Moymoy Lulumboy Book 2 Ang N...

By Kuya_Jun

78.7K 2.9K 111

Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2: NAIIBANG KAKLASE
KABANATA 3: MGA TIBARO SA AMALAO
KABANATA 4: PATUNGO SA GABUN
KABANATA 5: ANG NAGPAKILALANG INA
KABANATA 6: ANAK NI BUHAWAN
KABANATA 7: ANG KAPANGYARIHAN NI AMORA
KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA
KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW
KABANATA 10: SI TRACY SA SIBOL ENCANTADA
KABANATA 11: ANG DALAWANG INA AT ANG DATING MUNDO NG MGA TIBARO
KABANATA 12: ANG MGA WAKWAK
KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?
KABANATA 14: ANG PAGDALAW
KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO
KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?
KABANATA 17: DAMDAMIN NG ISANG INA
KABANAT 18: SA BULKAN NG TAAL
KABANATA 19: ANG NAGHAHANAP
KABANATA 21: MAY BALITA ANG BALA
KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW
KABANATA 23: ANG BUHAY NA SI BUHAWAN
KABANATA 24: ISA SA MGA GINTO NG BUHAY
KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY
KABANATA 26: INA NG MGA ANAK
KABANATA 27: ANG PAGSAULI
KABANATA 28: INGKONG DAKAL
KABANATA 29: NARITO LAMANG AKO
KABANATA 30: MGA BINALIKAN

KABANATA 20: SA LIBRARY NAGANAP

1.7K 73 12
By Kuya_Jun



NANATILING NAKATAYO si Montar. Pinili niyang manatili sa library para bantayan ang birtud ni Buhawan. Kanina pa niya gustong wasakin ang birtud sa pamamagitan ng kanyag diwani pero nananatili itong buo.

Muli niyang ginamit ang kanyang nagniningning na hintuturo. Lumabas doon ang apoy at nagtungo sa birtud ni Buhawan. Mag-aapoy ang birtud saglit pero namamatay rin at nanatili itong buo. Sinubukan pa niyang muling ibato ito sa dingding sa pamamagitan ng kanyang diwani pero muli itong babagsak sa sahig na buong-buo at titibok pa. Pinilit pa rin niya itong wasakin. Pinaikot-ikot ni Montar ang birtud sa hangin at biglang ibinabato sa salamin ng kabinet. Mababasag ang salamin, pero pagpagsak nito sa sahig ay buong-buo pa rin ito. Nananatiling buhay na buhay ang birtud ni Buhawan!

Naiibang birtud ang birtud ni Buhawan! hiyaw ni Montar sa kanyang isipan.

Pinagmamasdan niyang muli ang birtud habang tumitibok-tibok sa sahig. At pagkaraan lamang ng ilang sandali ay bumilis ang pagtibok nito at lalo pang nagkulay pula!Puno ng kasamaan! Hindi kaya ng diwani ko na puksahin ang kasamaan ni Buhawan!

Sa may bintanang salamin ng library, nakita niya ang papalapit na tatlong ekik. Nalalaman niyang sakay ng tatlong ekik sina Pontotho, Robert, at Maura. Nang malapit na ang mga ito'y dumiretso silang bumulusok sa bintana na ikinabasag ng salamin.

"Ang birtud ni Buhawan!" sigaw ni Pontotho pagkakita nito sa sahig, sabay baba niya sa sakay na ekik. Magkahalong kasabikan at kagalakan ang kanyang naramdaman pagkakita sa birtud ni Buhawan.

Bumaba rin sina Robert at Maura sa sinasakyang mga ekik.

Bahagyang gumalaw ang birtud.

"Walang gagalaw sa birtud!" sigaw ni Montar.

"Nauulol ka na pala, Montar! Wala naman talagang makakagalaw niyan kundi si Robert lang, ang anak ni Buhawan!" galit na sabi ni Pontoho.

"Sino ba 'yang unanong 'yan at nakikialam sa 'tin?" tanong ni Maura na ang tinutukoy ay si Montar.

"Mensahero ng mga Apo. Dahan-dahan ka sa kanya, may diwani 'yan," ani Pontotho.

"Ganyan?" nanunuyang sagot ni Maura.

"Robert! Ikaw ay anak ni Buhawan! Ikaw lang ang makakahawak niyan! Kunin mo na! Lunukin mo na!" natutuwang utos ni Pontotho. "Lunukin mo na!"

Hindi makagalaw si Robert. Hindi siya makapaniwala sa hitsura ng birtud; kulay pula na mistulang laman na tumitibok-tibok. Hindi rin nakatakas sa kanya ang mga mata ni Buhawan na nasa loob niyon na waring nakatingin sa kanya!

