HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

Από maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... Περισσότερα

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6

2.4M 56.2K 97K
Από maxinejiji



CHAPTER 224: THE VENGEANCE 6
Who's back with a vengeance?

MAX'S POV

"SAAN TAYO pupunta?" tanong ni Heurt nang makalabas kami. Hindi ko agad siya nasagot. Pakiramdam ko ay nakalutang ako. Kung ano-ano ang itinatakbo ng isip ko. "Maxpein?"

"Hahanapin natin si Maxwell," wala pa rin sa sariling sagot ko habang sumasakay sa motor.

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya. "Alam kong mahirap para sa 'yo ito, pero nakikiusap ako sa 'yo, Maxpein, magtino ka."

Nagkunot ang noo ko saka ako sunod-sunod na napabuntong-hininga. "Kumilos na tayo," sabi ko habang inaayos ang helmet ko. "Nawawala ang katinuan ko habang tumatakbo ang oras nang hindi ko nakikita ang kapatid ko."

Nadinig ko siyang bumuntong-hininga bago tumango. Sinenyasan niya lang ako saka sumakay sa motor na gagamitin niya.

Hindi ko alam kung anong katinuan ang gusto nilang mangyari sa akin. Siguro nga ay nasanay silang kalmado ako sa lahat ng oras, nasa peligro man o delikado lang. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Namatay na ang Chairman dahil sa kapabayaan ko. Hindi ko na talaga mapapatawad pa ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko.

Alam na alam ng mga demonyong 'yon kung paano akong titirahin sa kahinaan ko. Paulit-ulit kong minura ang mga Rewis sa isip ko.

Dumeretso kami sa bahay ni Lovemir. Halos mabaliw ako nang madatnan naming abandonado ang bahay. Maging si Lovemir ay wala. Sa sandaling iyon mismo ay gusto kong magwala. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Maxwell. Sinubukan kong tawagan si Taylor pero hindi niya sinasagot ang tawag. Nababaliw na nga talaga siguro ako dahil nanggigil ako nang maisip kong pinagtatawanan niya na ako habang binabale-wala ang tawag ko.

"Pupuntahan natin si Wood," sabi ko kay Heurt bago pa man kami makasakay sa motor.

Gulat siyang lumingon sa 'kin. "Bakit?"

Bumuntong-hininga ako. "Posibleng hawak niya si Maxwell," nauubusan ng pasensyang sabi ko. "Tumawag siya sa 'kin kagabi at may ilang nakakalokong sinabi."

Hindi na sumagot pa si Heurt. Basta na lang siya tumango at sumunod sa 'kin. Magulo pa rin ang isip ko. Nangangapa ako sa posibleng lagay ni Maxwell ngayon. Tumatakbo ang oras at mas tumitindi lang ang pag-aaalala ko.

Desperado na ang mga Rewis, hindi malabong saktan talaga nila si Maxwell. Lalo akong nagalit dahil sa sarili kong naisip. Naging dahilan iyon upang mas bilisan ko pa ang pagmamaneho. Nagsisipagbusinahan ang anumang sasakyang abantehan ko. May ilan pa akong naririnig na minumura ako habang papalayo.

Wala na nga talaga siguro ako sa sarili. Dahil sa isip ko ay nakaplano na ang gagawin ko sa mga taong gumulo sa buhay namin. Ang mga Rewis.

Hindi naging hadlang ang mahabang byahe para marating namin ang kuta ni Wood. Nagmadali akong bumaba at halos daragin ko ang mga bantay sa pinto.

Ang kuta ni Wood ay isang mataas na building. Hindi ganoon kagarbo iyon sa labas, dahil tanging dalawang pinto lang ang entrance niyon. Napakadilim at halo-halo ang amoy ng droga, sigarilyo, alak, pabango, dinamita at kung ano-ano pa. Maraming tao, magkakaibang kasarian, pero pare-parehong halang ang mga kaluluwa.

"Inaasahan ka ba ni Mr. Wood?" tanong ng bantay sa 'kin.

Pinagkunutan ko siya ng noo saka pinag-angatan ng tingin. "Hindi, pero kailangan ko siyang kausapin."

Hinarang niya ang kaniyang malaking katawan sa daan. "Hindi ka rin pwedeng pumasok kung gano'n. Alam mo ang patakaran sa lugar na ito."

Kilala ako ng karamihan sa tao na naro'n sa kuta. Ang mga hindi nakakakilala sa 'kin ay iyong mga bagong tauhan at bagong babae ni Wood.

Pero sinuman sa mga narito ay hindi basta-basta binabanggit ang pangalan ko, o nang kahit na sino. Lahat ay may alias o code name. Ngunit ang isang 'to sa harapan ko, medyo bago pero kilala naman ako. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit nahihirapan akong makapasok ngayon. May milagro.

Palibhasa'y sindikato, may mga pulis na tauhan si Wood na madalas pumunta dito. Kaya rin hindi siya nahihirapang kumuha ng mga armas dahil may mauutusan siya o mapagkukunan. Ngunit sa ilang taon naming magkakilala ni Wood, madalang kong marinig na napapasok siya sa gulo. Kahit tarantado ay gusto niya ng tahimik na paligid. Walang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang pera, negosyo at droga. Ang babae ay parte lang ng pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan niya. Walang halaga sa kaniya ang mga ito.

"Hindi niya rin naman inaasahang darating ako no'ng nakaraan, bakit nakapasok ako?" naiinis kong tanong.

Umiling ang tauhan na kaharap ko. "Nagkaroon ng bagong patakaran si Mr. Wood, kailan lang." Halata namang nagsasabi siya ng totoo, pero hindi iyon tinatanggap ng topak ko ngayon. "Hindi kami tatanggap ng bisita kung hindi naman ito inaasahan ni boss."

"Seryoso ka?" pigil ang inis na tanong ko. Tumango ang tauhan kaya iritable akong lumingon kay Heurt. "Seryoso siya." Bumuntong-hininga naman si Heurt. "Wala na bang ibang paraan para makapasok ako? Importante ang ipinunta ko."

"Kailangang alam ni Mr. Wood ang pagdating ninyo."

"Kung gano'n ay pumasok ka sa loob, sabihin mo sa kaniyang nandito ako. Hihintayin kitang makabalik."

Bumuntong-hininga ang tauhan at muling umiling, inuubos niya ang pasensya ko. "Hindi ko magagawa iyan. Mabuti pa ay umuwi na kayo, bumalik na lang kayo kapag inaasahan na ni Mr. Wood ang pagdating ninyo."

Kasabay nang muling paglingon kay Heurt ay ang pagbuntong-hininga ko. Bago pa man ako muling bumaling sa tauhan ay nakabuwelo na ako at sinapak siya sa pagharap ko.

Matapos mawalan ng balanse ay gulat akong nilingon ng tauhan. "Sira-ulong 'to! Aba'y loko ka, ah!" singhal niya habang sapo ang panga.

"Hindi ako pupunta dito kung wala akong kailangan. Importante ang oras ko." Tinadyakan ko siya sa dibdib hanggang sa matumba nang tuluyan. Bago pa man siya makatayo ay pinompyang ko na ang ulo niya at paulit-ulit na inihampas sa pader hanggang sa mawalan siya ng malay.

Dinampot ko ang dinamitang nahulog mula sa tauhan. Pinaglaruan ko iyon sa kamay ko bago ibinulsa sa likuran ko.

Agad kaming pumasok ni Heurt sa loob at syempre pa, mas maraming tauhan ang gulat na sumalubong sa 'min. Lahat sila ay may nagtataka at nagtatanong na tingin. Marahil ay alam nilang puwersahan ang pagpasok namin kaya hindi na ako nagtaka nang matapos nilang magtinginan ay sabay-sabay silang sumugod sa 'min.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang makipot na daan. Nakatulong kasi iyon para meron akong matalunan at mabandahan para masipa ang sinumang sumusubok na lumapit sa 'kin. Bawat kamaong naiiwasan ko ay basta ko na lang hinihila at dinadagukan sa dibdib ang may ari. Ang mga sumusubok na hampasin ako gamit ang matitigas na bagay at armas ay natutumba na lang matapos kong ipanghampas ang kanilang bitbit.

Pero gusto kong mainis nang makita ko si Heurt na preskong dinaraanan lang ang mga ito habang ako ay hindi magkandarapa sa paglaban. Lahat ng makasalubong niya ay agad na natutumba, masapak man o matadyakan niya. Nakangiwi akong bumuntong-hininga saka sinalubong ang tingin niya. Tyinempuhan ko ang papasugod na tauhan at walang lingunan iyong sinuntok sa tiyan. Suntok na baon na baon at halos mamilipit sa sakit ang tinamaan niyon. Ginawa ko iyon nang nakatingin kay Heurt, nagyayabang.

Tss.

Pinagkunutan ko lang siya ng noo matapos niyang tapunan lang ng tingin ang ginawa ko. Na para bang isa iyong napakadaling bagay, na sa sobrang dali, kahit sanggol ay pwedeng gawin.

Hindi naging gano'n kadali para sa 'min ang pumasok, syempre. Naging madugo at napakahirap niyon. Bago pa man namin marating ang pinto ng opisina ni Wood ay namaga muna sa sakit ang kaliwang kamao ko.

Sunod-sunod akong kumatok, nagmamadali at nangangalabog. Sa isip ko, kapag hindi pa rin bumukas iyon ay sisipain ko na ang pinto.

