I am Your Lady Butler [Revise...

By helpless15

156K 3.4K 975

Love can be the brightest flame. You can be a player or a toy. It's a playful game, I Yarumi Ashley Kang ente... More

I am Your Lady Butler
[1] - T h e S h o e s
[2] - E v i l P r i n c e
[3] - M e m o r i e s o f r a i n
[4] - F o r S a l e
[5] - T h e P a s t
[6] - D e f e n s e o f t h e A n c i e n t
[7] - B i t c h e s
[8] - D a t e
[9] - F i g h t
[10] - S o r r y
[11] - P r e t e n d
[12] - A y e s h a M i n
[13] - H a t r e d
[14] B e h i n d T h e S c e n e
[15] U n t i t l e d
[16] L o v e - H a t e
[17] I n f i n i t e BROTHERS
[18] U n e x p e c t e d
[19] S i d e S t o r y
[20] - W e i r d
[21] - U n s a i d
[22] - I'll w a i t
[23] - H o w
[25] - B e l i e v e
Chapter 26 (A Night And Day With Mr. Stranger)
Chapter 27 (Its Over Time To Let Go)
Chapter 28 (Untold Story)
Chapter 29 (DRAY)
Chapter 30 (The Beginning Of Everything)
Chapter 31 (Back off, Bella is Mine)
Chapter 32 (Damoves ni Dray)
Chapter 33 (Hi, Alfonso Nickanor Stefanny)
Chapter 34 (Christmas Is Coming)
Chapter 35 (December 23)
Chapter 36 (Yes! Christmas soon, But)
Chapter 37 (Chirstmas--New Year)
Chapter 38 (She's Back)
Chapter 39 (Lost Feeling)
[40] -B l i n d n e s s
[41] - A r t o f l e t t i n g g o
Importanteng anunsyo mula sa dyosa ;)
[42] T h e R e t u r n
[43] - U n c o v e r i n g
[44] - F a c e O f f
[45] - A c c i d e n t
[46] - O v e r Y o u
[47] - L a s t D a t e?
[48] - B a t t l e O f P r i d e
IMPORTANT ANNOUCEMENT!
[49]- Revelation

[24] - F i n d i n g H e r

2.4K 51 2
By helpless15

Yarumi's



Gumising ako ng maaga para maghanda ng almusal ni Dray. Monday na naman ngayon kaya magkakasama na ulit kami sa school. Hindi padin kami nag-uusap tungkol sa nangyari noong isang gabi. Pakiramdam ko naging OA lang ako dahil basta na lang ako pumutak noong mga panahon na yun na hindi ko man lang siya tinanong kung saan ba siya nang galing at kung bakit siya na late.


Nanligo na muna ako bago bumaba. Nagluto ako ako ng scrambled egg at nag gawa ng club house sandwich. Kahit ako na yung nag-antay sa ulanan nung gabi na yun parang ako padin yung kailangan mag sorry. Nakakainis.


Nakarinig ako ng mga yabag mula sa hagdan at sigurado si Dray na yun. "Ehem." pagpapansin ko sa kanya.


Diretso lang siyang umupo sa hapagkainan, yung ibang maids naman inasikaso yung inumin siya. Umupo ako sa may gilid niya at sinulyap-sulyapan siya.


"Dray.."


"Yarumi.."


Nagkasabay pa talaga kaming dalawa, ang awkward tuloy. Ano bang bago away bati lang naman kami ng kumag na 'to.


"I'm sorry.."


"I'm sorry.."


Ano ba yan magkasabay na naman kami, sakit nito sa ulo ah. Tumango ako sa senyas na siya na ang mauna magsalita. Saglit siyang umubo ng konti, sarap sana pakainin nito ng bicol express yung tipong isang kilong sili yung nakalagay.



"Kaya hindi agad ako nakasipot nung gabing yun ay dahil umuwi ang parents ko, urgent kasi. I'm sorry dahil pinag-intay kita. In addition nga pala ang pangit mong magalit."


Sinasabi niya habang nakain nung ginawa kong sandwich! Napahawak naman ako bigla ng madiin dun sa tinidor ko walanghiyang 'to konti na lang isasaksak ko na sa kanya itong tinidor eh. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.


"Nag over act lang siguro ako. Okay na tayo ah? Hirap mo pa naman kaaway baka di mo ako paswelduhin." tumawa na lang ako ng malakas pero sa loob loob ko napapaisip ako, ano ba talagang status namin?


Noon sinabi niya na girlfriend niya ako hanggang valentines pero this past few days di naman niya nauungkat yun. Butler nga lang talaga siguro ako at amo ko siya. Hindi kami pwede. Hindi pa naman ganun kalalim ang nararamdaman ko sa kanya infatuation lang siguro 'to pero bakit parang nakakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko?



