Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XLII

1.9K 77 59
By mugixcha

Nagulat ako sa naramdamang malakas na tapik sa balikat ko.

"Huy, girl! Awat na! Magkaka-diabetes ka nyan!"

"H-ha?"

Pagtingin sa mesa, nakita kong halos naubos ko yung sinerve na sugar cubes na nasa tasa at yung natira naman ay nakakalat.

"Hala! Sorry, Pau!"

"Sobrang tamis na niyang kape mo, girl! Palitan na lang natin. Tulala ka kanina pa--may problema ka ba?"

"Ok lang, tubig na lang iinumin ko. Umm.."

Sa tingin ko na-feel ko na mismo yung naramdaman ni Goyong nung first time niyang nakita si Dolly dati-- ito mismo ang gusto kong sabihin kay Pau, pero naisip kong wag na lang muna magsalita tungkol sa nangyare.

"Umm.. Pau, paano kung ako ikaw, tapos isang araw may ma-meet kang hawig ni Goyong, pero hindi siya yon at iba yung ugali niya?"

"Ah.. so, yan ang kanina mo pang iniisip?"

Tumango ako.

"Una, magugulantang muna ang mundo ko pero syempre matutuwa ako at gugustuhin kong kilalanin siyang mabuti if ever may chance. Ganon siguro. Bakit? Iniisip mong may possibility na bumalik siya pero hindi na siya yung dating Goyong na kilala mo?"

"Nag-o-overthink lang ako. Wala, hayaan mo na pala yung tanong ko. Nag-iimagine lang ako. Oo nga pala, ayaw mo talaga pumuntang school fair? Baka lang naman gusto mo, free admission naman. Banda, kain, fireworks, ganon."

"Nako, gustuhin ko man, may kailangan akong asikasuhin. Si Tisoy ba?"

"Busy rin eh. Sige, ok lang. Di rin naman ako atat pumunta duon."

"Kung ganuon, next weekend na lang uli tayo magkita. Sama ka samin nila Lawrence ha! Wag mo kong iwan, ayoko maging third wheel!"

"Okay, sige."

Nag-usap kami ni Pau hanggang 9 PM at pag-uwi ng gabing iyon galing sa coffee shop, sinimulan kong asikasuhin ang powerpoint deck para sa susunod na lessons ko. Inabot na ng isang oras at hindi padin ako matapos-tapos sa lesson 2 dahil hindi rin ako makapag-concentrate ng 100%. Sumuko na ako at nag-decide na dumapa na lang sa kama. Tinitigan ko ang singsing na nakalagay sa aking left ring finger- sabi ni Francis, mukhang wala akong balak magpaligaw sa iba dahil dito. Iisipin raw ng iba na engaged na ako or kasal na. Wala namang problema sakin kung ano ang iisipin ng mga lalake (dahil wala akong interes kung mas malalim pa sa friendship ang hanap nila). Hinubad ko ito, pinatong sa mesa at pagbalik sa kama, kinuha ko ang unan at niyakap hanggang sa makatulog na ang laman ng isip ay siya parin.

---

Friday-- after ng klase namin, niyaya akong mag-dinner ni Tanya para makapag-catch up raw kami. Hindi pa siya na-kuntento, pumunta kami sa isang bar para uminom at tinuloy lang niya ang kwento ng kanyang buhay habang inaantay ang boyfriend niya. 80% ng stories niya ay about sa love life at ako naman nagkwento ng konting bagay para may masabi lang pero hindi ko isinama ang love life ko.

"Alam mo ba, Miho, yung mga ex ko parang mga ewan! Yung isa, binreak ako after niyang umaming bading siya, tapos yung sumunod, iniwan ako dahil ayaw niya ng LDR- pumunta kasi siyang Canada. Yung pinaka-malala, yung huli-binreak ako dahil na-realize niya na di na niya ako mahal!"

"Yun ang pinakamalala para sayo?"

"Oo, kasi, I asked him kung may third party ba, sabi niya 'Sort of, but not really.'. Pina-explain ko siya, tinanong ko kung sino, ang sabi ba naman 'I don't know her.'. Diba nakakatawa? Binreak ako para sa babaeng di niya kilala! The weirdest reason na narinig ko!"

"Hindi niya kilala at di rin siya kilala?"

