TURNING PAGES

By freespiritdamsel

80.8K 2.9K 501

In the middle of destiny, chances and secrecy, Kathryn Bernardo was given a cardboard box and inside it is ca... More

p r o l o g u e
In perpetuum
Impaired
Kiss away those tears
temporarily
here
i'm fine
worries
flowers
invitation
scared
beautiful
unsure
promise
kathryn
daniel
memories
comfort
familiar
absence
is it really?
his side
eyes
great love
if you are happy
one fine morning
by your side
time
crush
friends
perfect time
Epilogue

Overstressed(?)

5.9K 146 22
By freespiritdamsel


**

"KUYAAAAA!"

Napatingin kami nina Tita Anna sa pinto ng kwarto ni JC. Nanunood kasi kami ngayon ng movie, Seventh Son. Eh biglang sumigaw to'ng si Lelay.

"Oh?"

Hawak-hawak niya yung teddy bear niya na kasing laki niya lang din. I gave it to her last christmas.

"Ate Kath is hereeee." Nakangiti niyang sabi sakin. Tuwang-tuwa talaga siya tsaka si Magui pag nakakapunta si Kath dito ng walang ocassions or anything. Mahal na mahal ng mga kapatid ko si Kathryn. Mas mahal pa nila kesa saakin.

"Papuntahin mo dito." Utos ko. Sumimangot naman siya. "NO." Tapos tinalikuran ako at padabog na naglakad. Anong problema na naman non? Hindi naman sila pinunta dito, e. AKO.

"Hahaha! Alam ko kung bakit ayaw ni Lelay na papuntahin sayo." Sabi ni JC na nasa kama habang ako nasa baba.

"Bakit?"

"Tanungin mo. Teka—LELAY!" Tawag niya. Inutosan pa ko'ng tawagin pero siya rin naman tumawag. Labo din. Hahaha

Kaso nakababa na yata. Nakabukas lang ang pinto at hinihintay ko'ng pumasok na si Kath. Usually kasi pumupunta na sakin agad 'yon pero ewan ko ngayon, wala. Baka sinabihan nila Lelay na 'wag pumunta dito. Eh isa pa 'yon. Mas mahal pa yata sina Magui kesa sakin. Psh.

"Oo anak dito Ninang." Rinig ko'ng sabi ni Tita Anna kay Jordan na nakaupo sa lap niya habang nagde-dede.

Isa pa to'ng si Jordan na sagabal eh. Pag nagkasama sila ni Kath ayaw ng bumitaw. Kaya nga gusto kong ako ang pumupunta kay Kathryn. Ngayon kasi, sabi niya punta raw siya dito kahit gabi na. Nagpahatid kay Manong. Dito na siya mags-sleep kasi.... wala lang.

"Asan na ba 'yon." Inis na tumayo ako. Ke tagal-tagal!

Bumaba ako at nakita ko si Mama na may ginagawa. "Ma si Kathryn?"

"Kina Magui ata."

Kaya doon na 'ko nagpunta. And there, nakita ko silang nasa kama habang nagpi-picture. May dala ring paperbags si Kath. Tapos si Lelay iba na damit. Pinamili niya yata kina Magui. Sus. Punong-puno na nga closet ng mga 'yan.

"Bal.." Napatingin silang tatlo sakin. Si Lelay nanlaki pa ang mata. "Monster!!!" Napakunot ang noo ko. Siraulo din tong kapatid ko. Manang-mana lang sakin!

"Hoy. Tigil niyo 'yan." Lumapit ako sa kanila at umupo. "Lika na bal."

Tumayo si Lelay sa kama. "NO NGA KASI!"

"Problema mo, matulog ka na." Si Kath, nakangiti lang habang tinitignan kami.

"Nakakainis ka Kuya! You're so annoying!!" Nanggigigil niyang sabi sakin. Tek na 'yan. "Bakit nga kasi?"

