The Fifth Son

By Drei_Esquivel

79.1K 2.2K 1.8K

"When you care so much for the expectations of others, you will lose your own identity. But when you decided... More

Author's Note
Introduction
Ichi
Ni
San
Yon
Go
Roku
Nana
Hachi
Kyu
Jyu
Jyuichi
Jyuni
Jyusan
Jyuyon
Jyugo
Jyuroku
Jyunana
Jyuhachi
Jyukyu
Nijyu
Nijyuichi
Nijyusan
Nijyuyon
Nijyugo
Nijyuroku
Nijyunana
Nijyuhachi
Nijyukyu
Sanjyu
Sanjyuichi
Sanjyuni
Sanjyusan
Sanjyuyon
Sanjyugo

Nijyuni

1.2K 40 19
By Drei_Esquivel

~22~


My mouth swung open momentarily. Na-lost yata ako. Bakit nandito si Yuto? Magtatanong sana ako kung ano ang ginagawa niya dito sa school kaya lang naunahan ako ni Paolo.

"Gago ka ah! Anong problema mo?!" maangas na tanong ni Paolo habang mabilis na tumatayo. He was about to take revenge and punch Yuto back but I got in between them and effectively stopping the impending clash. I felt a pang of my frustration about my height. Para akong pumagitna sa dalawang higante.

"Teka! Cut it out!" pigil ko.

Nagsasalubong na ang kilay n'ya habang sapo ang tinamaang pisngi na medyo namumula na. "Bakit ka bigla-biglang nanununtok?! Problema mo? Gusto mo ng suntukan?! Ano?!" bulyaw n'ya kay Yuto. He grabbed my wrist and pulled me away from the Japanese guy but the latter held on to my other wrist. Naningkit pa lalo ang mga mata ni Yuto kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay n'ya.

Aray ko ah! Nasasaktan ako!

"You are not supposed to treat Shinra-sama that way." Yuto's voice was calm yet one could feel in his measured voice that he's holding back his anger. Akala mo hindi s'ya nanununtok. Ang bait pakinggan ng boses eh kahit na slits nalang ang mga mata n'ya.

"Shinra-sama? Sino yun? Bangag ka yata, Pare!" Paolo mocked as he smirked. "Bitiwan mo nga si Sand!" He pulled me again pero mahigpit ang pagkakahawak ni Yuto. Ako tuloy ang nasasaktan.

"Teka lang nga! Stop it! Just stop it!" This time, tumigil na sila. I freed myself from their hold which left some red marks on my wrists. Hinarap ko muna yung Japanese. "Yuto, why are you here?"

"Kei-dono, asked me to fetch you, Shin-I mean, Sand. He will be a bit late since he's finishing a few plates," explain niya na may gentle na ngiti sa mukha. Na-tu-turn on na naman ang kuya mode ko. Ang sarap lang i-pat ng ulo n'ya eh. Ang dami yatang ginagawang plates ni Kuya Kei lately. Plates are some civil engineer things. Basta yun.

"I see." So si Yuto pala ng nagdadrive nung Montero.

"Sino ba yang gagong asungot na yan, Sand?!" inis na tanong ni Paolo habang tumatabi sa akin. His thick eyebrows were coming together as he gritted his teeth at Yuto who was just looking at him with a cold expression.

"Ay! I forgot to introduce you to each other!" I exclaimed, hoping na sana bumaba ang nagbi-build up na tension between Paolo and Yuto. "Pao, si Yuto. He's a family friend from Japan." After that, I introduced Yuto to Paolo. "Yuto, this is Paolo. He's a friend."

"Bestfriend n'ya ako," dagdag ng Pinoy sabay akbay sa akin but I corrected him.

"Friend," pagtatama ko as I freed myself mula sa akbay n'ya na ikinasimangot naman nito.

Yuto, to show his acknowledgement, just made a small bow at Paolo. "Pleased to meet you, Paolo-dono. Pardon my attack earlier. I was just trying to protect Sand. I have misunderstood your actions." Yuto made a small apologetic bow again.

