Falling Inlove With My Roomma...

By dark19

279K 6.1K 283

ang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawa... More

Falling Inlove With My Roommate
>>ANDY
>>ANDY part2
>>Russell
>>Russel part2
>> the Side Effect of Kiss
saving pride versus truth behind feelings
Categorizing the two feelings
Who Play with Dominique?
Being with Andy
I'm sorry , I love you roommate!
Andy's Love Disorder
Russell's Past
Start of Being Her Girlfriend
The Tense
Russell's Father decission
The one who is given a chance
Dominique's Crisis
This day.....
Her Mother
The offer
The vocalist
The fall down
Between the choice

twist

10K 210 6
By dark19

Chapter 18

Third Person's POV

Malalaki ang hakbang ni Adam (Kuya ni Andy) papunta sa opisina ng Daddy nya, habang papunta sya  

doon ay sobrang kabog ng dibdib nya sa kaba at alam nyang hindi maganda yung patutunguhan ng pag  

uusap nila. Pagkabukas ng pintuan ng opisina ng Daddy nya ay agad nyang nilapitan ang isang  

sopistikadang babae na nakaupo sa sofa sa loob ng opisinang iyon at saka nya ito ginawaran ng halik sa  

pisngi nito.

"kamusta?" Sabi ni Adam at naupo sa harap ng babae at katabi nya yung daddy nya

"Bakit hanggang ngayon ay nasa Pilipinas parin si Andrea?" walang emosyong sabi ng Babae

"Mommy, Andrea is taking her college degree there...." Paliwanag ni Adam sa Ina

"Pwede nyang kunin dito yung degree nya o kaya sa Vienna at sa akin sya tumira..." sabi ng ginang

"Ano ba Esmeralda, wag mong panghimasukan yung gusto ng anak mo. Masaya sya doon at sa tingin mo  

sasama sya sayo kung iniwan mo sya sa panahong kailangan nya ng isang Ina? Babalik ka na para bang  

walang nangyare?" sabi ng kanilang ama.

"Iniwan ko sya dahil para na rin magkaroon sya ng magandang buhay, kinuha ko lang kung ano yung  

nararapat para sa kanila ni Adam sa pamilya ng Santillian. Masaya sya doon kase ano! May relasyon sya

sa kapwa nya babae? I can't believe you Damian! Kinukunsinti mo yung kahangalan ng batang yon?" inis

na sabi ng kanilang Ina

"sa tingin mo ba sasaya sya sa mga bagay na sapilitan mo lang kinuha sa Pamilya nyo?Expensive things?  

Wala ngang pakialam yung batang yun doon....kailangan nya ng taong magmamahal sa kanya at ng pinaimbistigahan  

ko yung babae, wala kang dapat ikatakot dahil nabibilang din sya sa pamilya na may kaya

sa Pilipinas...at sa tingin ko sobrang mahal ng anak mo yung batang babae na iyon dahil madalas ikwento  

nina Mang Cario at Dominique na iba yung saya ni Andy ngayon.....maging masaya ka nalang para sa  

kanya...." Parang naiinis na yung tono ng kanilang ama sa pagpapaliwanag sa kanilang ama.

"uuwi ako ng Pilipinas at itatama lahat maling ginawa ng batang yun! Kung kinakailangang lugihin ko  

yung negosyo ng batang babae na iyon gagawin ko para layuan nya yung anak ko!!!hindi ko ilalagay sa

kahihiyan ang pamilyang ito dahil sa kalokohan ni Andrea!" pagkasabi ng Ginang ay tumayo sya at

lumabas ng opisina.

Napailing yung daddy nila at nagsalin ng alak sa baso at tinungga.