"Everytime na pumupunta dito si Ate Kath lagi mo siyang kinukuha samin." Sabay salampak sa kama niya. "Tapos pag nags-schedule kami for our girls day out, you're so epal. Lagi ka sumasama!" Natatawa nalang ako sa kapatid ko. Nagtatampo pala. Sabi na eh. Mas mahal niyan si Kath.

"Eh siyempre boyfriend ako ni Ate Kath mo."

"Eh kahit na! Doon ka na! You're always with Ate Kath. Ate Kath is naaalibadbaran na to you." To'ng batang 'to! May ganon ng nalalaman. Si Magui naman nags-scroll sa phone niya. Lampake.

"Doon ka na! Doooon!" Tinulaktulak niya 'ko hanggang sa nahulog na 'ko! Anak ng putcha. "There!" Sabay crossed arms.

"Hahahaha! Bal, sunod nalang ako sayo." Aba-aba. Napatayo ako at hinawakan siya. "Nood tayo ng movie, tara." Nginitian niya lang ako. "Gusto kasi ako ni Ate Kath maka sama and talk." Sabat na naman ni Lelay.

"Lelay, alas 9 na, matulog ka na." Baling ko sakanya at hinila patayo si Kath. Hinawakan ko ng mahigpit kamay niya. "Nood na kami."

"Ate Kaaaaath!!" Binitawan naman agad ni Kath yung kamay ko at kinausap si Lelay. Mabuti nga't pumayag na. Sinabihan kasi ni Kath na magba-bonding daw sila next week. Tapos hindi daw ako kasama. Nagliwanag naman agad ang pagmumukha ng kapatid ko. Si Magui rin todo ngiti nung hindi ako sasama. Mga loko to ah.

Paglabas namin ng kwarto, dumiretso na kami sa kwarto ni JC. Doon kasi kami nanonood ng movie.

"BUBUUUUT!" Napa-baba ang dalawang balikat ko. Nakalimutan ko'ng may Jordan pala. Dapat dinala ko nalang to sa kwarto para wala akong kaagaw!

Tuwang-tuwa naman si Jordan ng makita Ninang niya. Sumalampak agad si Kath sa tabi nila Tita Anna. "I missed youuuu!!" Sabay hug at kiss sakanya. Tumabi ako sakanila. Ayan na. Hindi na ko papansinin niyan.

"Hi Kath." Bati sakanya ni JC na ngayoy hawak hawak ang cellphone niya. Katext na naman si girlfriend niya. Ano pa nga pangalan non?

"Hi Jace. Ano yan? Ah, seventh son." Yakap-yakap habang kandong niya si Jordan. Wala ako dito no. Wala. Wala talaga.

Sumandal si Jordan sakanya. Ibig sabihin magkaharap sila. Nakasandal yung ulo niya sa dibdib ni Kath habang binitawan yung lagayan ng milk niya.

"Dede," nagsitawanan naman silang lahat—maliban sakin.

"Tita, tanggalin mo nga 'yan. Anong dede, Bubut! Alis." Ako na sana magaalis sakanya kay Kath eh mas niyakap nila pareho ang isa't-isa. Aba, mahusay!

"Dedeeee" sabi pa ni Jordan.

Itong girlfriend ko naman, tawa ng tawa! Ako lang pwede dumede sayo, kagatin kita jan eh.

"Baby, ala pang laman yung akin eh." Natatawang sabi ni Kathryn kay Jordan. Tumingala lang si Jordan sakanya at tumitig.

"Sa susunod na baby, ha?" Sabi pa niya. Sila Jc at Tita naman tawa lang ng tawa. "Lagi ka magde-dede kay Ninang, okayyyy?"

"Bal, ibigay mo na 'yan kay Tita Anna." Seryoso ko'ng sabi. Tss. Anong sa susunod? Wala. Walang sa susunod. Ang OA man pakinggan pero kahit bata pa si Jordan at alam kong di makakadede yan kay Kath basta just the thought of may ganon ganon ayoko. Ayoko talaga! Paano pa kaya kung talaga sh-t, paano kung magkaroon na ng asawa si Kath tapos hindi ako 'yon?? Tapos hahalikan na siya at literal na gagawa non sakanya. Tapos sh-t, ayoko. Putangina talaga, mababaliw ako!

