Final Chapter

641 16 0
                                    

"BESTFRIEND, MAGPAHINGA ka na naman" pag-aalo ni Aya sa kanya ng madatnan siya nitong nagtatrabaho pa rin sa loob ng opisina niya

Kasama rin nito si Abby at Shirley na mukhang kakagaling lang sa trabaho. Siya na rin naman ang pilit na napangiti ng makita ang mga ito.

"O, bakit kayo nandito? Late na ah"

"Para patigilin ka na sa kahibangan mo. Alam mo ba itong ginagawa mo sa sarili mo Katie? Pinapatay mo ang sarili mo" bakas niya ang inis sa boses naman na iyon ni Shirley sa kanya

"Ano ba kayo, ganito talaga ako" pagtatanggol naman niya sa sarili

Alam naman kasi niyang matrabaho talaga siya. Doon niya itinutuon ang lahat ng bagay kapag may ayaw siyang maalala.

"Hindi ka ganito, mas malala ka na ngayon. Dati naman nagagawa mo pang makatulog kahit anong dami ng trabaho mo. Bakit ngayon ni ipigit iyang mata mo para makapagpahinga ay hindi mo magawa?" si Abby

"Kakatulog ko lang kanina" pagsisinungaling naman niya

"Kung nakatulog ka kanina, hindi dapat ganyan ang itsura mo. Halika nga rito"

Hinawakan siya ni Aya upang maitayo pero pagkahawak na pakahawak nito sa kanya ay binitawan naman agad siya. Agad ding lumitaw ang nag-aalalang ekspresyon nito matapos ay hinawakan ang noo at leeg niya.

"Oh no" saad ni Aya habang patuloy sa paghawak sa noo at leeg niya

"Bakit Aya?" nag-aalalang tanong na rin ni Shirley

"Abby, tawagan mo si Warren. Ang taas ng lagnat ni Katie. Itanong mo kung ano dapat ang ipainom natin na gamot"

Maski siya ay nagulat sa sinabi ng mga kaibigan niya. Okay naman kasi ang pakiramdam niya. Isa pa hindi naman siya mainit kagaya ng sinasabi nito.

"Hindi naman ako mainit, ang lamig ko nga eh" paghawak na rin niya sa sarili niya

"Loka-loka! Hindi mo mararamdaman iyan dahil mainit ang buong katawan mo" saad naman ni Shirley na pinapagalitan na rin siya

"Sabi ni Warren, painumin daw muna ng paracetamol si Katie" wika naman ni Abby matapos ibaba ang telepono

"Sige na, ako na bibili" saad naman ni Shirley na pinigilan niya

"Huwag na bestfriend, meron ako diyan sa taas ng ref" saad naman niya

Nang sinubukan niyang tumayo para siya na sana ang kumuha ay muntikan na siyang matumba. Naramdaman na rin niya ang pagkahilo at parang bumigat na rin ang ulo niya

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh" wika ni Abby na dinala na siya sa sofa bed para makahiga

Hindi siya nakapagreact dahil naramdaman na rin nga niya ang sintomas na may sakit nga talaga siya. Hindi naman niya namalayan na ganoon na pala ang sitwasyon ng katawan niya.

"Here, uminom ka na"

Sinunod at sinubo na lamang niya ang gamot na binigay ni Shirley. Nagpasalamat na rin siya sa tulong nito.

"Iuuwi ka na namin sa condo mo. Magpahinga ka na lamang muna roon. Huwag ka munang pumasok sa trabaho mo rito at kaya na naman ng mga tauhan mo. You're getting worst Katie. Alam namin nararamdaman mo pero hindi pwede sa ganito mo idaan ang lahat"

"Nandito naman kami para sa'yo. Bestfriend mo kami kaya hindi mo matatago ang tunay na dahilan kung bakit nagkakaganyan ka. Isa pa pinagdaanan din namin ni Aya iyan. Alam naming mahal mo siya pero hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo ng ganito"

A War Like LoveWhere stories live. Discover now