A War Like Love

Por kawaya_ayu

11.1K 240 48

Love moves in mysterious ways... Sa buhay ni Katie Grace Cruz ay wala siya ni minsan pinalagpas pagdating sa... Mais

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Final Chapter

Chapter Six

325 12 0
Por kawaya_ayu


"WILL YOU TELL your ex na pigil-pigilan niya iyong pinsan niya sa panggugulo sa tahimik kong buhay?"

Magkakasama nanaman silang magkakaibigan sa restaurant ni Aya. Simula pa noong dumating siya ay wala na siyang ginawa kung hindi ang magsumbong sa mga ito.

"Alam mo Katie, mas madali mong matatakasan ang pangungulit sa'yo ni Francis kung kahit papano pipigilan mo ang pag-usok ng ilong mo sa kanya" sagot naman sa kanya ni Abby na halatang ikinakalma pa rin ang pagkabuwisit niya

"Hindi ka na nasanay kay Francis e, sumala pa noong high school tayo ganoon na iyon sa'yo" saad naman ni Aya sa kanya

"Hindi niyo kasi naiintindihan e. Sinisira ng lalaking iyon ang pagkatao ko. Ginugulo niya ang buhay ko" pagdadahilan naman ni Katie sa mga kaibigan niya

"Ganoon ba kahirap ang magkagusto sa lalaking kinaiinisan mo?" biglang tanong naman ni Shirley na ikinatingin nilang tatlo

"What? Iyon lang naman ang naiisip ko kung bakit nagkakaganyan si Katie" pagsasaad pa nito sa kanila dahil tatlong silang nagulat sa sinabi ni Shirley

"Hey, hindi ko gusto iyong kutong-lupang iyon no!" pagtatanggol naman niya sa sarili

"Eh bakit ka defensive?" tanong muli sa kanya ni Shirley

"Hindi ako defensive, I'm just stating facts. Nakakaburyo kaya"

"Alam mo bestfriend to deal with Francis, you only have two choices. It's either pigil-pigilan mo iyong pagkaasar mo sa kanya o kaya naman ay mag-isip ka ng way para maintindihan niyang hindi ka dapat niya ginaganyan" suhestisyon naman ni Abby na ikinaisip niya

Napaisip naman siya sa sinabi nito. Way? Para ipaintindi kay Francis na hindi ako dapat tinatrato ng ganito? Sa lalim ng pag-iisip niya ay hindi na lamang niya maiwasang mapangiti. Tama! Kung gusto niyang matapos ang paghihirap niya kay Francis ay kailangang maiparamdam niya rito na mali ito ng binabangga. Ngunit sa paanong paraan naman niya gagawin ito?

SA SUMUNOD NA mga araw ay pinag-isipang mabuti ni Katie kung anong klaseng paghihiganti ba ang dapat niyang gawin kay Francis. Kailangan ay maka-isip siya ng paraan para layuan na siya ng binata. Iyon lang naman ang target niya, ang magawa niyang patigilan ito sa panggugulo sa tahimik niyang buhay. After all, he started messing with her. Para mapakita niya ritong hindi siya magpapatalo, it is a must na makita nito ang pait ng ganti niya.

"Ipabugbog ko kaya sa mga mafia?" pagkausap niya sa sarili

"Hindi pwede, baka matamaan ang mukha sayang naman ang kagwapuhan ng kutong-lupang iyon"

"Regaluhan ko kaya ng ahas?"

"Kaya lang kawawa naman yung ahas kung makakatuklaw ng parte ng katawan noon"

"Hmm..." hindi pa rin matapos na pag-iisip niya

Ilang beses pa siyang nag-isip ng isang bagay na makakapagpasuko sa binata at pagkalipas na lamang ng ilang sandali ay nagawa na niyang makaisip ng matinong paraan. After all, para magantihan niya si Francis ng walang masasaktan sa physical appearance nito ay ang durugin lang naman ang pride ng binata. Hindi na niya maiwasang mapangiti, dahil doon ay naka-isip na rin siya ng matinong plano para rito. Ready na siyang pasukuin ang isang Arevalo. Lagot ka sa'kin ngayon kutong-lupa ka!

"CAN I know where Mr. Arevalo's office is?" tanong ni Katie sa reception area ng Techno Plus.

Nandoon siya para ipagpatuloy ang plano niya kaya naman sa panahon na ito ay wala nang makakapigil pa sa kanya. This will be her surprise attack.

