All I Wanted (Bachelorette Se...

By ailyween

706K 13.7K 475

Book Three of Bachelorette Series ✔️ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 16

28K 566 5
By ailyween

Chapter Sixteen

Where are you?

Bungad ni Blake ng sagutin niya ang tawag nito.

"Bakit miss mo na ako agad?" She teased. "Andito pa lang ako sa condo, papunta na ako sa Montejo Network."

Ngayon kasi 'yung interview niya para sa tv network nila Erin at si Blake naman ay nasa University.

Yup I miss you already.

Can you give me a minute? I just wanna squeal my lungs out. Saad niya sa kanyang isip.

Medyo hindi pa kasi siya sanay sa side na ito ni Blake. Nag-a-adjust pa siya sa pagiging sweet nito. She bit her lower lip, unconciously.

Can you drop by here in my office?

"Why?" Saad niya habang dinadampot ang kanyang bag sa kanilang kama.

Let's have a late lunch. Three pa naman iyong interview, right?

"You forgot to have your lunch again?" Napatingin siya sa wall clock, lampas ala una na. "Okay. I'll be there in a bit." Matapos magpaalam sa isat-isa ay in-end na niya ang tawag at pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. She is wearing a sleeveless yellow dress that reached just above her knees and a pair of nude heels.
Nagdrive siya ng sariling kotse tutal ay diretso na siya sa Montejo Network mamaya. Hassle pa kay Blake pag ihahatid siya nito, tambak ang trabaho nito dahil ang tagal nitong nawala.

Nagpark siya kung saan siya dati nagpark noong unang dumalaw siya sa Arcega University. She felt herself smile upon that memory.

"Now where's his office?" She decided to text him instead. Mahirap ng mawala, ang lawak pa naman ng university na ito.
Maya-maya pa ay napansin na niya ito habang papalabas sa isang building kaya bumaba na rin siya ng kanyang kotse.

Nakangiti niya itong sinalubong. He kissed her lips shortly when they came face to face.

"Let's go inside. It's hot in here." Aya nito habang hinahawakan ang kanyang kanang kamay at iginiya siya papasok sa building na pinasukan nito kanina.

"Akala ko ba magla-lunch tayo?" Tanong niya habang hindi maiwasang pansinin ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga staff at faculty ng university.

"Yeah. But I'm too busy to leave the school. Papadeliver na lang ako."

Tumango siya. "Wait. Di ba may school canteen naman kayo? Doon na lang tayo. From what I've heard, parang restaurant daw ang cafeteria niyo dito." Naikwento ito sa kanya noon ng assistant niyang si Marie.

"You sure you want to dine there?"

"Why not? Hindi naman ako mapili na tao. Besides it's convinient, hindi ka na lalayo sa office mo." She's been with so many people across the globe kaya hindi siya mapili sa environment na pinupuntahan niya.

"Okay, let's go then." He smiled.

Habang papunta sila sa cafeteria ay madaming bumabati dito. Well, he is the president of Arcega University and their family own it. For sure lahat ng etudyante dito ay kilala siya.

"Ang gwapo talaga ni Sir Arcega."

Rinig niya impit na tili ng mga college girls na nadaanan nila.

Napataas siya ng kilay bago nakangising binalingan ang asawa. "Kulang na lang ay magtayo ng fanbase mo ang mga estudyante dito." She teased.

"Don't mind them." Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang hawak parin ang kamay niya.

"Naaliw nga ako sa kanila eh." Nakangisi niyang sabi.

"Not me."

Humilig siya sa braso nito habang naglalakad. "Kasi masyado kang private na tao. You hate attention from the crowd."

He just shrugged.

"Ito ang gusto ko sa mga cafeteria, you just point at what you want and they'll serve it instantly. Nakakasawa din kasing maghintay sa mga restau minsan." Saad niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng malawak na cafeteria.

