Ang Kwento Nating Dalawa (RaS...

By michigoxx

40K 1.9K 270

Ang istoryang napapaloob sa nobelang ito ay maaaring kwento ko, kwento mo, o ng mga taong minsang naging baha... More

Ang Kwento Nating Dalawa (2)
Ang Kwento Nating Dalawa (3)
Ang Kwento Nating Dalawa (4)
Ang Kwento Nating Dalawa (5)
Ang Kwento Nating Dalawa (6)
Ang Kwento Nating Dalawa (7)
Ang Kwento Nating Dalawa (8)
Ang Kwento Nating Dalawa (9)

Ang Kwento Nating Dalawa (1)

9.7K 230 29
By michigoxx

a/n: Some of you may find this story familiar because I already published it before but for some reason I had to unpublished it. Nanghinayang lang ako sa story kaya naisip kong tapusin na at ipublish ulit. But this one is a revised story with a completely different title. Happy reading. Ciao!

***

-Basta Masaya Ka-
(Kilos)

Konti na lang
Bababa na ako sa sasakyan
Iniwan ko na ang lungkot at tampo
'Di pwedeng pakita sa iyo

Ika'y tanaw ko na malapit na
Mabigat man sa damdamin
Ay aking pipilitin
Na hindi pumikit at sambitin
Ang mga salitang sa'yo'y magmumula

Kahit anong mangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y
Sa ilalim ng parehong bituin
Kahit nag-iisa, basta't masaya ka
Ako'y masaya na

Konti na lang malapit na
Nakakatakot mang isipin
Na bukas wala ka na
Sa pagpikit pakinggan
Ang mga salitang sayo'y nagmumula

Kahit anong mangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y
Sa ilalim ng parehong bituin
Kahit nag-iisa, basta't masaya ka
Ako'y masaya na

Konti na lang malaya na ako
Anong silbi ng may pakpak
Kung bihag mo ako
Alam ko na kahit kahapon pa
Na iiwan mo ako pero para sa'yo

Kahit walang nangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y
Sa ilalim ng parehong bituin
Kahit nag-iisa, basta't masaya ka
Ako'y masaya na

Kahit nag-iisa, basta't masaya ka ...

____________________

Glaiza and I have been best of friends since time immemorial. Wala akong natatandaan sa buhay kong hindi sya kasama. Lahat ng special occasions, lagi syang present. The same way na lagi din naman akong nandun sa lahat ng importanteng event ng buhay nya. She's my bestfriend, my confidante, my pillar of salt. She's my jack of all trades. All things rolled into one.

I was born rich while she's not. I'm open and transparent while she's reserved and mysterious. I'm openly gay while she's straighter than her hair. Magkaiba kami sa maraming bagay pero hindi naging hadlang 'yun. Our friendship blossoms as the year goes by.

But there's a very thin line between lovers and friends. I can't remember when or how did I ever stopped loving her as my bestfriend. Just one day, one weird day I realized that I love her more than that.

Pero hindi ko naman kayang mawala sya sa'kin, kaya tinago ko na lang. Kase alam ko namang kahit kailan hinding hindi nya ko mamahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. I don't want her to feel awkward when I'm around, kaya tiniis ko na lang na mahalin sya ng palihim. Although most of the time I got hurt because of those guys that never failed to noticed her beauty. But I guess this is the price that I have to pay for loving my bestfriend secretly.

----

"Rhian, nasan na ba kase si Cha? Bakit antagal naman nya?" Naiinip nang tanong sa'kin ni Angelica. Hindi na mapakali sa pagkakaupo sa sala.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Chynna at Kean. It's their first anniversary as a married couple and they chosed to celebrate it with our barkada. We're originally eight in the group, Angelica, Chynna, Anne, Luis, Jericho, John Lloyd, Glaiza and me. But since nag asawa na ang dalawa sa'min at may bf/gf na din halos lahat, nadagdagan na ang barkada. We were actually college buddies but we remained friends kahit na may kanya kanya na kaming buhay. Inspite of our busy schedule we find time to see each and everyone once in a while. At ngayon nga ay may get-together na naman kami. At si Glaiza na lang ang hinihintay. Which puzzled me dahil never 'yun na late. Mahalaga dun ang oras at lagi nung pinahahalagahan ang oras ng iba.

"Hindi ko din alam. Kala ko nga nandito na sya. 7pm yung call time diba? Never naman na late yun sa usapan." Sagot ko na hindi naiwasang tumingin sa wrist watch. 7:30 na pala. Nasan na kaya 'yung babaeng 'yun, sa isip ko.

"Hay naku, tawagan mo na kaya Rhi para naman makapagdinner na tayo. Gutom na ko 'no." Si Angelica ulit. Nakasimangot na.

"May bago ba sa'yo? Lagi ka namang gutom." Pang aasar ni Luis kay Angelica.

"Ang hard mo sa'kin." Si Angelica at binato si Luis ng throw pillow. Natatawa namang sinalo nito ang throw pillow at inilagay sa kandungan ng girlfriend na katabi sa upuan.

"Angel, pagsabihan mo yang boyfriend mo. Nakakarami na sa'kin yan. Konti na lang talaga quota na yan."

Sinaway naman ni Angel si Luis. Sa lakas mang asar ng boyfriend, hindi malayong magkapikunan ang dalawa.

"Guys, wala pa din ba si Cha? Ngayon lang na late yun ah." Tanong ni Chynna na kalalabas lang galing sa kusina.

"Ngayon nga lang 'yun na late. Kung ito pang si Rhian 'yun, hindi na ko magtataka." Si Luis ulit na mahinang hinampas na ni Angel ng throw pillow. Matapos asarin si Angelica, ako naman ang pinuntirya ng loko.

"Wait lang, tatawagan ko na." Sabi ko at dinial na ang number ni Glaiza.

Dialing ...

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. Narinig kong sabi ng voice prompt.

Before I can dial her number again, narinig naming may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nila Chynna.

"Chynna, may inaasahan ka bang bisita?" Si Jericho na unang sumilip sa bintana para tingnan kung sino ang dumating.

"Huh? Wala naman. Kayo lang naman ang sinabihan ko eh. Hon, may bisita ka bang darating tonight." Nagtatakang tanong nya sa asawang kaakbay na ngayon. Umiling lang si Kean bilang tugon.

"Si Glaiza pala 'yun eh. Wait, who's the guy she's with?" Si Anne na hindi na din nakatiis at sumilip sa bintana.

The moment na narinig ko ang pangalan ni Glaiza at na may kasama syang iba, mabilis pa sa alas kwatrong napatayo ako at nakisilip sa bintana. Nacurious na din ang iba at nakisilip din. Mabuti na lang at may blinds sila Chynna kaya hindi kami masyadong halata.

Napataas ang kilay ko ng makita kong inaalalayan ng lalake si Glaiza. The guy looks familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko sya nakita, but I know I saw him somewhere.

Malapit na sila sa pinto kaya mabilis na making lumapit sa kanya kanyang upuan namin. Nagkunwaring nagkukwentuhan at nagtatawanan pa.

"Hi guys! Sorry na late ako." Apologetic na sabi ni Glaiza. At isa isa na kaming bineso.

"Girl, may kasama ka?" Si Anne na hindi na nakatiis magtanong dahil tila nakalimutan na nyang may kasama sya.

"Ay, oo nga pala." Sabi nya at pinuntahan sa kinatatayuan ang lalakeng kasama. "Guys, this is Rafael Rosell. Raf, these are my friends Anne, Luis, Angel, Jericho and his wife Kim, Angelica, John Lloyd, Chynna and her husband Kean and that beautiful girl over there is my bestfriend Rhian." Pakilala nya sa'min sa lalakeng kasama. Itinuro nya ko dahil papunta na ko sa kusina ng mga oras na 'yun. Nilingon ko lang sila at pilit na ngumiti.