"Adam, kailangan maunahan mo yung Mommy mo sa pag uwi ng Pilipinas, nakakatawa at nakakaloko  

kase poprotektahan mo yung kapatid mo mula sa sariling nyong ina!?.....ako ng bahala sa negosyo natin  

dito,basta si Andy yung aalalahanin mo at pakisabi kay Dominique na alagaan nya si Andy hanggat wala  

ka pa doon... mahirap pasiyahin yung batang iyon kaya dapat protektahan din natin yung nagpapasaya  

sa kanya ngayon..." sabi ng daddy nila

"Gagawin ko po Dad....sa makalawa po ay pipilitin kong makauwi ng pilipinas." Sagot ni Adam.

Pagkatapos ng usapan nila ng kanyang ama ay lumabas na sya ng building ng kumpanya nila.

Tinawagan nya si Dominique...

"Hello Dom....uuwi ako ng Pilipinas sa makalawa pwede bang huwag na huwag mong iiwan si Andy  

hanggat wala ako, si Mommy kase...uuwi dyan para manggulo.."

Russell's POV

Nakasunod si Andy sa akin habang naglalakad kami papunta isa sa mga paborito kong tambayan kapag  

umuuwi ako dito, sa may tabing ilog, may isang puno kase doon na nilagyan ni Shawn ng dalawang  

duyan para sa amin kung balak naming mamahinga doon, si Andy yung may Bitbit ng basket ng pagkaing  

dala ko para sa kanya. Pagkarating namin doon ay agad akong naupo sa duyan at yumuko, akala ko uupo  

sya sa isa pang duyan kaso umupo sya sa harap ko at nakahawak sa dalawang tuhod ko . nakatitig sya sa  

mukha ko kya yumuko ako at nag iwas ng titig sa kanya at saka nya iniipit yung buhok na nagkukubli sa  

mukha ko sa may likod ng tenga ko.

"anong problema?" mahinahong tanong nya sa akin

Umiling ako at tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.napabuntong hininga sya

"Mas maganda ka dun sa pinsan mo...." Nakangiti nyang sabi sa akin  

"Di ako naiinsecure dun noh!.....bakit ba lapit ng lapit sayo yun? " naiinis kong tanong sa kanya  

"aba! Malay ko...mas napagod pa nga akong iwasan yun kanina kesa sa gawain sa bukid...." Sabi nya  

"asar yun!" bulong ko  

"alam mo ba marunong na kong magtanim ng gulay....at saka kanina nanguha kami ni max ng bunga ng

mangga... ang saya dito sa inyo" pag iiba nya ng topic at sobrang saya nga ng mga mata nya.  

"dahil dyan,bibigyan kita ng reward kapag tapos na kayo nina Mang Teban sa gulayan...mamasyal tayo

sa may waterfalls,magpapaalam ako kay Papa mamaya..." nakangiti kong sabi sa kanya at para syang  

bata sa saya nya.  

Kinain nya yung dala kong pagkain at paminsan minsan sinusubuan ko sya.

Andy's POV

Pagkatapos namin sa gawaing bukid ay dumeretso na agad ako ng uwi sa bahay nina Mang Teban,  

excited kase akong maglibot kasama yung baby ko....naligo kaagad ako at nagpalit ng damit, shorts at t

shirt lang yung sinuot ko. Pagkabihis ko ay bumaba na ako, nadatnan ko si Russell at Max na  

nagkukwentuhan sa salas at tawa ng tawa si Russell...malamang yung mga kapalpakan ko sa palayan  

yung kinukwento nitong Si Max sa baby ko.

"ano yang pinagkukwentuhan nyo?" tanong ko sa kanila at saka ako lumapit kay Russell.

Nagpipigil ng tawa si Max habang papaalis sa harap namin at nagpunta sa kusina.  

Nang harapin ko tong si Russell ay namumula yung punong tenga nya

"itawa mo na yan...." Sarcastic kong sabi at yun nga sobrang lakas ng tawa nya. Tamang trip din 'tong

girlfriend ko eh.