"Sino iyan!" pasigaw ni singhal ni Mr. Wood matapos magmura nang magmura.

Parang may nagaganap na concert sa loob ng opisina niya dahil sa sobrang lakas ng tugtog mula ro'n. Nakaririndi ang malalanding tinig ng mga babaeng hindi malaman kung anong klaseng harutan ba ang ginagawa at nagtatawanan. Nangangalingasaw ang amoy ng sinunog na dahon at damo, hinaluan ng usok at matapang na pabango.

"Code name, animal!" bulalas ni Wood.

"H.E.R.," sabi ko matapos bumuntong-hininga. Humawak ako sa magkabilang hamba ng pinto at yumuko. Bumibilis ang paghinga ko at kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko.

"Huminahon ka," bulong ni Heurt.

"Kayang-kaya kong sabayan ang gigil niya. Kung magwawala man siya ngayon ay handa akong salubungin siya," halos pabulong ko ring sabi nang hindi siya nililingon.

Huminto ang kanina'y malakas na musika sa loob ng opisina niya. Hindi pa rin bumubukas ang pinto. Ubos na ang pasensya ko. Kaya naman umatras ako at buong lakas iyong sinipa.

Gulat na gulat si Mr. Wood, iyon ang nakakatuwa niyang hitsura. Nanlalaki ang mga mata at mayabang ang pagkakamaang ng labi. May kahabaan ang kaniyang gwapong mukha, maganda ang kulay at tindig, maayos kung kumilos pero may hayop na bisyo, pagkatao at ugali.

Natural na kilos at reaksyon niya ang kikibot-kibot na labi, animong may sinasabi na siya lang ang nakaririnig at nakaiintindi. Ugali niya ring tumalikod at biglang haharap, titingin habang nakaturo sa kung saan saka ka muling babalingan. Normal na kilos ng isang adik.

"Ganiyan ka na ba kung bumati ngayon, Maxpein?" sarkastiko niyang tanong, nanginginig sa galit ang panga. Pinatutunog niya ang kaniyang leeg. "Ano ang maipaglilingkod ko sa pinakamataas na rango?"

Batid kong galit siya, galit na galit. Dahil kung hindi ay baka sinamba niya na muna si Heurt bago ako bigyan ng pansin. Kung anuman ang meron sa kanila ay hindi ko alam. Pero hindi na ako nagugulat kung magkakilala sila. Pareho sila ng mundo, nakaraan man iyong kay Heurt, wala nang kataka-taka ro'n.

"Nasa'n ang kapatid ko?" seryosong tanong ko.

Napaiwas siya ng tingin nang may nanlalaki pa ring mga mata at nakamaang na bunganga. Namaywang siya at nagpagala-gala sa harap ko, bumubulong nang kung anong salita. Sunod-sunod siyang bumuga ng hangin bago huminto at muling tumingin sa 'kin.

"Tinatarantado mo ba 'ko, Maxpein?" pasinghal niyang tanong. "Paanong mapupunta sa akin ang kapatid mo? Anong pakinabang ang makukuha ko ro'n!"

Sinugod ko siya at nagpalitan kami ng hampasan gamit ang kamay. Akma ko na siyang tatadyakan nang padulas siyang umatras at dinuro ako.

"Sinabi nang huwag mong dudumihan ang teritoryo ko! Marumi ka kung kumilos! Mamahalin ang carpet ko!" singhal niya.

"Kinuha siya ng mga Rewis, at alam kong ginawa nila 'yon para makabayad diyan sa gawa-gawa mong utang."

"Hunghang!" dinuro niya uli ako. "Anong gawa-gawa? Totoo ang utang sa akin ng mga iyon!"

Ngumisi ako. "Lokohin mo na ang lahat, 'wag lang ako, Wood. Hindi ako kasintanga ng mga taong ginagawa mo ngayong aso. Tuso ka. Oo, nasira ang negosyo mo dahil sa nangyaring pagsabog pero hindi ang mga Rewis ang may kasalanan. Ginagamit mo lang sila dahil alam mong nalulunod sila sa galit dahil sa pagkawala ng mahal nilang ina. Tuso ka, Wood. Ipinanganak kang tuso, namuhay kang tuso, mamamatay kang tuso."

"At ikaw naman ang matino?" nagyayabang niyang tanong. "Ipinaglihi ka ba sa sabon at gano'n kalinis ang tingin mo sa sarili mo, ha, Maxpein?"

"Sabihin mo na sa 'kin kung nasa'n ang kapatid ko." Pinatunog ko ang mga kamay ko. Ang mga ko ay abala kung saan ko siya dadalhin kapag nag-udyok na ako ng gulo.

"Kung tinanong mo 'ko nang maayos ay baka tinulungan pa kita. Wala sa akin ang kapatid mo, hangal. At ang mga hayop na Rewis ay hinihintay ko ring pumarito para sa ipinangako nilang kabayaran."

Seryosong-seryoso siya at alam kong galit na siya. Humakbang siya papalapit sa 'kin at matagal akong tinitigan. Bahagya pa siyang yumuko para magpantay ang paningin namin pero sa lalamunan niya nakatuon ang mga mata ko. Naaamoy ko ang alak mula sa kaniyang hininga. Nakakasulasok.

Narinig ko siyang humalakhak. "Nababaliw ka na siguro sa kaiisip, ano?" sarkastiko niyang tanong. "Kasi trabaho mo iyan, hindi ba? Ang proteksyunan ang iyong pamilya. Pero...bakit isa-isa yatang napapahamak? Para kang balat na tinubuan ng katawan at magandang mukha. Wala nang nangyari sa buhay mo pulos kundi kamalasan." Tumawa siya nang malakas. Ang gigil ko ay naipon nang naipon sa aking dibdib. "Kung ako sa iyo, tumalikod ka na lang sa organisasyon." Lalo siyang lumapit at bumulong sa 'kin, "Bago ka pa nila ipatapon."

Napapikit ako sa galit at hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko. Itinulak ko siya na agad niyang ikinatumba. Nadampot ko ang malaking silya at wala sa sarili iyong ibinato sa tokador niya ng alak.

"Anak ng tupa..." hindi makapaniwalang bulong ni Wood. Matagal siyang napatitig sa noon ay nagguguhuang mga likido at bubog. Bumilis ang paghinga niya at kasabay niyon ay inihilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha. Pinandilatan niya ako ng mga mata nang matindi.

"Gaja," anyaya ko kay Heurt. Hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon si Wood na kuwestiyonin ako.

Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmumura, isinusumpa niya ako kahit pa papalayo na ako. Hindi ko na siya pinansin pa dahil kung may balak siyang gawin sa 'kin ay paniguradong sinugod niya na ako ngayon.

"Papatayin ko si Deib Lohr, gago!" dinig na dinig kong sigaw niya kahit pa may ilang dipa na ang layo ko.

King ina! Pumintig ang aking pandinig. Awtomatiko akong napaharap at naglakad pabalik. Kumunot ang noo ko at napapikit ako sa galit.

"Huwag mo nang balikan," ani Heurt na agad akong hinabol at pinigilan sa braso.

"Si Deib Lohr 'yon. Maski banta, ayaw kong gagawin ng kahit na sino ro'n," pabulong ngunit mariin na sagot ko sabay bunot ng dinamita mula sa likuran ko. Walang lingunan ko iyong itinapon sa kwarto kung saan nakaimbak ang kinababaliwang droga ni Wood.

Syempre, ikinagulat iyon ni Heurt. Pero wala akong planong pakinggan siya dahil alam kong kukuwestiyonin niya lang ang ginawa ko. Kaya naman bago pa siya magsalita ay nagmadali na akong makalabas sa kuta na iyon.

"Kailangan niya muna akong patayin bago niya saktan si Deib Lohr," mariin kong bulong.

Napapikit ako nang sumabog ang dinamita. Sinulyapan ko ang parte ng building na mabilis nagliyab bago ko binuksan ang makina ng motor.

Burn...

"Maxpein!" nangibabaw ang nakabibinging sigaw ni Wood, sinakop ng boses niya ang masalimuot na katahimikan ng gabi.

"Tss." Pinaharurot kong muli ang motor. Nilamon na naman ako nang nakakalunod kong isip. Nasaan si Maxwell!

Hindi ko na alam ngayon kung saan kami pupunta. Basta na lang ako nagmaneho at ilang kilometro na lang ay mararating na ulit namin ang mansyon. Nakasunod lang si Heurt sa 'kin at paniguradong litong-lito na siya ngayon kung saan ang punta namin.

Para akong mababaliw. Gusto kong maiyak dahil unti-unting nawawala ang pag-asa ko, samantalang sina Wood at Lovemir pa lang ang napuntahan namin bagaman wala kaming napala.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na muling pumapasok sa village namin. Ilang saglit pa ay nasa mansyon na ulit kami.

"Babe," agad akong sinalubong ni Sensui.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Tama nga kaya 'yong sinasabi ni Wood? Isa-isa ko na nga bang naipapahamak ang mga taong malalapit sa 'kin?

Bumagsak ang mga balikat ko sa panlulumo. Ang karamihan sa kanila ay nasa sala lang at pawang mga naghihintay sa amin. Tumayo sila upang salubungin kami ng mga nagtatanong na tingin. Pero gaya ko ay nanlumo sila nang makitang dadalawa lang kami ni Heurt at wala nang ibang kasama.

Malungkot akong nilapitan ni Sensui. Niyakap niya ako nang mahigpit saka niya tiningnan ang kabuuan ko. "Babe, okay ka lang?" tanong niya. Pinunasan niya ang noo ko at inayos ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha.

