Vengeance (COMPLETED)

By 10yearslater

232K 3.5K 283

Atty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successf... More

Disclaimer
Acknowledgement
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
EPILOGUE
Special Thanks
Note for the Closure Chapter
Closure

Chapter Thirteen

4.8K 80 5
By 10yearslater

Vengeance Chapter 13

Pwede Po Ba?

---


LG'S POV


"MA? Bocaue na kami.", I heard Winter said on the phone.

Napatingin ako sa kanya.


We're on our way to Winter's province sa Bulacan. Isang oras at kalahati lang naman ang byahe kaya hindi naman masyadong nakaka-inip pero nakakapagod.

"Sige po. Bye." Then I saw her hanged up her phone. "Hinihintay na nila tayo... kanina pa daw excited yung kapatid ko." She smiled. Napangiti na naman ako.

"Alam nila na kasama mo ako?", I asked.

"Oo naman. Sabi ko kay Mama, may kasama akong kaibigan na gusto bumisita sa amin kaya ayun. Na-excite sya. Buti daw hindi na ako anti-social."

"Anti-social ka ba?"

"Hindi. Ewan ko ba kay Mama." She laughed.

Maya-maya lang, natanaw ko na ang malaking arko ng bayan ng San Il Defonso. Patuloy lang na itinuro sakin ni Winter ang daan papunta sa bahay nila hanggang sa nakarating na kami sa kanila.

Nasa isang compound ang bahay nila. Marami silang kapitbahay pero hindi kasing crowded ng Maynila. Malalaki at magaganda ang bahay na nakapaligid sa kanila. Ayos rin naman ang bahay nila. Mukhang hindi palang tapos kaya wala pang buhay yung itsura kumpara sa iba.

"Ano? Tara na." Aya ni Winter sakin.

Bumaba kami ng kotse, sinalubong kami ng Mama nya.

"Ma.", nagmano si Winter sa kanya. "Eto nga pala si LG. Abogado sya, Ma. Kaibigan ko sya."

"Magandang araw po." Nagmano ako sa kanya at ngumiti naman sya sakin. Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Winter. "Tawagin mo nalang akong Tita Imelda." Mukhang nasa late 40s na sya pero maganda pa rin sya tingnan. Simple lang manamit pero disente.

"Nobyo ka ba ng anak ko?" She asked with a smile. Napangisi ako at napatingin kay Winter.

"Hindi, Ma. Kaibigan ko nga lang sya. Tara na nga, pumasok na tayo."

Pumasok kami sa bahay nila. Konti lang ang gamit pero naka-ayos nang mabuti. At napakalinis.

"Upo ka muna dyan, hijo. Pasensya ka na kung medyo magulo." Sabi ni Tita Imelda. Magulo pa pala 'to sa kanya. Tumango lang ako sa kanya. "Maghahain na ako ng pagkain para makakain na tayo. Dapat magpahinga na kayo dahil alam kong pagod kayo sa byahe."

"Ma, si Yvanne?"

"Nasa kwarto, nag-aaral. Wag mo munang istorbihin, maiinis na naman yun."

Nakita ko naman pumasok sya sa isa sa mga kwarto nila, paglabas nya nakabihis na sya ng pambahay.

Shorts at sleeveless top na jersey uniform.

Shit naman. Ganito ba sya ka-hot kapag nasa bahay? Pwede bang dito na lang ako tumira?

"Tara, LG. Lagay mo muna dito yung gamit mo."

Agad naman akong pumasok dun sa kwarto para ilagay yung bag na dala ko. Tinanggal ko yung sapatos ko. Sarado nun yung pinto kaya naghubad na ako ng T-shirt.

Kaso nung naghahanap na ako ng isusuot, biglang bumukas yung pinto.

"Winter!"

I saw how she blushed.

"Sorry. Ah. Kakain na. Labas ka na pagkatapos mo." Then she shut the door. Napangiti naman ako na parang baliw.

Lumabas ako pagkatapos magbihis, paglabas ko nakita ko na sila na naka-upo na sa dinning table.

"Halika na, hijo. Kumain ka na." Sabi ni Tita Imelda. Nakita kong nakatingin sakin ang isang medyo may katandaan nang lalaki. I think it's Winter's father na sinasabi nya'ng may sakit. May kapayatan na sya at halatang nanghihina. Nakatingin din sakin yung kapatid ni Winter na Yvanne yata ang pangalan sa pagkakarinig ko kanina.

"Oo nga pala. Pa, Yvane. Sya si LG, kaibigan ko po sya. Gusto nya raw pong pumunta dito kaya sumama sya sakin."

"Hello po. Kain na po tayo." I said. Tumango lang sakin yung Papa ni Winter pero yung kapatid nya, hindi manlang ngumiti.