"hinabol ka daw ng pabo?" nagpipigil sya ng tawa habang tinatanong nya ko

"ang sama mo tinatawanan mo pa ako...tinuka nga nya ko sa binti eh...." Asar yung pabo na yun sa  

tuwing naalala ko kung paano nya ko hinabol sa likod ng kubo sa may taniman ng ampalaya.

Habang naglalakad kami papunta sa waterfalls,lahat ng madaanan naming tao ay bumabati kay Russell  

at parang nagbabow at mabait syang gumaganti ng mga bati sa mga ito, kapag wala ng tao nakakita sa  

amin ay inaakbayan ko sya habang naglalakad kami, kapag hindi ko namamalayan na may  

makakasalubong kami ay sinisiko nya ko ng marahan indikasyon na ialis ko yung pagkakaakbay ko sa  

kanya. Grabe 15minutes na kaming naglalakad,

"ang layo naman..." reklamo ko  

"okay lang yan ng matunaw yung taba mo" nang aasar nyang sabi  

"wala akong taba....tsk! sexy pa ko sayo eh!" natatawang sabi ko sa kanya at saka ako umakbay ulit yung

tipong kulang na lang ay yakapin ko sya at hindi naman sya umangal.

"yabang..." sabi nya sabay kurot nya ng mahina sa tyan ko....

Nang marating namin yung lugar na pupuntahan namin,parang nanlambot yung tuhod ko ng dungawin  

ko yung pinagbabagsakan ng tubig mula sa waterfalls,yung kinalalagyan namin kase namin sa may taas  

nun,di ko namalayan na sa tabi ko na pala si Russell,nakahawak sya sa lalaylayan ng damit ko sa likod at  

nakikidungaw dungaw din,

"Taas noh?" tanong nya at tumango ako

"uhmm...yung taas nyan,limang palapag ng isang building yung katumbas nyan, dati may kaibigan ako  

nung high school namatay dyan lumundag dahil sa problema" kwento nya,

kawawa naman nung kaibigan nya...

"kawawa naman nung pamilyang iniwan nya" sabi ko habang nakatitig sa ibaba ng waterfalls.

"oo nga eh!....hubarin mo na yung tsinelas mo tatalon tayo dyan..."seryosong sabi nya habang inaalis  

yung tsinelas nya...napalunok ako sa nerbyos...

"Baby...nagjo-joke ka lang di ba?...mataas yan di ba? O kaya abangan na lang kita sa ibaba...wala kase  

ako sa mood na alam mo na...tumalon dyan" sabi ko at pilit tinatago yung nerbyos ko..ano bang trip ng  

babaeng to!? Makayayang tumalon sa ganitong kataas na waterfalls wagas! Ayaw na ba nya kong  

makalabas ng buhay sa hacienda nila!? Ei! Di pa kami nagkikita ulit ni Kuya Adam...marami pa akong  

pangarap sa buhay ko!

Nakakunot na yung noo nya at saka nya ko pinalo sa braso ko.

"wala ka sa mood? At ano? Aabangan mo na lang ako sa ibaba? Eh! Kung ihukay kita ng libingan sa ibaba  

nito....pababayaan mo kong mag isang tatalon dyan?!" inis na sabi nya, ei! Kainis naman 'tong babaeng  

to,hindi ba issue sa kanya na may namatay dyan!?wala man lang akong choice para mabuhay! Kapag  

tumalon ako 90 percent na walang kasiguruhang mabubuhay ako at kapag naman hindi ako tumalon  

walang duda!100 percent totodasin nya ko! Nanggigilid na yung luha ko sa nerbyos, di yata nya ko mahal  

eh! Nakakamatay yung gusto nyang gawin naming pareho...

"try mo kaseng magtiwala sa akin...at saka baka magwala yung Kuya mo kapag pinabayaan kita at  

nalaman nya nilubalob ko sa tubig yung kapatid nya at saka let me remind you..mahal kita di kita  

hahayaan malunod dyan pero kapag nambabae ka o kaya kapag nanlalake ka naku tapon kita sa  

dagat...dali na kase Andy hubarin mo na yang tsinelas mo" sabi nya habang nakahawak sa dalawang  

braso ko at tinatapik ng kanang paa nya yung kaliwang paa ko para hubarin ko na yung tsinelas  

ko..tumitig ako sa mga mata nya baka sakali madaan sa paawaan to,todong puppy eye ako sa kanya at  

natatawa sya habang nakatitig din sa mga mata ko.