Sa counter ay parang isang typical na cafeteria sa isang university, nakahilera doon ang iba't ibang uri ng pagkain. Mamimili ka na lang ng gusto mong kainin. Ang mga tables ay hindi basta-basta, meron itong maroon table cloth na elegante tignan at parang sa isang high end restaurant ang dating. Maging ang mga upuan ay pang-restaurant din ang dating. Hindi ito mukhang cafeteria, mas mukha pang restaurant.
Excited na hinila niya ito palapit sa counter. Kumuha siya ng tray at inilapag iyon sa pahabang metal na lagayan ng tray.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong nito.

"Duh? Kukuha ng tray para may mapaglagyan yung order natin." She rolled her eyes in the air. "Hindi ka pa nakakakain dito no?" Akusa niya.

Umiling ito.

"Ano iyo---" Mukhang nagulat iyong may edad ng babae na siyang lumapit para daluhan ang oorderin nila. "Naku! Sir Blake! Magandang hapon po." Halatang hindi ito makapaniwala na nasa harap nito mismo ang may-ari ng school.

Blake just nodded.

"Ano pong gusto niyo ma'am? Mainit pa po lahat ng merong pagkain dito sa counter." Magiliw na saad nung babae.

Inisa-isa niya ang mga nakaserve na pagkain. Steak, grilled chicken, barbecue, pork chop, chicken curry, pasta, bake mac.....

"Hmmm. Do you want to have some rice?" Tanong niya sa katabi.

"That's fine with me."

"Manang ano pong specialty niyo dito?" Baling niya sa babae pero mukhang hindi siya narinig dahil nakatitig ito sa kanya. Tumikhim siya.

"Naku. Sorry po ma'am, maganda po kayo sa tv pero mas maganda pa po kayo lalo sa personal."

She just half smiled and muttered a soft thanks. Oo mataray siya pero sa mga below the belt kung magcomment na tao lang. Kapag ganitong wala namang masamang ginagawa, she can do good.
She ordered grilled chicken and beef steak for him. Nag-order din siya ng white sphagetti at slice ng red velvet cake at dalawang apple shake.

"May apppointment ka pa mamaya yet ang dami mong inorder." Saad nito ng makaupo na sila. They settled in the far end corner of the cafeteria. Ayaw daw nitong maka-attract sila ng atensyon at magambala ang pagkain nila. "Aren't you on a diet?"

She look at him as she chew on her pasta. She took a sip of her apple drink befote speaking. "I told you. I don't do diet." She rolled her eyes.

"You roll your eyes a lot." He remark as he slice his beef steak.

"Like you haven't notice at all."

Ngumisi ito bago isinubo ang piraso ng steak. Hindi niya tuloy maiwasang mapatanga dito.

"Kahit sa pagnguya ang gwapo at hot mo pa ring tignan. Damn." She absent mindedly said.

His smirk grew wider. "Really huh?" Saad nito habang isinusubo sa kanya ang piraso ng steak. Madali nitong naisubo sa kaniya ang pagkain dahil hindi niya rin namalayan na half open na ang kanyang bibig.

Napanguya siya ng di oras. "I didn't just said that loud. Right?"

"I'm afraid you did."

She raised her eyebrows and acted cool. "Oh well, what can I do? Yun ang nasa isip ko eh." She shrugged. Buking na eh... bakit pa siya magdideny, diba? There's no point on denying the obvious.

Pagkatapos kumain ay dumiretso muna sila sa office nito. Lahat ng masalubong nilang faculty member ng school ay napapabati sa kanila. Hindi rin nakalampas sa kanyang pansin ang pagbaba ng tingin ng mga ito patungo sa magkahawak nilang kamay ni Blake.

"Sila na ba talaga?"

"Eh yung bali-balita, totoo kaya?"

"Wala na talaga sila ni ma'am Trish?"

Rinig niyang usapan ng ilang staffs. Pinigkibit balikat na lang niya iyon habang papasok sila sa office nito. Hindi pa man niya napapasadahan ng tingin ang kabuuan ng office ay nagsalita na ito.

"Let's go?"

"Huh?" Napatingin siya bigla dito. "What do you mean?"

"Let's go." Ulit lang nito.

Nawala na ang atensyon niya sa office nito. "Saan?"

