagtapat niya ng kutsara sa bibig ko, tumanggi na ako. "Busog na 'ko."

Bigla siyang napababa ng tingin sa hawak niyang pagkain. Siguro nagtataka siya kung papaano ako nabusog gayong hindi ko pa nga nakakalahati ang laman ng mangkok.

"Last one, Vannie," sabi niya lang naman.

Tipid akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam na pinipilit niya akong kumain. Kaso, "Hindi ko na talaga kaya."

Napabuntong-hininga siya at binalik na lang ang mangkok ng noodles sa tray. "Fine."

Tapos, bigla niyang hinila ang comforter pataas sa leeg ko at sinigurong walang lamig na makakapasok.

Napatitig ulit ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Umiwas lang naman ulit siya ng tingin. Kinuha niya ang tray at binitbit iyon palabas ng kwarto.

Pinagmasdan ko ang likuran niya habang naglalakad siya palayo.

Something's wrong with my husband today. Gustong-gusto ko sanang matuwa sa pinapakita niya. Pero sa tuwing pumapasok sa isip ko ang pagbabalik ni Zian, parang maiiyak na lang ako.

Lagot talaga ako kay Allen nito. Baka mabuhusan ako ng mainit na noodles nang wala sa oras.


NAGTAGAL SI ALLEN sa ibaba bago ito bumalik dito sa kwarto. Siguro siya na rin ang naghugas ng pinagkainan ko.

Pagkabalik niya, naramdaman ko na lang siya na tumabi na sa akin. "Vannie?"

Tumayo ang mga balahibo ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa batok ko.

I just exhaled, "Hmm?"

"Ano nang nararamdaman mo?"

Hindi agad ako nakasagot. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Medyo gumanda na nga ang pakiramdam ko kahit papano.

"Quite better," I said. "Thank you for taking care of me. I appreciate it."

Hindi na siya nagsalita ulit. Nakakaramdam na naman tuloy ako ng antok dahil sa ayos namin ngayon. Para akong hinehele ng bawat paghinga niya sa batok ko. Susubukan ko na nga sanang umidlip, pero nagulat na lang ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Agad akong napadilat at tila nanigas! Isang tao ang unang pumasok sa isip ko. My God!

Sinilip ko si Allen. Nakatingin na siya sa nagri-ring na cellphone na nakapatong lang sa kalapit na dresser.

Nabuhay lalo ang kaba at takot sa dibdib ko. Alam ko na kung sino 'yong tumatawag. Pipilitin ko na sanang bumangon kahit ang sama ng pakiramdam ko para kunin 'yong cellphone, pero bigla na niya akong inunahan sa pagtayo! "A-Allen!"

Kinuha niya ang cellphone at mabilis iyong sinagot. Napapikit na lang ako nang madiin. Patay na 'ko nito!

Pagkadilat ko ulit, ang sama na ng tingin niya sa 'kin. Napalitan na ng galit ang kaninang maamo niyang itsura. Kitang-kita ko pa na halos mamuti na ang kamay niya sa higpit ng pagkakakapit niya sa cellphone, at 'yong isa niya namang kamao ay nanginginig na sa galit. Sasaktan niya na naman ako!

At hindi nga ako nagkamali. Bigla niya na lang binato sa 'kin 'yong hawak niyang cellphone! Sinugod niya agad ako pagkatapos at ang bilis lumipad ng palad niya sa pisngi ko! Sumubsob ako sa sahig at dito na ako napaiyak.

"NAGKIKITA KAYO?!" Hinila niya ang buhok ko. Napatayo ako sa sakit! "Nagkikita pa rin pala kayo!"

"N-no Allen, it's not what you think."

"Tangina kailan pa 'to, ha?! Ayaw mo talagang sumunod sa 'kin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yong babae ka!" Bigla niya na lang akong tinulak nang malakas sa pader!

Tumama ang balikat ko! Napasigaw ako dahil para akong nabalian. Hindi ko naman 'to nagawang haplusin kasi nataranta ako nang makitang papalapit na naman siya sa 'kin. Wala akong lakas pero pinilit kong tumakbo kaagad papunta sa pintuan nitong kwarto habang humahagulgol. Natatakot ako, hindi niya ako pwedeng maabutan, he'll kill me!

