She Loves Me More

By Sweetmagnolia

4.4M 130K 16.7K

"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she real... More

She Loves Me More
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 (Final)
Epilogue

Chapter 44

64.7K 2.1K 277
By Sweetmagnolia




LANCE

All charges against my father had been dismissed due to lack of evidences. Kung mag-isa lamang ako sa korte siguro'y napasigaw na ako sa tuwa. Sa wakas ay nawala na ang isang napakalaking kalbaryo sa aking mga balikat. Nagbunga rin lahat ng pag-aapela at sakripisyo ko. Now, our life will return to how it used to be. Nalinis nang muli ang pangalang napakatagal na inalagaan ng aking ama.

I couldn't wait to get out of the courtroom. Ang una kong gustong gawin ay yakapin si Tintin na naghihintay lamang sa akin sa labas. Di ako makapag-antay na i-share sa kanya ang sayang nararamdaman ko. I found her in the corridor. Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang kanyang malalaking ngiti. Halatang alam niya na ang magandang balita. Nilakihan ko ang aking mga hakbang subalit sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay biglang nagsilapitan ang mga reporters na hindi ko namalayan kung saan-saan nagmula. Natakpan ng mga ito si Tintin. Hinabaan ko ang aking leeg para manatili siya sa aking mga mata.

"Attorney Perez! Anong nararamdaman niyo ngayong nadismiss ang kaso ni Congressman Perez?" tanong ng isang reporter.

I'm very happy that I want to marry my girlfriend right now.

"Masaya dahil matutuldukan na rin ang mga maling akusasyon sa aking ama," simpleng sagot ko habang hinahanap pa rin ng mga mata si Tintin.

"Kumusta na si Congressman Perez? Sa palagay mo ba ay makakatulong ang desisyong ito sa pagpapalakas niya."

" Of course it will. But the most important factor for his recovery is the love and support of his family. This controversy is just a distraction but his conscience is clear so it doesn't really affect too much when comes to health."

Natigilan ako nang makitang natabig si Tintin ng isang reporter na nagmamadaling makalapit sa akin. Muntik na siyang matumba sa pagkakatulak sa kanya. I was displeased by what I saw. Walang paliwanag na umalis ako sa kumpol ng mga mamamahayag at mabilis na nilapitan ang nasaktan kong girlfriend. Nag-aalalang inalalayan ko siya sa braso.

" Are you okay? Nasaktan ka ba?"

" Okay lang ako."

Lumapit ulit sa akin ang mga reporters subalit tumanggi na akong sumagot sa mga katanungan nila. " I'm sorry, I have to leave now," wika ko.

Inakbayan ko si Tintin at nakahawak  sa braso niya na naglakad patungo sa sasakyan. When we reached the car at wala na sa mga mata ng reporters, masayang pinulupot ni Tintin ang kanyang mga braso sa aking leeg at paulit-ulit akong hinalikan nang madiin sa pisngi.

"Mwah!Mwah!Mwah! Congratulations! Ang galing talaga ng labsey ko! I'm so proud of you!"

"Ang dami ko nang napapanalong kaso bakit parang ngayon lang ata ako nagkareward ng ganito sayo?" kunway may tampong wika ko.

" Siyempre iba to! Sa Daddy mo to eh! Kaya yung saya ko lagpas-lagpas langit talaga! Sayang nga dapat nagpainterview ka pa ng matagal dun sa mga reporters para naipamukha talaga natin sa mga sumisira kay Tito na walang nangyari sa mga efforts nila!"

"Uunahin ko pa bang pagsasagutin yung mga tanong nila eh nasaktan ka."

"Ikaw naman. Nasagi lang ako. Di naman sinasadya nung nakabangga."

"Eh alam mo namang ayokong nasasaktan kahit dulo ng kuko mo."

"Weeeh... inlove na nga ako sayo nagpapafall ka pa masyado. Tara na nga!"

"Saan? Your place or my place?" kindat ko.

"Of course my place! Ayaw mo?"

"Pag sinabi ko bang ayoko, lilipat tayo sa unit ko?"

Tumawa ako nang pinanlakihan niya ako ng mga butas ng ilong. Of course I won't say no na mabisita sa unang pagkakataon ang bagong bahay na nilipatan niya. Sa wakas nangyari rin ang gusto ko! But as usual, kumbaga sa documentation.... ang dami munang clearances na dinaanan. Her father was the last one to agree. I almost gave up my hope na mapapayag siya ngunit hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Tintin at bigla na lamang itong nakumbinsi. Sa umpisa pa lang ay hindi na talaga ako umasang may mangyayaring lipatan sapagkat sinurpresa ako ni Tintin sa desisyon niyang lumipat sa mismong condo na tinitirhan ko. Magkaibang floor nga lang kami. Kinumbinsi ko siyang lumipat sa ibang apartment na malapit pa rin sa akin but she was firmed with her decision. Masyado siyang naapektuhan sa mga pang-uudyok ni Clarisse and the decision was mostly made out of jealousy. I asked Pierce and Clarisse to help me persuade Kristina to start living on her own. They did, over-garnished nga lang but nevertheless malaki pa rin ang dapat kong ipagpasalamat sa mag-asawang yun dahil mas maganda pa ang naging resulta.

