Moymoy Lulumboy Book 2 Ang N...

By Kuya_Jun

78.3K 2.9K 111

Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2: NAIIBANG KAKLASE
KABANATA 3: MGA TIBARO SA AMALAO
KABANATA 4: PATUNGO SA GABUN
KABANATA 5: ANG NAGPAKILALANG INA
KABANATA 6: ANAK NI BUHAWAN
KABANATA 7: ANG KAPANGYARIHAN NI AMORA
KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA
KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW
KABANATA 10: SI TRACY SA SIBOL ENCANTADA
KABANATA 11: ANG DALAWANG INA AT ANG DATING MUNDO NG MGA TIBARO
KABANATA 12: ANG MGA WAKWAK
KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?
KABANATA 14: ANG PAGDALAW
KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO
KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?
KABANATA 17: DAMDAMIN NG ISANG INA
KABANATA 19: ANG NAGHAHANAP
KABANATA 20: SA LIBRARY NAGANAP
KABANATA 21: MAY BALITA ANG BALA
KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW
KABANATA 23: ANG BUHAY NA SI BUHAWAN
KABANATA 24: ISA SA MGA GINTO NG BUHAY
KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY
KABANATA 26: INA NG MGA ANAK
KABANATA 27: ANG PAGSAULI
KABANATA 28: INGKONG DAKAL
KABANATA 29: NARITO LAMANG AKO
KABANATA 30: MGA BINALIKAN

KABANAT 18: SA BULKAN NG TAAL

1.6K 81 2
By Kuya_Jun


MATULIN ANG paglipad na iyon ni Moymoy. Kahit na si Hasmin ay hindi makapaniwala sa bilis nito sa paglipad.

Biglang nag-iba ang ulo ni Moymoy—yaong tunay niyang anyo.

"Kumapit kayo!" babala ni Moymoy sa tatlong nakasakay sa kanya na sina Hasmin, Luigi, at Carla. "Bibilisan ko pa ang paglipad!"

Biglang ibinalik ni Moymoy ang kanyang ulo sa dating anyo at biglang bumulusok sa paglipad paitaas. Mula sa kalawakan ay kitang-kita nila ang mga bundok at iba't ibang klase ng lupain.

"Hayun ang Taal! Hayun din ang mga bundok! 'Yung mga bundok na 'yon!" turo ni Luigi.

"Saan ba riyan?" tanong ni Hasmin.

"Sa bunganga ng bulkan! sabi ni Carla.

Biglang nag-iba ang mga mata ni Moymoy. Naging kulay pula ang mga iyon at naging napakatalas. Isang liwanag ang lumabas mula sa mga iyon at nagpaikot-ikot sa kalawakan hanggang matuon ang tingin sa lawa ng Taal. Sa kabuuan ng lawa, itinuon ang tingin sa bulkan at doon, sa pinakabunga nito ay nakita niya ang kulay itim na gusali na waring kastilyo na nakadikit sa gilid. Bumaba nang bahagya si Moymoy pero nanatili sa kalawakan. Iginala niyang muli ang kanyang tingin at habang siya ay bumababa, nakita niya sa pader ng gusaling iyon ang isang babaeng nakatali.

"Kumapit kayo!" babala ni Moymoy sa mga kasama.

Bigla'y bumulusok siya ng lipad paibaba. Walang tigil sa pagpagaspas si Moymoy sa kanyang mga pakpak. Nang marating ni Moymoy ang kinaroronan ng pigurang nakita mula sa itaas ay bigla namang bumuhos ang ulan na may kasabay na pagkulog at pagkidlat.

Ipinakita ni Moymoy ang tunay na anyo sa kanyang ulo. Nakita iyon ni Wayan.

"Moymoy!"

Nagulat si Moymoy nang makita niya ang mga wakwak na nasa ibaba ng pader na kinaroroonan ni Wayan. Unti-unti ay gumagapang ang mga iyon na nagtutungo paakyat kay Wayan. May ibang nakakaakyat, gutom na gutom na sabik kainin si Wayan. Pero karamihan sa kanila ay nahuhulog at pagkatapos ay muling aakyat para abutin at kainin si Wayan.

