Falling Inlove With My Roomma...

By dark19

279K 6.1K 283

ang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawa... More

Falling Inlove With My Roommate
>>ANDY
>>ANDY part2
>>Russell
>>Russel part2
>> the Side Effect of Kiss
saving pride versus truth behind feelings
Categorizing the two feelings
Who Play with Dominique?
Being with Andy
I'm sorry , I love you roommate!
Andy's Love Disorder
Russell's Past
The Tense
Russell's Father decission
The one who is given a chance
twist
Dominique's Crisis
This day.....
Her Mother
The offer
The vocalist
The fall down
Between the choice

Start of Being Her Girlfriend

9.7K 217 3
By dark19

Andy's POV

Pagkahatid ko kay Russell sa kwarto namin ay mabilis kong pinuntahan ko si Dominique sa kwarto nila,  

magkakasama kasi silang apat sa iisang kwarto. Pagkabukas nya,

"bakit?" tanong ni Dom  

"Dom,may lagnat si Russell kakaiyak tas nabasa pa kami ng ulan....patulong hindi ko alam gagawin eh"

sabi ko kase natataranta ako ang taas ng lagnat nya.

"Sid (si Anderson) kuha ka ng gamot sa may medicine box sa bago papasok ng kusina...." Utos ni Dom kay

Anderson at madali itong tumalima.

Nagpunta kami sa kwarto namin....nakita namin na nakabaluktot ng higa si Russell dahil sa lamig.lumapit  

kami ni Dom. Hinawakan ni Dom yung noo ni Russell, "gosh!Russell taas ng lagnat mo..." humarap sya  

kina Tan at Cortez "guys kuha kayo ng basin with water and a face towel" tumango yung dalawa at

tumalima din

"bakit hindi mo sya pinalitan ng damit?" tanong sa akin ni Dom habang sinisimulan na nyang hubaran si  

Russell...ei! Ewan ba hindi ko kaya....sa ngayon?  

"a-ei---di ko kaya" pag aamin ko  

"kuha ka ng damit sa drawer..." utos nya sa akin kaya namili ako ng damit para kay Russell

"sus! Gagawin mo din to....hahaha " biro ni Dom. Ibato ko nga sakanya yung tshirt na napili ko.....  

"wag mo ngang berdehin tong utak ko!!! " inis na sabi ko...sabay talikod kase nakahubad na si Russell at  

binibihisan na sya ni Dominique. Mahal ko sya at ayokong tingnan sya ng ganun...yung nakahubad...di ko  

alam....basta mataas respeto ko sa kanya.

"hoy! Andy bihis na sya pwede ka ng tumingin....nakakita ka naman ng ganito dati tas makaarte ka  

ngayon...." Natatawang sabi ni Dom  

"ei! Buwiset ka iba na ngayon...." Sabi ko  

Inalagaan namin sya nina Dom at nung tatlo,hanggang bumaba yung lagnat nya....siguro bukas na lang

kami bibiyahe pabalik, Sunday naman tomorrow at walang pasok, okay lang naman na hindi ako  

makaattend ng practice ng basketball. Nung gabi, yung apat nagtulong tulong magluto,actually sina Tan

lang paniguradong nakaupo lang si Dom at inuutusan yung tatlo....para naman daw may kwenta yung

existence nung tatlo kase wala naman daw pinaggagawa yung tatlong iyon sa bahay nila.

Yinakap ko si Russell habang natutulog sya. Nabigla ako noong dampian nya ko halik sa mga labi ko...

"kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Gusto mo bang kumain?" nag aalalang tanong ko.  

Natawa sya ng mahina.

"I'm fine...." Tipid nyang sagot...hindi ko alam kung ano yung pinag usapan nila pero batay sa reaksyon ni

Russell nasaktan talaga sya sa pag uusap nila ni Ronby, I think that was the last time na makakalapit sya  

sa Baby ko.

"ikaw yung humalik sa akin that night?" tanong nya at tumango ako.  

"I'm sorry I called you Ronby....hindi ko kase alam...." Nahihiya nyang sabi  

"wala na sa akin yun....basta mahal mo na ako" yabang kong sabi at natawa sya.

Hinalikan nya ako sa pisngi at tumango, kahit ngumingiti sya batid parin sa mga mata nya yung lungkot  

mula ng matapos silang mag usap ni Ronby,

"Andy, you are mine?" malambing na tanong nya.  