"Oo. May saltik din e no? Feeling ko alibi niya lang yun. Ang totoo kasi, bago ako, andami niya rin naging girlfriends at lahat sila di tumagal ng 5 months. Or.. baka naman tinago lang niya yung identity ng babaeng yon, kasi ayaw niyang hanapin ko yun kasi baka sugurin ko at kalbuhin!"

"Bitter ka pa ba?" Nasa ika-apat na bote na ako ng beer samantalang ang kasama ko ay nangangalahati palang sa unang bote niya kaka-salita.

"That was.. I think, almost 3 years ago na ata- pero baka! Medyo bitter. Tuwing nakikita ko siya, natatawa ako na naaasar na ewan eh. Di ko kasi talaga na-gets yung pinagsasabi niya dati. Para bang gusto kong pumasok sa utak niya at tignan kung ano ang tumatakbo sa loob."

"Nagkikita pa rin pala kayo? Parang hassle yun ah.."

"Hindi naman masyadong hassle. Medyo na-eenjoy ko parin naman na makausap siya minsan. Taga-department natin siya kaya paano ko ba naman maiiwasan! Alam mo ba yun feeling na ang challenging ng isang tao kaya gusto mo siya lalong makuha? Ang serious type niya kasi pero pag once kilala mo na, hindi siya actually ganuon, basta, iba-- kaya feeling ko, yun ang reason kung bakit andaming nagkakagusto sa kanya. May pagka-unpredictable ang attitude niya- as in! Duon ako naging attracted sa kanya at minsan naiisip ko nga baka attracted pa rin ako. Minsan lang naman!"

"Ah talaga? Malay mo magkabalikan kayo. Baka ma-realize niya, ikaw pala talaga ang true love niya, ganon."

"Sira! Di mo pa kasi yun kilala, feel ko walang alam sa true love yun. Parang wala kasi sa vocabulary niya ang "Long-term relationship" eh! Uy Miho, may pinagdadaanan ka ba o alcoholic ka lang talaga? Ok ka pa ba? Mukhang lasing ka na ah!"

"Ok pa ko, Tanya! Inom ka pa!"

"Darating yun date ko mamaya kaya ayokong malasing! Atsaka dagdag calories din yan eh, okay na ko sa kalahati lang. Oo nga pala, kung Japanese teacher ka, edi kilala mo si ano.. sino nga ba yun, basta yun tisoy! Siya lang naman un mukhang fil-am sa faculty room, kilala mo?"

"Ahh, si Francis?"

"Ayun! Francis! OMG Miho, ang hot niya diba? Kahit di ko pa nakikita, feeling ko may abs siya!" Ang sabi ni Tanya habang kinikilig siya.

"Meron nga."

"Sabi na eh!-- Teka.. pano mo alam?"

"Umm.. I mean.. feeling ko lang din! Type mo siya?"

"Oo! Gusto ko siyang i-date!"

Malala tong si Tanya. Oo, medyo malala. Confused pa ata sa kanyang love life. Baka.

"Pano kung.. may girlfriend na pala siya?"

"Ok lang yun! Miho, kung asawa nga nasusulot, yun pa kayang may girlfriend! Edi aagawin ko!"

 Si Tanya yung tipong almost perfect- long hair, matangkad, maganda, sexy, matalino plus makwento pa kaya hindi siya boring kasama- imposibleng hindi magkagusto sa kanya ang kahit sinong lalake. Kung may boyfriend kang hot, siguraduhin lang na ilayo siya mula sa babaeng ito. Delikado.

"Di ba.. may date ka mamaya?"

"Wow, girl, parang yung pahiwatig mo 'May boyfriend ka na bakit ka pa nagpapahayag ng interes kay Francis?' ha!"

"Sumbong kaya ..kita sa boyfriend mo?"

"Wag ganun! Grabe siya oh! Secret lang natin lahat ha! Oh wait.. Miho! Oh my God! Speaking of the devil, anduon si ex sa likod! Titigan mo ko, wag kang lilingon! Usap tayo kunwari di natin alam na nandyan siya! Go! Dali!"

"Teka, ang perfect ..naman ata ng timing?"

"Actually, tambayan talaga nila dito ng barkada niya!"

"So ibig sabihin, sinadya mong dito.. magpunta at nagbakasakali kang ma-meet siya rito ngayong gabi?"

