[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HI...

By Yam-Yam28

62.9M 593K 160K

COMPLETED I NO SOFT COPY I Book two ng Girlfriend for Hire ^__^ More

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND PROLOGUE
CHAPTER 1- Two Years Later...
CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY
CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.
CHAPTER 4- One EPIC DAY
CHAPTER 5- When WORSE comes to WORST
*SPECIAL CHAPTER: The SY BROTHERS
CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS
*SPECIAL CHAPTER: POTATO CHIPS and PSP
CHAPTER 7- HATE that I LOVE YOU
*SPECIAL CHAPTER: ALICE in Bryan's Land
CHAPTER 8- New ArRIVALS
CHAPTER 9- CONFLICTS THERE, CONFLICTS EVERYWHERE
*SPECIAL CHAPTER: Just the way I'M NOT
CHAPTER 10 - LOST
*VenTo CHAPTER: HANG OVER
CHAPTER 11- Won't GO HOME without YOU
*SPECIAL CHAPTER: RAIN + CLOUD = ?
CHAPTER 12- Just another chapter..
*SPECIAL CHAPTER: Another Day w/ the SY BROTHERS
CHAPTER 13- THE BARTENDING INCIDENT
CHAPTER 14- How ABNORMAL Couples Date.
CHAPTER 15- Boy Problems
CHAPTER 16- FLASHBACKS FROM THE PAST
CHAPTER 17- Something is COMING.
*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "
CHAPTER 18- I HATE THIS!
CHAPTER 19- DANCES and TEARS and..What?!
CHAPTER 20- Kenneth Sawada (Ken)
CHAPTER 21- Pre-Ballroom Sh*t
CHAPTER 22- Slipping Away
CHAPTER 22.5- Slipping Away (Part 2)
CHAPTER 23- Breaking Down
CHAPTER 24- Merciless Hearts
CHAPTER 25- Deja Vu
*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You
CHAPTER 26- Foundation Week Blues
*SPECIAL CHAPTER: How I Met Our Driver
CHAPTER 27- Revelations
*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez
CHAPTER 28- 2nd Semester
*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye
CHAPTER 29- It's a Messy Chapter
CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)
CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.
*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...
CHAPTER 31- Weird.
CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!
CHAPTER 33- Attack of the RIVALS!
*MerCy CHAPTER: BACK FOR GOOD
CHAPTER 34- The Beginning of the End
CHAPTER 35- LAYARTEB
CHAPTER 36- Go Away!
CHAPTER 37- I won't give up.
CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)
CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.
*ThirTie CHAPTER: Six Degrees of Separation
CHAPTER 39- Chasing Cars
CHAPTER 40- Switch
CHAPTER 41- Black Knight
CHAPTER 42- Black Knight #2?
CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .
CHAPTER 44- Fall for me again!
CHAPTER 45- One Sided Love
*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.
CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)
CHAPTER 47- What Should I do?
CHAPTER 48- GET BACK
CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 50- And this LOVE hurts..
CHAPTER 50.5- And this LOVE hurts.. (PART 2)
EPILOGUE <3 or </3 ?
BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!
BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love
BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)
BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad
BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife
BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies
BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night
BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

CHAPTER 46- Battle of the Black Knights

654K 6.4K 1.3K
By Yam-Yam28

Hi Patricia na kanina lang ay nag pa picture at nagpa autograph sa akin, nabigla ako dun, di ako ready, ang laki tuloy ng tyan ko at ang panget ng pirma ko. Ito na yung dedic mo, nakakatuwa na nakakahiya kanina. Sana masaya ka hehe, salamat! ~Yam

CHAPTER 46- Battle of the Black Knights

BRYLE's POV

"Aray ko.." daing ko habang bumabangon mula sa pagkaka higa sa kama

Ang sakit ng ulo ko. Naparami ata yung nainom ko sa bar nila Tommy kagabi, mukhang may hang over pa ako. Hindi ko na nga alam kung paano ako naka uwi dito sa mansion eh.

