You Are My Destiny (Thiago Ja...

By RosarioTheGoddess

242K 5.8K 258

Thiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na la... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Final Chapter
Extra Chapter

Chapter 2

11.6K 271 11
By RosarioTheGoddess

"Sa wakas, pare. Akala ko narape ka na sa daan!" tatawa tawang wika ni Frazier habang sinasalubong siya sa hagdan ng malawak at maaliwalas na mansyon ng mga Gonzales.

"Gago. Kung hindi ako nalowbatt di sana kanina pa ako nandito." tinapik niya ito sa balikat.

"Nanggaling na ako sa presinto at lahat lahat ngayon ka lang nakarating. Magpapa-patrol na sana ako para hanapin ka." ngiting iling nito. Iginiya na siya nito papasok sa mansyon. "Kanina ka pang tanghali hinihintay ni Lolo, pare. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan ninyo pero sana pagbigyan mo na si Lolo." malungkot na ngumiti ito. Hindi lingid sa kaalaman niya na medyo nanghihina na ang matandang Gonzales kaya naman hindi na rin siya nakatanggi sa Lolo niya dahil nag-aalala lang ito para sa matalik nitong kaibigan.

Tinanguan niya lang ito at nagpahatid na sa opisina ng matanda. Kumatok siya sa pintuan at agad ding pumasok nang sabihin nito. Nakita niyang nakatanaw ito sa labas ng bintana. Nang lumingon ito sa kanya at ngumiti ay mababakas sa mga mata nito ang kalungkutan. "Thiago hijo, maupo ka."

"Alam kong wala akong karapatan na utusan ka para ipahanap ang apo ko dahil andyan naman si Frazier para hanapin ang nawawala niyang kapatid. Pero hijo.. sana tulungan mo ako mahanap ang apo kong si Venus Moira. Hinanap na kung saan saan ng anak kong si Fabian ang anak niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa na mahahanap si Venus. Ikaw na lang ang inaasahan ko, hijo. Pakiusap.. pakihanap si Venus."

"I can't promise you anything, Don Gonzales. Venus was kidnapped when she was a baby so I don't have any idea on what she looks like. But I will do my best to help you and your family."

Nakauunawang tumango naman ito at ngumiti ng malungkot. "Maraming salamat, hijo."

PAGKALABAS niya ng opisina ay kaagad siyang bumaba. Nakasalubong niya si Frazier na busy sa pagkabit sa kung anu-anong pin sa uniporme nitong pang-pulis. "Saan ka pupunta?" tanong niya rito.

"Kailangan ako sa opisina. May dinala si Cindy eh. Matagal nang pinaghahanap na snatcher sa Sitio."

Cindy.. can it be that girl? "Sasama ako."

Kumunot ang noo nito. "Hindi ko kailangan ng bodyguard."

"Gago. Gusto ko rin makaikot ngayon sa Sitio para maging pamilyar sa akin ang lugar."

"Alam ko yun." ngisi nito. "Kamusta pag-uusap ninyo ni Lolo?" wika nito habang pababa ng hagdan ng mansyon.

"It went well." kibit balikat niya. "Draw me a sketch papunta dun sa school na iisponsoran ni Lolo. Pupuntahan ko bukas. May pinapaasikaso siya saken."

"O sige. Ako nang bahala dun."

"CINDY naman. Please! Last na! Pakawalan mo na ako!" pangungulit ng matandang snatcher sa kanya.

"Alam mo manong. Kung nagtatrabaho ka lang sana ng marangal pagbibigyan kita eh. Eh wala ka namang trabaho. Ang mga anak mo pa ang pinagtatrabaho mo. Nahihirapan din sila tuwing kinukuha mo ang pera nila pang-inom mo. Alam mo bang iniipon nila yun para lang makapasok sila sa paaralan araw-araw? Pero ano? Gin pa more!" sermon niya dito habang hinihintay ang magbo-blotter ditong pulis.

"Hindi ko na din kasi mapigilan yung sarili kong uminom eh. Hindi ko maialis na sistema ko. Parang uhaw na uhaw ako lagi. Pero alak lagi ang hinahanap ko imbes na tubig. Alam ko naman na ginagawa ng mga anak ko ang lahat ng makakaya nila para mabuhay at makaraos lang kami araw-araw eh. Pero kailangan ko rin sila tulungan." naglulumuhod na pagmamakaawa nito.

