Loving A Stranger

By xianrandal

1.1M 25.1K 919

"Where am I taking you?" Dylan asked Sandy who is drunk. "Shama ako sayo honey." He needs to be patient. "Add... More

I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
simple ending :)

XI

33.4K 747 19
By xianrandal

eto na po ang update...vote at comment naman po kayo....thanks

11

Ilang minuto ng nakaalis ang kotse ni Dylan pero nakatanga pa rin sa pinto si Sandy. Talaga bang friends na sila? As in ok na sila? Parang di siya makapaniwala, baka nananaginip lang siya. Kinurot niya ang sarili.

“Aray.” Wow! Friends na nga kami. Haiz!

Bakit parang ang saya saya niya. Iba rin pala talaga kapag nagging magkaibigan kayo ng kaaway mo…teka, bakit kaaway? Di naman sila magkaaway. Basta ang importante ok na sila.

Inikot niya ang mga mata sa apartment. Mukhang matagal na ngang walang nakatira, pero ang ganda pa rin. Fully furnished, wala siyang poproblemahin sa gamit. Iba talaga kapag mayaman ka. Kahit libre ang pagpapatira sa kanya ng pamilya ni Kaira, nangako pa rin siya sa sarili na magbabayad ng renta para rito, siyempre, nakakahiya  rin sa kaibigan, kahit pa nga di nito kailangan ng pera niya. Ayaw naman niyang abusuhin ito.

Nakangiti namang nagmamaneho si Dylan, naalala niya pa rin ang magandang mukha ni Shimmer. They are friends now, mas mabuti itong ganito kesa yung lagi silang nagbabangayan.  Excited siyang pumunta ng opisina. Kailangang tapusin ang dapat tapusin dahil meron silang dinner date ng dalaga.

Dinner date?

Natawa siya, dinner date ba ang tawag dun.

Maaga pa lang ay tapos na ang meeting ni Dylan sa isang kliyente. May pinapasubaybayan itong asawa na tingin niya ay nagloloko. Bakit ba puro ganito ang napupuntang kliyente sa kanila, uso ba ito ngayon?

Umuwi siya ng unit niya para makapagpalit. Ano ba ang dapat isuot? Natawa tuloy siya, ni hindi nga niya alam saan dadalhin ang dalaga, ano ba ang mga gusto nitong kainin. He just wore a gray polo shirt and jeans, hinanap niya ang paborito niyang sapatos.

Nagtaka siya ng may natanaw siyang kotse na nakaparada sa tapat ng apartment ni Shimmer. Mukhang kilala niya ito. Kay Alwin! Nandito ba ito ngayon? Parang bigla nainis siya.

Ilang katok lang naman ang nagawa niya bago siya napagbuksan, di ba siya naririnig ng kung sino mang mga tao sa loob. Nagmumukha na siyang tanga sa labas.

Madilim ang mukha ng mapagbuksan ni Sandy si Dylan, di naman kasi niya ito narinig agad dahil nasa kusina siya, may doorbell  naman kasi bakit di nito ginamit.

“Hi!” She smiled.

“May bisita ka?”

Alam niya at di niya nakakalimutan na mag didinner sila si Dylan ngayon, pero bigla na lamang sumulpot si Alwin, may mga dalang makain, alangan namang itaboy niya.

“Si Alwin dumating kasi kanina. Pumasok ka.”

Wow! Kanina lang friends na sila, ngayon nakabusangot na naman ang mukha nito.

Nakaayos naman si Shimmer ng mapagbuksan siya nito, she looks refreshing with that mini dress. Nakalugay lang ang buhok nito at walang  kolorete sa mukha. Pero malamang nakalimutan na nito ang usapan nila dahil nandito ang pinsan niyang si Alwin.

Prenteng nakaupo na sa sala ang pinsan niya.

“Hey Lucas, di ko alam na darating ka. Salamat nga pala sa paghatid mo kay Sandy ha, alam mo naman na ako sana ang maghahatid sa kanya kung hindi lang busy sa trabaho.”

“Napadaan lang ako, I was just checking if she’s ok here.”

Biglang napatingin sa kanya si Sandy. Napadaan? Di magdidinner sila?

“Sige, I have to go, may pag aaralan pa akong kaso, mukhang ok naman siya rito at nandito ka.”

“Yah, di ka muna ba kakain? Me mga dalaga akong pagkain.”

“Hindi na, busog pa naman ako.”

“Sige, Shimmer, aalis na ako. ENJOY.” Pinagdiinan pa niya ang huling salita.

“Wait, ihahatid kita.”

“I can manage, nakakahiya naman sa bisita mo.”

“I insist.” Hinatid niya ito hangang labas.

“Sorry Dylan, di ko naman kasi akalain na pupunta siya at magdadala ng pagkain, actually, I was really expecting you, in fact naka…”

Pinutol ni Lucas ang sasabihin niya. “I understand, sige, aalis na ako.”

Bakit naman kasi wrong timing si Alwin. Nakakainis, akala niya ok na sila ni Dylan. Mukhang badtrip ito. Naman Alwin!

Nalungkot tuloy siya ng bumalik sa loob. Ayaw naman niyang isisi kay Alwin ang nangyari dahil wala naman siyang nabanggit dito na mag didinner sila ni Dylan.

“oh? Bakit ganyan ang mukha mo Sandy?” Napakunot noo si Alwin. Anong nagyari sa labas at malungkot na ito ng bumalik.

“Wala, sumakit lang bigla ang ulo ko.” Pagdadahilan niya.

“Ganun ba, wala ka pa kasing kain. Halika na nga, kumain na tayo.”

Maaga rin naman umalis si Alwin, di na ito nagtagal na makipagkuwentuhan sa kanya.

Nakahiga na si Sandy, gusto sana niyang itext si Dylan, kaso di naman niya alam ang number nito. Nakakahiya namang kunin kay Kaira. Babalik pa kaya ito sa apartment?

Maagang nagising si Sandy kinabukasan, balak niya kasing ipagpatuloy ang paglilinis ng apartment. She was just wearing a short shorts and a sando, masyadong manipis dahil luma na ito. Sa ganoong ayos kasi siya komportable sa paglilinis. Bigla parang may kumakatok .

“Sino kaya ito at ang aga. Baka ahente ng shampoo o insurance.”

“Yes?”

Napasinghap siya. Si Dylan.

Bigla naibagsak niya pasara ang pinto. Paano ba naman, parang nakahubad na siya sa ayos niya.

Nagulat naman si Lucas, He decided to drop by and bring some food for Sandy, di kasi natuloy ang dinner nila kagabi. Medy ok na ang mood niya, di naman nito kasalanan na dumating si Alwin.

“Saglit lang talaga Dylan, magpapalit lang ako.”

Napangiti si Lucas, para namang di niya nakita ang gustong itago ni Shimmer.

Ilang minuto pa ay pinagbukhan na siya nito.

“Hi, good morning.”

“Good morning too, sorry, di ko kasi alam na darating ka. Pasok.” Naka hello kitty t-shirt na siya at at least a decent shorts.

“Hinatiran kita ng breakfast, baka kako di ka pa nakapag aalmusal, saluhan mo ako.”

“Ha? O sige ba, medyo nagugutom na nga ako.”

“So, let’s eat?”

Bakit ba parang awkward lahat ng moments nila, parang kagabi lang.

“Sorry nga pala kagabi Dylan ha. Si Alwin naman kasi walang pasabi.”

“ok lang yun, solo naman kita ngayon.”

“Ano?”

“Wala, sabi ko, magsasalo naman tayo sa breakfast ngyon. Kain na, mukhang nangangayayat ka ng lalo, puro ka na buto.”

“Anong puro buto. Di lang talaga ako tabain no.”

“Di tabain, sabihin mo, sadyang malalaki lang ang mga bulate sa tiyan mo at di ka tumataba. Magpurga ka nga.”

“Gross Dylan, nasa harap tayo ng pagkain.”

“hahahaha! Tinatablan ka pala sa ganun?”

Pinandilatan niya ito ng mata.

“I like your eyes. Parang pusa, very expressive. Yan yung natatandaan ko sayo, kasama nung nunal mo sa tungki ng ilong.”

Bakit ba kailangan nitong ipaalala ang nangyari sa kanila. Namula tuloy siya.

“hey, sorry. I just like your eyes. Ngumiti ka na nga.”

“Heheheheh. Oo na.”

She can’t believe na may ganoong makulit na side pala si Dylan. Ang galing din nitong mang asar.

Sana kasi ganito na lang sila lagi. Bukod sa pagiging makulit nito, sobra rin kasi itong moody, bigla na lang parang bagyo kung magbago ang mood, katulad kahapon. Parang babae rin na nireregla kapag mainit ang ulo.

 ----

Thanks for reading 

Continue Reading

You'll Also Like

276K 8.3K 61
Pain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020
4.7M 176K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
15.5K 564 15
Paano kaya kung isang gabi ay may magawaka ng makakapag bago sayong kapalaran at papaano kaya kung malaman mo na ang isang gabing pagkakamali ay may...