Moymoy Lulumboy Book 2 Ang N...

By Kuya_Jun

78.3K 2.9K 111

Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2: NAIIBANG KAKLASE
KABANATA 3: MGA TIBARO SA AMALAO
KABANATA 4: PATUNGO SA GABUN
KABANATA 5: ANG NAGPAKILALANG INA
KABANATA 6: ANAK NI BUHAWAN
KABANATA 7: ANG KAPANGYARIHAN NI AMORA
KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA
KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW
KABANATA 10: SI TRACY SA SIBOL ENCANTADA
KABANATA 11: ANG DALAWANG INA AT ANG DATING MUNDO NG MGA TIBARO
KABANATA 12: ANG MGA WAKWAK
KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?
KABANATA 14: ANG PAGDALAW
KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO
KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?
KABANATA 17: DAMDAMIN NG ISANG INA
KABANAT 18: SA BULKAN NG TAAL
KABANATA 19: ANG NAGHAHANAP
KABANATA 20: SA LIBRARY NAGANAP
KABANATA 21: MAY BALITA ANG BALA
KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW
KABANATA 23: ANG BUHAY NA SI BUHAWAN
KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY
KABANATA 26: INA NG MGA ANAK
KABANATA 27: ANG PAGSAULI
KABANATA 28: INGKONG DAKAL
KABANATA 29: NARITO LAMANG AKO
KABANATA 30: MGA BINALIKAN

KABANATA 24: ISA SA MGA GINTO NG BUHAY

1.7K 81 0
By Kuya_Jun


SA LIKOD NG KASTILYO ni Wayan, nagtungo malapit sa malaking puno sina Moymoy at Alangkaw. Sa punong iyon na may makakapal na dahon, doon sila papasok para makarating sa Amalao. Nasa likuran nila sina Montar, Ibalong Saryo, at Wayan. Huminto sila pagkalapit sa puno.

"Mag-iingat kayo, Moymoy, Alangkaw," paalala ni Wayan.

Tumango ang magkapatid.

"Si Maura ay mapanganib din gaya ni Buhawan. Isa siyang alagad ni Buhawan, huwag niyong kakalimutan," sabi ni Montar.

"Huwag mong kalimutan ang lahat ng itinuro ko sa iyo, Moymoy. Panatiliin sa iyong isipan ang pakikipaglaban," bilin naman ni Ibalong Saryo.

Bumaling ng tingin si Moymoy kina Montar, Ibalong Saryo, at Wayan. "Palagay ko, hindi na 'ko makikita na talaga ng mga buntawi ang tungkol sa atin. Makikipaglaban kami ngayon sa Amalao. Sigurado ako, makikita nila 'yon e. Malalaman nila nag tungkol sa mga tibaro. Baka balang araw din malalaman nila ang tungkol dito sa Gabun, tungkol sa mga Apo rin—"

"At tungkol sa iyo rin, Moymoy," dugtong ni Montar.

Naghari ang katahimikan.

Napaisip si Moymoy. Sa tinig niya, may lungkot iyon pero nakapaloob sa kanyang sinabi na gustuhin man niyang hindi masaksihan ng mga buntawi ang mga nagaganap at patuloy pang magaganap ay hindi niya iyon maiwasan.

"Sige, babalik kami," paalam ni Moymoy sa lahat.

Bumaling lamang si Alangkaw sa lahat at pagkatapos ay sumunod kay Moymoy. Sa ilang sandali sa kanilang paglapit sa balete, bigla silang pumasok sa katawan niyon.

SA SIMBORYO NG SIMBAHAN ng bayan ng Sapang, hangos na umaakyat sa hagdanan si Maura. Nakasunod si Bruno sa kanya.

"Ano ba'ng nangyayari, bakit balisang-balisa ka?"

"Nagkakagulo!"

"Linawin mo kasi, Maura!"

Huminto sa pag-akyat si Maura at bumaling kay Bruno. "Ang Moymoy Lulumboy na 'yan, hindi ko akalaing may kapangyarihan siyang gano'n. Kaya pala si Buhawan, gigil na gigil sa mokong na 'yon. 'Yun pala kung makasagupa sa kalaban..." Hindi niya naituloy ang kanyang sinasabi dahil hindi niya mailarawan sa pamamagitan ng salita ang nakitang puwersa mayroon si Moymoy.