"wushu! Honey...di mo ko madadaan dyan..."sabi nya sabay kiss sa pisngi ko,

"at saka pala goodbye kiss" natatawang sabi nya at sabay halik sa labi ko.

"grabe nakakamatay pagmamahal mo noh?" asar na sabi ko habang hinuhubad ko na yung tsinelas ko at  

sya nagpipigil ng tawa.

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at tinitigan nya ko sa mata ko at saka nya ko nginitian, kahit  

papaano nawala yung kaba ko habang tinitigan nya ko ng ganito, nasa gilid na kami ng  

bangin,magkaharap kami, dinala nya yung kanang kamay nya sa batok ko at hinila nya yung ulo ko para  

mapasubsob yung mukha ko sa may balikat nya kung kaya napayakap na ako sa kanya, habang yung isa  

pa nyang kamay nya ay nasa likod ko,

"Andy....trust me....i love you..." bulong nya sa tenga ko at tumango ako, nandoon parin sa batok ko

yung kamay nya habang nakasusob yung mukha ko sa may pagitan ng balikat at leeg nya, sobrang bilis  

nya kong hinila patalon sa pababa ng bangin, yakap parin nya ako sa ere at una yung paa namin  

pabagsak sa tubig at kagat ko yung damit ni Russell para mapigilan ko yung hiyaw ko sa takot.

Pagbagsak namin sa tubig....sobrang lalim! Hindi pa man sumasayad yung mga paa namin ay kinakapos

na ako ng hininga pero bago mangyare iyon ay hinila na ako ni Russell pataas. Nagkanda samid samid

ako dahil pinsukan ng tubig sa ilong ko! Habang yung kasama ko wagas yung saya nya dahil successful  

yung landing namin sa tubig, pinalupot nya yung dalawa nyang braso sa leeg ko at sobrang ganda ng  

ngiti nya sa akin at hindi parin kami umaahon...

"nagawa natin Andy!!! Ang saya!" sabi nya habang nakatingala sa itaas kung saan kami nanggaling  

samantala ako nakatitig sa mukha nya...napalunok ako dahil napatitig ako sa lips nya! Ang pula!  

Pagkabaling ng paningin nya sa akin, Gosh! Napalunok ako ng may ilang butil ng tubig ang naglandas sa  

labi nya nang aakit!.

"Tahimik mo? Di ka parin nakakarecover sa tinalon natin? Ibabalita ko sayo....buhay ka..." natatawang  

sabi nya. Di ko na kaya to! Nilingon lingon ko yung paligid kung may tao....wala...kaya ang ginawa ko,siniil

ko na sya ng halik at gumanti di sya sa paraan ng pagkahalik ko sa kanya,habol hininga namin noong

pakawalan ko yung mga labi nya at idinikit nya yung noo nya sa noo ko....

"pagbalik natin ng manila...ipakikilala kita kina kuya at daddy.....sigurado matutuwa silang makilala ka..."

sabi ko

"Magugustuhan kaya nila ako?" nag aalalang tanong nya

"Alam nila yung tungkol sa atin...and I told them that I'll love the amazing woman I ever met...at uuwi  

daw sila ng Pilipinas just to see you..." sabi ko. Yinakap nya ako bago kami umahon at nagkwentuhan  

kami may lilim ng isang puno malapit doon sa waterfalls. Papauwi na kami noong umulan ng malakas,

parang bata si Russell habang nagyaya sya ng taya tayaan...pikon naman kapag di nya ako mahabol! May

nadaanan kaming basketball court na gawa sa kahoy yung poste at board nya at saka walang cover kaya  

matubig na yung sahig ng court.

"basketball tayo Andy!" sabay hila nya sa akin palapit doon. Pinulot ko yung bola at idiniribol iyon, ang  

lakas ng ulan! Naglaro kami...walang rules yung gusto nya kase hindi sya marunong maglaro nun. Kapag  

ako may dala ng bola para i-shoot....ei! maluwag na yung kohelyo ng t-shirt ko kakahatak nya maagaw  

lang nya yung bola sakin at kapag sobrang asar na sya dahil lagi akong nakakashoot ay palundag syang  

yayakap mula sa likod ko at kakagatin nya yung balikat ko para di ko matuloy i-shoot yung bola! Nang  

mapagod kaming maglaro ay saka namin napagpasyahang umuwi na. inihatid ko sya sa may bandang

gate ng bahay nila....di pa kase ako pwedeng pumasok doon kase di pa ako approved sa Papa nya. Kahit

papaano masaya ako kase nabigyan ako ng chance para magustuhan nila para sa anak nya. Kailangan ko  

pang magsumikap at magtyaga para kay Russell, kahit wala akong kaalam alam sa bagay na kinagisnan

nya ay pipilitin kong matutunan at napapamahal na rin ako sa gawain dito sa hacienda...basang basa

akong umuwi sa bahay nina Mang Teban pero kahit ganoon ang saya ng maghapon ko kase nakasama ko  

sya. Pagkadating ko doon ay napagalitan pa ako nina nanay orya kase nagbasa daw ako sa ulan at saka  

nila ako inutusang maligo ako para di ako matuluyang lagnatin kaya sinunod ko sya. Pagkaligo ko at  

pagkabihis ay nagmiryenda kami ng banana cue sa habang nanunuod ng TV sa may salas,natahimik ako  

noong umere yung comercial ni Dom,isang beauty product. Hala! Miss ko na sya!

"Ang ganda nya noh? Siguro lalo sa personal..." sabi Max habang kumakain ng banana cue

"malamang maganda yan Max....anak mayaman eh." Sabi ni nanay orya

"di po maganda yan....matakaw at saka mataba po yan sa personal....." hahaha sama ko ba? Pero sa  

totoo lang....maganda at sexy yang si Dom eh, madami ngang offer sa kanya na mag artista kaso ayaw ng  

pinsan ko. Ayaw nyang malantad sa media yung buhay nya. Sa pamilya namin,kaming dalawa ni Dom  

ang ayaw umattend ng business gathering ng mga pamilya namin. Kaya medyo palaisipan sa kanila kung  

sino yung bunsong anak ni Juan Damian Cielo (daddy ko) at kung sino yung nag iisang anak na babae ni  

Ricardo Santillian (daddy ni Dom) kase walang pagkaattend ang ginawa namin ni Dom sa mga party na  

iyon, at pinakikiusapan namin yung mga daddy namin na huwag hahayaan na may lumabas na  

information about sa amin ni Dom sa public at palabasin nilang we are in States and staying for good  

there. At kapag trip naming umattend,we use other surname when someone asked kung sino kami  

kapag sa party.sobrang laki ng ibinayad namin sa West para lang i-confidential yung identity namin noon

at ngayon tipid kase ninong namin ni Dom yung may ari. And Dom uses her maid's surname in modelling

industry.

"Ate Andy...nakita mo na sya sa personal?" parang amaze na tanong ni Max sa akin....eeerr! everyday  

nakikita ko iyang babae na yan...kaumay nga eh!

"yeah..." sagot ko

"idol ko kase yan...uhm! Kapag sya yung cover ng magazine o kaya ng dyaryo binibili ko" pag aamin ni

Max sa akin.

Napataas yung kilay ko, "hala! Bakit sya...masisira future mo bata" bulong ko

Bumuntong hininga ako

"di ka ba nag idolize ng iba? Marami kang mapipili...." Natatawang sabi ko...hahaha binabawasan ko

yung fans ni Dom

"gandang ganda kase ako sa kanya...sana maging model din ako balang araw kagaya nya..." sabi ni Max.

