Sacred Vow

By justbreathesofie

84.5K 1.3K 282

He has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife a... More

Sacred Vow
Preface
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 15

2.2K 56 12
By justbreathesofie

Pumunta muna si Sister Frances sa opisina ni Sister Bernadette, ang prioress ng kanilang congregation para mag-fill up ng form.  Si Sister Bernadette ay isang maliit pero mukhang striktang madre.  Nakasuot ito ng salamin at seryosong may binabasang dokumento sa kanyang la mesa.

“Ikaw pala, Sister Frances.  Praise be to Jesus.”

“Amen.”

“Kagagaling mo lang sa iyong bakasyon?  Kumusta ang iyong ama?”

“Mabuti naman.  Mas lalo siyang lumakas noong nakita niya ako.”

“Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo.”  Sister Bernadette is a kind hearted nun.  Napagentle niya magsalita, great listener and she is full of wisdom.

“Well, Sister Bernadette, I am asking your permission to seek dispensation of my vows.”  Mahina niyang sabi.  Bumilis ang pintig ng puso niya nang sabihin niya ang kanyang pakay.

“Ipinagdasal mo ba sa panginoon ang tungkol dito?”

“Opo, sister, maraming beses na po.  Nakadalawang retreat na din po ako.”

“Anong ang sinabi ni Mother Anunciata tungkol dito?”

“Naiinitindihan niya po ang situation ko.  Sinabi ko na din sa pamilya ko ang tungkol dito pati na rin po kay Father Carlos.”

“Well, I think your mind is already made up.  In our congregation, we do not force someone to stay if the do not want to.  Pero alam mo may mga madre na rin na dating umalis pero mas naging close sila sa ating congregation.  Mas nakakapagfocus sila sa charity work, na alam mo naman na hindi natin masyadong nagagawa dahil sa kulang tayo sa funds at wala tayong means gawin yun.  Hindi naman kailangan ng isang abito upang maipakita niya ang pagmamahal ng Diyos sa ibang tao.  Ito nga pala ang form.  Paki-fill out.  Pagkatapos, ipapasa ko na yan kay Sister Luisa na siya namang magpapadala sa Roma for approval ng ating mahal na Papa.  Kailangan mo ding ilagay dito ang intensyon mo na umalis sa pagiging madre.

“Opo, sister.”

Strange lang sa fill out ng form na binigay sa kanya dahil ang tagal niyang binuno ang taon upang maging madre pero walang pang 1 minuto ay nafillout na niya ang form para igive up ito.  Pagkabigay niya kay Sister Bernadette ng form, pinirmahan na niya ito.

“Six months ang process nito for approval.”

“Opo, sister.”

“Habang naghihintay ka ng approval, gagawin mo pa din ang mga tungkulin bilang isang madre at sana walang ibang makaalam ng iyong dispensation.”

“Opo, sister.”

“Habang naghihintay ka ng approval at gusto mo ako kausapin, andito lang ako.”  Nakangiting sagot ni Sister Bernadette.  Pag-alis niya ng opisina ng kanilang prioress, naisip niyang sa tinagal ng ginugol niya upang maging isang madre, sa loob ng 6 months, pwede nang maglaho ang kanyang pinaghirapan at magbago ang kanyang buhay.

Bakit hindi kiniwestyon ng kanilang prioress ang kanyang desisyon, iniisip niya.  Imbes na gawin yun, marespetong tinanggap ng kanilang prioress ang kanyang nais na paglisan sa congregasyon.

Naisip niya bigla si Zeno.  Hindi na niya nagawang magpaalam sa kanila pati na rin kay Sam.

Malungkot si Zeno dahil 2 na iba na ang nagturo sa kanila tuwing  linggo.  Ang nagturo sa kanila ay si Miss Bambi, isa sa mga katekista sa simabahan.  Hindi niya nakita ang kanyang sister Ninang.  Hindi niya malaman kung bakit ito wala.

“Hi, ako nga pala ang magiging teacher niyo tuwing Sunday.”  Sabi ni Bambi Valdez sa mga bata sa bible study class sa simbahan.  Nalungkot si Zeno dahil hindi na ang kanyang sister Ninang ang magtuturo.  Hindi niya maitanong sa bago nilang teacher kung nasaan si Sister Frances dahil mukha masungit ito.

Pagsundo ni Sam sa anak, nakita nito na hindi si Ellaine ang nagturo sa mga bata.  Nakita niyang malungkot ang anak.

“Zen, asaan si Sister Frances?” Umiling lang ang anak nung tanungin niya.

“Daddy, bakit siya wala?  Wala na rin ba siya, gaya ni mommy?”  Naluluhang tanong ni Zeno.

“Hindi.  Alam ko okay lang siya.  Pero hindi ko alam kung nasaan siya.

“Babalik pa ba siya, daddy?”

“Hindi ko alam.  B-Baka bumalik na siya sa kumbento.”

“Dad, ano yung kumbento?”

“Nun siya, Zeno, Sister Frances nga ang tawag mo sa kanya di ba?  Kailangan na niya bumalik.  Pinatawag na siya para doon.”

“Bakit hindi siya nagbabye?”

“Hindi ko alam.”  Gusto niyang malaman kung nakabalik na ba si Elaine sa kumbento at kung bakit hindi ito nagpaalam sa kanya.

Kinabukasan pinuntahan niya ang kanyang Ninang, sa bahay nina Elaine at doon niya nalaman na bumalik na si Elaine sa kumbento.  Nagulat din siya sa kanyang nalaman.

“Magreresign siya sa pagiging madre?  Pero bakit?”

“Hindi din maliwanag ang kanyang sinabi.  Hindi pa siya tumatawag upang balitaan ako kung ano na ang nangyari, kung pinayagan ba siya o hindi.”

“Ang alam ko kasi sa susunod na buwan pa siya babalik sa kumbento pero wala siyang nasabi na magreresign siya bilang madre.”

“Kapag tumawag siya, babalitaan na lang kita.  Hindi ko din alam ang kabuuan ng desisyon niya.

Iniisip ni Sam na baka may kinalaman ang kanyang pag amin sa kanyang pagreresign sa pagiging madre, pero gusto niyang makasigurado.

Matapos ang isang linggo, tumawag si Elaine sa kanila para ibalita sa kanyang ina na pinayagan na siya sa kanyang dispensation.  Sinabi niya na kailangan niyang manatili sa kumbento habang hinihintay ang kanyang papel.

“Hihintayin ka namin ng iyong ama.  Marami kaming naghihintay dito pati na rin ang mga bata.”

“Madali lang po ang anim na buwan, nay.”

“Panay nga ang kumusta ni Sam at Zeno sa’yo.”

“Namimiss ko na nga rin sila.  O sige na nay, babalik muna ako sa ginagawa ko.”

“Kaawaan ka ng Diyos, anak.”

“Salamat din po inay.”

Naging mabilis ang takbo ng panahon at 3 buwan na mula nang maghain ng dispensation si Sister Frances.  Pinatawag siya ni Mother Anunciata upang ihatid ang isang balita.

“Praise be to Jesus, Sister Frances.”

“Amen.”

“Napaaga ang dating ng dispensation vows mo mula sa Roma.”  Naexcite siya sa narinig mula sa Madre superyora.

“Akala ko po six months?”

“Three to six months.  Minsan talaga napapaaga.  Siguro nga ito na ang sagot sa iyo ng ating panginoon.”

“Pero bakit ako nabibigla?”  Sabi niya.

“Tuluyan nang magbabago ang iyong buhay.  Sorry to say pero final na ito.”  Hindi na niya napakinggan ang mga sinasabi ni Mother Anunciata.  Napupuno siya ng kasiyahan dahil makakasama na rin niya muli ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan.

“Tinawagan ko na ang iyong ina at sinabi ko sunduin ka dito ng alas singko.  Ayusin mo na ang iyong gamit.”  Malungkot na sabi ni Mother Anunciata.

“Maari ba akong magpaalam sa iba bago ako umalis.”

“Hindi ito pinahintulutan ni Sister Bernadette.  Mas makakabuti ito.”  Alam niyang hindi siya magiging magandang ehemplo sa iba kahit pa ang iba sa kasama niyang madre ay naging mabuti niyang kaibigan.  Pero ika nga sa sinabi ni Mother Anunciata, mas makakabuti ito.

“Maari po ba akong manalangin sa adoration chapel upang magdasal?”

Nagpunta siya ng adoration chapel at nagpasalamat sa Diyos.

Panginoon, alam ko pong niloob po ninyo ito.  Hindi ko man po alam ang iba niyo pa pong plano sa akin, kayo na po ang maghari sa anumang aking kakaharapin sa labas ng kumbento.  Ang lahat ng ito ay itinataas ko sa pangalan ni Hesus.

Paglabas niya ng adoration Chapel, nagpunta siya kaagad sa kanyang kwarto.  Inayos niya ang kanyang kama at kinuha ang kanyang maleta na nasa ilalim nito.  Mabuti na lamang  at hindi pa niya naiaalis ang kanyang mga damit doon.  Marahil alam na niya ang magiging kahihinatnan ng kanyang dispensation.

Paglabas ng kanyang kwarto, nakita niya sai Sister Catalina na naglalakad papunta sa kanilang chapel.  Napatigil ito dahi nakita nitong may dala siyang maleta.

“Magbabakasyon ka muli?”

“Hindi.  Uuwi na ako.  Nakuha ko ang ang dispensation papers ko kanina.”

“Nakakalungkot naman.”

“Mamimiss kita.”  Sabi ni Frances.  Mula sa labas, nakita niya ang kanyang ina kasama si... Sam.  Kinabahan siya na may kasamang kaba.  Pumunta muna siya sa opisina ni Mother Anunciata upang magpaalam.

“Dumating na ang iyong ina at ang iyong kaibigan.  Ito ang iyong dispensation papers, at kaunting pera.  Sana maging matagumpay ka sa iyong kakaharapin sa labas.  Sana at maging ganap kang guro.  Hangad ko ang iyong kasiyahan, Frances.”  Frances na lamang ang tawag niya sa kanya.  Nais niyang yakapin ang madre pero hindi ito pinahihintulutan sa kanilang bokasyon.  Lumuhod siya sa harapan nito upang basbasan.

“Amen.”

“Remember His words, sister.  May He always be with you.”

“Praise be to Jesus.”

“Amen.”

….

Kinakabahan si Sam habang lumalapit si Elaine sa kanila ng kanyang ninang.  Hindi niya maipaliwanag ang kanyang kasiyahan.  Nilapitan niya ito upang kunin ang kanyang maleta.

“Hindi pwede si ninong  kaya ako muna ang sumama kay ninang.”  Kinakabahang sabi niya.

“Ah okay.”  Nakangiting sabi ni Elaine.

“Ah. El--Sister Frances, kumusta?”

“Elaine.  Hindi na ako madre.  Okay naman ako.  Si Zeno?”

“Ah, nasa bahay.  Gusto niyang sumama pero nangako ako na pag-uwi ko kasama kita.  Sobra ka niyang namiss.  Ilang linggo na hindi umattend  ng bible study.

“Kayong dalawa, mamaya na ang ligawan, umuwi muna tayo.”  Sabi ng ina ni Elaine.

“Nay naman.”  Pagdating ng sasakyan, umupo sa likod sina Elaine at ang kanyang ina habang nagdadrive naman si Sam.

***

Show your love, comment and vote!

130724_v1

She is very happy she is going home.

Continue Reading

You'll Also Like

306K 16K 87
7BB シ " SEVEN BAD BOYS "
530K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
209K 6.5K 72
When Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take an...
34.4K 1K 30
Genre: RomCom She, the girl who hates everything about him eversince... and He, the man who secretly in love with her... What if they will meet again...