Reyna ng Kamalasan: Zylie (Co...

By forgottenglimmer

47.5M 802K 134K

[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in... More

Chapter One- Zylie (July 29, 2011)
Chapter Two- Bosom Buddies (July 29, 2011)
Chapter Three- Earshot (July 30, 2011)
Chapter Four- Metaphors (July 30, 2011)
Chapter Five- Ménage (July 31, 2011)
Chapter Six- Surprise Pancakes (August 02, 2011)
Chapter Seven- Pronoia (August 07, 2011)
Chapter Eight- Bygone Times (August 08, 2011)
Chapter Nine- Restitution
Chapter Ten- Reel
Chapter Eleven- Push and Pull
Chapter Twelve- Pheromones
Chapter Thirteen- Malevolence
Chapter Fourteen- In Spite Of
Chapter Fifteen- Despite Of
Chapter Sixteen- Shanghaied
Chapter Seventeen- Espoused?
Chapter Eighteen- To the Carnival
Chapter Nineteen- The Venting Place
Chapter Twenty- Wrong Person
Chapter Twenty Two- Nightmare
Chapter Twenty Three- Let's Go Out
Chapter Twenty Four- My Organ
Chapter Twenty Five- Ice Creamed
Chapter Twenty Six- Sweet Face
Chapter Twenty Seven- Friendzoned?
Chapter Twenty Eight- Her Secret
Chapter Twenty Nine- The Ice Cream Man
Chapter Thirty- Catgirl, my heroine
Chapter Thirty One- Misunderstanding
Chapter Thirty Two- One Pancake Apology
Chapter Thirty Three- Those Three Parts
Chapter Thirty Four- Basorexia
Chapter Thirty Five- Be Careful for What You Wish for
Chapter Thirty Six- Dreams and Nightmares
Chapter Thirty Seven- Friends and Lovers
Chapter Thirty Eight- Psychology,Chemistry and all the Double Meanings
Chapter Thirty Nine- Confessions
Chapter Forty- Crystal Ball
Chapter Forty One- Oranges
Chapter Forty Two- Ex Wars
Chapter Forty Three- Rage
Chapter Forty Four- Magic Words
Chapter Forty Five- Blown
Chapter Forty Six- The Obvious
Chapter Forty Seven- Misreckoning
Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags
Chapter Forty Nine- Rebound
Chapter Fifty- Mistletoe
Chapter Fifty One- Eros
Chapter Fifty Two- Last Night
Chapter Fifty Three- Lies
Chapter Fifty Four- Evidence
Chapter Fifty Five- Balloons
Chapter Fifty Six- Love and Hate
Chapter Fifty Seven- Debts
Chapter Fifty Eight- Raining Inside
Chapter Fifty Nine- Accusations
Chapter Sixty- A Night Together
Chapter Sixty One- Kisses
Chapter Sixty Two- Shifts
Chapter Sixty Three- More Lies
Chapter Sixty Four- Mad Fall Guy
Chapter Sixty Five- Fall for You
Chapter Sixty Six- Fight for Us
Chapter Sixty Seven- Pain
Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy
Chapter Sixty Nine- Big C
Chapter Seventy- Square One
Chapter Seventy One- Calm before the Storm
Chapter Seventy Two- Friends and Plans
Chapter Seventy Three- The Promise
Chapter Seventy Four- 2536
Chapter Seventy Five- Reaction Formation
Chapter Seventy Six- Silver
Chapter Seventy Seven- The Last Fight
Chapter Seventy Eight- Outset
Epilogue- Queen

Chapter Twenty One- Buknoy's Ode

602K 10K 2.2K
By forgottenglimmer

ZYLIE's POV

“ZYLIE ANO BA?! HINDI KA BA TALAGA BABANGON DIYAN? TANGHALI NA! HWAG MO AKONG HINTAYIN NA PUMASOK DIYAN!"

“Opo kuya…” Ang sakit-sakit ng ulo ko na parang may malaking puso na tumitibok-tibok sa loob. Kanina pa sigaw ng sigaw si kuya at kahit hindi ako bumabangon, naririnig ko naman yun.