"Wala naman akong ginawa," sabi ko habang kung saan-saan tumitingin.

"Nag-alala ako." Muli siyang yumakap sa 'kin saka ako tiningnan sa mga mata. "Babe, umalis sila," dagdag niya.

"Sino?" kunot-noong tanong ni Heurt.

Napabuntong-hininga si Sensui, animong nahihirapan nang magpaliwanag. "Tumawag sa 'kin si Eerah Anitha, may plano raw ang mga Rewis kina lolo at Chairman. Pumunta ro'n sina Chairman Mokz...para tulungan sila."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko na naman malaman kung ano ang mararamdaman ko. "Hindi ko pa nga nakikita si Maxwell," halos pabulong na sabi ko. Sa dibdib ko pakiramdam ko ay nawawalan ako ng pag-asa, pero ang isip ko ay galit na galit. At walang-awa pang nagagalit.

"Pupuntahan nila sina lolo sa bahay ni Chairman Enrile," dagdag ni Sensui.

"King inang buhay 'to, oh, nananahimik ako..." Hindi ko masabi nang tama ang magulong laman ng isip ko. Kung ano-ano at halo-halo masyado ang tumatakbo sa utak ko. Madugo.

Hindi ako nagsalita. Ipinahinga ko ang utak ko habang ang lahat ng mga mata nila ay tutok sa akin. Mayamaya ay niyaya kong umakyat sa 'taas si Heurt. Walang salita siyang sumunod sa 'kin at pinakisamahan ako.

"Anong balak mo?" tanong niya habang abala kami sa pagkuha ng ilang gamit.

"Kung anong nasa isip ko," sagot ko habang nagbubulsa ng magasin.

"Ano ang laman ng isip mo?" tanong niya naman habang nakapako ang paningin sa trigo.

Bumuntong-hininga ako. "Marami."

"'Wag kang papatay ng tao."

Nilingon ko siya, nagsalubong ang tingin namin. "Hindi ko maipapangako."

Tumayo siya at lumapit sa 'kin. "This is not you, Maxpein."

"Handa akong kalimutan kung sino ako para sa mga taong mahal ko, Heurt. Saktan na 'ko nang kahit na sino, hahayaan ko lang sila at hihintaying tamaan sila ng karma. Pero kapag ang mga taong mahal ko na ang nasaktan, ako ang magiging karma nila. At sisiguraduhin kong wala nang makakakilala pa sa kanila."

Natigilan siya at nanlulumong napatitig sa 'kin. Para bang tigas na tigas na siya sa ulo ko pero hindi niya ako magawang pagsabihan. Masiyadong sarado ang isip ko, hindi 'yon lingid sa kaalaman ko.

Hindi na kami nagtagal pa sa 'taas. Matapos kong tumitig sa kawalan ay niyaya ko na si Heurt. At pagbaba namin ay pareho na kaming nakasuot ng mahabang coat at bigat na bigat sa paglalakad.

"Let's go, Maxpein," nagmamadaling sabi ni Heurt.

"Maxrill," tawag ko dito. Inosente naman siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Do you want to play?" Ipinakita ko sa kaniya ang pana na matagal nang nasa akin ngunit noon niya lang nakita.

Napatitig siya doon. "No, I'm hungry," iritado niyang sabi pero hindi maialis sa pana ang paningin. "Thanks anyway."

"I'll buy you something to eat," gustuhin ko mang magtunog nangungumbinsi ay hindi ko nagawa. Masyado akong galit.

Pinandilatan niya ako, syempre, saka nagmamadaling lumapit. "What kind of game are we going to play, Noona?"

"Hide and seek." Ngumisi ako saka itinaas ang pana.

"It's late, Noona."

"Yeah, challenging, isn't it? Let's go." Nginisihan ko si Maxrill bago ko hinarap si Sensui. "'Wag kayong maghihiwalay, walang aalis sa inyo dito. Yaz," baling ko dito. "Ikaw na muna ang bahala sa kanila."

"Kailangang pagbalik mo ay kasama mo na si Maxwell, ha?" nandoon ang pag-aalala sa demanding niyang tinig.

Napapabuntong-hininga akong tumango sa kaniya at sa lahat. "Sige. Tara," anyaya ko sa dalawa.

"Noona, are we going to eat first or play first?"

"What do you want?"

"Eat first."

Napabuntong-hininga ako. "Okay."

"And then play."

"Okay."

"We're going to eat first and then we will play."

"Okay."

"First, we're going to..." Natigilan siya sa pagsatsat nang makitang seryoso ako at sumasama ang tingin sa kaniya. "Okay, Noona. Saranghe."

Tinupad ko ang gusto ni Maxrill. Habang ipinagte-take out ko siya ng pagkain ay tinawagan ko si More. Sinabi kong paparating na kami nina Heurt at Maxrill sa bahay ni Chairman Enrile. Pinaulanan niya naman ako ng sangkatutak na na tanong kung bakit ko isinama si Maxrill, at abiso kapag nakaharap ko na ang mga Rewis. Pero sarado na ang isip ko. Buo na ang aking plano.

"Bakit mo isinama si Maxrill dito?" halos manggigil si Mokz nang kuwestiyonin ako. Kulang na lang ay duruin niya ako. "Alam mong delikado."

Nilingon ko si Maze na noon ay nasa tabi niya, kasama ang asawa, at halos maiyak habang nakatingin sa 'kin. Nangunguwestiyon din ang mga mata niya gaya ni daddy. Paniguradong gusto rin nila akong tanungin kung bakit ko isinama si Maxrill.

Sinulyapan ko naman muna si Maxrill na noon ay pilit na ipinapakita kay Randall ang pana. Paniguradong kung ano-anong ikinukwento niya rito tungkol sa kaniyang nalalaman sa paggamit niyon. Wala namang makikitang interes kay Randall, puno siya ng pag-aalala. Kahit anong ngiti ang gawin niya ay hindi umaabot 'yon sa kaniyang mga mata o kahit sa tainga.

Bumuntong-hininga ako bago hinarap si Mokz. "Kailangan niya nang matuto. At hindi siya matututo kung hindi siya susubok. Magandang simula 'to."

"Para saan, Maxpein Zin?"

"Tss. Para saan nga ba?" kunot-noong tanong ko. "Kailangan ko nang hahalinhin sa 'kin, Mokz."

"Maxpein," umiling nang umiling si Mokz, nalilito. "Anong hahalinhin sa iyo?" nautal pa siya.

Ngumisi ako. "Alam mong alam ko kung ano ang gagawin mo sa 'kin bago matapos ang araw na 'to."

"I don't understand what you're trying to say, Maxpein Zin," nag-iwas siya ng tingin.

"Iyon ay kapag naging mali ang kilos ko," seryosong dagdag ko. Hindi siya nakasagot at sa halip ay tiim-bagang siyang napatitig sa 'kin. "I know that they're watching me, Chairman Mokz." Muli akong ngumisi. "I don't really give a damn about the laws and punishments anymore. Pakiramdam ko ay kaparusahan ko na ang pagkamatay ng Chairman. And no one can heal the heartache inside me because of his death."

Bagaman sinikap niyang itago ang gulat ay nabigo siya. Hindi niya nagawang magsalita at sa halip ay napatitig lang sa akin.

Gaya nang napag-usapan, pinauwi na nina More ang mga tauhan naming nagbabantay sa bahay ni Chairman Enrile. Muli naming ipinaliwanag kina Dean at Chairman Enrile ang mga nangyayari, mula umpisa hanggang sa sandaling iyon. Kung paanong lumaki at mas naging magulo ang sitwasyon namin ngayon.

At hindi ko inaasahang magiging madali ang paghihintay namin. Dahil nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko na agad ang pag-akyat nina Taylor, Cargosin at Christian sa bakod ng bahay.

Wala talaga silang kadala-dala. Nanginginig ang kalamnan ko. Kating-kati akong mahawakan ang tatlo. Kung ano ang magagawa ko ay hindi ko pa alam.

"Where are you going?" mahinang tanong ni Mokz. Dahilan para matigilan ako sa akmang paglabas ko. "You will stay here," makapangyarihang aniya.

"Maxpein," tawag sa 'kin ni Heurt. Kunot-noo ko siyang nilingon. "Hayaan mo silang makarating dito at magulat sa presensya natin. Haba-habaan mo pa ang pasensya mo, pakiusap."

"At wala kang ibang gagawin," nagbabanta ang tinig ni Mokz.

"Hindi ako pumunta dito para lang tumayo, Chairman Mokz," pinakadiinan ko ang itinawag sa kaniya.

"Handa kang ibuwis ang buhay mo para sa pamilyang ito, kahanga-hanga iyon, Maxpein Zin," sumeryoso si Mokz. "Pero hindi karapat-dapat ang mga taong paglalaanan mo ng buhay mo. Save yourself."

Kung nakita ko lang sana agad si Maxwell ay baka mapagbigyan pa kita. Hindi ko na siya sinagot. Tumayo ako sa harap ng pinto at inabangan ang tunog na siyang magiging hudyat ng pagkilos ko.

Halos maubos ang pasensya ko sa paghihintay. Pero bago maputol ang pisi ko ay narinig ko na ang pagtatangkang pagbubukas sa siradura. Tinalon ko ang dalawang bakal sa kisame at lumambitin na parang unggoy, tanging alak-alakan ko lang ang nakasampay.