Pagkatapos kong mag shower at mag bihis, lumabas na ako ng kwarto, papasok na ako sa school. Dadaanan ko na lang sana yung dining area namin pero napatigil ako dahil sa nasulyapan ko..

May isang babaeng maikli ang buhok na nakatalikod dun sa may dining table. Base sa pananamit nya sa tingin ko sya si.....

Imposible.. Paano naman sya mapupunta dito sa mansion?

Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ulit yung babae. Akala ko namalikmata lang ako pero nandun parin sya, naka talikod parin sa akin.

Ng masigurado kong hindi ko lang iniimagine ang lahat eh naglakad na ako papasok sa dining room palapit dun sa babae..

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako palapit sa kanya.

Nung mahawakan ko ang balikat nya para higitin paharap sa akin, para akong nakuryente.

"Nami.." tawag ko sa kanya sabay hinigit sya paharap sa akin

Natuwa ako saglit pero nawala din yun agad at napaltan ng pagka bwisit at pagka irita -__-

Bakit nga ba hindi ko naisip to? -_-

"Anu na naman yan Tanda!" sigaw ko sabay tulak sa kanya

"Hindi ako si Tanda, ako to, si Nami ako Bryle." -Tanda na nagboboses babae -_-

"Ikaw pala si Nami huh? Anung tingin mo sakin gradeschool? Eh naka suot ka lang ng papel na maskara ng mukha ni Nami eh!" sigaw ko sabay higit paalis nung maskara ng mukha ni Nami na suot suot nya -_-

"Tsk, pinasadya ko pa naman yang mask na yan. Akala ko matutuwa ka hays."

"Sinong matutuwa dito?! Anu na naman ba kasing trip mo? Nang aasar ka ba o anu?!"

"Hindi ako nang aasar apo, gusto ko lang kasing pasayahin ka dahil lage ka na lang malungkot these past few days. Naisip ko rin na baka pag nagpanggap akong si Nami eh kumaen ka narin, puro alak na lang kasi ang laman ng tyan mo eh."

Huminga ako ng malalim at unti unting pinakalma ang sarili ko. Alam ko naman kasing nag aalala sya sakin kaya nya ginagawa to pero imba naman kasi ang mga plano nya eh, nakakabwisit madalas.

"Kaya ko na ang sarili ko kaya wag mo na akong intindihin. Aalis na ako." lalakad na sana ako paalis pagkasabi ko nyan kaso hinawakan nya ako sa braso

"Teka lang Bryle.."

"Bakit na naman?"

"Kung hindi mo nagustuhan tong panggagaya ko kay Nami, ito, ito Bryle baka magustuhan mo na to." sabi ni Tanda tapos sumipol sya na parang may tinawag

Maya maya may narinig akong footsteps. May biglang lumabas na isang makinis na binti mula sa may pinto ng dining room tapos unti unti itong pumasok sa loob.

Pinagmasdan ko sya mula paa hanggang ulo.

Natuwa ulit ako ng saglit pero nawala rin agad yun nung mapagmasdan ko na sya ng mabuti. -_-

Takteng yan, parang gusto ko biglang masuka.

"Lumayas ka sa harap ko! At tanggalin mo ang mukha ni Nami sa ulo mo! Nakakadiri!" sigaw ko sabay tanggal nung suot suot nyang maskara din ng mukha ni Nami -_-

Si Manong Eddie yung pumasok,  busit naka suot pa ng two piece ang hinayupak. Natuwa ako saglit kasi akala ko nakita ko si Nami na naka two piece dahil nga may suot syang maskara ng mukha ni Nami, pero nung mapatingin ako sa katawan nya, nakakadiri. -_-

Naka two piece sya na red, kitang kita yung malaki nyang tyan at yung mga ugat nya sa binti tapos bakat yung anu nya. Shet, anu ba talaga tong mga kasama ko sa bahay?

