Love from Within (A Jeron/Jer...

By MissEngot

51.4K 724 116

The world is as literally as big as it seems but in the perspective of Maddison, It's a small world after all... More

Prologue
Chapter 1 ~ Embarrassment
Chapter 2 ~ Ms. Titanium
Chapter 3 ~ Call
Chapter 4 ~ Past
Chapter 5 ~ Encounter
Chapter 6 ~ I'm his Savior
Chapter 7 ~ Ms. Gorgeous
Chapter 9 ~ Unexpected call
Chapter 10 ~ Her secret
Chapter 11 ~ Big sister
Chapter 12 ~ Awkward
Chapter 13 ~ Too Close
Chapter 14 ~ Stress
Chapter 15 ~ Pageant Night
Chapter 16 ~ A date?
Chapter 17 ~ Meeting him again
Chapter 18 ~ Conversation
Chapter 19 ~ Confession
Chapter 20 ~ Confused
Chapter 21 ~ Addi
Chapter 22 ~ Intertwined
Chapter 23 ~ Achi is back
Chapter 24 ~ Broken Promise
Chapter 25 ~ Sibling rivalry
Chapter 26 ~ Recall
Chapter 27 ~ Almost
Chapter 28 ~ Truth
Chapter 29 ~ Forgotten Memories
Chapter 30 ~ Cheating
Chapter 31 ~ Goodbye
Author's Note
Chapter 32 ~ Time-out
Chapter 33 ~ Bounce Back
E P I L O G U E

Chapter 8 ~ With Mr. J

2K 21 1
By MissEngot

A/N:

Hello! Sorry late ung update pero bawi naman kasi mahaba :) Enjoy reading! Comment comment and vote din pag may time! Thank you!

-MissEngot

------------

Maddison's POV

"No. Ayoko. Hindi. Period. The end." Habang nagbibihis ako ng pambahay.

"Sige na Madds! Ikaw lang ang pwede!"

"Anong ako lang? Ang dami-dami eh! Sila na lang, 'wag na ako. Ang dami kong inaasikaso eh." Ohmygosh. Another assignment on Drawing Workshop. Mamaya ka sakin.

"Minsan lang 'to please!"

"Gusto mo tawagan ko si Jade? Siya na lang!" What should I wear later sa work? Ah! I know! Gray tube with a black and lovely design coat, a black long skirt and a 4 inches stiletto! Oh I like that!

"Madds naman eh! Ikaw lang ang qualified para imentor si Althea!"

At eto na naman kami ni Alex, nagtatalo sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.

"Si Sam na lang kamo magmentor. Sige na. Bye. Good night."

"Madds!"

  ---

"Please, please Madds!"

Ay grabe! Ang tatag nito ni Alex ah! Kagabi pa to! Naghanap pa ng kakampi.

"Oo nga Madds, pumayag ka na! Panigurado mananalo na tayo this time." Dagdag ni Sam.

"Busy talaga akoo—" biglang may kumalabit sa akin sa likod.

"Ate Maddison?"

"Oh... Hi Althea.." Ang ganda talaga nitong batang 'to pero syempre mas maganda ako. Charot!

"Ate, kasi... 'wag ka sanang magagalit pero hihingi sana ako ng favor..." sabi ni Althea habang nakayuko ang ulo at nanginginig ang kamay.

Lagot na. Hindi na ako nakasagot kasi pinaulanan na ako ng saloobin niya.

"Ate Maddison! Turuan mo po ako kung paano manalo sa Ms. Thomasian Pageant!"

"Uhmm... Sure! Why not? Hehe." Patay na. Patay ako.

  ---

"HAHAHAHA! Si Thea lang pala ang makakapilit sa'yo eh! The best ka talaga!" Sabi ni Alex.

Naglalakad kami nila Sam and Alex papunta sa library. Kailangan namin tapusin ung group project na 3 story floor plan. Goodluck samin.