"Bal, anong iniisip mo?" Nabalik ako sa katinuan ng tapikin ako ni Kathryn.

"Wala" sumama na naman ang tingin ko sakanya. Kandong-kandong parin kasi si Jordan! Kainis! Sumandal nalang ako tapos tinuon ang tingin ko sa tv.

Eh di pala dapat natulog nalang ako no? Hindi nalang ako nag-expect na ako agad yung pupuntahan niya... nakakainis lang kasi. Minsan na nga lang kami magkaroon ng free day magiging ganito pa. Nasa iba yung atensyon niya, iba yung niyayakap niya.

Tumayo ako. "Tulog na 'ko." Nakakawalang gana. Tangina. Napahinto naman sa paguusap si Tita tsaka si Kath. Si Jc rin na tumatawa kanina napahinto rin. Kilala nila ako. Alam nila kung badtrip na 'ko. Padabog na lumabas ako ng kwarto ni JC. Pumunta nalang ako sa kwarto ko, matutulog nalang ako. Mas mabuti pa siguro. Wala namang pake sakin si Kathryn eh.

Sinirado ko yung pinto. Ilo-lock ko ba? Edi ilock.

Loko lang. Alam ko'ng susundan ako nun eh.






Pero makalipas ang ilang minuto, WALA. Walang sumunod sakin na Kathryn! Wala! Bokya! Napatitig ako sa ceiling....

Hindi na ba niya 'ko mahal?

Kasi parang ngayon, okay lang sakanya na masama ang loob ko. Dati-rati lagi niya akong sinusuyo. Lagi niya akong nilalambing agad. Kung may takot sakin, siya yung kumakausap sakin mismo kasi alam niyang di ko siya matiis. Pero bakit ngayon hindi? Hindi niya man lang ako sinundan. Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll ng mga pictures namin. Magpost kaya ako? Wag nalang. Tss. Alam ko namang wala lang sakanya 'yon. Hindi nga yan naglalike sakin. Pero saiba, wagas.

Tumagilid ako at pumikit. Sana makatulog ako. Dahil kay Kathryn napa-paranoid ako eh. Hindi naman ako ganto dati. Siguro dahil mahal na mahal ko talaga siya ngayon. Dati mahal ko naman siya pero ngayon, trumiple. Dati hindi naman ako umiiyak pag nag-aaway kami. Pero ngayon? Tangina. Paka bakla. 


Rinig ko ang pagbukas ng pinto. Siya na kaya? Magtutulog-tulogan nalang ako kasi baka magkasagutan na naman kami. Sasabihin na naman niya na tong ugali ko umaandar na naman. 


"Bal?" 

Ramdam ko yung pag tabi niya sakin. Nakahiga na siya't niyakap ako mula sa likod. Kahinaan. Siya kahinaan ko. 


"Bal, sorry na.." Hinalikan niya ko sa may batok. Eh andoon yung kiliti ko, e. 

"Bal" Pigil ko. Nakikiliti ako! Natawa naman siya't niyakap ako ng mahigpit. "Galit ka pa ba?Sorry na.."

Humarap ako sakanya, inispread ko yung arms ko para doon niya ipatong yung ulo niya. Nung humiga na siya niyakap ko siya agad. Finally. I've been waiting for this. Inakap niya rin ako. Sumiksik pa nga eh.


"Bal, sino mahal mo? Ako o si Jordan?" Tanong ko sakanya. 

"Siyempre mas mahal kita. Pero mahal ko rin si Bubut."  Tss. Hindi ba pwedeng.. "Ako lang."


"Sus. Ikaw naman baby ko, e."