Akalain mo yun! Sa panahon ngayon may naiinspired parin sa pasaway na babae na yun.

Russell's POV

Di mawala wala yung ngiti ko habang naliligo ako sa banyo ng kwarto ko. Tuwing naalala ko yung facial  

expression ni Andy bago kami tumalon sa waterfalls, ang cute!!! Parang hihimatyin na sya sa nerbyos.

Pagkabihis ko ay naupo ako sa kama at tiningnan ko yung mga pictures ni Andy sa phone ko.miss ko na  

kaagad sya,ewan! Basta gusto ko minu-minuto sya nakikita ko...sya yung kasama ko. Mayamaya ay  

nakareceived ako ng text mula sa kanya.

{I love you...I miss you already.}

Text nya. Napangiti ako kaya nagreply agad ako.

{I love you too....sorry di kita namiss....} reply ko

{TT^TT ang sama mo! Sobrang miss na kita dito...pagkatapos mo kong patalunin sa waterfalls na yun  

tapos ang lupit ng lambing mo ngayon....sobrang sweet ah!}  

Doon na ko natawa,para talaga syang bata!  

{mamayang 10pm kita tau sa kubo malapit sa taniman ng Ampalaya} reply ko  

Ang bilis magreply ah!  

{bakit baby? Rereypin mo ko noh?:) } reply nya, naku!  

{Manyak mo noh! Trabaho mo makapasa ka! }  

Mayamaya natigilan ako noong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko  

"Senyorita, pinapatawag po kayo ng Papa nyo dahil may bisita kayo ngayon....  

sabi ni Manang  

"ah! Sige po manang, salamat.  

sagot ko at isinara nya ulit yung pintuan. Ganitong oras? May bisita pa si

Papa,8pm na ah! Kaya ang ginawa ko nag ayos muna ako sa harap ng salamin bago bumaba sa may  

salas, habang pababa ako ng hagdan ay tanaw ko yung mukha ni Shawn na nakasimangot.

Habang papalapit ako sa kanila ay sa mukha ako ni Shawn nakatingin  

"Pa bakit nyo po ako pinapat----.  

naputol yung sasabihin ko dahil paglinon ko kay Papa ay katabi na nya  

si Silver na sobra ang ngiti sa akin, natulala ako at biglang naflash sa isip ko yung mukha ni Andy at saka  

ko kinapa yung damdamin ko para sa lalaking nasa harap ko, kaunting kaba dahil parang hindi maganda  

yung kutob ko sa pagbabalik nya. Sigurado na akong wala na akong nararamdaman kay Silver kase yung  

mukha ni Andy yung laman ng isipan ko ngayon habang kaharap ko si Silver.

"Kamusta ka na Russell?.  

nakangiting sabi nya sabay kiss sa pisngi ko.  

"hours recently I'm so happy....a minute ago I'm fine and then now I felt I'm sick?."  

sinabi ko yun ng half

truth and half joke. Narinig ko yung impit na tawa ni Shawn at si Papa naman pinammulatan ako ng  

mata. Shemay naman! Bakit umuwi pa ng Pilipinas 'tong lalalking 'to eh!  

"hanggang ngayon joker ka parin."  

tumatawang sabi nya, jusko! Ngayon ko lang narealized na manhid

'tong si Silver.  

Naupo na kami, magtatangkang hilahin ako ni Silver na maupo ako sa tabi nya pero hinila ako ni Shawn

at sa tabi nya ko pinatabi sabay akbay sa akin and I gave him a sweet smile, Shawn you are my hero  

talaga!  