"Yeah! Of course ....." tugon ko.  

Mayamaya ay natahimik sya,at ramdam ko yung paghinga nya mabigat...nagpipigil na naman syang

umiyak/

"kapag kaya mo ng ikwento sa akin...makikinig ako,gusto ko share tayo sa problema...para magaan  

sya...." Sabi ko sabay halik sa noo nya  

"ayoko ng bumalik ng dorm.....titira muna ako kay Ate Chase...di ko muna gustong makita si Ronby..."

garalgal na yung boses nya

"tahan na....mamalat boses mo kakaiyak....kung iyan yung gusto mo,ihahatid kita sa kanya  

bukas....papakuha natin yung gamit mo sa yaya ko..." sabi ko

"ikaw san ka didiretso bukas?" tanong nya habang nakasiksik sa katawan ko.

"uhmm....nakakuha na kase ako ng unit sa condo nina Tan...ayaw na ni Kuya na magdorm ako,kung gusto  

mo sa akin ka na muna tumira?" sabi ko hahaha pabor sakin yun.maalagaan ko sya at parati ko syang

kasama  

"ayoko baka rape-in mo ko...." Sabi nya na natatawa ng mahina  

"ikaw nga tong matindi ang pagnanasa sa akin makapasa ka ng trabaho mo ah...." Pang aasar ko,ayy!!!!

Shemmayyy kinurot na naman nya ko  

"awww!!!!!! S-sorry na....di na...." pagmamakaawa ko, grabe sakit!  

"asar ka!"

Kinabukasan,

Sina Dom,Tan,Anderson at Cortez yung magkakasama sa van papauwi ng Maynila, kami naman ni Russell  

yung magkasama sa kotse ko.

"nagbago ka na naman ng kotse mo?" tanong nya nung inaalalayan ko syang sumakay sa passenger's

seat sa harap,

"ah...oo kase regalo sa akin ni kuya Adam nitong Birthday ko...yung Carrera GT ko nasa kanya na... "

sagot ko,pagkasakay nya binaba ko na yung pintuan ng kotse ko, ang gamit ko kase ngayon yung  

Aventador Lamborghini na kulay Green.

Pagkapasok sa driver's seat,habang ini-start ko yung kotse ay nakakunot noo syang nakatingin sa akin

"Bakit?" tanong ko kaya hinugot ko ulit yung susi at humarap ako sa kanya

"Birthday mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang sama mo!" halatang inis na sya sa akin

"That was the time na nasa Botanical Garden tayo....nareceived ko nga yung birthday wish ko nun  

eh...and that was you told me that you love me...." Nakangiting kong sabi.

Russell's POV

"additional gift ko na lang pala sayo...." Sabi ko at sabay kabig ko sa batok nya papunta sa akin. Hinalikan  

ko sya at tumugon naman sya, shemay! Nakakaadict syang halikan...nang magkahiwalay yung labi  

namin...

"birthday ko pala ulit sa makalawa....walang advance gift?" tanong nya hay! Ang kulit

"pasalvage kaya kita that day?" natatawang tanong ko, grabe ang cute ng facial expression nya....

"wala na pala...." At saka nya ini start yung kotse at lumarga na kami.

Nang bandang 2pm nakarating kami kina Ate chase...20 minutes din ang layo nito sa school pero okay  

lang bumiyahe papuntang school kaysa nasa dorm ako di pa ako handang makita at makausap ulit si  

Ronby, subdivision tong bahay ni Ate Chase kaya medyo komportable at saka mag isa lang syang  

nakatira dito at okay lang daw na dun muna ako sa kanya, natanaw ko na si Ate na nakatayo na sa gate  

ng bahay nya. Kaya humawak ako sa braso ni Andy habang nagmamaneho sya at sobrang excited akong  

makita ulit si Ate,

"baby....parada mo malapit sa babae sa harap ng pink gate..." excited kong pagkakasabi, parang

natameme tong isang to at tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti sya ng sobrang lapad.

"you called me baby...." Masaya at parang ewan na tanong ni Andy habang pinapark sa gilid yung kotse  

nya.