"Eh ayaw mo ngang sumama sakin dito. Gusto mo lang lagi Jordan Jordan. Kung di si Jordan, kay Lelay. Kung di kay Lelay kina Snow. Sila nalang baby mo!" Nagtatampo naman talaga ako. OA man pakinggan dahil pati aso pinagseselosan pero talagang pag mahal mo? Lagot ka na. Tutuboan ka na ng lahat ng kabaduyan sa mundo. 


Rinig ko yung pagtawa niya ng marahan. Hay... mas lalong nakakainlove. "Sige, doon nalang ako sakanila." Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sakanya. Tsk. 


"Dito ka lang."


"DJ, hindi ako makahinga.."

Niluwagan ko naman. Para kasing hindi talaga siya makahinga. "Sorry-sorry. Bakit di mo agad ako sinundan?"


Huminga-hinga pa muna siya. Grabe, niyakap ko lang nahirapan ng huminga? Hindi naman siya ganto dati. Siguro talagang mahigpit lang akap ko. Na-miss ko eh.


"Si Jordan kasi umiyak agad nung pagbitaw ko. Ah, Bal?" Tinignan ko siya, nakatingala kasi siya sakin habang nasa tiyan ko yung isang kamay niya. "Hmm?" 


"Pwede dito magsleep si Jor--"


"Hindi." Hindi ko na siya pinatapos. Ano 'yon? Ayaw niya akong katabi? "Lagi nalang sila gusto mo!" Sabay tayo ko. Tumayo rin naman siya. Kinuha ko nalang yung cellphone ko, maitext na nga lang sina Marco! Minsan lang ako uminom pero gusto kong ngayon. Ayaw niya akong katabi? Dapat sinabi niya. Madali naman ako kausap!


"DJ, wag ka nga magdabog!" 


Nilingon ko siya. "Nakakabadtrip na kasi eh. Ilang araw tayong di nagkikita tapos hiniling ko lang naman sayo na makasama ka tapos ano? Yung gusto mong makasama, hindi ako!"


"Bal.. sorry na. Oo na kasalanan ko na. Sorry na.." Lalapitan na niya ko pero nagsalita ako ulit.

"Hindi. Dito kayo matulog nila Jordan sa kwarto, maya-maya darating na yung sila Marco. Bahala ka jan."

Makalabas na nga. 


"Bal..." Hinawakan niya ko sa may palapulsohan ko. Hindi ko siya nilingon. "Bal, I'm sorry na.. lika na, tulog na tayo. Hindi na, hindi na." Hinihimas-himas niya pa yung braso ko. Gusto ko rin naman ng matulog kasama siya pero kailangan niya ring maexperience kung anong feeling yung hindi agad pinapatawad. Ako kasi isang sorry niya lang o isang lambing niya lang, bumibigay na ko. Tapos siya, halos magiilang araw bago patawarin. Isang buwan pa yung tuloyang maka get over kahit maliit na mga bagay. Mga abnormal talaga mga babae!


"Hindi na." Sabay labas ko sa kwarto. Sa living room nalang ako maghihintay kina Marco't Alex. Tinext ko na rin sila Kats kung okay ba sakanilang uminom. Hindi naman ako magpapaka-lasing. Gusto ko lang talaga. Feel ko lang uminom ngayon. Kita ko pumunta siya sa kwarto nila Jordan. Tapos ay, pumasok na siya sa kwarto nila Magui kasama si Bubut. Tuwang-tuwa na 'yan panigurado.


Ilang minuto lang, andito na sina Katsumi. May binili na rin sila kasi wala namang maiinom dito sa bahay. 


"Bakit ba kase?"  Tanong ni Marco. Lumipat kami dito sa may terrace

"SI Kathryn kasi nakakainis. Mas gusto niya pang katabi matulog yung iba."

"Kanino naman?" Kats. I sighed heavily. "Kina Jordan."


Sabay-sabay namang magtawanan ang mga siraulo ko'ng kaibigan. Kala mo sila hindi mga seloso. Eh kaya rin kami nagkakaintindihan niyan kasi pare-pareho lang kami ng ugali--yung iba lang pala.