" Labsey huwag mong pipintasan mga gamit ko ha. Tsaka hindi pa ako expert sa pag-aayos ng bahay kaya baka di ka magandahan sa interior design."

" Ang importante sa akin ay ang nakatira doon."

"Alam mo nagpapasalamat talaga ako na pumayag yung may-ari na tawaran yung renta ng bahay. Akalain mo from thirty five thousand naging ten thousand na lang! Grabe ang bait niya di ba?"

"Yeah. A very generous one indeed."

"Aba eh paano ba naman talagang nagmakaawa ako kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya. Sa una sobrang sungit pero naantig din siguro sa maya't mayang pagmamakaawa ko. Kaya ayun biglang bumait at pumayag din kesa mabakante nang matagal yung unit niya."

"Of course who could refuse a begging beauty! Kahit ako hindi kita matatanggihan!" kunway todo sang-ayong wika ko. The place wasn't discounted. I secretly talked to the owner and I am secretly paying the rest of the rental. Kristina is refusing to receive financial support from me so I'm finding every secret way to help her.

"Gusto mo bang magrocery tayo? You promised to cook for me on my first visit," wika ko.

" Meron na. Nakapamili na ako at nakadikit na rin sa ref ang recipe. Yun pa ba ang makakalimutan ko? Natitense na nga ako eh!"

When we reached our building, people at the lobby positively greeted me about the success of my father's case.

" Nakakaproud lang!" Tintin commented.

I smiled and put my arm on her shoulders. Nothing feels greater than being with the woman you love on a day like this. Nang nasa tapat na kami nang unit niya, nagtaka ako nang magdoorbell siya. Her place is on the seventh floor while mine is on eighth. Nagulat ako nang biglang may magbukas na di pamilyar na babae. Her age is maybe around eighteen or nineteen. Mukha ring probinsiyana.

"Atiiii!" Her face brightened after seeing Kristina.

Napatanga ako. " W-Who is she?"

"Ah si Delilah. Distant cousin ko. Pinadala siya nina Papa para makatulong ko dito sa bahay... Delilah si Lance."

"Attorniiiii! Naku ang pogiii niyo po pala sa pirsonal! Delilah here, Deli por shurt!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pansamantalang naglaho ang nag-uumapaw na excitement ko. I knew it! Her father won't agree that easily without precautionary measures. Nabasag lahat ng mga namumuong plano sa aking isipan.

"H-Hi!" bati ko nang may napipilitang ngiti.

Hinila ako sa isang sulok ni Kristina. "Huwag kang maasiwa sa kanya. Mabait yan si Delilah hindi rin pakialamera at tsimosa. At least hindi kagaya kina Tita Rose na laging de numero ang galaw natin."

"Atorni wag pu kayong mauwkward sa akin. Kunyari imbisibol ako," ngiting-ngiting wika ni Delilah, labas ang dalawang malalaking ngipin sa harap.

"See?" Tintin uttered.

"I'm fine! I don't see any discomfort about it at all," kunway nakangiti't umiiling na sagot ko. Hanggang kelan kaya magiging inosente itong si Kristina? Pero ano bang magagawa ko kundi ang igalang pa rin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.

"Halika labsey maupo ka!" sabik na imbita sa akin ni Tintin.

The house got a very minimal design ngunit napakaayos at linis nitong tingnan. Iginala kong mabuti ang aking mga mata upang alamin ang mga gamit na pwede kong iregalo. Idadaan ko na lamang sa pagreregalo at idedeliver nang walang pasabi para tiyak na hindi na siya makakatanggi.

"Atorni ano pong gusto niyo? Miron po akong mga kakaning dala galing probinsiya," Delilah amiably offered.

"Ay huwag na Deli. Ako na ang mag-aasikaso kay Labsey. Maging malinaw sa ating dalawa na walang ibang pwedeng mag-asikaso sa kanya maliban sa akin. Okay?"mabilis na tutol ng possessive kong girlfriend.

"Oki Ati Tintin! Pasok na lang po ako sa kwarto para di ako makaisturbo sa inyo. Tawagin nyo na lang ako ip yu nid helf!"