"May diwani siya. Sabi ni Buhawan noon, may kakambal siya na pinalaki niya pero walang diwani. Pareho raw silang magaling sa pakikisagupa pero nakakalamang itong sa Moymoy, dahil may diwani nga!" Ipinagpatuloy ang pag-akyat ni Maura sa simboryo.

"O, ano'ng gusto mong gawin?"

"Tanga! Itatago natin ang ginto!"

"Alam ba nilang nandito ang Ginto ng Buhay?"

Napahinto si Maura sa kalagitnaan ng hagdanan. Oo nga pala, hindi naman nila alam. Bakit ako natataranta? Hay!

Pero bigla na namang napaisip si Maura at hangos na namang umakyat. "May diwani 'yong Moymoy na 'yon. Anak siya ng diyosa, tingin mo ba tatanga-tanga 'yon?"

Muli niyang binalingan si Bruno. "Si Moymoy, gusto niyang bawiin ang sumpa kaya gusto niyang kunin ang lahat ng ginto."

"Talagang kabado ka?"

"Oo, humanda ka. Darating si Moymoy at kukunin sa akin ang ginto." Nakatingin nang diresto si Maura nang sabihin niya ito kay Bruno at pagkatapos ay dagli siyang umakyat sa pinakatuktok na palapag na kinaroronan ng ginto.

Saglit niyang nakalimutan ang takot nang makita ang nagniningning na Ginto ng Buhay. Nang maisip niyang nasa peligro ang ginto, bigla niyang tiningnan ang bintana at sinuguradong sarado ang mga rehas nito. Sumandal siya sa pader at parang bigla niyang naramdaman ngayon ang matinding pagod. Nagpadausdos siya roon sa dingding habang tanaw niya ang buwan na natatakpan ng mga ulap hanggang sa tuluyan nang dumilim. Sa kanyang harapan ay naroon si Bruno—ang kanyang pinagkakatiwalaang tagabantay ng ginto na ipinagkaloob sa kanya ni Buhawan.

"Wala ba tayong kawala?" tanong ni Bruno kay Maura. "Ano mang oras ba darating si Moymoy?"

Tumango si Maura.

Bigla'y narinig ni Maura ang pagaspas ng mga pakpak. Napatayo siya. Sa labas ng simbahan, nakita niya ang maraming mga ibon na nagliliparan. Dumapo sa malaking bintana ang isang ekik. May takot ang mukha.

"May paparating?" tanong ni Amorsa ekik.

Patuloy na nanlalalki ang mga mata ng ekik at umatungal.

"Sabihin mo sa mga kasama mong ekik, huwag nila akong iiwan. May labanang mangyayari."

Tumango ang ekik at lumipad palayo.

Pagkaalis ng ekik ay naghari ang katahimikan. Tiningnan niya ang paligid ng simboryo. Tiningnan niyang muli ang Ginto ng Buhay na lulutang-lutang. Pagkatapos ay natuon ang pansin niya sa isang maliit na ibon na dumapo sa bintana. Sumiyap iyon saglit at dahan-dahan ang ibon ay nag-iba ng anyo. Si Moymoy.

"Huminahon po kayo," sabi ni Moymoy nang makitang balisa si Maura.

"Anong huminahon?" sabad ni Bruno. "Kukunin mo ang ginto, bakit kailangang huminahon?"

Napakunot-noo si Moymoy nang makita si Bruno.

"Gusto mo 'kong makilala?" tanong ni Bruno.

Tumango si Moymoy.

Unti-unti, ang boses ni Bruno ay lumalim. "Huwag mo kong ismolin..."

Dahan-dahan nag-iba ng anyo si Bruno—ang tunay niyang anyo. Isang napakalaking damugong.

"Si Bruno," pagpapakilala ni Maura. "Si Bruno ang tagabantay ng Ginto ng Buhay. Isa siyang damugong."

Sa laki ni Bruno, hindi nagkasya ang katawan niya sa buong palapag kaya ang ibang parte ng katawan nito ay nakalabas sa isang bintana, nakapalupot sa buong tore. Nanatili ang ulo nito sa loob na nakaharap kay Moymoy.