"Pare naman, pati pinsan mo? Wala ka talagang pinapatos."


"Siraulo, sainyo nga nagseselos ako." Totoo. Kina Kats din. Lalo na pag lumalapit si Kathryn sa kanila or makikisuyo o kung ano-ano nalang! Basta! 


"Alam ko naman yun, pero tangina, ang bata pa non ni Baby Boy." 


"Eh ayaw ko nga ng may kahati!" Sabay inom sa baso na binigay ni Marco. Tangina, pangit ng lasa. 

"MALALA KA TALAGA!" Hindi na ko sumagot. Totoo naman eh. Ayoko talaga. 

"Paano yan DJ kung may magustohan yung si Kath na iba?" Sinamaan ko ng tingin si Alex. 


"Paano lang naman, brad. PAANO." Kahit na! Hindi pwede yon! World war 3 abot nito.

"Hindi mangyayare 'yon." Kala ko kakalma ako pag andito tong mga 'to, eh mas lalo akong naiinis.


"Sira. Hindi mo alam. Nung dati nga, nung ano yung alam mo na na nagkalaboan kayo, dami agad pumorma. Daming sasalo."


"Yung iba nga, mga kaibigan pa natin eh. Hahaha!" Alam ko, yung iba tuwang-tuwa pa nung lumabas yung audio scandal. 


"Mahal ako ni Kath." Pagdidiin ko. Mahal ako ni Kathryn. Sobra. Kaya kahit magabang pa sila jan, mahal ako ni Kathryn. Hindi niya ko ipagpapalit.


"Kaya wag na wag mo talagang sasaktan si Kathryn."


"Alam ko Marco."


"'To naman! High blood!" Tawa pa nila. Tinext ko nalang si Magui. 


Tulog na ba ate Kath mo?


Hindi naman na nagreply. Nakalimutan ko, mga gantong oras tulog na pala tong si Magui. Si Tita Anna nalang..


Tita, tulog na si Kath?


Ilang minuto lang, nagreply na si Tita.


Nagce-cellphone pa


Put-angina. 


MATULOG KA NA  text ko sakanya.


Tangina. May katext. Iniinis niya ba ako? Iniabot sakin ni Alex yung baso, ako na pala. Ininom ko nalang yun. 

"Bakit?" Napahawak ako ng mariin sa cellphone na hawak ko. Sino bang katext nun? Tawagan ko kaya? Wag. Hindi. Titiisin ko siya. Uminom nalang ako ng uminom. Nasa bahay naman ako kaya hindi ako papagalitan ni Mama tsaka wala naman akong gagawin bukas.


"La." Walang gana kong sagot.


Tita patulogin mo na yan Text ko kay Tita. Hindi kasi nagre-reply yung isa. 


Di pa daw siya antok dj. nagiinstagram lang daw siya. sleep na ako bye 


Psh. Di ko nalang nireplyan. Naiinis ako lalo. Hindi ko alam. Habang umiinom kami, panay kwento si Alex tungkol sa pagpunta niya ng Indonesia. Dahil sa pinagsasabi niya, gusto ko na tuloy pumunta doon. Sa Bali. 


Medyo nahihilo na ko. Napaparami ata. Hindi ko naman trip malasing pero parang nalalasing na ako. 


"Uy DJ, may text oh." Napatingin ako sa phone ko'ng nasa table. Si Kath nagtext.


Bal :( sleep na tayo di ako makasleep Ganyan. May times talaga na di siya nakakatulog pag di ako katabi. Lasing na ko eh. Lalong di kami pwedeng magtabi non. 


Lasing na ko 


Naghintay ako ng text niya pero wala. Ilang minuto na ang nakalipas... wala bang pake? Hah. 