"Hindi mo ba nagustuhan Sir Bryle?" -manong Eddie

"Mukha bang nagustuhan ko huh? Aalis na talaga ako!" sigaw ko tapos dinaanan ko sya

"Bryle hindi ka man lang ba kakaen? Akala ko gaganahan ka na pag nakita mong naka two piece si Nami eh!" sigaw ni Tanda, tumigil ako at humarap sa kanya

"Gusto mong ganahan akong kumaen kaya nyo ginagawa to? Simula ngayong araw na to mukhang isang linggo ako mawawalan ng gana! At simula ngayong araw na to may phobia na ako sa two piece. Kaya salamat huh? Salamat talaga sa inyo." sabi ko na lang at lumakad na ko paalis

.

.

.

Naiisip ko pa naman kagabi na medyo nakaka miss si Tanda kasi di kami masyadong nag kakausap, pero ngayon, binabawi ko na pala. Sana busy na lang sya lage -_-

Pag nagfflash back sakin yung itsura ni Manong Eddie na naka two piece, naduduwak na lang ako na may kasamang kilabot -_-

.

.

Napaaga ang dating ko sa school, bukod sa napa aga ako ng gising, napa aga rin ako ng alis sa mansion dahil sa nakakadiring senaryong yun.

Ako palang ang tao sa room namin, nakakapanibago, sobrang tahimik. Ngayon lang ako nauna kila Tommy.

Habang mag isa ako sa room, nasagi na naman sa isip ko yung nakita ko dun sa hospital. Inalog ko na lang yung ulo ko at sumubsob sa desk ko. Ayoko ng mag isip pa. Hindi ko narin alam kung anung dapat kong gawin.

.

.

.

"Hoy Bryle! Bryle gising!" na alimpungatan ako dahil may umaalog sa akin

"Anu ba? Natutulog yung tao eh." pag tunhay ko sa desk nakita ko sila Third at Tommy pati narin si.. teka.. si Steve ba yun?

"Oi Steve!" sigaw ko

"Waah wag mo kong bubugbugin Bryle, sorry na." -Steve habang nag aaktong nagshishield mula sa akin, may suot pa syang armor

Anung trip netong isang to? Bakit ko naman sya bubugbugin?

Napakamot na lang ako ng ulo at nag poker face. Bakit puro abnormal ang nakapa ligid sa akin? -_-

----------------------------------------------------------------------------------------

STEVE's POV

"Oi Steve!" sigaw ni Bryle pagkakita nya sakin, waah eto na, patay na ako sa kanya

"Waah wag mo kong bubugbugin Bryle, sorry na." sabi ko habang tinatapat sa kanya yung shield na dala dala ko, naka armor pa ako para sigurado, pagkatapos ng nangyari kagabi siguradong mata ko lang ang walang latay kay Bryle eh T__T

"Anung katangahan yan? Bakit ka naka suot ng armor at may dala ka pang shield? lakas ng tama mo."

Huh? Bakit ganito yung reaction nya? Hindi pa ba nya nakikita yung picture naming dalawa?

"Hi-hindi mo alam kung bakit? Hindi mo ko susugurin? Hindi mo ko bubugbugin?" pagtatanong ko pa

"Huh? Anu bang sinasabi mo dyan?"

Mukhang wala pa syang alam! yes! mukhang naka ligtas pa ako ngayon!

"Huh? Ah eh wala, wala. Haha. Wag mong intindihin yung sinasabi ko Bryle."

"Tss.. weirdo. Teka, bakit kayo lang ang nandito? Wala ba tayong klase?"

Wooh, buti na lang di na sya masyadong nagtanong pa kung bakit akala ko bubugbugin nya ako, salamat po talaga Lord!

"Absent yung teacher natin kaya vacant tayo ngayon." -Third

"Tch, kung alam ko lang, sana natulog na lang ako sa bahay. Boring, pahiram nga ako ng laptop nyo, may dala ba kayo? Magbabasa na lang ako ng manga. Steve, pahiram ng laptop mo."

Kinuha ko naman ang laptop ko at binigay na yun kay Bryle.

Yan tama yan, maglibang ka na lang Bryle, wag mo na alalahanin yung kagabi.

Habang naglalaptop si Bryle...