"Hindi po ako nagpunta rito para makipag-away o makipaglaban sa inyo," paliwanag ni Moymoy. "Sana, ibigay niyo na sa akin ang ginto. Isosoli ko sa mga Apo. Sila ang talagang nagmamay-ari niyan."

"Hindi puwede," mariing sabi ni Maura.

Bigla'y dumapo ang isa pang ibon sa sahig at lumitaw ang tunay nitong anyo. Si Alangkaw.

"Bakit hindi puwede?" tanong ni Alangkaw.

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Maura. Bigla'y sinunggaban niya ang Ginto ng Buhay at sumakay sa likuran ni Bruno.

Ibinuka ni Bruno ang dalawang pakpak at lumabas.

Bumaling si Maura kina Moymoy at Alangkaw. "Labanan na kung labanan! Hindi ko ito kayang ibigay!" Sa kanyang kamay ay mahigpit niyang hawak ang Ginto ng Buhay.

Akmag palipad na nang tuluyan siMaura habang sakay ni Bruno nang bumaling na muli kina Moymoy at Alangkaw. "Binabalaan ko kayo, marami akong alagad! Mga ekik at wakwak! Darating ang mga 'yon, kahit na anong oras!"

Nagtinginan sina Moymoy at Alangkaw. Bigla silang nag-anapaya. Pareho silang naging malaking ibon. Mabilis, hinabol nila si Maura. Sa kalawakan ay nakita nilang sumasalubong ang maraming ekik.

Bumaling si Maura kina Moymoy at Alangkaw. "Ayan na ang sabi ko sa inyo e!" Kasabay noo'y bumulosok ng lipad ang sinasakyang si bruno.

Sa ibaba, sa komunidad ng bayan ng Sapang, nakita ni Moymoy ang mangilan-ngilang taong nagtitinginan sa kanila. Naririnig niya ang ilan na naghihiyawan. Nang maisip ni Moymoy na wala na siyang magagawang umiwas pa sa nakakakita sa kanilang mga tao ay pinili na lamang niyang gawin ang dapat gawin—ang kunin ang ginto kay Maura!

Bigla, bumulusok ng lipad si Moymoy. Sumunod sa kanya si Alangkaw. Nakita nila na ang sumasalubong na mga ekik sa tabi Maura. Paglapit ng mga io kay Maura ay sumama ang mga ekik sa paglipad sa kanya palayo.

Nagulat si Maura nang makitang papalapit nang papalapit sina Moymoy at Alangkaw sa kanya.

"Mga ekik, tulungan niyo 'ko!" sigaw ni Maura.

Biglang bumuwelta at sumalubong ang mga ekik kina Moymoy at Alangkaw. Biglang nag-iba ng anyo si Moymoy—isang malaking lalaki. Itinaas niya ang kanang kamay at doon ay lumabas ang mahabang espada. Iwinasiwas niya ito sa isang ekik. Umiwas-iwas ito sa espada pero nagapi niya ito—nagapas niya ang isang pakpak kaya humalinghing ang ekik habang nahuhulog. Pinilit pa nitong lusubin si Moymoy kayapinutol niya ang ulo nito kaya tuluyan nang nahulog.

Lahat ng mga ekik ay nilusob sina Moymoy at Alangkaw. Si Alangkaw ay nag-iba na rin ng anyo—yaong malaking lalaki na kulay itim at mahaba ang buhok. Sa pamamagitan ng kanyang kamay, isa-isang pinaghahampas ang mga ekik, pero nakukuha nilang lumusob at lumaban sa kanya. Itinaas ni Moymoy ang kanyang espada at pinaghahampas ang mga ito. Sumambulat ang dugo sa kalawakan.

Natigilan si Moymoy nang makitang lumilipad papalayo si Maura.

Sinundan ni Moymoy si Maura. Si Alangkaw rin ay sumunod sa pinatutunguhan ni Maura.

Lalo pang bumulusok ng lipad ni Moymoy. Habang lumilipad biglang naging isang lawin. Nang marating niya ang kinaroronan ni Maura ay humarap siya rito at ang ulo ng lawin ay naging ang tunay niyang anyo.

"Aling Maura, ibigay niyo na po ang ginto sa 'kin!"

"Hindi! Hindi puwede!"