"Do you have an appointment with him Ma'am?" balik-tanong naman ng babae sa kanya

"Actually wala pero pakisabi nalang na nandito si Ms. Katie Cruz of Beldana's Fashion para makausap siya, kilala niya ko"

Mabilis naman ang naging pag-aasikaso sa kanya ng empleyada ni Francis and in just a minute ay binigyan na siya nito ng signal na maaari na siyang makapunta sa office nito sa pinakamataas na bahagi ng gusali.

"Hey! My little Katie, a pleasant surprise for you to be here. Kamusta na?" ito ang bungad na bati sa kanya ni Francis pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito

Kung wala lang siguro siyang plano baka nga nabuwisit nanaman siya ngayon ngunit kailangan niyang pigilin ito. She must start this with no more delays.

"Hi Frans! Did you miss me? Ako miss na miss na kita" wika niya na ipinulupot kaagad ang kamay sa leeg nito

Halata niya ang pagbabago ng reaksiyon nito base na rin sa mukha ng binata. Kung hindi lang siya umaarte, tatawanan niya talaga ito ng todo-todo

"What the, anong nangyari sa'yo Katie?" wika nito na halata na takang-taka sa kinikilos niya

"I just realized that yeah, I really do like you, hindi ba't iyon din naman ang gusto mo? Ang magkagusto ako sa'yo?" wika niya na umupo sa guest chair sa harap ng lamesa nito at patuloy ang pagpapacute sa binata

"You like me?" nagtatakang tanong nito

"I don't know how but I started to realize na napasuko mo na nga ako" maliit na ngiti pa niyang wika rito na hindi pa rin ikinaalis ng kunot sa noo ng kausap

"Paano naman nangyari iyon samantalang kinaiinisan mo ko?" hindi pa rin ito makapaniwala sa inaasta niya

"Hindi ba't may kasabihan nga na the more you hate, the more you love? And I just realized na gusto na nga talaga kita"

"You're being unreasonable Katie"

"I'm just being me, Francis"

Kung hindi pa sana pumasok ang sekretarya nito para ilapag ang coffee ay sasagot pa sana si Francis. Halata ang pagkadisgusto nito sa ginagawa niya. You want me to play your game? Then I'll make your wish come true isip-isip niya sa sarili

Pagkaalis ng sekretarya nito ay matagal siyang pinagtitigan ni Francis. Hindi siya nagpatalo at ginantihan rin niya ito ng titig. Hindi siya susuko hangga't hindi niya nagagantihan si Francis. Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang kalandiang ito.

"Okay fine, you like me. So what's the plan?" tanong nito na unang bumawi sa pagtitigan nila

"Wala, I don't plan on committing yet. I just want you to know na simula ngayon lagi na kong nandito para sa'yo. I'll stay by your side" ngingisi-ngising wika niya

And so she will be.

MAGAGANDANG ARAW na ang dumadaan kay Katie. Unti-unti na niya kasing napapaikot si Francis at dahil sa ginagawa niya ay marami na siyang nalalaman sa binata. Noong mga nagdaang araw ay paniwalang-paniwala na talaga itong may gusto siya rito. Nakikita niya na hindi na talaga nag-aalinlangan sa kanya ang binata at panatag na ito na may gusto talaga siya.

Sa mga nagdaang araw ay marami na siyang nalaman na weakness nito. Ngayon nga sa araw na ito ay isakakatuparan niya ang isa sa mga plano niya. Makikipagkita siya kay Francis ngayon sa isang fine dining restaurant para magdinner at syempre doon na rin niya gagawin ang plano para mas marami pa siyang malaman sa binata.

"Late na ba ko?" pagpapacute niyang saad kay Francis

"Nope, you're just in time" wika nito na iniurong pa ang upuan para sa kanya Nagpapakagentleman naman ang kutong-lupa

Knowing Francis, hindi naman ito ang totoo. He could have been pero pinili nitong hindi maging gentleman sa mata niya noong mga panahon na binastos siya nito. Isa pa, tuwang-tuwa siya sa nagiging feedback ng kalokohan niya kay Franz. Napapatawa niya ito at napapangiti rin niya. Sige tawa ka lang, magdudusa ka sa'kin mamaya

Matapos nilang magdinner ay tinuloy na lamang niya ang pakikipagkwentuhan rito na pinapaunlakan naman ng binata. Pakiramdam talaga niya ay malapit na siya sa tagumpay, unti nalang at matutupad na niya ang inaasam niyang pangako sa sarili.

