Maagang-maaga pa lang, bumyahe na si Riley papuntang Verde to meet with someone. It's Franchette. Isa ito si Franchette parte ng small clique nila sa College of Veterinary Medicine sa Del Verde University noong nagaarap pa sila ni Miala dito. Isang taon nilang tinapos ang 40 units ng Pre-Veterinary Medicine bago sila pinayagang magtransfer sa university kung saan sila nagaaral ngayon.
6am na siya nakarating at wala pa rin si Franchette sa coffee shop kung saan sila magkikita at kakain kaya nilibot muna ni Riley ang mata sa buong paligid. It has been 3 years. Noong nagaaral sila doon, wala pa ang coffee shop na ito at isang simpleng tapsilogan ang naka tayo sa kantong ito ng entrance ng university. Ang laki na rin ng pinagbago simula ng magtransfer sila. 3 years na rin pala. At 4thyear na silang lahat sa pasukan. Mabuti na lang at malapit lang ang bahay ni Franchette dito sa Del Verde campus kaya madali lang din itong sumagot kahapon nang biglaan niyang inaya.
Umorder na si Riley ng kape niya habang naghihintay. Marami pa ring estudyante ang nagaaral sa may gilid na obvious na nagsa-summer classes. Iba pa rin pala ang study habits at competition ng mga estudyante sa Verde. Naalala tuloy niya ang mga panahong nag-aaral sila ni Miala sa convenience store ng gabi dahil ayaw nilang makatulog sila sa antok habang siya ay umiinom ng matapang na kape, habang si Miala eh malakas na mga energy drink ang tinitira. Naalala niya parang Sting pa 'yata ang binibili nito noon.
"May sting pa kaya ngayon? Parang wala na yata. Wala na siguro..." Di niya napiligilang magmonologue.
"Sinong wala na?"
May nagsalita sa likod niya.
"Uy Franchette!"
Nagbeso sila. Dumating na pala ang babae. He pronounced Franchette literally. Alam niyang Fran-shey ang tamang pagbigkas dito pero inaasar niya palagi dati si Franchette na Fran-che-te, hanggang nasanay na lang ang babae. Minsan nga, te lang ang itawag dito, lilingon na ito eh.
"Orderan mo na ako ng pasta. 'Yung pesto 'yung gusto ko ah. 'Tska extra garlic bread. Order ka na rin ng carrot cake 'tsaka Cinnamon Toast Crunch Frappuccino 'yung kape ko ah. 'Yun muna next time na 'yung next." Sabi ni Franchette habang umuupo at inaayos ang bag at ang buhok na basa. Halatang kakaligo lang nito.
"Wow ah." Gulat na gulat si Riley sa dami ng order ni Franchette. "Parang naka-ready ka na ng order mo bago ka pa lang makadating dito. Nasaan na 'yung Franchette na kapag tinanong dati kung saan kakain, ang sasabihin kahit saan at kahit ano?"
"Siyempre naman. Nasa tricycle pa lang ako natatakam na ako 'no. 'Tsaka alam kong may kailangan ka sa'kin kaya ka nandito kaya hindi na ako mahihiya."
Riley can't help but chuckle. Ganoon ba siya ka-obvious? 'Ni hindi man sila nagkamustahan at nakapag-catch up. Alam na alam ni Franchette kung ano ang balak niya.
"Oh, wag ka nang ngumiti-ngiti diyan. Order na!"
Binilang ni Riley ang laman ng wallet niya bago umorder. Kahit naman madaming allowance ang nanggagaling sa magulang niya, kailangan niya pa ring magtipid lalo na ngayong bakasyon. Kaya hindi niya alam kung bakit siya nasa Verde ngayon na 4 hours away from Manila at nanlilibre na parang wala nang bukas.
Umorder na rin siya ng Ravioli para sa sarili niya bago umupo pabalik kay Franchette na ngayon ay nagki-kilay.
"Kilay is life talaga kayong mga babae 'no?"
"'Wala kang pake." Itinuloy ni Franchette ang pagkikilay. Inabot ito ng halos sampung minute bago hinarap si Riley na nakatitig lang.
Sa isip-isip ni Riley, hindi naman lahat ng babae nagkikilay. He has nothing against women doing their make up. Nasanay lang siya na walang kapaki-pakialam si Miala sa mukha kaya hindi niya minsan matukso ito ng sinabi niya kay Franchette. Minsan niya lang itong nakitang nakapustura. Isa noong 50thbirthday ng daddy niya, at tatlong beses sa school activities.
"Oh, anong kailangan mo sa'kin?" Nakaharap na ngayon si Franchette sa kanya with her newly applied eyebrows.
"Agad-agad? Hindi pwedeng mag-catch up muna."
"Jusko Riley. Magpapaligoy-ligoy pa ba tayo dito? Ang aga ng gising ko at mamaya babalik pa ulit ako sa kama. Ikaw I'm sure madaling araw ka pa bumyahe. So, unless gusto mong magsayang ng oras para sa pekeng kamustahan, eh di go. Kamusta ka na? Let's pretend hindi tayo nag-uusap sa messenger almost every day sa group chat no."
