You & I(Completed)

By top13Arida

6.5K 158 13

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang magsakripisyo para sa kanya? What if i... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Four

Chapter Three

857 24 0
By top13Arida

                                  -oOo

Nakaupo na kami ngayon ni Lance sa isang bench, pumiksi pa ako kanina ng maramdaman ko ang kamay niyang naka-alalay sa bewang ko. "Kaya ko." Sabi ko sa kanya, malungkot niyang kinuha ang kamay niya at umupo nalang. Tahimik lang kami ngayon, ako nakamasid lang sa paligid. Maraming mga bata ang naglalaro kasama ang isa sa pamilya nila na naka-admit sa hospital na ito.

"Ella, sorry." Nakatungo niyang sabi. Ella, 'yan ang tawag niya sa akin noon. Ang haba raw kase ang Ariella. "Sorry if I left you, I'm really sorry. Kailangan kasing doon ako mag-aral eh." Hindi ako kumibo. Gusto ko lang siyang marinig magsalita, gusto kong marinig ang paliwanag niya sa akin. "Malaki ang kasalanan namin sayo. N-nagpakasal kaming dalawa ni Angel." Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, halo-halo. Sakit, lungkot at awa. Awa sa sarili ko. Napaluha ako, still, I remained silence. Ito lang naman kase ang magagawa ko sa ngayon eh. Kaya pala magkasama silang dalawa, at kaya pala panay ang sorry sa akin ni Angel.

"I swear baby, hindi namin ginusto 'yun. I love you so much, you know that right?" Tahimik lang ako, kitang-kita ko na nahihirapan siyang magpaliwanag. He wiped my tears using his thumb. Ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ito, kailangan ko nalang na tanggapin na wala na kami. Siguro, ito na nga 'yun, closure. Hindi na rin naman ako magtatagal sa mundong ibabaw eh, sabi ng doktor na umaasikaso sa akin ay hindi niya maipapangako na gagaling o tatagal pa ang buhay ko.

"Alam ko na nasaktan kita nang sobra, pero maniwala ka walang namagitan sa amin. Kasal lang kami sa papel at ngayon wala ng bisa iyon kasi nag divorce na kami sa Canada before kami umuwi." Nakita kong umiiyak na siya, namumula ang kanyang mga mata. Sising-sisi siya, kitang-kita ko sa mga mata niya. "I'm not here when you need me the most, I'm not here to ease the pain that you are feeling. God knows how much I wanted to see you, I missed you so much do you know that? Araw-araw ikaw lang ang naiisip ko, kung kamusta kana. Kung nakakain kana? At K-kung mahal mo pa ba a-ako?" Hindi ko napigilan na umiyak ng sobra, niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Mahal na mahal kita." Nasambit niya.

Umiyak ako nang umiyak, alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko parin siya kahit na iniwan niya ako, kahit na ganito na ang mga nangyari. "Ssshh. Tahan na, 'wag ka nang umiyak. Nandito na ako oh. Dapat masaya ka." Sabi niya sa akin. Pumalibot ang dalawang braso niya sa katawan ko para yakapin ako, hinaplos niya ang manipis ko nang buhok.

"Ang ganda ganda mo parin, babe. I miss you." Hinalikan niya ako sa noo. "S-sinungaling ka. Hind ako maganda, s-sinungaling." Humihikbi kong salita. Tumawa lang siya nang mahina sa akin. "Kahit na malayo ka, ikaw parin ang iniisip ko palagi. Sorry. Naiwan ang phone ko rito, hindi ko narin na open ang email ko kase hindi ako pinapayagan ni mama." Pumikit na lang ako at sumandal sa kanya, hindi nakayakap. Siya lang sa akin ang nakayakap, ang kamay ko ay nanatili lang na nakapatong sa mga hita ko.

Bakit ba kailangang mangyari to sa akin? Sa amin?