"You want to dance?" tanong sa kanya ni Francis matapos marinig ang slow dance na siyang pangunahing attraction ng restaurant na iyon para sa mga nagdi-dinner

"Nope, let's just stay here" saad niyang ikinatango naman nito

"Can I order another drink for us? May gusto kasi akong drink dito. I wanted you to try it with me" pagpapacute pa niyang tanong rito

"Sure" saad nito na ubod ng tamis ang ngiti sa kanya

Hindi niya pinarinig ang kinuha niyang alak para sa kanilang dalawa at nang dalhin sa kanila ang inorder niya ay halata ang naging pagbabago ng itsura ng binata. Isa iyong vintage wine na nitong mga nakaraang araw ay napag-alaman niyang weakness ni Francis. Madali kasing mahilo ang binata kapag ito ang iniinom. Kailangan sa araw na ito ay mapatumba niya ang dakilang John Francis Arevalo na gumulo sa tahimik niyang mundo.

"Ta-dah!" wika niyang siya na ang kusang nagbukas ng wine bottle na hawak

"O, bakit parang natulala ka diyan? Ayaw mo ba nito? Gusto ko pa naman ipatikim sa'yo ito" naglulungkot-lungkutan niyang wika sa binata

"Hindi naman pero kasi—"mahinang usal nito na halatang kabado sa nakikita

"Huwag mong sabihin na madali kang mahilo dito? Parang normal na wine rin lang naman ito" pagpuputol niya sa sanay sasabihin ni Francis

"Ha? Hindi ah, I have no weakness and such. Nope. Not at al!" wika nito na halata ang pagiging defensive

Agad namang napangisi si Katie sa kinakalabasan ng lahat. Na-provoke na niya si Francis. Mapainom lamang niya ito at makukuha na niya ang mga impormasyong makakapagpaganti sa kanya sa binata.

Wala siyang ginawa kung hindi dumadal ng dumaldal at aliwin si Francis. Siya ang nagsasalin ng wine rito habang siya naman ay napepeke ito sa pagtatapon ng alak na isinasalin sa kanya sa ice bucket na nasa ilalim lamang ng upuan niya.

"Alam mooo, h-hindi ko naiship na after so many yearsh magkakagushto ka sha'kin" wika ni Francis kay Katie na halatang lasing na rin sa tono pa lang ng pagsasalita. Pinindot na niya ang voice recorder para masimulan na ang kanyang plano.

"Talaga? then do you trust me?" ito na ang moment na pinakahihintay niya

"Yesh"

"Pwede ba kong magtanong sa'yo?"

"Sh-ure, my princshess"

"Ano ba ang pinakamalaking kahihiyan mo sa buhay?" unang tanong niya sa binata

"Kah-hihiyan? S-h-siguro iyong pinagt-rripan ako nung mga ka-bashketball ko n-nung college at hh-h-inubaran ako nung p-p-practice game"

"O talaga? Paano mo naman nasabi na iyon ang pinakanakakahiya?"

"E, kas-hi maraming n-nakak-kita lalo na i-iyong mga babae. And I was-h wearing a Barney boxer'sh for people's s-hake"

Hindi niya mapigilan ang sarili niya sa kakatawa. Ang lakas ng kutong-lupang ito na pagtawanan siya sa Hello Kitty underwear niya noong high school samantalang mas malala pa pala ito sa kanya. College na, nagba-Barney pa.

"Okay, okay. Let's skip that topic. How about iyong sa parte ng katawan mo? Ano ba ang pinakapangit na parte ng katawan mo na ayaw mo malaman ng ibang tao?" pangalawang tanong na niya kay Francis

"Will y-you promish-e to keep it a secret?" mapungay na matang tanong sa kanya ni Francis

"Yes" cross finger na sagot niya kay Franz

"Actually..."

"I have a ishmall birth mar-k in my butt"

Hindi na siya agad na nakapareact sa sinabi nito. Napigil niya ang kaniyang paghinga at halos mamula-mula na ang kanyang pisngi sa sobrang pagtitiis pero ng hindi na talaga nakayanan, ayun at nailabas niya lahat ng kinikimkim niya.

Sobra-sobra ang pagtawa ni Katie sa sinabing iyon ni Francis. Gusto niyang dumapa at gumulong sa sahig dahil sa narinig niya mula rito. Mabuti na lamang at hilo na ang kaharap niya. Hindi na siya kayang batukan nito at malamang-lamang lang na kinabukasan ay wala itong maaalala sa pinagsasabi sa kanya. Dinali niya ata ang weakness ni Francis. Ngayon alam na niyang may balat sa pwet ang binata!

Maya-maya pa ay ramdam na ni Katie ang pananahimik ng palagid sa pagitan nila ni Francis at nang muling lingunin niya ito ay nakayuko at nahihimbing na palang natutulog ang binata. Wala na itong kamalay-malay sa nangyayari sa paligid at kahit ilang beses niya itong kurutin ay hindi na umiimik talaga ang binata.