Nang makita ko ang tatlo ay bumilis ang pintig ng puso at paghinga ko. Ang pagdaloy ng dugo ko mula sa tuhod paibaba sa aking ulo ay lalong bumubuhay sa galit ko. Ang mga ugat ko ay parang lubid ng aking pasensya, kaunting paghihintay pa at puputok na.

Sumang-ayon ang lahat sa plano namin. Ang tatlo ay nakipagkapaan sa dilim hanggang sa makakuha ako ng tyempo na siyang naging hudyat ng pagkilos ko.

Sa isang iglap ay naitumba ko ang isa sa tatlo.

"C-Christian," gumaralgal ang tinig ni Taylor, hindi malaman kung nagagalit ba siya o naiiyak.

"Hermano..." Halos pumiyok naman si Cargosin.

Narinig kong nagsalita si More, mayamaya lang ay kumilos na si Randall. Nilapitan niya si Christian at pinulsuhan. Tiningnan ko lang ang kamay niya, tiningnan ko lang din siya nang lingunin niya ako. Nandoon ang matinding gulat sa kaniyang mga mata. Hindi ko naman malaman kung anong emosyon ang dapat kong isagot do'n.

"P-Pein," gumaralgal din ang tinig ni Randall, puno ng takot. "He's dead," halos pabulong niyang dagdag.

Kasabay nang pagtayo ni Mokz ay ang paghampas niya sa mesa. Kung ano-ano ang sinabi niya gamit ang sarili naming lenggwahe pero hindi ko na siya inintindi pa. Sa halip ay tiningnan ko si Taylor na noon lumuluhang nakatingin kay Christian. Hindi malaman kung lalapitan ito o susugod sa akin. Muli kong tiningnan ang katawan ni Christian, nag-iinit pa rin ang dugo ko sa kaniya.

Nang lingunin kong muli si Taylor ay masama na ang tingin niya sa 'kin. Kung nakakapagpatumba lang ang gano'n kasamang tingin ay baka naghihingalo na ako sa kinatatayuan ko.

"Nasa'n ang kapatid ko, Taylor?" malunanay kong tanong, punong-puno ng pagpipigil.

Luhaan siyang ngumisi. "Mata at hindi bibig ang ginagamit panghanap sa mga nawawala, Maxpein Moon."

"Nasa'n ang kapatid ko?" mas mariin nang tanong ko. "Wala kay Wood ang kapatid ko dahil bago ako magpunta dito ay nanggaling na ako ro'n. Nasa'n ang kapatid ko?" hindi pa kumakalma ang nagwawala kong sistema. "Nasaan ang kapatid ko!"

"Hindi mo na siya makikita!" sigaw ni Taylor.

Lalo akong nanggigil, at bigla na lang sumugod. Dinampot ko na parang unan si Taylor at pahampas na isinandal sa pader. Madugo at mahigpit ang titigan namin. Sa isip ko, isang suntok ko lang sa lalamunan nito ay paniguradong agad siyang maghihingalo.

Ang isang salita ni Mokz mula sa aking likuran ang nakapagpatigil sa 'kin. Handang-handa ko nang kumilos pero hindi ako makokontento kung papatayin ko na ang dalawang 'to sa harap ko. Gusto kong makakita ng paghihirap, madugong paghihirap.

"Let them go," pabulong na sabi ni Mokz. "Let them go!" sigaw niya nang hindi ako kumilos.

Napapikit ako sa inis. Napasigaw ako nang ibato ko si Taylor. Gano'n na nga yata siya kahina, dahil sa pagod at dahil sa nangyari sa kasamahan niya, agad kasi siyang tumapon. Sunod-sunod ang malalalim na buntong-hiningang pinakawalan ko saka muling bumunot sa bulsa. Ibinato ko ang susi kay Taylor na siya namang ikinagulat niya.

"Papaanong napunta sa iyo ang susi ko?" natutuliro niyang tanong.

"Gano'n kabilis ang kamay ko," walang emosyon kong sagot. "Simulan mo nang magmaneho." Tumitig siya nang masama sa 'kin. Naglakad naman ako papalapit sa kaniya. Sa takot ay napagapang siya paatras, papalayo sa 'kin. "Dahil kahit saang kanto ng impyerno ay hahabulin ko kayo."

Sinadya kong kunin ang susing iyon, wala na akong planong patakasin sila. Pero dahil naninigaw na si Mokz ay wala na akong magawa kung hindi ang ibigay.

Kumuyom ang mga palad ko habang pinapanood sina Taylor at Christian na magkumahog sa pagtakbo. Pareho pang nag-aalinlangan kung kukunin ang katawan ni Christian pero sa huli ay lumayas din naman. Napako ang paningin ko sa pinto kung saan sila lumabas.

CARGOSIN'S POV

"CHRISTIAN!" hindi ko halos marinig ang sarili kong tinig dahil sa matinding kaba. Ang lalamunan ko ay isinigaw na ang salitang iyon pero sa pandinig ko ay napakahina niyon.

Hindi ko alam kung paano namin nakuhang magmadali para makalabas agad sa bahay ni Chairman Enrile gayong alam naming nandoon pa si Christian. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko magawang pakalmahin ang pangangatal ng mga kamay, tuhod, maging ng labi ko. Tuloy-tuloy ang pagluha ko at hindi ko na ikinakahiyang makita iyon ni Taylor.

Parang dinudurog ang puso ko sapagkat hindi mawala sa paningin at isip ko ang nangyari kay Christian. Ang pag-anunsyo ni Randall Echavez sa pagkamay niya ay paulit-ulit na umuugong sa pandinig ko na tila ba isang sirang plaka.

"Halika na!" hinila ako papalayo ni Taylor.

Ngunit pinigilan ko siya gamit ang isa ko pang kamay. Luhaan ko siyang tinitigan. "Balikan natin si Christian, Taylor. Baka buhay pa siya."

"Ano!" gulat na gulat siyang tumingin sa 'kin. "Sa tingin mo ba ay patatakasin pa tayo ng mga Moon kung babalik tayo sa loob? Mag-isip ka nga, Cargosin! Patay na si Christian!"

Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko ginawa. Lalo akong nanghina. "Inisip ko ring patay ka na," umiling ako nang umiling. "Pero si Christian, nanindigan siyang buhay ka. At hindi siya huminto sa kahahanap hangga't hindi ka namin nakikita."

Matapos ko siyang tapunan ng diskumpyadong tingin ay nilayasan ko siya. Nanguna ako sa paglalakad papunta sa iniwan naming sasakyan. Panay ang pagtulo ng luha ko, walang hinto. Ang puso ko ay walang hinto sa pagkabo, para bang gustong durugin ang dibdib ko.

"Where are they?" agad na tanong ni Lovemir nang makasakay ako sa sasakyan. Hindi ko siya sinagot. "Aren't we going to take him to the hospital? He's losing his consciousness, Cargosin."

Nilingon ko si Maxwell na noon ay parang natutulog lang sa likuran. Kung hindi pa titingnan ang kamay niyang nakaharang sa duguan niyang sugat, hindi siya mapagkakamalang mamamatay.

Gusto kong magalit, gusto kong dakmain ang kuwelyo niya at pagsusuntukin siya. Gusto kong dukutin ang sugat niya at kunin gamit ang mga daliri ko ang balang nakabaon doon ngayon. Pero masyado akong nanghihina. Basta na lang akong naiyak habang nakatitig sa kaniya at lalo pang umiyak nang nakayuko sa manibela.

Christian...

Kasabay nang pag-agos ng mga luha ko ay ang masasayang alaala ko kasama siya. Isa siya sa maraming tumayo kong kuya, bagaman hindi naman nalalayo ang edad ko sa kaniya. Walang mas loloko pa sa kaniya pero pagdating sa akin, sa aming magkakapatid, ginawa niya ang trabaho niya nang buong puso. Hindi ko naramdamang nag-iisa ako dahil naro'n siya. Saan man ako pumunta, saan man ako magsuot, mabuti man o masama, hindi niya ako iniwan. Hindi ko naramdamang mag-isa ako kailanman, dahil kasama ko si Christian.

Mula nang ampunin ako ng mga Merra, hanggang sa mahalin ko si Aitana... Mula sa pagiging basura hanggang sa maging matagumpay ako sa buhay, nandoon ka. Naroon ka nang nakatingin ako sa liwanag, sinamahan mo 'ko hanggang sa magdilim... hindi ko inaasahang hahantong sa ganito ang lahat, Christian. Patawad. Lo siento y gracias, Christian. Gracias...

"Mierda!" nangibabaw ang tinig ni Taylor, kasabay niyon ang kalabog nang pagsasara niya ng pinto ng kotse. "Tara na, Cargosin! Paparating na ang mga Moon!" Hindi ko siya nagawang sundin agad.

Pinahinahon ko na muna ang aking sarili. Pinahiran ko ang aking mga luha. Gulat na napatitig sa akin si Taylor at umiiling na nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko pero sa dibdib ko ay namumuo na uli ang galit.

Nagagalit ako maging sa sarili ko. "Kung sinunod ko lang sana ang sinabi niyang umalis na tayo..." Sinuntok ko nang sinuntok ang manibela. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina, nagpapaulit-ulit iyon sa akin na parang isang pelikula.

"What are you saying?" tulirong tanong ni Lovemir. "Where is Christian?"

