I am Your Lady Butler [Revise...

By helpless15

156K 3.4K 975

Love can be the brightest flame. You can be a player or a toy. It's a playful game, I Yarumi Ashley Kang ente... More

I am Your Lady Butler
[1] - T h e S h o e s
[2] - E v i l P r i n c e
[3] - M e m o r i e s o f r a i n
[4] - F o r S a l e
[5] - T h e P a s t
[6] - D e f e n s e o f t h e A n c i e n t
[7] - B i t c h e s
[8] - D a t e
[9] - F i g h t
[10] - S o r r y
[11] - P r e t e n d
[12] - A y e s h a M i n
[13] - H a t r e d
[14] B e h i n d T h e S c e n e
[15] U n t i t l e d
[16] L o v e - H a t e
[17] I n f i n i t e BROTHERS
[18] U n e x p e c t e d
[19] S i d e S t o r y
[20] - W e i r d
[21] - U n s a i d
[22] - I'll w a i t
[24] - F i n d i n g H e r
[25] - B e l i e v e
Chapter 26 (A Night And Day With Mr. Stranger)
Chapter 27 (Its Over Time To Let Go)
Chapter 28 (Untold Story)
Chapter 29 (DRAY)
Chapter 30 (The Beginning Of Everything)
Chapter 31 (Back off, Bella is Mine)
Chapter 32 (Damoves ni Dray)
Chapter 33 (Hi, Alfonso Nickanor Stefanny)
Chapter 34 (Christmas Is Coming)
Chapter 35 (December 23)
Chapter 36 (Yes! Christmas soon, But)
Chapter 37 (Chirstmas--New Year)
Chapter 38 (She's Back)
Chapter 39 (Lost Feeling)
[40] -B l i n d n e s s
[41] - A r t o f l e t t i n g g o
Importanteng anunsyo mula sa dyosa ;)
[42] T h e R e t u r n
[43] - U n c o v e r i n g
[44] - F a c e O f f
[45] - A c c i d e n t
[46] - O v e r Y o u
[47] - L a s t D a t e?
[48] - B a t t l e O f P r i d e
IMPORTANT ANNOUCEMENT!
[49]- Revelation

[23] - H o w

2.4K 53 2
By helpless15

A/N: Ang chapter na ito ay flashback, kung paano ba naging butler si Yarumi. Sa mga dati kong readers ang mababasa niyo dito ay yung pinaka chapter 1 ng story ko dati noong hindi pa ito revised edition. Hindi porke't ni-revised ko pinaltan ko na din ang storyline, nagkakamali po kayo. The thought of the story is still the same, may nadagdag lang po. Sa mga magtatanong why ko daw nirevise kasi ito yung sa tingin kong better way kung paano ko maipaparating yung story. with proper deliveration and punctuation marks. Still, I do have some errors so don't mind it. 

Yarumi's

Nakaupo ako ngayon sa upuan sa isang park habang kinakain-- este nilalamon ang isang cotoon candy. Gutom na ako, di pa nag umagahan tapos ang tanghalian cotton candy. Kasalanan ko bang naubos ko na agad yung perang nakuha sa pag sideline bilang librarian. Napabuntong hininga na lang ako.

Tiningnan ko ang mga batang naglalaro, parang wala silang problema. Nakakainggit. Tinitingnan ko ang bawat dumadaan at isang lalaki ang nakapukaw ng atensyon ko. Matangkad, matangos ang ilong, puro ang kutis. 

Parang tumigil ang oras, tumigil lahat ng tao sa paligid at pakiramdam ko kami lang ang gumagalaw. Saglit siyang napatingin sa gawi ko at mas lalo kong nasilayan ang gwapo niyang mukha. Ang mga mata niya ay malalamig ngunit nakaka akit.

Wala sa panahon nabitawan ko ang cotton candy ko at napasabi ng "I'm inlove."

Bumalik ako sa realidad at nakita ko siyang papalayo na. Tss, baka di na ulit kami magkita. Pagtingin ko sa katabi ko, isang matandang babae. "Hija, mukhang titig na titig ka sa binatang iyon kanina ha."

Nagulat ako sa sinabi ni Lola. "Ahh. . ano po kasi." 

"Gio Dray Min ang pangalan ng binatang iyon." Gio Dray Min? Pati pangalan napakasarap pakinggan sa tainga.

"Ganun po ba? Teka, paano niyo po pala nalaman?" ngumiti sakin si Lola bago sagutin ang tanong ko.