Nararamdaman kong tipsy na ako, pero di ako tumigil kakainom dahil di ko ata kayang tumitig lang ng diretso kay Tanya at mag-concentrate sa mga pinagsasabi niya kundi maloloka ako.

"Hmm, medyo sadya. Ayon."

"Landi nito." Ang dumulas sa bibig ko.

"What?"

"I mean, ano ka ba! E di hindi ka pa pala nakaka-get over.. sa kanya! Kung hindi, ba't kailangan mong--" Tinakpan ni Tanya ang bibig ko.

"Ssshh!! Ayan na siya! Wag kang maingay, Miho! Lasing ka na! Wag mo kong papahamak!" Ang sabi niya habang bumubulong.

Nang may narinig kaming boses, parang signal kay Tanya para tanggalin na niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

"Tanya?"

"Uy, Pat! Andito ka pala! What a coincidence!" Ang sabi niya with pa-bebe voice.

"Oo nga eh. Anyway, I'm planning to go home soon." At paglingon ko sa likod, napatingin rin siya sakin at bigla kong nabuga ang iniinom na beer. Buti na lang walang tinamaan.

Ang lalakeng kahawig ng Heneral! Napadami lang ba ako ng inom? Siya yung sinasabi ni Tanya na serious type pero pag kilala mo na, hindi actually ganuon at iba siya? PWEH.

"Oh.. it's you again." Ang sabi niya sakin na may tonong I'm-not-happy-to-see-you sa kanyang boses at kadiri-ka-punasan-mo-nga-yang-bibig-mo! na look sa kanyang mukha. Tumabi siya kay Tanya at humarap sakin.

"W-wait, magkakilala kayo, Pat?" Na-alarma bigla si Tanya.

"She went inside the wrong classroom. Naligaw na bata. Well, I haven't introduced myself yet and I still don't her name."

Bata? Ako, bata?

"Ahh.. She's Miho, highschool classmate ko. Same department, Japanese teacher. Miho, siya naman si Pat. Ex-boyfriend ko." Sinabi niya yun as if wala siyang shinare kanina tungkol sa past nila.

"Miho? Sounds like the Spanish term 'Mi Hijo', 'My Son'."

Kinilabutan ako dahil naalala kong nabanggit ito ng Heneral sa akin dati.

Biglang nag-sway ang lalake sa harap- kaya sinundan ko ang galaw niya. Tumigil ako ng ma-realize ko na ang paningin ko lang pala ang nag-s-sway.

"Teacher pala siya. Hindi obvious. She looks quite.. immature."

"Ano?"

Konti na lang, kukurutin ko na ang singit nitong mapang-bwisit na to eh. 

Kalma Miho, bawal pikon. Kalma.

Biglang sumingit si Tanya.

"Umm-- Bago lang siya kaya siguro hindi mo pa siya gaano napapansin sa faculty room! Actually, may pagka-mature tong si Miho. Nuong highschool kami, napansin kong she acts older than her age!" Biglang nag-ring ang phone ni Tanya at sinabing "Ay, nandyan na ang boyfriend ko! "

"Boyfriend?" Parang hindi naniwala si Mr. PMS sa narinig niya.

"Yup, taken na uli ako ngayon, Pat." Parang in other words: Taken-na-ako-ikaw-ba-taken-na-rin-ngayon?-kasi-kung-hindi-pa-pwes-mainggit-ka-please?

"Well, good to hear." Sinabi niya to habang in-a-adjust ang glasses niya. Sorry Tanya, mukhang di affected ang ex mo.

"Una na ko ha? Miho, Sama ka?"

Never kong pinangarap maging epal.

"Ah, hindi na, uuwi na rin naman ako. Sige, enjoy na..lang!"

At nakita ko siyang nag-s-sway habang kumakaway. Anytime, iikot na ata ang paningin ko. Anyway, may taxi naman, makakauwi ako. Relax, Miho. Ginusto mo yan.

"Miss, ikaw lang mag-isa?"

Hindi pa rin umaalis si Pat sa harap ko.

Hindi ako umimik at tinitigan ko lang siya. Ang thought na hawig sila ni Goyong ang nagpakaba sakin at napainom nalang ako ng ika-limang bote ng beer. Bigla niya tong inagaw sakin at tinanggal rin ang sigarilyo sa kabila kong kamay.