Naramdaman ko nang lingunin ako ni Taylor, hindi ko siya magawang tingnan. Tutok ang paningin ko sa aking mga kamay na hanggang ngayon ay nangangatal. Takot na takot ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Hindi ko inaasahan iyon, Maxpein Zin. Wala kang kasinlupit!

Napapikit ako. Pakiramdam ko ay narinig kong muli ang tunog ng buto ni Christian nang baliin ni Maxpein Moon ang leeg niya. Hindi man lang nagawang lumaban ni Christian, pinangunahan siya ng pagod at panghihina. Hindi niya man lang nagawang humingi o sumigaw ng tulong. At hindi ko man lang siya nagawang tulungan o iligtas.

"Hermano! Where is Christian?" nag-aalala na ang tinig ni Lovemir.

"Pinatay siya," mahinang sagot ni Taylor, mariin at may galit. "Pinatay siya ni Maxpein Moon."

Matagal na natahimik si Lovemir. Sa likod ng isip ko ay nasisiguro kong nagulat siya kaya hindi niya nagawang makapagsalita. Narinig ko siyang sumubok umusal ng salita pero hindi iyon nagtuloy at halos hindi naintindihan dahil sa sobrang hina. Paniguradong hindi niya iyon magawang paniwalaan, gaya kong nasaksihan iyon nang harap-harapan pero hindi ko kayang tanggapin at paniwalaan.

"No," mahinang ani Lovemir. "Hindi niya magagawa iyan. Nasa'n si Christian."

"Mierda! Él está muerto!" pasigaw na sagot ni Taylor na sinasabing patay na nga ito.

"Patay na siya, Lovemir," nanlulumo kong sagot, sumisinghot at patuloy na lumuluha.

Kanina lang ay masaya pa kaming magkasama...

"What?" utal na tanong ni Lovemir. Umiling siya nang umiling, hindi pa rin makapaniwala.

"Pinatay siya ni Maxpein Moon, Lovemir! Wala na siya!" bulalas ni Taylor, nauubusan ng pasensya. "Tara na, Cargosin! Kapag inabutan tayo dito ay pare-pareho tayong malilintikan!"

Galit ko siyang nilingon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang niya maramdaman ang nararamdaman ko. Ganito ba kadali para sa kaniyang sakyan ang nangyari kay Christian? "Magkamatayan na kung gano'n," sagot ko.

Gulat akong nilingon ni Taylor. "Qué?" animong hindi makapaniwalang tanong niya. "Huwag ka nang magsalita nang ganiyan sapagkat nawala na si Christian! Bumaba ka at ako ang magmamaneho!" singhal niya saka bumaba at gumilid papunta sa gawi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin saka ako bumaba at nakipagpalit sa kaniya ng puwesto. Mabilis niyang pinaandar papalayo sa lugar na iyon ang sasakyan. Ngunit ang isip ko ay nanatili roon. Hindi ko alam kung paano kong maiaalis sa isip ko ang nangyari.

Tahimik kaming lahat habang nasa daan. Batid kong pare-pareho kaming malalim ang iniisip. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng mga sinabi ni Eerah Anitha. At kasunod niyon ay ang inaantig kong konsensya. Hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko ay mas masakit pa ito kaysa sa pagkawala ng aking ina. Marahil ay dahil hindi gaya ng sa doña, nagawa kong mamuhay nang normal at bilang isang tao nang si Christian ang kasama. Sa doña kasi ay wala akong inatupag kundi ang higitan ang kaniyang gusto, para maipakita ko sa kanila ng don na karapat-dapat ako bilang isang ampon. Nagtagumpay naman ako dahil naramdaman kong hindi sila nagsisi ro'n.

Sana ay nakinig na lang ako sa iyo, Aitana. Punong-puno ako ng pagsisisi ngayon.

Dinukot ko mula sa aking bulsa ang pera na aking nakuha at ipinangakong paghahati-hatian naming lahat. Nangunot ang noo ko sa pag-iyak habang inaalala kung gaanong nagmukhang katuwa-tuwa si Christian kanina habang nilalanghap ang amoy ng pera.

Nasanay akong nakikita siyang matigas, galit at masungit. Nasanay akong kumikilos siya bilang nakatatanda sa akin. Pero iyong Christian na nakasama ko kanina ay kakaiba. Kabaliktaran sa nakasanayan ko sa kaniya. Parang bata, duwag, ngumingiti, tumatawa at may konsensya.

"Puñeta, Cargosin, tigilan mo ang pag-iyak!" singhal ni Taylor.

Gusto ko siyang patulan pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Langong-lango sa kalungkutan ang aking isip. At wala akong ibang gustong gawin kundi ang manahimik, lihim na magsisi at alalahanin ang nakaraan.

"SINO IYAN!" garalgal ang tinig ni Eerah Anitha nang kumatok kami. Sadyang natatakot siya sa t'wing may kakalabog at yabag siyang maririnig mula rito sa labas ng kwarto na aming tinutuluyan. Lalo pa siyang natatakot kapag may kumakatok na.

"Kami ito," matamlay na sagot ko.

Agad niya kaming pinagbuksan ng pinto. At gano'n kabilis din siyang nagulat nang makitang imbes na si Christian ay si Maxwell ang aming kasama. Nakaakbay si Maxwell kay Lovemir, wala nang malay. Si Lovemir naman ay bigat na bigat, nahihirapan dahil isa pang mahina, pero kinayang ipasok ang Moon sa loob ng bahay.

"Nasaan si Christian?" agad na tanong ni daddy na nakapagpahinto sa 'kin sa paghuhubad ng suot kong jacket.

'Ayun na naman iyong pakiramdam ko na para akong maluluha. Hindi ito natural sa akin. Ni hindi man lang nagtuloy-tuloy nang ganito ang mga luha ko nang ang doña ang mamatay. Palibhasa'y imbes na malungkot ay napuno ako ng galit nang mga panahong iyon. Ngayon ay hindi ko makuhang magalit nang basta-basta. Natatabunan iyon ng lungkot at sakit sa pagkawala ng isang kapatid.

"Yeah, where is he? Bakit kayo lang? At bakit...kasama ninyo iyan?" halos ibulong na lang ni Eerah Anitha ang huling tanong. "His family is looking for him, Sin."

"Gusto ko muna ng katahimikan," mahinang pakiusap ko.

Nalilito akong nilapitan ng aking ama. Hindi ko siya magawang tingnan. Sapilitan niya pa akong iniharap sa kaniya para magtama ang aming paningin. Nabasa ko agad ang galit, ang nagtatanong niyang mga mata ay napuno agad ng galit.

"Nasaan si Christian, Cargosin?" mariin niyang tanong.

Hindi ako nakapagsalita. Lumabas si Mark mula sa kwarto kasunod ang mga tauhan. Lahat sila ay nagtatanong ang tingin sa akin, pare-parehong hinahanap kung saan naroon si Christian. Ngayon lang nangyaring umalis kami at bumalik nang hindi siya kasama.

Sa halip ay si Taylor ang nagsabi nang buong kuwento sa kanila. Hindi ko napigilang maging emosyonal sa harap nila habang pinakikinggan ang nangyari. Para bang wala ako ro'n. Nasasaktan ako at wala akong pakialam kung sino ang makakita niyon ngayon.

Nilingon ko si Lovemir na noon ay malungkot pero kakikitaan ng galit. Hindi ko mapangalanan ang emosyong nakikita ko sa kaniya. Pero hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang galit siya. Batid kong gaya ko, higit sa akin, totoong naging kuya ang tingin niya kay Christian. Ito pa nga ang pumipigil sa akin noon sa t'wing sasaktan ko siya. At kompara kay Taylor, mas madalas niya ring makasama si Christian noon.

"Bakit ninyo hinayaang magkaganoon?" umiiyak nang tanong ni Eerah. Agad namang ipinaliwanag ni Taylor ang mga naging kilos ni Maxpein.

Napatitig ako sa aking ama. Nakikita kong nalulungkot siya pero malayong-malayo iyon sa lungkot na aking nakita nang mawala ang doña. At hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkadismaya, ganito lang talaga ang halaga ng mga tauhan sa kaniya.

Kung ako kaya ang mawawala, ano ang mararamdaman niya? Malulungkot ba siyang gaya sa mawala ang doña? Magluluksa ba siya nang gaya sa pagkamatay ni mommy at ng anak nila? Bakit, dad? Bakit hanggang dito lang kami?

Natigilan ako nang malingunan ko si Eerah Anitha at makitang nakatingin na siya sa akin. Lalo akong inantig ng aking konsensya. Sa paraan kasi nang pagkakatitig niya para bang kinakausap niya ako gamit ang mga mata. Kinukuwestyon kung bakit ko ginawa iyon. At sinasabing hindi mangyayari ito kung nakinig ako sa kaniya. Wala akong naisagot kundi panlulumo.

Hindi ko na maintindihan ang magulo kong isip. Punong-puno masyado ang utak ko. Huminto sa pangangatal ang katawan ko pero ang takot ay naro'n pa rin sa dibdib ko.

Natatakot ako sa Maxpein Moon na nakita at nakaengkwentro ko kanina. Iyon 'yong Maxpein Moon na sinasabi nila. Iyong Maxpein Moon na ginagawa ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong sabihin ito pero...wala kang awa, Maxpein Moon. Wala kang awa.

"Knock! Knock! Knock!" Sabay-sabay kaming nagulat at napatingin sa pinto nang mangibabaw ang pamilyar at malakas na tinig na iyon!

Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si daddy saka kami muling napalingon sa pinto. Si Mr. Wood! Agad na kumilos si Lovemir para iharang ang sarili kay Eerah Anitha. Sabay-sabay na nagsipagbunutan ng baril sina Mark, Taylor at mga tauhan saka ginuwardiyahan ang pinto.

Ngunit laking gulat namin nang sipain iyon ni Wood! Tumambad ang seryosong Mr. Wood sa amin. Nasa baywang ang kaniyang parehong kamay. Nakataas ang noo at kakaiba ang dating sa suot na suit. May nakapatong na itim na hat sa kaniyang ulo at nakakaloko ang puti na feather na nasa gilid niyon. Ang pipa niya ay makapal ang usok at nang unti-unting mawala ay ipinakita ang kahindik-hindik niyang mukha.

"'T*ngina!" sarkastiko niyang bati saka tumuloy. Matunong ang black leather niyang sapatos, lumalagatok sa sahig na gawa sa manipis na kahoy.

Kasunod niya ay ang limang tauhan, pawang mga nakaitim na suit at naghahabaan ang mga armas. Nasisiguro kong sa labas ng pinto ay mayroon pa siyang mga kasama. Kaya imposibleng makatakas kami rito ngayon.

Napalunok ako nang magtama ang paningin namin. "Mr. Wood," sinikap kong huwag ipakita ang takot ngunit nabigo ako.

Sinulyapan niya lang ako saka nilingon ang aking ama. "Rewis!" pagbati niya saka lumapit dito.

Hinawakan niya sa leeg ang aking ama, galit na nginisihan na para bang kaytagal nilang hindi nagkita. Pareho kaming nagulat ng aking ama nang biglang bumeso si Mr. Wood sa kaniya, bagay na noon niya lang ginawa. Hindi niya maitatago ang nginig sa kaniyang kamay, nginig na dulot nang sobrang panggigigil. Matapos niyon ay nakangisi niya muling tinitigan ang aking ama na halos mapapikit sa ibinubugang usok ng kaniyang pipa. At gusto ko siyang pigilan nang tampal-tampalin niya ang pisngi ni daddy na para bang tuwang-tuwa.

Matapos bitiwan ni Mr. Wood ang Chairman ay humarap siya sa amin at tiningnan kaming isa-isa. "Hmm, mukhang may kulang sa inyo?" aniya na pinasadahan na naman kami ng tingin. "Mukhang kulang kayo sa bitamina. Wala na bang makain?" Nakasanayan ko na ang pagiging sarkastiko niya pero kapani-panibago ang pagiging seryoso niya ngayon. Kumuyom naman ang palad ko.

Aaminin kong si Christian ang naisip kong tinutukoy niyang kulang sa amin. Nainsulto ako sa katotohanang hindi pala.

Pinagkiskis niya ang palad saka inalis ang pipa sa kaniyang bibig. Mayabang niya iyong iniabot sa kaniyang tauhan saka lumapit kay Maxwell. Nakangiwi at kunot-noo niyang pinasadahan ng tingin ang panganay na Moon saka umiling nang makita ang duguang parte ng katawan at kamay nito. Maging ang damit ni Maxwell ay pulos dugo na. Bukod doon ay nakahandusay na lang siya dahil wala ng malay.

Humarap muli sa amin si Mr. Wood saka kami nakangiwing dinuro isa-isa. "Mas malala pa diyan ang magiging hitsura ninyo kapag nalaman ni Maxpein ang lagay niyan."

Bumilis ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Sumama ang tingin ko pero sa t'wing titingin siya sa akin ay umiiwas ako. Naduduwag na akong talaga. Hindi ko na malaman kung ano ang dapat na gawin. Pakiramdam ko ay huli na ang lahat para sumuko kami. Bukod doon ay hindi ako sigurado kung bukod sa amin ni Eerah Anitha ay may iba pa bang gustong sumuko.

Luminga-linga ulit si Mr. Wood hanggang sa mapunta kay Eerah Anitha ang kaniyang mga mata. Kumuyom agad ang palad ko at humakbang ako papalapit sa aking asawa.

"Mukhang namamayat ka? Nagkukulang ka yata sa bitamina, Eerah Anitha?" ngumisi muli si Mr. Wood. "Kumain kang mabuti, magandang tingnan sa babae iyong malusog. Iyong maganda ang hinaharap at kinabukasan. Mukha kang tuyot. Nagsasayang ka ng damit." Sinubukan niyang mas lumapit kay Eerah pero inunahan ko siya. Umasta siyang nagulat sa ginawa ko. "Hindi ko na type itong pamangkin mo kaya huwag kang mag-alala."

"Fuck you, Wood," singhal ko. "She's my wife."

Namangha siya. Nilingon si Eerah bago muling sinalubong ang tingin ko. "Talaga? Bagay kayo, congrats," sarkastiko niyang sabi. "Dalhin ninyo na ang mga iyan!" biglang utos niya na ikinagulat namin.

"Saan! Saan ninyo kami dadalhin!" sigaw ko na agad binakuran sina Eerah Anitha at ang aking ama.

"Sumama na lang kayo kung ayaw ninyong mag-aksaya ng dugo dito," bigla na naman siyang sumeryoso. "Mukhang wala kayong planong magbayad ng utang kaya tulungan na lang ninyo akong maningil."

Poprotesta pa sana ako ngunit gaya ng inaasahan ay pumasok ang mas marami pang tauhan niya at pinagdadampot kaming isa-isa. Pinaghahawakan kami sa kamay at pinagtutulak papalabas ng bahay.

"Ingatan ninyo ang Moon na 'yan," pasigaw na sabi ni Mr. Wood sa dalawang tauhan na nahihirapang akayin si Maxwell. "Malaking halaga ang kapalit niyan."

Sinamaan ko siya ng tingin bagaman wala sa akin ang mga mata niya. Nasisiguro kong may pinaplano na siya at kung ano man iyon ay hindi niya sasabihin sa amin.

Puwersahan kaming isinakay sa tatlong itim na van. Nagwala ako nang magkahiwalay kami ni Eerah Anitha. Pero wala akong nagawa dahil sobrang dami nila. Maging ang aking ama ay sumubok na tumakas, nakipagbuno siya sa lima sa mga tauhan at sa huli ay wala rin siyang nagawa. Malalaki ang katawan ng mga bata ni Wood, hindi hamak na mas matatangkad kaysa sa amin at malalakas. Bukod doon ay mayroon pa silang kani-kanilang armas.

"Saan mo ba kami dadalhin!" bulalas ko.

"Manahimik ka na lang at sirang-sira ang buong araw ko!" sigaw niya na dinuro pa ako. "Ang hayop na Maxpein na iyon, pinag-trip-an ang play ground ko? Gago, ang tupa!" Gigil na gigil siya, nanginginig sa gigil.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero nasisiguro kong may nangyari sa kanilang dalawa kaya ganito na lang ang galit niya.

Pinanood ko siyang pumindot sa telepono, "Hello, Maxpein," mayamaya pa ay nakangisi niyang sinabi. "I've got a surprise for you."

Nagkatinginan kami ni Taylor. Paniguradong si Maxwell ang tinutukoy ni Mr. Wood na sorpresa. At panigurado ring magliliyab sa galit si Maxpein Moon dahil doon.

Humalakhak si Mr. Wood, halakhak na nakapangingilabot sa pandinig. Kung ano man ang isinagot sa kaniya ni Maxpein Moon ay hindi ko alam. Pero ang pagkuyom ng palad niya at paghigpit nang kaniyang pagkakahawak sa telepono ay senyales na nainsulto siya, bagaman nakuha niya pang tumawa.

"Magkita tayo sa bahay ko. Huwag kang male-late, tumatakbo ang oras. Nauubos ang dugo." Agad na ibinaba ni Mr. Wood ang linya matapos sabihin iyon. At halos magulat kaming lahat nang ibato niya sa unahan ang telepono. "Animal!"

Nanahimik na lang ako sa pagkakaupo. Panay ang lingon ko kay Maxwell na noon ay aalog-alog lang sa likod at nagsisimula nang mamutla. Katabi niya si Lovemir na tahimik lang din pero nasa mata ang galit. Si Taylor naman ay kuyom na kuyom ang mga palad, lilinga-linga sa labas at animong naghahanap ng tyempo para makatakas.

Hindi ko alam kung paano kong natatagalan ang napakatahimik na byahe. Parang ang lahat ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahang isipin. Kung ano-ano ring pumapasok sa isip ko pero sa dibdib ko ay wala na akong makapang pag-asa. Nakakampante lang ako dahil panay ang paglingon ko sa sasakyan kung saan naroon sina Eerah Anitha at iba pa. Pero ang kalooban ko ay nagwawala na sa magkahalong galit, takot at kaba.

Sa pag-iisip ay natigilan ako at muling kinabahan. Tatapusin na ba niya kami?

Hindi ko nagustuhan ang naisip ko pero nasisiguro ko ring hindi malabong gawin niya nga iyon. Lalo pa at alam kong ang tinutumbok ng daan na ito ay ang lungga ni Mr. Wood. Kung saan wala masiyadong tao, at lugar na bibihira ang nakakaalam.

Ano ang nangyari dito? Hindi ko naiwasang magtaka nang muli ay makatapak ako sa gusaling pinaglulunggaan ni Mr. Wood. May malaking butas sa gilid ang gusali at nagkalat ang malalaking bato. Nasira ang ilan sa mga gamit at may makapal na usok na para bang kamamay lang ng apoy nito. Tila may bombang sumabog dito.