"bakit may tumatawag pa bang iba sayo nun? Ei iibahin ko na lang pala...ala nga naman magpatalo ko  

dun! Ano MAHAL????" sarcastic kong tanong sa kanya at natatawa sya. Di ko na sya inintay na

pagbuksan ako bumababa na ako mag isa at madaling pumunta kay Ate at yinakap sya sobrang namiss

ko sya....parang natuod sya sa nakita nya kaya sinundan ko ng tingin yung tinitingnan nya...si Andy yung

tinitingnan nya,

"ah! Ate chase...si Andy...Andy si Ate Chase..." nginitian ni Andy si Ate chase,si Ate naman lalong  

natulala...kaya siniko ko sya ng mahina  

"a-e hello Andy...." Sabi ni Ate na nahihiyang ngumiti  

"Hi...." Tugon ni Andy na nakangiti

Humarap sa akin si Ate at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at mahinang winagwag ako

"shit! Kaya ka naman pala na inlove ka dito kase ang GANDA nya!!!!" naivoice out nya malakas yun at

pagtingin ko kay Andy parang nahiya sya sa narinig kay Ate chase na maganda sya.

Nagyaya si Ate na pumasok muna sa loob ng bahay nya si Andy pero tumanggi sya dahil nag aayos na  

daw sina Dom sa condo nya baka kapag wala pa sya dun ng 30minutes eh magbasag na si Dom ng mga  

gamit nya, naunang pumasok si ate at naiwan kami ni Andy sa labas sa gilid ng kotse nya

"alis na ko...yung mga damit mo dadalin ko na lang mamayang gabi dito...kain ka sa oras huh?" sabi nya  

habang hawak yung isang kamay ko at tumango ako...hala di pa man din sya umaalis namimiss ko na sya  

"ingat sa pagdadrive huh?"  

"yes! Ma'am!......" sabay kiss nya sa pisngi ko bago tuluyang sumakay ng kotse nya at umalis.

Andy's POV  

Habang nagdadrive ako papauwi ng condo ko,nagring yung Phone ko, nang tapunan ko ng tingin iyon,  

pangalan ni Kuya yung nagregister na caller sa screen.mabilis kong kinabit yung headset sa phone ko.

"Kuya!...." masayang tawag ko  

"wow! Bago yan ah.....ang saya ng mood natin ngayon ...kamusta?"tanong nya mula sa kabilang line  

"uhmm...just happy.." natutuwang sabi ko  

"wait....kayo na?" tanong nya, alam nya yung about kay Russell....baliw kase tong si Dominique eh! Nung

one time na nagskype kami ni kuya,tong si Dominique namulutan yata ng parrots nuknukan ng  

kadaldalan...ibinuko ako kay kuya na tinamaan daw ako sa isang babae...nung una shocks si kuya at  

medyo naiinis pero kalaunan naintindihan nya din ako...kung si Russell lang daw yung makapagpapasaya  

sa akin ay tanggap na nya...deserve ko rin daw ang sumaya na hindi nila kayang ibigay sa akin...kaya  

mahal ko tong si Kuya very supportive

"ah! Eh! Oo kuya....she love me too..." masayang sabi ko

"naku! Andrea baka mamaya mas maganda pa yan sa girlfriend ko! Masasabunutan talaga kita!" biro ni  

kuya  

"oo na!" pagsasakay ko na lang sa sinabi nya kase hindi ko maiipapangako sa kanya na hindi maganda

yung Girlfriend ko..hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang girlfriend ko na sya...

"good!"  

sabi ni kuya

"wag mo na lang kaya isama kapag pinakilala ko sayo si Russell para di magsuicide dahil mauungusan sya  

ng Baby ko hahahaha"  

pagyayabang ko  

"unggoy ka talaga Andy! "  

natatawang sabi ni Kuya. "sige na...pupuntahan ko pa si papa sa office

nya....miss ka na daw nya at ingat ka daw palagi dyan...I love you...."  

Sabi nya  

"yeah! Kayo din...I miss you both bye.."  

Pagkarating ko sa Condo ko...nag aayos parin si Dom kasama nya si Trixie yung co-model nya.  

"where have you been young lady?"  

pagtataray ni Dom,kase wala na syang pahinga dahil sa akin, galing

biyahe at sya din nag alaga kay Russell

"hinatid ko pa si Russel sa kaibigan nya....ayaw na nyang magdorm kase di pa sya handang kausapin si  

Ronby....."  

sagot ko habang pabagsak na upo sa sofa.kapagod! "hi trix!"  

bati ko kay Trixie  

"hello brat"  

tugon nya habang busy maglagay ng kurtina sa bintana.  