Bumalik sa anyong malaking lalaki si Moymoy na patuloy na lumilipad-lipad. Bigla'y humaba ang kanyang mga kamay patungo kay Maura. Napasigaw si Maura sa takot.

Pagkatapos ay inilapit ni Moymoy ang mukha at humarap kay Maura. Sa malaki nitong boses ay sinabing, "Hindi ikaw ang may ari niyan."

"Si Buhawan!"

"Hindi rin."

"Hindi mapapasa-iyo ito!" Sa kanyang dalawang palad ay yakap-yakap ni Maura ang ginto.

Biglang itinaas ang kanang kamay ni Moymoy, kasabay noo'y lumabas sa kanyang palad ang mahabang espada at iniumang kay Maura, sakay ang damugong na si Bruno. Natakot si Maura. Bigla itong lumipad paitaas, pero hinawakan ni Moymoy ang buntot ng damugong na si Bruno kaya napigilan ito sa paglipad. Nanlaki ang mga mata ni Maura nang makita ang kumukinang na espadang hawak ni Moymoy.

Binitawan ni Moymoy ang paghawak sa buntot ni Bruno. Marahan inilapit ni Moymoy kay Maura ang kanyang palad para ibigay sa kanya ang ginto.

Naguluhan ang isipan ni Maura sa takot. Marahan ay inilalagay sa palad ni Moymoy ang ginto pero binawi ni Maura—nagbago ang isip. "Hindi! Hindi ko ito ibibigay! Kahit na mamatay na 'ko!"

Iwinasiwas ni Moymoy ang kanyang espada nang akmang tatama ito kay Bruno ay nanginig ito sa takot. Biglang nahulog si Maura! Nabitawan niya ang hawak na ginto!

Biglang sinalo ni Moymoy si Mauraat pagkatapos ay sinalo naman ni Alangkaw ang ginto! Nanlaki ang mga mata ni Maura. Ibinalik na muli ni Moymoy sa likuran ni Bruno.

Sakay pa rin si Maura, sumugod si Bruno kina Moymoy at Alangkaw. Nasunggaban nito si Alangkaw. Nagulat si Alangkaw at biglang bumalik sa tunay na anyo.

"Moymoy!" napasigaw si Alangkaw.

Bumaligtad ang katawan ni Alangkaw sa himpapawid, bitbitbit ng malalaking kuko ni Bruno. Sinaklolohan siya ni Moymoy. Bigla naman ay inihagis ni Alangkaw ang ginto at sinalo ni Moymoy.

Huminto si Moymoy sa kalawakan at inilabas ang maso sa kanyang kamay. Bigla ay ipinukol niya iyon sa ulo ni Bruno. Nahilo ito hanggang sa mabitawan si Alangkaw. Bigla naman ay naglagay ng pakpak si Alangkaw at nagpalit ng anyongmalaking lalaki na kulay itim.

Nagkukumawag sa himpapawid ang damugong na si Bruno; pinilit lumipad patungo sa malapit na burol. Hindi nakuhang sumigaw ni Maura sa takot habang nakakapit kay Bruno.

Napansin ni Moymoy na marami nang nag-uusyoso sa kanila. Karamihan ay kinukunan pa sila ng mga picture at ng video. Saglit ay naisip niyang huwag nang pansinin iyon kaya lumipad siya palayo. Sumunod sa kanya si Alangkaw.

Sa di-kalayuan, may dalawang ibon na parehong kulay itim ang sumusunod kina Moymoy at Alangkaw.

Sa Gabun ang punta nila, isip ng isang ibon.

Nahuli kami! Hindi nakaya ni Amord sagupain si Moymoy! hiyaw ng isip ng isang ibon.

Ang dalawang ibon ay sinundan ang papalayong sina Moymoy at Alangkaw.

Samantala, sa ibaba, makikitang marami ng tao sa bayan ng Sapang ang nakasaksi sa labanang naganap sa kalawakan nang gabing iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 692 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
21.1K 1.3K 42
Moymoy Lulumboy Book 6: Ang Ugat at ang Propesiya Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jomike Tejido LUMUTANG ang kanilang katawan sa ulap. Ang li...
2.6K 123 4
Kategorya: Paranormal Taong 1966 ng may nakabunggong babae si Emmanuel. Hinawakan niya ito sa balikat upang alalayan itong tumayo. Tinitigan niya ang...
20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...