Napagtitigan niya ang nahihimbing na anyo nito. Sa makapal at mahahabang pilik-mata nito ay masasabi talaga niya ang ganda ng mukha ng binata. Idagdag pa ang makinis nitong balat, matangos na ilong at maliit nitong labi na lalong nakapagpadagdag ng appeal ng dakilang playboy ng batch nila.

"Alam mo, kung hindi mo sinimulan ang gera na'to. Wala naman akong balak na guluhin rin ang mundo mo pero ikaw ang nagsimula ng lahat Francis. Ginagawa ko lang ang sana ay matagal ko nang ginawa sa'yo" wika niya habang pinagtititigan pa rin ang nahihimbing na binata

Ayaw na niyang masaktan pa ng dahil sa lalaking ito, hindi na kaya ng pride niya na mahumaling pa kay Francis. Isa pa, ito na ang pagkakataon niyang makaganti rito.

LUMIPAS NA ang isang oras na tulog si Francis ay wala pa rin ang sundo nito. Hindi naman niya kayang iuwi ito at kahit nasa kalingkingan man niya na makayang buhatin ang binata ay hinding-hindi niya gagawin. Kaya naman kahit nangangalay na siya sa pagpapahiram ng balikat niya sa kutong-lupang sumira ng pagkatao niya ay tinitiis lang niya, hindi naman siya ganoon kabrutal para pabayaan na lamang itong mag-isa roon. Isa pa masisira ang plano niya kapag ganoon ang ginawa niya, baka maturn-off pa agad sa kanya ang binata.

"Sorry I'm late" wika ng lalaking tinawagan niya para maihatid si Francis sa kung saan lupalop man ito dapat dalhin

"No it's okay Warren, thanks for coming" wika naman niya sa nakatatandang pinsan ng kutong-lupa na nahihimlay pa rin sa tabi niya

"Woohh, what happened to this guy?" disgustong reaksiyon ni Warren ng makitang tulog na tulog ang pinsan

"Doze off after drinking too much" saad naman niya na nagkibit-balikat lang. She doesn't need to care

"Hayy naku! Pasalamat ka nalang at pinsan kita kung hindi ihuhulog talaga kita sa pinakamalapit na bangin na madadaanan natin mamaya" wika pa ni Warren sa nahihimbing na pinsan nito habang unti-unting inaayos para madaling maidala sa sasakyan

"O, paano, una na ko hah? Thank you Warren!" pagpapaalam naman ni Katie na tumalikod na sa binata pero bago pa man siya makalayo ay tinawag muli siya nang taong kasalukuyang nagpapatibok sa puso ng kanyang kaibigang si Abby

"Kate!"

"O?"

"You know right?" tanong nito sa kanya

"I know na ano?" nagugulumihanan namang balik-tanong niya

"Na hindi niya kayang tagalan at madali siyang nahihilo sa wine na 'to" wika nito na mariing nakatuon sa isasagot niya

Nang hindi niya masagot ng daretso ay muling nagsalita si Warren

"I know, you've feel like hell ever since nagkita ulit kayo ni Francis, at hindi rin tinupad ng topak kong pinsan ang pinangako niya sa mga kaibigan mo na hindi ka guguluhin kapalit nang pagkikita niyo pero do you think this will work out? I mean, will revenge take you where you wanna be?"

Revenge? Alam niyang madadala siya nun sa kagustuhan niya. It will work out, confident siya sa parteng iyon. Sa panahon na ito ay higit kanino man ang determinasyon niyang magantihan si Francis. Kung alam lang ng lalaking ito na ang nagbukas sa isip niya para magtake ng revenge kay Francis ay walang iba kung hindi ang suhestisyon ng iniirog nitong si Abby, ano kaya ang magiging reaksiyon ng binata?

"To be honest, I know everything at oo sinasadya ko 'to pero don't worry Warren. Everything will work out just fine. Mas maganda kung ang problemahin mo nalang ay ang date niyo ni Abby bukas, you have to make her happy or else you'll lose"

Iyon na lamang ang wika niya at iniwan na niya ang magpinsan. She won't lose. Tiyak na ang gagawin pa niyang mga hakbang sa paghihiganti kay Francis.

"ARGHH..."

Kumirot kaagad ang ulo ni Francis pagka-aninag na aninag niya sa sikat ng araw. Ano ba ang nangyari sa kanya? At nasaan na ba siya? Ang huling natatandaan lang niya ay kasama niyang kainuman si Katie. At....at....ano na nga bang nangyari?