Humarap ako kay Silver,  

"bakit ka nga pala napunta dito sa amin?"  

tanong ko

"Di ka ba natutuwa dahil mula sa airport ay ikaw ang unang pinuntahan nitong si Silver?"  

sabi ni Papa

Ei! Sino ba naman may gustong makita yung ex mo tapos may loyal girlfriend ka in the other side? At  

saka patay malisya tong si Silver parang walang pag uusap yung namagitan sa amin before kami  

magbreak! I already told him that I'm with somebody else right now and I'm madly inlove with that  

somebody else.

"aayusin natin yung relasyon natin Russell....walng nangyare dati kase malayo ako sayo,marami akong  

pagkukulang, kaya ngayon babawi ako at itutuon ko na yung time ko sayo.....  

Di ko na sya pinatapos

"Silver, napag usapan natin to.....di na kailangang ayusin kase hindi na sya magwowork....at saka let me  

tell you this....may girlfriend ako and I love her..."  

okay here we go again, yung titig na para bang  

pumatol ako sa isang kriminal eh! And I hate it! And Silver is doing it now!

"Nandidiri ka? Oh well thank you....siguro naman tatantanan mo na ako....nakakabuwiset kayong tumitig  

na para bang isang kriminal ako pumatol...kung sa mga mata nyo kasalanan to....well I'm proud to say it  

was the sweetest sin I ever done....di ako nagsisisi.."  

Naiinis na talaga ako. Dito ako masaya kaya the heck  

to their opinions! Tumayo na ako pero hinagit ni Silver yung braso ko

"Sorry to say no....gagawin ko lahat to win your heart, you are mine...at walang makakaagaw.....  

Bulong  

ni Silver sa akin. Pinagkaiba nila ni Andy, the way Silver say that phrase it sounds like I'm his propety,just  

his own and no one can take it from him. Pero kapag si Andy yung nagbibigkas na sa kanya lang ako  

sounds like na I'm not a property to claim kase ako yung taong kinababaliwan nya at sobrang mahal nya  

kaya walang karapatan yung iba na agawin ako. Basta iba yung feeling na kapag pinagdadamot ako ni  

Andy sa iba. Sobrang saya sa pakiramdam at the same time nakakakilig.

"wala ka kaseng kalabanlaban sa kanya...nakapuntos ka lang kase lalake ka but Andy own me not the  

way you own me, sa paningin nya ako yung kayamanan nya....ako yung taong lahat para sa kanya. Kung  

mahirap ba ako papansinin mo ba ako ng ganito? Magtyatyaga ka sa kamalditahan ko? Di ako tanga  

Silver para di mapansin iyon...."  

at saka ko inalis yung pagkakahawak nya sa braso ko

Dumeretso ako sa kwarto ko at naghanap ng jacket dahil magkikita kami mayamaya ni Andy.gusto ko  

lang naman ipaunawa sa kanila na hindi ko talaga kakayanin na mawala sa akin si Andy....tanggapin nila  

yung taong minahal ko...fine! Kahit pang unawa na lang yung ibigay nila sa amin ay okay na sa akin.

Tumakas ulit ako sa bahay namin, sa kadesperadahan kong makita si Andy sa gabi nawala yung phobia  

ko sa dilim, natanaw ko syang nakaupo sa upuan na mahaba na yari sa kawayan at nakatalikod sya sa  

akin kaya marahan akong lumapit at saka ko sya niyakap mula sa likod nya.

"kanina ka pa?"  

tanong ko sabay kiss sa pisngi nya at saka inalis yung pagkakayakap ko at naupo sa tabi  

nya.

"di naman..."  

Sabi nya sabay kuha sa isang kamay ko

"papaano kapag hindi ako natanggap ng Papa mo para sayo?"  

malungkot na sabi nya habang nakatuon  

yung paningin nya sa magkahawak naming kamay. Ewan ng marinig ko iyon parang ang hirap huminga.  

Papaano nga ba? Natatakot sya....ayokong natatakot sya..

"may dahilan ka ng itakas ako dito at ilayo sa mundo ko.....aanhin ko 'tong mga 'to kung wala ka,parang  

ang lungkot/  

gusto ko magkasama tayo..."  