"Minsan na niya kasi akong tinulungan nung nadisgrasya yung mga paninda ko. Paano ba hija, mauna na ako."

Napangiti ako, mabait din pala siya? Sa sobrang pagkasaya ko dahil sa lalaking iyon nakalimutan ko ang gutom ko at bumalik na lang sa Misaki University. Kita ko na naman ang feeling bigben clock ng school namin, saktong 1:00pm.

Tuloy tuloy lang ako at pumasok sa klase ko. Nakikinig lang ako sa teacher ko. Kasalukuyan Bachelor of arts in English ang kinukuha or BA English. Ayaw ko kunin ang business administration kahit sinabi nila nun na ako ang magiging tagapagmana ng Kangsan Group.

Yung mga tao dito sa University hindi nila alam na ako ang nag-iisang apo na lang ng Chairman ng Kangsan Group. Paano ba naman yung dugong kong Kuya lumayas na din. Oo tama, naglayas na din ako. Hindi ko naman sila gaano ka hate kaya gamit ko padin ang apelyido ng mga Kang. Wala din naman ideya yung mga estudyante dito dahil ang Kangsan Group ay never kaming isinapubliko ng Kuya ko pamula noong bata kami. Kaya para sa akin advantage na din yun.

"Our positive word for the day is 'enjoy'." napakuaw naman nung prof namin ang atensyon ko. 

Nagtaas naman ng kamay yung isa kong matalinong kaklase. "Can you explain why?"

Tanong niya, ito lang ang gusto ko sa pagpasok ko araw-araw dahil sa matandang dalaga kong teacher. She's always giving us positive words everyday at dahil dun na mo-motivate ako lalo na kaya kong mabuhay mag-isa. Nakakapag-aral ako with the help of scholarship. Pamula nung naglayas ako mismong sila pa ang nag-ayos ng fake family registration ko. Kung saan inabandona ako ng mga totoo kong magulang.

"Enjoy, bakit nga ba? In my own words, live with freedom. Just enjoy what you are and what you are doing. You must not care about the opinion of others as long as you enjoy. In order to love things, you must appreciate and enjoy it. As we all know, it is a positive word that for me is we live once so we must live to the fullest.." ngumiti siya bago ulit agsalita.

"Okay, class dismiss." napangiti na lang ako. Yan ang gusto ko sa teacher na yun, hindi niya intiindi yung sasabihin ng iba. Just like me, isa lang ako mere commoner sa school na 'to. Hindi bully at hindi target ng bullying.

Lumabas ako sa classroom habang bitbit ang aking school bag at ilang mga libro. Uuwi na muna ako ng maaga sa dorm ko para mag-aral sa darating na finals namin. I'm 19 years old, 4th year college.

"Dyaryo! Dyaryo! Bagong bagong balita at hindi pa bilasa." napatawa na naman ako kay Manong. Lumapit ako para bumili baka sakaling makakita ako ng sideline job.

"Manong isa nga po." binigyan ko naman siya ng bente pesos saka nagsimula ng basahin ang dyaryo.

Sakto naman biglang humangin kaya nilipad yung isang page. Dali dali ko itong hinabol at pinulot. Pagtingin ko sa dyaryo.

Wanted: Butler of Gio Dray Min. Contact this number 090512345678.

As in grabe ha, full page yun lang ang laman! Grabe naman 'to magpa advertise ng butler ng lalaking yun. T-teka Gio Dray Min?

Napanganga na lang ako at nabitawan yun natitirang bahagi ng dyaryo at tanging yung page na lang na yun ang natira sa kamay ko. Siya yung lalaki sa park kanina diba? Yung sinabi ni Lola?

Napangiti ako bigla abot hanggang tainga. It's my time to shine! Sinipat ko pa ang laman nito sa ibaba at nagulat na lang ako sa nakita ko.

"60,000? A MONTH?" AS IN! AMAZING! Automatic na nagkaroon ng calculator sa utak ko. For sure naman, libre bahay to at libre malalamon. So pag naka isang taon ako mayaman na ako? Nag twinkle ang mata ko bigla. Good opportunity! Nainlove na nga ako may kasama pang perang pampayaman! Kailangan ko na agad tawagan!

Naghanap kaagad ako ng payphone at tinawagan ang number. "Ahh. .  hello po? Nabasa ko kasi sa dyaryo yung ad niyo na Butler for Gio Dray Min, balak ko po sana mag apply."