Isang malakas na halakhak ang narinig ni Moymoy. Nakita niya sa di kalayuan si Maura na sakay ng isang ekik. Nakasunod sa kanya sina Pontoho at Robert na sakay din ng tig-iisang ekik.

"Ha! Ha! Ha! Ano'ng masasabi mo Moymoy?! Gutom na gutom ang mga wakwak na 'yan. Kapag naabutan nila si Wayan, tepok!" pagmamayabang na sabi ni Maura.

Biglang nag-iba ng anyo si Moymoy, iyong napakalaking lalaki, mahaba ang buhok at may pakpak. Isinakay sa balikat niya sina Luigi at Carla. Si Hasmin ay nagbago rin ng anyo—isang babae, mahaba ang buhok na may pakpak rin.

"Wayan!" sigaw ni Pontoho, bakit hindi mo pa sabihin kung nasaan ang birtud ni Buhawan!

Hindi makasagot si Wayan.

"Sagot!" sigaw na muli ni Pontotho.

Nagulat si Wayan nang isang wakwak ang nakaakyat malapit na sa kanya. Hinablot siya nito pero sinapa niya iyon. Damit niya ang nahablot ng wakwak.

Bumaba si Moymoy, inilabas ang sari-saring sandata sa kanyang kamay at nang lumabas ang palakol ay pinalakol niya ang ilang wakwak na papalapit kay Wayan.

"Moymoy!" sigaw ni Wayan.

Dagling nilapitan ni Moymoy si Wayan.

"Wayan..."

Tuluyan nang naawa si Moymoy sa hitsura ni Wayan—hapong-hapo na ito—nakatali ang magkabilang kamay at dalawang paa ay nakatali sa magkabilang bahagi ng malaking pader ng gusali.

"Moymoy!" muling sigaw ni Wayan. "Lumapit ka sa akin!"

Lumapit si Moymoy sa kanya.

Nagsalita si Wayan. "Sa Batis ng Alaala, doon ko nilimot ang lahat."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Dagling lumapit sina Maura, Pantoho, at Robert.

Hapong-hapong nagsalita si Wayan, halos sa kanyang sarili ibinubulong. Habol ang kanyang paghinga. "Ang birtud..."

Lumapit na maigi si Moymoy sa kanya.

Nang mabatid ni Pontotho na waring may ibinubulong si Wayan kay Moymoy ay nag-iba siya ng anyo—naging isang maiit na ibon at lumipad patungo sa bibig ni Wayan.

"... Nasa bahay ni Buhawan..!"

"Nasa bahay ni Buhawan!" sigaw ni Pontoho. Dahil sa kasabikan nito'y biglang bumalik sa tunay na anyo si Pontotho kaya bigls itong nshulog. "Ahhh!"

Biglang sinalo ng ekik si Pontotho at pagkatapos ay lumipad palayo.

Naiwan si Moymoy sa tabi ni Wayan. Marahan ay iniba ni Moymoy ang kanyang mukha—yaong tunay niyang anyo.

"Sa Batis ng Alaala.." pagpapatiloy ni Wayan. "May nagtungo roon at ibinalik ang akig alaala. Ngayon naaalala ko na, inilagay ko sa isa sa mga silid ni Buhawan ang kanyang birtud..."

Marahan ay tinanggal ni Moymoy ang pagkakatali ni Wayan. Sinalo at binuhat ni Moymoy ang pagal at kalunos-lunos nitong katawan.

"Moymoy," marahang sabi ni Wayan. "Kailangan nating pumunta sa bahay ni Buhawan. Bubuhayin siya. Bubuhayin siya nina Pontoho..."

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 539 20
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
834 82 38
THE WATTYS 2022 SHORTLIST Tatlong buwan matapos pumanaw ang ina ni Ferula, ay nagpasya siyang lisanin ang kaniyang kinalakihang lugar upang manirahan...
24.1K 1.2K 34
NARITO ang kilalang kuwentong bayan sa Gabuna may pamagat na, Si Salir, Ang Panglimang Apo. Gaya ng ibang mga kuwentong bayan, ito ay nagpasalin-sali...