"Ano wala balak tumayo sa lamesa? Pati plato balak kainin?" napukaw naman niya bigla ang atensyon ko kaya napatingin ako sa relo ko oras na pala para pumasok na kami. Tumayo na din ako at pumunta sa kotse para ipag drive siya.


Binuksan ko ang radio ng kotse para naman di boring. Malay ko ba kasi sa isang 'to di na naman umiimik. Tumutugtog yung kanta ni Justin Timberlake na Not A Bad Thing. Nice song.


Said all I want from you

Is to see you tomorrow

And every tomorrow

Maybe you'll let me borrow, your heart

And is it too much to ask for every Sunday?

An while we're at it throw in every other day to start


Ang ganda talaga ng kantang 'to kahit babae ako nakakrelate ako. Tuloy lang ako sa pakikinig tapos pagtingin ko sa rear view mirror napapakanta na din pala si Dray. Napangiti naman ako bigla.


Ang gwapo niya tingnan kahit simple lang siyang manamit, kapag naaalala ko n may katangahan side din ang lalaking 'to di ko mapigilan ngumiti.


I know people make promises all the time

Then they turn right around and break them

When someone cuts your heart open with a knife and you're bleeding

But I could be that guy to heal it over time

And I won't stop until you believe it

'Cause baby you're worth it


Kumanta lang siya ng kumanta hangga't sa matapos. Maya maya pa ay nagsalita siya. "It's not a bad thing to fall inlove again, right?"


Bakit ganun? Sobrang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano bang mali dun sa sinabi niya? Ano 'toi? Hypertension? "Ha? Naka relate ka sa kanta 'no? Yes, tama ka it's not a bad thing to fall inlove again. Dahil kapag ipinilit mo padin yung sarili mo sa taong wala na, mas masasaktan ka lang."


"Then, shall I try falling inlove with you?"


Bigla akong napatapak sa preno sa huling salita na binitawan niya. Hindi naman siya nagjojoke na naman diba? Kasi aaminin ko, asadong asado na ako.


"Y-you must be j-joking, Dray. I'm just your butler at saka katuwaan lang natin yung pagiging grilfriend ko kuno nadadala ka lang siguro nun. we're friends at the same time kaya imposible yang sinasabi mo." tumawa na lang ako ng malakas matapos kong magsalita.


Kahit may sweet moments na kami para bang may nagpipigil sakin na hindi dapat lumalim yung pagkagusto ko sa kanya dahil sa oras na lumalim na wala na hindi na ako makakaahon pa. Saglit siyang nag-isip at tumawang muli.


"Hahahahaha, siguro nga. Don't mind me kapag ganun ako sayo ah praning lang ako siguro. Kailangan ko lang ng kausap kapag ganun ako, and thank you for staying beside me."


Ngumiti na lang ako sa kanya. Tama Dray, baka nappraning ka lang. At sa tingin ko dapat itigil mo na yang kapraningan mo kung hindi mo naman ako sasauhin.


Nag park na ako parking lot ng Misaki University at nag diretso na ako sa classroom ko.Si Dray naman dire-diretso lang din. Natanaw ko naman si Bella kaya nag wave ako sa kanya para ma notice niya ako. Tumakbo naman siya papalapit sakin.


"Kamusta? Wow ha blooming ka ata Bella!" umakto naman siyang babatukan ako. Gaga talaga ang babaeng 'to.


"Ginagago mo ba ako ha Yarumi? Mukha pa bang blooming itong hitsura ko eh stress na stress na ako this past few days!"


"Hindi ka pag nagk-kwento sakin, ano ba yun?" tiningnan niya naman ako sa mata as if she's begging for miracle. Baliw na babae, lalaki na naman problema.


"Don't tell me na inlove ka na?!" tinignan naman niya ako ng masama saka diretsong binatukan na. "TEKA HA! ARAY!-"


"I'll tell you na lang next time... makiki sit in ako sa klase mo ha? Let's go!" saka naman niya ako hinila. FULL FORCE! Ano bang nangyayari ss babaeng 'to?


Wala pa yung prof namin kaya naupo na kaming dalawa. Absent na naman si Dray, ano kayang pinagkakaabalahan nun di man lang mag share.


"Yarumi, bagong BB cream sayo na oh." tiningnan ko si Bella at kinuha yung BB cream okay na 'to para hindi lang mag dry yung balat. Maya maya pa ay kung ano-anong cosmetic products na ang nilabas niya. Teka, dealer ba siya?


Tapos kung ano-anong jewelries ang inilabas at sinuot yung mga kaklase ko naman iba inggit na inggit.


Sinubsob ko na lang mukha ko sa desk ang ingay ni Bella. Jusko po.


