Moymoy Lulumboy Book 2 Ang N...

By Kuya_Jun

78.7K 2.9K 111

Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2: NAIIBANG KAKLASE
KABANATA 3: MGA TIBARO SA AMALAO
KABANATA 4: PATUNGO SA GABUN
KABANATA 5: ANG NAGPAKILALANG INA
KABANATA 6: ANAK NI BUHAWAN
KABANATA 7: ANG KAPANGYARIHAN NI AMORA
KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA
KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW
KABANATA 10: SI TRACY SA SIBOL ENCANTADA
KABANATA 11: ANG DALAWANG INA AT ANG DATING MUNDO NG MGA TIBARO
KABANATA 12: ANG MGA WAKWAK
KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?
KABANATA 14: ANG PAGDALAW
KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO
KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?
KABANATA 17: DAMDAMIN NG ISANG INA
KABANAT 18: SA BULKAN NG TAAL
KABANATA 19: ANG NAGHAHANAP
KABANATA 20: SA LIBRARY NAGANAP
KABANATA 21: MAY BALITA ANG BALA
KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW
KABANATA 24: ISA SA MGA GINTO NG BUHAY
KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY
KABANATA 26: INA NG MGA ANAK
KABANATA 27: ANG PAGSAULI
KABANATA 28: INGKONG DAKAL
KABANATA 29: NARITO LAMANG AKO
KABANATA 30: MGA BINALIKAN

KABANATA 23: ANG BUHAY NA SI BUHAWAN

1.6K 75 3
By Kuya_Jun


Ortigas

SA PINAKATUKTOK NG isang building, nagtungo si Buhawan sa anyo ni Robert. Kasama niya si Pontoho sa ibang anyo—isang lalaki na nasa 50's, naka-coat and tie. Pareho silang corporate ang dating. Kapansin-pansin ang kabuuan ngayon ni Robert; na kahit na nasa late 20's pa lamang ay naging mature ang hitsura dahil na rin sa kanyang pormal na damit na coat and tie din.

Kanina, pagpasok nila sa building ay binati si Robert ng mga staff. Kilala siya bilang anak ni Buhawan.

"Sir," sabi ng babaeng nasa counter. "May ibinilin sa amin si Sir."

"Ano 'yon?" tanong ni Buhawan.

"Na kayo na nga raw ang magma-manage ng Filipinas Mining habang wala siya?"

"O, yes, that's true. In the meantime, I'm taking over the management of this company. I am the Actiong CEO."

"May approval na po ba ng board?" usisa ng isang staff.

Biglang tiningnan ni Buhawan ang staff na nagtanong. Tingin na may galit at nagsasabing—wala kang karapatang magtanong ng ganyan.

Napayuko ang staff na nag-usisa. "Sorry, Sir. SOP lang po."

"I know," sagot ni Buhawan. "Wait for the approval. Ire-release the soonest possible time."

Pagkatapos noo'y nakita niyang ngingiti-ngiti ang dalawang babaeng staff sa reception at napahagikgik pa ang isa.

"Why?" tanong ni Buhawan. "What's funny?"

"Wala, Sir," sabi ng humagikgik na receptionist.

"Wala? Then what?" Lalo pang naging pormal si Buhawan.

"Kasi, Sir," sagot ng isa, "ang guwapo niyo."

Napangiti lang si Buhawan, napatingin kay Pontoho at pagkatapos aytuluyan nang tumalikod at nagtungo sa isang elevator na nasa dulo ng hallway.

Tahimik na nagtungo si Buhawan at si Pontoho sa nagbukas na private elevator. Pagsara ng elevator ay pinagmasdan ni Buhawan ang kabuuan ng Kamaynilaan sa salamin. "Matagal na panahon din akong nawala. Talagang masarap kapag ikaw ang tinitingala."

Ngumiti si Buhawan na tumingin kay Pontoho na nakangiti rin.

"Maraming salamat. Kaibigan ka talaga, Pontoho."

"Siyempre naman!"

Humalakhak silang dalawa sa loob ng elevator.

