HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 34

7.8K 295 158
By hunnydew

Naalimpungatan ako kasi kanina pa tunog nang tunog yung cellphone ko. Paggising ko...

GABI NA PALA! As in alas diyes na ng gabi! At kanina pa ako tinatawagan nina Kuya! NUUUUU!

Tapos ang isa pang problema ko...

WALA PA RIN SI HIRO!

Tapos hindi pa siya sumasagot sa tawag ko! Waaah! Paano ako uuwi?! Eh may usapan kami!

"BESPREN! Halupah!" halos palahaw ko sa telepono nang tawagan ako ni Louie pagkatapos ko siyang i-text.

"Aray naman bespren, sira ba ang telepono niyo at nakasigaw ka?"

"Hindi bespren, natataranta kasi ako eh!" Namawis na nga bigla yung kilikili ko sa kaba! "Tinawagan ka na ba nina kuya ko? O kaya ni-text ka ba nila?"

"Ay, hindi ko pa natitignan yung cellphone ko. Teka—"

"WAG! Ah...ang ibig kong sabihin, 'wag mo munang tignan! Ano...p-pero kung titignan mo nga at makikita mong may nagtext sayo na hinahanap ako pwede mo bang sabihing magkasama tayo? Na nakatulog tayo pareho kaya sa inyo na ako makikitulog ngayong gabi?"

Saglit na tumahimik sa kabilang linya.

"Bespren? Hello? Louie, andiyan ka pa?"

"Bakit? Nasaan ka ba?" nagdududa niyang tanong.

"Nasa condo ni Hiro."

"O, bakit hindi mo sabihin kina Kuya mo 'yan?"

"Eh kasi bespren, kung bawal magpatulog ng lalaki sa bahay niyo, ako naman bawal makitulog sa bahay ng lalaki," paliwanag ko. Kahit kasi ampon namin si Hiro at ayos lang siyang makitulog sa amin, hindi pa rin magandang tignan na babae ang nakikitulog sa bahay ng lalake. Kahit pa hindi babae ang tingin sa'kin ng ibang tao, babae pa rin ako 'no.

"Bakit hindi ka pa umuwi?"

"Kasi...n-nakatulog ako," palusot ko. Kung sasabihin ko kasing naglinis ako ng bahay ni Hiro, siguradong sesermunan kami pareho ni Louie. Kapag pinagalitan ni Louie si Hiro, pagagalitan din ako ni Hiro. Ako ang agrabyado sa lahat!

Narinig kong napalatak si Louie. "Pakausap nga kay Hiro."

"Yun na nga bespren...wala kasi siya rito ngayon. Kanina ko pa siya hinihintay kasi diba sabi mo, sa kanya ko hingin yung pambayad ng graham balls?" Lumunok ako ng konting laway. "Nung pinuntahan ko siya kanina para kunin yung bayad, saktong paalis sila ni Taki. Sabi niya maghintay lang daw ako. Nalinis ko na't lahat yung bahay niya, wala pa rin siya!"

"Ano? Nilinis mo ang bahay niya?"

NUUU! Nadulas ako don! Mas lalong namawis ang kilikili ko! Daig pa ni bespren si Kuya Chuckie kung makapag-interrogate! "Eh kasi sobrang gulo talaga bespren. Nainip lang kasi ako kaya ko nilinis. Alam mo namang ayaw ni mama ko sa magulong bahay kaya nakasanayan ko nang maglinis agad ng kalat kasi sobrang dumi talaga ng bahay ni Hiro! Kaya ako nakatulog kasi sobrang napagod ako eh."

"Sige, puntahan na lang kita diyan."

"Yey. Bespren, pahiram na lang ako ng damit kahit shirt lang."

"Okay."

Hihiram pa sana ako ng napaglumaan niyang underwear pero naisip ko baka di rin magkasya sa'kin kasi nga malaki boobs non, hahaha. Kaya nilabhan ko na lang yung ginamit ko nung ROTC. Dun ko na lang din pinatuyo sa loob ng banyo. Sana nga lang matuyo agad.

Agad namang dumating si Louie na bukod sa dala niyang ekstrang shirt, may pantulog din at, janjararaaaan! McDo na may BFF Fries! Hehehe. Sayang wala si Chang, sa kanya dapat yung double cheeseburger eh. Yan tuloy, ako rin ang kumain bukod sa Quarter Pounder, huehue.