"Pero, manong. Andun na tayo eh. Gusto mo silang matulungan? Wag kang gumawa ng katarantaduhan! Wag kang magnakaw sa kapwa mo! Hindi rin biro ang paghihirap nila para lang nakawan mo ng bagay na pinaghirapan nila. Hindi madali kumita ng pera! Hindi madali ang magtrabaho. Kaya kung gusto mong makatulong sa mga anak mo, humanap ka ng marangal na trabaho at pagsikapan mong magtrabaho. Hindi yung puro alak na lang ang katapat ng problema. Pano kung magka-cancer ka sa atay? Paano na ang pamilya mo? Mas malaki pa ang gastos nun. Gastos sa ospital, gastos sa pag-embalsamo, gastos sa libing, gastos sa ipapakain sa burol, gastos sa---"

"Oo, alam ko naman na mali ako eh. Pero Cindy para lang talaga to sa mga anak ko. Alam ko naman na maaring di na ako makahanap ng trabaho dahil ano lang naman ako? Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. At ilang taon na rin naman ako.. Pero sisikapin kong magbago para sa mga anak ko. Kahit na ikulong pa ako ngayon.. tatanggapin ko. Pero magbabago na ako pagkalabas ko sa presinto na to. Pipilitin kong magbago." umiiyak na wika nito.

Malalim na napa-buntunghininga siya. "Ang drama mo naman, manong. Oh panyo!" inabutan niya ito ng panyo galing sa bulsa niya.

May narinig siyang tumikhim sa likuran niya. "Ehem."

Awtomatikong napangiti siya at napatayo. Sumaludo siya rito sabay bati. "Magandang gabi, Boss Chief Pogi!"

"Hi, Cindy. Magandang gabi din sa'yo." ngiting pinaupo siya nito. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" umupo ito sa mesa katapat niya.

Inginuso niya si Manong Oscar na nakayuko lang. "Nang-snatch kanina sa tapat nila Aling Nena." tinanggal niya ang posas nito at ikinabit ang posas sa susian niyang nakaipit sa pantalon niya. Pinosasan naman ito ng dalawang pulis na nakabantay rito.

"Pasensiya na sa abala, Cindy. Ikaw itong babae at ikaw pa talaga ang nagdadala ng mga kriminal rito sa police station. Hindi ka ba nasaktan?" waring nag-aalalang wika nito.

Nakangiting umiling siya. "Hindi naman, Boss Chief Pogi. Okay lang naman ako. Kailangan ko na rin umalis. Baka talakan nanaman ako ni Tiyang Lupe. Hindi pa ako nakakalinis sa karinderya pero andun na si Ferdie at Tope. Sige una na ako, Boss Chief Pogi." nakangiting kinawayan niya ito habang patalikod na naglalakad. Agad siyang napalingon nang may mabangga siya. Hindi pa siya nakakatingala ay biglang nabahing siya. "Pasensiya na." kinamot niya ang ilong niya.

Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga mata. Pucha! Ang gwapo naman nitong mamang to. Itim na itim ang mga mata nito at medyo may kahabaan ang mga pilikmata. Napakatangos rin ng ilong at napakapula ng mga labi. Ang mukha nito'y medyo may kasungitang taglay hindi katulad ni Boss Chief Pogi na laging nakangiti. Matangkad rin ito at maganda ang tindig ng katawan. Hula niya ay lagpas sa anim na talampakan ang taas nito dahil umabot lang siya sa balikat nito. Pero mas gwapo siya kay Boss Chief di hamak.

"Are you okay?" tanong nito sa kanya. Jusmiyo! Boses pa lang.. ulam na!

"Ah.. o-okay lang a-ako." inayos niya ang cap niya. Lumayo siya rito para bumahing. Inabutan siya ni Boss Chief Pogi ng panyo.

"Siya nga pala, Cindy. Si Thiago nga pala. Kaibigan ko." pagpapakilala rito ni Boss Chief Pogi Frazier.

"Ah.. Magandang gabi sa inyo, sir Thiago." inilahad niya rito ang kamay niya pagkatapos niyang ipunas iyon sa kanyang pantalon.

"Thiago na lang. Nice to meet you, Cindy." nakangiting wika nito at inabot ang kamay niya. Naramdaman niya ang milyon milyong boltaheng gumapang sa kamay niya nang kamayan siya nito. "Salamat nga pala sa pagkuha mo ng cellphone ko kanina ah? Kung hindi mo ginawa yun malamang nagkandaligaw ligaw na ako rito sa Sitio niyo."

