I'm Dating an Idol

By SuperGL

45.7K 1K 64

Kinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos laha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (Soulmate)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
BOOK 3 ANNOUNCEMENT
Chapter 39
Final
Jerome's
[BOOK 3]
Special Chapter

Chapter 14 (What happened?)

970 23 1
By SuperGL

Karen's POV

RIP ANIT. RIP BLONDE HAIR MARCH 15, 2016-MARCH 15, 2016 (AN: GRABE YUNG DATE LOL 2016 KO PA SINULAT 'TO PERO NGAYON KO LANG NA-PUBLISH 😂)

Ang adik talaga ni Mikko ang hapdi tuloy ng anit ko ngayon. At ano bang pumasok sa isip niya at gusto niya maging magkamukha kami?

Moving on...

Nagdaan ang mga araw na wala ang tatlong itlog. Nanibago ako ng sobra at timing pa na busy ngayon ang Empires ganun din sila Ailee at Andy kaya wala ako ibang nakakasama kundi si Hani. Bukas na ang graduation ng Southmoor HS kaya busy na rin kami. Napagalaman ko pang sa araw ng graduation ko ang debut ng Empires at naloka ako ng husto dahil sure akong hindi sila makaka-attend. Life is so unfair!

Masyadong nakakastress ang schedule naming lahat.

Pero ito, iaannounce na ang isa sa pinakahihintay ko.

"Congratulations sa mga bagong SSG Officers ng Southmoor High-school!" Sa wakas, retired na ako sa pagiging secretary bwahahaha.

Natapos ang ceremony sa confererence room at nag-celebrate na lahat ng nanalong SSG. So happy for them! Charot, akala nila makakapagcelebrate pa sila kapag nagsimula na silang magtrabaho dito? Ang hirap kaya!

Nakaupo lang ako sa pwesto ko habang nakapalumbaba. Hays, mamimiss ko 'tong pwesto na 'to na malapit sa aircon. Until next time...

Tumayo ako at lumabas ng room kasama si Maris. Sa hallway nalang ulit kami nagkahiwalay dahil nakasalubong niya si Dean at sumama na siya sa kanya. Ang ending, ako na naman ang mag-isa. Palagi nalang!

Emo akong nagabang kay manong sa gate pero iba ang sumalubong sa 'kin.

"MIKKO!" Sa sobrang excute ko (Hindi 'to typo.) Napayakap ako sa bewang niya pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko at naka-smile na tumingin sa mga mata ko.

"Kinukombulsyon ka ba?' Tanong ko kay Mikko. Kakaiba na naman kasi kinikilos niya. The unusual him.

"Are you allergic to me being nice?" He rolled his eyes.

"Hindi naman, sadyang nakakatakot ka lang kapag mabait ka." Natawa siya sa sinabi ko. Feeling ko ang funny ko ng tao.

"This will be the last time I'm going to be nice to you." Nag-pout ako. "Hala! Joke nga lang e."

Inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Which is rare.

Nilabas niya ang phone niya at tinapat sa harap namin dalawa. "Let's take a picture together." He is acting strange. Ngumiti siya at nagulat nalang ako dahil bigla nalang niya hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit, hindi yung hawak na masasaktan ako pero in a way na para bang ayaw niya ako pakawalan habang nagpipicture kami. Kaya ang kinalabasan, mukha akong nakakita ng multo sa first ever picture namin dalawa. Napaka-unromantic!

"Ang pangit ko dyan! Sa 'yo pa ako nakatingin imbis na sa camera!" Rant ko habang pilit inaagaw yung phone sa kanya.

"Nah, it look so natural. You are ugly here just like you in person." Nag-pout ako. Ang bad niya talaga.

"Kidding, you are the most beautiful woman here." Kikiligin na sana ako ng ma-realized kong dalawa lang kami dito sa kinaroroonan namin.

"E wala naman ibang tao dito kundi ako at ikaw?" I asked.

"Exactly." Argh!

Ginulo ni Mikko ang buhok ko. "Let's go?"

Nagtaka akong tumingin sa kanya ng mapansin kong parang hindi yata kami sumasakay sa kotse niya. "Hindi mo ba gagamitin 'yun?"

Nag-nod siya. TENTENENENEN! "I'm willing to ride a bus or a jeep with you."

O____O

O_____O

O______O

Siryizli?

***

Tamihik niyang jinujudge ang mga tao sa jeep at tahimik ko lang din siya pinagmamasdan habang gwapo pa rin siya suot ang pang-disguise na mask, cap at hoodie.