At di nga ako nagkamali. Tinawagan pa siya nina Kuya J para tanungin kung nasaan ako. Mabuti na lang talaga nakausap ko siya agad kaya siya na ang nagsabing tulog kunwari ako. Ang swerte ko talaga kay Louie. Nayakap ko nga siya eh, hehe.

"Napaka-urgent ba niyang graham balls mo at kailangang ngayon mo na bayaran?" tanong niya habang nanonood kami ng NBA.

"Ahhh ehh...sabi kasi ni Ate Peachy, 'pag marami akong nakuhang order, bibigyan niya ako ng libre," paliwanag ko bago sumubo ng limang fries.

"Bukod pa 'yon sa maraming order na babayaran ni Hiro eh ikaw din ang kakain non?" di-makapaniwalang tanong niya. Hindi ako makasagot dahil puno pa rin ng fries ang bunganga ko kaya tumango na lang ako. "Grabe talaga 'yang tiyan mo. Magpatingin ka na nga."

"Gurabe ka naman bespren, wala naman akong sakit. Sadyang gutumin lang talaga ako." 'Di ko rin alam kung bakit ba hindi ako tumataba. Di rin naman ako ganun kapayat. Sabi ni Mama, natutunaw daw agad lahat ng kinain ko kasi sobrang daldal at likot ko, hehe.

"Sino-sino ba ang nabentahan mo na?"

"Hmmm...mga friends ko sa FB. Tsaka pala sina kuya ko. Lahat nga sila nag-order eh. Si 'Ya Macoy, isa... pangtawid-gutom daw sa duty. Si Chino, isa rin...ibibigay daw niya kay Ate Llana. Si Kuya Mac-Mac, tatlo...ibibigay raw sa mga nililigawan niya..."

"MGA nililigawan?"

Tumango na lang ako ang pinagpatuloy ang pagbibilang kung ilan ang order na nakuha ko. "Si Kuya Chad, lima...kasi ipapakain daw niya sa mga co-student teachers niya, si Mase...isa..."

"Kumakain pala yung kuya mong 'yon ng matamis?"

"Sakto lang. Hindi lagi pero kumakain kung meron. Sabi ko lang bumili siya ng graham balls para ibigay kay Sapio Girl niya para sagutin na siya."

Halos maluha si bespren nung mabilaukan siya sa iniinom niyang tubig. Tingin ko nga lumabas yun sa ilong niya eh, hahahah. Nung makahuma siya, saka lang namin tinuloy ang usapan.

"Kilala mo ba 'yon bespren? Pakiramdam ko kasi, ako lang ang hindi nakakakilala sa kanya eh."

Habang nagpupunas siya ng bibig, tumango siya.

Napasinghap talaga ako nang malakas. Muntik pa ngang malaglag yung nginunguya kong fries eh. "Talaga?! Sino siya?!"

"Bakit naman gusto mong alamin?" tanong na naman niya tas uminom ng tubig.

"Sasabihan kong sagutin na niya si Mason." Pagkasabi ko nun, naibuga niya sa mukha ko yung tubig. "Bespren naman...kadiri..." angil kong ipinunas yung mukha sa damit ko.

"Bakit kasi sasabihan mong sagutin na si Mase eh hindi pa nga nanliligaw."

"BAKET ALAM MO?!"

"Ha? N-Nasabi lang sa'kin ni Sapio Girl," bulong niya tapos nag-iwas ng tingin. Nakakapagtaka.

"Close kayo ni Sapio Girl bespren?"

"'Wag ka ngang maraming tanong! Ikaw 'tong nagkukwento ah!" asik niya. "Sino pa ba ang nag-order?"

"Ay onga pala... si Henry tsaka si Nile umorder din," pagtutuloy ko.

Tinaasan ako ng kilay ni bespren. "Wala bang graham balls sa Baguio at nag-order pa sa'yo? Mas mahal pa ang courier service kesa sa bayad sa order."

Nilunok ko yung huling piraso ng burger na nginunguya ko. "Ay hindi mo ba alam? Lumipat siya sa UP netong school year lang. Nagkasalisihan kasi kayo nung birthday ni Mase eh. Pumunta rin siya don."