"Hahaha.. Pfft.. haha." -si Third at Tommy yan, nagtatawanan sa isang tabi habang may tinitingnan sa cellphone ni Third, mukhang alam ko na ang pinagtatawanan ng dalawang yun

"Hoy kayong dalawa, anung nakakatawa?" -Bryle

"Gusto mo talagang malaman kung anu Bryle? Halika dito, tingnan mo bilis. Di ko nga lang alam kung matatawa ka huh." -Third, ngumiti pa ng nakakaloko si Third sa akin, waaah!

"Patingin ng--" pupunta na sana si Bryle kila Third pero pinigilan ko sya

"Na-nakita ko na yun Bryle, walang kwenta, minions lang ulit yun. Wag ka ng mag aksaya pa ng oras pagtayo." habang sinasabi ko yan sa kanya pinagdadasal kong pakinggan nya ako

"Ganun ba? tss. Minions? Anu bang nakakatawa sa mga dilaw na ugok na yun? Corny nyo talaga Third." sabi lang ni Bryle at umupo na ulit sya at nagbasa ng manga

Naka hinga ako ng maluwag pagtapos nun. Nginitian lang naman ako nila Third. Walangya talaga tong dalwang to. Itong si Tommy, ang bait sa iba, bakit pag dating sa akin ganito? T__T

.

.

Buti hindi pa ako binibisto nila Third kay Bryle, sa tingin kasi sakin nung dalawa kanina akala ko balak na naman nila akong tarantaduhin pero mukhang hindi naman pala. Nakaraos ako hanggang sa mag lunch na kami at hanggang ngayon na nakatambay kami sa tambayan.

.

.

Naglalaro lang ng PSP si Bryle sa isang tabi. Si Third at Tommy nagkkwentuhan ng kung ano. Tahimik lang kami sa tambayan, mukhang ligtas na ako kaso biglang...

"Hubby!!!" biglang pumasok ang maingay na si Katie at nag diretso papunta kay Third sabay yakap

Nandito si Katie kasi may swimming class ata sila ngayon.

Hays, kailan kaya magiging ganyan kasweet sakin si Witch? magkapatid ba talaga si Katie at Stacy?

Naupo si Katie sa tabi ni Third, sobra pang maka lingkis tong si Katie sa braso ni Third. Si Bryle ang sama ng tingin sa kanila. Dahil nga sa broken hearted si Bryle, for some reason lageng ang sama ng tingin nya sa mga magkasintahan. Bawat makakasalubong naming mag syota sa school tinitingnan ng masama ni Bryle.

"Kung maka lingkis ka naman kay Third akala mo naman aagawan ka tss. Mga babae nga naman." pasaring ni Bryle kay Katie, mukhang di nya talaga maalala yung nangyari kagabi

"Aagawan mo naman talaga ako eh. May lihim kang pagnanasa kay hubby ko eew!" -Katie

"Anu bang pinagsasasabi mo babae ni Third?"

"Kagabi kaya gusto mong agawin sakin si Third! Hahalikan mo pa nga sya pero tinulak ka nya kaya kayo ang nagkahali---" bago pa maituloy ni Katie yung sasabihin nya eh hinigit ko na sya palabas

.

.

Pagbalik namin sa loob ng tambayan nag dahilan na lang ako kay Bryle na tawag ni Stacy si Katie kaya ko sya hinigit. Sinuhulan ko ng limang daan si Katie para hindi nya ako ilaglag kay Bryle -_- Ngayon tahimik na ulit sa tambayan.

Libang si Bryle dun sa PSP nya kaya hindi na sya masyadong nagtanong pa sa nangyari nung gabi. Pinagtawanan lang nya nung malaman nyang muntik na nya halikan si Third.

Maya maya tumabi si Third kay Bryle tapos inakbayan ito..