Pribado ang pinakatutok na palapag ng building na iyon. Katunayan ay may isang elevator ang nakalaan para lamang sa palapag.Pagbukas ng elevator ay may isang malaking pintuan para sa isang malaking function room at sa loob niyon ay may isa pang pinto na kinaroronan ng conference room.

Pagbukas ni Buhawan sa pinto ng conference room ay naroon ang ilang pankat ni Buhawan na mga tibaro. Lahat ng mga ito ay kasamahan niya sa negosyo. Lahat ay pormal ang kasuotan at respetado ang kabuuan. Naka-coat and time ang mga lalaki at ang mga babae ay naka-business suit.

Pagkakita ng pangkat ni Buhawan, kaagad na nagpalit ang mga ito ng kani-kanilang anyo—yaong tunay na anyo. Ganoon din si Pontotho. Kasabay noo'y nagtawanan at naghiyawan ang lahat dahil sa galak.

"Welcome back, Buhawan!" sigaw ng lahat.

Nagpatong-patong ang boses ng lahat ng mga tibarong nasa conference room dahil sa kanilang hiyawan sa kagalakan. Hindi sila nagkarinigan dahil sa ingay nila.

Lahat ng mga nakaupo sa mahabang mesang iyon na kasama ni Buhawan ay may edad na. Puro pileges na ang mga mukha na para nang naagnas. Ang iba'y kung hindi bungi-bungi ang mga ngipin ay puro lagas na ang mga ito.

"Kumusta naman ang lahat?"

Gaya ng dati, kapag narinig na nila ang boses ni Buhawan ay bigla silang tatahimik.

"How's Filipinas Mining?"

"Okay na okay!" sabi ng isa sa nakaupo sa mahabang mesa.

"Maraming ilo-launch na project, Buhawan. Positive naman. May mangilan-ngilang environmentalist ang kumakalaban, pero what can they do, kapag nandiyan na ang pera?" salo ng isa.

Nagsalita si Buhawan. "Kung sa bagay, tayo ang may pakana niyan."

Biglang tumawa si Buhawan.

"Tuloy ang ligaya," ani Buhawan. "Binuhay ako ni Robert, ang anak ko. Dalawang katauhan ang naririto. Si Robert at ako. Ako ang nangingibabaw dahil ako ang makapangyarihan."

"Buhawan..."

Naghari ang katahimikan nang matuon sa bandang dulo ng mesa na kinaroronan nang nagsalita na pormal ang tinig. Itinuloy nito ang sinasabi. "Sa nangyaring kaguluhan sa bahay mo, baka tuluyan nang malaman ng mga butawi ang tungkol sa atin."

Muli, nagkaroon ng katahimikan at nagtinginan silang lahat.

"Sa tagal ng panahon na nalilihim natin ang presensiya natin dito Amalao, malalaman talaga nila ang tungkol sa ating mga tibaro. Hindi natin maiiwasan," anang isa pa.

Nagbulungan ang lahat.

"May magagawa ba tayo?" wika ng isa pa.

Nagtinginan ang lahat kay Buhawan.

"Wala," sagot ni Buhawan. "Kung malalaman nila ang tungkol sa mga tibaro, edi sige. Basta huwag na huwag lamang ang tungkol sa atin. Sabihin na nilang totoong may mga aswang, manananggal, kapre, at kung ano-ano pa, pero ang tungkol sa pangkat natin, walang dapat makaalam sa media at kahit saan pa. Ang tungkol na may kinalaman sa ating kayamanan, 'yan ang huwag na huwag niyong ibubunyag. Huwag niyong ibunyag na may kapangyarihan tayong mga tibaro sa Amalao. Na ako ang nagdala ng ginto dito. Na ako ang nagpamulat sa kanila sa salapi. Hindi maaari! Naiintindihan ba?"

Tumatango-tango ang lahat.

Tumayo si Buhawan. Pinalitan ang kanyang anyo—ang anyo ni Robert. Pagkatapos ay bigla ring pinalitan iyon ng isang lalaking may tikas. Ng isa pang anyong lalaki. Ng isa pa. "Ang kapangyarihang ito ay wala sa kahit na sinong buntawi, bakit kayo matatakot. Kaya sabi ko nga, tuloy ang ligaya! Dito sa Amalao, salapi ang kapangyarihan, kaya tuloy-tuloy lang tayo sa pagkamal!" Tumawang muli nang malakas si Buhawan.