"Ikaw lang ang makakahawak niyan, Robert! Wala dito sa amin ang makakahawak ng birtud ni Buhawan!" sigaw ni Pontoho sa kanya. Magkahalong kasabikan at kagalakan pa rin ang tinig nito.

Naramdaman ni Robert na nanginig ang kanyang katawan habang pinagmamasdan ang birtud. Naisip niya—Ano ba ang mangyayari sa akin kapag nilunok ko ang birtud?

Gumulong-gulong ang tumitibok-tibok na birtud ni Buhawan at nagtungo iyon sa paanan ni Robert. Bantulot na pinulot ito ni Robert nang biglang ituro iyon ni Montar para gamitin ang diwani. May ilaw na nagmula sa hintuturo nito na nagtungo sa birtud. Itinaas ni Montar iyon para hindi tuluyang mahawakan ni Robert.

Sumugod si Pontoho kay Montar nang biglang itinuro niya rin ito at itinulak ito palayo sa kanya. Siya namang pagbagsak ng birtud sa sahig. Akmang dadamputin na muli ito ni Robert nang biglang inangat muli ni Montar ito sa pamamagitan pa rin ng kanyang diwani. Pinaikot-ikot ni Montar ang birtud sa buong library. Sabay-sabay nilang inikot-ikot din ang tingin—sinusundan ang pag-ikot ng birtud!

"Itigil mo 'yan!" nainis na sigaw ni Maura kay Montar nang mapagod sa kasusunod sa paikot-ikot na birtud.

Natigilan ang lahat nang sa malaking bintana, mula sa basag na salamin nito ay dumapo ang malaking ibon. Si Moymoy, bilang isang dambuhalang ibon ay sakay sina Wayan, Hasmin, Luigi, at Carla. Dagling bumaba ang tatlo at dagli ring nagbalik sa tunay na anyo si Moymoy.

"Ang birtud!" sigaw ni Wayan nang makita niyang umiikot-ikot ito sa gitna sa loob nglibrary.

Nananatiling nakaturo ang hintuturo ni Montar sa birtud; naroon pa rin ang ilaw na nagtutungo roon. Hininto ni Montar ang pag-ikot nito. Lahat ay nakatingin sa birtud ni Buhawan. Dagling lumapit si Moymoy para kunin iyon pero biglang tumilapon ang kanyang katawan.

Natawa si Buhawan. "Hindi mo mahahawakan 'yan, Moymoy dahil hindi ka kaano-ano ni Buhawan! Hindi ka niya kadugo!

Biglang lumapit si Robert at sinunggaban ang birtud.

"Huwag!" sigaw ni Wayan.

Nanlalaki ang mga mata ni Robert na nakatingin sa birtud na sapo-sapo ng kanyang dalawang palad. "Ang Papa..."

Patuloy na tumitibok-tibok ang birtud.

Natigilan ang lahat nang makaramdam sila ng pagdagundong. Bumukas ang shelf at mula roon ay narinig nila ang isang atungal. Ang atungal ng damugong! Muli, biglang dumagundong. Kasabay noo'y gumalaw ang kabahayan na para bang lumilindol.

"Ang damugong! Sa yungib!" sigaw ni Pontotho.

Nanatiling nakahawak si Robert sa birtud, pinagmamasdan iyon. Magkahalong takot at kasiyahan ang kanyang naramdaman.

Akmang susugod si Wayan kay Robert para agawin ang birtud nang biglang gumalaw ang mga patay na hayop sa dingding. Ang mga taxidermy ay nagkakaroon ng buhay!

Ang mga ulo ng patay na hayop na nakadikit sa dingding ng library ay tuluyan nang nagkaroon ng buhay—nagkaroon ng mga katawan na mistulang mga ahas na gumapang sa buoong silid—binantayan, pinaikutan ang kinarotoonan ni Robert!

"Nagising ang damugong!" sigaw ni Pontotho.

Nagpatuloy ang pag-uga ng buong bahay. Ang mga dingding ay unti-unting nawawasak.

Ang mga hayop na nabuhay ay nagsimulang umatake kay Moymoy at sa kanyang mga kasamahan. Bigla, ang isang hayop na buwaya ay sinagpang si Carla.

"Carla!" sigaw ni Luigi.

Pagkasigaw ni Luigi ay bigla rin siyang sinaklot ng isang hayop na may ulo ng isang malaking agila na nanlilisik ang mga mata. Ibinuka nito ang malaking tuka.

Nagsisigaw sina Carla at Luigi sa takot.