Ngumisi ito. "Montejo Network."

"Ay, sasama ka?" Gulat niyang tanong. "I thought you were busy?"

"Yeah. I've been busy because I moved my schedules. Para masamahan kita sa interview mo."

Tumango siya. Naglahad ito ng kamay na agad niyang tinanggap. They hold hands until they reached his car.

"Paano yung kotse ko?"

"I'll have someone drive it in our unit." Pinagbuksan siya nito ng pinto sa passenger's seat.

"MABUTI dumating na kayo." Salubong ni Erin sa kanila. Iginiya agad sila sa isang dressing room. "Retouch na lang ng make up Ianna."

"Wait, kasali ba si Blake sa interview?" Tanong niya kay Erin. Tinignan niya ito mula sa salamin sa harap niya. Blake is sitting in a nearby sofa.

"Unfortunately no, I tried asking him pero manonood lang daw siya."

Which is so Blake. Nagtaka na nga siya sa pagsama nito sa kanya eh. Malabong magpa-interview ito kasama siya, it's just not his forte and he is a very private person. Privacy matters to him.

"Standby po tayo." Katok ng isang staff ng talk show.

Saktong natapos ang kanyang retouch. "We're really just on time huh?" Tumabi siya kay Blake.

"Yeah, mauna na ako sa labas. I'll just assign a staff to call you here." Saad ni Erin bago naglakad palabas ng pinto at may tinatawagang kung sino.

"You'll stay here or you'll be in the audience?" Tanong niya kay  Blake.

Inayos nito ang takas niyang buhok. "I'll be in the audience. Sa gilid."

Natawa siya. "Sabi ko na nga ba."

He grinned. "As much as I want to kiss you, I don't want to ruin your make up."

She pouted. "Light lang naman ang make up ko." She offered.

"Still."

"Fine." She sighed. "Later then." She winks.

His grin grew wider. "Silly."

Tinawag na siya ng staff kaya magkaholding hands nilang tinungo ang studio. Rinig din ang usapan ng mga taong nakakakita sa kanila. May ilang kumukuha ng pictures. Iginiya sila ng staff papunta kay Erin na siyang magdidirect ng interview.

"Ibi-brief lang kita saglit, this is your host, John. Siya din iyong nag-interview kina Leian at Nate noon." Nagshake hands sila greeting each otber. "We have some set of questions here, karamihan tanong ng fans. At tutal ay magcoconfirm ka na, I inserted some of your wedding pictures... do you mind?"

Umiling siya. "It's okay."

Tumango si Erin at iginiya sila patungo sa stage ng show.

Nagpaalam muna siya kay Blake. "Go ahead, I'll be right here." He assured her as he kissed her forehead.

Ramdam niya ang tinginan ng mga tao sa kanila, not that she mind though. She nodded and smiled tsaka sumunod kay Erin.

"Dito ka uupo at sa tapat mo si John. We will be airing in a..." Tumingin ito sa relo. "Minute so maupo na kayo." Erin is on work mode kaya hindi na muna niya ito aasarin.

They both nod and Erin left the stage. Binati siyang muli ng host para maging mas kumportable na sila sa isa't-isa. Kilala niya ang reporter na ito, she'd met him a couple of times already.

Narinig nila ang signal ni Erin and the show started.

"As promised and highly requested with us now is a very special guest, fresh from Paris let us all welcome. Ianna Nieva."

Nagpalakpan ang audience and she smiled to the camera muttering her good afternoon.

"Hindi na tayo magpapaligoy-ligoy pa. Nitong mga nakaraang araw ay umugong ang bali-balitang ikinasal ka na sa Paris with your rumored boyfriend, Blake Arcega. You've been very quiet with this issue. So to answer all the speculations and rumors," Napatingin muna ito sa kamay niyang may suot na wedding ring. Pakiramdam niya nga rin ay itinutok pa ang camera sa kamay niya. "Did you get married with Blake Arcega in Paris?"

She smiled looked at her wedding ring and answered yes right away.

Narinig niya ang palakpakan at hiyawan ng audience.

"There she said it, it's confirmed Ianna is already married." Nakangiting saad ng host. "Congratulations and best wishes to you two. Now... let us talk about the details of this secret and intimate wedding."

Napatingin siya sa screen na nasa likod nila. Nandoon ang picture niya habang naka-wedding gown siya at papasok ng Le Jules Verne.

"Ito ang picture na nakunan ng mga fans at nagpasimula ng balita na ikinasal ka  secretly sa Paris. Can you tell us the story behind this picture?"

She look at the picture and smiled remembering that day. "Nung araw na 'yan ang alam ko talaga I am shooting for Therine's wedding gown collection. Kasi the other day nagphotoshoot din kami ng mga prenup dress in a certain location in Paris. Kaya panipaniwalang-paniwala ako na normal na photoshoot lang ang mangyayari. Not until I entered Le Jules  Verne. Actually, red carpet palang medyo kinutuban na ako. Sumakay kami ng lift and when we reached the second floor of Eiffel Tower I was literally shock. I was actually having my wedding day." Napailing siya ng maalala kung ano ang itsura niya ng mga panahong iyon.

Narinig niya ang tili ng mga kinikilig na audience.

"So it turned out that it's a surprise wedding?"

Now her smile grew wider. "Yes and actually that was the last thing I had in mind. I mean a surprise wedding and in the breath taking Eiffel tower with our relatives and close friends is just so special."

Napatango si John. "Now this few questions is from your fans. First question, bakit hindi ka agad nagrespond sa issue?"

"I actually want to savour the moment. You see my husband is a very private person. Hanggat maaari gusto ko na munang i-enjoy yung first week as a married couple namin kaya hindi ako nagbigay ng kahit na anong statement."

"Next question... is it true na bago maging kayo ay may longtime girlfriend si Blake, ikaw ba ang naging dahilan ng break up nila?"

Now she felt uneasy. Kailangan niya nanamang magsinungaling. "I wasn't aware of that news. When we became a couple, I am certain that he is single." Sinamahan niya pa ng ngiti para mas convincing.

Great. Award winning na talaga ang galing mo sa pag-arte Ianna!  Saad niya sa sarili.

Nagpatuloy pa ang pagsagot niya sa mga tanong ng fans at ipinagpapasalamat niyang wala na ulit nagtanong ng tungkol doon.

"Ianna, how's married life for you so far?"

Peste! Wala bang commercial  break ito?!

"Madaming adjustments dahil ang laki ng pagbabago. Before I was just living my life and making decisions on my own but now I need to share my life with him down to the very small details but I'm happy." Atleast totoo ang sinabi niyang iyon. Life has been really great this past few days.

"What is your endearment to each other?"

Pakiramdam niya ay nagblush siya bigla sa tanong na iyon. "I don't know but he's kind of fond in calling me queen." Oo na, medyo nahihiya na siya sa sagot na ito.

"Actually Blake is in the audience..."

"Yeah." Sang-ayon niya kay John. "He's very supportive though he value privacy that much, ayaw magpainterview." She joked looking at Blake.

Napailing lang ito habang napapangiti. And she must admit, he looks very handsome in this view. Yung tipong nakaka-inlove.

Napatawa ang  audience maging ang host. "Now to end this special interview, your message to you husband."

"I think I've already said everything in my impromptu wedding vow." Bahagyang tumawa ang audience. "On serious note...Thank you for making feel special and keeping up with my crazy attitude. As you can see I am not perfect, I suck in the kitchen." She chuckled.  "Thank you for being my personal chef and to cut this short I am looking forward in spending my lifetime with you."

Napatingin siya kay Blake. Their eyes met and at this point she finally realized what she's feeling for Blake. It's not just a strong liking and attraction anymore....

I have totally fallen in love with him...

Continue Reading

You'll Also Like

Mark Me All Over By rad

General Fiction

1.6M 32K 55
"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang puma...
129K 3.2K 26
At 28, Jethro Alvin Delarmente is already at the prime age of his life. He is an architect by profession. Nag-iisang anak na lalaki ni Doc J. Napaka...
791K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 37.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.