"Tsee!! Kung hindi lang talaga mabait si Althea at pinakiusapan ako ng maayos. Nako, hindi ko na gagamitin ulit ung mentor powers ko."

1st year pa lang kasi si Althea kaya nangangapa pa siya sa environment ng Archi.

"Basta Madds, you will be her coach, Sam will be her makeup artist and I will be her fashion designer. You should help me too Madds." Wagas naman ang ngiti nito ni Alex. Natawa na lang kaming dalawa ni Sam.

Dati kasing Ms. Thomasian Pageant, ako ung nagturo dun sa naging champion. Ok lang naman kung ibang department eh as long as walang sabotage.

"Excited na ako! This time talaga, mananalo na tayo! Hindi lang 2nd place! And we will have a meeting this coming saturday--"

"Saturday?" Oh no. Jeric.

"Oo. Saturday. Sabado. Wait, don't you dare tell me na may lakad ka?" Ang ingay naman ni Alex. Nasa loob na kami ng library.

"Anong oras ba sa sabado?"

"8 - 11am." Nakasimagot pa din si Alex.

"Ahh... Ok." Hehe. Ligtas. Buti na lang umaga. Hapon pa kami magkikita.

"Sure ka ah?" Ngumingiti na siya.

"Oo nga. San nga pala tayo magmemeeting."

"Sa auditorium. Tapos deretcho practice na un para atleast may alam na siya. Temporary lang naman dun kasi baka may iba pang dept na gagamit."

“Sige na mamaya na yan. Tapusin muna natin ‘to. Kating-kati na akong magdrawing eh. Ako sa 1st floor. Sam ikaw sa 2nd, and Alex sa 3rd. Mahuli matapos manlilire ha!” Nagtawanan naman kami.

“Ang daya! Eh ikaw ang magaling dito eh!” nagsimula nang magdrawing si Alex. Si Sam naman tawa ng tawa.

“Joke lang. Tulungan ko na lang kayo later kapag tapos ko na lagyan ng rough design. I know my turn to treat.”

Nakangiti ako sa kanila. Nagulat naman ung expression nilang dalawa. Bihira lang kasi ako manlibre. Syempre tipid. Pero payday naman kahapon, kaya maglalabas ako ng ipon ko. At para na rin sa payment ko kay Jeric.

“Ay! Butiki!” nagvibrate ung phone ko.

1 new message:

To: 09*********

Hello! Want to hang out? ;)

“Sino ‘to?” sabi ko ng mahina sa sarili.

“Alin un Madds?” tanong ni Alex at sinilip kung sino ang nagtext.

“Wrong number yan. Nantitrip panigurado.” sagot ni Alex nang hindi ako umimik. Iniisip ko baka kilala ko din ito, baka dati kong friends. Nagbubura din kasi ako ng number. Teka...

“Pinamimigay niyo ba ung number ko?” tanong ko bigla sa kanilang dalawa. Silng dalawa at ung iba kong very close classmates ang nakakaalam ng number ko. At si Kyle. Mautak kasi ung lalaking un eh.

“Hindi ah! Batas ka eh! Syempre hindi namin ipinapamigay kahit anong pilit nila.” sabi ni Alex habang pinagpapatuloy ang pagdrawing ng outline.

Nabaling naman ang tingin ko kay Sam na nakayuko lang. Anung nangyari dito?

“Ui Sam ok ka lang?” lumapit ako ng konti baka kung napano na ‘to.

“Madds?” Tumingin siya sa akin ng dahan-dahan at biglang umasim ung mukha nya. Alam ko na.

“Kanino Sam?”

---

Samantha’s POV

“Madds?”

“Kanino Sam?” she answered me. Grabe talaga ang babaeng ito, lakas makamadam-auring.

“Hmmm.” It’s a secret Madds. Baka magalit si Thomas sa akin.

“Anong hmmm? Kanino nga Sam?!” medyo iritado niyang tanong. But I bet she would turn into angelic face if she knew who’s number is it.

“Hey, hey. Lower down your voice Madds! We’re in the library, remember?” Alexis said.

“Ay bahala ka Sam! Hindi kita ililibre mamaya and hindi na kita papansinin FOREVER!” she told me with finality in her voice.

“Ang OA mo ah! Okay I’ll tell you later.”

“Later? How about now? Baka naman kay Edmund mo binigay number ni Madds hahaha!” natatawang sabi ni Alex.

Gaga! Hindi noh! Bukod kasi kay Kyle may isa pang fanatic kay Madds at si Edmund iyon na pinsan ko.

“NO WAY!” sigaw naman bigla ni Madds.

“Shsss! What’s that noise?” tanong nung librarian.

“Wala po iyon.” Sabi ko naman.

“Hoy! Never kong ibibigay dun sa pinsan kong autistic ang number mo Madds kaya don’t worry.” I gave her a sweet smile.

“So kanino nga!”

“Kay Jeron Teng.” sabi ko ng mahina at bigla namang nanlaki ang mejo singkit na mata ni Madds.

-FLASHBACK-

I was dancing like an animal when we were in G Point Bar few weeks ago, when someone approached me.

“Party hard?” man said.

First I ignore him, duh! I’m enjoying dancing with this stranger partner I have, I let anyone touches my body as long as they’re good in dancing, hindi katulad ng isang ‘to nakatayo lang sa gilid ko tapos sasabihin pa ‘Party hard?’.

“I love party girls.” he whispered and I had goose bumps. PUTEK!

“Dude can I dance with this pretty girl?” he asked my partner. Hindi ko na maalala ang name, medyo hilo na din kasi ako nung time na ‘yon dahil sa alak.

“Oh sure.” Ang bait naman pala ni kuya. Humarap na sa akin yung lalaki at.. I think I know him.

I was just staring at him while his dancing, OMG! He’s hot. At parang mas magaling pa siya sa akin sumayaw. Napansin niya ata na nakatitig lang ako sa kanya kaya tumigil siya and gave me his most dangerous smile. Dangerous? Yes. I felt sweaty this time. Gosh! He’s gorgeous. ‘Samantha I’m beating fast please make me calm.’ My heart said. Kung si heart nga di makakalma dahil sa pogi ng lalaking ito, eh ano pa ako?

“What’s your name anyway?” sweet dance naman ngayon and were too close. My body touches his body.

“Sam.”

“Sam Pinto? Kaya palaang sexy mo.” Haleer I’m sexier than Sam Pinto!

“Samantha Garcia, and you?” Aga Mulach? Kamukha siya ni Aga. Promise he’s so handsome, perfect na ‘to para sa akin. Kanin na lang at ito na ang ulam sa harap ko.

“Thomas Torres.” *wink* GOSH! Bigla naman naalimpungatan ang lasing kong kaluluwa.

“Th-o-mas? You mean the green ar-cher basketball player?” napabitaw ako sa kanya at tinitigan na lamang siya.

“The one and only.” OMG! Jackpot! Ako dito!

-END OF FLASHBACK-

“Nakabingwit ng gold fish si Sam this time, congrats girl.” Oh I know my dear Alex. Because until now we’re still going out and enjoying each others company.

Jusme! Kahit ata pagsama-samahin ang mga 200 na ex ko, wala pa rin lalamang sa kagwapuhan ni Thomas.

“Excuse me! May girlfriend na kaya si Thomas, you know Arra right?” sabi naman ni Madds.

“So what? Girlfriend lang yan hindi pa asawa kaya pwede pa agawin.” Sabi ko naman. Type ko talaga si Thomas and I will do anything just to have him.

“That’s the spirit Sam!” *apir* Napailing na lang ng ulo si Madds. Buti pa si Alex naiintindihan ako.

“Wait. Ano naman pala ang kinalaman ni Thomas sa number ni Madds huh?” tanong ni Alex.

“Nalaman kasi ni Jeron na lagi kaming lumalabas ni Thomas tapos isusumbong niya daw kami kay Arra kapag hindi daw hiningi ni Thomas ang number ni Madds sa akin.”

“Grabe pinagkalulo mo ang number ko para lang mai-date pa si Thomas?” Parang ganun na nga Madds. Sorry. Alam ko naman deep inside masaya ang bruha kasi tinext siya ng ultimate crush niya.

---

Maddison’s POV

“Ate wala na ‘bang mas mababa dito? Baka matapilok naman ako.” Pag-aalalang tanong niya habang sinusuot ung 4 inches stiletto na dinala ko.

Oo. Kahit vans shoes lagi ung suot ko, meron at kaya kong magsuot ng stiletto.

“Meron pa naman. Pero syempre kailangan mong masanay sa ganyang kataas.” Tumayo na si Thea at lumakad sa stage. Medyo mahaba kasi ung catwalk pero hindi naman siya natapilok o natalisod. First time niya daw magsusuot ng ganung kataas na heels. Parang hindi naman. Niloloko ata ako ng batang ‘to eh.

“Ano Thea? Madali lang diba? Basta lagi mong tatandaan ung mga sinabi ko sa’yo kasi nakakakaba talaga sa una.” Sabi ko sa kanya habang pinapanood siyang maglakad sa stage at nginitian niya naman ako.

“Dapat nag Tourism na lang siya, kaso saying lang mejo maliit.” Bigla naman akong nagulat kay Alex na nasa tabi ko na pala. Nanlalait ka ba Alex o ano? Buti na lang mahina lang ung pagkakasabi niya.

“Ano ka ba Alex! Bibig mo!” Sensitive kasi si Althea at baka magbackout kapag narinig un.

“Chix na chix si Thea noh?” sabi pa ni Alex.

“Eh pano pa ko?” sabi naman ni Sam na bigla bigla rin sumusulpot sa tabi ko.Hindi na nahiya ang bruhang ito.

Medyo inis pa ako dito kay Sam, ipamigay ba naman ang number ko? Pero okay lang, kay Jeron naman. Hihi. Hindi ko siya nireplyan nung gabi na nagtext siya kasi hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. At tsaka malay ko ba kung sa kanya talaga ung number na un. Hindi lang talaga ako makapaniwala na kinuha ng ultimate crush ko ung number ko.

“Oy Sam kapal ah! Kung si Althea fresh na fresh, ikaw naman bilasa na.” Sabay tawang sabi ni Alex.

Natawa na rin ako kasi nairita naman si Sam at nabatukan si Alex. May sinasabi pa sila pero hindi ko na lang pinansin, bahala sila, busy ako. Lumayo muna ako ng kaunti sa kanila para sundan si Althea na minamaster ang paglalakad ala model sa catwalk ng may tumawag sa akin.

“But I won’t fall, I am titanium...”

“Hello?”

“Hi Maddison.” Si Jeric.

Tiningnan ko naman ang mga kasama ko na napatingin sa akin. Nagsign na lang ako na ipagpatuloy na lang nila.

“Hey kamusta?” Anak ng tokwa. Goodbye savings. Sigurado ako sisingilin na ako nito ngayon.

“Ayos lang. Uhmm... Maddison whe-re are you now?”

“Sa auditorium. Why?”

“Pwede ba akong pumunta dyan? Para I will just pick you up sa date— I mean... Uhmm... mamaya.” Date? Natawa naman ako dun pero pinigilan ko na lang baka kasi kung ano pang isipin nito. Excited ata si Jeric na makita ako. Napasmile naman ako sa sinabi niya, ako? Susunduin ni Jeric?

“Sure ok lang. Pero mamaya pa tayo magkikita diba? 2pm pa, baka mainip ka. May tinatapos pa kasi kami ngayon.” Napatingin ako sa orasan ko. 12:00pm.

“Ok lang. Aantayin na lang kita.” Wow. 2 hours din yon ah. Anong nakain nito?

“Sige ikaw bahala. Sabi mo yan eh.” Natatawang sabi ko.

“Okay okay. See you later Maddison.”

~toot~

I can hear his smile over his voice. Ikinasaya niya ata ang pagsundo sa akin? Baka namiss niya lang ako. Medyo makapal Maddison, Jeric Teng ‘yun oy! Joke lang naman. Anu kaya itsura nya ngayon? Ay! Ano ba Madds? Wag mo tangkain!

“Ano naman ang ngini-ngisi mo dyan Madds? Sino ba ‘yun?” tanong ni Alex nang bumalik ako sa kanila.

“Wala! Ano Thea pagod ka na ba? Magpahinga ka muna kasi baka mabigla ung muscle mo sa binti.” Pagiiba ko naman. Lakas ng pangamoy nito ni Alex eh pero mas malakas ung kay Sam.

“No Ate, I’m fine.” Sagot naman ni Thea at pinagpatuloy ang pagpractice ng pagrampa sa catwalk.

“Sino sa magkapatid? Aminin!” sabi niya ng malakas. Aso ata itong si Sam. Lakas ng pang-amoy ng bruhang ito grabe.

“J or J? Ayie naman.” Kinikilig na sabi ni Alex.

“Huh? Anong pinagsasabi niyo?” turo kay Sam pero kay Alex nakatingin.

“Kunwari ka pa. Okay lang naman un Madds. Pero dadating ang araw na mahihirapan ka, kaya just pick one.” Seryosong sarcasm na sabi ni Sam na hindi ko naman maintindihan kung saang site niya napulot.

“The expert have been spoken! Hahaha!” sabi naman ni Alex.

“G*ga! Hoy Alex hindi ako ganun! Play girl ako but when I love, I’m always stick to one.” Depensa naman ni Sam.

“Mga baliw! Ewan ko sa inyo!” iniwan ko na lang yung dalawa na nagtatalo at umakyat na ng stage.

Hindi na lang ako umalis sa tabi ni Althea para makaiwas na din ako sa topic ng Teng brothers. Napapansin ko din kasi na masyado na akong napapalapit kay Jeric na kapatid ng crush ko at habang si Jeron naman at ako ay parang nagkakaabutan na din. Isipin niyo na lang kasi,dati naman hindi nila ako kilala tapos ngayon.. hindi lang isa sa kanila ang nakakakilala sa akin.

To be honest, hindi ko talaga iniimagine na magiging ganito. Ung makikilala ko ung dalawang magkapatid na ‘yon. At mukhang nagiging kaclose ko pa sila. Ayokong magtake advantage. Hindi ako ganung tao. Alam ‘yon ng dalawang bestfriends ko. Pero kasi ganun ung lumalabas. Kasalanan ko ba kung mabighani sila sa akin? Haha! Joke. Ok, I know, this is serious. I really just want to be their friends. Lalo na si Jeric. Nakikita ko na kasi siya dati sa mga practice nila kapag vacant namin and I really admired him dahil he is very talented and skilled player. Madami naman siyang girl na friends. Gusto ko lang ung ganoon. Barkada level. Si Jeron naman... Haha! Kasee super crush ko kaya kung ano na lang pumapasok sa isip ko nung nagkita kami. Pero hanggang doon na lang iyon. Sana?

“Ate are you okay?” Umupo sa tabi ko si Althea na medyo pawis na.

“Yeah... Wait? What time is it?” tanong kong pasigaw. Mukhang pagod na ata ‘tong si Althea kaya dapat ata tapusin na ang rehearsal na ito.

“12:30pm Madds!” sigaw naman ni Alex. Ang mga walang hiya sabi 8-11am lang daw.

“O sige, hanggang 1:00pm lang tayo girls ah, may lakad pa ako.” Sabi ko.

“Oh sure. Magkikita pa kami ni Thomas later eh.” Kami din ni Jeric!

“Di ikaw na may date! Matawagan nga si Brandon!” Sigaw naman ni Alex, natawa naman kami ni Althea.

“Thea may ginawa akong questionnaire for the pageant kagabi, praktisin natin ang sagot mo.”