[Sorry pero hindi kami tumatanggap ng babae---]

"Teka! Teka! Atat much? Minamaliit niyo po ba ako? Kaya ko pong patunayan. Black belter po ako sa karate saka po magaling ako maglinis ng bahay lahat kaya ko. Kahit linisin ko pa po uhog niya, I'll do it." 

[Hahahaha, talaga Hija? Wala naman sigurong masama kung payagan kita. Punta ka na lang sa address na nakalagay dyan sa ad. Paano ba yan, I'll wait for you.]

Sabay baba niya ng telepono,a t dahil desperada ako kaagad akong tumakbo para maghanap ng taxi at sumakay dito. Binigay ko na din agad yung address. 30minutes din yung naging byahe ko.

Pagbaba ko, mansyon ang sumalubong sakin! Takte! Ang yaman pala ng lalaking yun! Aba tiba tiba talaga ako nito!

Papasok na sana ako ng may humarang sakin. "Miss, di kami natanggap ng manlilimos o mangangaroling pasensya na."

Nanlaki naman bigla ang mata ko. Walanjo. "Teka Mister. Unang una po sa lahat nandito po ako para mag apply na magiging butler. Duuh, ang laki laki kaya ng ad niyo sa dyaryo. Pangalawa malayo pa po ang pasko ha! Jusko maryosep August pa lang po ha. Aba nauna pa ang pangangaroling kaysa pangangaluluwa." 

Napangiwi naman yung dalawan guard sa gate. Sorry na, napahaba yata yung litanya ko.

Tumawag muna sila sa Main Residence daw kuno. Maya maya may lumabas na lalaking napagiwanan na ng panahon at sa gitna padin talaga ang hati ng buhok ha. Woah there.

"Ikaw ba yung tumawag sakin kanina?" paninigurado niya.

"Opo, ako nga po yun." inanyayahan naman niya ako pumasok sa loob at talagang ang ganda ng bahay. Kung sa labas wow lang pagpasok sa loob wow na wow. Sumalubong isang mini fountain sa loob ng bahay.

Malaki siya, pero mas malaki padin yung bahay ni Lolo. Maganda yung design sa loob at malinis talaga nagkikintaban pa nga ang sahig na parang anytime madudulas ako.

Umakyat kami sa taas at pumasok sa isang kwarto na tila ay isang audition room. "Let's start with your interview, hija."

"So, ano pangalan mo?" agad kong kinuha sa folder ko ang isang resume. Lagi akong nag p-print out ng madami nito just in case.

"Yarumi Ashley Kang. Student at Misaki Univeristy. Karate, black belter. Hmm." saka ito tumango tango.

Ngumiti naman ako, tapos nagsalita siya. "Misaki University ka pala nag aaral. Dun din nag aaral si Young Master."

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Teka, seryoso?! Hindi ko man lang siya nakikita doon.

"Edu mabuti po." sagot ko.

"Isa yun sa mga advantage. Dahil siya ang nag-iisang lalaki sa pamilya siya ang magmamana ng lahat ng assets ng mga Min. Isa yun sa dahilan kaya kailangan niyang maprotektahan."

"Ganun po ba? Sige po demonstrate ko ang skills ko." tumayo ako at sinipa yung silya.

"YAAAAAAH!" saka ako nag tumbling ng sunod sunod sabay suntok at sipa. 

"Ms. Yarumi, o-okay na po yan." sabi ni, ano nga palang pangalan niya?

"Ano nga po palang pangalan niyo?" ngumiti siya sakin.

"I'm Chief Ahn Jonas." aah, Chief Ahn. Noted.

"So, tanggap na po ba ako?" ngumiti siya sakin bago tumango. OMYGHOD!

"WOW! THANK YOU!" nagtatalon ako ng nagtatalon! Phew! Heaven feels. Bigla naman nag heart ang mata ko. Gwapong amo, sabay laki pa ng sahod. Buhay na buhay na ako.

"Tutal gumagabi na din hija, ito na yung uniform mo pag nandito sa bahay. Kapag lalabas or nasa school okay lang na iba ang porma mo. Saka mo na hakutin yung mga gamit mo o sabihin mo na lang ang address nung bahay ako na ang bahala magpahakot. Ipapakilala kita bukas kay Young Master. Sa ngayon ihahatid muna ktia sa magiging kwarto mo."