Paolo snorted and seemed to hold grudge but he voiced out that he forgive Yuto anyway. Well, after ko s'ya sikuhin sa tiyan. Pabebe kasi. Nagsorry na yung tao pero ayaw pang tanggapin.

"Sand, sige na. Magbake ka ng creampuff pang-miryenda mamaya sa laro namin nina Kuya Kei." Halos magsumamo si Paolo. Nakakaawa naman.

I sighed and gave in. Ano pa ba ang magagawa ko? "Fine but you're paying."

"Oo. Ako ang magbabayad," he assured. "Ano? Tara?" Tanong n'ya sabay hila sa akin papunta sa kotse n'ya pero nagmatigas ako.

"Teka. Dito nalang ako sasakay sa sasakyan namin."

"Dito nalang sa sasakyan ko. Pauwiin mo nalang yang driver n'yo."

Alam mo yung bigla nalang tumambling nang 360 degrees ang mood mo? Ito yun eh. Nainis ako bigla sa sinabi ni Paolo. I mean, I understand that he's hurt kasi nga nasuntok ni Yuto pero the latter already apologized. I think he's in his jerk mode but that's not a valid reason for him to treat Yuto like this. At isa pa, Yuto don't even looked like a driver in his get up na white slim fit shirt at dark pants.

"Hindi namin driver si Yuto, you dummy," I snorted sabay pameywang. My eyebrows coming together. Mukhang nakunsensya naman ang damuho at nanahimik. "I'll just go buy the ingredients. See you sa bahay nalang."

"Hindi! Gusto kong sumabay sa pamimili!" Nyeta. Masasapak ko na rin to eh. Why is he asking so bratty? Maybe a punch can knock him out of it.

"What's wrong with you? What's with that attitude?" I almost yelled at him since my patience is already running out.

Before things could escalate into a real fight, Yuto intervened. "Sand, it's okay. I'll just go back to your house. I'll tell Kei-dono that you're with your friend," pagpapaubaya n'ya. Mabuti pa itong si Yuto- matured and understanding- the exact opposite of what Paolo was doing.

"You sure?" paninigurado ko with an apologetic face.

"Yes."

"Sorry about this, Yuto. Paolo's throwing some tantrums."

Nakakainis man kasi nga tinutopak si Paolo, somehow hindi ko s'ya magawang mahindian. I tend to be like this when somebody already got my allegiance- tend to be sacrificial towards the people whom I genuinely consider as friends. Paolo's one of those and I am somehow bound by my own commitment to him and I hate it.

"Happy?" I made a hard face when I asked that question to Paolo who was looking really satisfied. Gusto ko s'yang sapakin, sa totoo lang.

"Tara na nga. Malapit nang mag-alas-singko." Hinila n'ya ako papunta sa sasakyan n'ya. Yuto was just looking at us from the side of the Montero.

"Don't you think that it's too late for creampuffs? Magdi-dinner na kaya tayo."

"Wow. Parang ayokong maniwala na ikaw nagsabi n'yan, Sand," pang-iinis pa n'ya habang binubuksan ang pintuan ng kotse.

I made a sarcastic laugh to show how I happy I am. I'm so happy I couldn't stand it! And my eyes rolled.

He tried to start the car but it won't. Ilang beses pa n'yang sinubukang paandarin ang sasakyan n'ya kaya lang hindi talaga ito nag-i-start.

"Anak ng! Ano bang problema nito?!" dabog ni Paolo. Ang bilis talaga ng karma. Naka-fed-ex yata kaya ganyan kabilis. Haha

To cut the story short, wala s'yang nagawa kundi ang sumakay sa Montero. Buti nalang at hindi pa nakakaalis si Yuto. I sat on the passenger seat while Paolo's sulking at the backseat. Wala s'yang magagawa. Yuto's coming with us.

"Pao. Don't you think that it's quite too late for creampuffs? Maybe some light snacks nalang," suggestion ko. Magdi-dinner na rin kasi.