Sabi ko at ngumiti ako sa kanya noong ibinaling nya yung  

paningin nya sa akin at saka nya ako hinalikan sa noo ko

"Hindi kita papabayaan..."  

sabin nya. Ang kailangan ko lang gawin ay mahalin sya at magtiwala sa  

kanya.

Andy's POV  

Habang nag aayos kami ni Mang Teban ng dadalhin sa bukid ay may pumaradang kotse na Porche 911  

Carera S na kulay dark blue....teka kilala ko 'tong kotse na to! Bakit nandito sya? Pagkakababa nya mula  

sa passenger's seat ay patakbo syang yumakap sa akin.

"miss na kita Andy..."  

sabi Dominique habang nakayakap sa akin  

"Sino kasama mo?"  

takang tanong ko  

"yung buwiset!"  

sabi ni Dom sabay baba ni Ronby sa driver's seat ng kotse ni Dom.  

"Bakit magkasama kayo?"  

naguguluhang tanong ko bumitaw na sya ng yakap sa akin at saka nag iwas ng

tingin mayamaya ay/  

"Dominique!!!"  

tili ni Russell at saka sya yinakap ni Dom parang mga batang dang tagal di nagkita  

"Russell! Namiss na din kita!!!"  

masayang sabi ni Dom  

Nangmaghiwalay sila ng yakap nabaling yung paningin namin ni Russell sa dalawa at takang taka kami

bakit magkasama 'tong dalawng 'to.  

"May hindi ba kami alam sa inyo? Bakit magkasama kayo?"  

tanong ko  

Natatawa si Ronby habang papalapit kay Russell para humalik sa pisngi sana ng girlfriend ko pero

pinigilan ko sya...sira ulong 'to makahalik kay Russell sa harap ko!  

"Damot!"  

bulong ni Ronby  

Napahawak na si Russell sa braso ko.  

"Bakit kayo magkasama ng pinsan ko?"  

tanong ko kay Ronby  

Tumawa si Ronby, "Try mong itanong dyan sa manyak mong pinsan..."  

Sa asar ni Dom ay isinuklob nya yung timbang dadalin namin sa bukid sa ulo ni Ronby at

pinagkakalampag yun.

Pagkaalis ni Ronby sa timba sa ulo nya

"Abnormal ka ba? Ang sakit! Wala kang utang na loob matapos kitang tulungan nung isang gabi!"  

asar  

na sabi ni Ronby  

"Bakit nirequest ko ba syo na tulungan mo ako? Hindi naman di ba?!!" 

asar na sabi din ni Dom,okay

naguguluhan na talaga ako  

"tawag ng tawag sa akin yung may ari ng bar na pinuntahan mo! Bakit kase nakasave number ko dyan sa

cellphone mo? Siguro Stalker ka noh?....naku! don't  

tell me may gusto ka sa akin!"  

nang aasar na sabi ni  

Ronby habang naniningkit yung mga mata nya  

"WOW!!! Taas ng confident! Matangkad pa sayo promise! OO gusto kita! Gusto kitang gilitan ng leeg at

saka i-donate lahat ng organs mo!"  

nangunguyam na sabi ni Dom

"hindi gusto pero nung hinatid kita sa bahay mo sa may pintuan palang sinunggaban mo na ako ng  

hal......"  

hindi na natapos yung sasabihin ni Ronby kase tinakpan na ni Dom yung bibig nya  

"Sobra ka! Ang Daldal mo!"  

at saka nya kinurot sa tagliran si Ronby at halata sa mukha nito na nasaktan

sya sa ginawa ng pinsan ko.  

Doon ko napagtanto....di kaya si Ronby at itong si Dom may ginawang kalokohan????/  

................................................................................................................................................................................  

Thanks sa mga nagbasa.... Comment na lang kayo.....vote? guys ano ba yun? Hahaha lam na!

Continue Reading