Eto yung mga panahong hindi ko matandaan kung anong nangyari bago ako natulog. Yung tipong disoriented ako at tinanong ko pa talaga kung nasaan ako at anong oras na.

“ZYLIE BUMANGON KA NA DYAN?!?!” sumigaw na naman si kuya at alam king ultimatum na yun.

“GISING NA AKO!!! SAGLIT LANG!!!”

Ni-recall ko ang mga pangyayaro.

Uhm... Di kami dumeretso ng bahay ni Silver dahil nandito si Terrence. Pumunta kami ng KTV at… at Nalasing ako?

Great.

Nung naalala ko yung mga yun, naalala ko rin yun panaginip ko. Nagkikiss daw kami ni Terrence? Ano ba namang panaginip yun? Tapos nung naalala ko, parang naghahalo yung mukha ni Terrence at ni Silver sa panaginip ko. Bakit ganun!?

Sabagay panaginip... pwede naman mangyari lahat.

Mabilis lang akong naligo dahil baka late na ako. Nakailang sigaw na ba si kuya? 

Himalang 15 minutes lang yata tapos na ako. Plano kong hwag ng magalmusal dahil maglalakad pa ako at medyo masakit pa rin yung paa ko.

“Bye ma! Bye pa! Bye kuya!!” paalam ko sa kanila.

“Mamaya maguusap tayo Zylie!!” sigaw ng tatay ko.

Kinabahan ako. Ano bang nangyari kagabi? 

“O-opo alis na po ako.”

Muntik na akong maging si road runner sa lakad-takbong ginawa ko. Gusto ko kasing makalayo agad sa bahay at ayaw ko ring ma-late. Sobra tuloy yung pawis ko nung narating ko ang school

“Woo!!” sobra yung tuwa ko nung narating ko agad yung school. Hindi ako na-late dahil may mga naglalakad pang mga estudyante sa grounds.

Maya-maya. Nakita ko si Silver!! Wahaha. Plano ko siyang lapitan. Kahit asarin niya na naman ako ng pancake pancake niya.

Alam ko… Halos sure ako na aasarin na naman ako niyan. Lagi naman eh. Lalo na ngayon parang basing sisiw ako sa pawis. Pero di bale na. Magpapasalamat ako kasi, sinamahan niya ako kagabi sa carnival at sa ktv. At inihatid niya pa ako sa amin. Siguro inihatid niya naman ako sa amin. Dahil maayos naman akong natutulog sa sarili kong kama. 

Nakaupo siya sa isa sa mga benches. Nakikinig ito ng music habang nakapikit. May mga ibang babae sa kabilang bench na todo tingin na para siyang isang specimen. 

Naglakad ako at umupo ako sa tabi niya.

Kinalabit ko siya.

*poke* *poke*

Dumilat siya. Tinaas niya yung kilay niya na parang nagsasabing “What?” Tinanggal niya din yung isang earphone niya.

“Thank you nga pala.”

Tumango lang siya. Ibinalik ang earphone. Tumayo at naglakad palayo.

Bakit ganun? Parang hindi niya na ako kilala?!

“Hahaha! Si malas girl, deadma kay Silver babes! Kala mo papansinin ka niya?”

“Onga. In your face ka diyan!”

Nakakahiya. Para tuloy akong isa sa mga assuming na babae na lumalapit palagi kay Silver. Bakit ganun? Close naman kami kahapon ah? Hindi kaya ganun din siya sa mga ibang babae? Totoo naman palang nakipagclose siya sa mga yun tapos kinabukasan parang stranger na lang? Mga ganun?

Wala akong nagawa. Tumayo na lang ako at hinanap ko sina Mikaela at malas, hindi ko sila makita. Si Silver na naman yung nakita ko na lumipat lang yung bakanteng bench.

Ayaw niya bang makatabi ako?  

“Hi Silver!” may tumawag sa kanya mula sa likod ko.

Lumingon ako. Si Bettina? With the headband. Ang ganda-ganda naman ng headband niya. Bakit ganun kahit malaki yung headband ang ganda pa rin niya. Siguro pag sa akin sinuot yun mukha akong tanga.