"Why is it so crowded here? Ganito ba talaga dito or they just noticed me and filled this jeep with my fans?"

Gusto kong matawa sa binulong niya pero pinigilan ko lang talaga. Ang hangin mo pa rin Mikko Tan. Isipin ba naman na dahil sa kanya kaya napuno yung jeep. "Pft. Mukha ba silang fans?" Pabulong ko rin sabay turo sa mga senior citizens na nasa harapan namin na walang kamuwang-muwang sa pangyayari.

"You're right." Pagkasabi niya non na-realized nya rin ata na nakarating na kami sa gusto niyang puntahan kaya binanggit niya ang magic word na hindi ko alam kung saan niya natutunan. "Para po!"

"Saan mo nalaman 'yun?" Kunot noo akong tumingin sa kanya pagkababa namin sa jeep.

Nag-shrug siya. "I don't know, I just heard it somewhere." Nakakaproud naman. Para akong nanay na first time marinig mag salita ang anak ko ng 'Mommy'.

Palakad-lakad lang kami habang naka-cling ang kamay ko sa wrist niya. "Saan ba tayo pupunta? 9:27 PM na, hindi kaya hanapin ka nila Manager Ken?" Natigilan siya. Aba, wag niya sabihing hindi siya nagpaalam---"Geez!" Kinuha niya ang phone sa bulsa ng hoodie niya.

"Tsk, 5 missed calls from Kenneth." Sabi niya sabay lagay ulit ng phone sa bulsa.

"Hindi ka ba mag-cacallback?" Nagpatuloy kami sa paglalakad sa sidewalk. Kaunti nalang ang taong nakakasalubong namin dahil nga gabi na rin at close na halos lahat ng establishments.

"No, I'm already 18. I can do anything now without their permission and all I wanna do is to spend this night with you or forever if only I could do that."

Again, kinilig na naman ako. At mas lalo pa akong kinilig ng tanggalin niya ang mask niya at halikan ako sa forehead. This guy really...

"Ano ba nakain mo Mikko Tan at bakit ka ganyan?" Hindi siya sumagot, ngumiti lang siya sabay suot ulit ng mask. Kung hindi nga lang siya idol, ayokong nag-mamask siya dahil gustong gusto ko makita yung ngiti niyang nakaka-overdose!

"Let's go there!" Hinigit niya ang kamay ko at kinaladkad sa ice skating rink?

Nanlumo ako ng mabasa ko yung karatula sa bilihan ng ticket.

"Eeeeeh, close na daw oh!"

Napatingin ako kay Mikko ng mapansin kong may balak siyang mukhang hindi ko magugustuhan. "Where's the manager?" Tanong niya sa kahera.

"Bakit po sir?"

"I said where's the manager? I'm willing to pay more. I want to rent this whole ice skating rink for one night." A-ano?!

At talaga bang magsasayang siya ng pera dito? I mean, may next time pa naman!

Tumingin siya sa 'kin ng nakakaloko na parang sinasabi niya na, "Trust me with this one, okay?"

Dumating na yung manager at nagsimula silang mag-usap ng kahera tungkol sa kakaibang offer ni Mikko. Abot tenga ang ngiti ng manger nang humarap sa amin dalawa.

"Pwede na po niyo magamit yung rink. Enjoy ma'am and sir!" Napatingin ako kay Mikko at nagkangitian kaming dalawa. Ibang klase talaga 'tong boyfriend ko, kapag gusto niya, gusto niya.

Sabay namin sinusuot ang ice skates. Medyo nashunga ako sa pagsuot kaya siya pa mismo ang nagsuot nito sa paa ko. "Hold my hand." Inalalayan niya ako sa pagtayo.

Ang sarap pala ng ganito, solong solo ko siya kahit alam kong temporary lang 'to at baka bukas o mamaya lang wala na naman siya sa tabi ko. Yung kada segundo kailangan mong pahalagahan dahil ginto mo kung maituturing ito. Kung ako lang masusunod... pwede bang ganito nalang kami palagi? Pwede ko ba siya makasama ng mas matagal pa?  Masaya na kaming dalawa lang. Siya at ako, my life will be perfect.

Magkahawak kamay namin inikot ang buong ice skating rink. With smile on our faces, magiging maganda ang moment na 'to.

Napatigil kaming pareho nung hiningal na kami. "That was fun!" He said while facing me and holding my hands.

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nagkekwento siya na hindi ko na rin naintindihan dahil nga busy ako sa pagtitig sa kanya.

"Yah! Are you still listening?" Pinitik niya yung noo ko kaya nainis ako ng very very slight.

"Kainis ka! Ang gwapo mo kasi kaya natutulala ako." Hala! Bakit ko sinabi 'yun lalaki lalo ulo ni Mikko!

"Tss. I knew it. You are so lucky to have me, Karen Francisco." Tsk, tsk, tsk, well tama naman siya.

Ang swerte, swerte, swerte ko dahil may Mikko ako.

"Wait," Nilabas ko yung phone ko at nag-selca kami together."What are you---" Hehehe. Ang cute hindi siya ready. Pero ice lang gwapo pa rin naman siya.

Tinakpan niya yung camera sa pang-apat na pic. Argh! May bayad na 'to next time noh!

***

Wooh! 10PM kami nag-start mag ice skate at 1AM natapos. Mukhang bangag akong mag mamarcha mamaya ha.

*UWAAAAAA* (Sound effect ng humihikab)

"Mikko, hatid mo na ako sa bahay. Graduation ko bukas at debut stage niyo rin din diba? Para makapagpahinga na tayo pareho." Hindi niya ako pinansin at nauna pang maglakad sa 'kin. Tss, sinusumpong na naman.

"Mikko---" Hinabol ko siya at kinalabit sa likod pero hindi niya pa rin ako kinibo at naglakad lang habang nakapamulsa.

"Mikko Tan!" 3rd attempt, failed.

Bakit ba kasi?!

Tumigil siya sa paglalakad dahil naka-stop ang traffic light kaya nahabol ko siya bago pa siya makatawid sa kabilang kalye.

"Huy, ano bang problema?!" Kinabahan ako nang humarap siya sa akin na may kakaibang aura. Iba sa Mikko na kasama ko kanina.

Nawala yung twinkle sa mga mata niya na kinaadikan ko kanina.

[Play: Goodbye My Love By: Ailee]

"Let's end this now."

Gumuho ang mundo ko.

"H-haha... M-mikko naman hindi nakakatuwa." 

Humugot siya ng malalim na hininga bago sabihin ang mga katagang nagpabagsak ng luha ko. "I'm not kidding. I just realized that you deserved someone better than me. Let's end this relationship between us, Karen."

A-anong nangyari? B-bakit niya sinasabi yan? May nagawa ba akong mali?

"A-ayoko, Mikko. Hindi mo ba ako mahal?" I gave him a chance to change his words. Nagkakamali siya.

Nanginginig ang mga labi ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos. W-why so sudden?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "I love you. I really do. But, you need to understand that sometimes not all things will work out until the end. May hangganan ang lahat,

including us."

O-okay naman kami ah? Ayos na ayos kami kanina ang sweet sweet pa nga namin pero bakit naging ganito kagulo ang sitwasyon ngayon? Bakit sa tuwing sasaya ako palaging may luhang kapalit? Bakit hindi pwedeng maging masaya nalang?

"Mahal mo pala ako e bakit ka nga nakikipagbreak?! Ang gulo mo, Mikko!"

"Soon, you will understand."

"Paano kita maiintindihan e ang gulo nga ng dahilan mo? Nag-promise pa ako na I won't run away from you pero ikaw naman pala 'tong unang bibitaw! Sira ulo ka ba Mikko?! Ang sama mo!---" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa kakaiyak. Hindi dapat ganito e.

"Lower down your voice, Karen."

"Wala akong paki alam kung may makarinig sa atin. Subukan mong bitawan ang kamay ko at kakalimutan na talaga kita. I swear, buburahin na kita sa buhay ko."

"I love you so much. I'm sorry for being weak and letting you go." Binitawan niya ang kamay ko at tumawid sa pedestrian lane habang ako, naiwang gulong-gulo at hindi ko alam kung may gana pa akong mabuhay pagkatapos nito.

Nanlambot ang tuhod ko at bigla nalang napaupo.

"A-anong nangyari sa atin?"

Continue Reading

You'll Also Like

42.7K 1.2K 61
Hunter Park is a CERTIFIED BADBOY! At dahil doon ay isinumpa siyang tumanda at pumanget! Omo! Call 911for a rescue! 2014 written by: missrxist
79K 5.1K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
877K 19.9K 65
Ako si Nikka Mapia Cross yan yung totoo kong pangalan hindi ko kase ginagamit yung apelyido ng mga foster parents ko 17 years old na ako isa akong ne...
19.8K 673 43
[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme as...