"Buhawan," simula ng isa sa mga tibaro. "Napag-usapan namin ang tungkol sa mga ginto."

Natigilan si Buhawan. "Bakit?"

"Puwede ba naming malaman kung kani-kanino mo ipinatago ang mga ginto na galing sa mga Apo?"

Naging seryoso ang mukha ni Buhawan, biglaang pinalitan ang anyo—anyo ni Robert. "Hindi niyo kailangang malaman. Basta nasa kamay ng maiimpluwensiyang mga buntawi ang mga ginto."

"Kung ganoon ang isa ay puwedeng nasa kamay ng isang mataas na opisyal ng gobyerno?"

"Sa politiko?" anang isa pa.

"Sa media?"

"Sa business sector?"

"Sa simbahan?"

Napaisip si Buhawan. Sasagutin na sana niya ang kanilang mga tanong nang biglang may kumatok ng pintuan.

Nagtinginan ang lahat. Automatiko, na kahit sa pribadong lugar ay ibinibalik nila ang anyong buntawi kapag may bagong papasok sa kanilang pagpupulong. Ibinalik nila ang anyong mga bata kagaya ng kaninang pagpasok pa lamang ni Buhawan.

Inayos nila ang kanilang mga sarili at umupo nang maayos.

"Tuloy." Binuksan ni Pontoho ang pintuan.

"Hello."

Tumambad sa kanila si Toyang. Gaya nang dati, naroon pa rin ang matamis nitong ngiti at angking kagandahan.

"Naku, Buhawan," dagling isinara ni Toyang ang pinto. "Pasensiya ka na a."

Napakunonoo si Buhawan. Bumalik ito sa tunay na anyo. Ang lahat ay bumalik din sa kanilang mga tunay na anyo.

"Sinikap ko kasi na mabuhay ka. Ang ginawa ko, pinuntahan ko si Alangkaw para malaman ko kung nasaan ang birtud mo. Nagpanggap ako na nanay niya," kuwento ni Toyang.

"Um..." Naghintay si Buhawan sa salaysay ni Toyang. "Pagkatapos—"

Magiliw na nagpatuloy si Toyang, ngiti-ngiti sa mga tibaro na conference room. "Naku, paniwalang-paniwala siya sa akin!"

"Talaga?"

"Oo, Buhawan! Ang galing ko ngang umakting. Paniwalang-paniwala siyang ako ang nanay niya. Sabi ko, kailangang malaman ko kung saan ang birtud, kaya hayun, inutusan ko siyang magkunwaring kakampi sina Moymoy at alamin niya kung nasaan ka."

"Nalaman ba niya kung nasaan ang birtud?" walang ganang tanong ni Buhawan.

"Aba'y oo. Ang gusto ko lang, malaman kung saan ang birtud at nang maituro ko kina Pontoho, kaya lang nang malaman niya, siya ang nagpunta..."

"Um..."

"Ayun," napahawak sa bibig si Toyang, pa-cute na ipinakita ang pagkapahiya. "Sa tingin ko, siya ang lumunok. Um... medyo ano e... Medyo pumalpak ang plano ko... Sorry... Pasensiya na."

"Ay tanga!" Bigla'y dinampot ni Buhawan ang matulis na kamagong sa mesa at bigla itong itinarak sa lalamunan ni Toyang.

Biglang bumulwak ang dugo ni Toyang at tumilamsik sa mesa at sa mukha ng mga tibarong nasa conference room. Ang lahat ng natalamsikan ay tuwang-tuwang pinahaba ang mga dila at dinilaan ang dugo sa kanilang mga mukha. Ang iba nama'y dinlaan ang dugo sa mesa.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Toyang, lumuwa ang mga iyon. Unti-unti ay nagpalit ang anyo—yaong tunay na anyo.