"Bryle alam mo ba kagabi ang totoo nyan--" bago pa masabi ni Third ang sa tingin ko ay balak nyang sabihin, hinigit ko rin sya palabas -_-

Nalaman pala nyang binayaran ko si Katie para manahimik at ayun, gusto rin pala ng mokong bayaran ko rin sya, kaya binayaran ko nga -_-

Pagbalik namin sa loob ng tambayan nanahimik na si Third pero ilang minuto lang si Tommy naman ang tumabi kay Bryle at sasabihin din kay Bryle yung nangyari nung gabi kaya hinigit ko rin sya palabas.

At anu pa nga ba, sinuhulan ko rin si Tommy ng pera para manahimik -_- Kailangan din daw nya ng pera ngayon tsk. Kaibigan ko ba talaga tong mga to?

.

.

.

May kanya kanya na kaming pinagkaka abalahan sa tambayan ng biglang umimik si Bryle..

"Alam niyo kagabi ang sama ng panaginip ko. Nakaka bwisit na nakakadiri." -Bryle

"Anu bang napanaginipan mo?" -Tommy

"Hahalikan ko na daw sana si Nami pero biglang may kung sinong tumulak sa akin kaya napa halik ako sa isang syokoy. Takteng yan, di ko alam kung saan nanggaling yung syokoy." -Bryle

Napatawa ng konti sila Third, Katie at Tommy habang ako naman, nasamid na lang.

"Syokoy ka na pala ngayon Steve? Haha." -Tommy

"Bakit napasali si Steve sa usapan?" -Bryle

"Alam mo kasi Bryle kagabi--" hindi ko na pinatapos si Third

"Wag mo silang intindihin Bryle. Haha. Kagabi kasi puro tilapia yung pinulutan natin kaya siguro may nasamang syokoy sa panaginip mo ha-ha-ha"

"Ganun ba yun? Hmm.. pero iba yung panaginip na yun eh, parang naramdaman ko kasi talaga yung labi nung syokoy. Ang gaspang na ang lansa ng amoy!" -Bryle

Napatawa na naman sila Tommy.

"Magaspang at malansa pala ang labi mo best friend eh!" -Third

"Bakit napasali na naman si Steve?"

"Eh kasi Bryle haha, kagabi kasi--" hindi ko na pinatapos si Tommy

"Wala yun Bryle! Wag mo ng intindihin yang mga yan, lage naman ako ang pinattripan ng mga ya---"

"Pfft! Hahaha! Pag naaalala ko talaga yung nangyari kagabi natatawa na lang ako." -Katie

"Anu ba talagang meron kagabi huh?" -Bryle

"Eh kasi Bryle anu nga--" -Third

"Wag ka makinig Bryle! Wala yan!"

"Bryle kasi haha si--" -Tommy

"Wala nga sabi yan. Wag mo na lang pakinggan Bryle!"

"Nun kasing pinagtangkaan mong halikan si hubby ko, tinulak ka nya tapos--" -Katie

"Sabi ng wag nyong sabihin kay Bryle na nagkahalikan kami eh!" naisigaw ko na lang dahil sa sobrang pag ka irita, ang kukulit kasi ng lahi nung tatlo eh

Te-teka..

Napatakip na lang ako sa bibig ko nung maisip ko kung anu yung naisigaw ko.. Waaaah! Ang tanga ko talaga!

Dahan dahan kong pinihit ang ulo ko patingin sa kung nasaan si Bryle..

"Steve anung sabi mo? Nagkahalikan tayo?" -Bryle na nanlilisik na ang mata waah!

"Pa-parang ganun na nga Bryle.."

Ngumiti si Bryle pagkasabi ko nun. Ngumiti rin ako sa kanya kaso..

"Humanda ka sakin Steve!!" sigaw ni Bryle at hinabol na nga po nya ako huhu

.

.

Ang tagal rin akong hinabol ni Bryle. Akala ko maaabutan na nya ako kasi napatigil na ako sa pagtakbo dahil sa sobrang pagod pero nung tumingin ako sa paligid ko, wala si Bryle. Saan na nagpunta yun?

Ah ewan, hindi ko sya hahanapin. Magpapasalamat na lang ako at nakaligtas ako sa kanya sa ngayon. Salamat Lord woo!

