A Wife's Cry

By barbsgalicia

48.7M 494K 123K

Twenty-four-year-old hotel heiress, Vanessa Rio Perez was never loved by her husband, Allen Travis Fajardo, c... More

Author's Note: Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 31
Chapter 32 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 46 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 2

1.5M 16.9K 6.6K
By barbsgalicia

Hello, readers! 
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

NANG MATAPOS NA sa 'kin si Allen ay basta na lang niya akong iniwan mag-isa rito sa kwarto. Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.

Buong gabi lang tuloy akong umiyak nang umiyak. Nilabas ko ulit lahat ng hinanakit na matagal ko nang tinitiis. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Isang pagkakamali lang pero parang habang buhay na niya akong gustong gantihan.

Allen never loved me.

Umpisa pa lang ayaw na niya sa 'kin. We didn't get married because we love each other. We got married because our parents said so. Yes, arranged marriage for the sake of business partnerships.

But I was happy back then because I like Allen. He's the man of my dreams. Gustong-gusto ko siya at nakikita ko ang kinabukasan ko kasama siya. Kahit na hindi niya ako mahal dahil may girlfriend siya noon at pinilit lang talaga siyang magpakasal sa 'kin, tinanggap ko 'yon at hinintay na mahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Pero lumipas ang maraming buwan at wala akong naramdamang kahit katiting na pagmamahal galing sa kanya. Parang hindi niya ako nakikita. He was so cold and distant. Hanggang sa nagsawa na lang ako sa setup namin.

I'm just a woman and I wanted to be loved, so I gave up on him and had an affair with someone else.

Alam ko naman na maling-mali ang ginawa ko. That happened a year ago, but until now, I am still suffering the consequences. Ito pala ang tinatawag nilang karma.

Minsan pinagdarasal ko na sana iwan na lang niya ako. Pero alam ko sa sarili kong hindi ko naman siya kayang mawala. Mahal ko siya e.

Ang tanga ko lang talaga noon, nasaktan ko siya. At ngayon, alam kong hindi na niya talaga ako magagawang mahalin pa. He said I'm a bitch, but that's not true. Wala akong ibang minahal kung hindi siya lang.

Tao lang ako. Nagkakamali. Gagawin ko lahat para lang patawarin niya ako. Tatanggapin ko lahat ng pananakit niya kung 'yon lang ang paraan para magkaayos kami.

• • •

HINDI KO NAMALAYAN na nakatulog pala ako.

Nagising na nga lang ako no'ng may kumalabog na nang sunod-sunod sa pinto. Hirap akong idilat ang mga mata ko dahil magang-maga ang mga ito. Sinilip ko ang oras. Ala-una na ng madaling araw.

"Vanessa!" Muling kumalabog ang pinto. "Tangina, buksan mo nga 'to!"

Tsaka lang ako natauhan at tarantang napabangon. Oo nga pala! Ayaw ni Allen na nagkakandado ako.

Madali kong tinungo ang pintuan para buksan iyon kahit na nanghihina pa ang katawan ko at pumipintig ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Vanessa! Shit! Open this door!"

Nanginginig ang mga kamay ko nang pagbuksan ko na siya.

Tumambad sa 'kin ang isang nag-aapoy sa galit na Allen.

Ang talim ng titig niya sa 'kin! Mukhang lasing na naman siya. Ang lakas ng amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo na kumapit sa long-sleeved niyang polo.

Impit akong napatili nang bigla na niya akong daklotin sa balikat. "Anong sinabi ko sa 'yo, ha? 'Di ba sabi ko, h'wag mo akong pagsasaraduhan ng pinto?!"

"I-I'm sorry. Nakatulog ako pag-alis mo, nakalimutan kong buksan."

"E tangina bakit ka ba kasi nagkakandado? 'Di ba iniwan ko 'tong bukas kanina?"

"Allen, honey?"

Hindi na ako nakasagot dahil nagulat ako nang may ibang biglang nagsalita.

Tumingin ako sa labas ng kwarto at pinanlakihan na lang ng mga mata nang makitang may ibang babae pala rito sa bahay namin!

Hindi ko alam kung sino siya o kung saan siya napulot ng asawa ko.

Lumapit siya sa 'min at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Ngumisi pa siya pagkatapos sabay naglipat ng tingin kay Allen. "Oh darling, you didn't tell me you hired a new maid."

My eyes widened! Tapos nagbaba ako ng tingin dito sa suot kong dilaw na bistida. Gano'n na ba ang itsura ko? Oo pansin kong nangayayat ako simula no'ng pinagbubuhatan na ako ng kamay ni Allen, pero hindi pa naman siguro ako mukhang katulong.

I then looked at my husband. But he just gave me a bored stare. "Don't mind her," he even said to the girl. "She's just my wife."