Napakunot ako nang noo. Seryoso? Sinundan ko ng tingin si Delilah at pumasok nga ito sa kwarto. Well... siguro nga ay mali ang hinala ko tungkol sa kanya. Napangiti ako nang mawala siya sa aking mga paningin.

"Akala ko ba ipagluluto mo ako?" masayang bigkas ko.

"Oo naman. Teka dito ka lang ha manood ka na lang muna ng TV, dun muna ako sa kusina."

"Samahan na kita. Gusto kitang panoorin. Maybe I can be of any help."

Pinagtimpla niya muna ako ng kape. I sipped it on the dining table while watching her chops ingredients. She's preparing a chicken pasta and sandwich. She looks sexier when in kitchen.

"Opps hindi yan ganyan!" I commented while she was chopping the bell pepper.

"Huh? Paano ba?" biglang tigil niya.

Tumayo ako. "Just stay there," utos ko nang aalis sana siya sa pwesto. I breezily wrapped my arms around her waist . Smelling the sweet fragrance of her nape and hair. Maingat kong hinawakan ang kaliwang kamay niya and slowly removed the bell pepper from her grasp. I touched her right hand holding the knife and smoothly taught her how to slice properly.

"Ganito yun baby doll," I whispered in her ear.

"Wow! Sa lahat ba ng bagay magaling ka?" masiglang wika niya without taking notice to my other effort.

"Yes. Lalo na dito."Mabilis na ninakawan ko siya ng halik sa pisngi at gigil na kinagat-kagat ko ang kanyang tenga.

"Eiih labsey naman huwag mo akong harutin baka lalo akong magkandamali-mali sa ginagawa ko."

"Atiii wala po ba talaga kayong iuutos?" biglang labas ni Delilah.

Agad akong umalis sa pagkakayakap kay Tintin at patay malisyang bumalik sa pag-inom ng kape. Sabi ko na nga ba, it's too good to be true.

"Wala. Akala ko ba tatawagin na lang kita pag may kailangan ako?" taka ni Kristina.

"Ehh baka kasi nahiya lang kayu kaya di kayo makapagsabi."

"Ba't naman ako mahihiya? Sige na bumalik ka na sa kuwarto mo at huwag mo na lang kaming istorbohin."

"Oki po." Ngumiti pa siya sa akin at kumaway bago bumalik ng kuwarto.

"Masipag lang talaga yang si Deli. Di sanay ng walang ginagawa," paliwanag ni Tintin.

"By the way, I haven't seen your room. Pwede ko bang makita?" tanong ko.

"Ay oo nga pala!" Binitawan niya ang kutsilyo at mabilis na naghugas ng kamay. "Halika!"

She held my hand and guided me into her room. I got excited again. I've been dying to share some romantic moment with her. Mamaya na yang pasta at sandwich. Nauna siyang pumasok at dumiretso sa sliding window.

"Tingnan mo labsey o! Ang ganda ng view dito sa kuwarto ko." She gestured at the window like a kid. So childish yet so pretty.

Patay malisya kong isinara ang pinto subalit bigla akong napakunot ng noo nang tila may pwersang pumipigil dito. I took a deep sigh. It's Delilah again.

"Ay sori po atorni! Mi sasabihin lang ako kay Ati Tintin!"

I opened the door widely and patiently gestured my hand allowing her to enter. "No problem go ahead..." kalmado kong sabi.

"Bakit Deli?"

"Ati hindi ako makakonik sa wifi. Kanina pa! Tingnan niyo nga po kung tama ba talaga password!"

Nagtitimping napakagat ako sa labi.

"Akina nga tingnan ko nga!" ani Tintin. Kinuha niya ang cellphone ng kasambahay. "Eh kasi naman sinabi ko na sayong small letters lahat."

"Ay ganun po ba yun? Akala ko basta tama ang speleng."

"Ayan okay na," abot ni Tintin sa telepono.

"Ay salamat po ati! Sige labas na ako."

She walked away pero lumingon ulit kay Tintin nang nasa pintuan na. "Ati sabi sa sirmon nung pari sa huling misa na pinuntahan ko, masama daw magsarado ng pinto ng kuwartu kapag hindi pa mag-asawa."

Napamaang si Tintin samantalang muntik naman akong masamid. Tumikhim ako. "Yan ba ang hindi pakialamera?" I chuckled and whispered to myself.

"Hindi pangingialam yun." Nagulat ako nang narinig pala ni Tintin ang sinabi ko. I didn't notice she was already standing too close to me. "May point naman siya. Masama talagang magsarado ng kuwarto ang hindi pa mag-asawa. Maaring pag-isipan kayo nang hindi maganda nang mga makakakita."