“Ate baka mahirap yan ah.” May madali bang tanong sa pageant?

“Hindi madali lang ‘to parang Calculus lang.” biro ko sa kanya.

“What? Calculus? Ang baba nga ng grades ko dun eh.” Nagpout naman si Althea, napakagandang bata, manang-mana sa mentor niya. OH HA! ^^

“Haha! Basta madali lang ito. Kukunin ko lang sa bag ko.” Umalis na ako at pumunta kung saan nakalagay ang bag ko, medyo kalayuan din ang tinapunan ni Alex sa bag ko ah.

Hindi naman talaga mahirap ‘tong ginawa kong questionnaire kasi last time, ung minentor ko, yung mga tinanong ko sa kanya during our practices ay meron din lumabas galing sa judges.

“Putek! Asan na ba un?” paghahalungkat ko sa bag.

*tok tok!

“Hay baka si Thomas na yan, pabuksan nga baby Althea!” rinig kong sigaw ni Sam. Ugok talaga ang babaeng ito, ano gagawin ni Thomas dito, eh taga La Salle un.

“Is Maddison here?” mahina kong rinig. Sino yun? Umikot ako para makita ko kung sino yung dumating.

“Ahh ..” nakita ko naman na nauutal si Althea at nakatitig ng wagas kay Jeric. Ano meron?

“Excuse me, where is Maddison?”

“Ahmm.. Si A—-”

“Jeric!” sigaw kong papalapit dun sa dalawa at tumingin naman sa akin si Jeric habang si Althea naman nakatitig pa rin sa kanya.

“Bakit andito ka na? Ang aga pa ah.” Sabay kaming naglakad papunta sa mga upuan.

“I was bored in our house kaya pumunta na lang ako ng mas maaga. Para sainyo nga pala.” sabay abot niya sa akin ng J.CO at pumakawala ng JERIC-TENG-SMILE.  Aw! Napakasweet naman nito, sana ganito din si Jeron.

“Thanks.” Sabi ko na lang. Ewan ko ba parang naiilang ako kay Jeric ngayon.

Kinain na lang namin ang dalang donut ni Jeric at tinapos na din ang praktis kasi nakakahiya naman kay Jeric. Naglalakad na kami palabas ng campus.

“Una na kaming tatlo sainyong dalawa.” Paalam ni Alex na nakasakay na sa kotse ni Sam.

“Hoy Jeric Teng! Ingatan mo yang kaibigan ko! Huwag mo masyadong patayin sa kilig yan. Just enjoy your date. Yun lang.” Gaga lang ‘to si Sam! nagblush ata ako sa sinabi niya.

“Don’t worry she’s in a very good hands.” Sabi naman ni Jeric at nginitian yung tatlo. OMG! Good hands? Nasamid ata ako.

“Ano ba kayo?! May dapat lang kami pag-usapan ni Jeric.” Naiilang kong sabi.

“WHAT SO EVER! We need to go. Babye. Althea hatid ka na namin so hop in.” sabi ni Alex. Kanina pa ‘to tahimik si Althea simula nang dumating si Jeric, may time nga nahuhuli ko nagblublush ‘to eh.

Hindi kaya...?

---

Jeric’s POV

This is it! Her friends went home already and we’re the one who are left here and I felt a little awkward.

“Libre ko diba?” she said without looking at me.

“Oo.. tara.” I said and start walking. She’s just following me. Ayoko siyang makasabay sa paglakad.

I’m nervous. I don’t know why. When I’m with her, I think I own the world. I’m happy in a way I can do anything.

“Bakit tayo nandito?” she asked na parang gulat na gulat when we arrived in the parking lot.

“You’re treating me right?” She nodded. “I’ll drive you then, just tell me where is the place you want to go.” I opened the passenger seat of my car for her but she--

Natawa siya bigla. “You don’t get it.. Haha! Hmmm...” sabi niya at isinara ang pinto na binuksan ko. Medyo naguguluhan ako sa kanya.