Ngiting ngiti ako habang sumusunod kay Chief Ahn. Pagbukas niya ng kwarto. "S-seryoso po ba kayo?" 

Kasi naman hindi pang utusan ang kwarto! Seryoso! May aircon sapat na size ng kama tapos mukhang ang lambot pa at may isang malaking salamin.

"Mukha ba akong nag j-joke hija? Hahaha, ganyan sila kayaman. Kaya magpahinga ka na at umisip ng litanya kung paano ka makakatagal kay Young Master."

Humiga ako at pumikit hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

-=-

Day 1

Nagsimula na ang orle ko bilang butler. Nakaupo ako sa terrace nila habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape. Ang sosyal talaga. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa at yung mga maid isa isa ng nag bow sa Young Master. This is it. Para sa kalandutayan ko at sa pera. Tumayo ako

"Good morning Young Master. I am your new butler, Yarumi Ashley Kang." tiningnan niya ako, napakalamig. O-kay.

"Wag kang ngumiti nakakairita." ANO DAW?! Sungit ng letse!

Day 2

Inutusan niya akong magluto, aba pahirapan ba naman ako maglinis ng sahig ng bahay pato yung mini garden pinawalisan. All around maid yata dapat ang nakalagay dun sa ad hindi Butler.

Bumukas ang malaking pintuan papunta sa dining hall at tumambad sa akin ang napaka habang lamesa at siya lang ang nandun. Grabe talaga! 

Inilapag ko na ang menu for the day ko. "Ito na po Young Master, enjoy your meal."

Kinuha niya yung mga kubyertos at sinimulan kainin. "Masarap ba Young Master? Special po yan, Spicy Rice Cake."

Habang nakangiti ako nanlalaki yung mata ng mga katulong. "YOUNG MASTER!" sabay sabay nilang sigaw. Ako naman di magkanda ugaga dahil si Dray ay namumula.

"TUBIG! TUBIG!" 

"Ah. . . oo tubig, tama!" tumakbo ako papunta kusina habang dala ang 3litro ng tubig, aba sa nagmamadali na ako e.

Habang natakbo ko ako natakid ako dun sa carpet. Pagtunghay ko. "Omona."

Basang basa si Dray. Sige, ikaw ba naman mabuhos sayo ang tatlong litro ng tubig.

"GET OUT!"

 

Malaks niyang sigaw. Spell disaster Y-A-R-U-M-I.

Day 3

Papasok na daw kami sa school at ipagddrive ko siya. Syemore naka pormal na akong damit. May nakita akong parang pampakintab at walang basa basa ay inispray ko sa kotse.

Bigla akong napatigil ng mabasa ko kung anong inispray ko. "Spray paint." 

Kaya naman ngayon naglanlalahok ang kotse niya na imbes na pure white may touch of gold na ngayon. Woah there, ano 'to the dress? Black and blue tapos white and gold? Ganern?

"ANONG GINAWA MO SA KOTSE KO?" nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw.

"HA? THAT'S WHAT YOU CALL MASTER PIECE!" 

Day 4

Inutusan ako ni Dray na paltan daw ang sheet ng kama niya. Wala naman akong mahanap na matino pero nakakita ako sa cabinet ng sheet na Go Diego Go. Yung boy version ni Dora ang negrang palaboy.

Sabi ni Dray tawagin ko daw siya pag tapos na kaya tinawag ko, pagpasok niya napahawak pa siya sa puso niya.

"TADAAA!" sigaw ko na ang saya saya pa.

"WHAT THE HELL?"

"Hell po? Naku Young Master, di po 'to hell. Kwarto niyo po yan."

Tinanggal niya yung bed sheet sabay bato sakin at ipinagtulakan ako palabas. Ganyan ba siya kasama?

-=-

Lumipas ang mga araw at puro kapalpakan lang nangyayari. Wala naman siyang karpatan tanggalin ako dahil sabi ni Chief Ahn, sa dami na daw niayng naging butler magulang na lang daw niya ang may karapatan magtanggal sakin.

Di ko napapansin naging close na din pala kahit paano. Kahti sobrang sama ng ugali ng damuho na yun minsan naging close kami.

Isa yun sa mga dahilan kung bakit di ko namamalayan tuluyan na palang nahulog ang loob ko sa kanya.

I am Yarumi Ashley Kang, and this is how I became his. . . . lady butler.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8K 194 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
350K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...