"Alam nila kuya mo 'yan?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Sempre naman bespren. Diba kumpleto sina kuya ko nun? Nakakwentuhan nga rin siya nina Mama eh."

Tumango lang siya minsan. "Ano'ng oras mo kailangang makauwi bukas?"

"Umaga siguro. Bakit?"

"Naisip ko sanang bilhin na rin natin yung sapatos ni ChanChan. Pero kung kailangan mo nang umuwi bukas..."

"Ay, sige sabihan ko na lang sina mama na may lakad pa tayo bukas. Kampante naman yun kapag ikaw ang kasama ko eh. Pero paano yun? Nasa bahay yung ipon ko para sa sapatos."

"Kunin ko na lang sa inyo bukas."

"Okay."

Natigil ang usapan kasi tawa na kami nang tawa sa Shaqtin' a Fool. Yung segment ni Shaq na ipapalabas nila yung mga nakakatawang epic fails ng mga NBA players. Mantakin niyo, pati si Michael Jordan nagkaroon ng unforced turnovers—yung padunk na sana siya kasi fastbreak tas nabitawan niya yung bola, ahaha. Ang sakit nga ng tiyan ko sa kakatawa eh. Pero naisip ko, kahit pala super galing na, nagkakamali pa rin. Sabi nga nila, tao lang.

Habang sarap na sarap ako sa paghalakhak, si bespren Louie, di ko namamalayang kanina pa hikab nang hikab. Baka napuyat siguro. Kaya niligpit na namin yung kalat at naghilamos para makatulog na. Dun kami sa isang kwarto natulog kasi wala naman daw gumagamit nun. Sempre tabi kaming nahiga sa kama na hindi ganun kalakihan.

Pero paggising ko kinaumagahan, wala na akong katabi. At ang ingay sa labas.

Tas sinabayan pa ng pagtawag ni Mama sa phone ko.

"Good morning po Mama," bati ko sa kanya.

"Ikaw na bata ka! Inabala mo na naman si Louie! Anong oras ka uuwi ngayon?"

"Ay baka hapon na po Mama. Nagpapasama po kasi si bespren na bumili ng gift para kay ChanChan."

"Ay ganun ba? O sige. Basta huwag kayong magpapagabi ah. Baka naman mamaya diyan ka na naman makitulog. May dala ka bang damit?"

Nasermunan pa ako nang mahaba-haba bago nakuntento si Mama nung sinabi kong uuwi ako sa bahay kahit anong mangyari.

Pumupungas-pungas akong lumabas ng kwarto at nakitang magkaharap na nag-uusap si Louie at si Hiro na mukhang kakauwi lang. Napatingin ako sa orasan. Alas siete na ng umaga. Mukhang sinasabon ni bespren ang kapatid niya kaya di ko muna sila inistorbo. Sabi kasi nina Papa noon, 'wag daw makisawsaw sa usapan lalo na kapag may away.

Hindi rin naman nila ako napansin kaya tumuloy muna ako sa banyo at nag-isip kung anong agahan ang lulutuin. Pagkalabas ko ng banyo, hindi pa rin tapos mag-usap yung dalawa kaya dumiretso na ako sa ref para tignan kung may maluluto ako. Pero halos wala nga palang laman kasi nilinis ko kahapon. Naghanap-hanap ako sa mga cabinet ng kahit de lata lang pero wala rin. Napakamot ako sa ulo at naglakad papunta sa pinto.

"Hoy, saan ka pupunta?" angil ni Hiro.

"Bibili ng itlog tsaka corned beef sa baba para may makain," simpleng sagot ko.

"'Wag na bespren. Hayaan mong sagutin lahat ni Hiro ang pagkain ngayong araw."

Nawala ang antok ko sa sinabi ni Louie. "Talaga?! Sabi mo 'yan ah! Touch-move! Pero ano ang agahan?" Mukhang wala sa itsura kasi ni Hiro na nagluluto siya baka naman masira ang tiyan namin!

Ngumisi si bespren. "Banapple."

Napalatak si Hiro pero wala na rin siyang nagawa kaya sinunod niya na lang ang utos ni Ate niya, huehuehue. Ang lakas talaga ni bespren! Nauutus-utusan niya si Hiro, nyahahah.

Pero...ano kaya ang Banapple? Prutas ba 'yon? Mutant fruit? Bananang lasang apple o kaya apple na lasang banana? Bananang mukhang apple o kaya apple na mukhang banana? Luh...ano kaya 'yon? Mabusog kaya kami don?

Halos isang oras bago nakabalik si Hiro at kasama na naman niya si Taki at parehas silang maraming dalang brown na paperbag! Akala ko naggrocery! Yun pala ang daming inorder! Mamahaling tapa, tocino at bangus ang binili nila. Tas yung amoy pa lang, nakakatakam na! May chocolate peanutbutter pancake pa na sobrang fluffy!

Restaurant pala yung Banapple! Specialty nila ang pies at mga cheesecakes na soooobrang sarap! Lalo na yung dark choclate tiramisu cheesecake...hindi kasi nakakasuya ang tamis. Meron din naman silang kanin at ulam na masasarap din. Meron ding pasta. Pero yun nga, mas natakam ako dun sa cheesecake tsaka yung cheesy mushroom pie. Ang cheesy kasi talaga. Yung kapag hihiwain mo, lalabas yung melted cheese. Hindi siya ampaw, hahaha. Mahal siguro dun. Lasa pa lang eh. Sana makapunta kami nina Mama at Papa at ng mga kapatid ko.

"Alam niyo ba kung saan ang The Nook?" tanong ni Louie na bumasag sa tahimik na pagkain naming lahat. Galit-galit muna eh. O baka dahil galit kasi si bespren kaya ayaw mag-ingay nina Hiro.

Si Taki ang sumagot. "Sa Maginhawa 'yon, Louie. Yun yung Harry Potter inspired na cafe diba?"

Nagningning yung nga mata ko pagkarinig ko non. "Harry Potter?! Meron ba silang mga wands din don? Tsaka yung mga robes?"

"Oo, nagse-serve din sila ng butterbeer," nakangiting dagdag pa ni Taki kaya mas lalo akong na-excite.

"Talaga?! Tara puntahan natin!"

"Wala, nagsara na 'yon kasi alam nilang darating ka," tiim-bagang sabi ni Hiro.

Pero pinagalitan ulit siya ni Louie, hahaha. Buti nga sa kanya. Wala tuloy siyang nagawa nung sinabi ni bespren na ipangda-drive kami ni Hiro nyahahah. Kaso, kinakabahan ako eh. Baka naman mamaya, ibunton sa'kin ni Hiro ang inis niya dahil sa mga pinapagawa sa kanya ni bespren. Pero siya kaya ang nauna!

Pagkatapos naming maligo at magbihis ni bespren, lumarga na kami para hanapin kung nasaan ang sikat na sikat na The Nook.

Akala ko pa naman, papasok kami dun. Yun pala literal na hahanapin lang namin!

"Tara na bespren! Sayang o! Nandito na rin lang tayo," halos pagmamakaawa ko nung tumapat yung sasakyan ni Hiro sa The Nook.

"Samahan mo na nga," utos ni Louie aa kapatid niya.

"Ba't ako? Siya lang naman ang gustong pumunta ah," angal naman ni Hiro.

"Taki, samahan mo na lang ako—"

"Hoy ikaw, wag ka ngang nandadamay ng ibang tao—"

Nginitian kami ni Taki. "Sige tara. Na-curious din ako."

Binelatan ko si Hiro bago ako bumaba ng sasakyan at sinundan ako ni Taki.

Ang ganda sa loob! May sketch ng Diagon Alley sa dingding tas andaming mga librong pwedeng basahin nang walang bayad! Tas may nakasabit pang net sa taas na pwedeng upuan. Andami ring nagpapa-picture suot ng mga wizard robes nung iba-ibang Houses. May nimbus 2000 pa! Tsaka yung golden snitch!

Mukhang sobrang sikat na sikat nga talaga yon kasi maraming tao. Tas may mga naghihintay pa sa labas. Kaya lumabas na rin kami ni Taki. Sayang...di man lang kami nakapagpapicture dun.

"Bespren! Ang ganda sa loob! Balik tayo dito next time ah. 'Sama natin si ChanChan!" masiglang sabi ko kay Louie na nakaupo sa harap kasama ni Hiro. Tumango lang siya.

"Sino si ChanChan?" tanong naman ni Taki.

"Bespren namin," proud kong sagot sa kanya.

"Ah si ShanShan ba 'yan?" natatawang singit ni Hiro. "Maganda 'yon pre! 'Bigay ko sa'yo number—aray! Ate naman eh..." nakangusong reklamo niya kay Louie na binatukan siya huehuehue. Buti nga sa kanya.

"Ang ingay niyo. Punta na nga tayo sa Mega para makauwi na rin tayo. Inaantok na ako," utos ulit ni Louie kaya di na nakaangal si Hiro at nagmaneho na ulit. Pero hindi na sumama si Taki kasi may gagawin pa raw siya.

Di na kami masyadong nakalibot sa Megamall kasi nga inaantok pa raw si bespren. Bakit kaya? Masarap naman ang tulog ko kagabi ah.

Kaya ayon, binili lang talaga namin yung sapatos ni ChanChan tas hinatid na namin si bespren sa condo niya.

"Bespren sama ako!" excited kong sabi bago tumigil yung sasakyan ni Hiro sa harap ng building. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa condo niya eh.

"'Wag na! Inaantok na nga si Ate diba? Guguluhin mo pa? Ikaw na nga ang dahilan kung bakit—"

"Shut up Hiro," sita ni bespren at tumawa ako nang walang tunog para asarin si Hiro. Bumaling naman sa'kin si Louie. "Next time na lang, Charlie ah. Sobrang pagod kasi ako eh. Ikaw na lang ang mag-uwi ng sapatos ni ChanChan."

"Ah okay. Pahinga ka nang mabuti bespren ah." Niyakap ko siya mula sa likod.

"Ikaw din. Hello mo na lang ako kina Tita tsaka kina...kuya mo..." paalam ni Louie. Nginisian siya ni Hiro kaya sinapak niya ulit. "Tawa-tawa ka diyan. Ihatid mo si Charlie sa kanila."

"Bakit na naman?! Kaya na niyang umuwing mag-isa—"

"Don't make me repeat myself, Lloyd Hiro."

Ang galing talaga ni bespren! Walang magawa si Hiro kundi ang sundin siya ahaha. Pero sa klase ng panlilisik ng mga mata ni Hiro nung makaakyat na si bespren at ako na yung umupo sa passenger seat...parang ayoko nang magpahatid sa kanya.

Tapos kutusan ba naman ako!

"Aray ko naman!" angil kong hinihimas yung bumbunan ko. "Inaano ba kita? Kitang antahi-tahimik ko dito."

"Kasalanan mo kasi lahat," nandidilat ang mga mata niyang sumbat sa'kin.

"Bakit ako? Ikaw 'tong nagpalinis ng bahay at nang-iwan ah!"

"Sino ba kasi ang nagkulang sa papercrane?"

"Yan na naman ang ikakatwiran mo! Nagpresinta na nga akong gumawa ng isa pa noon, ikaw lang ang may ayaw tas ako sisisihin mo?" Di talaga siya makatarungan kahit kailan!

"Nakakainis ka kasing bubuwit ka! Lagi na lang akong napapahamak dahil sa'yo! Isa kang malaking malas sa buhay ko!"

Natahimik ako dun. Tinignan ko lang siya nang masama habang hinihintay niyang mag-green yung traffic light. Tas in-unlock ko na yung pinto at nagmadaling bumaba. Di na ako nag-abalang isara yung pinto. Bahala siya diyan.

Ako pa talaga ang malas sa buhay niya. Siya kaya ang dahilan kung bakit hindi na nakikipag-wrestling sa'kin sina kuya. Yung di na ako madalas ayaing uninom. Di na rin kami tabi-tabing natutulog. Kung bakit mas naging malala ang pagtrato nila sa'kin bilang prinsesa daw nila.

Inagaw ni Hiro ang pagiging bunso ko na inintindi ko na lang kasi wala nga siyang kapatid. Tas ngayon sasabihin niyang ako pa ang malas sa buhay niya?

Hmp!

Di ko na siya bati! Bahala siya sa buhay niya!

----
Dishunaree ni Charlie:
Halupah-- exaggerated na pagkaka-pronounce ng 'help'

A/N: Charlie and Mason will be back in three months, peeps :) Hope you're still around by June 2016 :) let's keep in touch, yes?

Hunny
Posted on 29 February 2016, Monday 6PM

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...