Pero sa sobrang pagpa-panic ko at panlalabo ng mga mata ko dahil sa luha, hindi ko na alam kung papa'no ko pipihitin 'tong knob ng pinto. Ayaw bumukas! Huli na nang mapansin kong nakasara pala ang door chain sa itaas. Nahila na ni Allen ang buhok ko at marahas niya akong itinapon sa kama!

Nilibot ko agad ng tingin ang buong kwarto. I have nowhere to run! Kinuha ko na lang ang malaking unan at ginawa itong panangga. Pero hindi iyon nakatulong. Hinila ni Allen ang paa ko pababa kaya nahulog ako sa sahig! Napasigaw na naman ako sa sakit dahil nabagsakan ko ang balikat ko na tumama kanina sa pader.

Hindi pa siya tumigil, hinigit niya ulit ang buhok para ilapit ang mukha ko sa kanya. Sinubukan kong alisin ang pagkakasabunot niya sa 'kin. "Allen, l-let go, you're hurting me!"

"Talagang sasaktan kita!" Namumula sa galit ang mga mata niya. "Tangina akala ko pa naman tapos na kayo, hindi pa rin pala! Bakit ba ayaw mong tumigil sa panloloko sa 'kin, ha? Kelan ka ba makukuntento sa isang lalaki lang!"

"Please listen to me first. Hindi ko 'to ginusto."

"Tumigil ka na!" Hinigpitan niya ang pagkakasabunot sa buhok ko. "Napakahirap mo nang paniwalaan! Nandito na naman pala 'yong gagong 'yon at nagkikita kayo kapag wala ako. Akala mo hindi ko malalaman?!"

"Hindi! Pinilit niya lang akong makipagkita sa labas. I had no choice."

"You have a choice, Vanessa. You always have a choice! Alam mo nang mali, pumayag ka pa! At ano na namang ginawa niyo sa labas? Ano, inalala niyo ang nakaraan niyo? Tapos anong ginawa niyo pagkatapos?"

"Nothing! We just talked."

"E puta akala ko ba may sakit ka? Akala ko pa naman ilang araw ka nang hirap bumangon sa kama. Hindi mo na nga ako naasikaso ngayon, ako pa ang nag-asikaso sa 'yo. 'Yon pala kaya mo namang kumilos. Sa akin hinang-hina ka, tapos sa kanya may lakas ka. Ginagawa mo akong gago!" Bigla na naman niya akong sinampal!

Napasubsob ulit ako sa sahig. Ang sakit na ng dibdib ko, hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak. Basang-basa na rin ang mukha ko ng luha. "I'm sorry, Allen."

"Sorry? Puro ka na lang sorry! Putangina mababaliw na talaga 'ko sa'yo!" Pinagbabato niya lahat ang mga unan at buong pwersa pang sinipa ang maliit na mesa.

Basag lahat ang mga nakapatong doon! Napatakip ako sa tainga ko dahil sa lakas ng nagawa noong ingay. Tapos nilapitan niya ko ulit.

Gagapang na sana ako palayo kaso ang bilis niya uling nahigit ang buhok ko. Lumuhod siya sa tabi ko at pinanood niya akong humagulgol. "Sawang-sawa na akong marinig 'yang iyak mo. You pushed me to do this!"

"I'm really sorry! P-please tama na."

"Tapos ngayon magmamakaawa ka sa 'kin? Tangina gusto mo ikandado na talaga kita rito sa bahay para hindi ka na makalandi?"

Umiling-iling ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"'Yong gagong 'yon, patatahimikin ko 'yon. Ibabalik ko siya sa kulungan kung saan siya nararapat!" Hinila niya ang buhok ko para patayuin ako tapos bigla niya lang ulit akong tinulak sa pader!

Tumama na naman ang balikat ko. Napasigaw ako sa sakit!

Hindi ko na kinaya, hinang-hina akong napadausdos pababa sa sahig habang nakakapit sa balikat ko. Umikot ang paningin ko at bigla na lang nagdilim ang lahat.

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 144 34
Contentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happine...
99.4K 3.9K 54
Ang kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisani...
144K 4.7K 39
Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...