"Buti naman at gising ka na, sira na ba talaga ang ulo mo para makipagmatigasan sa wine na iyon?" bungad na bati sa kanya ng nakatatanda niyang pinsan na si Warren habang mariing nag-aayos ito ng sarili

"Anong nangyari?" nanghihinang tanong pa rin niya

"Lutang ka pa nga talaga! Ni wala ka pang maalala. Tinulugan mo lang naman iyong ka-date mo. Pasalamat ka at hindi mo kasama ang tatlong guwardiya ni Katie. Kung hindi baka nabatukan ka lang ni Aya sa pinag-gagawa mo. Since na pagod na rin ako, dito na kita dinala sa bahay at pinatulog sa kwarto ko"

What a life! Oo nga pala at kasama niya si Katie kagabi. Ano nang sasabihin ngayon ni Kate dahil sa pagkahilo niya? Kung kailan na-inlove na sa kanya ang dalaga tsaka pa nagkaganito ang lahat!

"Aray..." daing nanaman niya sa sakit ng ulo niya

"Tumayo ka na at kumain sa baba. Pinagpahanda na kita ng almusal at nandoon na rin iyong gamot mo. Mabuting magpahinga ka muna ngayon kung ayaw mong wala kang matapos na matinong trabaho sa opisina mo" pagbibilin pa ni Warren na gumana nanaman ang pagiging doctor sa kanya

"Thanks bro" pagpapasalamat na lamang niya rito

"Hindi ka pupunta sa ospital?" pagtatanong ni Francis nang makitang hindi pormal ang bihis ng pinsan

"Sabado ngayon tol, I have a date with Abby. Maghilamos ka na nga ng mahimasmasan ka!"

"Going well naman ba?" pakikielam pa rin niya ng hindi pinapansin ang huling sinabi nito

"Hindi pa ko panatag pero I'm trying my best, dadalhin ko siya sa Hacienda para makita ang lupain ng mga Vallarde"

"Hindi ka kaya bastedin ng maaga ni Abby diyan sa gagawin mong pagyayabang?"

"I'm just going to state some facts. Sige na at ipahinga mo na yang ulo mo! Malayo-layo pa ang tatakbuhin mo sa panunuyo kay Katie dahil sa pagkahimbing mo kagabi. I'm going to be late, mamaya nalang tayo mag-usap!"

Lumabas na ang pinsan niya sa kwarto at tahimik na naiwan na siya sa loob. Panibagong araw nanaman, hindi niya maisip na darating ang panahon na kailangan niyang suyuin si Katie. At in a good manner pa. Define unbelievable nga naman.

"KATIE! KATIE! I'm sorry for last night!" paghahabol ni Francis kay Katie habang humuhingi ito ng tawad sa pagkakalasing nito noong nagdaang gabi

Kagaya ng inaasahan ay sumasang-ayon nanaman sa lahat ang plano niya. Kung malaman kaya ng binata na talagang sinadya niya ang lahat ng nangyari rito, ano kaya ang magiging reaksyon nito? Malamang ay uusok nanaman ang ilong nito sa kanya. Mabuti na lamang hindi pa ito ang tamang panahon para maisakatuparan ang paghihiganti niya.

"Okay lang iyon Franz, I understand naman" wika naman niya na inaayos ang mga damit na nakadisplay sa boutique niya

"Are you sure? Pinapatawad mo na ko?"

"Uhm, Oo kaso syempre dapat palitan mo yung favor ko, inalagaan naman kita nung nalasing ka" pagpapacute pa niya na hinarap ang binata

"I promise! As in, babawi ako sa'yo! It's a good thing, I am going to attend a party the day after tomorrow, can I ask you to be my date?" paga-anyaya kay Katie ni Francis

"Party?" pagtatanong niya na bahagyang may pag-iisip

"Yup, a party"

"Formal gathering?" pagkukumpirma niya

"Yes"

Lumubo ang ngiti sa kanyang mga labi ng malaman ang sinabi ni Francis. Hindi niya akalain na madali siyang makakahanap ng pagkakataon para magantihan ang binata pero madali na rin iyon. At least matatapos na siya sa pekeng paglalandi niya rito.

"I'll go" masayang pagkumpirma na ni Katie sa alok ni Francis. Her day finally arrived!

Continuar a ler

Também vai Gostar

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1K 123 49
a short Epistolary Galing sa isang kilalang pamilya si Hershey and palagi silang nagsisimbang gabi sa isang simbahan. There she met Gabriel who caug...
172K 9.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.