"Huh?" naguguluhang wika niya.

"Ah! So si Cindy pa ang kumuha ng cellphone mo sa snatcher?" natatawang wika ni Boss Chief Pogi.

Natawa rin ito. "Ah! Ikaw pala yun!" mahinang wika niya. "Pero hindi na talaga ako magtatagal, sir.. Boss Chief Pogi. Gabi na rin kasi eh. Una na talaga ako."

"Salamat uli, Cindy." nakangiting wika nito.

"Ingat ka pauwi, Cindy!" pahabol pa ni Boss Chief Pogi.

Hawak niya ang dibdib niya nang makalabas sa presinto. Nagpakawala siya ng hininga na hindi niya alam ay nahinto pala nang makita niya ang lalaki. Malakas ang kabog ng dibdib niya hanggang ngayon. Marahil kasi ay ngayon lang siya nakakita ng ganon kagwapo na lalaki. Mas gwapo pa nga siya kaysa kay Piolo at Sam eh. Jusmiyo! Pero bakit ganun? Nang makita niya naman si Boss Chief Pogi Frazier na gwapo rin naman ay hindi naman ganoon ang reaksyon ng puso niya? Ay naku, Cindy! Wag mo na siyang isipin. Isipin mo na lang ang pagpunta mo bukas sa school para sa interview mo with Don Crisostomo Fernandez. Tama! Yun nga!

"TIYANG! Aalis na ho ako!" wika niya habang inilalagay sa bag niya ang kanyang mga kakailanganin para sa requirements. Tumawag kasi siya kagabi dun sa professor na nakaupa sa Tiyahin ni Tope para malaman ang kanyang mga dadalhin.

"O sige! Bumalik ka kaagad! Maraming gagawin ngayon dito." sigaw nito mula sa kusina ng karinderya.

"Opo!" tatanggalin na sana niya ang kadena ng pedicab nang may humintong isang itim na magarang sasakyan. Nanlaki ang mata niya nang ibinaba nito ang bintana ng kotse nito.

Mukhang nagulat rin ito nang makita siya. "Oh. It's you. Good morning, Cindy." nakangiting wika nito.

Pucha! Pakipulot ang panty ko! "H-Hi. Magandang umaga." Ang gwapo niya kapag nakangiti.. nawawala ang untouchable niyang aura kapag ngumingiti siya.

"Pwede bang magtanong?" lumabas ito ng sasakyan at tumabi sa kanya.

Napalunok siya nang maamoy niya ito. Amoy na amoy niya ang panglalaking pabango nito na talaga namang nakakapanlambot ng mga tuhod. "A-Ano iyon?"

"Saan itong Santa Barbara College? Kanina ko pa kasi iniintindi ang sketch ni Frazier pero ang pangit ng sulat niya kaya hindi ko maintindihan." kamot sa batok na wika nito.

Tiningnan niya ang papel na hawak nito. Nahilo yata siya sa sulat na nakikita niya. "Ah. Medyo malayo pa kasi iyon. Mga tatlumpung minuto ang aabutin kapag pupunta ka dun. Sa may bayan kasi iyan."

"Ah.. pasensiya na sa abala ah. Hindi ko kasi kabisado ang lugar dito."

"Kung gusto mo sumunod ka na lang sa akin. Dun din naman ako pupunta." wika niya rito nang matanggal ang kadena ng pedicab niya.

"Bakit di ka na lang kaya sumakay sa sasakyan ko. Sa tingin ko mas mabilis tayong makakarating doon." suhestiyon nito.

Oo nga naman.. pero kasi siyempre di naman kita gaanong kilala no!

"You can trust me. Kapag may ginawa akong masama posasan mo lang ako. Di ako manlalaban." itinaas pa nito ang kanang kamay nito.

Natawa siya rito. "O sige na nga. Medyo nagmamadali rin naman ako. May interview din kasi ako dun ngayon eh."

"Tara na?" nakangiting pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan nito.

Tumikhim siya. "Hindi ko ba madudumihan yang sasakyan mo?" atubiling tanong niya rito.

Ngumiti ito at umiling. "Hop in. Kung ayaw mong malate."