"Gusto kong kumain ng creampuffs. Ako naman ang magbabayad eh," pagpupumilit n'ya. What's the big idea? Nakakaubos na ng pasensya ah.

I sighed at how bratty Paolo was. "We'll just buy creampuffs sa Le Sucre to save time. Is that okay? I'll make some banana-strawberry smoothie para hindi kayo atakihin ng pulikat matapos ang pagbabasketball n'yo."

"Sige. Sabi mo eh." He said while his arms were against his chest and dishing out a pissed face and looking like a child na hindi nabilhan ng laruan.

Dumaan muna kami sa branch ng Le Sucre malapit sa school at bumili ng dalawang dosenang creampuffs para makakain ang lahat. When I said lahat, it included my siblings, Yuto, Paolo, our two security guards, six housemaids and a driver. After Le Sucre, diretso agad kami sa mall para bumili ng fruits para sa smoothies.

"Ako na ang magdadala ng basket, Sand," pagpiprisinta ni Paolo. Wow. Ang bait. Notice my sarcasm, please.

"Okay. Thanks," maikli ko lang na sabi sabay lakad papunta sa fruit section ng grocery. Sinusundan naman ako nina Yuto at Paolo.

"Sand, I think this bunch looks good. You're going to make banana smoothie, right?" suggestion ni Yuto sabay turo sa isang bunch ng bananas na mukhang maganda nga.

"Hindi, mas maganda 'to, Sand," ani Paolo sabay turo din sa gusto n'yang bunch. "Mas hinog. Mas matamis."

I frowned at him, tiningnan ang mga saging na tinuturo n'ya at ikinumpara dun sa tinuro ni Yuto. Mas trip ko ang saging ni Yuto kesa sa saging ni Paolo. Mas malaki kasi. Ay teka, I think, I sounded awkward. Oh well. I don't want to overthink.

"Ayoko d'yan sa saging mo- maliit. Itong kay Yuto nalang kasi mas malaki," sabi ko sa kanya. Hindi naman s'ya agad sumagot pero nang sumagot s'ya, he was beaming a grin.

"Maliit ang saging ko?" Paolo asked. I don't know why but he's looking like lunatic with his grin.

Tiningnan ko ko ang saging na tinuro n'ya kanina. "Oo. It's obvious naman diba?"

"Hindi ah. Mas malaki itong saging ko kesa sa saging ni Yuto."

Si Yuto naman ay parang walang naiintindihan sa conversation namin since hindi naman s'ya marunong magtagalog. Kawawa naman. I translated what Paolo said para hindi naman s'ya ma-out-of-place sa usapan. He just chuckled. Siguro iniisip n'ya na it's such a petty thing to fight over.

"Hindi kaya!" I countered. "Bulag ka ba? Halata kayang mas malaki itong saging ni Yuto kesa d'yan sa iyo."

"Mas malaki ang sa Spanish kesa sa Japanese, Sand," hindi nawawala ang malokong ngiti sa mukha ni Paolo. I'm getting suspicious. Bakit ba nito ponagpipilitan na mas malaki daw itong saging na tinuro n'ya kesa dito sa tinuro ni Yuto kahit na sobrang halata naman ang difference sa sizes? Loko lang? At tsaka pano napunta ang races dito? Pati sa saging may racism? Ginagago yata ako nito eh.

"Mas malaki ang Spanish bananas kesa sa Japanese bananas!" pagpupumilit pa rin n'ya.

Then it hit me. He was not referring to the literal bananas. He was referring to some figurative banana or a part of the human body that was similar to a banana.

"Loko ka! Ang manyak mo talaga kahit kailan!" I blurted. "Ang tagal ko pa talagang nagets yang kamanyakan mo, Paolo!"

"Biro lang naman yun, Sand!" tugon n'ya na tawang-tawa sa katangahan ko. Aish! Kainis! Naisahan ako dun!

"Nakakainis ka talaga! Pa-pektus nga! Isa lang talaga! Walang hiya ka!" Sinubukan ko s'yang suntukin kaya lang nakailag s'ya.

He just laughed at me. What a jerk! Aish! Bilang ganti, I totally ignored him habang namimili kami.

"Sand, gusto mo ng pepero?" tanong ni manyakis sa akin habang kumukuha ako ng cream sa shelf.

"Galing sayo? No thanks," pagsusungit ko. I can be forgiven for being pissed, right? Tinulungan naman ako ni Yuto na abutin ang cream. "Maybe I should buy ingredients for dinner too," I voiced out mostly to myself.

Mukhang narinig naman ako ni Yuto. "Your parents have been invited to a party tonight, Sand. They won't be coming home until ten."

"Ay ganun? How did you know?"

"Kei-dono told me before I left to fetch you."

"I see. I think I want to cook for everyone tonight."

Mahilig naman talaga akong magluto at kumain. Yun ang passion namin ni Oka-sama. Sabi nga ni Oka-sama na nakuha daw n'ya ang puso ni Oto-sama dahil sa sarap ng donkatsu n'ya. Paborito ni Oto-sama ang donkatsu, by the way. Ako lang din sa aking magkakapatid ang tinuruan ni Oka-sama sa kusina. Lahat sila puro pagpapatakbo ng business ang pinag-aralan. Kaya nga madalas akong tuksuhin ng mga kuya ko na pinalaki raw akong babae which was kinda displeasing kahit na si Oka-sama ang nagturo sa akin.

"Wow! Magandang ideya yan, Sand! Miss ko an ang lutong-bahay mo!" excited si manyak. Lagyan ko kaya ng maraming tabasco ang pagkain n'ya mamaya. Ay teka, mahilig pala s'ya sa maanghang. Most likely magugustuhan pa n'ya yun.

"You really cook, Sand?" medyo gulat naman si Yuto.

"I sure do."

Pinagpipilian ko kung aling part ng chicken ang bibilhin ko habang sina Yuto at Manyak, yes manyak ang tawag ko kay Paolo ngayon, naman ay tumitingin din ng ibang meat habang nasa tabi ko.

"Ang swerte ng bakla o." Rinig kong may nagbubulungan na babae sa may likod ko while I was bending over the chicken part being displayed. I was torn between breasts and wings.

"Alin?" sagot ng isa pang babaeng boses.

"Yang nakablue polo and brownish pants na uniform. Ateneo uniform ba yan?"

What a coincidence, nakauniform ako at si Paolo as of now. Ay teka. Ako ba ang pinagbubulungan ng mga back-stabbing bitches na ito?

"Hindi ko alam. Bakit? Anong meron?" sagot ng kausap nito.

"Ano ka ba? Meron s'yang dalawang poging boylets sa magkabilang gilid. Kanina ko pa napapansin yan. Tingin ko pinag-aagawan yan nung dalawang lalaki."

"As in? Bet ko yung naka white na shirt. Mukhang Japanese." She sounded like she's going to pee or something. Wait. Mukhang Japanese na naka-white shirt? Si Yuto yun ah!

"Mas bet ko yung isa na naka-uniform. Macho at lalaking-lalaki ang dating." Waw.

Naputol ang pag-e-eavesdrop ko kasi bigla akong tinawag ni Paolo. "Sand, alin d'yan ang bibilhin mo?"

Nag-isip muna ako sandal before making up my mind. "Itong breasts nalang siguro."

"Ah. Ayos yan. Gusto ko rin yang breast. Boob guy kasi ako," told me and left to para sabihan yung mag-a-assist sa amin.

Yuto chuckled nang medyo malayo na si Paolo. "Paolo got some unique ways with words, right, Sand?"

Whether he really meant that or he's just being sarcastic, I wouldn't know. Yuto always have a gentle expression cemented on his face but I must agree that Paolo have his unique, often bordering to disturbing, way with words. Haha

We found my siblings already dressed in their jerseys and stretching in the parking space-slash-basketball court of our house when we arrived. Kapag walang event sa bahay na may maraming bisita, nagiging basketball court ito kasi may garage naman kami.

"What took you so long?" tanong ni Kuya Jei habang inilalabas nina Yuto at Paolo galing sa back compartment ang mga pinamili namin. "You did some grocery shopping? Seriously?"

"For dinner," maikli kong sagot. "I'm cooking. Do go on with your basketball thing, Kuya."

"Sand, saan ko to ilalagay?" tanong ni Paolo, referring to the fruits.

"Follow me." I told Yuto and Paolo before entering our house and into the kitchen where our househelps were chitchatting.

After delivering the groceries, nagpalit na rin sina Yuto at Paolo.

"Sand, sa kwarto mo nalang ako magbibihis!" he yelled from somewhere.

"No way! Find somewhere else!" I prohibited him habang naghihiwa ko ng prutas.

"Sige na! Papasok na ako sa kwarto mo!" Bakit ba kina-career nito ang pag-te-trespassing sa bahay namin? Nakakainis ah.

"I said no! Stop trespassing into my space! Naka-lock din yan!"

Hindi na s'ya sumagot but I received a text from him that read: Nakapasok na ako. Hindi mo nai-lock ang kwarto mo.

"Paolo!!" But of course, my yell did no effect. He still changed his clothes inside my room. Hindi naman sa pagiging O.A. lang pero that's my room! It's my personal space and I don't like people to go inside it without my permission! Edi ako na ang territorial but whatever. He still changed his clothes there nonetheless.

They're already in the second half of the game when I finished preparing the dinner. It was quite fast since I got a lot of help from our maids. They're the best as ever. I brought a small jug of cold water into the gazebo near the basketball court where they were playing. Leading ang team nina Kuya Kei which was composed of the latter, Kuya Jyu and Paolo. Hindi naman gaanong kulelat ang team nina Kuya Jei, Kyu and Yuto since dawalang points lang naman ang lamang nina Kuya Kei according to the scoreboard. Meron kaming parang maliit na scoreboard thing. Para talaga s'yang sa isang real basketball court. Ganun sila ka-addict sa larong yun. One of the guards acted as the referee and our driver was the scorer.

Everyone was already exhausted when the second half ended. Agad naman silang nagsikuha ng tubig mula sa jug na dala ko. Kuya Kyu was so sweaty that he looked like he bathed in his own sweat. To cool himself down, he poured some water on his head.

"Good luck, Kuya," I told him. I am quite serious when I said that but it seemed that Kuya Kyu won't accept it. It's clear in his response.

"There's no such thing as luck, Sand," he told me and eyed the court. Looking at Kuya Kyu, I realized that he's not really lanky at all. He's got some nice form on his biceps and triceps and he's tummy was flat. Hindi naman s'ya yung parang nerd na flabby ang body. Kung tutuusin mukha nga s'yang sports guy in his black jerseys. "Basketball is all about putting the right amount of force on a ball which was already in the right position and shooting it with the right trajectory," he added habang hindi pa s'ya masyadong nakakalayo sa akin.

Kuya Jei immediately took hold of the ball when the third quarter started but he was hindered by Kuya Kei when he tried to get near the hoop. Yuto sped past the two and positioned behind Kuya Kei. Kuya Jei saw the opportunity and, in a blink of an eye, got the ball to Yuto who faked a shot which fooled Paolo. He jumped, thinking that Yuto was going to shoot. I don't know how but the ball suddenly flew towards Kuya Kyu who was being guarded by Kuya Jyu. Kuya Kyu spun and got past Kuya Jyu. Paolo tried to stop him but it was too late when Kuya Kyu did a successful three-point shoot, causing heir team to lead by a point. Come to think of it, Kuya Kyu almost never missed a shot. According sa naaalala ko lang naman.

Paolo took hold of the ball after that. He was guarded by Yuto. Paolo's strong but Yuto was fast and his defence was so good that Paolo can't breach it.

"Loko ka ah!" I heard Paolo yelled and spun to his right in his fight to break free from Yuto's defence. He failed and made a foul by charging into the Japanese guy. May free throw tuloy. Haha. Pumasok ang free throws ni Yuto kaya mas lalong lumaki ang lamang.

Kuya Jyu got the ball and immediately dashed towards their hoop but has hindered by Kuya Kyu and Kuya Jei. Paolo passed by. Ipinasa ni Kuya Jyu sa kanya ang bola. Kumaripas naman si Paolo nang takbo papunta sa hoop. By the looks of it, he's trying to dunk the ball but, just when he was about to do so, someone tapped the ball out of his hand and the quarter came to an end with Kuya Kei, Jyu and Paolo's team having 48 points while Kuya Jei, Kyu and Yuto's team got 50.

Since wala naman akong ginagawa at may wifi naman ang buong bahay, naisipan kong magpapicture sa kanila pansamantala para maipost sa facebook. I'm not really a big fan of social media but, well, it might be fun once in a while. So sa picture eh napapagitnaan ako ng mga nagtatangkarang creatures. Alam n'yo yung feeling na hanggang chest lang nila ako. Like what the hell? Pero sige. Gusto kong magpapicture eh. Edi patiisan.

Anyway, dumami agad ang likes since I tagged my brothers pati na si Paolo na sikat sa facebook dahil sa Wolfpack nila na group at si Yuto na marami rin ang friends from Japan. Dahil sa kanya kaya dumagsa ang mga accounts na Japanese characters ang name. Hindi ko alam kung ano ang gamit ng Facebook eh- kung Kanji, Katakana or Hiragana ba.

Syempre may mga nagcomment din at marami sa kanila mga facebook friends ng mga kuya ko, ni Paolo at ni Yuto. Sobrang konti lang ng friends ko eh kaya hindi ko ramdama ng presence nila. Hindi na ako nagfocus sa basketball game nina Kuya since hindi ko rin naman naiintindihan ang mga pangyayari dun. I just busied myself with reading the comments that read:

AkowshiMaganduh Pohwz: Oh ma gosh! Ang ga-gwapo! Gash. Saan to? Gusto kong mag-cheer sa kanila!

Sana may gate pass ka, Ate. I don't think makakapasok ka sa Forbes nang wala nun. At ikaw talaga ang susugod ah. Extinct na yata talaga ang lahi ni Maria Clara ngayon. Or baka nakatira na sa mga caves ng Palawan kaya so remote.

BekemonoItech Bekilou: Ang daming boys! Si Kyu lang sa akin. Pak na pak na oh! Parang gangster na nagbabasketball ang peg! Yummy!

Hala? Si Kuya Kyu talaga ang nagustuhan? Goodluck sa kanya kung papansinin man lang s'ya ni Kuya Kyu. Balita ko sa classmate n'yang si Kuya Erwin eh kahit na yung classmate nilang model-slash-rising starlet eh hindi nakaligtas sa kasungitan ni Kuya Kyu. Hindi ko alam kung anong nakita nila kay Kuya Kyu at may mga fangirls s'ya. Yes, may mga jologs fangirls si Kuya Kyu. Nakikita ko sa FB na nagpapa-cute sa kanya. Ang problem: hindi man lang sila nirereplyan ni Kuya. Haha. Wag sila kay Kuya Kyu, masasaktan lang sila. Bato ang puso nun eh.

Superjejegirl Akowz: Kung yan ang mga mukha ng magiging Philippine basketball team, edi hindi ako mag-aatubiling suportahan sila. Ang popogi eh! Pupunta ako lagi sa mga laro nila kahit saang lupalop pa yan. Ang gwapo ni Jei my loves pero naga-gwapuhan din ako ng sobra kay Jyu. Ang cute n'ya. Aish! Pinagtataksilan ko si Jei my loves.

