What It Takes To Be A Man (Gx...

Por ABRASTRO

98.6K 3.8K 682

They say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyrig... Más

What it takes to be a MAN
Simula
CHAPTER 2 - The Meet Up
CHAPTER 3 - Wedding
CHAPTER 4 - Howell Junior
CHAPTER 5 - SuperiorityVsInsecurity
CHAPTER 6 - Time
CHAPTER 7 - Reconciliation
CHAPTER 8 - The Lost
CHAPTER 9 - The Convalese
CHAPTER 10 - The Search
CHAPTER 11 - The Comeback
CHAPTER 12- The Start of a Lie
CHAPTER 13 - Caught in the ACT
CHAPTER 14 - Dylan's Confession
CHAPTER 15 - Exhibit
CHAPTER 17 - Jealous
CHAPTER 18 - The Start of a Fight
CHAPTER 19 - Face to Face
CHAPTER 20 - Jealous pa More
CHAPTER 21 - Junjun's missing
CHAPTER 22- Reverse Psychology
CHAPTER 23 - Sympathy/Love
CHAPTER 24 - Missery
CHAPTER 25 - Separation
CHAPTER 26 - Unexpected
CHAPTER 27 - Gone with the wind
CHAPTER 28 - War of Words
CHAPTER 29 - Too much Heaven
CHAPTER 30 - The Last Fight
CHAPTER 31 - The Last Stand
CHAPTER 32 - Just One Step
CHAPTER 33 - One Piece

CHAPTER 16 - Masterpiece

1.8K 95 10
Por ABRASTRO


WENA: Andy! (wika nito)

ANDY: Yes? (lumingon siya at masuyong tinignan si Wena)

Natahimik saglit ang iba habang hinihintay ang sasabihin ni Wena


WENA: kung sakaling pumayag ako? Kailan mo magsisimula?

Napangiti si Andy. Ganun din ang mga kasamahan nila.


ANDY: Anytime, as long as you're ready (patango tango niyang sinabi)

Suminghap si Wena na para bang gumaan saglit ang pakiramdam.

WENA: Sige pumapayag na ako. Pero sana bigyan mo ako ng magandang schedule yung hindi maaapektuhan sa oras para kay Junjun.

ANDY: Yun lang ba? (ngiti niya)

WENA: May iba pa ba? (bigla siyang nagtaka na para bang may hindi pa siya alam)

ANDY: Don't worry, il make sure that you will still have time for your husband and for your son. Thank you so much wena (at binigyan ng yakap si wena bilang pasasalamat)

Hindi na rin nagtagal si Andy at ang kapatid nito. Umalis na rin sila pagkatapos magpaalam.



CUT TO:
INT CEANNA'S CONDO - 7 PM

Nakaupo na si Dylan at si Dindi sa hapag kainan habang si Ceanna naman ay abala sa kakalagay ng pagkain sa mesa.

DINDI: Ma? Kailan ka po ba maghahain ng ulam na di prito at sunog? (nakangusong sabi nito)

Bumagsak ang tinging ni Dylan sunog na pritong manok.

CEANNA: Haayyyy! kumain ka nalang bata ka.

Hindi na umimik ang bata. Ngunit halata parin sa mukha ang lungkot habang nakatingin sa sunog na ulam.

CEANNA: Bakit? Ayaw niyo bang kaininn itong hinain ko? Eh kung ganon umorder nalang tayo (she suggested)

DYLAN: Hindi na anung oras na rin (sabay tingin sa kanyang orasan), Dindi kumain ka na ito oh, (at nilagyan ng pagkain ang plato ng bata, napangiti naman si Ceanna sa ginawang pag-aasikao ni Dylan)

DINDI: salamat po.

CEANNA: Kamusta naman ang trabaho mo? (balin niya kay dylan)


DYLAN: Okay naman! (patango tango siya).

CEANNA: Ehh yung mag -ina mo? (walang anumang tanong nito)

DYLAN: Ang alam ko namasyal silang magpamilya kasama si Junjun.