Tinignan ko si Silver, kumaway ito. 

“Musta? Sabi pa niya. Naglakad siya. Hinihuli ko ang tingin niya. Pero nilampasan niya ako.

“Ayos lang. Salamat sa text tawag kagabi.”

“Wala yun…”

So nagtext at nagtawagan sila kagabi? Eh diba kami ang magkasama kagabi? 

Habang naglalakad sila palayo, unti-unti akong nalulugmok.  

“OH ZYLIE KONG NILALANGIT!!”

“AY PUCCA!” Nagulat naman ako.

Si Buknoy lang pala. Si Buknoy na naman na napakaconsistent sa pagpursue sa akin. 

“Tigilan mo nga ako!” sabi ko habang tumitingin sa paligid. Kasi naman! Anong pinagsasabi niyang Zylie kong nilalangit?

“… NILALANGAW PATI PUWIT!”

What the hell.

“Excuse me buknoy anong sinasabi mo! Tumabi ka nga!” Lumuhod pa kasi siya. At napakaweird ng sinasabi niya!

“… SA GANDA MO AKO’Y SAMBA… SA UTOT MO AKO’Y TUMBA!”

“SIOMAY KA! WALA KANG PAKIALAM SA UTOT KO!!!”

Malapit na nga akong mag-emo, niloloko pa ako? Bastos-bastos pa! Tapos hinawakan niya pa yung kamay ko! 

“Bitiwan mo ako buknoy, konting konti na lang talaga, sasabunutan kita.” Bulong ko sa kanya dahil talagang nanggigigil na ako.

Pero kahit binalaan ko na siya, hindi pa rin siya tumigil sa nakakapanindig balahibong tula niya.

“… KUNG SA LANGIT IKA'Y TALA, DITO SA LUPA IKA'Y TEKLA.. BUHOK MONG PAALON-ALON, KUTO MO'Y PATALON-TALON..”

“Hahahahaha!!”

"This is definitely entertaining!"

Wala na... Nagtatawanan na yung mga “audience” Buknoy, masolo lang kita, humanda ka sa'kin!!!

“…MATA MONG MARIRIKIT, MUTA MO'Y DIKIT-DIKIT..”

“…ILONG MONG MATANGOS, SIPON MO'Y UMAAGOS..

NGIPIN MONG PANTAY-PANTAY, HININGA MO'Y AMOY PATAY!”

BWISIT! Hinila ko na yung kamay ko at naglakad palayo. Sobra nang madaming taong nagkukumpulan sa amin. Hindi ako sanay ng ganito, parang show. 

“Zylie!!!” habol pa ni Buknoy.

“Ewan ko sayo buknoy! Lumayo ka.”

Hinawakan niya ako sa balikat.

“Nagttry lang ako ng bagong strategy. Di mo kasi ako pinapansin pag pinupuri kita eh."

Ganun? Nakakahiya pa rin. Tapos nakita pa ako ni Silver, habang kasama niya si Bettina. Nakakahiya talaga. Tumakbo na ako papuntang classroom. At first period, si Terrence nga pala.

“Oh Zy!” Bati ni Alyanna. "Nandito ka na pala! Ready ka na ba?" pagpapatungkol nito kay Terrence.

“Pwede bang magcutting classes na lang?”

"Cutting ka diyan? Ano bang problema, hindi mo pa nga nakikita ulit si sir eh nakamangot ka na diyan?"

“Si Buknoy kasi!!!” Yun lang ang sinabi ko kahit kasama din sa pagkaasar ko sina Silver at Bettina. Imposibleng sabihin ko na naasar ako sa kanila dahil wala namang sapat na dahilan.

“Ano na namang problema kinukulit ka na naman?” tanong ni Mikaela.

“Haha ang cute niyo ni buknoy bagay kayo hahaha.” Pumasok yung isa kong classmate.

Siguro nakita niya yung kanina!! Nakakairita! Ang masama, dinaldal pa nila sa buong klase! Alam na tuloy nila yung kahihiyang nangyari sa baba kanina.