"I think you're drunk."

Napasulyap siya sa ashtray sa gitna ng mesa.

"Mukhang kalahating kaha na rin ang naubos mo." 

"Wow! May concern ka ba sa stranger o feel mo lang talaga akong sungitan at bigyan uli ng 'warning'? Hindi porket kahawig --" Napatigil ako sa gusto kong sabihin.

"Hindi porket kahawig?"

"Umm.. wala. Uuwi na ako."

"Mag-isa ka lang na uuwi? I won't be surprised kung sasabihin mo sakin na mag-d-drive ka ngayon."

"So anong gusto mong.. palabasin? Delinquent ang dating ko? Kanina immature tapos ngayon naman delinquent?"

"Kung hindi ka ganon, then tell me-- paano ka nga uuwi?"

"Edi mag-ta-taxi.. ako."

"Give me your phone and I'll call your boyfriend so he can take you home."

Humalakhak ako pagkarinig ng salitang boyfriend. Paano niya na-assume na may boyfriend ako? Binase lang ba niya sa singsing na suot ko?

"What's funny?"

"Nasa Malolos.. siya e!"

"Bulacan? Duon ka rin ba uuwi?"

"Nasa.. Kapitolyo siya! Nakasakay sa ..kabayo!"

"What the hell are you talking about?"

"Wala, wala.. sige.. bye!"

Naglakad akong palayo sa kanya at natumba. Agad naman niya akong tinulungan makatayo. Delikadong combination ang pagiging clumsy at lasing- Okay lang, masarap naman uminom. Pero feeling ko mas delikado yung combination ng masungit at helpful.

"Ganito na lang, I'll take you home. Let's go."

Nagpapatawa ba siya?

"Ano ka ba! Stranger ako, tapos sasamahan mo ko.. pauwi? Okay ka..lang? O baka naman.. may balak ka? Kung wala, hayaan mo nalang ako.. kaya ko ng mag-isa!" Tumakbo akong palayo at hinatak niya ang braso ko.

"Can you stop overreacting?"

"Hindi na ako virgin kaya.. iba nalang.. hanapin mo!" Lumabas lang ang mga salita sa bibig ko ng hindi ko na na-filter.

Nilapit niya ang mukha niya sakin at ngumisi.

"Well.. I don't mind at all."

"Ha? Pero--"

"Think of this as a co-teacher concern, if that will make you feel comfortable."

Parang sako lang ako ng bigas na sinampa sa balikat niya at sa una, nagpumiglas ako pero dahil sa kawalan ng energy hindi na rin ako nakagalaw hanggang sa narating namin ang parking lot.

May nakausap siyang lalaking matangkad pero hindi ko makita masyado ang mukha dahil napapapikit na ako sa antok.

"Hey, Pat! Aalis ka na?" Malalim ang boses ng kausap niya.

"Yup, enjoy the rest of the night."

"Who's she?"

"Someone who needs my help. Co-teacher. Una na ko. See you."

"Alright!"

So ngayon naman, Good Samaritan ang peg nitong si Pat. Wow. Wow lang. Mukhang tama nga si Tanya, ang lakas ng saltik ng lalakeng to.

Inupo niya ako sa tabi ng driver's seat at bigla ko nalang naramdaman na umikot ang sikmura ko. Isinuot niya ang seat-belt sakin at naramdamang mas lumala ang masama kong pakiramdam. Nag-iisip na akong i-gather lahat ng natitira kong lakas para maka-labas ng kotse niya.

"Are you okay?" Ang tanong niya na di ko na nasagot dahil parang waterfalls na lumabas mula sa bibig ko ang mixture ng beer at ang kinain ko nuong dinner.

"Mierda!" Yun ang narinig kong sinabi niya habang tuluy-tuloy lang akong sumusuka- sa loob ng kotse niya.

Hilong-hilo ako at antok na antok.

"So..rry.." Minudmod ko ang peace sign sa mukha niya.

"Miss, san ka nakatira? Miho! Hey! Wag kang matulog!" Narinig ko ang boses niyang naalarma pero hindi ko na siya nasagot dahil umikot na ang paningin ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 229 32
"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.A...
11.1K 350 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...
85K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
1.7M 90.4K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...