Rain's


Pagpasok ko sa classroom ang iingay ng mga babae tapos sa bandang dulo natanaw yung heartbreaker of the town na si Bella Alvarez, bestfriend ni Yarumi.


Nakasubsob siya sa desk ngayon pihado dahil sa ingay ni Bella. Halos awayin na lahat ng babae at beki dito sa loob ng classroom.


"Hi Yarumi!" masayang sigaw ko sa kanya. Napatunghay naman siya na ppungas-pungas.


"Oh! Hi Rain, kamusta?" ngumiti ako sa kanya at nag okay sign. Tumawa na lang naman siya.


Ang tagal naman ata ng prof namin late na siay ng 10minutes. "ATTENTION TO ALL STUDENTS, MAY YOU PROCEED TO THE HALL OR LOBBY FOR SOME MAJOR ANNOUNCEMENTS ABOUT THE SCHOOL. THANK YOU."


Umalingawngaw sa buong Misaki University ang sigaw ng PA ng school at kaagad kaming nagtayuan para lumabas ng classroom ko.


"Sabay na tayo?" alok ko kay Yarumi. Wala naman si Dray kaya okay lang. Hahahaha.


Nag nod naman siya sakin. Pinapili ko siya kung sa lobby ba kami pupunta o sa Hall. Mayroon kasing bigscreen sa lobby at hall ng university dun inilalabas ang mga major annoucement about the school. Dalawa siya kasi para maghati ang mga studyante masyado kasing masikip kapag sa hall o lobby lang.


Ngakumpol-kumpol kami sa lobby at nagsimula ng buksan ang screen. Sa una puro related business video siya. Facilities ng isang company. Masasabi kong, napaka ganda. Nagsunod-sunod ang video na nagpapakita ng mga resorts, cosmetic products, high technologies and everything. Biglang nag black yung screen at nagsimula ng mag-ingay ang mga studyante.


"Wow! Ang ganda naman ng mga pinakita dun sa screen!"


"Ano na naman kaartehan 'to ng Misaki University?!"


"Nakakabagot ha!"


Sari-saring side comments ang naririnig ko. Nang mag fade out ang black sa screen umalingawngaw naman ang malakas na background music habang naka flash sa screen ang ...


"KANGSAN GROUP!"


"WOAH! GANYAN PALA KAYAMAN ANG KANGSAN GROUP!"


"DIBA SILA DIN ANG MAY-ARI NG YUSANG FINANCIAL GROUP?!"


Napakunot ang noo ko bigla at saglit na tiningnan si Yarumi. HIndi ko naman pinahalata. Of course I know her very well, at sa pagkaka alam ko noon pa man mga bata kami siya ang magiging heiress ng napakalaking group na yan.


Bigla ulit nag fade out ang screen at nag flash dito ang Chairman ng Kangsan Group. Yarumi's Grandfather.


"Good morning students of Misaki University!"


Yarumi's


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. So, Kangsan Group is trying to invest in Misaki University? Wow.


Napakagat ako bigla sa labi ko, kung ano-anong gossips ang naririnig ko. Sa isang banda naman natanaw ko ang grupo ng mga lalaking naka suit at sa tuxedo nila may naka burda sa gilid na 'Kangsan Group' so it means, my Grandfather is here?! No! It can't be! Kailangan kong maka-alis dito.


"Rain, mauna na ako ha. Natatae na kasi ako. Bye!" saka nagtatakbo na ako. Pagdaan ko sa CR may nabunggo akong lalaki si Dray.



"Ano ba Dray! Grabe ha papatayin mo ba ako sa takot?" napa ismid lang naman ang loko.


"Nagkakagulo ngayong mga studyante, the chairman of the Kangsan Group announced that nasa paligid lang ang tagapagmana niya ng Kangsan Group. Napaisip tuloy ako baka mapagkamalan ka, kaapelyido mo eh. Pero sa hitsura mo? Mukhang wala ang alam sa ganitong bagay."


Announced? Ano na naman ang kalokohan ng matandang yun? Alam ba niyang nandito ako? No! Ano 'to missiong impossible: Finding Her. Gusto ko mapa head bang sa iniisip ng matandang yun. We're not even in good terms!


"Kung sino man tagapagmana yun pwede na siya manligo sa pera."


"Bingo! Pero ha laki ng na invest nila dito sa school. Cutting tayo?"


Nanlaki naman ang mata ko, lakas magyaya ng cutting ah? Napaisip ako kapag nag cutting ako kasama siya makakatakas ako sa Kangsan Group. Bahala na nga.



"Sure." sabay ngiti ko sa kanya.


"Kahit saan pambawi ko man lang sa nangyari noong isang gabi."







Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 177 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
5.7K 357 24
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
144K 2.8K 62
Engagement - Married Life - New Beginnings
7.5K 241 15
AshMatt fanfic