Narinig kong binati at winelcome sya ng mga kaibigan ko. Masama ang loob ko habang naglalakad papuntang kusina. So, that's Rafael Rosell. I knew the guy. Naalala ko na kung saan ko sya nakita. He's an actor from Kapuso Network. My team handles his TVC once. It's a toothpaste commercial if I'm not mistaken. I worked in an advertising company kaya hindi na bago sa'kin ang maka meet ng mga artista. But for Glaiza to meet someone from the limelight really kills me. Hindi sya ang tipo ng tao na mahilig sa artista. Yes, she loves to watch movies but she's not into celebrities. Kung saan sila nagkakilala at kung paano, I've yet to find out. I didn't know the guy personally, baka isama lang nya si Glaiza sa listahan ng mga naging babae nya. Oo, hands akong magparaya ... kahit masakit, tatanggapin ko. Basta alam kong masaya sya at nasa tamang tao sya. I'm almost lost with my thoughts when I heard someone cleared her throat.

"Ehem, penny for your thoughts." Si Chynna na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.

Nagulat man pero agad din naman akong nakabawi. Nilingon ko sya at nginitian.

"Ok na pala 'tong dinner natin. Tatawagin ko na sila. Baka maghuramentado na si Jelai sa sobrang gutom." Palusot ko at akma ng maglalakad pabalik sa sala pero hinawakan ni Chynna ang braso ko at pinigil ako.

"Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong nya.

"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging ok?"

"I don't know. You tell me." Matiim ang titig nya sa'kin. As if reading what's on my mind.

Umiwas ako ng tingin dahil ayokong malaman nya ang tunay kong nararamdaman.

"Chyns, ok lang ako. Ano ka ba?" Nakangiting sagot ko. Pilit itinatago ang totoong nararamdaman.

"I know you Rhi. You're not good in lying. Alam ko pag nasasaktan ka lagi kang umiiwas."

"Ganu'n ba ko katransparent?"

Tumango lang sya at ngumiti.

"Yung bestfriend mo lang naman ang hindi nakakapansin eh. Masyadong dense."

"Ok lang naman. Ayoko din namang mapansin nya."

"Uy, hwag ganun. Binabaril sa Luneta ang mga martir tsong. Hindi ka naman bayani para magpakamartir 'no. Tsaka malay mo may happily ever after pala kayo, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."

"Pa'no kung sinubukan pero hindi pinagbigyan?"

"Atleast sinubukan. Ano hanggang tingin ka na lang? Rhi maraming snatcher sa kalye, maaagawan ka pag hindi ka kumilos."

Natawa lang ako sa sinabi ni Chynna. She really has a way in giving advice.

"Hay naku, ewan ko sa'yo! Isang dense, isang martir. Bagay nga kayo." Sabi nya na lalo kong ikinatawa.

"Sinong bagay?" Nagulat kami pareho kay Glaiza. Hindi namin napansin na nakalapit na pala sya sa'min kasama ang barkada.

"Ah, yung ... yung ano ... yung karekare at bagoong. Bagay na bagay. Tikman nyo guys ang sarap. Sarap talaga magluto nitong si Chynna. Diba Chyns, diba?" Nagkakandautal na sabi ko. Hiawakan ko ang braso ni Chynna ng mahigpit para umayon sya sa sinabi ko.

"Oo, yun na nga yun Cha. Bagay talaga yang karekare at bagoong eh." Nakahinga ako ng maluwag ng umayon si Chynna. Tumango tango lang si Glaiza at akmang uupo na din sa dining table dahil nakaupo na ang lahat maliban sa'min nang muling magsalita si Chynna.

"Parang kayo, bagay na bagay."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi nya. Nakita ko kaseng muling lumingon si Glaiza sa'min. Mabuti na lang at mahina ang pagkakasabi nya. Just right for my ears only. Tiningnan ko na lang ng masama si Chynna. Tinging may halong pagbabanta. Inirapan nya lang ako at umupo na din sa dining table katabi ng asawa.