Mabilis akong napabagsak ng mga balikat. Umiwas na ako ng tingin kasi uminit kaagad ang sulok ng mga mata ko. Just his wife? Hindi ako makapaniwalang nasabi niya 'yon. Pakiramdam ko piniga ang puso ko!

"Honey, I'm leaving," dagdag pa nitong babae. "I'll just call you later. Bye!"

Pagkaalis nito, naglakas-loob ulit akong tingnan si Allen. "Y-you brought a girl here?"

Tinaboy niya lang naman ako at dumiretso nang pasok dito sa loob ng kwarto. "Oo, nagdala ako. May problema ba ro'n?"

"How could you do that? May asawa ka rito tapos nagdadala ka ng ibang babae sa bahay natin?"

Tiningnan niya ako nang masama, at doon pa lang alam kong na-trigger ko na naman siya.

Bigla niya ulit akong nilapitan at marahas akong hinigit sa braso! "Tangina ikaw pa 'tong may ganang magsabi sa 'kin ng ganyan ngayon, ah? Ang bilis mo naman yatang nakalimutan ang ginawa mo sa 'kin? Fine!"

Bigla niya akong tinulak! "Let's talk about flirting or even making out with someone else, Vanessa. Sige, palinisan tayo! Kung magsalita ka ngayon parang wala kang kasalanan, ah. Sino ba ang unang nagloko sa 'tin? Ako ba, ha? AKO BA?"

"H'wag kang magmalinis dahil hindi bagay sa'yo," dagdag niya pa. "Kung nakikipaglandian ako sa ibang babae, wala kang pakialam. Pasalamat ka pa nga at dito namin ginagawa, para alam mo! Hindi katulad mo, ang tibay ng sikmura mong itago sa 'kin ang kalandian mo. Hindi ba mas masakit 'yon?"

Pumikit ako nang madiin kasi tuluyan na akong napaiyak. "Ilang beses ko bang kailangang humingi ng tawad sa 'yo?"

"I don't care because I will never, ever forgive you!" Inis siyang lumayo mula sa akin at walang pasabing sinuntok ang pader!

Napatakip agad ako sa tainga ko sa sobrang takot. Galit na galit siya, baka bigla niya akong isunod!

"You have no idea how much you've hurt me, Vanessa! I tried my best to love you, to make things work for us. Ang hinihiling ko lang e hintayin mo ako hanggang sa matutuhan kitang mahalin. Pero anong ginawa mo? Ha? Nagloko ka kung kailan nahulog na ako sa'yo! You didn't know how painful it was when I saw you with that asshole. I wanted to kill you. The both of you!"

Napatakip ako sa mukha ko, patuloy pa rin sa pag-iyak. Though I still tried to calm myself down. "Please, just give me another chance Allen. I promise I—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi bigla na naman siyang lumapit sa 'kin at dinaklot ako sa magkabilang balikat.

"Give you another chance? Tangina hindi ka karapat-dapat bigyan ng isa pang pagkakataon. You're a disgusting woman! Ibabalik ko ang kanina mong tanong sa'yo. How could you do that? May asawa ka!

"Kung alam ko lang na lalandi ka at hindi ka magiging tapat sa 'kin, sana hindi na lang ako pumayag na magpakasal sa'yo. I should've dropped that fucking arranged marriage thing. Sana itinanan ko na lang talaga si Lauren at siya na lang ang pinakasalan ko, hindi ikaw! You're worthless, Vanessa. You heard me? Worthless!"

Pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Wala na akong ibang marinig ngayon kung 'di ang tibok ng puso ko na parang lalabas na mula sa dibdib ko. Sa sobrang sakit ng mga sinabi niya, kulang na lang ay dukutin niya ang puso ko at durugin ito sa harapan ko.

Nagsisisi siyang pumayag siyang magpakasal sa 'kin? Ngayon ko lang 'yon narinig mula sa kanya. Lagi niya akong sinisigawan at pinagbubuhatan ng kamay, pero ito ang unang beses na sinangkot niya ang arranged marriage namin at ang ex niyang si Lauren.

Tiningnan ko siya. Sinubukan kong haplusin ang pisngi niya para sana pakalmahin siya kahit ang sama-sama na ng loob ko, pero tinaboy niya lang ang kamay ko. Mabilis ang bawat paghinga niya na para bang kaunti na lang ay sasabog na naman siya. Gano'n siya kagalit sa 'kin.

"Allen, I'm sorry." Diniinan ko ang salita ko para maramdaman niyang seryoso ako. "Please. Ano bang gusto mong gawin ko para lang patawarin mo na ako?"

Tinulak niya naman ako nang bahagya mula sa kanya at tinapunan ako ng isang matalim at nakakatakot na tingin. "Be my slave."

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 65 4
ABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She...
189K 6.1K 11
Rebelde at walang patutunguhan, yun ang tingin ng lahat sakin. Reckless at black sheep, as what my mom will often call me. So what? They can call me...
1.3K 144 34
Contentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happine...