Sa Isang Sulyap Mo

De alericagalam15

84.5K 760 79

Love at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para s... Mai multe

Chapter 1: I'm Ashleen Herschel Tolentino
Chapter 2: Annoying Mark >.<
Chapter 3: Worst Day ! >.<''
Chapter 4: The Cooking Competition
Chapter 5: The ''EX''.
Chapter 6: Nothing to feel but PAIN.
Chapter 7: Getting Closer
Chapter 8: The Deal
Chapter 9: Can this be love?
Chapter 10: He's back
Chapter 11: Panunuyo Moment
Chapter 12: The Final Decision
Chapter 13: This made my day
Chapter 14: Something Revealed
Chapter 15: Love Quarrel
Chapter 16: Ashiieee So Jelly
Chapter 17: The Refusal
Chapter 18: Nakakapagpabagabag
Chapter 19: The War
Chapter 20: I'm Sorry
Chapter 21: Mark's Birthday
Chapter 22: Mark's Birthday II
Chapter 23: Immaculate Conception and The Peace Offering
Chapter 24: I'm afraid to fall
Chapter 25: LoveNat
Chapter 26: Quarrel Again? & Again?
Chapter 27: Christmas Party- St.John
Chapter 28: Bonding with my bestfriend
Chapter 29: Mark's POV
Chapter 30: Christmas Party- Gregorians
Chapter 31: Ang Pag Amin </3
Chapter 32: Family Xmas Party with The G's
Chapter 33: Ang Paglalasing.
Chapter 34: Tears.
Chapter 35: Powerful Advice
Chapter 36: New Year. New Chance?
Chapter 37: The day before the day.
Chapter 38: Happy Heart's Day!
Chapter 39: My Valentine's
Chapter 40: My Valentine's [2]
Chapter 41: The Romatic Part
Chapter 42: The Romantic Part [2]
Chapter 43: Way Back Home
Chapter 44: Tonight would be the night
Chapter 45: Being Together :)
Chapter 46: Jollibee
Chapter 47: First Monthsary [1]
Chapter 48: First Monthsary [2]
Chapter 49: Happy Trip Baby
Chapter 50: Bitter Mother.
Chapter 51: Who's that girl?
Chapter 52: Meeting HER again.
Chapter 53: Wendy? Wendy? Wendy?
Chapter 54: The 14th.
Chapter 55: The Accident
Chapter 56: The Visit.
Chapter 57: Goodbye, Ilocos.
Chapter 58: Hello San Juan!
Chapter 59: The Gift.
Chapter 60: Finally, he's here! :)
Chapter 61: Enrollment
Chapter 62: Her day :)
Chapter 63: Donya Ysabel
Chapter 64: Reyna Esperanza
Chapter 65: Hell No! :(
Chapter 66: Acienda
Chapter 67: Junior High!
Chapter 68: Barkada War
Chapter 69: Barkada Meeting
Chapter 70: Ang pag-ibig
Chapter 71: One Happy Family!
Chapter 72: Depressed
Chapter 73: Down.
Chapter 74: My 1st bday in SJ.
Chapter 75: The Start
Chapter 76: Sisters Talk.
Chapter 77: Shaley. Shaley.
Chapter 78: The Rumors
Chapter 79: Always on my side.
Chapter 80: Feelings.
Chapter 81: Cool-Off.
Chapter 82: What hurts the most.
Chapter 83: BYE ASHLEEN!
Chapter 84: The Address
Chapter 85: Manila
Chapter 86: Break-Up.
Chapter 87: The Advices
Chapter 88: Begging Ashleen
Chapter 89: I'm not letting go
Chapter 90: Desperate Mark
Chapter 91: The Art of Letting Go
Chapter 92: Killing the pain
Chapter 93: Trying so hard.
Chapter 94: Enjoying Life
Chapter 95: Ashleen's POV
Chapter 96: San Juan, I'm back!
Chapter 97: When He Found Somebody Else.
Chapter 98: Stinging pain of my heart.
Chapter 99: Meeting him again
Part I: Last Chapter
try
Chapter 101: From the start!
Chapter 102: Destiny?
Chapter 103: Chasing Dogs
Chapter 104: Mahal kita
Chapter 105: Senior life
Chapter 106: Getting deeper?
Chapter 107: The Prayers
Chapter 108: Newfound Friend
Chapter 109: FIGHTING
Chapter 110: The Essay
Chapter 111: Allen Along the Way!!
Chapter 112: JellyFish/Ace
Chapter 113: The Cold July
Chapter 114: When Jealousy Strikes
Chapter 115: The Secrets
Chapter 17: The Real Reason
Chapter 118: Broken Relship
Chapter 119: Call from Wendy
Chapter 120: Allen The Great
Chapter 121: Byahe
Chapter 122: Something's wrong?
Chapter 123: JOYRIDE.
Chapter 124: He Admitted.
Chapter 125: UNDAS
Chapter 126: AKALA KO
Chapter 127: Mark's Special Day
Chapter 128: Silent Goodbye
Chapter 129: Where is he?
Chapter 130: From afar.
Chapter 131: Goodbye
Chapter 132: We all need somebody

Chapter 116: Curiosity

440 5 0
De alericagalam15

Pag uwi ko sa Acienda, pumunta agad ako ng kusina para uminom ng tubig nang madatnan ko si Shaley na nagluluto ng fries.

"San ka galing?" Sabi niya sa akin.

Nilagpasan ko siya at kumuha ng tubig sa pitsel saka uminom.

"Dyan lang sa park..." Sagot ko sa kanya.

"Ahhh..."

Tinignan ko siya habang nagluluto. Mukhang okay naman at parang walang nangyari sa kanya? Maayos naman ang itsura niya...

"Shaley." Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?!"

"Harap ka nga sa akin?"

Gusto ko lang sana makita yung mga mata niya kung umiyak. Humarap siya sa akin at ngumiti pa. Hindi naman mukhang umiyak?

"Bakit?!"

"Wala.. Wala lang..."

Tumawa siya.

"Ano na namang trip mo, Ash?"

Umiling lang ako.

Kumuha siya ng plato para paglagyanan ng fries saka platito para sa dip.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa kanya. May gusto kasi akong sabihin kay Shaley e baka nandyan si Mama marinig pa.

"Nagshower lang."

Gumagawa siya ng dip ng fries. Yung pinaghalong mayonnaise at ketchup.

"Nga pala.. Nakita ko si Xander kanina ah?" Sabi ko.

Napatigil siya nang marinig niya yun.

"Ahhh.." Saka niya hinalo halo yung ginagawa niya.

"Okay ka lang ba talaga?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Para siguro hindi ko mahalata na hindi siya okay.

"Oo naman."

"Balita ko...ano daw..sabi niya---" Pero hindi na niya pinatuloy yung sasabihin ko.

"Yup. We broke up." Sambit niya agad agad na parang wala lang sa kanya?

"E bakit.. Parang wala lang sa iyo?"

Tinaas niya lang yung dalawang balikat niya para sabihing hindi niya rin alam.

"Sinong nakipagbreak?"

"I don't know.."

"Anong di niyo alam?

"E parehas naman naming gusto nang maghiwalay.."

"BAKIT?"

"I don't know. I... It's just that.. Well, I don't really know."

"Third party?"

"Of course not. There's no OTHERS at all."

"E bakit? Ano yun? Naghiwalay nalang kayo dahil gusto niyo?"

"Well. It could be that."

Ngumiti pa siya ulit tas kinuha na niya yung fries at dip at naglakad papuntang salas.

"Hindi ako naniniwala nuh.. Alam ko, behind that smile... NASASAKTAN ka.."

"Okay na ako, Ash.."

"Ano ba talagang ginawa sa iyo ni Xander? Hindi mo naman siya kailangan pagtakpan para di ako magalit sa kanya. Matagal na akong may galit sa kanya nuh.."

"He did nothing.."

"Yun na nga nakakainis dun e. WALA SIYANG GINAWA."

"Ashleen, Please?"

Alam ko na. Ayaw niya na kasi pagusapan pa yun. Ganyan lang yan, pero sa loob loob niya... Sobrang nasasaktan na siya. Si Shaley pa? Lahat gagawin nun para kay Xander. Mahal na mahal niya yun e.

"Okay..."

"Let's just watch and eat.. Come on!" Pag aaya niya sa akin.

Parang may hindi siya sinasabi sa akin e. Pakiramdam ko lang? Parang may hindi tama. Parang may hindi ako nalalaman.

Pero hindi.. AALAMIN ko yun.

-------------

Kinabukasan.

Canteen.

"Kailan daw ba ang balik ni Wendy?" Tanong ni Paul kay Mark habang kumakain kami ng Lunch.

"Hindi pa kami nakakapagusap." Sagot naman ni Mark.

"Anong nangyari?" - Lance

"Hindi ko nga alam eh? Nakailang tawag kaya ako sa kanya nung isang gabi at kagabi.." Sagot naman ulit ni Mark.

"Handa na ba kayo?" Serysoso namang tanong ni Grace.

Sa halip na sumagot ay nagkatinginan lang kami ni Mark. Bahala na. Kung andyan na, edi haharap. Kung wala, mag eenjoy. Kailangan pa ba talagang paghandaan yun? I mean.. HANDA na ako anytime.

"O yan na naman e. May sariling mundo na naman sila e. Sabi ko sa inyo, tayo tayo nalang mag usap..." Sabi ni Grace kina Paul, Lance, Lee at Luis. Nagpaparinig na naman ang Lola.

"Oo nga... Tara. Tayo tayo nalang." Dagdag pa ni Lee.

Tignan mo tong mga to, parang ewan. Binatukan naman ni Mark si Lee.

"Anong sariling mundo?" Tanong ni Mark.

Aktong kukunin na niya yung NOVA sa gitna ng mesa namin para buksan pero pinalo ko yung kamay niya.

"Bakit na naman ba?" Sabi ni Mark sa akin.

"Anong bakit na naman ba? Hindi mo pa nga nauubos yang kanin mo, sitsirya ka na naman agad."

"Hay. Ang hirap mong maging..."

"Maging ano?!"

"Maging BOSS."

"O sabi ko sainyo e! Ma-o-OP lang tayo dito e! Tara.. Lipat na nga tayo table e." Malakas na sinabi ni Lance.

"Tara tara tara.." - Lee

Lumipat nga sila ng table at iniwan kaming dalawa ni Mark. Pero sinundan pa rin namin sila.

"Eto.. Parang mga ewan. Ano bang sariling mundo?" Tanong ko kina Grace.

"Hahaha. E kayo lang ni Mark nagkakaintindihan e. Sali niyo naman kami sa kasweetan niyo. Pag magtatanong kami, nagkakatinginan kayo tas tatawa... Hindi kami makarelate." Sagot naman ni Grace.

"Hay nako.. Ewan ko sa inyo.."

Nang makita ko si Lea. Hindi niya kasama si Shaley kaya minabuti ko nang lapitan siya.

"Teka lang..." Pagpaalam ko sa kanila. Tumayo ako.

"Uy. San ka na naman pupunta?" Tanong ni Mark... Pero hindi ko na pinansin.

Nilapitan ko agad si Lea at hinablot yung kamay niya papalabas ng canteen. Dinala ko siya sa Elementary Dept. para kaming dalawa lang..

"Bakit mo ko dinala dito, Ash? Di pa ko kumakain e. Nagugutom na ako.." Sabi ni Lea.

"Saglit lang. Saglit lang talaga... May itatanong lang ako.."

"Ano ba yun?"

"Alam kong IKAW lang ang best friend ni Shaley..."

"Oh.. Anong meron?"

"Kinausap ka na ba ni Shaley tungkol sa paghihiwalay nila ni Xander?"

"Hiwalay na sila? Eh.. Hindi kasi.. Hindi ko pa kasi nakakausap si Shaley. Kasi kaninang bell, dumiretso na siya agad sa Clinic."

"Clinic?"

"Oo.. Masakit kasi ulo niya.."

"Sabihin mo sa akin kung bakit sila naghiwalay... Yung totoo?"

"Hi.. Hindi ko talaga alam Ash..."

"Sabihin mo na sa akin please.."

"Wala talaga akong alam, Ashleen.,"

"Bago mangyari yun? May pinagawayan ba sila? Ano?! Di ba magkasama kayong nag jogging kahapon ng umaga.. Wala ba siya nakuwento nun? Sayo?"

"Ha?"

"Yun. IKUWENTO MO SA AKIN YUN!"

"E bakit Ash? Hindi ka pa ba nakakamove on kay Xander?"

"Ha?"

"Tanong lang.."

"LEA. Alam mo naman siguro kung anong meron kami ni Mark kahit malabo at masyadong kumplikado... At isa pa, super tagal na nun e. Limot na limot ko na yun. Gusto ko lang talaga malaman para alam ko lang kung susugurin ko ba si Xander o hahayaan ko nalang.. Syempre. Depende sa dahilan yan.

"E bakit mo naman gagawin yun?"

"Dahil kapatid ko si Shaley."

"Well.. Wala talaga akong alam. Babalik na ako sa canteen. Nagugutom na talaga ako.."

"Wala ka talagang alam?"

"WALA TALAGA."

"Mamatay man ang crush mo?!"

"Wala naman akong crush kaya walang mamamatay."

"Kahit LIARS go to hell?"

"Fine. Wala talaga.."

----------

Pagbalik ko sa Canteen.

"Oy. San ka ba galing? Bumawi ka kay Lea? Makahila ka kanina akala mo BEST FRIENDS kayo ah?" Sabi ni Lance sa akin.

"Usog nga.. Uupo ako." Pagpapausog ko naman kay Mark.

"BEST FRIEND naman talaga niya yun nuh.." Sabi naman ni Lee.

"Si Wendy kaya ang BEST FRIEND niyan." Sabi naman ni Luis.

"Mga tol.. Dati ang BEST FRIEND niyan si Xander." Sabat pa ni Paul.

"Si Shaley kaya!" Dagdag pa ni Grace.

"At si Cathy pa kamo!" Dagdag pa ni Lance.

"Pati si Loreen!" - Luis

"MGA TIMANG! Magsitigil kayo!" Sigaw ko sa kanila. Nakakairita e. Pag magsasalita sila, sunod sunod na.. Lahat sila may nasasabi. Hahahaha! Ang barkada ko talaga. Ewan.

Tapos nun.. Nagsisisihan naman sila. Aynako po!

"Si Lance nauna ah!" Sisi ni Grace.

"Sumunod kaya kayo.." Sagot naman ni Lance.

"E kahit na! Ikaw naman pasimuno!" Sisi pa ulit ni Luis

"SHUT UP! Hay nako. I need your help guys."

"With what?" Tanong naman ni Paul.

"Kay Lea. Kailangan ko siya paamaninin."

"Paaminin saan?"

"Paaminin kung ano talaga ang dahilan ng paghihiwalay ni Xander at Shaley."

Natahimik sila lahat at napatitig sa akin.

"Don't get me wrong guys. It's all about Shaley. Wala naman akong magiging pake kung ibang babae to pero kapatid ko kasi ang involved dito." Pagpapaliwanag ko.

Iba kasi mga tingin nila sa akin? Parang nagsususpetsa.

"Bakit pa tayo mangengeelam?" Tanong ni Paul.

"Misteryoso kasi e. Iba si Shaley ngayon. Alam kong may tinatago siya na hindi ko alam. Parang may something.. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa mangeelam pero I feel like I'm involved.."

"Involved saan? Sa hiwalayan nila?" Tanong ni Grace.

"Yeah.. At some point.."

"Nakamove on na yung mga yun sa iyo. Baka ibang babae ang damay.." - Lee

"Pero sabi.. Wala daw third party."

"Baka trip lang talaga nila maghiwalay. O palabas lang nila na naghiwalay na sila pero sila pa rin o baka sadyang ON/OFF lang talaga yung relship nila. Wag na tayong makielam dun.. Magkakagulo na naman eh." Luis

"Hmmmmm... Pleaseee? Pagkatapos talaga nito, hindi na ako makikialam sa kanila..." Pagpupumilit ko sa kanila.

"E paano ba ito Mark?" Lance

Lahat kami napatingin kay Mark.

"Pagbigyan niyo na si Ashleen. Minsan lang humiling yan.." Sagot naman ni Mark.

Napangiti ako sa kanya at napabulong ng Thank you.

"Sige. Mamaya! Malalaman na rin natin yan." Paul

------------------

Sa C.R

"Ano na naman bang kalokohan ang trip mo, Ashleen?"

Tanong sa akin ni Grace habang nagsusuklay kami sa harap ng salamin.

Sermon na naman ang aabutin ko nito kay Grace eh.

"Trip?" Painosente lang.

"Oo. Bakit kasi mangingielam ka pa kina Shaley. Hayaan mo nalang kaya silaa? Tutal.. Problema naman nila yun. Tsaka break up nila yun. Sa kanila na lang yun."

"Hindi naman ako mangingielam. Napakamisetryoso kasi ng dalawa. Basta. Lahat ng sinasabi nila parang may laman."

"Ano bang sinabi nila?"

"Si Xander kasi.. Nung nagkita kami, basta..hindi ko alam.. Ang dami niyang tinatanong na ang weird.. Yung parang.. Out of the blue bigla nalang niya tatanungin yung mga ganun.."

"Tulad ng?"

"Kung gaano ko kamahal si Mark? I don't know.. Tapos kung anong kaya kong gawin blah blah blah.. Tapos si Shaley lang daw ang magpapaintindi sa akin..Tas nung paalis na ako.. Sabi niya.. Masaya daw siya para sa akin.."

"Tibay naman niya. Masaya pa siya nun? Siguro, namamatay na yun."

"Namamatay saan?"

"Sa pagsisisi."

"Anong ibig mong sabihin? Ako na naman yung dahilan ng pag aaway nila at..pagbrebreak?"

"Could be. Pero hindi yun dahilan para makisawsaw ka na naman sa kanila. Wag ka paapekto nuh. Tsaka ang hilig mo kasing umangkin ng kasalanan.. Porket, ikaw lang ang pinagawayan..feeling mo, may kasalanan ka na. Hindi mo kargo yun."

"Pero kapatid ko kasi..."

"Nandun na rin naman kami.. Kaso lang........"

Huminga siya ng malalim na para bang napapagod na siya sa kauulit ulit na pag aadvice sa akin.

"Hay nako. Ewan ko na sayo Ashleen. Sige na nga.. Gawin mo na lang kung anong gusto mo. Basta, andito lang kami para sayo. Suportado ka namin sa lahat ng gagawin mo.. Kahit minsan, medyo lumalagpas ka na sa linya.."

"Linya?"

"Linya ng KATINUAN."

Inirapan ko lang siya. Matino naman ako ah?

"Malaki ka naman na nuh? Hindi naman na siguro kailangan lagi kitang sinesermonan at pinipigilan sa mga ginagawa mo. May isip ka na. Alam mo na ginagawa mo.." Sabi niya sa akin habang nagpupulbos siya.

Buti naman alam niya. =) Hihihi. Lagi nalang kasi siyang may sinasabi sa twing may pinaplano ako e. Ewan ko ba!?

Lumapit ako sa kanya at yinakap ko siya.

"Thank you ha?"

Ngumiti siya sa akin.

"Thank you na naman saan, Ash?"

"Kasi naiintindihan mo ko. Kahit minsan... Super EWAN ako."

"Yan na naman ang DRAMA. Tama na nga.. Tara na, magbebell na. Ngayon pa ba tayo magiiyakan? Hahaha. Tara na, uy. At mamaya, kikidnapin pa natin si Lea para lang mapaamin mo."

Inakbayan niya ako saka kami naglakad na dalawa papunta sa kanya kanyang room.

-------------

Uwian.

"Tara na?" Aya sa akin ni Mark habang hinhintay niya ako matapos sa pag aayos ng gamit ko.

"Oo. Tara na."

Tulad ng napagusapan ng barkada, sa Gazebo sa harap ng room nila kami magkikita.

At nandun na nga si Lea.

Pinalilibutan siya ng buong barkada, dagdag pa kami ni Mark. Para siyang may ginawang krimen. Hay.

"Si Shaley? Nasaan?" Tanong ko para lang makasiguradong nakauwi na si Shaley.

"Nakauwi na. Di ba nga, masakit ang ulo kanina? Pinauwi na siya ni Nurse Jackie."

"Good." Sabi ko naman.

"Bakit niyo na naman ba ako ginaganito? Wala naman akong ginagawang kasalanan sa inyo ah? Uuwi na ako. May handaan kasi sa amin ngayon... Birthday ng papa ni Allen, kailangan ko na umuwi. Kung gusto niyo punta kayo.."

"LEA. ANO TALAGA ANG PINAGAWAYAN NILA?" Tanong ko sa kanya.

"Nakakagulat ka naman, Ashleen. Para ka namang kampon ng NBI."

HANO?

"Gusto ko makipagbiruan sa iyo pero wala na akong oras. K? Kaya sabihin mo na sa akin kung anong nalalaman mo?"

"Wala nga akong alam."

"ALAM KONG ALAM MO,"

"At tsaka.. Kung may alam man ako, duh? E hindi mo naman kailangan malaman pa yun dahil hindi yun importante."

"Pwes sa akin, inportante yun. So tell me..."

"Ewan ko sainyo." Sabi niya.

Lumapit si Paul at inilabas yung wallet niya saka naglapag ng coins sa harap ni Lea.

"LIMANG PISO PARA UMAMIN KA," sabi ni Paul.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Hoy. Makakabili ka naman ng cotton candy sa simbahan niyan nuh" sagot naman ni Paul.

"O sige. Hindi siya satisfied sa limang piso e. ETO, sampung piso.. Dagdag ko para umamin ka na." Sabay lapag ni Luis ng sampung piso sa harap ni Lea.

"Wala nga ako alam.. Kulit naman ng mga lahi nito." Sambit naman ni Lea.

"Nakukulangan pa yata e. O eto.. Bente!" Sabay balibag ng bente ni Lance sa harap niya.

"Kailangan talaga may mga pera?" Sabi naman ni Lea.

"Tsk. Mukhang di pa rin keri ah? O eto.. 30 pesos. Aamin ka na ba?" Sabi naman ni Grace.

"Tutal meron ka naman nang... 65 pesos. Dagdagan ko nalang ng 5, ane? Para saktong 70... Hihihi." Offer naman ni Lee.

E sa nakikita ko na sila nagbibigay lahat.. Napilitan na rin ako maglabas.

"O eto.. Singkuwenta. Siguro naman sapat na yan para ibuka mo na yang bibig mo? Masaya ka na siguro niyan?"

"TIGILAN NIYO AKO. Hindi ako mukhang pera nuh. Sainyo na yan, wala nga akong alam kaya pwede lubayan niyo naman ako. Gusto ko na talagang umuwi,"

"80 pesos! Sarado dalawang daan! AAMIN KA BA O HINDI?" Nilapag na rin ni Mark yung 80 pesos niya sa harap ni Lea.

"200 na to lahat lahat?"

"Kulang pa ba?" Tanong ni Mark.

"Masyado na yatang malaki yung binigay mo Mark..." Sita ko kay Mark.

"Sige. Sasabihin ko na. Walang bawian nito ah." Sabi naman ni Lea.

E wala pala to e.

"Pero una sa lahat.. Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ni Shaley sa mga sinabi niya sa akin. Basta ang alam ko lang, walang totoong relasyon sina Xander at Shaley. Kumbaga, deal lang yun. Kapalit mo daw Ashleen. Pero sineryoso pa rin ni Shaley yung relationship niya kay Xander kasi nga mahal niya si Xander. Ewan ko ba diyan sa kapatid mo... Nagtyatyaga siya dun sa bisugo na yun."

Doon na ako naguluhan. Ano daw? Sabi ko na nga ba sabit na naman ang pangalan ko sa istorya nila e. Para akong nahahagip ng camera sa teleserye nila ng hindi ko alam.

"Anong kapalit ko?"

Tumayo siya at kinuha yung pera.

"Kasasabi ko nga lang sa unang una.. WALA RIN AKONG MAINTINDIHAN. Sinubukan ko siyang tanungin, pero tikom ang bibig niya. Wala na siyang sinabi sa akin bukod dun. Okay na ba yun?"

Napatingin lang ako kay Mark.

"Thank you dito ha? Pambili rin to ng bagong damit o sapatos. Pwede na ba ako umalis?"

Tumango lang ako at nagpasalamat saka siya umalis.

"Pera lang pala katapat nun e." Sabi ni Lee.

"Ngayon.. Kailangan mo naman alamin sa kapatid mo kung ano ang ibig sabihin nun.." Payo naman ni Grace.

------------------

Sa Acienda pa rin ang tuloy namin ni Mama dahil mukhang ayaw naman lumipat ni Shaley. Pero okay lang sa akin kahit saan... Basta may pagkain at may matutulugan, solve na ako dun.

Ano kaya yung kapalit ko, nuh? Tsaka yung sinasabi nilang deal lang daw yung relationship nila? Bakit kaya lagi nalang nasasabit ang pangalan ko sa mga ganitong istorya? Please naman.

"Mahal ka pa nun nuh..." Sabi ni Mark habang naglalakad kami pauwi.

"Wag naman na sana...." Sagot ko naman.

"Di ko rin naman siya masisisi. Naiintindihan ko nga siya e."

"Ang dami na kayang nangyari... Malabong ako pa rin. Excuse niya lang yun... Lagi nalang dinadawit pangalan ko. Nananahimik na nga ako."

"Malay mo naman.. Di ba?"

"Tumigil ka na, Mark."

"Hindi.. Sa totoo lang talaga.. Naiintidihan ko naman si Xander eh."

"Pwes ako hindi.. Hindi ko siya naiintindihan. SILA. Hindi ko sila naiintidihan. Edi dapat galit sa akin ngayon si Shaley kung ako ang dahilan di ba? Baka ganun lang talaga.. Ewan. Baka sabi lang ni Lea yun."

"Sus.. Bat naman siya magagalit sayo? E nagbago na nga si Shaley. Hindi na siya tulad ng dati na..alam mo yun? Epal, asungot, maarte... Basta."

----------------

Sa bahay.

Ang tahimik naman sa bahay na ito. Hinding hindi mo maidedeny na MALUNGKOT dito e. Wala si Mama kasi nasa trabaho. Si Shaley naman...malamang nasa kwarto niya. Nagpapahinga siguro kasi masakit ulo e.

Nagpunas muna ako sa basahan saka ako naghubad ng sapatos at inilagay ko iyon sa shoe rack. Inilapag ko muna yung bag ko sa sofa saka ako dumiretso sa kitchen para uminom ng tubig.

Akalain mo nga naman... Dito lang pala kami ulit magkikita ni Shaley. Nagsasaing siya ng kanin para mamayang hapunan. HINDI NGA?!

"Nakauwi ka na pala?" Bati niya sa akin.

"Diba.. Masakit ulo mo? Dapat nagpapahinga ka lang? Ako na bahala diyan.."

Nilapitan ko siya.

"NAGAWA ko na e. Okay na. Para naman makatulong ako sa inyo ni Mama.. Hindi yung ako nalang palagi ang prinsesa sa bahay na ito." Sabi niya.

Tumingin ako sa paligid. Sa sahig, sa mga furnitures, sa dingding, sa lahat... Ngayon ko lang napansin na luminis yung bahay.

"Naglinis ka?!" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"I told you... Miracle happens." Nakangiti niyang sabi sa akin saka niya dinampot yung washcloth at pinunasan yung counter.

Hindi ako makapagsalita e. Di nga? Si Shaley to?

"Gutom ka na ba? May binili akong BBQ... Nasa mesa.." Sabi niya.

Ha?!

"Okay? Salamat... Magpapalit lang ako ng damit."

Kinuha ko ulit yung bag ko sa sofa saka dumiretso ng kwarto. Pagkapasok ko, laking gulat ko nang makita kong bagong ayos na yung buong kwarto ko. Tsaka ang linis at fresh nang tignan. Parang ang sarap mahiga at matulog. Ang aliwalas. Ano kayang nakain ni Shaley? Pati mga damit ko, ayos na rin. Basta... Lahat nasa puwesto.

Nagbihis lang ako saka ako lumabas ulit. Naghanda siya ng juice, chips, hotdogs in sticks at yung bbq na binili niya.

Ganito ba talaga pag broken hearted? Kain na lang ng kain?

"Mauubos mo yan?" Tanong ko sa kanya. "Tataba ka niyan, bahala ka.. Dinadaan mo sa pagkain yung pagkabroken mo eh.."

"Sa iyo yan nuh."

"Ha? Sa akin? Bakit? Ano meron?!"

"Wala.. Gusto lang kitang pagsilbihan.."

"Anong meron?!"

"Wala nga.. Kulit mo. O tara! Kain tayo. Mamaya pa dadating si Mama e. Doon tayo sa----"

"Dito nalang tayo kumain. Dadayo pa tayo kung saan saan e. Tara. Kasi may ikuwekwento ka pa sa akin." Sabi ko sa kanya bago pa niya ako maaya sa kung saan man niya gustong kumain.

"Okay..."

Umupo siya.

"Ano bang ikwekwento ko?" Tanong niya.

Tumingin ako sa mga mata niya.

"Sabi ng mga mata mo sa akin.. Napuyat ka kakaiyak. Kaya siguro sumasakit ulo mo nuh?"

"E.. Masakit." Mahina niyang sinabi saka siya kumuha ng bbq at kumain.

"Ano ba talagang dahilan ng pag aaway niyo?"

Hindi siya nakasagot sa akin sa halip ay sinubukan niyang ibahin ang usapan.

"Alam mo.. Tara.. Mag movie marathon nalang tayo."

"I don't want movies. I want your story."

"It's too personal kasi kaya ayoko pag usapan."

"Malalim ba yung naging ugat ng pag aaway niyo o mababaw?"

"So deep. Sooooo deep."

"Ayoko sanang tanungin to sayo dahil alam kong kakapalan ng mukha ang itanong to sayo... But..Ayoko na kasi mag assume. Isa ba ako sa mga dahilan kung bakit?"

---

Shaley's POV

Hindi ako agad agad nakasagot sa kanya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya yung totoo.

"Hindi.. Hindi ikaw yung dahilan."

Yun ang sinabi ko dahil hindi naman talaga siya ang dahilan. WELL, masasabi kong kadikit pa rin ng pangalan niya yung naging relasyon namin ni Xander. But I swear.. She's not the main reason why we broke up.

"Yung totoo?" Sagot niya sa akin.

Natatakot ako. Hoo! :(

"Nagbreak kami dahil gusto namin hanapin yung mga sarili namin."

"So hindi kayo nagaway? Before that happens?"

"Well. We had misunderstandings before that.. But nagkaayos naman kami e. We had some discussions about it. We were able to fix things up.."

"Tungkol saan?"

Yan ang mahirap sagutin.

"We just.. I mean.. He just fell out of love with me.."

"At mahal mo pa rin siya?"

Doon ko lang nakuhang tumingin sa mga mata ni Ashleen.

Nandoon kasi ako sa sitwasyon na MAHAL ko pa yung tao kaso AYAW ko na ituloy.

"I'm trying my best to stop it."

"Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano yung ibigsabihin ni Lea tungkol sa estado ng relasyon niyo?"

Doon na ako nagsimulang kabahan.

"Anong sinabi niya?"

"Sabi niya.. Deal lang daw yung relasyon niyo kapalit ko?"

"Ha?"

"Hindi ba totoo yun?"

Parang uminit yung paligid. Pinagpawisan yung noo ko.

"Wait.. I need to drink."

Kumuha ako ng juice mula sa pitsel at uminom saka pinunasan yung noo ko. Tumingin ulit ako sa kanya..

"It's not true."

"Are you sure?"

Tumango ako.

"E bakit hindi mo masabing OO?"

"Yeah.. Yes.. Oo.."

"Mangako ka sa akin na hindi ka nagsisinungaling sa puntong to? I mean.. I believe you but.. Just promise me para mapanatag yung loob ko."

Hoo. Hindi ko kaya... :( Dati kaya ko pa siyang lokohin pero ngayon iba na e... Si Ashleen to e. Kilala ko siyang magalit.

"Hindi ko lang talaga magets yung sinabi ni Lea kanina na kapalit ko daw.. Ewan. Hay. Ang weird talaga ng babaeng yun..." Dagdag pa niya.

"Ashleen.. Parang sumakit na naman ang ulo ko.. Magpapahinga lang ulit ako ah."

"Sige.. Pagaling ka ah."

----------------

Ashleen's POV

Hmmm...

Pinalampas ko lang ang araw na ito dahil alam kong hindi maganda ang pakiramdam ngayon ni Shaley. Pero alam kong may hindi pa rin tama at may hindi pa rin ako nalalaman.

Ano kaya naging papel ng pangalan ko sa kanilang dalawa ni Xander? Alam kong hindi na dapat pa akong mangialam pero nararamdaman ko rin na parang may kailangan pa akong malaman.

(Phone rings. Text Message.)

"Hi Ashleen. Si Wendy to. Nagpaparamdam lang ako ulit, baka nakakalimutan niyo na ako. Tsaka yung usapan natin ah? Sana tinutupad mo."

NAGTEXT SIYA? O.O

Napapikit ako at napahinga ng malalim. Idagdag mo pa to sa mga iisipin ko. :( OO nga pala. Nakiusap siya sa akin noon na kung pwepwede layuan ko si Mark...

Sorry Wendy. Hindi ko kasi kaya. Kung kaya ko lang talaga, gagawin ko naman e. :/ Sana bumalik ka na para matapos na ang lahat.

Hindi ko nalang siya nireplyan dahil wala naman akong masabi. Madadagdagan lang mga kasalanan ko kung magsisinungaling pa ako sa kanya. Bahala na. Sa ngayon... Magiging pakialamera muna ako sa personal na buhay ng kapatid ko.

---------

Chapter 17: The Real Reason

Sorry for the typos.

Thanks for reading! <3

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
302K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
August and Apple De Reynald

Ficțiune adolescenți

1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...