Love like U :D

By shotheground

983 16 6

Buhay talaga, baligtad na XD. Tipo noon ng mga kalalakihan, maganda, maputi, sexy... hanggang ngayon pa rin n... More

Chapter 1: Love like U :D
Chapter 2: Follow the leader...
Chapter 3: boy talk
Chapter 4: Hintay!
Chapter 5: Guys...
Chapter 6: Simple, elegant and gorgeous.
Chapter 7: Break-upssss....
Chapter 8: Yes way
Author's note :P
Chapter 10: He?! Who?! Whaaat?!
Chapter 11: Later

Chapter 9: =___=

40 0 3
By shotheground

A/N: Short update :P

_______________________________________________________________________

Kim's POV

"BAKIT NA NAMAN TAYO NANDITO?!" sigaw ko. Dinala na naman niya ako sa shop. Male-late na ako sa lagay na to eh.

"Oh Nathan, Kim. Napadaan kayo?" salubong sa amin ni Neil habang pipunasan kamay niya.

"Halika." hinila ako pati si Neil papasok sa may kitchen, ata, nila.

"Gagawa tayo ng cake." sabi niya sabay suot ng apron.

"Ano okasyon?" tanong ni Neil.

"Wala na ngang oras sabi eh!" sagot ko.

"Magtiwala ka na lang sa kakayahan namin ha. Tulungan mo na lang kami kapag may kailangan kami ipakuwa." sabi ni Nathan.

"Ano ako, alila?!" sigaw ko.

"You want a cake right? Then we'll make it. Right Neil." sabay tingin niya sa katabi niya.

"Sure. Why not?" nagsimula na sila mag mix ng ingredients.

Nakatingin ako sa kanila habang nagawa sila. Ang galing. Makikita mo talaga sa kanila ang pagiging expert sa ginagawa nila.

Kapag may inuutos sila gagawin ko na lang para matapos agad. Pagkuwa ng bowl, itlog, yung flour at kung ano-anong pampasarap. Alila talaga ako eh =_=

Nilagay na nila sa oven tapos inikot yung timer.

"Hintay na lang tayo ng 15 minutes." sabi ni Nathan.

"So what's the cake for?" tanong ni Neil.

"Basta. May pagbibigyan ako. Wag kayong mag-alala babayaran ko rin mamaya."

"No need. Kaibigan ka naman ni Nathan eh." sabay kindat niya kay Nathan.

What the...? Gay ba siya? May pa-wink wink nalalaman eh.

"Haha masarap tong cake na to." sabi ni Nathan habang nakatingin sa oven.

"Pano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Eh kami gumawa eh. Diba Neil?"

"He's right."

*TING!*

"Tapos na!" nagsuot si Nathan ng mittens (di ko sure kung ano tawag don) at nilabas na yung tray.

"Then its time for the decoration. Want to help Kim?" tanong sa akin ni Neil.

"Wag na. Baka masira ko pa."

"Ayos lang. Di naman siya ganon kahirap eh at tutulungan ka namin ni Nathan."

Binigyan ako ni Neil ng bowl ng strawberries at nagsimula na siyang maglagay ng frosting sa cake.

Sabi niya, after nila lagyan ng frosting lalagyan ko na raw yung pang decoration.

"Done. Time for the decorations. Kayo na." lumapit na kami ni Nathan at nagsimula na maglagay ng decorations sa ibabaw ng cake.

Naglagay ako ng strawberries at ibat ibang fruits.

Nang matapos na yung cake umalis na kami sa shop nila at pupunta na sa bahay ni Lola.

Sa bahay...

"La?" pumasok kami sa loob ng bahay ni lola. Bakit wala siya?

"Nasaan siya?" tanong ni Nathan sa tabi ko.

"Ewan. Punta nga tayo sa likod."

Nagpunta kami sa likod, sa may garden.

Pagdating namin...

"Huhuhu..." rinig kong may umiiyak.

Pagkakita ko si Lola pala.

"B-bakit ka naiyak la?! Sino umaway sayo? Sasapakin ko siya para sayo. At may resbak pa akong kasama."