"Ronby wants to defeat me...well sad to say, GOODLUCK TO HER!!! "  

sabi ni Dom habang ngingiti

ngiti,alam kong may tensyon sa pagitan nila ni Ronby,minsan lang magalit tong babaeng to pero wagas  

kapag nasaktuhan mo yung topak nya kase BENGGA KA!!!  

Napabuntong hininga ako bago ako tumayo sa sofa at saka tumulong sa kanila.

Kinabukasan  

Sinundo ko si Russell sa bahay ni ate chase,nakokonsensya nga ako kase sina Dom at Trixie yung  

naghatid ng mga damit ni Russell sa tinutuluyan nya dahil nakatulog ako ng maaga sa pagod.pagkarating  

namin ng school sinamahan ko sya hanggang sa locker nya para ilagay yung mga books nya,actually ako  

yung nagbuhat lahat ang dami...di ko sya hinayaang magbuhat nun kase kagagaling lang nya sa sakit.  

Pagkabukas ko ng locker nya,tumapon sa paanan ko lahat ng love letters galing sa loob ng locker nya..

Napakunot ang noo ko sa inis! Laslasin ko leeg ng nagpapadala nito sa kanya eh/  

"para saan yang ganyang expression?"  

tanong nya sa akin habang pinag aaralan nya yung mukha ko  

"it's nothing...."sagot ko  

"nagsisinungaling ka..."  

"fine! Parating nangyayare to?"  

sabi ko sabay turo sa mga letters na nalaglag sa paanan ko  

"ou eh...ahmmm! Para mahinto yan...punta ka sa PE namin mamayang 1pm...."  

Sabi nya na nakangiti at

tumango ako....kainis magpulot ng mga ganitong kalat, lahat ng iyon nilagay ko sa bag ko.pagkatapos  

hinatid ko na sya sa first period nya at ako naman nagtungo sa gym kase may practice kami.

Pagdating ko sa volleyball court,yun kase yung PE ngayon ni Russell,volleyball. Nang makita nya ko  

kumaway sya at ngumiti ako, lahat ng classmate nya nakatingin sa akin at.....makakaway din wagas at  

nakita kong napataas yung kilay ng Baby ko sa mga classmate nya cute!!! Nung magstart na yung  

particum nila, ewan! Kinilig yung puso ko sa nakita kong nakaprint sa block tshirt ni Russell,

Ang nakalagay lang naman!

"NOT SINGLE ANYMORE"  

sa harap ng tshirt at sa likod "MY HEART STOLE BY THE REBEL"

Napangiti ako....ang saya sa feelings. Pagkatapos ng PE class nila,pawisang lumapit sa akin si  

Russell...gosh lakas ng dating...kahit pawisan na maganda pain.

"Andy...sa labas mo na lang ako intayin....may pinapagawa pa si Ma'am sa akin...."  

Sabi nya at tumango  

ako,

Bumili ako ng bottled water para sa kanya kaso natanaw ko si Ronby na pinipilit si Russell,kalmante  

akong lumapit sa kanya/

"trip mong mag usap tayong tatlo? Wag dito..sa parking lot tayo!"  

sabi ko na nagpipigil ng inis sa  

kanya..kinuha ko yung gamit ni Russell at hinawakan ko yung kamay niya, may usapan kami na kapag  

ako ang pinili ni Russell ipaglalaban ko sya...well ginagaw ko na yung nararapati gave her the chance na  

makausap nya si Russell sa resort ....ngayon magdadamot na ako!

................................................................................................................................................................................./

Yung eksenang iniooffer sakin ng bestfriend ko na i-drawing yung dream house ko tapos sinabi kong  

lagyan nya ng mini bar sa first floor at super ganado syang ginagawa at pagkakita mo sa final design  

walang mini bar instead breakfast counter yung nilagay nya....dahilan nya willing syang sunduin ako kung  

magbabar ako sa future...eh! Kung nuclear station na lang kaya ilagay nya dun kesa ayaw naman nya  

lagyan ng mini bar...asar!

Thaks for reading and please vote/

Continue Reading