Agad siyang sumakay at umupo. Gumilid na rin agad ito sa driver's seat at ikinabit ang seatbelt nito. Nang tumingin ito sa kanya ay ginaya niya ito. Ngunit hindi niya mahila ang seatbelt. Lahat na yata ng lakas niya ay inipon na niya para lang makabit iyon pero ayaw talaga. She heard him chuckle. Nanlaki ang mata niya nang halos tumama na ang labi niya sa napakakinis at kayumanggi nitong pisngi. Napalunok din siya nang maamoy ang mabango nitong pabango na talaga namang nakakaadik. "Ayan. May kakapain ka muna na maliit na pindutan atsaka mo hihilahin ang seatbelt." inayos nito ang pagkakakabit sa kanya ng seatbelt. Amoy na amoy pa rin niya ang mabango nitong hininga. Shet. Ang bango niya. Tumatambay sa ilong!

"Kumain ka na ba ng breakfast, Cindy?" tanong nito sa kanya nang hindi tumitingin sa kanya.

"Ahm.. kakain na lang ako pagkarating sa bahay."

Saglit siyang tiningnan nito at nagulat siya nang lumiko ito at itigil sa parking lot ng isang sikat na fastfood chain ang sasakyan nito. "Kain muna tayo. My treat. Di ako pinakain ni Frazier eh."

Wala sa sariling napatango na lang siya. "Okay.."

Pagpasok nila ay agad itong pinagtinginan ng mga tao sa loob ng naturang establishimyento. "Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Ahm.. kahit ano na lang. Ikaw na ang bahala. Hahanap lang ako ng mauupuan natin." sabi niya rito. Parang hindi kasi siya nababagay na maging katabi ito. Pormang porma kasi ito ngayon. Naka-black suit ito at talaga namang mabangong mabango. Samantalang siya ay naka-long sleeves white polo lang, pantalon at rubber shoes. Maayos rin na naka-tirintas ang mahabang buhok niya ngayon.

Nagulat siya nang may narinig na tumili na mga babae. Natawa na lang siya nang makitang pagkaguluhan ito ng mga babae. Nagkandarapa na magpapicture ang mga ito dito. Wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa mga ito.

"Ah.. mawalang galang na mga miss. Pero etong si Kuya pogi ay nanananghalian lang. Maari bang hayaan na natin siya kumain ng matiwasay?" nakangiting saway niya sa mga ito.

"Eh! Miss! Boyfriend mo ba siya? Kahit isang kiss-- este picture lang oh. Please!"

"Oo nga! Isa lang!"

Natatawang umiling siya. "Sorry pero mukhang gutom na siya eh. Di ata kayo mapapagbigyan. Next time na lang ah?"

Iginiya na niya si Thiago sa bakanteng mesa na kanina'y inokupahan niya. "Salamat uli, Cindy. I don't know what I'll do without you." iling iling na wika nito.

"Matuto ka kasing tumanggi." natatawang wika niya. "Teka nga.. artista ka ba?"

Mariing umiling ito. "No."

"Model?"

"No."

Napatango siya. "Ah. Siguro kasi gwapo ka kaya napagkamalan kang artista. Pormal na pormal rin kasi ang pananamit mo."

"I'm going to attend a meeting at Santa Barbara College that's why I'm wearing a formal attire. Ikaw? Anong gagawin mo dun?" wika nito habang ngumunguya ng french fries.

"Ah. May interview ako dun." inabutan siya nito ng burger at inayos ang mga pagkain sa tapat niya. "Salamat."

"Are you applying for a job there?"

Umiling siya. "Scholarship."

"You should've told me earlier. Kumukuha ng scholars ang Lolo ko. Pwede ka niyang gawing scholar ng Santa Barbara." inabutan niya ito ng tissue para punasan ang bibig nito na puro ketchup at mustard na. "Thanks." agad naman nitong pinunasan ang gilid ng bibig nito.

"Meron na akong naapplyan eh. Interview na lang raw. Under kay Don Crisostomo Fernandez."

"That's my grandfather. Mabuti naman at napunta ka sa kanya. May ibang sponsor kasi na masasama ang ugali." tumatangong wika nito.

"So.. siya ang makakausap ko mamaya?"

"No. Ako. Ako ang magiinterview sa'yo."

Continue Reading

You'll Also Like

299K 5.7K 66
(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga...
1.4M 29.4K 42
Hailey Summer Lance- a mother at the young age of 16, itinakwil nang magulang dahil isa lang raw syang kahihiyan. Naging batang ina, nakipagsapalaran...
230K 5K 28
They were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come b...
168K 3.3K 23
Paano ka ba huhusga ng isang tao lalo na kung isang bakla or tomboy? Si Alison ay isang tomboy at palaging nasasaktan sa pag-ibig pero palaging nandi...