Ms. Innocent Meets Mr. F*cker...

By gabweeel

3.6M 73.2K 4.2K

She's just an ordinary student. She's just a nobody. She's just a girl who dreams for a better life. She's pu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
About Book 2
Special Chapter

Chapter 43

59.4K 1.1K 65
By gabweeel

Catherine Faith's POV

*blinks* *blinks*

Asan ako? Hindi ko ito kwarto!

Medyo napatayo ako.

10AM na pala.

Tumingin ako sa paligid.

Naalala kong nasa Palawan pala kami. (-___-')

I remembered that I am still naked under this sheet.

Tinignan ko ang katabi ko.

Nakita ko ang isang lalaking natutulog ng mahimbing sa tabi ko.

Tinitigan ko ang mukha niya.

May ipe-perfect pa ba ang mukha neto? Kasi mukhang wala na ata.

Napaka-perfect niya na.

Mula sa mata niyang singkit hanggang sa manipis at mapula niyang labi.

Magpa-pantasiya na sana ako nang may bigla akong naalala.

Hindi ko pa pala nate-text o natatawagan si Harin, magmula kahapon. Kaya naisipan kong tawagan siya ngayon.

Anong oras na at mukhang gising na siya.

Kinuha ko yung cellphone ko sa may bedside table at dinial ang number niya.

Calling Bunso...

Tama ako. Gising na si Harin kasi sinagot niya yung tawag.

"Hello? Harin?"

[Hello ate!]

"Oh kamusta ka na?"

[Ayos naman po.]

"Kumain ka na ba?"

[Oo, ate. Ikaw?]

"Hindi pa kakagising ko lang eh."

Naramdamam ko ang paggalaw ng katabi ko.

Nagising siya at nung nakita niya ako, ngumiti siya.

[Ah sige, ate. Ba-bye na ah. Mag-aayos lang ako dito. Ingat kayo diyan.]

"Sipag ah. Haha! Sige. Bye!"

Call Ended

Binalingan ko ang katabi ko.

"Good morning..." sabi ni Jiyong in a husky tone.

Bedroom voice~ ohmygooood.

"Ah. Good morning din hehe." sabi ko.

"Take a bath first bago tayo mag-breakfast. Then, mamamasyal tayo mamaya." sabi niya.

Mamamasyaaal? Yeheeey!

"Okay." nakangiti kong sagot.

Kinuha ko yung damit ko sa ilalim ng kumot at isinuot 'yon.

Tumayo ako at kumuha ng damit. Pagkakuha ko ay dumiretso ako sa banyo, dala 'yong mga damit.

LIGO.
LIGO.
LIGO.
LIGO.
LIGO.

After 20 minutes, natapos akong maligo at nagbihis na ako. Lumabas na ako ng banyo.

Paglabas ko ay naabutan ko si Jiyong na nakabihis na.

Saan 'to naligo?

Naka-ayos na siya agad. Naka-jacket at shorts na siya. Naka-rubber shoes na din siya.

Mukhang excited ah! Hahaha~

Mamasyal kami dito sa Palawan hohoho~

"Oh, saan ka naligo?" tanong ko.

"Kela Alexander, binulabog ko sila." sabi niya.

Kumag talaga 'to.

Maya-maya ay may kinuha siya sa wallet niya.

"Oh, take this dahil maayos ang serbisyo mo sakin." ma-awtoridad niyang sabi.

Inabutan niya ako ng pera.

Wait. Bakit parang ang kapal ng pera? Madami ba ito o baka tagwa-one hundred kaya naging makapal?

100,000 pesos?!

Hindi ko na binilang kasi may naka-label na 100,000 ang amount nung pera na binigay niya sakin.

"Ang laki-----" magsasalita sana ako ng magsalita siya.

"Wag ka na mag-inarte. Tara na, kumain na tayo." sabi niya.

Hindi na ako nagsalita, kinuha ko 'yong wallet at cellphone ko at nilagay sa bag ko at lumabas na kami ng kwarto. Pumunta kami sa elevator.

First time kong maghahawak ng ganoong kalaking pera. Pero hindi na rin ako mag-iinarte. Hahaha!

Tumaba bigla yung wallet ko. OMG! Haha.

Baka maging milyonarya ako dahil kay Jiyong. (^.^)

Dire-diretso lang kami hanggang marating agad namin yung dining area.

Nakita ko sila Dara kasama nila sila Tristan.

Lumapit kami sa kanila.

"Uy. Good morning!" bati ni Tristan samin.

"Good morning." bati ko.

Good na good morning ko eh.

Napansin ko ang mukha nila Alexander at Kenneth.

Nakakatawa 'yong mukha nila.

Mukhang antok na antok at ang gulo pa ng mga buhok.

"Oh. Kenneth at Alexander, anong nangyari? Bakit ganyan mukha niyo?" tanong ko.

"Kasi si Jiyong eh, binulabog kami kasi daw makikiligo siya." kakamot-kamot sa ulong sabi ni Kenneth.

Umupo muna kami at nagsalita si Jiyong.

"Eh gusto kong makiligo sa inyo. Atsaka anong oras na, tulog pa rin kayo. Tch."

"Tama na nga 'yan. Kain na guys!" sabi ni Bommie.

Kumain kami ng tahimik.

Ramdam ko parin ang ilang sa amin ni Taeyang.

Tsk. Hindi talaga ako sanay. (-___-')

Kakawala lang ng ilangan namin pero nabalik na naman.

After 15 minutes, natapos kaming kumain. At may dumating na isang crew ng hotel.

"Madams and Misters, nandiyan na po yung service niyo."

"Sige. Susunod kami." sabi ni Jiyong.

Sabay-sabay kaming tumayo at nagulat ako nung bigla akong hinila ni Bommie.

"Sa amin muna siya ah Jiyong!" sabi ni Bommie.

"K. Tch." masungit na sabi ni Jiyong at sumakay kami sa van.

Kaming tatlo ni Dara ang nasa middle seats. Samantalang ang nasa harapan ay si Jiyong at ang nasa likod ay si Tristan, Taeyang, Kenneth at Alexander.

Nagkasya silang apat sa likod haha!

Nag-maneho na yung driver at matapos ang ilang minuto ay nakarating agad kami sa first destination namin.

Bumaba kami. And woooooow!! Ang gandaaaa~

Madaming tao dito pero syempre, kami ang priority kasi kasama namin ang Youngest Billionaire. Baka sisantehin neto yung mga crew dito kapag hindi kami 'yong inuna.

Madami palang benefits kapag kasama mo si Jiyong eh. Hohoho~

Anyways, magmo-motorized boat kami dito sa Pangalusian Island. Maganda ang view kasi ang ganda ng tanawin dito ng beach. Maganda ding mag-sun bathing kasi hindi pa masyadong mainit.

Sumakay ako sa motorized boat kasama ko sila Bommie at Dara.

Sa kabilang boat, ang magkasama ay sina Jiyong at Kenneth.

At si Tristan, Taeyang at Alexander naman ang magkasama.

Nang maging settled na kami, pinaandar na ni Manong yung boat.

"Ang ganda ditooo~" sabi ko. *___*

"Kaya nga eh. Ang ganda lalo kasi magkakasama tayo dito!" masayang saad ni Dara.

Natahimik kami dahil ineenjoy ko talaga yung moment.

"Oy. Faith, ano na ang ganap?" biglang tanong ni Bommie.

"Oo nga! Ano musta na?" tanong ni Dara.

"Sabi ko sainyo eh, nagawa na ni Jiyong sa iba yung mga ginagawa niya sa akin eh." sabi ko.

"Huh? Kanino naman?" tanong ni Dara.

"Kay Zoey... Yung ex niya.." sabi ko.

"Ay oo nga pala. Nagawa niya na 'yon sa ex niya." sabi ni Dara.

"Bakit parang naging malungkot ka nung nalaman mo na nagawa na ni Jiyong sa iba 'yong ginagawa niya sayo?" tanong ni Bommie.

Ako? Malungkot? Parang hindi naman.

Ang saya saya ko nga oh!

"Malungkot? Hindi ah." sabi ko.

Pero parang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.

Pero parang ako din, hindi ako kumbinsido na masaya ako.

Siguro umasa ako sa sinabi nila kahapon?

Naging serious yung atmosphere.

"Sabihin mo nga samin Faith, may nararamdaman ka na ba para kay Jiyong?" seryosong tanong ni Bommie.

Sabihin ko na kaya sa kanila?

Hindi ko na kasi alam kung ano ang nangyayari sakin eh.

Ganoon na ata ako ka-inosente at wala akong alam sa nararamdaman ko.

Nag-buntong hininga ako.

"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. 'Pag hinahawakan niya ako, parang may nagkakarera sa dibdib ko. At kapag gumagawa siya ng mga nakakapagpa-ngiti sakin, may nararamdaman din akong kakaiba sa tiyan ko. At kagabi, hindi ko din alam kung ano na ang nangyayari sakin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nung malaman ko kung gaano niya kamahal si Zoey. Gusto kong malaman kung ano ba yung nangyayari sa akin kasi gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung kasali din ba ito sa deal." sabi ko.

Napangiti sila ng malapad matapos kong sabihin 'yon.

"Ang kaibigan natin ay umiibig na, Bommie!" masayang sabi ni Dara.

Ako? Umiibig na?

Hindi pwede.

"May nararamdaman ka na para sa kanya, Faith." nakangiting sabi ni Bommie.

"Ibig sabihin, ako yung talo?" naguguluhan kong tanong.

"Talo? Bakit naman?" tanong nila.

"Kasi laro lang ito. Ako 'yong unang nahulog, at hindi niya naman ako sasaluhin. Talong-talo ako." sabi ko na medyo malungkot.

"Yun lang. Pero hayaan mo munang magmahal ka, damhin mo kung gaano kasarap magmahal. Malay mo mahal ka na rin pala niya." sabi ni Bommie.

Hindi na ako sumagot.

Hayaan ko ang sarili kong umasa?
Ewan ko. Naguguluhan na ako.

Sakto namang natapos yung oras namin sa pagbo-boat dito.

Bumaba na kami sa boat.

Bumaba na din sila Kenneth.

Pinilit kong ngumiti ulit.

Tinabihan ako ni Jiyong.

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin.

"Ah-eh. Oo. Ayos na ayos!" sabi ko.

Hindi na siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko hanggang makapunta kami sa van.

Ano ba ito?

Jiyong, wag mo kong sanayin sa mga ganyan mo please.

Sumakay ulit kami sa van at ganoon pa rin yung seating arrangement.

"Kain na tayo guys! 12NN na rin naman!" sabi ni Tristan.

Naka-ilang oras din pala kami kanina.

Time flies talaga.

"Mga maam and ser, dalhin ko po kayo sa isang maganda pagkainan." sabi nung driver.

Hindi na kami tumanggi at nagdrive si Manong papunta doon.

Nakarating agad kami sa destinasyon dahil malapit lang 'yon sa Pangalusian Island.

Bumaba kami sa kotse.

Ang sarap ng simoy ng hangin!

Kung ganito lang ang hangin sa Manila, malamang palagi akong stress-free.

"Ito po ang Snake Island. Maglalagay lang po kami ng mga lamesa at upuan." sabi nung boatcrew.

"Salamat po." sabi ni Dara.

Umalis na yung boatcrew para kumuha ng tables and chairs.

Tinignan ko si Taeyang, napatingin din siya sa akin pero napaiwas agad siya.

Gusto kong kausapin mamaya si Taeyang. Hindi ako sanay na ganito kami. :(

Dumating na yung boatcrew at in-assemble yung mga table at upuan.

Nang maayos na, umupo na kami.

Ganito ang arrangement namin.

Kenneth - Taeyang - Tristan - Alex
__________________________________
T A B L E
___________________________________
Dara - Bommie - Ako - Jiyong

Sinerve naman agad yung mga pagkain.

"Grabe! Gutom na gutom na talaga ako!!" sambit ni Kenneth.

"Lagi ka namang gutom eh. Psh." sabat ni Tristan.

"Pare, wag kang manlaglag." nahihiyang sabi ni Kenneth.

Natatawa talaga ako kay Kenneth. Hahaha! Siya yung joker sa clique.

Nilagyan ako ng pagkain ni Jiyong sa plate ko.

Nginitian ko siya as thank you. Ngumiti din siya.

*LUB DUB LUB DUB*

HEART, TUMIGIL KA.

Pero wag ka naman tumigil sa pag-pump, pero wag din yung over diba.

"Ang sweet naman netong dalawang 'to!" kantyaw samin ni Alexander.

Natawa nalang kami ni Jiyong.

"Kailan mo pa pinormahan si Faith? Ikaw pare ah, may hidden agenda ka ah. Hahaha!" -Kenneth

"Nung nakaraan lang. Haha!" sabi ni Jiyong.

Kumain lang ako ng Tuna Steak and rice.

Kain lang ako ng kain habang sila ay nagku-kwentuhan.

Napaka-refreshing dito! Tanaw na tanaw dito yung Baicut Bay.

"Ang tinik mo talaga sa chicks pare. Ang lupet mo hahaha!"

"Napaka-tinik talaga. Kaya pati nililigawan ko, niligawan din. Gusto ata neto share kami eh. Ha-ha!" makahulugang sabi ni Taeyang at dumiretso sa kotse.

Natigilan ako sa pagkain.

Halos lahat kami ay natigilan sa sinabi niya.

Sinundan ko ng tingin ang pag-alis niya.

Sorry, Taeyang.

Mabuti kang tao pero hindi ako ang nararapat sayo. :(

----------------

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Continue Reading

You'll Also Like

688K 9.4K 45
Alam kong maling mahalin ka pero anong magagawa ko?! Tuluyan na kong nahulog sayo! Tapos ikaw tong walang balak na saluhin ako?! Okay pa sana na prot...
107K 6.5K 65
[ A Taglish Story ] May's been in love with her brother's bestfriend since she was 16 but he never saw once gave her a sign that he returns her feel...
1.2M 49.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.