"Kath" Napa-angat ang tingin ko ng sabihin ni Katsumi ang pangalan ni Kathryn. Nakatayo siya sa gilid ko, suot ang jacket ko at nakashorts. Tinitigan ko lang siya.. medyo malabo na nga eh. Hoo. Lasing na talaga ako.


"Lika na.." 


"Una ka na don." 


"Deej..."


Tinignan ko siya. "Sabi ko mauna ka na diba?" Medyo napataas yata ang boses ko. Maya-maya, umalis na siya. 


"DJ, hoy. Lasing ka na. Tulog ka na don. Kami nalang dito."


"Yoko."


"DJ--KATHRYN!" Napatayo si Katsumi kaya napatayo din ako. Paano, binanggit niya si Kath.


Pagtingin ko sa may likuran ko, nakahandusay na siya.


Biglang hindi na ko nahilo. Tangina. Nagmadaling pumunta kami sa kanya. Pag tingin ko, wala na siyang malay. Pucha. Agad-agad ko siyang kinarga, "KATS, PAANDARIN MO YUNG KOTSE."


"DJ--"


"PUMUNTA KA NA!"


Wala naman na siyang ibang nasabi. Tangina, bakit to hinimatay? Ano bang nangyare?


Si Marco ang nagdrive habang si Kathryn, andito kami sa likod. Hindi na nga ako nakapagsabi kay Mama. Eh sa nagkandaugaga na ko! Alam ko'ng magugulohan tong sila Tita Min kung bakit nasa hospital na kami. Tangina kasi. Ano ba kasing nangyare sakanya. Naka full yung aircon pero pawis na pawis ako. Tangina talaga. Hinalikan ko siya sa noo, Sorry Bal. Sorry sorry. 


Dinala namin sa hospital si Kathryn. Pinaghintay pa kami sa labas. Kulang nalang warakin ko tong pinto para makapasok. Ang tagal! Puta!


"DJ!"


"ANG TAGAL EH!"


Maya-maya lumabas na yung Doktor at pinapasok na kami. Pagpasok ko, gising na siya. Nakaupo pa nga.


"Ano pong meron?" Tanong ko sa Doktor pero nakatuon ang tingin ko sa girlfriend ko. Sh-t. Kasalanan ko to eh. Nagtinginan muna ang Doktor at si Kathryn.. 


"Na overstressed lang siya. Okay na siya ngayon. She needs to rest." May binigay pa ngang gamot yung Doctor. 


"Bal, okay ka na ba?"


"Hmm-hmm. Pa hug ako." Niyakap niya agad ako. "Baby uwi na tayo.."


"Sabihan ko sina Tita na--"


"NO! WAG! Please.." Medyo nagulat naman ako sakanya. Kailangang sumigaw bal?


"Bakit?"


"Basta. Ayoko. Please?"

Tumango nalang ako. Uuwi nalang kami. 

Magkayakap kaming dalawa habang nasa sasakyan. Nagutom siya bigla kaya dumaan kami sa isang restau at nag take out. Sa bahay nalang kami kakain. 


Pag uwi, si Kathryn na mismo ang nagsabi na may binili lang kaming food. Ayaw niya ring sabihin kay Mama eh. 


Habang kumakain, nakasandal lang siya sakin. "Sigurado ka bang ayos ka lang?"


Tinignan niya ko. "I love you.." Hinalikan ko siya sa noo. "Mahal na mahal din kita, Bal. Sorry ha? Sumakit yata ulo mo dahil sakin."


"Wag mo na ulit gagawin 'yon, ah? Bal?"


"Opo. I love you so much."


AFTER kumain, umakyat na kami. Sina Alex nagsiuwian na rin naman. Humiga na kami, maya-maya, nakatulog na rin si Kath. Tinititigan ko siya. Halos matanggal buong kaluluwa ko nang makita ko siyang nakahandusay kanina. Paano pa kaya kung may mangyari... hindi ko yata kakayanin. 


**


Continue Reading

You'll Also Like

24.2K 828 10
Huwag mo nalang pansinin.
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
78.2K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...