“Ililibre nga kita kaya lang hindi na natin kailangan ng kotse. Sayang lang sa gas eh ang lapit lapit lang nun dito.” Dagdag niya pa.

“The— ”  she didn’t let me finish to talk then suddenly grabs my hand.

Lumingon siya, “Akong bahala Jeric.” sabay ngiti sa akin habang hila-hila ang kamay ko. Her smile. OH SHIT! She’s really beautiful.

I can’t hide to myself that this girl, who’s pulling me right now is the reason why I’m smiling like I’ve won in a lottery. She’s one of a kind. Even though likod niya lang ang nakikita ko ngayon, she’s still amusing.

“We’re here!” she let go of my hand nang makarating kami dito lang sa may labas ng gate ng school namin. Sana hindi niya muna binitawan ang kamay ko but... WHAT’S THIS?

“Manong pahingi nga nang lagayan, dalawa para sa kwek-kwek.” She said to the vendor. STREET FOODS?? I don’t even try the foods in here.

“Oh!” abot nya sa akin ng paper plate na may lamang orange something na bilog ang hugis.

“Why here?” I ask her.

“Alam ko sawa ka na sa mga masasarap at mamahaling pagkain kaya dinala kita dito. Don’t worry, malinis dito sa BBQ Alley. I’m sure you will like the foods here.” she told me.

“Ok, sabi mo eh. Okay na din dito para makatikim ako ng ibang putahe.” I said. Mukha naman kasi talagang masarap ang mga pagkain dito.

“Good. Bilisan mo diyan para makakuha ka pa.” turo niya sa hawak kong ewan dito. I took a little bite then… Wohoo~ It tastes good... And suddenly...

“Oh nasan na? Natapon yung iyo?” gulat niyang tanong sa akin while she’s still staring to the paper plate in my hand.

“N.o. I a-te it all.” I managed to say even though my mouth is full.

“Ay teka lang, ‘wag kang gagalaw.” At may kinuha siya sa maliit niyang body bag then bigla siyang lumapit siya sa akin. Hindi ako nakareact kagad.

“Ang messy mo pala kumain. Hehe.” And she gently wipes my mouth with her handkerchief. Naamoy ko ung pabango niya galing sa panyo. Ang lapit niya sa akin. Nakakatulala siya.

“Uhmm.. Thank you.” Tumingin na lang ako sa hawak kong paper plate. Nakangiti pa din siya sakin. Napangiti na lang ako. Nakakahiya naman kay Maddison. Anu ba un.

“Hahaha! Your welcome. Eto naman try mo.” she handed me a barbecue.

Madami na akong nakakain and I even ate a barbecued pig-like intestines called ‘Isaw’ pero nawala sa isip ko yung purpose kung para saan ang pagkikita naming ngayon. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na may warranty pa ang cellphone ko at ayos na ito ngayon. Masyado kasi akong nageenjoy kasama siya.

“I won’t let any department representative stole the crown to Althea.” She said with humor.

“I’m sure she’ll win because you’re her mentor.” Sabi ko bago inumin ang buko juice na hawak ko.

“Hindi din.. Ang ganda kaya ni Althea, I’m sure isa un sa magpapanalo sa kanya diba?” sabi niya sa akin habang nakatitig siya sa mata ko.

“Mas maganda ka kaysa sa kanya.”

.

.

.

.

.

WHAT HAVE I JUST SAID??

At para hindi awkward, ngumiti na lang ako sa kanya. Lumaki naman ang mga mata niya at ngumiti na lang ulit ako at ibinaling sa iba ang tingin ko. Hindi na pwedeng bawiin ang sinabi mo Jeric. Hindi talaga, she’s really gorgeous than Althea, even ‘gorgeous’ doesn’t suit her. It must be,

She’s alluring.

Continue Reading

You'll Also Like

244K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ ΰͺœβ€βž΄ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 π‹πˆπŠπ„ .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
872K 40.4K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...