Chapter Six

325 12 0
                                    


"WILL YOU TELL your ex na pigil-pigilan niya iyong pinsan niya sa panggugulo sa tahimik kong buhay?"

Magkakasama nanaman silang magkakaibigan sa restaurant ni Aya. Simula pa noong dumating siya ay wala na siyang ginawa kung hindi ang magsumbong sa mga ito.

"Alam mo Katie, mas madali mong matatakasan ang pangungulit sa'yo ni Francis kung kahit papano pipigilan mo ang pag-usok ng ilong mo sa kanya" sagot naman sa kanya ni Abby na halatang ikinakalma pa rin ang pagkabuwisit niya

"Hindi ka na nasanay kay Francis e, sumala pa noong high school tayo ganoon na iyon sa'yo" saad naman ni Aya sa kanya

"Hindi niyo kasi naiintindihan e. Sinisira ng lalaking iyon ang pagkatao ko. Ginugulo niya ang buhay ko" pagdadahilan naman ni Katie sa mga kaibigan niya

"Ganoon ba kahirap ang magkagusto sa lalaking kinaiinisan mo?" biglang tanong naman ni Shirley na ikinatingin nilang tatlo

"What? Iyon lang naman ang naiisip ko kung bakit nagkakaganyan si Katie" pagsasaad pa nito sa kanila dahil tatlong silang nagulat sa sinabi ni Shirley

"Hey, hindi ko gusto iyong kutong-lupang iyon no!" pagtatanggol naman niya sa sarili

"Eh bakit ka defensive?" tanong muli sa kanya ni Shirley

"Hindi ako defensive, I'm just stating facts. Nakakaburyo kaya"

"Alam mo bestfriend to deal with Francis, you only have two choices. It's either pigil-pigilan mo iyong pagkaasar mo sa kanya o kaya naman ay mag-isip ka ng way para maintindihan niyang hindi ka dapat niya ginaganyan" suhestisyon naman ni Abby na ikinaisip niya

Napaisip naman siya sa sinabi nito. Way? Para ipaintindi kay Francis na hindi ako dapat tinatrato ng ganito? Sa lalim ng pag-iisip niya ay hindi na lamang niya maiwasang mapangiti. Tama! Kung gusto niyang matapos ang paghihirap niya kay Francis ay kailangang maiparamdam niya rito na mali ito ng binabangga. Ngunit sa paanong paraan naman niya gagawin ito?

SA SUMUNOD NA mga araw ay pinag-isipang mabuti ni Katie kung anong klaseng paghihiganti ba ang dapat niyang gawin kay Francis. Kailangan ay maka-isip siya ng paraan para layuan na siya ng binata. Iyon lang naman ang target niya, ang magawa niyang patigilan ito sa panggugulo sa tahimik niyang buhay. After all, he started messing with her. Para mapakita niya ritong hindi siya magpapatalo, it is a must na makita nito ang pait ng ganti niya.

"Ipabugbog ko kaya sa mga mafia?" pagkausap niya sa sarili

"Hindi pwede, baka matamaan ang mukha sayang naman ang kagwapuhan ng kutong-lupang iyon"

"Regaluhan ko kaya ng ahas?"

"Kaya lang kawawa naman yung ahas kung makakatuklaw ng parte ng katawan noon"

"Hmm..." hindi pa rin matapos na pag-iisip niya

Ilang beses pa siyang nag-isip ng isang bagay na makakapagpasuko sa binata at pagkalipas na lamang ng ilang sandali ay nagawa na niyang makaisip ng matinong paraan. After all, para magantihan niya si Francis ng walang masasaktan sa physical appearance nito ay ang durugin lang naman ang pride ng binata. Hindi na niya maiwasang mapangiti, dahil doon ay naka-isip na rin siya ng matinong plano para rito. Ready na siyang pasukuin ang isang Arevalo. Lagot ka sa'kin ngayon kutong-lupa ka!

"CAN I know where Mr. Arevalo's office is?" tanong ni Katie sa reception area ng Techno Plus.

Nandoon siya para ipagpatuloy ang plano niya kaya naman sa panahon na ito ay wala nang makakapigil pa sa kanya. This will be her surprise attack.

"Do you have an appointment with him Ma'am?" balik-tanong naman ng babae sa kanya

"Actually wala pero pakisabi nalang na nandito si Ms. Katie Cruz of Beldana's Fashion para makausap siya, kilala niya ko"

A War Like LoveWhere stories live. Discover now