Dagli ay itinaas ni Moymoy ang kanang kamay at mula roon ay lumabas ang mahabang espada. Iwinasiwas iyon at nang akmang silain ng buwaya si Carla ay bigla niyang pinutol ang leeg nito. Nakawala si Carla. Pagkatapos ay mabilis na bumaling si Moymoy sa dumagit na agila kay Luigi at bigla rin nitong ginapas ang ulo. Nahulog ang ulo ng agila sa sahig. Nawalan nang buhay ang hayop at nakawala si Luigi.

Ang mga natirang hayop na nabuhay ay nagpaikot-ikot sa loob ng library hanggang sa ang dingding ng bahay ay nagkawasak-wasak na. Pero kahit na umiikot-ikot ang mga ito, nanatiling pinapagitnaan ng ito si Robert—pinoprotektahan nila si Robert na para bang kung sino man ang may tangkang lalapit dito ay papatayin nila.

Nanatiling nasa mga palad si Robert ang birtud ni Buhawan.

"Robert! Ano pa'ng hinihintay mo, lunukin mo ang birtud!" sigaw na muli ni Pontoho. Ngayon ay hindi na kasabikan ang kanyang tinig kundi nagagalit na siya kay Robert.

Biglang nawasak na nang tuluyan ang mga dingding. Pagkatapos ay tumambad sa lahat ang yungib. Bumagsak ang sahig at ang lahat ay nakarating sa yungib na kinaroronan ng lawa. Kitang-kita ng lahat ang nagniningning na Ginto ng Buhay. At ang damugong na bantay, nakanganga ang bibig nitong umaatungal—binabalaan ang sino mang hahawak sa binabantayan.

"Ang Ginto ng Buhay!" sigaw ni Wayan pagkakita sa ginto.

"Huwag niyong gagalawin 'yan!" sigaw ni Robert.

"Lunukin mo na 'yan!" sigaw ni Maura kay Robert.

"Lunukin mo na 'yan, Robert!" sigaw ni Pontoho na nawawalan nang pasensiya. "Kailangan natin si Buhawan! Kukunin nila ang ginto!"

Biglang lumundag si Moymoy patungo sa ginto at pagkatapos ay dagli siyang nagkaroon ng pakpak. Bigla siyang hinarang ng damugong. Iginalaw nito ang buntot at sinipa palayo si Moymoy kaya tumama ito sa pader ng yungib at bumagsak sa tubig.

"Moymoy!" sigaw ni Hasmin.

Biglang tumalon si Hasmin sa lawa para sagipin si Moymoy.

"Humanda kayo!" Bigla, isinubo ni Robert ang birtud! Nilunok niya iyon. "WAAAAA!"

Sumigaw si Robert nang pagkalakas-lakas na parang pinakawalan sa kanyang katawan ang hindi niya maintindihang damdamin—gusto niya ng kapangyarihan pero hindi niya nalalaman kung ano ang susunod na mangyayari!

Biglang nanlaki ang mga mata ni Robert. Lahat ay sa kanya nakatingin. Kasunod noo'y nanginig ang buong katawan niya. Napahawak siya sa kanyang lalamunan na parang may hapding naramdaman at pagkatapos ay muli pang nanlaki ang mga mata nang maramdamang nasa kanyang lalamunan na ang birtud! Naramdaman niyang dumikit iyon sa kanyang lalamunan. Naramdaman niyang may kumalat na kakaibang init sa kanyang katawan na nagumula sa birtud. Pumikit siRobertat nang buksan niya ang kanyang mga mata ay mga mata na ni Buhawan ang pumalit. Bigla, parang nagliyab ang init sa katawan ni Robert—naging kulay pula ang kanyang balat at sa isang saglit lamang ay nag-iba nang tuluyan ang kanyang kabuuan—siya na si Buhawan!

Isang malakas na halakhak ang narinig ng lahat nang mabuhay siyang muli. Isang umaalingawngaw na boses ni Buhawan ang sumunod na pinakawalan. Tiningnan ang lahat—isa-isa!

"Buhawan!" Humalakhak sa tuwa si Pontoho. "Sabi na nga ba! Sabi na nga ba! Hindi ka puwedeng mamatay!"

"Maligayang pagdating, Buhawan." Yumuko si Maura para magbigay galang kay Buhawan.

Hindi pinansin ni Buhawan si Maura. Higit niyang pinagtuunan ng pansin a ang Ginto ng Buhay na lululutang at nagniningining. Nagulat siya nang bigla'y iniluwa ng lawa si Moymoy—may pakpak at bumulusok paitaas kasama si Hasmin na nasa likuran nito.

"Moymoy, ang ginto ng buhay! Kunin mo!" sigaw ni Montar.

Biglang lumundag si Buhawan patungo sa kinaroronan ng ginto.