----------------------------------------------------------------------------------------------------

BRYLE's POV

Hinahabol ko si Steve ng bigla akong mapatigil dahil may sumulpot na gago sa harap ko.

"Anung ginagawa mo dito Go?" tanong ko

"School ko din to, may swimming class ako, bakit, pakialam mo?"

"Nasaan si Nami?"

"Nasa puso ko."

"Ulol. Sumagot ka ng ayos!"

"Bakit mo pa ba hinahanap si Shana? Hindi ka parin sumusuko Stanford?"

"Bakit naman ako susuko? Isang araw makukuha ko rin sya sayo."

"Hahaha. Natatawa na lang ako sayo. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha yang kompyansa mo."

"Magtawa ka lang, kasi pag nakuha ko na sayo si Nami, ako naman ang magtatawa sayo."

"Hahaha, pano ka nakakasiguradong makukuha mo sya sa akin?"

"Kasi di hamak na mas gwapo ako kaysa sayo."

"Aha-ahaha. Ang hangin mo rin eh no? Ako ang first love nya, mas matagal nya akong minahal kaysa sayo."

"Wala yun sa tagal Go. Ako, mas minahal ko sya kaysa sayo."

"Hahaha. Hindi mo talaga naiintindihan Stanford. Unfair ang pag ibig. Hindi porket mas higit yung pagmamahal mo para sa isang tao kaysa sa iba pang nagmamahal sa kanya eh ikaw na ang mamahalin nya. Hindi ganun yun Stanford. Makinig ka sa sasabihin ko.. Intindihin mo huh?" lumakad sya palapit pa sa akin tapos inakbayan ako

"It's not about who loves her more. It's about who she loves the most. At base sa sitwasyon natin ngayon, mukhang alam mo na kung sinong panalo." bulong nya sa tenga ko

Natigilan ako ng mga oras na yun kasi kahit ayoko mang aminin, may parte sakin na sumasang ayon sa sinabi nya.

"Mahal ka nya ngayon oo, pero bukas, sigurado ka bang ikaw parin ang mahal nya?"

"Kilala mo naman si Shana diba? Kapag may mahal sya, sya na lang ang nakikita nya. Sa ngayon ako ang mahal nya kaya kahit anung pagpapapansin pa ang gawin mo Stanford, ako at ako lang ang makikita nya."

"Edi buburahin na lang kita dito sa mundo. Pag wala ka na, makikita na nya ako diba?" sabi ko sabay ngisi ng maangas, hindi ako papatalo sa gagong to, mas gago ako sa kanya

"Eh kung mukha mo ang burahin ko?" sabi naman nya

"Tingnan natin kung kaninong mukha ang unang mabubura." sabi ko naman

"Sige ba." -sya

At akma na kaming magsusuntukan pero natigil ang kamao naming dalawa kasi..

Bigla na lang akong hinawakan nung malanding idol ni Steve na kabarkada ni Go, tapos si Go naman hinawakan nung kakambal nun.

"Bitawan mo ko kung ayaw mong masaktan." sabi ko dun sa may hawak sa akin

"Hoy kambal na Sy, anu to? Wag nga kayong makialam dito!" sigaw ni Go

"Bryan hindi pwedeng magalusan yang mukha mo!" -yung lalaking may hawak kay Bryan

"Ok lang na suntukin mo sya, pero sa katawan na lang, wag yug mukha." sabi naman sakin nung lalaking may hawak sa akin

"Anu bang kalokohan to mga Sy?" -Go

"Ikaw yung ipanglalaban ng section natin sa darating na Mr. and Ms. Stanford University. Naipasa na namin yung application mo haha." -yung lalaking may hawak sa akin

"Anu??!" -Go

Mr. and Ms. Stanford University daw?

"Ahahahahaha! Hahaha!" natawa na lang ako bigla dun, binitawan na ako nung may hawak sa akin

"Anung nakakatawa Stanford? -_-" -Go

"Bukod sa mukha mo, eh pati yung pagsali mo sa Mr. and Ms. Stanford University. Haha. Ang baduy!"