Napailing na lang si Riley habang inaantay matapos sa pagsasalita si Franchette. Gusto niya sanang magtanong dahil genuinely curious siya kung bakit nagmake up pa ito eh matutulog din naman pala pag-uwi, pero pinigilan niya ang sarili dahil siguradong tatalakan siya ng matalas na pagsasalita ng babae.
"Ganito kasi 'yun. Sino ba si Lenard?" Hindi na rin siya nag-aksaya ng sandal.
For the first time since dumating si Franchette, ngayon lang ito natahimik.
"Oh, akala ko ba 'wag na tayong magpaligoy-ligoy pa." It's his turn to tease her. Alam ni Riley na seryosong topic pala talaga ang Lenard na 'to na kahit si Franchette ay napapatahimik sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya.
"Finally, sinabi na sa'yo ni Miala?"
Tumango si Riley. 'Yun nga ang hindi niya maintindihan eh. Bakit kailangang itago sa kanya. Sino ba 'yung Lenard na 'yun na parang may gag order ang lahat para hindi pag-usapan.
"So, kilala mo 'yung ex ni Mia?"
"Ha... No." Umiling si Franchette.
"Kasi bakit wala akong kaalam-alam sa existence ng taong 'yan. Hello, mas nauna kong nakilala si Mia kesa sa'yo pero ikaw alam mo pa?"
"Kalma-kalma! Bakit ang taas ng dugo mo?"
"Hindi no. Hindi kaya."
Natawa si Franchette. Pero nawala din at sumeryoso ang mukha nito.
"Anong meron kay Lenard. Bakit mo tinatanong? Paano sinabi sa'yo ni Mia? Okay lang ba siya. God, kaya pala hindi nagme-message ang babaeng 'yun. Jusko ang sarap sabunutan."
"Ako kaya naunang nagtatanong dito. Bakit puro tanong din sagot mo."
"Ano ba kasing gusto mong sabihin ko? Eh sinabi na pala sa'yo ni Miala 'yung tungkol sa ex niya."
"Ano... Bakit ganun?" Nag-iisip siya ng right words. "Bakit sila nagbreak. Bakit parang hindi ko naman alam na may ex pala siya. Bakit hindi niya man lang nabanggit? Bakit hindi mo rin nababanggit? Para kasi akong napa-prank dito eh.
"Hep! Hep! Hep! Eh ang dami mo ding tanong eh 'no."
"Sagutin mo kaya kahit isa."
"Weird mo Ry. Sayo centric 'yung mga tanong mo eh."
"Hindi ah!" Laking pagtanggi ni Riley. But thinking about it, parang involved nga ang sarili niya sa lahat ng issues na inopen niya. "Well, I guess nakakatampo lang din. Pero hindi ko naman masisisi si Mia 'no. If a douche hurt her like that, then I can't really blame her."
"Ewan ko sa'yo. Justify pa more."
Dumating na ang mga order nila at nilantakan na ni Franchette ang pesto nito at nakikitikim pa sa ravioli niya. Sa isang normal na okasyon, papaluin niya ang kamay ng babae sa pangunguha ng pagkain ng may pagkain. Pero hinahayaan niya lang ito ngayon.
"Alam mo kasi Riley. 'Wag ka ngang pabebe. 'Di naman sa 'di ka tinatrust ni Mia kaya 'di niya nabanggit 'yun sa'yo."
"Eh ba't ikaw alam mo?!"
Nilunok muna ni Franchette ang namumuwalang pagkain sa bibig niya sabay higop sa frappe.
"Aksident ko lang nalaman. First year tayo."
At ikinuwento ni Franchette kung paano siya kinilabutan nang may marinig na umiiyak sa CR. Maggagabi na 'nun at nasa kalagitnaan siya ng Math 17 at nagpunta lang si Franchette sa banyo para maghilamos dahil antok na antok talaga siya. Akala niya talaga minu-multo na siya noon dahil sobrang luma na ng Math Building ng university nila. Naisip pa niya noon na naiinis siya kay Miala dahil hindi man lang ito pumasok ng Math 17 nila na wala man lang sabi-sabi, eh di sana may kasama siyang mag-CR.
Pinagsisipa pa niya ang mga cubicle ng CR bago siya nakarating sa dulo kung saan naririnig niya na talaga ang pag-iyak. Halos maihi siya habang binubuksan ang huling cubicle pero ang makikita niya lang pala ay si Miala.
Doon niya nalaman na may dinadala pala ang kaibigan.
"Nagulat na lang din ako 'noon na kaka-break niya lang pala a few months bago siya mag-board dito sa del Verde."
"So ano nga." Sagot ni Riley matapos ang napakahabang litanya ni Franchette.
"Anong ano nga?"
"Sobrang dami mong sinabi pero 'di mo pa rin nasagot lahat ng tanong ko."