"Hoy!" sigaw ni Nathan.

"Ikaw! Ikaw nagpaiyak sa akin! Bakit ang tagal mo?! Alam mo na nga matanda ang lola, hindi mo man lang naisip na may naghihintay sayo dito. Huhuhu." hindi naman siya nagluluha eh -_- niloloko ba ako nito?

"Kaya nandito na po ako eh. Eto po oh. May dala akong cake." sabay taas ko sa box.

"Yan pala eh! Kain na tayo :D" bilis naman sumaya ng tandang to.

"Oh bakit ka pa nakatayo diyan. Upo na kayo ng nobyo niyo dito oh."

What the what?!

"La, sinabi ko na sa iyo noon na hin--"

"Sige po lola." sabay upo ni Nathan sa tabi ni lola.

Wow lang ha, FC sa lola. Agad-agad.

"Layas. Hindi kita kilala." sabay taboy ko sa kanya.

"Kabataan talaga. Ganyan na ba manglambing ngayong panahon?" tanong ni lola habang kinakain yung cake.

"La! Hindi ko nga po si--"

"Opo eh. Makabago na po kasi." sabay kagat ni Nathan sa cake niya.

Saglit nga lang, hawak ko lang kanina yung cake tapos ngayon nakain na sila! At sinong nagsabi na nobyo ko tong unggok na to.

"At sinong nagsabing pwede kang kumain ha?" sabi ko sa kanya sabay tapak sa paa niya.

Kita sa mukha niya na pinipigilan niya umaray.

"Umupo ka na nga apo. Oh dyan ka na lang para magkatabi kayo ng kasintahan mo."

"La! Hindi ko siya nobyo okay?! At mas lalo na hindi ko siya kasintahan. Kadiri lang." kumuwa na ako ng cake sabay kagat dito.

"Apo talaga. Diyan rin kayo babagsak no. Alam ko yan." sabay pat niya sa kamay ko na nakapatong sa lap ko.

"Tama ka dyan La." sabi ng katabi ko.

Siguro gusto niya maagang makita yung liwanag noh? Sinasadya talaga ako inisin.

"Yung panahon namin, bago ka pa ligawan eh kailangan mo muna magsibak ng kahoy. Tapos mag-iigib ka ng tubig para lang sa binibini. Naalala ko pa nga yung lolo mo noon eh. Niligtas niya ako doon sa isang mabagsik na hayop nung naglalakad kami sa tabing ilog. Natakot talaga ako, pero yung lolo mo hindi. Ang tapang niya at ang lakas-lakas pa. Kisig talaga ng lolo mo apo"

Inaalala pa rin ni lola si lola hanggang ngayon.

"Anong hayop po yung umatake sa inyo?" tanong ni Nathan.

"Kalabaw " c:

=_= ano raw? Pwede paki ulit. Nabibingi ba ako o sadyang may pumasok na bubuyog sa tenga ko at sinabing KALABAW ang hayop na MABAGSIK.

"Naku. Naalala ko pa. Nung dumaan kami sa may tabing ilog mukhang galit yung kalabaw. Hinabol pa nga kami nung una eh. Alam niyo ba kung ano ginawa ng lolo?" tanong niya sa amin.

"Ano po?" tanong ni Nathan.

"Binuhat niya ako sa likod niya at tumakbo kami palabas ng gubat. Tapos doon na dumating yung nag-aalaga sa kalabaw. Hay, ang lakas lakas niya talaga. Biruin mo, hinahabol na nga kami pero kinaya pa rin niya ako buhatin sa lagay na yon. Lolo mo talaga." mukhang kinikilig si lola. Awkward lang.

Sigurado ako kaya ginawa ni lo yon dahil sa mahaba lang yung damit ni lola non at siyang binuhat ni lolo. Kinwento na sa akin ni lolo noon yung totoong nangyari.

~flashback~

"Lolo, paano po kayo nagkakilala ni lola?" tanong ko kay lolo.

"Hay naku apo. Sige, may ikekwento ko sayo tungkol sa amin ng lola mo."