CEANNA: Ahhhh, buti naman kung ganon, nakakatuwa noh, ikaw na nga tong pagod sa trabaho, sila pa tong nagpapakasasa sa pera mo. (umiling siya at umismid )

DYLAN: Hayaan mo na sila. (sabay subo ng pagkain)

CEANNA: Dito ka ba matutulog?

DYLAN: Hmmm, hindi na siguro, baka hanapin ako ni Junjun pagdating nila sa bahay.

CEANNA: Okay! O Dindi kumain ka pa? (balin nito sa anak at binigyan pa ng ulam)

DINDI: Tapos na po ma (at umiling)

Pagkatapos ng dinner ay umuwi na rin si Dylan.



CUT TO: LATER
INT HOWELL -CASTRO HOUSE

Sinamahan ni Wena si Junjun sa pagtulog, nang mapansin niyang mahimbig na ito sa pagkakatulog, lumabas siya upang icheck ang lahat ng bahay at patayin ang mga ilaw sa pagaakalaang hindi uuwi sa kanila si Dylan.

Pagkalabas niya ng kwarto ay saka naman pagpasok ni Dylan. Parang walang nakita si Wena, wala itong kareareaksyon ng makita ang kanyang asawa. Diredirecho lamang siya papuntang kusina. Sumunod naman si Dylan sa knayang likod.

DYLAN: Nagugutom ako (saad nito)

Binuksan ni Wena ang ref at kumuha ng maiinum. Pagkatapos niyang uminum ay nilapag nya ang baso sa may lababo.

WENA: Hindi ako nakapagluto, hindi ko naman alam na uuwi ka. (sabi nito at tinalikura si Dylan)

Sinundan siya ni Dylan sa kwarto...

DYLAN: Bat hindi ka nagluto? Paano kumain si Junjun?

WENA: Lumabas kami kanina diba? Kaya sa labas na kami kumain, isa pa anu bang alam ko kung may balak kang umuwi dito? Total galing ka naman sa babae mo, bat hindi ka nalang kumain dun.

Humugot ng malalim na hininga s Dylan bago magsalita.

DYLAN: Bakit ba sa tuwing naguusap tayo bukam bibig mo si Ceanna? (kumunot ang noo nito)

WENA: O bakit? Anu bang gusto mong isipin ko? Na sa tuwing hindi ka umuuwi dito sa opisina ka natutulog? Nagpapatawa ka ba Dylan?

DYLAN: Wena, magpasalamat ka nalang kase kahit papano umuuwi parin ako dito sa bahay? Kay imbes na bukam bibig mu yung tao, bat hindi mo na lang ako asikasuhin, bilang asawa mo, maybe then...  mas gugustuhin kong umuwi dito kaysa sa ibang bahay. (may diin sa huling salita)

Pagalit niyang hinampas ang kamay sa lababo ng pumasok siya sa  banyo.

Napaiĺing na lamang si Wena sa inasal ni Dylan. Hindi halos siya makapaniwala sa mga pinagsasabi nito, gayong buong niya ay wala siyang ginawa kundi ang pagsilbihan silang mag ina.


CUT TO: DAYS PASSED...

Nakipagkita si Wena kay Andy pagkatapos  maihatid si junjun sa iskwelahan.

INT STUDIO -MORNING

WENA: Ayos tong studio mo ahh, (sabi ni wena habang tinitingnan ang bawat sulok ng studio)

ANDY: Salamat (ngiting sagot nito), medyo maliit nga lang, hindi ko rin naman kase inaasahan na magtatagal ako dito (paliwanag nito)

WENA: Bakit aalis ka ba? (sabay umupo sa may silya)

ANDY: Actually pabalik sana ako ng Canada, hinintay ko lang matapoas yung exhibit at inaasikaso ko yung mapupunta sa foundation. (kumuha ng maiinom si Andy at sabay nilagay sa baso)

WENA: Dito ka rin ba natutulog? Halos kumpleto na tong studio mo (tuwang sambit ni wena, habang inaabot sa kanya ni Andy ang baso ng juice), salamat.

Umupo si Andy sa isa pang silya at nakaharap ito kay wena. Ngiting ngiting ito at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

ANDY: Madalas kase inaabutan ako ng magdamag sa pagpapainting or pagdradrawing. Eh tinatamad narin akong umuwi kaya naisipan kong gawing tong parang bahay. (paliwanag niya Wena), pasensya ka ah medyo makalat lang.

WENA: Ayos lang. (sabay higop ng juice)

ANDY: Wena, salamat ulit dahil pumayag ka na maging model ko.

WENA: Matanong ko pala, anu bang balak mong gawin sa mga drawings mo sa akin? (curious na tanong nii Wena sabya higop ng juice)

ANDY: Ieexhibit ko. (Direchang sagot ni Andy)

WENA: Anu! (halos iluwa na ni wena ang ininum na juice dahil sa gulat)

ANDY: Oohhh! (tumayo si Andy upang kumuha ng tissue, binigay niya ang tissue kay Wena)

WENA: Ba-bakit?

Napangirit lamang si Andy sa tanong ito.

ANDY: Sorry, actually yung pa yung dapat kong sasabihin sayo. Kaso tinanong mo naman ako kaya sinabi ko na rin yung totoo.

Muling napainom ng juice si Wena at tilay kinabahan sa mga mangyayari.

ANDY: Ayaw mo ba?

WENA: Hindi ko lang kase lubos maisip na ibabandera mo yung mukha ko sa mga exhibits mo.

ANDY: Bandera? (tuwang saad nito), wena you're my model, the moment i saw you, na-amazed na ako sa ganda mo, i wish i have that kind of beauty like yours. Kaya anung banderang sinasabi mo? You are my master piece, and i assure you, sa oras na makikita nila yung gawa ko, maiintindihan mo kung anung sinasabi ko ngayon.

WENA: Ahhh ehh, hindi lang ako sanay...

ANDY: Maganda ka! dapat ipinapakita mo yung sa lahat ng tao. (as she encourage wena to show off her beauty)

WENA: Ehh anu bang gagawin ko? Hindi mo naman siguro ako pahuhubarin?

Lalong natuwa si Andy sa sinabi ni Wena sa kanya..

ANDY: Hmmmmm, konting labas lang ng skin pero hindi naman masydong hubad. Konti lang (tuwang sabit nito)

Bahagyang namula si Wena sa hiya... Tumayo si Andy at inaayos ang kanyang canvas.

ANDY: Magrelaks ka muna diyan habang sineset-up ko lang ito.

WENA: Ilan ba ang balak mong idrawing?

ANDY: As many as i can, (ngiting sagot nito) don't worry, yung iba naman, pag busy ka at pag hindi ka pwede, kukuhanan nalang kita ng mga pictures and then ipapattern ko na lang.

WENA: Ahhh... (tumayo si Wena nagpalakad lakad), ito na ba talaga yung trabaho mo?

Napantingin si Andy kay Wena.

ANDY: Oo naman (sagot nito habnag pinagpaptuloy ang pagset-up), may problema ba sa pagdradrawing?

WENA: Wala naman, hindi ka ba naboboro? Kase parang ang tahimik dito sa studio mo ehh.

ANDY: Wena (sabay tingin kay wena), art is my passion kaya bakit naman ako mabobore where in fact in the first place mahal ko yung ginagawa ko. (ngiting paliwang nito), Tulad mo?

WENA: Ako? (gulat na saad nito), bakit naman napunta sa akin?

ANDY: E diba mahal mo yung pamilya mo? Kaya okay lang sayo kahit mag stay ka sa bahay ng buong araw sa kakaantay sa kanila. Kung ako yung mababaliw na ako sa boring noon (pabirong saad ni Andy)

Napangiti lamang si Wena sa sinabi nito.

WENA: Oo nga pala, wala ka bang pamilya o asawa? (she asked curiously)

ANDY: Wala pa akong panahon sa mga gayang bagay hehehe (ngiting sambit ni Andy), pero may mga naging boyfriend naman ako (paliwanag nito), yun nga lang hindi kami nagtatagal.

WENA: Baka namna kasi ginagawa mo silang model mo kaya (pabirong saad nito)

ANDY: Hindi ahh! Ang totoo ikaw palang ang inaalok kong maging model (sabay tingin kay wena)

WENA: Yun na nga ang hindi ko maintindihan sayo ehh, sa dinami dami diyan.. ako pa itong pinagtripan mong gawing model. (saad nito sabay tawa)

ANDY: Huy grabeh ka! Hindi kita pinagtitripan noh! (she paused and looked at wena) hindi ka ba talaga naniniwala na.. maganda ka? as in maganda ka talaga! Siguro yung asawa mo, kung hindi ako nagkakamali yang gandang mong yan! Yan ang nagpainlove sa asawa mo sayo (paliwanag nito)

Natahimik na lamang si Wena at matipid niya itong nginitian si Andy.

ANDY: I actually wanna meet your husband (saad ni Andy sabay tingin kay wena)

Napansin agad ni and yang pagtahimik ni Wena...

ANDY: Wena? (sabay tingin nito), are you okay?

Napantingin si Wena kay Andy.

WENA: Oo naman! (ngiting sagot nito)

ANDY: Alam mo napapansin ko lang nuh, sa tuwing asawa mo ang pinaguusapan parang aloop ka masyado, is there something wrong between you and your husband?

WENA: Huh? Ahh wala naman, isa pa natural lang naman magkaroon ng di pagkakunawaana ang mga mag-asawa.

ANDY: Ilang taon na ba kayong kasal?

WENA: Nine years, Nine years na kaming kasal.

ANDY: Wow! Matagal tagal na rin. Anyway Im done. (Lumapit si Andy kay wena), halika (sabay inaasist ito) ayan, umupo ka dito, ayan (sabay assist kay wena sa kung papano ang kanyang posisyon), ayan! Now i want you to smile, there you go.

WENA: Hindi ba ako mangangawit nito?

ANDY: All you have to do is relaks. Okay?

Nagtungo si Andy sa harapan ng kanyang canvas sabay kinuha ang kanyang pencil.

After forty five minutes...

WENA: Andy? (mahinang sambit ni wena habang seryosong seryoso si andy kakadrawing), andy nangagawit na ako.

Napatingin si Andy kay wena at ngumiti sabay huminto sa pagdradrawing.

ANDY: Sige pahinga ka muna tayo.

Napabuntopng hininga si Wena ng sinabi ni Andy ang salaitang pahinga. Kumuha ng slice na cake si andy sa ref at nilagay sa plato sabay binigay kay wena, inabot niya rin ito ng tubig for her drinks.

WENA: Salamat.

ANDY: You're welcome!

WENA: Bukod ba dito may iba kapa bang ginagawa?

ANDY: Isa akong lawyer.

Wena: Talaga? Isa kang abogado! (gulat nito)

ANDY: Yung nga lang mas madalas sa studio room mo ako makikita kaysa sa court room. (sabay tumawa)

WENA: So hindi mo na talaga pinapractice yung pagiging lawyer mo?

ANDY: Hmmm... sa ngayon oo, pero depende, bakit? May sasampahan ka bang kaso? (sumulyap siya kay Wena)

WENA: Huh?

ANDY: O biro lang, masyado mo naman sineseryoso mga tanong ko. (at tumawa muli ng mahina)

Ilang saglit lang ay nagputloy muli si Andy sa kanyang pagdradrawing. Pagsapit ng hapon kinaylangan ng umuwi si Wena dahil susunduin niya pa si Junjun.

Hinatid ni Andy si Wena sa school ni Junjun...

WENA: Naku salamat nga pala at inihatid mo ako dito (pahyag ni wena habang naglalakad palapit sa may entrance ng school.

ANDY: It's okay, tinawagan mo na ba yung driver mo? Kase if hindi pa, ako na maghahatid sa inyo ni junjun.

WENA: Yun na nga ehhh actually tinawagan ko na siya, nasiraan daw yung kotse, kaya pinapaayos niya pa sa talyer.

ANDY: Kung ganon hatid ko na kayo ni Junjun.

WENA: Naku wag na, maabala ka pa namin.

ANDY: Wena? Anu kaba, parang hindi naman tayo magkaibigan niyan. Ganito nalang pagkalabas ni Junjun, let's have snack together, medyo matagal ko narin hindi nakita si Junjun, i missed that kid (ngiting paliwanag nito)

Nang lumabas si Junjun, agad naman nagtungo ang tatlo sa parking at sumakay sa kotse.

JUNJUN: Mom? Where's your car? (He said as he entered into the rear seats)

WENA: Nasa talyer anak, nasiraan kase kaya pinapaayos pa.

ANDY: Hey junjun (sabay nilingon ang bata sa likod), where do you want to go? Would you like to have a snack first before going home?

JUNJUN: Great idea Ms. Painter! (tuwang sagot nito)

ANDY: Okay!!! sige kakain muna tayo. (she smiled)

Nagtungo ang tatlo sa snack house...

JUNJUN: Mom, i wish pampam would bring us here (sabi nito habang sumusubo ng spaghetti).

ANDY: Pampam? (gulat na reacksyon ni Andy)

WENA: Yun kase ang tawag niya sa asawa ko (bulong nito)

ANDY: Ahhh i see... (she looked at Junjun), masarap ba?

JUNJUN: Yes! Thank you for bringing us here Ms. Painter.

ANDY: You're welcome! Just tell me kung gusto mong bumalik tayo dito, i'll bring you and you're mom here.

JUNJUN: Really!


ANDY: Yeah, Really!

JUNJUN: That would be great!

Napangiti laman si Andy kay Junjun sabay tingin kay Wena.

ANDY: Such a nice kid. (ngiting nito)

It was late afternoon already, masyang nagmemeryenda ang tatlo, nagkataong napadaan naman si Ceanna sa mismong snack house para bumili ng makakain nila ni Dylan. Ceanna was able to recognize Wena from a distance, pero hindi siya nakita nito. Seryoso niyang pinagmamasdan ang kasiyahan ng tatlo..


CEANNA: Kung tumawa ka parang wala kang problema! (sabi nito habang pinapanuod si Wena), Alam kaya ni Dylan yang mga pinaggagawa mo? (at sarkastikong ngumito ito na para bang may iniisip ng di maganda)



Anu kaya ang binabalak ni Ceanna ngayon nakita niya si wena na may kasamang ibang babae...



---------------

Writer's Note:

Date Edited: August 12, 2018

Hello Everyone!

Kamusta? Kamusta ang chapte na ito?
Sana ay nagenjoy kayo kahit maiksi lang.

Marami pa ang mga kaabang abang na magaganap sa WITTBAM kaya sana patuloy parin kayo magbabasa nito.

Wag nyo pon sanang kalimutan na magcomment at magreact sa chapter na ito.

Thank you! Have a blessed Sunday!

Love A

Seguir leyendo

También te gustarán

244K 8.5K 25
in which their marriage is arranged.
21.9K 755 36
Simpleng estudyante, may mapagmahal na nanay, may mapang-asar na kapatid at may supportive na bestfriend. Papasok sa eskwela, uuwi at dideretso sa pa...
62.5K 2.3K 34
Althea Guevarra is a dedicated Nurse's Aide, haunted by dreams of a woman she hasn't met. Her paths cross with Jade, a mysterious patient who has no...
876K 40.7K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...