“Eto may video ako nung kanina!!!” sabi pa nung isa.

“Patingin kami!!!” sigaw ni Yanny at ni Mika.

In a snap, naging instant sensation na kami ni Buknoy. Pinagtatawanan. Thank you sa mga kaibigan ko na nakisama na rin.

“Hahaha! Ang cute ni Buknoy!!! Wahahahaha.” Tawa ng tawa si Alyanna

“Oo nga Zylie sagutin mo na…” Ginatungan pa ni Mikaela.

“Alam niyo, nagdududa na talaga ako kung kaibigan ko ba talaga kayo eh..."

“Sorry... Ang cute nga ng banat niya eh. Wala ng tatalo.”

Ilang minuto, hindi pa rin makagetover ang buong klase sa nakakatawang tula niya.

“Settle-down class settle down.” kailangan pa kaming paupuin ng adviser namin.

“Today is a very special day. Alam niyo ba kung anong meron ngayon?”

Uhm, bakit hindi ko alam?

Nagtaas ng kamay si Alyanna. Napaka-active forever.

“Yes Ms. Cortez?”

“Academic day!”

Ano yung academic day? Meron pala nun? Bakit parang wala naman akong alam sa school? Nasaan ba ako nung nagannounce ng mga day-day?

“And as usual, ang mga magagaling na student-teachers ang magtuturo ngayon ng ating mga subjects.”

Ai? Ganun pala yun? Akala ko student-teacher’s day ang tawag sa araw na yun? May academic day pala? Nasaan ako nung dalawang academic days few years ago?

Aba nasa third year na ako ah! 

“So let’s congratulate Carmela!!! Isa siya sa mga napiling student-teacher!!”

Tumayo si nerdy girl. Malamang mapipili siya. Eh ang nerdy nerdy kaya niya. Ahhh! naalala ko na. Siya din ang napili nung nakaraang taon eh. At siya ang nagturo ng buong academic day sa isang subject. Isang subject lang ba yun? Basta natatandaan ko na. Ibig sabihin lang pala nito, magsasawa kami sa mukha ni Carmela ngayong araw.

Mas mabuti pang tawaging Carmela day kesa Academic day eh. Pero okay na rin yun. Lihim akong nagpasalamat. Dahil may isang araw na naman na matatakasan ko si Silver.

“Kaso..." pahabol ni ma'am.

Kaso ano? Ayoko pa naman ng mga buts and ifs.

"This day is different from the previous Academic days. Hindi niyo classmate ang magiging student-teacher niyo. Later, the advisees will decide kung sino-sino ang magiging assigned student-teachers sa respective classrooms."

“Ahh. Okay na yun. Haha amboring kasi ni Carmela eh!” sabi ni Alyanna.

“Shhh!” saway sa kanya ni Mikaela.

Adik talaga. Sana lang hindi siya narinig ni Carmela nuh. 

Nung umalis si Adviser kasama si Carmela, balik daldalan na naman ang klase. At balik rin ako sa hot seat dahil hindi pa rin namamatay ang issue namin ni Buknoy. Napakaepic kasi ng tula niya. First time na nainip ako sa pagdating ng teacher.

Oh student teacher, dumating ka na fast.

Tagal-tagal. Ang tagal-tagal. Lulubog na ako. Tawanan pa rin sila ng tawanan. Yuko na lang ako. Kunwari hindi ko sila naririnig.

“Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!” impit na tili ni Alyanna.

Hanggang sa kinukurot niya ako sa tagiliran. 

“Bakit ba!!!”

Nakatulala siya sa may pinto. 

Sabi ko na nga ba.

Bakit hindi ko pa naisip na posible pala ito.

Good morning student-teacher Silver Jeremy Torres.

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

42.9M 843K 83
"Break na 'yan sa Sabado!"
23.3M 463K 56
PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfriend ni Gab si Gatorade at ni Dominique...
35.2M 768K 56
Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loob ng tatlong buwan? BOYFRIEND CORP Choo...
97.3K 4.1K 35
(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago...