HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5

2.3M 52.9K 111K
By maxinejiji


CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
Who's back with a vengeance?

LOVEMIR'S POV

NAPALINGON AKO sa pinto dahil sa sunod-sunod na door bell. Wala akong inaasahang bisita kaya naman gano'n na lang katagal bago ko nagawang kumilos. Sandali pa akong napatitig sa pinto. Dahan-dahan at maingat akong nagtungo sa pintuan, patuloy naman ang pag-iingay ng door bell. Hindi ako gumawa ng ingay hanggang sa masilip ko kung sino ang naro'n.

Nangunot agad ang noo ko nang makita ko si Taylor. Halatang naiinip na sa paghihintay, sunod-sunod ang pagpindot niya sa buzzer habang humihithit ng sigarilyo. Napabuntong-hininga ako nang makita ko sa kaniyang likuran sina Christian at Cargosin. Pare-pareho silang naiinip nang mapagbuksan ng pinto.

Humugot ako nang malalim na hininga saka muling sumilip. Hindi sila pupunta rito kung alam nilang wala ako.

"Pasukin na natin," bagaman mahina ay nadinig ko ang sinabi ni Christian. Nagtanguan sila saka sabay-sabay na tumalikod.

Noon ko lang binuksan ang pinto. Dahilan para sabay-sabay uli silang mapalingon.

Napamura si Taylor habang nakangisi sa 'kin, paniguradong naasar siya sa paghihintay. Pero nasa dugo niya na ang pagiging sarkastiko. "Bakit napakatagal mo naman kaming pagbuksan?" Hindi ko siya sinagot. "Totoo nga ang balita, buhay ka pa, Lovemir!" Lumapit siya at yayakap sana sa 'kin pero humakbang ako papalayo.

Dahil do'n ay mas lumuwang ang pagkakabukas ng pinto, naging madali para sa kanilang tumuloy.

Muli akong napabuntong-hininga, hindi pa rin binibitiwan ang door knob, habang isa-isa silang pinagmamasdan.

Napanood ko nang igala ni Cargosin ang paningin sa kabuuan ng bahay bago lumingon sa 'kin. "How are you, brother?"

Kumunot ang noo ko pero hindi ko nagawang tumugon. Muli akong humugot at nagpakawala nang malalim na hininga. Saka ko uli sila tiningnang isa-isa.

"Baka gusto mo kaming paupuin?" sarkastiko na namang ani Taylor.

"You always do what you want to do, Taylor. What's the use of asking me?" sarkastiko ko ring tugon.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi, nakadaragdag sa mayabang niyang dating habang nakapamulsa sa suot na itim na jacket.

Naupo sila nang sabay-sabay. Pinagkrus ni Cargosin ang mga hita at braso saka deretsong tumitig sa 'kin. Parang ipinagtaka niya pa ang pananatili ko sa harap ng pinto kaya isinenyas niya sa 'king maupo.

Awtomatiko akong napahugot ng hininga. Pinakawalan ko lang iyon habang isinasara ko nang marahan ang pinto. Kakaiba ang pakiramdam. Aminado akong matindi ang kaba sa aking dibdib. Habang nakatalikod ako sa kanila ay tila ba sumasaksak sa likuran ko ang kanilang paningin.

Pinanood nila akong maupo sa pang-isahang silya sa kanilang harapan. "Anong kailangan ninyo?" seryoso kong tanong.

"Marami," nakangising sagot ni Taylor. "Pero magkumustahan na muna tayo. Pakiramdam ko ay matagal nang panahon mula nang kumustahin ko ang pagiging matino mo. Kumusta, Amato?"

Hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa kanila at pilit na iniinda ang ilang masasakit pang parte ng katawan ko.

"Hindi pa naghihilom ang mga sugat mo?" itinatago ni Christian ang pag-aalala sa tinig niya. "Kung hindi ka sana tumalikod sa 'min..." Hindi niya itinuloy ang kung ano mang sasabihin.

"Bakit kayo naparito? Bakit hindi ninyo pa ako deretsahin?" seryoso ko pa ring tanong.

"Hindi ka pa nga nang-aalok ng kape, iniinteroga mo na kami?" sarkastiko talaga si Taylor.

Nang hindi ko siya sagutin ay nakapamulsa siyang tumayo. Nakatingala siya sa mga gamit ko at marahang naglalakad. Halos ikutin niya ang buong lugar na iyon ng sala. At huminto lang siya nang naro'n na siya sa mismong likuran ko.

Naramdaman ko nang bahagya siyang tumunghay at pumantay sa aking mukha. "Isang pagkakataon, Amato. Sumama ka sa amin," halos pabulong niyang sabi.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Umayos siya ng tayo at naglakad papunta sa harapan ko. Nakapamulsa pa rin. "Simple lang ang sagot sa estupido mong tanong. Wala ka nang pakinabang sa lugar na 'to, Lovemir. Kami na lang ang natitira mong pamilya. Bakit hindi ka na lang sumunod?"

"Alam mong kompara sa 'yo ay mas kakayahan akong buhayin ang sarili ko, Taylor."

Nawala ang sarkasmo sa kaniyang mukha. "Nakahiligan mo nang magmalaki, nahawa ka na sa mga Moon."

"Lahat na lang ay sa kanila mo isinisisi."

Umasta siyang namangha sa isinagot ko. "Natatandaan ko pa ang galit mo noon, Lovemir. Ano ang nangyari?"

"Tama na iyan," sumabat si Cargosin. Nagkatinginan kami nang matagal. Tila nagpapakiramdaman sa hindi malamang dahilan.

Batid kong magtutuloy na sana sa sasabihin si Cargosin nang may marinig kaming paghinto ng sasakyan sa harapan. Sabay-sabay kaming napalingon sa bintana bago muling nagtama ang paningin namin ni Cargosin.

"Espesyal ka talaga masyado, Amato," halos pabulong na sabi ni Taylor. "Maraming bumibisita sa 'yo," dagdag niya saka maingat na naglakad patungo sa bintana.

Maingat niyang iniawang ang kurtina gamit ang pinakamaliit na daliri saka sumilip. Napanood kong mapalitan ng pagngisi ang inosente niyang hitsura. Tuloy ay hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo at lumapit sa kaniya.

Agad na nangunot ang noo ko nang makita ang panganay na Moon. Nakatingala siya sa harap ng gate ko at tila ba pinakikiramdaman kung may tao dito sa bahay.

"Hindi lang talaga babae ang nabubulag mo," pabulong pa ring sabi ni Taylor. "Maging lalaki ay nahuhumaling sa iyo."

Inis ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya. Sira-ulo. "Ano naman ang ginagawa niya dito?" hindi ko napansin ang sarili kong naisatinig ang tanong sa isip ko.

Naramdaman kong tumayo sina Christian at Cargosin. Nasa likuran namin sila ni Taylor at malamang ay sumisilip din. Binitiwan ni Taylor ang kurtina at sumenyas sa 'kin. Gusto niyang pagbuksan ko ng pinto si Maxwell. Sinenyasan niya rin ang dalawa pang kasama. Humakbang ang dalawa papunta sa gawi kung saan hindi agad sila makikita kapag binuksan ko ang pinto. At batid kong sa sandaling iyon ay may binabalak na sila.

"Buksan mo ang pinto," pabulong na sabi ni Taylor.

"Bakit ko gagawin 'yon?" pabulong ko ring tugon.

"Dahil gano'n ang akmang pagtanggap ng bisita, Lovemir."

"Ano ang binabalak ninyo?"

"Hayaan mo, mamaya ay makikita mo." Ngumisi siya.

"Hindi ko bubuksan ang pinto."

Nag-angat siya ng labi, tumitig sa 'kin at saka humakbang papalapit. Ikinagulat ko ang biglaan niyang pagbunot ng baril at deretso iyong itutok sa pinto, habang nananatili sa 'kin ang kaniyang paningin. Batid kong sa sandaling iyon ay nasa labas na ng pinto si Maxwell.

"Bubuksan mo o babarilin ko ang pinto?" pabulong niya pa ring sabi.

Gulat akong napalingon sa pinto nang mag-ingay ang buzzer doon na may kasunod na pagkatok. Nandoon na talaga si Maxwell. At kahit hindi ako sumilip sa viewer, mula sa distansya ko sa pinto ay nakikita ko ang maliit na imahe niya mula ro'n.

"Mas madaling kalabitin ang baril ko kaysa magtago, Amato," pabulong na namang sabi ni Taylor.

Bumuntong-hininga ako at sinamaan siya ng tingin. Hindi na ako nagsalita. Basta na lang ako humakbang papalapit sa pinto habang masama pa rin ang tingin.

"Galingan mo," dagdag ni Taylor, bumubulong pa rin. "Kailangang maramdaman niyang mag-isa ka lang dito."

Kunot-noo kong hinawakan ang door knob. Sinasadya kong bagalan ang pagkilos. Sa ilalim ng isip ko ay hinihiling kong sana ay may mas iiiksi pa ang pasensya ni Maxwell. Sana ay hindi na siya makapaghintay pa at umulit sa pagpindot ng buzzer. At sana ay umalis na lang siya.

"Rápido, Amato," bulong ni Taylor na minamadali ako.

Humugot muli ako nang malalim na hininga bago pinihit ang siradura. Matinding liwanag ang sumalubong sa 'kin kaya halos mapapikit ako habang inaaninag si Maxwell.

Tumango siya, hindi man lang ngumingiti. "Good afternoon," bati niya.

Hindi ko nagawang sumagot. Tiningnan ko pa ang kabuuan niya. Napatitig ako sa hawak niyang bag, sa palagay ko ay emergency kit iyon. At alam ko na ang dahilan niya ng pagparito.

Gusto kong mamangha. Hindi ko naisip na babalikan pa nila ako, maski isa sa pamilya nila, at aalalahanin ang mga sugat na tinamo ko.

"Why are you here?" tanong ko.

"You have to be checked."

"No need."

"It is needed," kaswal niyang sagot, parang noon pa lang nauubusan ng pasensya. "I assume responsibility for everything that happens to my patient."

"Go home," akma kong pagsasarhan siya ng pinto.

Ngunit malamig na bagay ang dumako sa sentido ko. Nangibabaw rin sa pandinig ko ang pagkalabit ni Taylor sa gatilyo ng baril na iyon na itinutok niya sa ulo ko. Nagtangis ang panga ko, bahagya ring bumilis ang paghinga ko. Gusto kong magalit sa ginagawa nila sa akin. Pero wala akong nagawa kundi ang maestatwa at bigyan nang masamang tingin si Maxwell.

Bahagyang nangunot ang noo ni Maxwell, hindi inaalis ang tingin sa akin. "I need to assess your situation to know if you need further medical advice," mayamaya ay aniya.

Kinabahan ako dahil naisip kong baka narinig niya ang kalabit ng gatilyo. "As you can see, I'm okay," sinabi ko iyon habang bumubuntong-hininga, habang idinidiin ni Taylor ang nguso ng baril sa ulo ko.

Pasimple akong lumingon para samaan ng tingin si Taylor. Pero mas masama pala ang pagkakatitig niya sa akin. Sumenyas siya na ang ibig sabihin ay patuluyin ko si Maxwell. Lalo ko rin siyang sinamaan ng tingin. Dahil nasisiguro kong hindi siya magdadalawang-isip na iputok iyon kapag sumuway ako. Hindi lang ako ang mapapahamak kapag nagkataon, kaming pareho ng aroganteng Moon na ito.

"It seems like your visitors are notoriously impatient and pushy, maybe they can't wait to see me," dagdag ni Maxwell, dahilan para bigla akong mapalingon sa kaniya.

Hindi ko inaasahang mararamdaman niyang may iba pa akong kasama. Totoo ngang kakaiba ang kanilang pamilya. Kinabahan ako sa hindi malaman na dahilan. Lalo pa nang agawin ni Taylor mula sa akin ang siradura at kusang pagbuksan ang bisita.

"Maxwell Laurent del Valle-Moon," salubong ni Taylor. Nakangisi pa rin siya at nakikipagyabangan nang pagngiti kay Maxwell. "Alam mo, hindi ko maintindihan kung alin ba sa dalawa ang apelyido ninyo? Iyong del Valle o Moon? Pakisagot mo nga ang tanong ko?" Wala na talagang hihigit pa sa pagiging sarkastiko niya.

"What do you think?" kaswal na sagot ni Maxwell. Gusto kong bumilib dahil hindi ko man lang siya kakitaan ng takot at kaba.

Ngumiwi si Taylor saka muling ngumisi. "Apelyido siguro ng nanay mo ang del Valle at iyong ama naman ang Moon?"

Noon lang ngumiti si Maxwell, nagmamalaki ang malalim niyang dimples. Pero hindi siya nagsalita, hindi siya sumagot. Ngumiwi lang at tumango ang napapahiyang si Taylor. Isinenyas niya kay Maxwell ang sala. Gusto kong maasar nang payapa naman itong sumunod at maupo. Walang kasinlakas ang loob niya dahil nakuha niya pang ilapag nang buong ingat ang dalang kit. Saka pinong-pinong kumilos para maupo nang magkakrus ang mga hita na para bang isang ganap na babae.

"Marico?" tanong ni Christian na kinukuwestiyon ang kasarian ni Maxwell.

"Amanerado," nakangising tugon ni Cargosin na iniinsulto rin ang kasarian ni Maxwell.

Hindi man lang nag-angat ng tingin ang bagong dating sa dalawang nagsalita. Nag-angat siya ng tingin at nilingon ako. Isinenyas niya ang silya sa kaniyang harapan, pinauupo ako.

Tiim-bagang kong nilingon si Taylor, nakangisi na siya. "Ang lakas ng karismo mo, loko," pabulong niyang sabi. Gusto ko siyang sapakin, siya lang ang natutuwa sa mga ganoong biro niya.

Hindi ako sumunod. Sa halip ay naglakad ako papunta sa gilid ni Maxwell at nakapamulsang tumingin sa kaniya. "Inilalagay mo sa kapahamakan ang sarili mo," gitil kong sabi.

Naramdaman ko ang marahang paglapit ni Taylor. Tumayo siya sa harapan namin at buong yabang na ngumisi. "Interesado talaga ako sa pamilya ninyo," aniya sa bisita. "Anong klaseng mga tao kayo? Masyado kayong misteryoso. Halos walang makapagbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa inyo. Nabubuhay kayo sa mundong ito nang may taglay na lakas at kapangyarihan pero kataka-takang iilan ang tunay na nakakikilala sa inyo." Pinakadiinan niya ang ilan sa mga salitang sinabi. "Interesado akong makilala kayo nang lubos. Gusto kong malaman ang lahat. Lalo na ang tungkol sa organisasyon ninyo. Ano ang lihim sa inyong pagkatao? Sino kayo?"

Nilingon ko si Maxwell at nakita ko nang panawan siya ng emosyon sa mukha. Sumeryoso siya na para bang anumang oras ay pasasabugin niya ang ulo namin.

"You need to know the first rule," sinabi ni Maxwell iyon nang bahagyang naniningkit ang mga mata.

Ngumiwi si Taylor. Nilingon pa kami bago nakangising bumaling ulit sa kausap. "What rule?"

"Do not ask questions," ang halos pabulong na tinig ni Maxwell ay may kung anong kilabot na hatid.

Matagal na katahimikan ang nangibabaw. Batid kong gaya ko ay naramdaman niya ang kung anumang mayroon sa tono nang pananalita ni Maxwell. Matagal bago nagawang kumilos ni Taylor. Nanlilisik na ang mga mata niya nang tunghayan at titigan ang kabuuan ng mukha ni Maxwell.

"Magaling ka rin kayang gaya ng kapatid mo?" halos pabulong niyang tanong.

"Try me," pabulong ding sagot ni Maxwell.

Pathetic asshole. "Enough," iniharang ko ang braso ko sa pagitan nila. Tiningnan ko silang pareho. "Huwag dito sa bahay ko."

"Tara sa labas kung gano'n," sagot ni Taylor, hindi man lang maputol ang masamang titigan nila ni Maxwell. "Tingnan ko ang tapang mo."

Pero hindi na sumagot si Maxwell. Nakita ko pa nang alisin niya mula sa pagkakakrus ang kaliwa niyang hita at buong puwersa iyong itinadyak kay Taylor! Bumagsak si Taylor sa center table na agad na nabasag.

Sinamaan ko ng tingin si Maxwell na noon ay nakatayo na. At buong yabang na inaayos ang coat ng semi-formal niyang suot.

Akma namang susugod sina Cargosin at Christian ngunit gamit ang hintuturo ay nagawa silang pigilan ni Taylor. Nahihirapan man ay nagawa niyang bumangon at pagpagan ang sarili. Walang-alinlangan niyang binunot ang baril mula sa likuran at ipinutok iyon kay Maxwell! Pero sa pagkamangha ko ay ganoon na lang kaprente ang pag-iwas nito! Tila naglakad lang papunta sa gawing malapit kay Taylor at sinugod ito. Niyakap ni Maxwell mula sa bewang si Taylor dahilan para mapaatras ito. Bigla ay sinapo ni Maxwell ang likuran ng mga hita ni Taylor at pinuwersa ang mga iyon papunta sa katawan niya. Dahilan para patalikod muling matumba sa basag na mesa si Taylor.

Iyon na ang hudyat nang pagsugod ni Cargosin na agad namang sinalubong nang malakas na sipa ni Maxwell! Hindi pa ito doon nakontento dahil bago bumagsak si Cargosin ay siniko siya ni Maxwell sa mismong gitna ng kaniyang likod. Napasigaw si Cargosin na animong sandaling naparalisa. At bago pa man makakilos si Christian ay initsa na ni Maxwell ang isang unan sa kaniya! Nagawa mang bumawi ni Christian ay huli na dahil nasa likuran niya na rin si Maxwell. Dalawang beses niyang siniko ang batok ni Christian dahilan para mapayuko ito! Hinila niya mula sa noo si Christian upang umayos ito sa pagkakatayo. Saka ito sinuntok ni Maxwell sa mismong lalamunan! Hindi halos nagawang makasigaw ni Christian dahil sa sakit. Nasapo niya ang leeg gamit ang dalawang kamay at sa gano'ng posisyon naghikahos sa paghinga.

Dinampot ni Maxwell si Christian mula sa likurang bahagi ng damit nito. Walang nagawa si Christian kundi ang magpakaladkad sa kaniya. Halos ibato siya ni Maxwell sa ibabaw ni Taylor. Nang makita niyang kumilos si Cargosin ay napakalayo ng buwelong ginawa niya para masipa ito sa mismong mukha!

Sinubukang tumayo ni Cargosin pero nabigo siya. Halos pabagsak niya ring naihigang muli ang ulo niya. Nakahawak siya sa dibdib at braso saka namimilipit na nagpaikot-ikot sa sahig. Panay ang gitil niyang pagmumura. Habang si Christian naman ay gano'n din, tila agad na pinanghina ng iilang dagok na tinamo niya.

Nakita ko nang pumulot si Maxwell ng isang bahagi ng nabasag na salamin saka ako hinila. Ipinuwesto niya ako sa harapan niya at saka niya itinutok ang matalim na bagay na iyon sa tagiliran ng leeg ko.

Nangibabaw ang nakakainsultong halakhak ni Taylor. "Mierda! May angking talento ka rin pala?" aniya habang pinipilit tulungan ang sariling makatayo. "Pagod ako, pasensya na. Hindi ko tuloy nagawang tapatan ang pagpapakitang-gilas mo."

"Tsh," singhal ni Maxwell. "Don't worry, stretching lang iyon."

Nag-angat ng labi si Taylor. "Nasa rule din ba ng pamilya ninyong maging ganito kayayabang?"

"Nasa dugo iyon, dumadaloy, nananalaytay, naisasalin at namamana." Batid kong nakangisi si Maxwell nang sabihin iyon. Pero nararamdaman ko ang galit sa kaniyang tinig. "At kapag dumating ang pinakamayabang sa amin, isa-isa niya kayong tatapusin."

Matagal na tumitig si Taylor kay Maxwell nang nakangisi. "Akala mo ba ay panghihinayangan ko ang buhay na hawak mo?" tanong niya sabay putok!

Nabigla ako nang halos itapon ako ni Maxwell sa pagtulak! Dali-dali ko siyang nilingon at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko siyang nakatayo. Dahan-dahang napapaatras habang sapo-sapo ang kaliwang bahagi ng tiyan niya. Duguan ang kamay niyang mabilis na nanginig at nakatingin siya doon. Mabilis na umagos ang dugo at kumalat sa puti niyang polo.

"Taylor!" gilalas ko sabay sugod. Pero sa isang iglap ay nakaiwas siya at naihampas ang baril sa batok ko.

Nalugmok ako sa sahig pero nanatili akong gising. Masakit ang ginawa niya pero hindi sapat iyon para matigilan ako. Agad akong tumihaya at tiningala sila.

Dahan-dahang nilingon ni Maxwell si Taylor. Kakaiba talaga sila. Wala man lang nagbago sa hitsura niya at tila nagalit pa!

"Ano, lalaban ka pa?" galit nang tanong ni Taylor.

"Tigilan mo na!" gilalas ko kay Maxwell. "Hindi talaga sila magdadalawang-isip na patayin ka, kaya kung gusto mo pang mabuhay ay umalis ka na!"

"Bobo!" bumaling sa 'kin si Taylor. "Sa tingin mo ba ay patatakasin ko siya? Bobo! Tumayo ka nga diyan!" sumugod siya sa 'kin at dinampot ako sa kuwelyo. "Tumayo ka!" padarag niya akong pinabangon at ibinato papalapit kay Maxwell.

"You're stupid!" singhal ko kay Maxwell.

"For saving you, yes," nakangising aniya.

Gusto kong matawa nang prente niyang hubarin ang suot na coat at itabing iyon sa tama niya. Saka siya naupo na para bang walang kalaban sa kaniyang harapan. Pinanood niya pang bumangon sina Christian at Cargosin. At gusto ko siyang sigawan nang ilingan niya ang akmang magpasugod ng mga ito na pinigilan ni Taylor.

"Tell me what do you want?" seryosong tanong ni Maxwell kay Taylor.

Ngumisi si Taylor. "Let your sister decide." Dinukot niya mula sa bulsa ang kaniyang telepono.

"Taylor, tigilan mo na!" sumugod ako at akmang aagawin ang telepono sa kaniya.

Mabilis niya iyong naiiwas. "Patay na patay ka sa babaeng Moon, Amato."

"Tigilan mo na," nagbabanta kong sabi.

"Hindi ka magugustuhan no'n. Patay na patay rin iyon sa kaniyang nobyong walang silbi."

"Tigilan mo na! Ano pa ba ang mapapala mo sa ganitong ginagawa mo?"

"Marami. Kailangan nating makabayad sa hangal na si Mr. Wood, Lovemir."

"Natin?" Sininghalan ko siya.

"Oh, hindi ka na nga pala namin kaisa," ngumisi siya. "Eh, kung patayin na lang din kaya? Sagabal ka lang, eh!"

"Pwede bang manahimik ka na lang, Lovemir?" sabat ni Cargosin. "Hindi ka na nga nakakatulong, masyado ka pang mabunganga." Napatitig ako sa kaniyang sinabi.

Gusto kong manibago sa uri ng pakikitungo sa 'kin ni Cargosin. Kataka-takang hindi man lang ako nakatikim nang kahit na anong pananakit mula sa kaniya. Hindi iyon normal sa kaniya. Mula nang masira ang hindi naman kagandahang relasyon namin ay walang sandaling hindi niya ako sinasaktan nang pisikal. Hindi ko siya nagagawang labanan dahil sa kakakarampot na respeto ko para sa kaniya at sa aking ama. At para na rin kay Eerah Anitha.

Pero sobra na ito masyado. Hindi ko na kayang manood pa. Ngunit nasisiguro kong hindi sapat ang lakas ko para iligtas ang kahit na sino. Hindi pa ako magaling. Bagaman nakikita kong gaya ko ay may iniinda ring sakit ang mga kaharap ko ngayon.

"Tatawagan ko ang babaeng Moon," mayamaya ay ani Taylor. "Ipasusundo ko ang pinakamamahal niyang kapatid." At mayamaya lang ay nakangisi na siyang nakikinig sa kabilang linya.

Gumagana ang utak ko pero hindi iyon kapaki-pakinabang sa ngayon. Wala akong maisip na paraan! Kailangan kong mapigilan si Maxpein ngunit hindi ko alam kung paano.

"Condolence," nagulat ako nang magsalita si Maxwell. Nilingon ko siya nang may nagtatakang tingin. "May all your souls rest in peace."

Napailing ako sa pagtataka kung bakit niya iyon sinasabi. Pero ang kabang idinulot ng mga salita niyang iyon sa akin ay tila kamay na hinaplos ang natutulog kong kaba.

DEIB'S POV

SAKSI AKO sa matinding panggigigil ni Taguro. Hindi ako mapakali habang nakatingin sa kaniya at naghihintay sa mga susunod pa niyang sasabihin. At tulad ko ay halos mag-panic na rin ang mga naro'n. Wala pa man kasi siyang sinasabi ay nasisiguro ko nang may hindi magandang nangyayari. At mukhang may kinalaman iyon sa mga Rewis at kay Maxwell.