Habang kumakain ay hindi tumigil sa kakatanong si Tita.

"Ilang taon ka na bang abogado, LG?", she asked.

"Isang taon palang po, Tita. Kaka-graduate ko lang po last year."

"Ilang taon ka na ba?"

"27 po." I smiled.

"Tamang-tama! Limang taon lang naman pala ang tanda mo kay Winter eh. Bagay kayo!"

"Mama. Nakakahiya kay LG. Baka hindi na bumalik yan dito." Winter complained.

"Pwede po ba?" I asked.

"Anong pwede?!" Winter yelled.

"Pwede ba akong manligaw sayo. Tinanong kita nung isang araw pero hindi mo ako sinagot. Kaya sa pamilya mo nalang ako magpapa-alam." I grinned.

"Naku! Syempre. Pwedeng-pwede!" Tita Imelda said. "Diba papa? Bagay naman sila." Tanong nya sa asawa nya.

Napangiti ako nang tumango ang Papa ni Winter pero yung kapatid nya, poker face pa rin.

Nang kinagabihan ay lumabas ako ng bahay nila para magpahangin. Katabi ko ang kapatid nya'ng matulog. Hindi ko alam kung magiging komportable ba ako o ano. Feeling ko kasi hindi nya ako gusto.

Paglabas ko ng pintuan, nakita kong naka-upo si Yvanne sa bench na gawa sa kawayan malapit sa bintana nila.

Lumapit ako at umupo sa tabi nya. The atmosphere was so awkward. Hindi ko ma-explain kung bakit ako kinakabahan sa kapatid ni Winter.

"Gusto mo ba talaga si Ate?" Nagulat ako nang bigla nya yung tinanong.

Hindi agad ako nakasagot. Iniisip ko kung gusto ko nga ba talaga sya.

Oo. Gusto ko sya. Kada araw mas nagugustuhan ko sya.

"Alam mo. Kung lolokohin mo lang sya, tumigil ka na. Kahit 15 years old palang ako, kayang-kaya kitang suntokin."

"Totoong gusto ko sya, Yvanne. Iba ang ate mo. Hindi ko sya lolokohin kung sakali." I explained.

"Marami ka pang hindi alam sa kanya... sa mga pinagdaanan nya. Baka bigla mo nalang sya'ng iwan pag nalaman mo yung nakaraan nya."

Tumayo na sya at nagsalita nang maglakad. Hindi ko inaasahang masasabi yun ng isang 15 years old na lalaki. Medyo na-curious ako sa huli nya'ng sinabi pero... hindi ako titigil hangga't hindi nagiging kami.

"Pinapangako ko sayo. Hindi ko sya sasaktan. Mahal ko ang ate mo."

"Patunayan mo! Wag ka puro salita! Pumasok ka na, malamok dyan mukhang hindi ka pa naman sanay sa lamok." Sabi nya at pumasok na sa pintuan.

There's a tension between us. I can notice that. Pumasok na rin ako sa loob.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tapik ni Tita Imelda sakin.

It was 6 in the morning. I was still sleepy but I need to wake up.

"Bakit po, Tita?", I asked her.

"Magsisimba kami. Gusto mo ba sumama sa amin ni Winter?"

"Ah. Simba po?"

"Oo. Linggo ngayon, hijo."

"Sige po, sasama ako."

"Oh sige. Maligo ka na't magbihis. Yung maayos na damit ha, pupunta tayo sa tahanan ng Diyos. Bilisan mo para makakain ka pa ng agahan. Alas'otso ang misa."

Pagkatapos nun ay lumabas na si Tita ng pinto. I immediately did what she said. Nagsuot lang ako ng maong pants at yung white V-neck shirt na bigay ni Winter sakin.

Paglabas ko ng pintuan, nakita ko si Tita Imelda na naghahain ng pagkain at si Winter naman, nasa harap ng salamin nagpupusod ng buhok.

"Si Yvanne po ba hindi magsisimba?" I asked.

"Sya muna ang magbabantay sa asawa ko. Isang oras lang naman ang misa." Sagot ni Tita.

After our breakfast, I volunteer myself to use Brio's car para mas mabilis. Hindi naman ako nainip sa byahe dahil marami akong nakikita. Si Tita Imelda, tanong nang tanong kung kailan pa kami magkakilala ni Winter basta lahat nang tungkol sa amin.

When we arrived to the church, marami nang tao. Nanibago ako. Sa Christian lang kasi ako nagsisimba dati kasama si Josh at Miguel nung college. We are on the agua bendita section when someone talked to us, I mean kay Winter lang.

"Ate! Tara na sa taas. Tagal mo na namang nawala ah."