Nagkamot si Franchette at ibinaba ang tinidor. Hindi niya rin alam kasi kung paano sasabihin kay Riley ang lahat dahil ang totoo, kaunti lang naman ang nalalaman niya. Aksidente niya lang nakita 'yung frail na itsura ni Miala noong oras na 'yun almost 2 years ago. And Mia has been doing so well for the past few years. Ayaw niyang bumalik na naman sa wasak ang kaibigan niya. Kahit na naiwan siya sa Del Verde at bumalik na ng Maynila sila Mia, nagtuturingan pa rin silang magbe-bestfriend.
"Alam mo. Hindi ako dapat magsabi niyan sa'yo eh. It's not my story to tell. Si Mia talaga makakasagot niyan."
Gustong ihambalos ni Riley ang lamesa sa mukha ni Franchette. Sa hinaba-haba ng binyahe niya at tagal ng inintay niya para makarating sa point ang kwento ni Franchette, hindi rin naman pala sasabihin sa kanya? Joke ba ang buhay niya?
"Riley wag kang magsimangot diyan."
"Kahit konti lang. Kahit clue lang." With his tone, parang nagmamakaawa na siya kaya pinilit ni Riley maging authoritative ulit. "Parang tanga naman 'to si Franchette eh!"
"Bakit ba kasi kailangan mo malaman! Bato ko kaya sa mukha mo ravioli mo!"
"Para ka kasing 'di kaibigan. Ang layo ng binyahe ko eh. Kung ikaw kaya 'yung 'di nakaalam, okay lang sa'yo?"
"Oo! Okay na sa'kin 'yun. Kung hindi sa'kin sinabi ni Mia. If she chose not to tell it to me, makukuntento ako. Iintindihin ko siya kasi kaibigan ko siya!"
Natahimik si Riley. Ang lagay eh siya pa pala ang masama. Ang totoo, gusto niya lang talaga malaman para alam niya kung paano niya tatantsahin si Mia kung sakaling lumitaw ang sinasabing lalaki sa harap nila. At least alam niya ang backstory at kakaharapin niya. Pero dahil sa mga sinasabi ni Franchette ngayon, narealize din ni Riley na parang partly kaya niya rin siguro ginagawa ito dahil apektado siya na hindi man lang sinabi sa kanya ni Mia for the whole 3 years na may ex ito. At kung hindi pa ulit magpapakita at babalik sa buhay nito ang Lenard na 'yun, baka hindi niya pa malaman.
"Okay, sorry na. Baka isuka ko na 'tong nilibre mong pagkain sa'kin dahil masama nap ala loob ng nagbigay. Sorry na kung ang sakit ko magsalita. Pasensya na."
"Okay lang. Hindi ako galit. Tama ka naman."
Isang napaka-awkward na katahimikan na naman ang namagitan sa kanilang dalawa. Halos tunog lang ng pages ng libro na binabasa ng mga summer class students sa gilid nila ang naririnig. Mauubos na rin ni Franchette ang pasta nito nang magsalita ulit. May bigla kasing gumulo sa utak niya.
"Uhm." Tumikhim siya. "Bakit niyo nga pala napag-usapan 'yung ex niya? Random lang?"
Umiling si Riley.
"Naalala mo si Tom at Jane. 'Yung mga kaibigan niya sa Manila na ikakasal in a few days?"
Tumango si Franchette. Parang tama nga ang naiisip niya.
"Dadating sa kasal 'yung Lenard."
"H-ha?!"
Tahimik pa rin si Riley pero ang mga salitang See, I told youay nakasulat sa mga expressions nito.
Maya-maya, may kinuha si Franchette sa bag niya. Binutingting nito ang cellphone with her worry face on sabay pakita kay Riley ng screen.
"Ano 'to."
"Tsk. Tignan mo."
Isang picture ng lalaki ang nakikita niya. Sobrang puti lalaki at sobrang pula ng labi. Kung unang titignan ay parang may make-up ito pero kung tititigan ay wala naman. Sadyang mapusyaw lang talaga ang balat nito.
"Ano 'to?"
"Hindi ano 'to." Pagtatama ni Franchette. "'Yan si Lenard."
Tinitigan ulit ni Lenard ang picture with a different light. 'Eto pala ang sinasabing ex ni Miala. Magandang lalaki. At mukhang pamilyar pa nga sa kanya. He just can't put a finger kung saan niya ito nakita.
"Isa lang ang masasabi ko sa'yo Riley. He cheated on Miala. Kaya sobrang galit niya diyan sa taong 'yan. 5 years sila. Isipin mo, sobrang tagal na ng 5-year relationship para sa mga high school to senior high dati. Tapos nagbreak sila? At si Lenard 'yung nangiwan. Without a word. Without an explanation. It's a big blow for her. Alalalayan mo na lang. At hayaan mo siya ang magsabi sa'yo ng lahat. In time, sasabihin niya rin 'yan."
"Ganoon ba talaga kabigat? As in nangiwan na lang na walang nangyaring turning point or something?"
"Turning point - turning point ka diyan. Basta. Wala na akong sasabihing iba. As much as I'd like to tell you, again, it's not my story to tell. It's not for us to talk about. Gaano man kabigat 'yun, it's serious enough para magkaganun 'yung kaibigan natin. It's her whole world."
*later*
Update Scheds: Every Tuesdays, Thursdays, and Saturdays