Nang makapasok kami ay gusto kong isipin na may naganap na raid dahil sa sobrang gulo ng buong lugar. Malayo sa maayos at puno ng disensyong teritoryo ni Mr. Wood noon. Napakadilim at tanging sa mga pumuputok-putok na bumbilya nagmumula ang kakakarampot na liwanag. Muli pa akong nagulat nang sa tuluyang pagpasok ay nakasalubong namin ang mga lupaypay na tauhan. Tila dumaan sa matinding bugbugan dahil panay sugatan at may bahid ng dugo sa katawan.

Hindi magawang bilisan ni Mr. Wood ang paglalakad. Dahil gaya namin ay tila ba ikinagulat niya rin ang nakikita. Hindi mapangalanan ang matinding galit at gulat na naghalo sa kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang naglalakad at dinadapuan ng tingin ang bawat makita.

Doon ako nagkaroon ng pagkakataong lapitan ang mga kasama ko. Tulad ko ay puno na rin sila ng takot at wala ng pag-asa. Ngunit kahit gustuhin kong palakasin ang loob nila ay hindi ko magawang magsalita. Wala akong mahitang akmang salita na pwede kong sabihin sa kanila ngayon.

"Ano ang nangyari dito, Hemyor?" mariing tanong ni Mr. Wood sa lalaking noon ay nakahiga at nakasandal sa pintuan. Ang kamay nito ay puno ng dugo at hawak ang tagiliran nitong may tama. "Hemyor?" pagtawag ni Mr. Wood.

Pero ang lalaki ay tumirik ang mga mata para lamang matingnan siya. Nanginginig sa paggalaw ang mga labi pero walang maiusal. Nanginig lalo sa galit si Mr. Wood at nag-angat ng tingin papunta sa gawi kung nasaan ang kaniyang opisina.

Sumenyas siya sa mga tauhan saka binunot mula sa kaniyang likuran ang may mataas na kalibreng baril. Pinangunahan siya ng ilan sa mga tauhan sa paglalakad papunta sa opisina. Agad naman kaming napasunod ni Taylor, at inutusan si Lovemir na bantayan ang aming ama.

Bumilang ng tatlo si Mr. Wood saka sumenyas sa kaniyang tauhan na buksan ang pinto. Gusto kong isumpa ang matinding kalabog sa dibdib ko nang tumambad sa 'min ang kadiliman. Pakiramdam ko ay na-trauma na ako sa dilim. Mabilis na nanumbalik sa isip ko ang nangyari kay Christian kanina lang. Malinaw pa ang lahat ng detalye at pangyayari sa isip ko at hindi ko makalimutan.

Tumuloy ang apat sa tauhan, pawang mga nakatutok ang baril sa kawalan. Pumasok si Mr. Wood, hudyat nang pagsunod namin. Matapos subukan ng tauhan na buksan ang ilaw ay hindi iyon sumindi. Pare-pareho kaming nangapa sa dilim at talaga namang nagtitindigan ang mga balahibo ko sa nangyayari.

"Punyeta!" bulalas ni Mr. Wood. Nang sundan ko ng tingin ang kinaroroonan niya ay nanlumo ako sa mga nagkalat na gamit. Karamihan ay basag na at wasak. Napakagulo ng lugar, animong hinalughog ng isang pakawala. Walang itinirang gamit na matino, lahat ay sira.

Sabay-sabay kaming napabulalas nang biglang sumara ang pinto! Sinubukang buksan iyon ni Taylor pero napaatras siya matapos mabigo. Sunod-sunod ang pagbulong niya ng pagmumura habang ako naman ay agad na nilamon ng kaba. Hindi ko alam kung tama ba ang gawi ng pintong tinitingnan ko, basta na lang napako sa isang sulok ang paningin ko.

Umihip ang malakas na hangin at sabay-sabay kaming napalingon sa bintana. Nanlaki ang mga mata namin nang isang itim na imahe ang tumambad sa aming nakatayo roon! Isang imahe na hindi ko naman lubos na nakikita ngunit nasisiguro kong nakamasid sa amin! Imahe na hindi ko matukoy ang pagkatao pero sa isip ko ay may pagkakakilanlan ito.

Nakasuot nang mahabang coat ang imahe na iyon na siyang nililipad ng hangin kasabay ng buhok nito. Sa t'wing liliparin ang kurtina ay nahaharangan imahe niya, at talagang nagdudulot iyon nang nakakukuryenteng kilabot at kaba.

"Maxpein!" gigil na sigaw ni Mr. Wood. Agad siyang binakuran ng mga tauhan niya at ang mga baril ay nakatutok sa bintana.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sunod-sunod ang aking paglunok. Napaatras ako bagaman wala pang nangyayari. At ang mga kamay ko ay nangangapa sa anumang bagay na pwede kong magamit. Ngayon lang ako natakot nang ganito sa buong buhay ko. At hindi kapani-paniwalang ang taong minaliit ko ang siyang dahilan nito ngayon.

Muling umihip ang malamig at mas malakas na hangin! At kagulat-gulat na kasabay niyon ay ang pagharang ng kurtina sa bintana na mukhang sinadya! Nagdulot iyon nang mas matinding dilim, kami mismo ay hindi magkakita-kita. Hindi ko malaman kung bakit napayuko ako bigla, animong may mahuhulog sa akin mula sa itaas.

"Huwag kang duwag! Magpakita ka sa akin, Maxpein! Huwag kang magtago sa dilim!" sigaw ni Mr. Wood. Sa uri ng pagkakasabi niya niyon ay nasisiguro kong naro'n din sa kaniya ang takot. At mukhang umiikot siya, nagpapalinga-linga habang sinasabi iyon.

Sabay-sabay kaming napabulalas ng kung anong salita nang biglang sumigaw ang isa sa amin, kung sino ay hindi ko alam! Narinig na lang namin ang sunod-sunod na suntok o dagok kasabay nang pagsigaw ng taong iyon!

Napaatras ako at nagpatuloy sa paglingon. Ang liwanag na aking nakikita ay iyong tinatamaan lamang ng buwan mula sa salamin ngunit hindi nagdudulot ng liwanag. Biglang nangibabaw ang katahimikan, at sa sobrang tahimik ay naririnig ko ang paghinga ng bawat isa. Hindi ko alam kung gaano ang layo ko sa iba pa, wala talaga akong makita.

Napalingon ako sa kaliwa ko nang may marinig akong tila tumakbo mula ro'n. At halos matumba ako patalikod nang may marinig akong sumigaw at kasunod niyon ay sunod-sunod na namang dagok at suntok! Kinilabutan na ako sa sumunod kong narinig, nasisiguro kong nasaksak ang kung sinumang kinuha na iyon.

"Maxpein! Huwag mong ubusin ang pasensya ko!" sigaw muli ni Mr. Wood.

At laking gulat namin nang may bumukas na ilaw. Ngunit hindi sapat ang liwanag niyon para makita ang buong lugar. Nangingibabaw sa pandinig namin ang mabagal ngunit mabigat na yabag, kung saang parte ng dilim iyon nagmumula ay walang nakakaalam.

Napaatras akong muli, hinanap ng paningin ko si Taylor. Nagkatinginan kami at nabasa ko agad sa kaniya ang takot. Napalingon ako sa pinto at isinenyas iyon sa kaniya. Kailangan naming makalabas dahil naro'n pa ang iba naming kasama. Pero pareho kaming natigilan sa pagkilos nang muling sumigaw ang isa sa mga tauhan.

Napalingon ako at namataan ko si Mr. Wood. Deretso lang siyang nakatingin sa kung saan. Nakatiim ang kaniyang bagang sa galit at kuyom ang mga palad. Maging ang paghinga niya nang malalim ay napagmasdan ko. Hindi kapani-paniwalang hindi man lang siya kakitaan maski bakas ng takot.

"Hindi mo kayang pumatay, Maxpein," biglang sabi ni Mr. Wood. Sinubukan niyang ngumisi pero nangibabaw ang galit sa anumang reaksyon na ilabas niya. "Hindi ka maaaring pumatay."

Nagkakamali ka... Hindi ko nagawang isatinig ang laman ng isip ko. Pinangunahan ako ng emosyon at galit. Nagawa niya na iyon kay Christian. Pinatay niya si Christian!

"Isang tao na lang ang meron ka," nangibabaw ang tinig ni Maxpein Moon. Nag-angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng tinig bagaman wala akong maaninag. "Bago ka pa tumawag ay inubos ko na ang iba."

Nagulat na naman kami nang sa isang iglap ay may sumigaw mula sa gawi ni Mr. Wood. At muli pa akong nagulat nang may tumakbo papalapit sa 'kin, agad akong napaatras! At mas nagulat pa sa sunod-sunod na pag-ulan ng bala mula sa baril na hawak ni Mr. Wood. Tumakbo siya papalapit sa pinto at pinagbabaril din iyon hanggang sa bumukas.

Hinila ako ni Taylor papasunod kay Mr. Wood. Agad na hinanap ng paningin namin sina daddy at Eerah, maging si Lovemir o si Maxwell ay hindi namin makita!

"Eerah!" pagtawag ko.

"Nasaan sila!" gilalas naman ni Taylor.

Sabay kaming nagpalinga-linga kung saan namin iniwan ang mga ito. Natanawan ko pa si Mr. Wood na noon ay tumakbo sa isang kwarto. Basta ko na lang tinapik si Taylor at sabay kaming tumakbo papasunod sa kaniya.