Sinusubukang sumingit ni Maze sa pakikipag-usap ni Taguro pero pinipigilan siya ni More. Panay ang pag-iwas ni Taguro at sinasarili ang pakikipag-usap pero hindi talaga mapakali si Maze. Nag-aalala siya panigurado para sa kaniyang anak.

Napapikit si Taguro pero naro'n pa rin ang kaniyang panggigigil. "Sabihin mo na sa 'kin kung anong kailangan mo, Taylor. Ibalik mo sa 'kin ang kapatid ko!" Pinanood namin siyang makinig sa kabilang linya. "Pera ang kailangan ninyo, hindi ba? Ibibigay ko ang lahat ng kailangan ninyo, ibalik mo sa akin nang buhay ang kapatid ko, Taylor. Ibalik mo sa akin nang maayos ang kapatid ko."

Muli siyang napapikit matapos makinig sa kabilang linya. Paniguradong hindi niya lalo nagustuhan anumang isinagot ni Taylor sa kaniya. Sabay-sabay kaming naghintay ng iba pang naro'n. Pero pinutol na ni Taguro ang linya at gano'n na lang ang gulat namin nang bigla niyang ibato ang hawak na espada!

Nanginginig si Taguro. Galit na galit na nakatitig sa kung saan. Namumula ang buong mukha niya at nakakuyom ang kaniyang mga palad.

Kaming mga naro'n ay nakatingin lang sa kaniya at hindi malaman kung ano ang unang gagawin. Pare-pareho kaming naghihintay nang sasabihin niya.

"What's going on, Maxpein?" Si More ang bumasag sa katahimikan.

"Prepare for torture," mahinang tugon ni Taguro na siyang ikinabigla ng lahat. Sobrang hina pero nagawang madinig ng lahat. "I am going to torture them... to death."

Matagal bago nakasagot si More, "Where is your brother?" mahina niya ring tanong, naro'n ang kaba.

"They have him."

"You're talking about the Rewis?" Klaro ni More. Napapikit din siya nang tumango si Taguro.

Agad na napakayakap si Maze sa asawa at pinangiliran ng luha. Nakita ko ang pagpipigil niya habang binibigyan ng nagtatanong na tingin ang mga kapamilya niya.

Napatingin ako sa pamilya ko na nag-aalala rin nang sobra. Pero hindi gaya ng mga Moon ay bakas sa amin ang kawalang kakayahang mag-isip at kumilos pagdating sa mga ganitong bagay.

Noon pa lang humarap si Taguro sa 'min, na kay Heurt agad ang kaniyang paningin. "Give me his family."

"What?" nagugulat na tugon ni Heurt, sunod-sunod ang pag-iling niya.

"Taylor's family," masama ang titig ni Taguro. "I want his family."

"No."

"Yes."

"No," mas mariing tugon ni Heurt.

"I want to be fair, Heurt. Give them to me." Isa-isa niyang sinabi ang bawat salita ng huli niyang linya.

"Maxpein?"

"Kilala mo 'ko, Heurt. Kahinaan ko ang mga taong mahal ko sa buhay," napakahina na namang sagot ni Taguro. "Ilang pagkakataon ba ang ibibigay ko sa kanila?" pabulong na asik niya, nanggagalaiti sa galit. "Wala na akong oras para maghanap pa kaya pakiusap, ibigay mo sa 'kin ang pamilya niya, Heurt."

Bumuntong-hininga si Heurt. "Kukunin natin si Maxwell," naniniguro ang tinig niya. "Ililigtas natin siya nang walang madadamay na iba, Maxpein. Magtino ka."

"Kinukuha nila ang katinuan ko," galit na galit si Taguro.

"Maxpein..." Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nabanggit ko na ang pangalan niya.

Matagal bago ako nilingon ni Taguro. Pero nang magtama ang paningin namin ay naro'n pa rin ang kaniyang galit. Nakakatakot, binubuhay ang matinding kaba ko. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa gabing ito. Nag-aalala ako sa gagawin niya at magiging kapalit ng mga kilos niya.

Umiling ako, iyon ang paraan ko nang pagpaparating sa kaniyang ayaw kong gumawa siya ng bagay na maaaring ikapahamak niya. At sa isip at puso ko ay umaasa akong mapapapayag ko siya sa gusto kong mangyari.

Pero nabigo ako nang talikuran niya ako. Agad na humabol sa kaniya sina Heurt at Mokz.

"You're not going to do something stupid, Maxpein, aren't you?" tanong ni Mokz na siyang nakapagpahinto kay Taguro, at sa lahat ng naro'n, nang makarating kami sa sala.

Dahan-dahan siyang nilingon ni Taguro at ang lahat ng takot ko ay nagsama-sama dahil sa sobrang sama nang pagkakatitig niya kay Mokz. Wala pa man siyang sinasabi ay nangunguwestiyon na ang nag-aapot niyang tingin.

"What?" bagaman mahina ay naro'n ang diin sa tinig ni Taguro. Unti-unti siyang naglakad papalapit kay Mokz. "What did you say?"

Tumindig nang ayos si Mokz at makapangyarihang tumitig sa kaniya. "You know what I'm talking about, Maxpein."

Tumango-tango si Taguro. "Lahat ba nang ginawa ko ay estupido para sa 'yo, Mokz?"

Kunot-noong tumitig si Mokz sa kaniya. "Alam mo kung ano ang tinutukoy ko, Maxpein, huminahon ka."

"Hindi ko nagustuhan ang tanong mo. Uulitin ko, estupido ba para sa 'yo ang lahat ng ginawa ko?"

"Maxpein!" gilalas ni Mokz.

Tumitig si Taguro sa kaniyang lolo nang deretso. Ni hindi ko man lang yata nakitang kumurap ang mga mata niya. Matinding galit ang mababasa sa paningin niya. Galit na tinging sa kaaway niya lang ibinibigay.

Lumapit si Heurt at hinila sa siko si Taguro. "Hindi lahat ay kalaban mo, Maxpein. Kumalma ka."

Hindi pa rin inaalis ni Taguro ang paningin kay Mokz. Mabilis ang paghinga niya at sa pagkakakunot ng kaniyang noo ay para bang libo-libong tanong ang namumuo sa isip niya. Kakaibang tensyon ang namuo sa pagitan ng lahat. Tensyon na hindi ko pa nararamdaman noon. Pakiramdam ko ay pinakamatindi itong ngayon.

"Maxpein," hinawakan na ni Heurt sa magkabilang pisngi si Taguro at pilit na iniharap sa kaniya.

Pero hindi na nag-angat ng tingin pa si Taguro. Nakatingin siya sa katawan ni Heurt pero ang galit ay naro'n pa rin.

"Ayaw nilang makipagkita sa akin," mahinang sabi niya. "Binigyan nila ako ng isang araw para harapin sila at hindi ko alam kung saan sila hahanapin." Nag-iwas siya ng tingin para kumawala sa mga kamay ni Heurt pero hindi siya nito pinakawalan.

Nanginginig pa rin ang boses niya. Nandoon pa rin ang galit. At hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang ilabas ang nakakahawang emosyon sa ganoong sitwasyon. Sadyang kakaiba. Nakakahawa kaya hindi ko napigilang pamasaan ng mga mata. Sunod-sunod na pagkurap ang ginawa ko saka ako napabuntong-hininga.

Hindi ko alam ang gagawin, paulit-ulit na lang. Sa t'wing may mangyayaring ganito, pakiramdam ko ay ako ang pinakawalang kuwentang tao sa buong mundo. Wala akong kapaki-pakinabang kahit sa pinakamaliit na bagay. At bawat sandali ay inaantig ako ng konsensya ko. Isip ako nang isip pero walang ginagawang kilos ang katawan ko para man lang makatulong.

"Kailangan kong makita si Maxwell, bago pa may masamang mangyari sa kaniya. Hindi ko na kayang mawalan pa ng isa, hindi ko kaya." Nangilid ang mga luha ni Taguro. "Tulungan mo 'ko, Heurt," halos pabulong niyang sabi.

Nag-angat ng tingin si Heurt sa kaniya na para bang iyon na ang pinakanakakagulat na salitang sinabi ni Taguro. Emosyonal din siyang napatitig sa anak at hindi malaman kung anong kilos ang itutugon sa sinabi nito. At hindi pa man nagagawang magsalita ni Heurt ay napatakbo na si Maze para yakapin si Taguro. Humahagulgol siyang yumakap dito.

Lumapit din si Mokz kay Taguro at yumakap. "I'm sorry," pabulong ngunit sinsero niyang sabi. "I'm so sorry, Maxpein Zin."

Nagbaba ako ng tingin, hindi ko sila magawang panoorin. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko. Dahil alam kong ang ibig sabihin niyon ay hinahayaan na nila si Taguro na kumilos. Wala pa man ay natatakot na ako at kinakabahan. Ayaw kong umalis si Taguro sa bahay na 'to. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko.

"Pupunta ako sa bahay ni Lovemir," bumalik na ang normal na tono ni Taguro, normal na sa kaniya na para bang galit at nauubusan ng pasensya kung magsalita. "Doon pumunta si Maxwell." Bumitiw siya sa mga nakayakap sa kaniya at humakbang.

Wala siya sa sarili, nakatitig sa kung saan, kaya hindi niya naramdaman ang biglaan kong paghapit sa kaniya. Iyon na ang pinakamahigpit na yakap na ibinigay ko kay Taguro. Naramdaman ko ang kamay niyang animong nag-aalinlangan pang gumanti ng yakap. At hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako bagaman nagagawa ko rin iyong pigilan.

"Please don't leave, babe," pabulong kong sabi. "I don't want you to leave."

"Maxwell needs me," pabulong niya ring sagot.

Pakiramdam ko ay iyon na ang pagtatapos ng usapan. Alam ko naman ang sagot pero sumubok pa rin akong pigilan siya. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan. Napakaraming tumatakbo sa isip ko at hindi ko magawang pagtuunan ang bawat isa.

"Sasama ako, Taguro."

"'Yan ang hinding-hindi ko gagawin," aniya na biglang humiwalay sa 'kin. Tumitig siya sa mga mata ko, nawawalan ako ng pag-asa. "You will stay here and promise me that you're not going to leave this place no matter what."

"Taguro..."

"I'll be back." Sinabi niya iyon habang hinahaplos ang mukha ko, saka siya tumitig sa mga mata ko.

Pinagdikit ko ang noo namin. Napapikit ako para pigilan ang matinding pag-usbong ng emosyon ko. "I love you, Maxpein," bulong ko.

"There's nothing I love more than having you. I love you more than I probably should, Deib," pabulong niya ring sabi.

Napahawak ako sa parehong kamay niya, ayaw kong bitiwan ang mga iyon. "Why are you making me feel this way, Maxpein?" mariing tanong ko. "Bakit pakiramdam ko ay mawawala ka sa 'kin?"

"Sshh..." Hinawakan niya ang labi ko. Pagmulat ko ay nakatingin na siya ro'n. Ngumiti siya nang magtama ang paningin namin. "I'll be back for you, for good. And that's not a promise," mahina niyang sabi saka nagpatuloy. "But a commitment."

"We have to go," ani Heurt dahilan para lingunin siya ni Taguro.

Kakalas na sana sa 'kin si Maxpein pero hinila ko pa rin siya pabalik. "Take care of yourself," bulong ko.

"I will," mahinang sagot niya saka tumiyad upang gawaran ako ng halik sa labi. Tiningnan niya ang lahat ng naro'n saka tumango nang matagal sa kaniyang pamilya.

Walang sali-salitang tinalikuran ni Taguro ang lahat. Magkasunod silang lumabas ni Heurt. Agad akong sumunod, agad din naman akong sinundan nina mommy at daddy. Bumubulong sila sa 'kin para pigilan akong sumama pero parang wala akong narinig. Wala akong balak na sumama, gusto ko lang makita si Taguro papaalis.

Halos sabay na sumakay sa motor ang mag-ina, gamit ni Heurt ang kay Naih. Hindi pa nag-iinit ang makina ay umarangkada na sila. Nag-iwan nang maputing usok ang pag-alis nila, tinanaw ko sila hanggang sa hindi ko na sila makita.

MABILIS NA lumipas ang oras. Ang lahat ay nananatili sa sala. Hindi namin magawang maghiwalay. Lumalalim ang gabi pero walang makaramdam ng antok sa amin. Pare-pareho kaming kabado at nag-aalala sa kung ano ang mangyayari.

Walang hinto sa paglalayag ang isip ko, hindi nawawala ro'n si Taguro. Siya lang ang iniisip ko. Nag-aalala ako sa kung ano na ang nangyayari sa sandaling ito. Pero kapag naaalala ko na magkasama sila ni Heurt ay bahagya akong kumakalma.

Natinag ako nang makipag-usap sa telepono si Parrot, mayamaya pa ay ipinasa niya iyon kay Maze. Paniguradong nakaramdaman nang pag-aalala ang kaniyang ina kaya biglang napatawag.

"Hindi pa rin ba tayo pwedeng tumawag ng pulis?" nag-aalala man ay naglakas-loob na magsalita si Noona.

"Masyado silang inosente, madadamay lang sila sa pwedeng mangyari," ani Mokz.

Hindi ako makapaniwala sa mga paniniwala at takbo ng isip nila. Kakaiba.

"Makadaragdag lang din sila sa problema, darating kung kailan huli na," dagdag niya.

"Eh, di tawagan natin habang maaga pa?" si daddy.

Umiling si Mokz. "Hindi kami nasanay nang nasa paligid sila. Kilala na kami ng mga pulis, tikom ang bibig nila pagdating sa pamilyang ito."

Napailing ako at naihilamos ang mga palad ko sa aking mukha. Ang pagiging misteryoso ng mga Moon ay dumaragdag sa bigat ng dibdib at ulo ko. Sumasakit ang sentido ko pero hindi ako dalawin ng antok.

Mayamaya pa ay natinag ng lahat nang mag-ring ang cellphone ko. Napatingin halos ang lahat sa 'kin nang tumayo ako upang kunin iyon sa mesa. Tumayo rin halos ang lahat para lapitan at tanungin ako kung sino ang tumatawag.

Napabuntong-hininga ako nang makita kung sino ang caller. "Eerah Anitha," banggit ko sa pangalan niya.

"Lohr." Kakaiba ang tinig niya, hindi ako nasanay. Pakiramdam ko ay napakatamlay niya, malayo sa dati niyang pakikipag-usap sa 'kin. "Your lolo is in danger."

Umayos ako ng tayo. "What?"

"Sina Cargosin," pabulong niyang sabi. "Papunta na sila ngayon sa bahay ng lolo mo."

"A-Ano?" bulalas ko. Napatingala ako sa mga nakatayo sa harap ko.

"What is it? Who is it?" nag-aalalang tanong ni Maze.

Hindi ko siya nagawang sagutin. "Paano ako makasisigurong totoo ang sinasabi mo, Eerah?" hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses.

"I want this to stop, Lohr." Gumaralgal ang tinig niya at mayamaya pa ay naririnig ko na ang kaniyang paghikbi. "We lost everything already."

"Kung hindi pa kayo magkaganiyan ay hindi pa kayo hihinto," pasinghal kong sabi. "Nasaan si Maxwell?"

"M-Maxwell? What happened to Maxwell?"

"What the hell, Eerah? Tumawag dito si Taylor at sinabing hawak nila si Maxwell, nasaan siya!"

"Tone down your voice, Lohr. Tell me what happened?"

"No, you tell me what happened! Demonyo ka, Eerah Anitha, hindi na ako maniniwala sa 'yo."

"Maniwala ka sa 'kin ngayon, Lohr. They're on their way to your lolo's house."

Kinabahan ako bigla at napatitig kay daddy. Tinakpan ko ang telepono ko at bumulong, "Please call Chairman Enrile, dad."

"Why, what happened?" nag-aalala niyang tugon.

"Just do it, please," pakiusap ko bago muling binalikan si Eerah Anitha. "Nasaan si Maxwell."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," malumanay niyang sabi. "Maniwala ka man o hindi, wala akong kinalaman kay Maxwell."

"Hawak siya ng mga kasamahan mo, Eerah Anitha."

"We're not together. Umalis sila kanina pang umaga. At ngayon ay narinig ko si daddy na kausap si Taylor sa telepono. Inutusan niya iyong tatlo na pasukin ang bahay ng lolo mo."

"I'm not going to believe you."

"Then don't," kalmado niyang sabi. "Huwag ka sanang magsisi kapag nalaman mong hindi mo na sila makikita pa. Dahil iniutos ng daddy ko na patayin sila kapag walang nakuhang pera." Ibinaba niya ang linya matapos sabihin iyon.

"Damn it!" gusto kong ibato ang cellphone ko, mabuti na lang at napigilan ako ni Randall. "That's Eerah Anitha Rewis, and she's warning me about the Chairman. The Rewis' are on their way to his house. He's in danger."

"What?" tanong ng halos lahat.

"What are we going to do now?" nag-aalala kong tanong.

Biglang tumayo si Mokz. "We have to move now, we're going to his house."

"Pero...sino ang maiiwan dito?" tanong ni Parrot.

"Deib Lohr," nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Mokz. "You have be brave, son. You have to take care of this family. You have to fight if something happens. You're not leaving here."

"No," tanggi ni mommy. "He can't do that, he can't fight. He's... His health is..." nagsimula na siyang umiyak.

"Lacey, we have to do this," pigil naman ni daddy. "Please, Chairman Mokz," tumango si daddy sa kaniya. "Save my father."

Hindi na sumagot si Mokz sa kaniya. Tinawag niya isa-isa ang mga isasama at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang pati si Randall ay isasama nila. Naghalo-halo ang emosyon ko, takot, kaba, pag-aalala at kung ano pa. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.

Napasunod ako sa pinto para tanawin ang pag-alis nila. Lalong kumabog sa kaba ang dibdib ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid pero lalo lang niyong dinagdagan ang takot ko.

"Keopjeong-hajima, Hyung," hindi ko inaasahang magsasalita si Maxrill mula sa aking likuran. Sinabi niyang 'wag akong mag-alala. Nagugulat ko siyang tiningnan. "There's many of us here," saka niya itinuro ang mga tauhan na noon ay isa-isang nagsipaglabasan at pumupuwesto sa harapan.

Sinipulan niya ang aso niya na noon ay nakalawit ang dilang tumakbo pababa. Dali-dali itong lumapit kay Maxrill at naupo sa kaniyang harapan. Hindi ko lalo maiintindihan ang mararamdaman ko. Ang pinakabatang Moon na ito ay hindi nalalayo ang pagiging wirdo sa pamilya niya.

"Heeyong, baegoppa?" tinanong ni Maxrill kung gutom na ang aso, kumahol naman ito. "Naddo," malungkot na aniya na sinasabing gutom silang pareho.

Nilingon ko naman si Noona na noon ay hirap na hirap sa pagpapatulog ng malaki at mataba nang anak niya. Halos hindi ko na napanood ang paglaki ni RD dahil sa sunod-sunod na pangyayari.

Tiningnan ko ang mommy't daddy ko, gano'n na rin sina Manang at Noona na pare-parehong nag-aalala. Ang mga babae ay umiiyak na dahil sa sobrang takot at kaba.

Samantalang ako ay 'eto... nakatayo, naghihintay, nag-aabang, nag-aalala pero walang magawa. Wala akong pakinabang.

CARGOSIN'S POV

MALAYO PA lang sa bahay ni Chairman Enrile ay inihimpil na namin ang sasakyan. Lahat kami ay nakaitim kaya naman hindi magiging gano'n kadali sa iba na makita kami. Sinadya naming dumaan sa madidilim na parte ng kalsada para makaiwas sa mga taong gising pa nang ganitong oras.

"May nakatira pa ba dito?" tanong ni Christian. "Parang wala nang tao."

Walang kahirap-hirap naming natunton ang bahay. Totoo nga ang sinabi ni Christian, wala na ang mga tauhang nagbabantay. Ilang beses naming nirondahan ang lugar, mapaaraw o gabi ay tila ba may nagaganap na party dahil sa dami ng tao parati. Tahimik at payapa ang buong bahay kung titingnan ngayon. Katamtaman lang ang liwanag na nagmumula sa loob at gano'n din sa labas. Nakikisama ang sandali sa plano namin dahil wala ring tao sa kalsada. Magkakalayo ang mga bahay kaya naman imposibleng may makakita sa 'min.

"Huwag kayong gagawa ng ingay," sabi ni Taylor.

Siya ang unang umakyat sa bakuran, walang kahirap-hirap kaming nakapasok. Panay pa rin ang paglingon namin sa paligid bago tuluyang loobin ang bahay ng Chairman, gamit ang talento ni Christian.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang lamig. Hindi ko na matandaan kung kailan ko pa huling naramdaman ang ganoong lamig na dulot ng centralized aircon. Nasasabik akong maramdaman uli ang karangyaan at maayos na buhay. Ang lahat ng iyon ay gusto ko uling ibigay kay Eerah Anitha. Iyong buhay na maayos at masaya.

At mas nasasabik akong bigyan ka nang matiwasay na buhay ngayong nararamdaman kong may nararamdaman ka na sa akin.

Palihim akong napangisi saka nagtuloy sa pagtingin sa tahimik na bahay. Kailangan naming magtagumpay sa planong ito. Dahil wala na kaming panahon pa para maghanap ng paraan upang mabayaran ang hangal na si Mr. Wood.

"Maghiwa-hiwalay tayong tatlo," sabi ko. "Doon ka, Taylor. Doon ako. Doon ka naman, Christian." Silang dalawa ang maghahanap sa ibaba at ako naman sa itaas. "Sumunod na lang kayo sa 'kin kapag wala kayong nakita." Nagtanguan kami saka sabay-sabay na kumilos.

Agad kong inilabas ang baril ko at kumilos na parang isang pulis. Pilit kong nilalakihan ang mga mata ko para makita nang maayos ang daan. May kadiliman sa 'taas, hindi umaabot doon ang liwanag na nagmumula sa labas. Hindi ko naman maaaring buksan ang alinmang ilaw.

Hindi ganoon kahirap tuluntunin at tukuyin ang bawat haligi ng bahay. May kalakihan man ay iilan lang naman ang pintong nakikita ko.

Ang unang pinto na napasok ko ay study area ng Chairman. Maayos ang napakaraming libro sa nagtataasang shelf. May mesa sa gitna na para bang gawa pa sa pinakamamahaling uri ng kahoy. Ang mga silya ay nakakaengganyong tingnan. Gusto kong makadama ng inggit sapagkat ganoon ang opisinang nais ko noon.

Inalis ko ang paglalakbay ng isip ko at ginalugad ang buong kwarto. Naghanap ako ng bagay makapagtuturo sa 'min sa kayamanan ng mga Enrile. O mas maganda, kung makakakuha kami mismo sa sandaling ito ng sapat na halaga para mabayaran ang hangal na si Mr. Wood.

Ngunit sa itinagal nang pamamalagi ko sa kwartong iyon ay lumabas akong bigo. Lahat ng aparador ay binuksan ko at wala akong nakitang espesyal sa bulto ng mga libro at papel.

Ang sumunod na kwartong pinasok ko ay master's bedroom. Nakakabilib ang laki ng kwarto at nakakadismayang isang demonyo lang ang natutulog dito. Bawat kasangkapang daanan ng mga mata ko ay may nagmamalaking hitsura. Para bang sinumang pumasok dito ay walang karapatang hawakan ang alinman sa mga gamit.

Agad kong ginalugad ang buong kwarto. At lalo pa akong namangha nang may makita akong vault. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakabukas iyon! Napalingon ako sa pinto at dali-daling lumapit sa vault. Gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ko ang isang makapal na bungkos ng pera. Para bang nagmamadali ang sinumang kumuha ng pera doon at hindi napansing may isang bundle siyang naihulog.

Binalasa ko ang pera nang may pagkamangha pa rin sa aking mukha. Hindi matawaran ang saya sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay milyon-milyon na ang hawak ko kahit na ang totoo ay alam kong hindi iyon lalabis sa singkuwenta mil.

Aitana... Si Eerah Anitha agad ang naisip ko. At kalaunan ay gusto kong matawa sa sarili ko dahil din sa isiping iyon. Para namang magagawa kaming ilayo ng halagang ito? Isa kang hangal, Lucargo. Isa kang hangal.

Minsan ko pang nilibot at ginalugad ang buong kwarto. Bukod sa bungkos ng perang ibinulsa ko ay wala na akong nakita pa.

"Masyado na tayong nagtatagal," pabulong na sabi ni Christian. Pareho na silang umakyat ni Taylor sa 'taas. Nakita na nila ang buong lugar sa 'baba at wala silang nakita.

Ginalugad ko na rin ang apat na kwarto sa 'taas at isa na lang ang hindi ko pa napapasok. Iyon ay ang kwartong nasa dulo ng hallway.

"Napapagod na ako, kulang pa ang pahinga natin," reklamo ni Christian. "Bumalik na lang tayo sa bahay, mukhang wala tayong makikita dito," nakapamaywang niyang iginala ang paningin, nawawalan ng pag-asa.

Bumuntong-hininga ako. "Iyon ang huling kwarto," itinuro ko ang nasa dulo. "Pasukin natin iyon. At kapag wala tayong nakita ay uuwi na tayo," ginulo ko ang buhok niya.

Sumimangot siya. "Walang tao dito, Sin. Imposible namang mag-iwan ng kayamanan ang mga iyon dito at umalis?"

Nakangiti kong inilabas ang bungkos ng perang nakuha ko. At ipinakita iyon sa kanila. Gaya ng inaasahan ay nanlaki ang mga mata nila sa gulat. Hindi sila halos nakapagsalita agad. Natatawa ko silang pinanood na magpalitan ng tingin sa akin at sa pera na aking hawak.

"Nakita ko sa kwartong 'yon," itinuro ko ang kwartong nilabasan ko. Nilingon nila iyon at namamanghang tumingin sa 'kin kaya mas napangisi ako. "Sa tingin ko ay marami pang ganito sa bahay na ito kung magtityaga tayo sa paghahanap."

"At kung wala tayong mahanap?" dismayadong tanong ni Christian. Muli niyang sinulyapan ang bungkos ng pera. Tinitigan niya ito na para bang pinanghihinayangan niyang wala siyang nakitang ganoong halaga.

Kung noon ay barya lang sa akin ang gano'ng halaga ay nagagawa ko na itong pahalagahan ngayon. Kayamanan na agad ang tingin ko rito.

"Huwag kang mag-alala dahil kung wala tayong makita ay paghahati-hatian natin ito. Papartehan ko kayo," nakangiti kong sabi. "Para sa ating lahat ito."

"At paano si Wood?" seryosong tanong ni Taylor.

Nawala ang ngiti sa labi ko. "Patayin na lang natin ang hayop na iyon kung wala tayong makita."

"Mananalo ba tayo ro'n?"

Natawa ako. "Kailangan nating manalo dahil kung hindi ay mapapatay niya talaga tayo."

"Pulos ka kalokohan, Sin," pasinghal na iling ni Christian.

"Napakaiinit ng ulo ninyo. Kumalma nga kayo. Matuwa na lang kayong may ganitong halaga na tayo, oh?" muli ko iyong ipinakita sa kanila at inamoy.

Inagaw iyon ni Christian mula sa akin at inamoy rin. Matapos ay ipinasa niya iyon kay Taylor na noong una ay umilag pero nakiamoy rin sa huli.

Nakangiti ko silang pinagmasdan. "Let's die together," wala sa sariling sabi ko.

Gulat na napalingon ang dalawa sa 'kin. "Cargosin," umiiling na pagtawag ni Christian. "Ano ba ang sinasabi mo?"

Humalakhak ako. Pero sa loob-loob ko ay kinukuwestiyon ko rin ang sarili ko. Kailangan ko ba talagang sabihin 'yon? Saan iyon nagmula? "Tara na, lumalalim ang gabi. Hindi tayo pwedeng abutan ng liawanag."

Natitigilan man ay sinundan na lang nila ako matapos ko silang talikuran. Kakaiba na ang pakiramdam. Ang kaninang kaba ko nang pasukin namin ang malaking bahay ay tila nawalang parang bula. Naging kalmado ako at may kung anong saya akong nararamdaman sa puso ko.

Aitana... Ikaw ang dahilan nito. Ikaw ang dahilan ng lahat sa akin. Mahal na mahal kita.

Gusto kong isiping may espesyal sa huling kwartong iyon na siya ring nasa pinakadulo. Sa lahat ng kwarto sa bahay ay iyon ang namumukod-tanging naka-lock. Binakuran namin ni Taylor ang pinto habang si Christian naman ang nakaatas na magbukas niyon. Siya ang may pinakamalupit na talento sa kahit anong klase ng siradura kaya naman sisiw na iyon sa kaniya.

Matagumpay niyang nabuksan ang pinto, tiwasay rin kaming nakapasok. Iyon na yata ang pinakamadilim na kwarto sa buong bahay. Halos wala kaming makita dahil kakakarampot din ang liwanag na nagmumula sa labas. Ang bintana, bagaman dinadala ng hangin ang kurtina, ay wala ring sapat na liwanag.

"Wala akong makita," sabi ni Christian. "Sana ay nagdala ako ng flashlight," aniya pa na hindi lumalayo sa amin.

Naglakad ako papunta sa kaliwa, si Taylor naman ay dumako sa kanan. Si Christian ang dumeretso sa gitna. Para kaming mga bulag na nangangapa sa matinding kadiliman. At hindi ko alam kung paano kaming makakahanap ng anumang bagay na maaari ikatagumpay ng panloloob na ginawa namin.

"Hintayin muna nating masanay sa dilim ang paningin natin," matalinong ani Taylor. "Mayamaya lang ay may makikita rin tayo," kalmanteng aniya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, ako na yata ang nasa pinakamadilim na parte. Walang bintana sa gawi ko, gano'n din naman sa gawi ni Taylor. Pero mas malapit ang bintanang nasa gitna sa gawi niya kaysa akin. Patuloy ang mga kamay ko sa pagkapa at marahang paghakbang ko upang walang mabangga.

"Buksan na kaya natin ang ilaw?" tanong ni Taylor. Gusto kong matawa.

"Ikaw rin ang sumuko sa dilim?" nakangisi kong sabi.

"Nagmamadali tayo at kailangang may mahanap tayo dito. Ayaw kong umuwi nang bigo," tugon niya, paniguradong nakangisi siyang gaya ko.

Gaya nang sinabi ni Taylor ay unti-unti ngang nasanay sa dilim ang paningin namin. Pero hindi pa rin naging ganoon kadali para sa aming maghanap. Nakikita ko na ang ilan sa mga gamit pero hindi ko pa rin matukoy ang ilan sa mga bagay. Hindi ko masabi kung alin ang kapaki-pakinabang o hindi. Wala akong makitang espesyal o alinmang mukhang kayamanan.

Hindi gaya ng mga naunang kwarto ang isang ito. Wala masyadong gamit sa kwartong ito. Ang nasa harapan ko nga ngayon ay isang mataas na estante at isang mababang cabinet naman ang nasa kaliwa.

"C-Cargosin..." Mayamaya ay tahimik akong tinawag ni Christian.

"Oh?" nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig niya pero halos wala akong nakita. "Hermano?" pagtawag ko pero wala akong natanggap na sagot.

"Christian?" pagtawag ni Taylor.

Nagmadali akong maglakad papunta sa gitna nang malawak na kwartong iyon. Nagsalubong kami ni Taylor, naaaninag ko ang mukha niya mula sa dilim. Sabay muli naming tinawag si Christian pero walang sumagot sa 'min.

"Buksan mo ang ilaw," pasinghal na bulong ni Taylor.

Dali-dali akong dumako sa gawi ng pintuan at kumapa-kapa doon hanggang sa matunton ng kamay ko switch. Halos hampasin ko iyon para mabuksan ang ilaw. Nakailang pikit pa ako nang kumalat ang liwanag sa buong kwarto. At nang masanay ang mga mata ko ay saka ko nilingon si Taylor.

Pero hindi niya na ako nagawang tingnan pabalik. Napako na ang paningin niya sa kung saan kaya naman nilingon ko rin iyon. Ang likuran ni Christian ang unang dinapuan ng mga mata ko. Nakatayo siya at hindi magawang kumilos.

At gano'n na lang ang kilabot na naramdaman ko sa buong katawan ko nang makita ko ang mga Moon! Sa kanila unang tumama ang aking paningin.

Mierda!

Nakaupo si Director Mokz sa silyang gawa sa kahoy at may mataas na sandalan. Ang mga kamay niya ay magkasalikop at nakapatong sa mesang nasa kaniyang harapan. Sina Maxrill, Maze, Maximor, Heurt, Randall Echavez, Chairman Enrile at Dean Dei Min Enrile ay pawang mga nakatayo sa likuran ng direktor.

Lahat sila ay nakatingin lang sa amin at walang mga emosyong mababasa sa mukha. Nakatingin sila sa amin na para bang kanina pa nila kaming pinapanood at pinagmamasdan.

Binalot agad ako nang matinding kaba. Hindi ko inaasahan ang bagay na ito. Mula kanina nang pasukin namin ang bahay na ito ay hindi ko man lang naisip na may ibang tao. Wala ang mga tauhan, walang bukas na ilaw, walang tao bukod sa amin.

Isang patibong ang lahat!

"V-Vamonos!" singhal ni Taylor, nanginginig ang tinig niya.

Tumalikod ako ngunit agad ding natigilan sa pagtakbo. Nang mangibabaw sa pandinig ko ang isang kalabog nang tila tumalon na tao.

Dahan-dahan akong napaharap pabalik at hindi nga ako nagkakamali. Nasa harapan ko na ngayon si Maxpein Moon!

Nakaluhod ang isa niyang paa habang ang isa naman ang siyang kinatutungkuran ng kanang siko niya. Nakayuko siya at para bang pinipigilan ang sariling gumawa nang matinding kilos.

C-Christian...

Hindi siya sa akin o kay Taylor nakaharap, kundi kay Christian. Nakorner niya si Christian at paniguradong wala itong matatakbuhan! Si Christian na noon ay mababasa na sa mukha ang takot at kaba, magkahalo na tila binabaliw siya. Hindi malaman ni Christian kung aatras o aabante sapagkat isang malaking halimaw ang nasa kaniyang harapan. Si Maxpein Moon na walang makatalo sa aming lahat.

Napanood namin nang dahan-dahang tumayo si Maxpein. Nilingon ko si Taylor, nagtitigan kami na at sa pamamagitan ng paggalaw ng aming mga kilay ay nag-usap kami kung sino ang unang lalapit.

Wala akong lakas ng loob. Sa unang pagkakataon ay hindi tumubo ang lakas ko ng loob para sumugod. Naduduwag kong pinanood si Maxpein na itabi-tabingi ang ulo habang pinagmamasdan si Christian. Habang si Christian naman ay nagpapalitan ng tingin sa 'min at sa kaniyang kaharap. Gusto kong magwala dahil nababasa ko ang takot at paghingi niya ng tulong sa 'kin.

Sa unang paghakbang papalapit ni Maxpein kay Christian ay agad kaming napatakbo ni Taylor! Pero wala ni isa sa 'min ang nakalapit, pareho kaming naduwag. Lalo na nang lumingon siya sa magkabila nang hindi tumitingin sa gawi naming pareho.

Muli niyang ibinaling ang paningin kay Christian at humakbang! "Binabalaan kita, hawak namin ang kapatid mo!" pasigaw na sabi ko.

Ngunit hindi namin inaasahan ang mabilis na pagkilos ni Maxpein! Tumakbo siya at nilampasan si Christian. At gano'n na lang ang gulat namin nang talunin niya ang mesa at sipain sa ere si Christian! Bago pa man makabawi ni Christian ay agad na siyang sinalubong ng panibagong sipa ni Maxpein! Nakita ko kung paanong tumalsik ang dugo mula sa ilong at bibig niya. At bago pa man siya bumagsak sa sahig ay dinakma na siya ni Maxpein mula sa likuran sunod-sunod na pinagsusuntok sa mukha nang walang kahirap-hirap. Ang panghuli ay tumalon siya at tinadyakan sa dibdib si Christian dahilan para matumba na ito nang tuluyan matapos magpagulong-gulong. Mabilis na namaga ang kaliwang mata niya. Maging ang tainga niya ay dumurugo na rin.

Hindi... Hindi! "Tumigil ka!" sigaw ko.

Sa isip ko ay gusto ko siyang takbuhin at sugurin. Pero ang katawan ko ay hindi nakikisama sa 'kin. Hindi ako makakilos. Ang matinding takot at kaba sa dibdib ko ay pinaparalisa ang buo kong sistema. Ang galit ay naro'n sa 'kin pero hindi ko maloloko ang aking sarili, naduduwag ako.

Walang nagbabago sa reaksyon ni Maxpein. Tumitig siya sa amin saka tinapakan ang batok ni Christian. "Nasaan ang kapatid ko?" malumanay niyang tanong.

Nagbaba ako ng tingin kay Christian na noon ay panay ang pagkawag ng kamay at paa, hindi siya makahinga!

"Bitiwan mo siya," pakiusap ko habang nakaamba ang kaliwa kong kamay. "Pakiusap."

"Nasaan ang kapatid ko?" mas malumanay niyang tanong.

"Ibalik mo sa akin si Christian, ihahatid ko siya sa inyo," malumanay, napapalunok kong sabi.

Pero ang walang emosyong mukha ni Maxpein ay naging matigas hanggang sa mabasa ro'n ang galit! Hinablot niya sa buhok si Christian at sapilitang pinaluhod. Nakatalikod sa kaniya at nakaharap naman sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko nang mula sa likuran ay naglabas si Maxpein ng patalim. At walang-alinlangan niya iyong itinutok sa sumisigaw na litid ni Christian. Nagwala ang sistema ko nang makita kong lumuluha si Christian.

"H-Huwag, pakiusap," sabi ko habang lumalapit nang puno ng alinlangan. Nakasuko ang pareho kong kamay sa kaniya pero parang wala siyang naririnig. Hindi ko maiwasang tingnan si Christian, awang-awa ako sa kaniya.

Magang-maga agad ang kaniyang mukha. Hindi na iyon kataka-taka dahil sa layo ng aking distansya ay naririnig ko nang malakas ang bawat suntok at sipa ni Maxpein. Gigil na gigil manakit ang Maxpein na kaharap namin ngayon. Malayo siya sa Maxpein na nakaharap namin noon. Mas malakas siya ngayon.

At ngayon ko lang naramdaman kung paano niya kaming pinagbibigyan noon.

"Nasaan ang kapatid ko?" tanong niya muli.

"N-Na kay Wood!" si Taylor ang sumagot.

Nagugulat kong nilingon si Taylor at gusto kong kuwestiyonin ang sagot niya. Gusto kong sabihin na huwag siyang makialam at magbitiw basta-basta ng salita. Dahil sa sandaling ito ay nararamdaman kong wala ng pagkakataon. Hindi na kami bibigyan ng mga ito ng isa pang pagkakataong mabuhay.

Mukhang magkakatotoo ang sinabi ko.

"Huling tanong, nasaan ang kapatid ko?" muling tanong ni Maxpein. Hindi siya naniwala kay Taylor.

"Na kay Wood--" Hindi na nagawang tapusin ni Taylor ang sasabihin.

Napaawang ang bibig ko nang saksakin ni Maxpein si Christian sa dibdib! Nangibabaw sa pandinig ko ang nakabibinging tinig ni hermano! Unti-unting nilipad ng hangin ang katinuan ko. Nananatili akong nakatayo at nakatingin lang sa pag-agos ng dugo ni Christian.

Ngunit hindi lang pala iyon ang kaniyang gagawin. Puwersahan niyang itinayo si Christian at itinulak papunta sa 'min. Nang akma na kaming lalapit ay saka tumakbo si Maxpein pasugod dahilan para mapaatras kami ni Taylor!

Sa gulat namin ay sunod-sunod na suntok at tadyak ang kaniyang iginawad sa dibdib ni Christian dahilan para halos sumuka ito ng dugo. Hindi ininda ni Maxpein ang bawat talsik, walang emosyon siyang nagpatuloy.

At bumagal nang unti-unti ang lahat sa paningin ko. Ang bawat hakbang sa takbo ni Maxpein ay mabagal kong napanood. Ibinanda niya ang kaliwa niyang paa sa dibdib ni Taylor, at pagharap ay nagawa niya nang sipain sa panga si Christian. Halos sabay na natumba ang dalawa.

Sumubok na tumayo si Christian bagaman hilong-hilo na. Hindi niya na magawang ibuka nang ayos ang mga mata. Ang mga kamay niya ay nangangapa sa harapan niya at wala sa sariling naglalakad.

Pero iyon na pala ang huling sandaling makakatayo siya. Dahil nang muling isipa ni Maxpein ang paa upang bumanda sa mesa, ay ulo na ni Christian ang kaniyang pinuntirya. Napanood ko nang mabagal sa aking paningin nang ikutin at baliin ni Maxpein ang kaniyang leeg.

Kasabay nang pagluhod ni Christian ay ang pagpatak ng aking luha. Nakaawang ang bibig niya at kahabag-habag ang hitsura. Maging ang padapang pagbagsak ng katawan niya ay narinig ko nang napakalakas.

"C-Christian!" bulalas ni Taylor, noon lang bumalik sa normal ang pandinig ko.

~ To Be Continued. . .~

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
121M 4.2M 148
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
2.3M 150K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...