KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO

1.9K 90 5
                                    


"KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO," pakiusap ni Montar kay Lola Joy.

Hindi nagdalawang-isip si Lola Joy. Sa plaza ng Salikot, tinipon niya ang mga tibarong sinasakupan.

"Masyadong malakas ang puwersa," pagpapatuloy ni Montar. "Isa sa mga alagad ni Buhawan kasama ang anak niya at si Pontoho, dinukot nila ang namumuno sa Malasimbo na si Wayan."

"Amora..." Si Lea ang nagsalita.

Napatingin ang lahat kay Lea. Nakita niya ang mga mata nito na naging kulay puti. "Si Amora ay makapangyarihan."

Lumapit si Moymoy kay Lea, pagkatapos ay hinintay niya ang susunod pa nitong sasabihin.

"Hawak ni Amora ang isa sa mga Ginto ng Buhay," pagpapatuloy ni Lea.

"Ang bertud ni Buhawan, nasaan?" tanong ni Moymoy.

"Hindi ko masabi. Walang nakakaalam kung nasaan ang bertud ni Buhawan."

Marahan ay bumalik sa normal na anyo ang mga mata ni Lea at umiling.

"Montar," tiningnan ni Moymoy nang diretso si Montar. "Ang bertud ni Buhawan, si Wayan nga ang nagtago!"

"Paano ka nakasiguro?" tanong ni Hasmin.

"Hindi malaman ni Aling Lea kung nasaan ang bertud. May kakayahan siyang malaman ang mga nangyayari. Posibleng nagtungo si Wayan sa Batis ng Alaala para makalimutan niya kung saan niya itinago ang bertud. Hindi ba't wala namang ibang makakahawak noon kundi si Wayan lamang. Ibig sabihin, dahil ayaw niyang mabuhay si Buhawan, pinili niyang kalimutan kung nasaan ang bertud—mawala ito sa kanyang alaala!"

Biglang bumalik sa alaala ni Moymoy ang nakalipas—nang tagkaing tingnan sa kanilang dibdib ni Alangkaw ang kinaroroonan ng bertud.

Dahan-dahan ay umangat ang katawan nina Moymoy at Alangkaw. Padapang lulutang-lutang sa hangin ang kanilang katawan sa itaas ng kumukulong Kawa. Bigla'y ang usok ng likido sa Kawa ay naging kulay pula, nagtungo sa dibdib nina Moymoy at Alangkaw. Unti-unti ay makikita ang isang guhit ng mapa. Unti-unti ay umangat ito. Pero natigilan ang lahat nang—

"Kawa!" sigaw ni Wayan. "Tama na! Ibaba mo sila! Tama na!"

Nagtaka ang Kawa. Ibinaba niya sina Moymoy at Alangkaw.

"Wayan," sabi ng Kawa. "Bakit?"

Nagtakang bumalik na muli sina Moymoy at Alangkaw sa pagkakatayo sa tabi ng Kawa.

"Bakit?" tanong ni Moymoy kay Wayan.

Napaupong sinapo si Wayan a kanyang noo—umiling-iling. "Hindi maaari. Hindi natin dapat malaman kung saan ang bertud ni Buhawan."

"Ayaw buhayin ni Wayan si Buhawan. Makapangyarihan ang bertud ni Buhawan at hindi kayang duruhin iyon. Maaaring itinago iyon ni Wayan dahil ayaw niyang mabuhay si Wayan. At para walang makapagtuturo kung nasaan ang bertud, pinili ni Wayan na alisin iyon sa kanyang alaala," pagpapatuloy ni Moymoy.

"Kailangang makita natin si Wayan kaagad kung gayon," tugon ni Montar.

Bigla'y nagtinginan sina Gerico at Carla, naghawak sila ng kamay. Naging puti ang kanilang mga mata.

"Moymoy, gaya ng sabi ko sa 'yo noon," sabi ni Lea. "May kakayahan ang mga anak ko na makita ang nalalapit na panganib."

Sa malamig na boses, sabay na nagsalita sina Gerico at Carla. "Sa bahay ng anak ni Buhawan, doon maglalaban-laban. Doon! Sa bahay ni Buhawan..!

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon