Soulbound

By Missmaple

2.2M 109K 12.1K

Avery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire... More

Prologue
Soul 1: Soul Bound To You
Soul 2: Training Ground
Soul 3: Real World
Soul 4: Endless Pit of Magic
Soul 5: Lies in Disguise
Soul 6: Red Rose
Soul 7: Inner Beast
Soul 8: Black Crescent Moon
Soul 9: Map
Soul 10: Evil Spirit
Soul 11: Better Or Worst
Soul 12: Gold
Soul 14: Faster
Soul 15: Consolation
Soul 16: Chains
Soul 17: Best Decision
Soul 18: Secret Room
Soul 19: Good Sign
Soul 20: Selfish
Soul 21: Red and Black
Soul 22: Death Punishment
Soul 23: Jump Or Die
Soul 24: Run
Soul 25: Tresha Kingdom
Soul 26: You Are Trouble
Soul 27: Hysteria
Soul 28: Aivee
Soul 29: Avery Devon
Soul 30: Save Or Ruin
Soul 31: First Seal
Soul 32: Mates
Soul 33: Damon Elswit
Soul 34: Zara Montfort
Soul 35: Verone Shams
Soul 36: Death's True Form
Soul 37: Prelude of Chaos
Soul 38: Scars
Soul 39: Distraction
Soul 40: Bargain
Soul 41: Fallen
Soul 42: Full-blood
Soul 43: Captured
Soul 44: Devour
Soul 45: Bloodline
Soul 46: Safe Side
Soul 47: Regrets
Soul 48: Sacred Temple
Soul 49: Eye of the Storm
Soul 50: Hell
Soul 51: Nostalgic Scent
Soul 52: Pendant
Soul 53: Dark Emperor
Soul 54: War
Soul 55: Death Match
Soul 56: Sacrifice
Soul 57: Magic Circle
Soul 58: Fifth Seal
Soul 59: Decay
Soul 60: Beginning

Soul 13: Letter

36.4K 1.7K 57
By Missmaple

"They will drag you down until you are not able to stand up..."



AVERY



Zirrius was speechless. He wanted to know more but he didn't know what to ask. He can't find the right question to ask. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Magulo ang isip niya. By just thinking that I'll be inside his body for months or years, he's already going insane. I grinned on his subconsciousness. Sa susunod na araw, talagang babawian ko siya. Mas lalo kong pasasakitin ang ulo niya. I'll be his nightmare every night and day.



Mariing napahilamos siya sa mukha niya. He felt like this was the end for him. He's doomed.



"Exaggerated ka namang masyado! Tiyak na sa susunod na araw, mas malaki pa rito ang magiging problema mo," natatawang saad ko. Now, I already found my voice. Maganda na ulit mood ko dahil hindi nila kayang alisin ang kaluluwa ko sa katawan ni Zirrius. Hindi ako magiging multo o mamamatay. It's time for a party! Kung pwede lang akong sumayaw at kumanta, ginawa ko na.



Zirrius hissed. Mas lalo siyang nainis sa sitwasyon nang marinig ang boses ko. He sighed heavily to calm himself. Matiim niyang tiningnan ang sulat na hawak niya. Iniisip niya kung ano ang laman nito pero dahil hindi siya marunong gumamit ng mahika, hindi niya ito mabubuksan.



"Gusto mo turuan kita?" pang-aasar ko sa kanya. I even laughed and he sighed heavily again. Tila pagod na pagod siya sa mga nalaman. Gusto niyang ipaghiganti ang ina niya pero hindi niya alam kung sino ang lalabanan. Gusto niya akong alisin sa sistema niya pero walang makapagsasabi sa kanya kung paano. He was running out of options. Tila gusto na niyang sumuko at tanggapin na lang ang sinapit niya pero wala pa rin siyang balak iwanan ang Alveria. Wala siyang balak na sumama sa 'kin sa Elfania kahit ano ang mangyari. I frowned. Kung ganoon ay matatagalan pa talaga ako sa loob ng katawan niya. Huwag naman sana. Hindi ko alam kung paano ko babaguhin ang desisyon niya.



Tumingin si Zirrius kay Lolo Zark na seryoso ring nakatingin sa kanya. "Maraming salamat, Lolo Zark sa impormasyon. Pero naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. I can't possibly accept all of this within just minutes. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ganu'n kadali. I need time. I need to think. Kung pupunta ako sa Elfania, hindi ako mapapalagay. Marami akong maiiwan," he said with doubt. Tiyak na pati si Liana ay kasama sa mga maiiwan niya. He doesn't want to leave her with Leo, for sure. Then I must let him think. Mabigat na desisyon ito at hindi dapat minamadali. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin namin kapag umalis kami rito.



Lolo Zark nodded with understand. "Kung anuman ang magiging desisyon mo, sana mapanindigan mo. I'll pray that the gods help you," he added. Tumingin naman si Zirrius kay Zach na natahimik lang na nakaupo sa isang bangko malayo sa kanila. He could hear everything from where he is. Seryosong nakatingin si Zach kay Zirrius.



"Ano pala ang sinasabi mong mahika kanina?" Zirrius asked. Muntik ko ng makalimutan ang sinabi kanina ni Zach. Ano nga kaya ang ituturo niya kay Zirrius.



"A magic to contain the soul and seal it temporarily. Lalo na kapag tinangka niyang agawin at kontrolin ang katawan mo," seryosong sagot ni Zach. Damn! This is bad news! "Pero hindi kita pinipilit na gumamit ng mahika. This is just an option," he added. Ipinagdasal ko na sana hindi tanggapin ni Zirrius ang alok ni Zach. Alam kong mahihirapan si Zirrius na pag-aralan ang mahikang ito pero paano kung dumating ang araw na matutunan niya iyon? Tiyak na mahihirapan na akong makontrol ang katawan niya.



"Hindi ko alam kung handa na ako," naguguluhang saad ni Zirrius. Dati, ipinagdadasal ko na sana maging handa na siya sa paggamit ng mahika pero ngayon parang ayaw ko na. Ako na lang siguro ang gagamit ng mahika para sa kanya. Right! I'm really selfish!



Ngumiti si Zach. "You can always go back here whenever you're ready," he said kindly. Marahang tumango si Zirrius. Tumayo na siya. Napansin ko ang pagpasok ni Rein sa loob ng bahay.



"Kailangan ko ng umalis. Babalik na lang ako rito kapag napag-isipan ko na ang lahat," mahinang wika ni Zirrius. Tumango si Zach at Lolo Zark. Mahinang nagpaalam si Zirrius kay Rein na bahagyang yumuko nang dumaan siya.



Tumingala pa sa langit si Zirrius kaya napansin ko ang maiitim na ulap na namumuo. "What a gloomy day," mahinang saad ko. Zirrius frowned when he heard my voice. Hindi ako nagkomento sa mahikang sinabi ni Zach dahil nagbabaka sakali ako na makalimutan na niya ito. Alam kong imposibleng makalimutan niya pero kailangang manahimik ng bibig ko. sumakay na si Zirrius kay Aris at bumalik sa kaharian. Itinago niya sa lalagyan ang sulat.



Nang makarating sa kastilyo ay nakita niya si Kendrick. Nakita rin siya nito kaya lumapit agad ito sa kanya.



"Saan ka nanggaling?" kunot-noong tanong ni Kendrick.



"Mas maganda kung wala kang alam," sagot ni Zirrius. Tumango si Kendrick dahil naintindihan nito ang sinabi ni Zirrius. "Oo nga pala. Pupuntahan ko si Prinsipe Leo dahil kailangan daw niyang matutong gumamit ng espada. Sinabi rin niya na kapag nakita kita ay isama kita. It seems like he also wanted a match from you," seryosong saad ni Kendrick. Naglalakad na sila sa loob ng palasyo. Maraming mga katulong na bumabati at yumuyukod sa kanilang dalawa. Abala pa rin ang lahat sa pag-aayos sa loob ng palasyo dahil sa darating na pagtitipon.



"If that's the case then I'm in," saad ni Zirrius. Bahagya siyang ngumiti. Pilit niya akong inaalis sa isipan niya. Pilit niyang kinakalimutan na nasa loob ako ng katawan niya. Hanggang kailan ba niya lolokohin ang sarili niya? Hinayaan ko muna siya dahil ngayon pinag-iisipan ko na kung paano bubuksan ang sulat para sa kanya. I was really curious. Uunahan ko na siya. Hindi naman siguro niya malalaman.



Pumasok silang dalawa sa isang malawak na silid. Sa loob ng silid na ito ay napakaraming araw na nasabit sa dingding. Iba't ibang uri ng espada at sandata. May maliliit pang mga punyal. Malawak ang silid. Sa tingin ko ay madalas silang nagsasanay rito. Nasa loob na si Leo at napansin ko kung paano niya sinusuri ang mga espada at ilang sandata. Pumipili siya ng sandata na akma ang laki at bigat para sa kanya. Minsan ay iwinawasiwas pa niya ang espada sa hangin upang masubukan niya kung angkop ang sandata para sa kanya. He seems like he already know what sword was right for him. Para sa 'kin mukha siyang eksperto sa paggamit ng espada. He doesn't look like a beginner as Zirrius and Kendrick expects him to be. Ang iniisip ngayon ni Zirrius ay baka sinusubukan lang ni Leo ang mga sandata dahil naninibago si Leo pero pakiramdam ko ay mali siya.



Napalingon si Leo sa direksiyon nina Zirrius at Kendrick. Ngumiti siya. "Nandito na pala kayo!" he said with a grin.



"Mahal na Prinsipe," bati ni Kendrick kay Leo. Bahagyang yumukod si Kendrick bago muling tumingin ng diretso kay Leo. "Kung gusto ninyong magsanay, dapat hindi muna totoong espada ang gamitin ninyo para hindi kayo masaktan," saad ni Kendrick.



"It's fine. At saka, paano ko tutulungan si Zirrius kung hindi ako marunong gumamit ng totoong espada?" nakakalokong tanong ni Leo. Zirrius frowned. He shrugged his shoulder. Inilabas niya ang espada niya. "Kung gusto mong makipaglaban sa 'kin, pumili ka na ng espada mo," seryosong saad ni Zirrius. Napansin ko naman ang pag-aalala ni Kendrick para sa kanilang dalawa.



"Zirrius, dapat hindi mo kinukunsinti ang pinsan mo," bulong ni Kendrick sa kanya. "Hindi matutuwa ang hari kapag nasugatan kayong dalawa. Makinig kayo sa 'kin. Don't use real swords," naiiling pang dagdag niya. Naglakad si Kendrick patungo sa mga kahoy na espada. Ihinagis niya ang isa kay Zirrius kaya walang nagawa si Zirrius kundi ang saluhin ito. Ihinagis din ni Kendrick ang isa pa kay Leo.



"I'm sorry. Hindi ko kayo hahayaang masaktan lalo na't nandito ako kaya 'yan muna ang gamitin ninyo pansamantala," seryosong saad ni Kendrick. Napailing si Zirrius pero ibinalik niya ang espada sa lalagyan nito at ibinaba sa sahig. Maging si Leo ay wala na ring nagawa kundi ang ibalik sa pader ang hawak na espada.



Tinuruan ni Kendrick si Leo ng tamang postura at paghawak ng espada. Naghintay naman si Zirrius habang nagtuturo pa si Kendrick.



"Do you think you can win against him?" pang-aasar ko sa kanya.



"He's an amateur," he answered.



"You're underestimating him too much. Hindi na ako magtataka kung matalo ka niya," seryosong saad ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagkunot ng noo ni Zirrius dahil sa sinabi ko. It's not right to underestimate someone. "Overconfidence can surely drag you to muds," makahulugang paalala ko kay Zirrius.



Halos isang oras na tinuruan ni Kendrick si Leo. Napansin ko na tila walang alam si Leo sa paggamit ng espada habang tinuturuan siya ni Kendrick. Hindi ko tuloy alam kung mali ba talaga ang nakita ko sa kanya kanina nang pumasok sina Zirrius sa silid na 'to. O baka naman nagpapanggap lang siya na walang alam? Nang matapos ang pagtuturo ni Kendrick, lumapit na si Kendrick kay Zirrius. "Don't overdo it," he reminded Zirrius. Marahang tumango si Zirrius.



"You can start your match now," sigaw ni Kendrick kay Leo. "Don't be too hard on him," muling bulong ni Kendrick kay Zirrius bago naglakad palayo. Tumayo na si Kendrick sa gilid upang manood sa dalawa.



Naglakad na si Zirrius at Leo sa gitna ng silid. Halata ang pag-iingat sa bawat kilos ni Zirrius habang lumalapit siya kay Leo. Si Leo naman ay hindi nag-iingat. Nakangisi lang siya kay Zirrius na tila nakikipaglaro lang. Seryoso naman ang mukha ni Zirrius pero alam ko na hindi niya seseryosohin ang laban. Leo made the first move. He attacked Zirrius without a form. Parang basta lang siyang sumusugod. He was wide open for Zirrius' moves. Madaling natamaan ni Zirrius ang tagiliran ni Leo.



"Don't be reckless. Watch out for your opponent's moves," seryosong saad ni Zirrius kay Leo. "Sword fights are not only meant for offense. You must learn to defend yourself. Try to dodge my attacks with your sword," pagtuturo niya na parang isang eksperto. Leo tried to dodge his attacks as he said. Ilang beses na nagtama ang mga espadang kahoy nila. Malakas ang puwersa na nagmumula sa mga hampas ni Leo. Tila nahihirapan siyang pigilan ang mga atake ni Zirrius. Madalas siyang napapaurong sa bawat hampas ni Zirrius. Parang gusto ko na tuloy maniwala na wala talaga siyang alam sa paggamit ng espada.




Zirrius spun around. Mabilis siyang nakaikot patungo sa likod ni Leo. Marahan niyang hinampas ang likod ni Leo gamit ang espadang kahoy. "If this is a real sword, you'll be dead by now," seryosong saad ni Zirrius. Mabilis na lumayo si Zirrius nang humarap sa kanya si Leo. Leo gritted his teeth. He's irritated. Ilang hampas pa ang pinakawalan ni Zirrius at hindi iniintindi ang pagkainis ni Leo. Zirrius was really an expert with swords. Mabagal ang kilos ni Leo kaya hindi niya agad naiwasan ang sunod na atake ni Zirrius. Tumigil ang dulo ng espada ni Zirrius sa ibabaw ng noo ni Leo. Leo was stunned. He sighed heavily. "It's over?" tanong ni Zirrius kay Leo. Mabuti na lang talaga at hindi totoong espada ang gamit nila.



Malakas na hinampas ni Leo ang espada ni Zirrius. Nagulat si Zirrius at maging ako ay nagulat sa sunod na kilos ni Leo. Bumilis na ang mga kilos niya. He managed to spun around and stood from Zirrius' behind. Mariing itinutok ni Leo ang gilid ng espada sa leeg ni Zirrius. Bahagyang napangiwi si Zirrius. "Yeah. It's over. Seems like I'm a fast learner," nakakalokong saad ni Leo.



"That's enough," seryosong saad ni Kendrick. Binitiwan na ni Leo si Zirrius. Ihinagis pa ni Leo ang espada sa sahig. "Thanks for today," he said before he left. Minasahe ni Zirrius ang leeg niya habang nakakunot-noo. He never expected for his cousin to learn that fast. Sa tingin ko, hindi nga ako nagkamali ng hinala. Leo knew how to use swords. He was just playing with Zirrius.



"Hindi ko akalaing maiisahan ka niya," nakangising saad ni Kendrick. Parang gusto niyang asarin at pagtawanan si Zirrius.



"You know I'm not yet serious," naiiling na saad ni Zirrius kay Kendrick. Malakas na tumawa si Kendrick. Kinuha na niya ang espada na ihinagis ni Leo at maging ang nasa kamay ni Zirrius. Ibinalik niya ito sa lalagyan.



"But you are Zirrius," natatawang sabi ko sa kanya. Pero bigla akong sumeryoso. "Mukhang hindi mo talaga kilala ang pinsan mo," komento ko.



"We're not close," seryosong sabi niya. Kinuha na niya ang espada niya sa sahig at isinukbit sa baywang.



"Why? I believe in the saying that keep your friends close and your enemies closer," natatawang saad ko sa kanya.



"That's what backstabbers do," nakasimangot na sabi ni Zirrius sa 'kin. I laughed. He's right. Lumapit na sa kanya si Kendrick. "Hindi ka ba kinakabahan sa darating na pagtitipon sa Linggo?" seryosong tanong ni Kendrick kay Zirrius. Natigilan ako.



"Bakit naman?" kunot-noong tanong ni Zirrius. Nagkibit-balikat si Kendrick. Halata sa mukha niya na naguguluhan din siya.



"Hindi ko rin alam. Masama lang ang kutob ko," naguguluhang saad niya. "Mabigat ang pakiramdam ko," he added. Zirrius patted Kendrick's shoulder.



"Masyado ka lang nag-iisip. Siguro kulang ka sa pahinga. You should visit Ciara. Nagkita na ba kayo?" kunot-noong tanong niya sa kaibigan.



"The healer?" kunot-noong tanong ni Kendrick. Biglang lumiwanag ang mukha ni Kendrick. "I almost forgot. I need to check her. Hindi ko pa siya nabibisita. Tiyak na masisira na naman ang araw niya kapag nakita niya ako," pilyong saad ni Kendrick. Napansin ko ang kakaibang ngiti niya sa labi. Lumabas na silang dalawa sa silid.



"Right. Puntahan mo na siya. Subukan mo ring magpagamot," natatawang sabi ni Zirrius.



Mahinang tumawa si Kendrick. "Baka lason ang ibigay niya sa 'kin, imbes na gamot," anito. Tumawa si Zirrius dahil sa sinabi ng kaibigan. Nauna ng umalis si Kendrick samantalang nagtungo naman si Zirrius sa mga pagpupulong.



~~~



It's already midnight. Nakapatong sa mesa ang sulat ng ina ni Zirrius at ako naman ay nakatitig sa sulat na ito. Gamit ko na naman ang katawan ni Zirrius. Kanina ko pa pinag-aaralan ang selyo ng sulat. I started to chant spells and move the seal's lines on different angles in order to open the letter. It looks like a puzzle that must be solved.



Ilang minuto lang ay biglang nabalot ng matinding liwanag ang sulat. Bahagya akong lumayo dahil nasisilaw ako. I managed to successfully open it. I grinned. Pero napasinghap ako dahil sa lumabas mula sa sulat. Bumilis ang tibok ng puso ko este puso pala ito ni Zirrius.



"Hi there, Avery," malambing na wika ng isang tinig. A soul came out from the letter. I beautiful woman was standing in front of me. Umupo pa siya sa isang silya at ngumiti sa 'kin. "You didn't expect this right? I'll know you will open this letter," she added. Napanganga na lang ako. Paano niya nailagay ang kaluluwa niya sa isang sulat?



"H-How?" naguguluhang tanong ko sa kanya.



Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Hindi lang ikaw ang nakakaalam ng ganitong mahika. At oo nga pala, hindi mo dapat pinakikialaman ang mga bagay na pag-aari ng iba," she answered. I frowned.



"I'm just curious. But who are you?" takang tanong ko sa kanya. Her long and straight ash brown hair didn't manage to cover her pointed long ears. I could clearly tell that she's an elf. Napakaamo at napakaganda ng mukha niya. Makinis at maputi ang balat niya. Matangos ang ilong at malalantik ang mga pilik mata. Her sapphire blue eyes are too bright and I know I already saw those eyes somewhere. And then I remembered Zirrius' eyes. Fuck! I could clearly see their resemblance. Halos manlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya.



"Seems you already know the answer," nakangiting saad niya na tila aliw na aliw sa itsura ko.



"How did you know that I'm Avery and not your son?" naguguluhang tanong ko sa kanya.



"Because you treat the letter's seal as a puzzle," she said meaningfully. "And I'm expecting you to open this letter first."


--------------------

TO BE CONTINUED...


Wahaha. Hmmm. May nabasa akong comment na baka ang end game ay Zirrius for Alveria then Avery for Elfania. I actually did think about that possibility, good job for the one who commented it out haha. Natutuwa ako kapag tumutugma ang comments ninyo sa naiisip ko. Pero dahil marami pa talagang mangyayari, hindi ko alam kung ano ang ending. Huwag kayong matakot na magcomment ng predictions ninyo. Hahaha! Thanks. <3

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 1.3K 21
The Journey of Isaac Newton Jr., a black cat.
Liars All By MrFenris

Mystery / Thriller

16.1K 684 18
Nagsimula na ang pagpatay sa mga naninirahan sa Selford Dormitory, at walang ideya ang mga natitirang buhay sa kung sino ang gumagawa nito sa kanila...
23.1K 1K 37
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
238K 18K 28
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...