Sa sahig, unti-unting naagnas ang katawan ni Toyang. Sa kanyang noo ay may lumabas na usok—ang kanyang espiritu. Tuluyan nang naagnas si Toyang hanggang sa ang kanyang mga buto na lamang ang natira. Nagkalasok-lasog ito hanggang sa ito'y maging abo. Ang kanyang espiritu ay tuluyan nang umakyat hanggang sa ito'y mawala na sa paningin. Naglaho nang tuluyan si Toyang.

Sa ilang sandali, biglang nagbukas ang isang dingding ng conference room. Tumambad ang kabuuan ng malaking function room na kanugnog nito—ang kabuuan ng palapag ng building. Sa entablado sa pinakadulo ng function room ay nakalagay sa backdrop ang WELCOME BACK BUHAWAN!

Makikitang may iba pang mga tibaro na nasa function room na nakasuot ng pormal. Pagkuway nagpalit sila ng anyo—yaong tunay nilang anyo. Nagsimulang mag-anapaya ang mga aswang. Ang mg manananggal ay naglanaag.

Nagliparan ang ilan sa loob ng malaking function room. Sa mga mesang naroroon ay puno ng sari-saring pagkain at iba't ibang klaseng aalak. Nagkaroon bigla ng tugtugan; ang buong bandang nagpapatugtog ng modernong kanta gaya ng Bang Bang at iba pang kanta nina Biyonce, Maroon 5, at Rihanna.

Tuwang-tuwa si Buhawan sa kanyang nakikita—sa mga taong naghihiyawan na nagkakasiyahan. Tuwang-tuwa sa sorpresang selebrasyon na iyon na inihandog ng kanyang pangkat sa kanyang pagdating.

Nilapitan siya ng lahat ng tibarong naroroon at niyakap-yakap. Pagkatapos ay binuhat siya. Tuwang-tuwa ang lahat! Nagpalakpakan!

Sa salo ng masaya at walang tigil na tugtugin, matagal na buhat-buhat si Buhawan ng mga tibaro habang ito ay wala ring tigil sa pag-anapaya—sa pagpalit ng anyo—ang anyo ni Robert at pagkatapos ay ang tunay na anyo—pinagpapalit-palit niya ang anyong iyon. At pagkatapos ay sari-saring mga anyo pa na kanyang maisipan—may sari-saring hayop din at kung ano-anong nilalang. Ang iba ring mga aswang ay nagpapagalingan sa pagpapalit ng anyo. Ang mga manananggal ay walang tigil sa paglipad sa malaking bulwagang iyon. Ang lahat ay may hawak ng kanya-kanyang kopita ng alak na nilalagok.

Nang ibinaba si Buhawan ng mga bumubuhat sa kanya ay nilapitan siya ni Pontoho at may binulong. "Si Maura."

Dahil sa ingay ng selebrasyon, hindi gaanong marinig ni Buhawan ang ibinubulong ni Pontoho kaya lalo pang inilapit ang tainga rito. "Ano 'yon?!"

Sa likod ng entablado, nagtungo ang dalawa.

Itinuloy ni Pontoho ang ibinubulong kay Buhawan. "Alam nina Moymoy na na kay Maura ang isang ginto. Palagay ko'y kailangan siyang bantayan si Maura at tulungan. Ano mang oras ay kukunin nila ang ipinatago mong ginto kay Maura."

Napaisip si Buhawan, naging seryoso ang mukha. Inilinga ang tingin—pinagmasdan ang nagsasayang mga tibaro, nag-isip na muli at ngumisi.

Continue Reading

You'll Also Like

189K 4.2K 70
Ceo Series One: The Bipolar Ceo (Dyke Cebastian Lawton) Ang babaeng si Miericka Saymin Castro, pamilya? Check. May pamilya nga sya ngunit halos hindi...
488K 28.2K 27
Bloodline Series, Book #1 || All she ever wanted was to celebrate her birthday, but she ended up receiving an outrageous gift -- a power.
680K 18.8K 45
"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
115K 5.6K 36
"Where happiness ends, reality begins..." Akala nina Rob at Paulo ay puro saya na lang ang buhay sa piling ni Gab na ngayon ay apat na taong gulang...