"Ang hayop na iyon!" dinig kong sabi ni Mr. Wood habang tumatakbo paakyat sa hagdan. "Nasisiguro kong hindi mo magagawang pumatay, Maxpein. Kaya wala akong mararamdamang takot sa iyo!" Wala na siya sa sarili.

Tumakbo siya nang tumakbo paakyat at sumunod naman kami nang sumunod. Hanggang sa makarating kami sa hindi ko na malaman kung pang-ilang palapag. Pumasok siya sa isang kwarto sa dulo, hinayaan niya lang kaming sumunod. Gano'n na lang ang gulat namin nang tumambad sa amin ang iba't ibang uri ng armas. Mula sa patalim, baril hanggang sa bomba. Kompleto at napakarami!

"Inubos niya ang bata ko?" patanong na sabi ni Mr. Wood na lumingon pa sa gawi ni Taylor. Bigla niyang ibinato ang baril na agad naman nitong nasalo. "Pero hindi lang iyon ang bata ko," ngumisi siya. "Wala pa ro'n ang bilang ng bata ko, Maxpein. Idagdag mo pa ang mga kaibigan ko na kaibigan mo rin." Nababaliw na siya.

Naupo siya at may kinuha sa isang maliit na cabinet na nasa pinakailalim. Pagtayo niya ay may hawak na siyang attache case. Ipinatong niya iyon sa mesa at saka binuksan. Nanlaki ang mga mata namin sa balot-balot na drogang naro'n. Bukod doon ay may baril, pera at mamahaling alak pa.

Maingat na binuksan ni Mr. Wood ang isang balot at saka sininghot iyon. Iyon ang Mr. Wood na noon ko lang nakita. Iyong nababaliw at hayok na hayok sa droga. Nagpaikot-ikot siya sa kinatatayuan habang nakatingala. Paulit-ulit na suminghot na para bang ayaw may matira sa daliri niya.

Mayamaya pa ay tumatawa na siya habang inaayos ang pagkakabalot ng kayamanan niya. Ini-lock niya ang attache case at saka nakangising tumingin sa amin.

Pinahirapan niya pa ang ilong at bibig saka nagsalita, "Isipin ninyo na lang na isa itong laro na ang kalaban ay hindi tao. Kailangan niyo ng tapang at lakas pero huwag kayong mag-alala," nakangisi siyang humarap sa 'min. "Dahil hindi niya magagawang pumatay. Magagawa niya tayong saktan at panghinain pero hindi niya tayo magagawang patayin. Hinding-hindi mangyayari iyon."

Nanggigil ako. Tumakbo ako papasugod sa kaniya saka siya hinila sa kuwelyo. "Tigilan mo na iyang sinasabi mo dahil pinatay niya na ang kaibigan ko! Pinatay niya si Christian!" sigaw sa mismong mukha na siyang ikinagulat niya.

Nilingon niya si Taylor na para bang noon niya lang napagtantong may kulang nga sa amin at si Christian iyon. Muli siyang tumingin at napatitig sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kaseryoso. Ngayon ko lang siya nakita nang wala maski kaunting bahid ng pagiging sarkastiko.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Pinatay niya si Christian," pinangiliran agad ako ng luha. "Pinatay niya na si Christian kaya tigilan mo na iyang paniniwala mo!"

"Ngunit ipinagbabawal iyon sa organisasyon," halos pabulong na usal niya. "Ipinagbabawal sa tulad niya ang pumatay," wala sa sariling sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

Unti-unti kong nabitiwan ang kuwelyo niya sa gulat ko. Hindi maaaring pumatay si Maxpein? Dahil ipinagbabawal iyon sa organisasyon nila? At anong...sa tulad niya?

Natigilan kaming pare-pareho at napalingon sa pintuan nang may marinig kaming kalabog. "Kumilos na kayo," aniya. "Kunin ninyo ang lahat ng kaya ninyong bitbitin para iligtas ang inyong buhay," gigil na naman niyang sabi.

Pinagpupulot niya ang anumang mahawakan at saka ibinulsa iyon nang ibinulsa. Tumingin siya sa 'min saka lumigid sa pinto. Binuksan niya iyong at itinutok sa daan ang baril. Agad kaming dumampot ni Taylor ng mga baril at granada saka sumunod sa kaniya.

"Nasaan ang Chairman, Cargosin?" pabulong na tanong ni Taylor.

"Hindi ko alam," sabi ko habang inaaninag ang daan. "Kailangan natin silang makita."

Maingat kaming bumaba sa kabilang daan, paibaba sa mga hagdan. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay nag-iisa si Maxpein. Dahil kung hindi ay bakit walang ibang sumusugod sa amin? Hindi ako makapaniwala, sa isip ko ay kahanga-hanga ngunit kakila-kilabot ang tapang niya.

Para sumugod siyang mag-isa, gano'n katindi ang tapang niya?

Napailing ako saka nagmadaling sumunod pababa. Matagumpay kaming nakarating sa sasakyan. Si Taylor ang pumuwesto sa harapan para magmaneho. Nagmamadali niyang binuksan ang makina at pinatakbo iyon.

Ngunit gano'n na lang ulit ang gulat namin nang sunod-sunod na magsipagbukasan ang ilaw ng mga sasakyang mukhang kanina pa nakaabang sa amin. Lahat ng mga iyon ay nasa daan na daraanan pa lamang namin!

"Mierda..." Hindi ko alam na posible palang mas tumindi pa ang takot na nararamdaman ko.

"Kaliwa!" bulalas ni Mr. Wood na agad ibinaba ang salamin sa gawi niya sa unahan.

Itinutok niya ang baril sa labas at pinaputukan ang nasa likuran! Shit! Natuliro ako at natagpuan ang sarili kong naglalagay ng magasin sa baril. Isa-isa ko ring inilabas mula sa bulsa ang mga granadang nadampot ko. Binuksan ko ang bintana sa gawi ko saka pinaputukan ang mga sasakyan sa likuran na pawang mga humahabol sa amin.

Ngunit tila mamahaling uri ng sasakyan ang gamit nila. Hindi man lang magasgasan ang salamin ng kotseng tinatamaan ko!

Muli akong nagkasa at nagpaputok pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang mamataan ko ang pamilyar na motor. Na noon ay nagmamadaling tumakbo at hindi malabong maabutan kami!

"Nandiyan na si Maxpein!" gilalas ni Mr. Wood. "Bilisan mong magmaneho, animal!"

Tinapakan ni Taylor ang silinyador at halos mapadausdos ako sa unahan sa sobrang bilis ng takbo namin. Nagmadali rin sa pagsunod ang mga nasa likuran at gano'n na lang ang gulat ko nang maaninag kong may sumisilip na rin mula ro'n!

Ilang saglit pa ay pinaulanan na rin nila kami ng bala!

"Bilisan mo!" sigaw muli ni Mr. Wood na hindi na magawang sumilip pa sa bintana.

Pare-pareho na kaming mga nakayuko sa pag-iwas sa mga tama ng bala mula sa likuran. At pare-parehong nanlaki ang mga mata namin nang mula sa unahan at mamataan namin ang isa na namang imahe! Imaheng nakatayo sa harapan ng nakaparadang motor!

Sabay-sabay kaming napasigaw nang lumuhod iyon at pumuwesto sa pag-asinta ng baril! Pamilyar na pamilyar sa 'kin ang kilos na iyon na siya namang ikinagalit ni Taylor! Mas binilisan niya ang pagmamaneho! Sobrang bilis na pakiramdam ko ay huminto na ang puso ko.

At gano'n na lang ang gulat namin nang ilang dipa na lang ang layo ay bilang kinabig ni Mr. Wood ang manibela papunta sa kaliwa.

"Nababaliw ka na!" naninisi ang sigaw ni Taylor sa kaniya.

"Sa tingin mo ba ay may takas pa tayo kapag binangga mo siya? Hangin ang isang iyon, ganoon siya kabilis!" gilalas ni Mr. Wood na ipinangsesenyas pa ang hawak na baril. "Kapag binangga mo ang motor ay hihinto ang sasakyang ito at tapos na ang lahat, bobo! Huwag mo akong pangunahan dahil hindi na bago sa akin ito."

"Paano mong nalalaman ang mga ito?" hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong sa kabila nang nakamamatay na sitwasyon. "Bakit ganoon na lang kalalim ang pagkakakilanlan mo sa mga Moon? Bakit napakarami mong nalalaman sa kanila?"

"Dahil dati rin akong myembro ng organisasyon," seryosong sagot ni Mr. Wood na siyang ikinagulat ko. Maging si Taylor ay hindi napigilan ang sariling mapalingon dito. Isa iyong katotohanan na hindi man lamang namin naisip kaya ngayon ay hindi naming magawang paniwalaan.

"Anong organisasyon?" mahinang tanong ko. Hindi ko magawang gisingin ang sarili ko.

"Organisasyon na binubuo ng iba't ibang uri ng sindikato," aniya saka muling sumilip sa bintana at pinaputukan ang mga nasa likuran.

Naiwan akong natitigilan at hindi malaman ang sasabihin at iisipin. Para akong nawala sa sarili. 

To be continued. . . 

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Ang Mutya Ng Section E Από Lara

Γενικό Φαντασίας

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
93.9M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
804K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
When the Bus Stops Από Lara

Μεταφυσικές

18.2K 1.1K 8
The death of Riza, an Architecture student brings devastation to the whole campus. She was known as friendly to everyone and famous for being a stude...