Seriously? Yung mukha talaga ang pinagbasehan ng dahilan kung susuportahan ng Philippine Basketball team? Ano pala ang ginagamit para i-dribble ang bola? Mukha? Matindi rin tong babaeng to eh. Dapat siguro ikwento n'ya yan sa pulang-pulang lips n'ya na nakaduck face ewan pa. At seriously? May 'my loves' talaga kapag binabanggit ang pangalan ni Kuya Jei? Pakicheek ng pagka ambisyosa ah. May saltik yata tong babaeng to.

Tetang Kabowgera Evahr: Ang swerte nung girl sa gitna. Napapaligiran ng mga pogi! Palit nalang tayo, girl! Gosh. Gwapo overload! Ang macho ni Paolo. Tsaka ang cute nung naka white na jersey na may Japanese characters. Japanese yata.

Girl sa gitna. Eh ako yun eh! Girl talaga? Can't she even tell that I'm a freaking guy?! Nako. Pigilan n'yo ako. Sasagutin ko talaga ang babaeng to. Hindi talaga sasantuhin ang rebonded na buhok nito na sa sobrang straight eh mahihiya ang tuwid na daan ni Noynoy. At pahabol, maliban kay Paolo, lahat ng kami Japanese. Nyeta.Si Yuto yung tinutukoy n'yang nakawhite.

Since I could only get annoyed by the comments, I decided to logout and see if ano na ang nangyayari sa game. They're down to the last minutes of the game and Kuya Kei's team was leading. I could see that Kuya Jei's exhausted already. He was panting with his sweat running down his face. Kuya Kyu was stern-looking already. Well, he's always stern-looking. Paolo had a triumphant grin on his face, confident that they're going to win this one. Yuto was still calm although he was panting too but calm, nonetheless. Kuya Jyu was drenched in his own sweat at habol-hininga na rin.

It's worth noting na laging binabantayan ni Paolo si Yuto. Lagi talaga s'yang nakabuntot eh kahit na wala kay Yuto ang bola. Was he holding grudge against Yuto and was venting it out by trying to subdue him in-game? Personalan ba ito?

The game ended with the bacon being brought home by Kuya Kei's team. Hindi bacon ang premyo ah. Wag literal. Wagas naman ang ngiti ni Paolo na akala mo naman eh nanalo sa lotto.

"Ang galing namin. Diba, Sand?" pagyayabang n'ya sa akin habang hawak ang isang basong tubig.

I made a sarcastic laugh. "Wow. You're well good- really good at bragging!"

Sumimangot ng konti si Paolo pero naibalik naman n'ya ulit ang nakakasulasok na confidence n'ya. "Natalo ko yung Hapon. Halos walang magawa sa akin." He laughed. So nakikipagkumpitensya pala talaga s'ya kay Yuto kanina. Ang problema eh parang wala lang naman yun kay Yuto. S'ya lang ang nag-iisip na big deal ang pagkapanalo n'ya. How childish. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nito at naisipang gawing rival pa si Yuto? Wala talagang magawang matino.

"Sa tingin ko hindi naman talaga yun pinagbutihan ni Yuto. Parang laru-laro lang talaga sa kanya," kontra ko kay Paolo. I was aiming to burst his overinflated bubble.

"Bakit ba lagi kang kumakampi dun? Ako ang best friend mo!" he whined but I could just roll my eyes.

"Huh? I never said that we're best friends. Ikaw lang naman nag-iisip n'yan. What I said earned a frown from Paolo as his eyebrows came together. "Kidding. Of course, we're best friends. Not like I have a lot of friends anyway." I laughed at his face and made my way towards our house. "Hurry up. Dinner's served already!" tawag ko sa kanilang lahat habang papasok na sa main door.

Dinner was noisy since I dined with six boys who were so rowdy kasi nasa harap ng mesa. Wala naman si Oto-sama para mag-impose ng table manners kaya naman carefree lang ang kainan. Syempre, ubos ang hinanda kung pagkain since daig pa nila ang mga sumo wrestlers kung kumain. haha

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 534 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
621K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
26.2K 1.3K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...