~~flashback; 50 years back~~

Naglalakad kami ng lola mo sa tabing ilog noon sa gubat. Sa totoo lang at ayaw ko sumama dahil naglalaro pa kami noon ng mga kaibigan ko pero pilit ng pilit pa rin yung lola mo. Nasa plaza kami non, naglalaro ako kasama ng iba.

"... Sampu, labing isa, labang dalawa, labing tatlo... ay!" nahulog ko na yung sipa.

"Magaling ka pala maglaro,  Romero." lumingon ako at nakita ko si Isadora kasama ng iba niyang kasamahan.

"Salamat." sabi ko at bumalik sa paglalaro.

"Dali na!"

"Bilisan mo na!" dinig ko.

"Ah ano, Romero. P-pwede mo ba ako samahan, sa may tabing ilog." utal-utal na sabi ni Isadora.

"Naglalaro ako. Sa susunod na lamang." nakatingin pa rin sa katabi kong nagsisipa.

"S-sige na. Maganda kasi yung panahon. At masaya ngayon mag-ikot sa mga kakahuyan." pagpipilit niya.

"Ayoko." sabi ko.

Bigla naman siyang sumabog.

"KUNG AYAW MO EDI HUWAG! AKO NA NGA ITONG NAGMAMAGANDANG LOOB NA MAG-ALOK, IKAW PA DIYAN TUMATANGGI! NAKAKAINIS KA! SANA MALUNOK MO IYANG SIPA AT IKAMATAY MO IYON!" tumakbo na siya.

"Romero naman. Alam mo naman na madaling maluha si Isadora eh." sabi ng kaibigan kong si Ernito.

"Oo nga naman. Sa tingin ko kailangan mo habulin ang bininibing Isadora." sabi ng isa kong kaibigan na si Juan.

"Habulin mo siya Romero! Hindi pa yata nakakalayo si Isadora. Hindi dapat ganyan ang turing ng magkababata." sermon sa akin ni Maria.

"Kakayanin niya iyon. Dalaga na si Isadora. Hindi na siya isang munting bata para bantayan pa. Kaya na niya yon." sabi ko sabay balik sa pagsipa.

Bigla akong tinulak ng mga kaibigan ko.

"HABULIN MO NA SIYA!"

Kaya ayun, walang na akong ginawa kundi hanapin siya. Pumunta ako sa kakahuyan dahil yon ang kanyang inalok kanina.

"Mamatay ka na sana Romero! Isisigaw ko sa mahal na bathala na sana may hindi kanais-nais na maganap sa iyo!"

Nakita ko siya nagbabato ng maliliit na piraso ng kahoy sa ilog.

"Kay sama naman ang iyong ipinagdadasal munting Isadora." lumingon siya sa akin na gulat pero muling ibinalik ang hindi maipintang expresyon sa mukha.

"Lumayas ka na Romero! Hindi kita kailangan!" sabay bato sa akin ng kahoy.

"Aray! Tigilan mo na iyan Isadora! Aray! Hindi ako natutuwa."

"Mas lalong hindi ako natutuwa!" sabay takbo niya palayo.

Hinabol ko naman siya.

Nang mapagod si Isadora tumigil na siya pagtakbo at naupo sa sahig.

"Isadora, Isadora. Sa tingin mo, ang iyong kasuotan ngayon, magagawa mo akong takbuhan. Dahil sa sanhi na pagtakbo mo palayo sa akin, at sa iyong makapal na kasuotan ay ang bunga na pagkapagod mo ngayon." siniringan niya ako pero binalik sa pagpapahinga.

"Tumahimik ka na lamang riyan Romero. Wala akong lakas upang tapatan kita ngayon." sabi niya.

Umupo ako sa sahig sa tabi niya.

"Patawarin mo na ako oh." sabi ko sa kanya.

"At ngayon ikaw ay humihingi ng paunmanhin? Bakit naman kita papatawarin kung kayat ikaw ang dahilan ng aking pagkagalit ngayon!"

Nagkatinginan kami pero madaling inalis ito ni Isadora.