"Ano Rhian, wala kang balak umupo? Tatayo ka na lang ba dyan?" Si John Lloyd ng mapansing nakatayo pa din ako.

"Dito ka na lang sa tabi ko Rhi. Tayong dalawa lang kase ang walang partner dito eh." Anne offered me the chair beside her. We have a sitting arrangement everytime na may get-together kami. Usually kami ni Glaiza ang magkatabi because she never bring dates on occasions like this. Not until now. So, this guy must be special to her.

I have no choice but to sit beside Anne. Naisip ko tuloy na sana pala nagdala na lang ako ng date para atleast hindi naman ako nagmukhang kawawa. Ellen Adarna, my newest conquest will definitely accompany me tonight if only I just asked her. Pero hindi nga ako nagdala ng date kase gusto ko lahat ng atensyon ko na kay Glaiza. Yun naman pala may asungot na eeksena.

"Correction, ikaw lang ang walang partner Anne dahil si Rhian madami yang on the side. Daig pa nga nyan 'tong si Echo sa kagwapuhan." Si Kean habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng asawa.

"Correction din, kung merong gwapo dito ako lang yun. Si Rhi, pangalawa lang yan sa'kin. Diba kiti?" Singit ni Luis at nagpapacute na tumingin sa girlfriend.

"Oo naman kulet." Nakangiti namang sakay ni Angel sa kakulitan ng boyfriend.

"Manzano kabahan ka nga sa sinasabi mo. Bakit hindi mo itry magkape minsan?" Basag ni Anne kay Luis.

"Wow, hiyang hiya naman ako sa pagkamahiyain mo Anne. Sino kaya ang walang kakaba kabang nang agaw ng mic nung last time na nagbar tayo. Feeling mo concert mo?" Nang aasar na ganting banat ni Luis.

"Bakit, maganda naman ang voice ko ah. Enjoy nga kayong lahat eh." Nakapout ang lips na sagot ni Anne.

"Oo, enjoy nga kami. Sa sobrang enjoy nga namin, muntik ka na naming iwan dun. Pasalamat ka matagal na tayong magkakaibigan." Hindi maipinta ang mukhang muling banat ni Luis.

Natawa na lang ang lahat sa pag aasaran ng dalawa. Nagkanya kayang comment na sa nangyari nung huling beses na nagbar kami.

"Uy guys, ang gugulo natin. Nakakahiya naman kay Rafael. Hindi sya sanay sa ingay natin. Pare, pasensya ka na ha, ganito talaga kami pag nagkasama sama. Minsan lang kase kaya sobrang daming kwento." Si Jericho kay Rafael na nakatingin lang sa'min. Tumigil ang lahat sa pagkukulitan at napatingin kay Rafael.

"Ok lang, ang saya nga ng barkada nyo eh. Parang ang sarap maging part." Sinabi 'yun ni Rafael ng nakatingin kay Glaiza. Parang may gustong ipahiwatig.

Ngumiti lang si Glaiza at umiwas ng tingin.

I smirk on what he said. What is he trying to imply? He wants to be part of our group? Bakit sila na ba ni Glaiza?

"Malay natin maging part ka nga ng barkada namin in the near future. Diba Cha?" Si Kean na nakatingin kay Glaiza.

Siniko ni Chynna si Kean matapos nitong ilagay sa hot seat si Glaiza. Everybody's looking at Glaiza now. Waiting for her answer. If she says YES, parang sinagot nya na din si Rafael. Pag NO naman ang isinagot nya, mapapahiya naman yung tao sa harap naming lahat.

Nakita kong bigla syang nalito. I know her too well to know her emotions.

"Guys, let's propose a toast for Chynna and Kean." I was deliberately trying to help Glaiza para mawala sa kanya ang focus ng lahat. Nagtagumpay naman ako dahil napalingon silang lahat sa'kin. Nakangiti kong itinaas ang wine glass ko.