"Hindi naman ako ang nagsali sa sarili ko eh! Itong kambal na to!" -Go

"Ganun parin, baduy parin haha. Ako hinding hindi ako mapapasali sa ganyan. Pag kasi sumali ako hindi na contest yun eh, may contest bang alam na agad kung sinong mananalo? Haha, baduy."

"Sabihin mo, ayaw mo lang sumali kasi nalaman mong kasali ako. Kung hindi ako kasali may pag asa ka pang manalo kung sasali ka, pero dahil kasali ako, wala na alam na kung sinong panalo." -Go

"Ang yabang mo rin eh no? Pag ako sumali, ipapakaen ko sayo lahat nyang pinagsasabi mo."

"Pag sumali ka, ihanda mo na yang tuhod mo Stanford, siguradong luluhod ka sa harap ko." -Go

"Tingnan natin. Haha. Sige sasali ako dyan sa contest na yan kahit baduy, humanda ka ng mapahiya Go."

"Ikaw ang humandang maging talunan."

"Para mas masaya let's have a deal. Pag nanalo ka, luluhod ako sa harap mo at ipagsisigawan ko sa buong school na talunan ako at mas gwapo ka sakin, pero pag ako ang nanalo.."

"Anu, luluhod naman ako at ipagsisigawan din na mas gwapo ka kaysa sakin? Ok." -Go

"Hindi, hindi ko na ipapagawa yun sayo. Ang gusto ko, pag nanalo ako, bigyan mo ko ng isang araw kasama si Nami."

"Kasama si Shana?"

"Oo."

"Paano kung ayaw ko?"

"Edi para mo naring inamin na takot kang matalo sa akin."

"Haha, ako matatakot sayo? Sige payag na ako! Ihanda mo na yang tuhod mo, paluluhurin kita Stanford."

"Ihanda mo na yang sarili mo Go, pagkatapos ng isang araw kasama ako, iiwan ka na ni Nami. At kahit hindi ko iutos, luluhod at iiyak ka sa harapan ko."

"Tingnan na lang natin kung sinong unang iiyak at luluhod. Tara na nga mga Sy." sabi na lang ni Go tapos lumakad na sila paalis

.

.

Pagka alis nila, nun ko lang talaga napagtanto yung bagay na pinasukan ko. Takteng yan, hindi ako makapaniwalang sasali ako sa walang kwentang Mr. and Ms. Stanford University na yun! Ilang taon na akong pinipilit ni Tanda na sumali dun pero lage kong inaayawan tapos ngayon... Haay, pag nalaman to ni Tanda magtatatalon yun sa tuwa tapos magsisimula na naman yun mag isip ng gagawin nyang kalokohan -_-

Ginulo ko na lang yung buhok ko.

"Bahala na." sabi ko na lang, hay mukhang wala ng atrasan to

Ang totoo nyan, balak ko na talagang sumuko kay Nami eh pero dahil sa nakaka bwisit na mukha ni Go, nabuhay yung dugo ko. Hindi ko talaga kayang ipaubaya si Nami sa gagong Go na yun. Si Nami ay bagay lang sa mga lalaking kasing gwapo ko at walang lalaking kasing gwapo ko, kaya in short, ako lang ang bagay kay Nami.

.

.

.

Sa klase namin..

"Ok, so Ms. Alice Tan would be our candidate for Ms. Stanford University. Sa Mr. naman, any nominations?" -teacher namin

Tinaas ko yung kamay ko sabay tayo. Natigilan tuloy yung buong klase.

"Hindi na kailangan ng nomination, ako na ang lalaban. Kung sino mang may reklamo, humanda ng mamatay." pagkasabi ko nyan kitang kita ang pagkabigla sa lahat ng studyante sa room, lalo na sila Tommy

Ayaw na ayaw ko nga kasi ng mga ganyan kaya kahit gusto nila akong ilaban walang nagnonominate sakin kasi takot na lang nila. Tapos ngayon ayan, ako pa ang nagprisinta.