I shrugged. " Sorry. Mean me. I stand corrected, she's just an opinionated one. Wrong choice of words on my part."

Tintin quickly grabbed my wrist. " Tara na nga baka kung ano pa ang isipin ni Deli. Itutuloy ko na yung niluluto ko baka gutom ka na."

"Busog pa ako!" I quickly answered. "Magkwentuhan na lang muna tayo baby doll," may lambing na tono ko.

"Mamaya na. Tapusin ko lang muna yung niluluto ko ha. Please... magdamag kong pinag-isipan yun tapos parang hindi ka naman natutuwa sa effort ko," she pouted.

Seeing her sad face leave me no choice but to follow her will. Matiyaga ko na lamang siyang pinanood at panaka-nakang tinutulungan hanggang sa nag-enjoy na rin ako sa kusina.

She set the table on the sala. We ate while watching fun program on the television until it was interrupted by a breaking news.

"O tungkol sa kaso mo!" bulalas ni Tintin nang may namimilog na mga mata. "O yung interview mo yan kanina!"

I calmly watched myself. "Ang gwapo ko pala sa TV," sambit ko nang matapos ang balita.

Nginiwian ako ng aking katabi.

"Inunahan na kita tutal yan din naman ang sasabihin mo," natatawang depensa ko.

" Inaagawan mo ako ng linya eh! Wala na tuloy akong macomment!" nguso nito. "Pero labsey minsan masyado kang tipid sumagot sa mga tanong ng reporters.

"Like what?"

"Halimbawa yung tungkol sa nararamdaman mo sa pagkadismiss ng kaso. Yung sagot mo maiksing masaya lang. Hindi gaanong detalyado parang napipilitan ka lang sumagot. Masyadong cold. Ganun ba talaga dapat? Hindi ba pwede medyo mabulaklak naman ng kaunti?"

Pinunasan ko ng tissue paper ang gilid ng kanyang bibig. The pasta sauce was smearing due to her nonstop talking. "To be honest hindi dapat yan ang sagot ko eh," I said.

Natigilan siya. " Ano ba dapat ang isasagot mo?"

"Masayang-masaya. At sa sobrang saya ko parang gusto ko nang pakasalan ang girlfriend ko."

Bigla siyang nabilaukan. I gave her water and gently tapped her back. " See... kaya ayokong dinidetalye masyado ang mga sagot ko."

"Atii! Atii! Anong nangyayari sayo?" Sumulpot si Delilah mula sa kung hindi ko alam, bitbit ang isang basong tubig. Nataranta din siya sa pagtapik ng likod ni Tintin.

"Don't bother. I can take care of her," wika ko.

"Naku! Ang swit nyo pala talaga atorni!"

" Okay na ako," Tintin recovered.

"Ati grabi pala mag-asikaso sayo si atorni no? Ang kyut at ang swit niyong tingnan dalawa...."

How about if you gave us more time to be sweeter?

"Gaanu na po kayo katagal mag-un?"

Napaisip si Tintin.

"We're turning six months next week," sagot ko.

" Ay oo nga six months na tayo next week. Grabe labsey ang bilis ng panahon no? Six months na lang isang taon na tayo."

" Ay siyempri Ati Tintin sik mants na lang isang taon na, alangan namang payb o por e di kulang sa bwan!"

Natigilan si Tintin. Tiningnan nang masama ang kasama sa bahay. " Deli ba't ka nga pala andidito sa sala?"

"Nagwuri ako sayo kanina nung naga-ubo ka."

"Okay na ako bumalik ka na sa kuwarto mo."

"Okie ati!"

Sinundan ni Tintin ng tingin ang kasambahay, pagkuway tumingin sa akin. "Labsey mukhang tama ka na may pagkapakialamera yan si Delilah."

"Wrong choice of word...opinionated," diin ko sabay subo.

" Eei ikaw naman umaandar na naman yang pagiging sarkastiko mo!" palo niya sa braso ko. " Pero labsey sa sixth monthsary natin, ano kayang magandang plano? Dapat bongga di ba kasi half year celebration eh. Ay pero alam mo mas maganda yata kung isurprise na lang natin ang isa't isa! Mas bet ko yun!"

Napatingin ako sa kanyang mga mata. " Are you sure you want a surprise?"

Nangingislap ang mga matang sumagot siya ng sunud-sunod na tango.

Hinawakan ko ang gilid ng buhok niya. Inipit sa tenga at muling tumitig sa kanyang mga mata. "Okay. I'm going to give you a surprise I wish you can handle."

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 109K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...
7.3M 198K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
131K 4.5K 32
“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”