"To Kean and Chynna. This is just a first of many many. May your marriage continue to prosper and never ever get tired to love each other. Happy Anniversary. Cheers!" I saw Chynna teary eyed after I deliver my speech. She's a vision of woman in love. Kean is so lucky to have her. Well, they both deserve each other because they compliment each other.

"Cheers!" Sabay sabay na sabi ng lahat at itinaas ang kanya kanyang hawak na wine glass. Everybody took a sip on their respective glasses except me. I drink it straight until the very last drop.

"Can I have another one?" I asked Anne pagkababa ko ng wine glass.

""Hey Rhi, mahaba pa ang gabi. Relax lang. Hindi mo naman siguro gustong umuwi ng gumagapang dahil sa sobrang kalasingan diba?" Awat ni Angelica sa'kin.

"Who gets drunk by a red wine? Definitely not me." Sagot ko sa komento ni Angelica. At ibinigay na ang baso kay Kean upang muling salinan.

Nagpatuloy ang dinner namin. Kwentuhan dito. Kwetuhan dun. Mostly about our jobs and other relevant topics. May konting asaran, laughing here and there. All through out tahimik lang ako.

Hindi maiwasang mapatingin ako sa gawi ni Glaiza at Rafael. They're just two seats away from me. Nakikita ko kung pa'no sya asikasuhin ng lalake. At naiinis ako dahil nakikita kong natutuwa at halatang kinikilig sya sa gesture ng kadate.

"Rhi, are you ok?" Nabigla ako sa tanong ni Kim na nasa tapat ko. Napansin nya sigurong hindi ako nagsasalita kanina pa. Naagaw ko ang ayensyon ng lahat. Napatingin sila sa'kin including Glaiza at hinintay ang magiging sagot ko.

"Yeah, I'm fine. No worries." Sagot ko at pinilit ngumiti para mas maging convincing ang acting ko.

"Are you sure? Kanina ko pa din kase napapansing hindi ka nagsasalita. Parang hindi ikaw, hindi lang kami sanay." Si Jericho who looks worried.

"Kim, Echo ok lang ako. Kayo talagang mag asawa, andami nyong napapansin. Pagod lang siguro ako. I came here straight from the office. Naubos na 'yung energy ko."

It seems like convincing naman yung acting ko dahil hindi na nila ko kinulit at pinagpatuloy na ang pagkain at naudlot na kwentuhan. Napasulyap ako sa gawi ni Glaiza. I saw her looking at me worriedly. Iniwasan ko na lang ang tingin nya at nagkunwaring busy sa pagkain. She knows me better than anybody. She knows me when I'm lying and when I'm not. At siguradong kukulitin nya ko mamaya para magsabi ng totoo.

Pinagpatuloy namin ang celebration sa sala. We had a few beers para lang mas maging masaya ang kwentuhan. Dahil most of the time tahimik lang ako, mas madami ang nainom ko kesa sa karaniwan. 11pm pa lang halos hindi na ko makagulapay. Nagpaalam na kong uuwi na dahil ramdam kong hindi ko na kaya.

"Guys, hik! I should go home."

"Huh? Makakapagdrive ka pa ba nyan? Dito ka na lang matulog." Si Chynna.

"Oo naman, ako pa. Champion hik! Champion racer yata 'to." Tumayo na ko pero bigla ding bumuway. Parang biglang umikot ang paligid ko. Mabuti na lang at naalalayan ako ni Luis.

"Lasing ka na talaga Rhi. Pagtayo nga hindi mo kaya, pagdadrive pa kaya." Natatawang sabi ni Angelica.

"Tipsy lang ako pero hindi ako lasing."

"Sige nga kung hindi ka lasing, gwapo ba si Luis?" Nakangiting tanong ni Kean.

"Kean, tipsy lang ako pero hindi ako bulag. At malinaw pa ang pag iisip ko hik!

"Hindi pa nga 'to lasing. Hindi nagagwapuhan kay Lulu boy eh." Natatawa ng sabi ni Kean at uminom muli sa beer na hawak.

"Ang sama nyo. Ang gwapo kaya ng 'kulet' ko." Si Angel na pinagtanggol ang boyfriend.

"Lika nga dito, payakap nga. Kaya love na love kita eh. I love you 'kiti'." Si Luis na niyakap ang girlfriend ng mahigpit.

"I love you too kulet." Sagot naman ni Angel na yumakap din sa boyfriend.

"Luis, lagyan mo ng helmet. Baka mauntog, bigla kang iwan nyan." Nang aasar na sabad ni Angelica.

Umirap lang si Luis at nagkatawanan ang lahat.

"Guys, ihahatid ko na lang si Rhian." Mayamaya ay narinig kong sabi ni Glaiza.

"Huh? Pa'no yang si Rafael?" Tanong ni Anne na napatingin kay Rafael.

"It's fine Cha. Kaya ko naman magdrive. You go with him." Nakapikit kong sagot habang nakaupo sa couch. Trying to relax myself myself, umiikot pa din kase ang paligid ko.

"No, it's ok. May taping din naman ako ng maaga tomorrow so I have to be home early." Rafael glared at me.

"Yun naman pala eh. Ok lang naman pala sa kanya. Sige na Cha, ihatid mo na si Rhi. Sa itsura nyan, mukhang anytime makakatulog sa daan." Si Chynna.

Inalalayan nya kong tumayo sa kabila ng pagpoprotesta ko.

"Guys, we'll go ahead na." Paalam nya sa barkada.

"Ok, ingat kayo ha. Drive safely."

Naglalakad na kami patungo sa nakaparada kong sasakyan ng bumuway ako. Naramdaman ko ang kamay nyang humawak sa braso ko.

"Cha, I can manage." Piksi ko ng alalayan nya ko sa paglakad.

"No you can't. Hindi ka na nga makalakad ng maayos." Sabi nya at muli na namang hinawakan ang kaliwang braso ko.

"Susi ng kotse?" Nakalahad ang kamay na tanong nya ng nasa tapat na kami ng sasakyan ko.

"I can drive, hik!" Hinanap ko na ang susi sa dala kong bag.

I was about to open my car nang agawin nya sa kamay ko ang susi.

"Ako ang magdadrive. At hwag ka ng kumontra ok?" Nanlalaki ang mga matang sabi nya. Alam kong nagtitimpi lang sya sa katigasan ng ulo ko.

Hinayaan ko na lang sya ng inalalayan nya kong umupo sa passenger seat. Masyado na kong nahihilo para magprotesta pa. She even help me to wear my seatbelt. Nang masigurong komportable na ko, nagpaalam sya sandali. Tumango lang ako at sumandal na sa upuan at Sandaling pumikit.

Ganun ba kadami ang nainom ko para tamaan ako ng ganito? I felt so dizzy that I wanna throw up. Dumilat ako para sana buksan ang bintana ng kotse ko. I needed some fresh air for me to relax. Hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang isang kotse sa di kalayuan. And then I saw her with Rafael. They're just a few steps away from me kaya kitang kita ko ng halikan sya sa pisngi ng lalake. Maybe they just bidding goodbye and that kiss meant nothing. Konsola ko sa sarili. But no matter how I justify that act, jealousy consumed me. Sinamahan pa ng alak na lalong nagpatindi ng emosyon ko. I felt like I'm going to explode any moment.

- To be continued -

Continue Reading

You'll Also Like

120K 1.9K 53
"You're mine, Only mine." Date Started: December 04, 2018 Date Completed: October 13, 2019 Re-published with minor revisions from May 25, 2023 to...
231K 2.8K 13
Short Story. ๐Ÿ”žWarning๐Ÿ”ž Again a story for LGBT nation. Don't read if you're not an open minded person!!! Don't read if you're below 18!! Strictly...
3.6K 315 39
what if a secretary boy fell inlove to her gorgeous boss!?
26.7K 303 35
Emilia "Mila" Garza, isang mabuting guro, responsable at marunong makisama sa isang estudyante. lumipat siya sa isang school kung saan maraming mga...