"Pasensya na Sam. Pass muna ako, may kasama kasi akong taga-Maynila. Kailangan ko sya'ng i-accompany dahil bisita ko sya. Next time, promise!" Winter smile on the girl.

"Ganun.", the girl looked at me. "Hello po, Kuya. Ka-choir po ako ni Ate Ella."

Kumunot naman ang noo ko.
"Hindi sila sanay na tinatawag akong Ella." Winter said. "Sige mauna na kami. Basta attend ako sa anniversary party natin." The  she waved. Nag-smile lang ako dun kay Sam (daw).

Habang naglalakad kami papunta sa upuan namin, "Choir ka ba?" I asked.

"Oo. Kaso inactive ako dahil sa trabaho. Sayang nga eh." She answered.

"Tsaka. Ella? Bakit ano ba'ng tunay mo'ng pangalan?"

"Hmm. Winter Elaine. Dati, Elaine talaga ang ginagamit ko kaso may mapait na nakaraan yun kaya... hindi na ulit ako nagpapatawag ng Elaine. Yung Ella, hinahayaan ko lang yun sa mga ka-choir ko." She explained.

Hindi na ako nakapag-react dahil nagsimula na yung misa.

Mapait na nakaraan? Di kaya... iyon din yung sinabi sakin ni Yvanne na kapag nalaman ko, bigla ko nalang iiwan si Winter?

Bigla tuloy akong na-curious dahil dun.

Pagkatapos ng misa, umuwi na kaagad kami. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nakapagsimba na ulit ako. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling pumasok sa simbahan. Bakit nga ba hindi ko naiisipan eh wala naman akong ginagawa tuwing linggo.

Pagka-uwi namin sa bahay, may nakahain na sa dinning table nila. 11AM na pala.

Kung kahapon, hotdog at piniritong itlog ang ulam sa tanghalian, (yeah. I found it so weird. I thought pang-breakfast lang yun but it's so quiet nice. Masarap din pala yun sa lunch and dinner) ngayon sinigang na tilapia.

"Wow. Ang tagal ko nang hindi natikman sinigang mo, Yvanne. Na-eexcite ako!" Winter said.

It was really a TURN ON dahil lalaki sya... at bata pa pero marunong nang magluto ng mga ulam. When I was on Yvanne's age, wala akong alam kundi ang manuod ng TV at kumain lang. Kahit tubig nga noon, nagpapakuha pa ako sa katulong namin. Well, that was the part of teenage life I'd never experienced. Luto-luto, walis ng bahay, bili sa tindahan. I wish I was Yvanne when I'm fifteen.

"LG tara na kumain na tayo. Early lunch 'to. Si Yvanne nagluto. Promise masarap." She uttered again. Siguro nga masarap talaga kasi sobra yung excitement sa boses nya.

"Sige. Matagal-tagal na rin nung huli akong nakatikim ng totoong ulam." I smiled on her.

Sabaw pa lang yung natitikman ko...

There were no words can explain how delicious that sinigang was. I missed my Ate cooked for me. Kahit hindi sya magaling, nakakain pa rin naman yung mga niluluto nya'ng ulam. Lol.

After our early lunch, Winter told me to pack my things already. Mamayang hapon, aalis na kami. I really don't want to go home actually. Nalungkot ako nung sinabi nya'ng babalik na kami sa Manila. I want to stay here as long as I want. Mas masarap pa rin talaga sa probinsya. Kahit tuyo't kamatis lang ang ulam namin araw-araw, okay lang.

Pero kailangan talaga naming umalis. Bukod sa may pasok si Winter, usapan ng Wi-Five na magsasama-sama kami tuwing first week of the month. Alam nyo na. Inom-inom nang konti, kaya bukas... sa RLX kami... I mean... hindi ako pwede dun kaya baka sa sa iba nalang ganapin.

Nag-ayos ako nang gamit ko. After securing my thing nahiga ako sa kama ni Yvanne. I felt sleepy when I did that so I took a nap.

When I woke up I felt someone beside me.

It's Winter.


Tss. Sleeping beauty.


Her closed eyes, long eyelashes, nose, rosy cheeks

And her lips. Kahit sino yata hindi mapipigilang halikan sya.

Kahit ako.

I moved my head near to her face. I stared at her before touching her lips by mine.

I'm still in shock when she moved and open her eyes. Nanlaki ang mata ko dahil nagising sya.

"S-sorry." I apologized. Umiwas kaagad ako nang tingin. Imagine how awkward was that.

Continue Reading

You'll Also Like

209K 5K 26
Hinalikan ko ang mukha ni Jake “Goodbye love..I don’t know if I’ll ever see you again..thank you for the memories.” Meet Nikki and Jake. Si Nikki, an...
296K 5K 45
She, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the wor...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...