"O-ok, so Mr. Bryle Stanford would be our candidate for Mr. Stanford University." -teacher namin

"Kung makatingin naman kayo dyan akala nyo nakakita kayo ng milagro." sabi ko kila Steve bago ako umupo sa upuan ko

"Best friend sapukin mo nga ako, baka nananaginip lang ako." -Third, sinapak nga sya ni Steve

"Aray! Ang lakas naman ang sakit!" -Third na sinapak rin si Steve

Inignore ka na lang sila. Si Tommy naman maya maya nilapit yung upuan nya sakin tapos bigla akong inakbayan.

"Bryle.."

"Oh?"

"Umamin ka.. Nag da drugs ka ba?"

Tiningnan ko lang sya, nag poker face tapos sumubsob na ako sa desk ko.

Naknang, haay, hindi ko talaga akalaing gagawin ko to. Bahala na.

Basta mapa yang baduy na Mr. and Ms. Stanford University na yan man o yung labanan sa pagkuha sa puso ni Nami, pareho ko yang ipapanalo. Ipapanalo ko yan at paluluhurin ko si Go sa harapan ko.

Lahat na lang ng bagay na ayokong gawin, nagagawa ko dahil sayo Nami. Kaya sana naman.. sana naman, bumalik ka na sakin bobong babae ka.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: May part 2 pa po ito, yung contest proper pa. Alam niyo bang niretype ko to kasi nag hang bigla si Watty at di nasave yung previous kong tinype? Wala share lang huhu. Anyways, ito natapos ko naman ulit. Ahm after nung part 2 nito, which I will be posting tomorrow night, 4 chapters na lang ang natitira bago mag epilogue. Tapos sa naghahanap ng scenes ng VenTo magkakaisang chapter pa sila sa book tapos magkakaron na lang ng separate mini book. Sa nagtataka naman kung bakit wala na masyadong scenes ang tropa ni Bryan Go dito, kasi po may kanya kanya na silang sidestory na nakahiwalay dito sa book. In fact may tig 4 chapters na yung sidestory ni Sho at ni Skyler. Kung gusto niyong mabasa punta lang sa works ko ^^

QUESTION AND ANSWER PORTION!

Tanong mula kay Eunice Keith Catabona...

QUESTION: To ate Yam, naiiyak ka din po ba pagnagta-type? XD kasi ang astig niyo po talaga ehh*.*

YAM: Habang iniisip ko yung lines at yung scenes para sa nakaka iyak na part, dun ako nag iiyak. Hindi ko kasi tinatype yung nakaka iyak na part hangga't ako mismo hindi pa naiiyak dun sa scene na nasa isip ko palang. Pag nagtatype na ako, poker face na, kasi ang hirap magtype nun, isa pa para akong tanga nun kung nagtatype tapos umiiyak haha.

BRYLE: Boo, wag kang maniwala dyan kay Yam. Wala yang awa, hindi yan naiiyak pag nagdurusa ang characters nya, natutuwa pa sya. Walang puso yan eh.

YAM: Ha-haha. Wag niyo pansinin yan si Bryle, bitter lang kasi.

BRYLE: Bitter ka rin naman ah? Paano wala ka na kasing pag asa kay Jaejoong, wag kasing mangarap ng sobrang taas. Desperada masyado.

YAM: Walang awa pala huh? Bitter pala huh? Wala palang pag asa huh? At anu yung huli? Desperada? Pwes ipapakita ko talaga sayo kung gaano ako kawalang awa pag dating sa mga characters ko! Bwahahaha! Humanda ka sa mga susunod na chapters!

BRYLE: Syempre nagjojoke lang po ako. Ang totoo nyan, si Yam ang pinaka maawaing tao na nakilala ko. Ni hindi nga nyan magawang pumatay ng lamok kasi naaawa sya dun. Ganun po sya kama awain. Tapos talagang sinasabuhay nya at dinidibdib ang bawat eksena (*ehem kahit wala syang dibdib) kada mag uupdate sya kaya ang astig talaga nya. Idol, imba.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
625K 22.9K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2M 73.5K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
39M 1M 58
Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but there's no stopping him. But that's what...