"Bakit ka pa bumalik?" Tanong ko, hindi galit ang tono ko. Parang kaswal lang ang pagtatanong ko sa kanya. Inihiwalay niya ang katawan niya sa akin, nakaharap na ako ngayon sa kanya. "Dahil sayo, ikaw ang dahilan. Binalikan kita kase mahal kita, kase gusto kong magpaliwanag, gusto kong makita ka, mayakap at mahalikan. Ikaw ang dahilan." He cupped my face, nag-iwas ako nang tingin sa kanya. "Hindi narin naman ako magtatagal, bumalik ka nalang sa Canada." May pait sa tinig ko. Kahit pa na mahal ko siya, kahit pa ito ang ikasasaya ko, hindi ako magiging selfish.

Malala na ang sakit ko, hindi namin alam kong hanggang saan nalang ako o hanggang kailan nalang ako mabubuhay.

"Dito lang ako, babantayan kita kase gagaling ka. 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan, gagaling ka. Diba magkakaroon pa tayo nang mga anak natin? Diba?" Umiling ako. Malabo ng mangyari 'yun at hinding-hindi na 'yun mangyayari. "Hindi na ako umaasa. Tanggap ko narin naman----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nagsalita siya. "Ako, hindi ko tanggap na mawala ka sa akin. Marami pa akong plano para sa atin. Hindi pwedeng ganito nalang." Pinahid ko ang luha sa pisnge niya at ngumiti.

"Pagod narin naman kase ako, Lance. Mabuting ngayon palang ay tanggapin mo n-na... natin na hindi na natin maibabalik ang nakaraan." Saad ko. Hindi siya nagsalita. Niyakap niya na lang ako ulit at naghum ng isang kanta na alam kong paborito naming kanta.






                              *****

Mag-iisang taon nang nandito si Lance, palala ng palala ang kalagayan ko pero naging matatag ang pamilya ko pati narin si Lance at Angel. Kinasal sila dahil sa kompanya nila, pero lumaban sila sa huli kaya ayun, nag-divorce sila before they left Canada. Hindi na sila napigilan ng mga magulang nila. 'Yan ang isa sa mga sinabi ni Angel sa akin. Hindi ko naman magawang magalit sa matalik kong kaibigan kase alam kong pareho nila 'yung hindi ginusto. Naipit lang sila nang sitwasyon.

Alam ko na hindi ko na kaya pero kapag nakikita ko sila ay nagiging matatag ako, mawala man ako ngayon ay alam kong magiging masaya ako. Alam kong malulungkot sila sa paglisan ko pero wala na akong magagawa, ito ang nakatakdang mangyari sa akin. Pinahiram lang ako nang diyos ng buhay kaya hindi ako magrereklamo kung babawiin na niya ito, magpapasalamat pa nga ako kase nabuhay ako sa mundong ito kahit sandali lang.

Sabi ni mama ay hihintayin daw ako ni Lance sa simbahan, kaya nagsuot lang ako nang simpleng puting bestida, linggo kase ngayon eh. Ngayon lang din ako pinayagan na lumabas ng room ko sa Hospital. Kasama ko si papa ngayon, umaalalay siya sa akin at masaya ang kanyang mga mata. Siguro dahil pumayag din akong lamabas. "Anak, alam kong magiging masaya ka." Ani niya. Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman, pa! Ako pa ba?" Biro ko sa kanya. Magiging masaya ako kapag nawala na ako kase hindi narin sila mahihirapan katulad ng nakikita ko araw araw kapag nasa hospital sila.

Inilibot ko ang paningin ko sa labas ng simbahan, sarado ang pinto. Napasimangot ako, "wala namang tao, pa!" Nakasimangot kong sabi, napanguso pa ako kay papa. Narinig kong tumawa ng mahina ang papa tapos parang iiyak siya. Napakunot ang noo ko. "M-may tao diyan, anak. Halika pasok tayo huh?" Naguguluhan man ay sumunod ako kay papa. Naka-abre siete ako sa kanya. Sabi niya ganoon daw dapat eh. "Papa naman eh. Balik nalang tayo sa hospital, baka po bigla nalang akong mahimatay dito. Ang init po oh." Sabi ko sa kanya.

HIndi niya ako pinansin, marahan niyang itinulak ang pintuan at pagbukas nito ay nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 224 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
73.7K 173 15
SPG
28.6K 68 7
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
701K 23.2K 80
an epistolary