Napansin ko na namumula siya.

Tatanungin ko sana siya nang may maririnig kami ng kakaibang ingay sa likod.

Sabay kaming lumingon at nakitang may isang kalabaw na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Takbo!!" sigaw ni Isadora. Hinawakan niya kamay ko at tumakbo na kami.

Papalapit na yung kalabaw sa amin. Nauunahan ko pa si Isadora sa pagtakbo eh.

"Bilisan mo na!" kahit hawak ko pa rin siya, mabagal pa rin siyang tumatakbo.

"Ang hirap tumakbo dahil sa kasuotang ito!" sigaw niya.

Wala na akong ibang inisip kundi buhatin siya sa likod. Nang mabuhat ko na siya binilisan ko na yung pagtakbo. Paglabas namin ng kakahuyan humingi kami ng saklolo.

Buti at naroon ang amo kaya agad na tumigil sa paghabol sa amin nung kalabaw.

Nagpahinga muna kami ni Isadora sa isang malaking puno ng narra.

"Salamat at naroon ang amo kundi hanggang ngayon ay tayo'y natakbo pa rin" sabi ni Isadora.

"AKO. Kung hindi dahil sa pagdating ng amo, AKO pa rin ay nanatiling natakbo. Ikaw ay maswerte at nabuhat kita gayon sa kalagayan natin kanina." sabi ko.

"Salamat."

Pagtingin ko sa kanya bigla niya akong hinalikan sa labi. Sa gulat ko, tinignan ko muna siya bago ipinikit ang aking mga mata.

"At dahil doon ay natutunan ko nang mahalin ang lola mo." pagtatapos ni lolo sa storya.

~~End of flashbacks~~

"Aahh. Ganon pala nangyari." sabay patungo-tungo ng ulo ni Nathan.

Hindi naman ako nagsalita ha!

"Kilig na kilig pa rin lola mo oh." sabay nguso niya sa katabi na parang kinikilig with matching sarado ng mata at hug sa sarili.

Yaaaaahh.... weird lang.

"Kaya apo wag mo na pakawalan yang nobyo mo. Wag ka matulad doon sa mga babaeng halos kulang na lang listahan niya ng mga kalalakihang naging kasintahan. Alam ko naman hindi ka katulad nila at isa roon sa mahirap magmahal kaya alam ko na hindi naging madali ang naging pangsusuyo sayo nitong binata. At ikaw naman *tingin kay Nathan* sana naman at mahalin mo ng lubusang itong apo ko. Wag mo siya iiwanan kahit sa pinakahihirap na panahon. Sensitibo ang mga kababaihan at madalas ay madaling magkaroon ng tampo sa isat-isa. Halika rito." nilapit ni Nathan tenga niya kay lola at may binulong.

Close agad? May secret-secret pang nalalaman tong si lola.

"Sige po la. Alalahanin ko po iyon." sabat ngiti niya sa akin.

Ano naman sinabi ni lola sa asungot na to -.-

"Hinding hindi ko po siya papabayaan at  masaktan ng kahit sino. Palagi akong nasa tabi niya kahit ano man mangyari. Hihintayin ko ang araw kung kailan niya lubusang tatanggapin ang aking pagmamahal at sabay naming masasabi ang nararamdaman namin sa gitna ng Poong Maykapal. Pangako yon" tumingin siya sa akin ng may determinasyon sa mga mata.

Ako naman:

-->  =___=

"Shabu pa Nathan. Kaya mo yan."

Nagulat yata silang dalawa sa sinabi ko pero tumawa rin sila.

"Oh bakit kayo tumawa? May mali ba akong sinabi?"

"Hindi. Kasi seryoso na ako dito tapos yung lang sasabihin mo. Nakakatuwa lang itsura mo... kaya hindi ka mawala sa isipan ko eh."

Lul. Ano binubulong-bulong niya?

A/N: Korny noh?? XDD Tuloy ko pa ba tong story na to? ?_? wala yatang nagababasa eh XDD

Continue Reading

You'll Also Like

775K 27.2K 73
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
631K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...