Akmang kukunin ni Moymoy ang ginto nang harangin siya ni Buhawan. Sabay nama'y ibinuka ng damugong ang kanyang bibig at isinubo ang Ginto ng Buhay! Biglang naggaggalaw ang damugong at tuluyan nang lumabas sa lawa at sa lagusan. Para itong malaking dambuhala na kumakawala sa matagal na pagkakakulong. Mabilis na sumakay sa likuran ng damugong si Buhawan. Pagsakay niya'y ibinukang muli ng damugong ang bibig at lumabas doon ang ginto. Lumutang sa hangin at biglang sinunggaban iyon ni Buhawan. "Akala niyo, mapapasa-inyo ito!" Natatawang sabi ni Buhawan kay Moymoy.

Samantala ang mga hayop na nabuhay ay tuluyan pa ring naggagapangan sa loob ng nawawasak na bahay ni Buhawan.

Biglang umatungal nang napakalakas ang damugong. Pagkatapos niyon ay ibinuka nito ang kanyang mga pakpak at lumipad paitaas na ikinawasak ng bubungan ng bahay. Si Pontoho ay nag-iba ng anyo—naging isang malaking ibon na kulay itim at lumipad, sumunod kay Buhawan. Naiwan si Maura na nakatayo sa natitirang sahig ng library, katabi ang ekik. Tumingin sa lahat at pagkatapos ay binalingan ang ekik, sabay sakay roon.

Biglang lumipad si Moymoy para habulin si Buhawan.

Biglang naglanaag si Hasmin—hinati ang katawan at lumabas ang itim na pakpak sa likuran.

"Hasmin! Huwag! Hayaan mo si Moymoy!" sigaw ni Montar.

Parang walang narinig si Hasmin na sumunod kay Moymoy.

Sa paglipad ni Moymoy, bilang sa tunay na anyo na may pakpak, nagulat siya sa kanyang nakita sa ibaba. Sa kalsda ay maraming mga taong nakatingin sa nangyayari sa bahay ni Buhawan. Nag-uusyoso sila sa kakaibang nangyayari. Kahit na malayo ang kinaroronan ni Moymoy ay kitang-kita niya ang mga tao. May nakita siyang sasakyan ng mga pulis at mga sasakyan ng bombero.

"Ayun pa! May lumilpad uli!" sigaw ng isang taong naroon sa kalsada.

Nang makita ni Moymoy na papalapit si Hasmin bilang manananggal ay nagulat siya. "Bumalik ka Hasmin! Balik! Baka mapahamak ka!"

"Manananggal! Manananggal!" sigaw ng iilan sa mga taong nasa ibaba.

Pagkaraan lamang ng ilang saglit ay may narinig na putok si Moymoy. Naging sunod-sunod iyon. Kitang-kita niya ang mga balang nagtutungo sa kanila ni Hasmin. Nagawa niya iyong iwasan. Pero laking gulat ni Moymoy nang makitang duguan ang braso ni Hasmin. Tinamaan ito ng bala!

Nanlaki ang mga mata ni Hasmin pagkakita sa dugo sa kanyang braso! Nakaramdam ng sakit! Biglang siyang niyakap ni Moymoy at mabilis na lumipad pabalik sa gumuguhong bahay ni Buhawan.

Yakap-yakap pa rin Moymoy ang katawan ni Hasmin nang makabalik sa bahay ni Buhawan. Marahang ipinatong ang katawan ni Hasmin sa tibalok nito. Hapong-hapo si Hasmin at pagkatapos ay hinimatay nang tuluyan.

"Nakita ng mga buntawi ang nangyayari dito—dito sa bahay ni Buhawan," sabi ni Wayan.

Napansin ng lahat na nang pag-alis ni Buhawan ay tuluyan nang nangamatay ang mga hayop na nabuhay sa library.

"Kailangan na tayong umalis dito! Nanganganib ang kalagayan ni Hasmin!" mabilis na sinabi ni Montar.

Ang lahat ay tahimik na nagtungo sa likod ng bahay ni Buhawan at tuluyan na itong nilisan.

At tuluyan nang gumuho ang bahay ni Buhawan.

1

Continue Reading

You'll Also Like

115K 5.6K 36
"Where happiness ends, reality begins..." Akala nina Rob at Paulo ay puro saya na lang ang buhay sa piling ni Gab na ngayon ay apat na taong gulang...
2.3M 76.8K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
103K 1K 3
CONTENT WARNING: STRONG LANGUAGE AND SUICIDAL IDEATION. (De Azarro Primo) Tamad po akong tao...slowupdate...ew..sapian sana ng kasipagan...sensitive...
23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...